You are on page 1of 155

Art of Assassination Trilogy #2: Vengeance

by JhasMean_

After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek
vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to
her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all
suffer?

=================

Art of Assassination Trilogy: Vengeance

After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek
vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to
her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all
suffer?

After two years of suffering, Craig finally know how to avenge the death of
Mikayla. One by one he'll bring DIAMONDS down. One by one with the help of Black
Rose.

They're seeking a new truth. A truth that lies behind all the betrayals in their
life.

"Just seatback, relax and get ready to be killed." -X

Art of Assassination Trilogy: Vengeance.

Characters:

Maggie Q as Xiara Mikayla Aranzamendez aka X

Shane West as Craig Michael Ybañez

Devon Sawa as Sef Martin Keynes

Teresa Palmer as Jasmine Sophia Andrews aka Snow

Lyndsay Fonseca as Samantha Morneau aka Glacee

Mila Jovovich as Barbara Elysse Ayesha Uvalles aka Beau

Dan Hill as Eron Roncesvalles

Started: September 10, 2014

Finished: ------------------------

=================
Prologue: Bewildering.

JhasMean: Ito na po. Dapat ay hindi ko pa siya ipopost pero hindi ako nakatiis.
Madaming ng nagtatanong. At kapag hindi ko siya pinost ay baga hindi na magkaron pa
ng second book ang AoA. Hahahaha! Kasalukuyan po itong ON-HOLD! Since may dalawa pa
akong On-going stories. Kapag natapos ko na iyong dalawa at natapos ko na ding i-
edit ang Book 1 nito, saka ko siya sisimulan.

MARAMING SALAMAT SA MGA NAGHINTAY! :)

Art of Assassination: Vengeance.

Prologue: Bewildering.

Napapitlag ako nang biglang nag-ring ang telepono 'ko, tinignan 'ko kung sino ang
tumawag at hindi nga ako nagkakamali.

"Hello." Malamig na bungad 'ko sa kanya.

"Margarette, let's talk, hindi mo kasi naiintind-"

"anong hindi ko naiintindihan doon, Marcelo? May balak kang patayin kami. Malinaw
'yon."Pagputol 'ko sa eksplenasyon niya na alam 'ko nama'y isang kasinungalingan
lang.

"Hindi, Margarette. Just let me explain first, I wa---"


"Aalis na kami. Pupunta kami sa lugar na hindi mo na kami makikita at magagalaw
pa!" desidido kong sabi. Narinig ko naming parang humikbi siya sa kabilang linya.

"How about my daughter? I need to see her. Anak ko ang inilalayo mo sakin,
Garette!" at doon na ako nag-panic.

"I won't give her to you, Marcelo! I'll protect her from you!"

"Protect her? From me? I wou-"

"If you kill me, Beatrice and Drino are always there, they promised to protect us,
to protect my daughter."

"No, you totally don't understand everything, mali ang lahat ng iniisip mo, hindi
ako ang masama dito Garette, pinoprotektahan ko lang kayo. Making ka naman sakin.
Pupunta ako diyan, mag-eexplain ako, and I'll make up to you, please."

"No!"

"No, do-" I ended the line before he finishes what he's about to say.

Bumuntong hininga ako at mariin na pumikit. Ilang saglit akong nanatili sa pwesto
ko at saka kumilos. Pumunta ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Naglagay
ako ng ilang baril sa bag at holster ko bago pumunta sa kwarto ni Xiara kung saan
ko siya iniwang naglalaro.

Napatigil ako sa tapat ng pinto nang makita ko ang anak ko na masayang naglalaro sa
kama. Masaya, inosente, walang problema. Gusto kong umiyak dahil alam kong hindi
din magtatagal ay babawiin ko ang lahat ng iyon sa'kanya. Magulo ang buhay. Magulo
ang buhay namin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng muling tumunog ang telepono ko athalos
tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita kung sino ang tumatawag. Si Medrino
lang pala.

"Drino... Yes, he called... Beatrice? Yeah, i talked to her, and if something


happens to me, she'll come and save Xiara..." sagot ko nang tanungin niya kung
tumawag ba si

Marcelo at kung nakausap ko na daw ba si Beatrice. Si Beatrice, siya ang susundo


samin ngayon ni Xiara at itatakas niya kami sa lugar na ito.

"Good. Just tell me when you need me, pupuntahan ko kayo diyan. Delikado kung
kayong dalawa lang. Para maprotektahan ko na din kayo."

"You don't have to, malaki na ang naitulong mo sakin... I will... Alam ko namang
andiyan ka kapag kailangan ko ng tulong. You're diamond right? You're a diamond na
kahit gaano pa man kadilim ang lugar na dinadaanan ko... Makakakita at bibigyan mo
pa din ako ng ilaw.. And thanks for everything." Saad ko sa kanya. Totoo naman.
Masyado na siyang madaming naitulong.

Matapos ang ilang saglit ay nagpaalam na din siya sakin. Ibinaba ko ang telepono at
naupo. Napapikit ako at bumuntong hininga. Nang kumalma na ako ay minulat ko ang
aking mga mata at tumayo, nagsimula akong kumilos nang may isang salitang umiikot
sa isip ko. Ang tumakas. Kailangan kong makaalis dito sa lugar na ito. Kailangan na
naming makaalis dito. Hindi kami ligtas dito, mapapahamak lang ako at si Xiara.

Unti unting nawawarak ang puso ko sa bawat tanong sa'kin ng anak ko. Wala akong
maisagot. Hindi ko masabi sa'kanya ang totoo dahil hindi pa ito ang tamang panahon
at hindi pa niya ito maiintindihan. Matagal pa bago niya maintindihan ang lahat.
Hinalikan ko siya sa noo at hinawakan ang kanyang mga pisngi, "Basta Xiara, sumunod
ka na lang kay mama, okay? We have to leave this place."

Walang kamuwang muwang na tumango ito at isinuot ang jacket na binigay ko sa kanya,
palabas pa lang kami ng kwarto nang may pumutok na baril sa labas.

"Mama!"

Agad na niyakap ako ng anak ko at mahigpit na kumapit sakin. Mahigpit ko din siyang
niyakap at muling hinalikan sa noo. Nandiyan na siya. Lumuhod ako sa lapag at
ipinantay ang tingin ko sa anak ko.

"Xiara, making ka kay mama... Wag kang gagawa ng kahit anong ingay, okay? Lalabas
ako."

"But..."

"No but's. Just do as I say."

Pinapasok ko si Xiara sa loob ng closet at pinatago doon.


"Xiara, hold this, if someone comes in just pull the trigger and run as fast as you
can, you understand?" tumango ito at mahigpit na hinawakan yung baril. Stun gun
lamang ang ibinigay ko at saka ko ginulo ang buhok niya. "That's my good girl."
Ngumiti ako at tumayo, I told her I love her and walked out of the room.

Kinasa ko ang hawak kong baril at dahan dahang naglakad palabas, sumilip lang ako
at nakita kong nakabukas na ang pinto. Pero... nasaan na siya. Bago ko pa man
masagot ang tanong ko ay may malamig na metal ang dumampi sa pisngi ko. Lumingon
ako para Makita kung sino iyon, nanlaki ang mga mata ko at takot ang bumalot sa
buong katawan ko.

"W-wag." tanging nasabi ko na lang at saka umiyak.

Ngumisi lang siya akin.

"Good-bye, Garette." Malamig niyang sabi. Huli na bago ko siya mapigilan, dahil
isang malamig na metal ang naramdaman 'kong tumusok sa dibdib 'ko.

Xiara, Mag-iingat ka.

=================
I. Later

JhasMean: Late christmas gift. Hahaha! Slow update 'to, guys dahil isasabay ko ang
pag-edit ko sa Book 1: Unveil dito at edit din ng BLA3 at update ng BLA5 at ng
Invisible. Hahaha! Pero promise ay mag-U-Update ako dito. And ang update nito ay
nakabase sa mga binago at babaguhin ko sa Book 1: Unveil - dahil sabi ko nga in-
edit ko siya. Ipopost ko din naman yung edited version kaya no worries. Thanks for
waiting. Read and Enjoy!!!!!

Chapter 1

"Nakuha mo na?" Tanong ko kay Sef sa kabilang linya habang papaalis ako sa bar na
pinuntahan ko. May ilang bagay akong tinrabaho dito.

"Oo. Two hundred fifty thousand pesos. Gaya ng pinag-usapan."

"Good. Paalis na ako. Tapos na din ako."

Bago ako tuluyang nakaalis ng bar ay nakarinig pa ako ng komosyon sa isang parte
nito.

"Oh my, God! Call an ambulance! He's dead! He's dead!" Sigaw ng isang babae,
napangisi ako at palihim na naglakad palabas nito.
Sumakay ako ng aking sasakyan at nagmaneho sa lugar kung saan kami magkikita ni
Sef, nang makita ko siya ay agad na sumakay siya sa passenger seat at nilagay sa
backseat ang bag na naglalaman ng perang binayad samin para patayin si Louie
Gamboa.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya, basta ang alam ko lang ay kailangan ko siyang
patayin.

Sa loob ng halos dalawang taon ay ganito na ang trabaho ko. Pumapatay

ng iba't ibang tao, araw araw ay iba. Araw araw din ay nagkakaron ako ng pera mula
dito.

Si Sef ang tumutulong sa'kin sa bawat misyon, siya ang kumukuha ng kliyente at
humarap sa mga ito.

"Sapat na ba 'yan?" Tanong niya habang nakatingin kami parehas sa daan.

"Oo. Ngayon kailangan naman natin paghandaan si Sven Montemayor."

"Are you sure about this?" Seryosong tanong niya. Ngumisi ako at tinapakan ang
break nang mag-red na ang traffic lights.

"Two years is enough preparation, Sef. And two years is enough for them to ready
themselves to die. Now is the time. The right time."
Dalawang taon akong nagtago. Naghanap ng kakampi, ng mga makakatulong sa'kin para
pagbayarin ang mga taong pumatay sa Nanay ko at kay Medrino.

Isa isa ko silang hahanapin at tatapusin, hanggang si Marcelo na lang ang nag-iisa.
Siya ang ihuhuli ko. Tatapusin at sisirain ko silang lahat.

Wala ng muwang pa ang pagpapatawad sa mundo. Ang pagpapatawad ay negosasyon na nila


ng Diyos, at ang trabaho ko ay itakda ang pagkikita nila.

"I'll contact Thanatos, sasabihin kong babalik na tayo ng Pilipinas." Sambit ni


Sef, tumango ako at ngumisi.

Let's start this game, Diamonds.

Jasmine Sophia Andrews

Umiiling na pinanood ko si Samantha na nakikipaghalikan sa isang kaklase namin


ngayon dito sa classroom. Dalawang taon na

ang nakalipas pero may mga bagay talagang hindi nagbabago.


"Hey, beautiful." Bungad sa akin ni Kein at inabutan ako ng isa, dalawa... Pitong
santan flower.

"Really, santan?" Natatawang tanong ko dito habang nilalagay ang santan sa bag ko.

College na kami at parehas kami ng kinuhang kurso ni Kein -- si Samantha na din na


kinuha lang naman ito dahil sinabihan siya nila Beau. BS Political Science ang
kurso namin at sa isang prestihiyosong unibersidad ng Pilipinas kami nag-aaral.

Dumako muli ang paningin ko kay Samantha. She was eyeing me na para bang may
sinesenyas siya pero paano ko naman ito maiintindihan kung habang ginagawa niya
iyon ay nakikipaghalikan pa din siya kay Andrew Montemayor. Nakakunot lang nook o
at pilit na iniintindi ang gusto niyang iparating habang umaarteng nakikinig sa
kinukwento sa akin ni Kein.

'Table'She mouthed ng bigyang pansin naman ni Andrew ang leeg niya. Naalerto ako sa
kanyang sinabi at mabilis na kumilos. Nagpaalam ako kay Kein na pupunta muna ako ng
restroom. Naglakad ako papunta sa pwesto nila Sam - nakaupo sila sa likod na parte
ng classroom - at pasimpleng kinuha ang cellphoneat itim na planner ni Andrew sa
ibabaw ng lamesa niya. I winked at Sam tapos ay lumabas na ng classroom. Dumiretso
ako sa rooftop at mabilis na kinalas ang cellphone ni Andrew at pagdating ko sa
rooftop ay inangat ko ang palda ko. May kinuha akong maliit na

box sa holster ko at nilabas ang isang tracking chip doon, kinabit ko iyon sa
baterya ng cellphone ni Andrew at muling inayos ang pagkakakabit ng phone.
Narinig kong may nagbukas ng pinto papasok dito sa rooftop. Si Sam siguro. "Bakit
ka pa sumunod? Tapos na ako dito. I-aactivate ko na lang." Saad ko sa kanya habang
may kinakalikot sa phone ko para ma-deactivate na ang tracking device sa phone ni
Andrew. "Peor hindi ko pa naman nakukuhanan ng litrato itong planner. Ikaw na
lang." Nag-angat ako ng tingin at hinagis kay Sam ang planner ni Andrew pero laking
gulat ko na lang na ibang tao ang sumalo dito.

"Anong tracking device, Jasmine?" Gulong gulong tanong sa akin ni Kein at binuksan
ang planner ni Andrew. Hindi ako nakaimik at pinanood siyang basahin ang mga
nakasulat doon. "What is this, Jasmine?" tanong niya gamit ang galit na tono, bakas
din sa mata niya ang pagkalito at galit. Gulong gulo ang emosyon sa mata niya at
hindi ako makapagsalita para makapagpaliwanag sa kanya.

Kagat-kagat ang ibabang labi ay tinahak naming ni Sam ang headquarters ng Black
Rose. Ng tanungin ako ni Kein tungkol sa mga nabasa at nakita niya ay biglang
dumating si Sam. I asked for her help at ang tulong na ginawa niya ay binaril ng
stun gun si Kein tapos ay tinawagan si Kuya Craig.

Malungkot na pinanood ko si Kuya Craig na akay ang wala pa ding malay na si Kein.
Pumayat si Kuya, may facial hair na din siya ngayon, sobrang kapal na nito at ibang
iba na ang itsura

niya, he also has dark circles in his cold eyes. Ibang iba sa Kuya Craig dati. He's
still depress because of Ate Mikayla's death.

If only I could tell him the truth.

"Ate," naluluhang tawag k okay Ate Mikayla. Nasa isang hotel kami ngayon -
makalipas kasi ang ilang araw simula ng malaman kong buhay pa siya ay tinanong ko
kung pwede kaming magkita, pumayag naman siya dito pero ipinapangako muna niya ako
na ako lang mag-isa ang pupunta at wala akong ibang sasabihan na buhay pa siya.
"How... Why didn't you tell us that you survived? Kuya Craig's de-"
"I have to. Listen, Jasmine, may importante akong sasabihin sa'yo, at sa'yo ko lang
ito pwedeng ipaalam." Kumunot ang noo ko at hinintay siyang magsalita. "I need you
to spy on me. Ikaw lang ang may access sa Black Rose pati na din sa Chevalier. I
didn't contact you for nothing. Kailangan kita."

That's the last time I talked - personally - with Ate Mikayla. Two years na ang
nakalipas. At ang huling beses na nakausap ko siya sa telepono ay nasa Amsterdam
daw siya.May tinanong lang siyang impormasyon kay Sven Montemayor - na
coincidentally ay siyang misyon namin ni Sam.

Sven Montemayor is one of the members of DIAMONDS. The same group kung saan nandon
din si Marcello. Kinuha namin ang cellphone ni Andrew Montemayos kanina ay dahil sa
nalaman naming may

kinalaman din siya sa iilang negotiations ni Sven - Andrew is Sven's younger


brother. Ngayon lang naming sinisimulan ang pagpapabagsak sa DIAMONDS ay dahil sa
hindi naging madali ang hanapan sila ng butas. Walang kahit anong dumi ang makikita
sa record nila, tapos ay nagkaproblema pa sa Black Rose. Beau's mother - Beatrice -
went missing at hanggang ngayon ay hindi pa naming ito nahahanap, kaya nahati ang
trabaho ng Black Rose.

Pumasok kami sa parehas na kwartong kinalagyan ko noon ng unang makapunta ako dito
sa Black Rose, at gaya ko ay ginapos din nila ang kamay at paa ni Kein sa higaan.
Gusto kong lapitan si Kein at alisin ang mga posas na kinabit sa kanya pero hindi
ko magawa. Napakatanga ng ginawa ko. Nalagay ko sa isang hindi magandang sitwasyon
si Kein ngayon ay hindi ako sigurado kung anong mangyayari sa kanya at kung paano
ko siya maaalis dito.

"Kuya, anong mangyayari?" Bumaling sa akin si Kuya Craig, he's weary and cold eyes
pierce through my soul. Nanghina ang buong sistema ko sa uri ng pagtingin niya.
Katulad ito ng kay Beau, parang walang buhay. Nakakatakot. Nagkibit balikat sa akin
si Kuya at naupo sa sofa sa tabi ni Sam - \Sam is busy checking her nails - how can
she be calm? Kinagat ko na lang ang daliri ko at naglakad pabalik balik habang
hinihintay si Beau, may tumawag na ditong isa pang agent ngunit may ginagawa daw
ito kaya matatagalan ang pagdating niya. I kept gazing at Kein's place, wala pa din
itong

malay kaya mas lalo akong nag-alala. "Kuya, wala ka bang pakielam sa kung anong
pwedeng mangyari kay Kein. He is your brother," hysterical na sigaw ko. Kinakabahan
na ako at hindi ko kayang basahin ang posibleng gawin ni Beau kay Kein.

Bago pa makapagsalita si Kuya ay umungol si Kein sa pwesto niya. He's awake.


Mabilis na naglakad papunta sa tabi niya, he opened his eyes. Punong puno pa din ng
pagtataka ang mata niya gaya ng kanina.

"Where am I?" Sinubukan niyang bumangon pero dahil sa posas na nag-gagapos sa kanya
sa kama ay hindi niya iyon nagawa. "What the hell is this?"

Bago ko pa masagot si Kein ay pumasok na si Beau sa kwarto, kasama niya si Starr.


May dalawa ding nakasunod sa kanya, isang lalaki at babae. Base sa tingin ko ay
magkasing-edad lang kami nito. Kumakain ng ice cream 'yung babae na naka-pigtails,
kulay blonde ang buhok niya at nakasuot siya ng kulay pink na dress. 'Yung lalaki
naming ay gulo gulo ang buhok, he has this dark aura, ang damit din niya ay wala sa
ayos, hindi maayos ang pagkakakabit ng butones at mukhang bored na bored siya sa
paligid. Tumingin siya sa akin, binigyan niya lang ako ng isang matalim na tingin
tapos ay bumaling sa babaeng naka-pigtails, inakbayan niya ito at may binulong na
ikinatawa naman nito.

"What is the problem now?" Malamig na tanong ni Beau. Si Sam na ang sumagot sa
kanya dahil ang buong atensyon ko'y na kay Kein lang na gulong gulo sa nangyayari.
He also saw Kuya

Craig, nagtanong siya kung bakit nandito si Kuya pero hindi ko na ito nagawang
sagutin pa dahil hindi ko alam kung paano sisimulang magpaliwanag sa kanya.
Nakinig ako sa usapan ni Sam, Kuya at Beau. They're taking about how to handle
Kein. Kung paano nila maayos ang gulong nagawa ko. Walang alam si Kein sa ginagawa
namin and this is supposed to be a secret pero dahil sa pagkakamali ko ay nalaman
ni Kein ang tungkol dito. Nagbigay ng suhestiyon si Beau kung paano mapapanatiling
sikreto ito, at halos manginig ako sa sinabi niya. She wants to dispatch Kein. Ang
solusyong sinasabi niya ay ang patayin ito.

"You... you can't kill him," sigaw ko, hinawakan ko ang kamay ni Kein as f trying
to protect him. Nagkibit balikat sa akin si Sam at muling naupo sa sofa. Si Kuya
Craig naman ay wala pa ding kahit emosyong makikita, the blonde woman looked
excited by what I said, and the bored man gave me an evil smirk.

"So what are you suggesting? Hayaan nating siyang makaalis habang may hawak-hawak
na impormasyon tungkol sa atin?" Umiling ako at nag-isip ng maidadahilan at halos
mapatalon ako ng maalala ko ang isang bagay tungkol kay Kein na posibleng makapag-
ligtas sa kanya.

"We can use him." Kinakabahang saad ko. Tumaas ang kilay ni Beau, si Kein naman ay
nagtanong dahil sa sinabi ko but I didn't answer him. "We can use him. He's good at
hacking. He hacked our school's system. Vector Castellar's system."

Napatitig silang lahat sa amin ni Kein. I had trouble breathing dahil hindi ko alam
kung anong umiikot sa isip ni Beau. Kung tatanggapin niya ba ang sinabi ko o hindi.
Pero sana ay oo. At hindi naman ako nabigo doon. Tumango si Beau at sinabihan
kaming sumunod sa kanyang opisina bago umalis. Nagpaiwan muna ako at hinarap si
Kein.

"Will you fucking explain any of this, Jasmine?" Inalis ko ang hairpin sa buhok ko
at kinalas ang posas sa dalawang paa niya tapos sa isa niyang kamay para hindi siya
makatakas.
"I will, but you first have to wait for me here. I'll explain everything to you
later." Dinampian ko ng magaang halik ang gilid ng kanyang labi tapos ay umalis na
ng kwartong iyon.

=================

II. Killed

Chapter 2

Jasmine Sophia Andrews

Nagtungo na ako sa opisina nila Beau at pagdating ko doon ay lahat sila ay


nakapwesto na sa mahabang lamesa, nakaupo si Beau sa dulo nito at sa kabilang dulo
naman ay nandon si Starr, iyong dalawang kasama nila kanina ay nanatiling
nakapwesto sa likod ni Starr.

"About kay k-" pinutol ni Beau ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng pagtaas ng


kanyang kaliwang kamay.

"We have more important things than that. The other roses can handle it. Nasabihan
ko na sila." Anong ibig niyang sabihin? Nag-usap na ba sila bago pa ako makarating
dito? Anong sinabi niya? Anong gagawin nila? "I will not kill him, Snow. If he's
able to hack my brother's system then he must be good. Now sit." Gusto kong
pumrotesta ngunit sa huli ay ginawa ko din ang inuutos niya.

Nagsimula ng magsalita si Starr tungkol kay Sven Montemayor. Noong una ay naguluhan
pa ako ngunit ng tumagal ay napagtanto ko din kung bakit namin ito pinag-uusapan.

This is the right time.


"BHO promised to help us. Pinadala na ni Poseidon ang mga kakailanganin natin sa
misyon na ito. Every gadgets we need from the enhanced suit they made to the most
powerful firearms they have."

Black heart organization is one of Black rose's ally. Nalaman ko lang ito noong
isang taon ng tulungan nila kami sa pagkawala ng Ina nila Starr. Parehas lang ng
hangarin ang BHO at Black rose, ang kinaibahan lang namin sa kanila ay walang awa
naming kayang pumatay, unlike them na hangga't kaya nilang hindi kumitil ng buhay
ay gagawin nila, na para sa akin ay mahirap na bagay. To cut someone's life is much

easier decision than to spare. It takes courage to spare the life of people you
know have done worse things.

Ipinaliwanag ni Starr ang plano. Alas-dose ng hating-gabi kami susugod sa mansyon


nila Sven gamit ang suit ng BHO na makakatulong sa aming hindi makita ng kahit
sino. Hindi ko maisip kung paano iyon nangyari pero ang paliwanag nila ay kaya
nitong umayon sa environment na pinaroroonan mo. It can camouflage - that's the
exact word Starr said.

Ako, si Sam, Kuya Craig, Beau, Starr at ang dalawang kasama nila - na nalaman kong
Elena at Night ang pangalan - ang pupunta sa misyon na ito. Ang ibang miyembro ay
magiging back up at mata namin habang nasa loob kami ng mansyon.

Madami ang bantay sa mansyon ng mga Montemayor. Kung hindi nasa halos seventy o
eighty ang mga ito. May dalawang entrance bago makapasok sa lupa nila, ang main
entrance ay ang nakikita sa daan sa Tagaytay ang kabila ay mula sa bundok kung saan
nandon ang isang malaking balcony papasok sa bahay ni Sven.

Ako at si Starr ang pupwesto sa likod, we'll use a rapel cord to get there, si Kuya
Craig at Beau sa harap, patutulugin nila ang apat na guard na nagbabantay sa main
entrance ng lupa at magpapalit sa unipormeng suot ng mga ito sa ganon ay magiging
madali sa kanila ang makapasok sa mansyon.

"Paano sila?" Tanong ko habang nakatingin sa babaeng nasa likod ni Starr. Wala
silang nabanggit tungkol kay Elena at Night. Kasama sila sa misyon pero walang
plano para sa kanila.

"They already

know what they have to do."

Hindi na ako nagtanong pang muli at nakinig na lang sa mga plano nila. Tinandaan
kong mabuti ang mga gagawin ko at ng matapos ang pag-uusap namin ay mabilis na
umalis ako ng opisina ni Beau para puntahan si Kein ngunit pagdating ko doon ay
wala na siya.

"Where is he?" Tanong ko kay L at D na siyang sinabihan ni Beau na bantayan si


Kein.

"Nasa gray kasama si Vector," tumango ako sa kanila at tumakbo papuntang gray.

Ang gray ay ang intelligence department ng Black Rose. Why it's called gray? Vector
named it after gray matter - iyon ang bumubuo sa buong utak - saying that calling
it intelligence or experimental department would be too simple. Gusto niya na pag-
iisipan muna kung bakit iyon ang naging tawag doon.

Mula sa malaking glass window kung saan makikita mo ang naglalakihang aparato at
halos sampung computer ay nandon Vector na parang batang pinapakita kay Kein ang
mga gamit niya. Proud was visible in his eyes - who wouldn't? Ang aparatong kagaya
ng ginagamit para sa computer ng PAGASA ay nandito din.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok at tuluyan na lang pumasok sa gray, sa sobrang
seryoso ng pinag-uusapan ni Kein at Vector ay hindi man lang nila napansin ang
presensya ko kaya kinailangan ko pang tumikhim para maagaw ang kanilang pansin.

"Mine," nakangiti na si Kein ng tawagin niya ako. Siguro ay napaliwanag na nila ang
tungkol sa amin. Ang pinagtataka ko lang ay para sa isang taong nalaman na ang
trabaho ng mga taong nakapaligid sa

kanya ay pagpatay, mukhang nagalak pa siya at punung puno ng pag-intindi ang titig
niya.

O baka maaaring iba ang sinabi nila?

"Kein, do you know why I'm here?" Tumango siya at binalik ang tingin sa malaking
monitor sa harap namin.

"You're working for the government, right? Like the FBI and CIA. Why didn't you
tell me? It's something to be ashamed of, Jasmine." Mariing napapikikit ako at
bumuntong hininga. Malawak na ngiti ang gumuhit sa labi nang dumilat ako.

"Yeah. I'm sorry,"

"You don't have to. I understand."

Another lie. Another secret.

Akala ko ay mababawasan ang mga kasinungalingan at sikretong tinatago ko, pero


habang tumatagal ay mas lalo silang dumadami. Hindi ko na makontrol, at sigurado
akong sa dami ng mga bagay na tinatago ko ay mamumulat na lang ako na hindi na pala
totoo ang nasa paligid ko. Wala ng totoo. Lahat ay puro kasinungalingan.

Umalis ako ng black rose at sumabay kay Kuya Craig papuntang Chevalier. Kahit
miyembro na kami ng Black Rose ay nanatili pa din kaming miyembro ng Chevalier. You
can call us doublee agent, pero hindi naman kami double agent. Ang commitment pa
din namin ay sa Black Rose. At kaya ako nanatili sa Dark Chevalier ay dahil sa mas
madaling palihim na makipag-usap kay ate Mikayla dito. Kabisado ko ang system at
madali para sa akin ang hindi ma-trace, hindi katulad sa Black Rose. Hamak na mas
magaling si Vector kumpara sa humahawak ng system namin. Hindi sa minamaliit ko ang
Chevalier, pero sa tinagal ko na

dito ay kabisado ko na ang system, ang bawat butas na maaari kong lusutan dito.

"I haven't seen you in weeks." Puna ni Eron habang nasa laboratory kami at may ino-
autopsy na katawan. It's woman, she's in her late forties at nakita na lang itong
patay sa kwarto niya with no sign of any intrusion.

It's obvious. Whoever killed her, kilala niya ito.

Sinara na namin ang katawan ng babae dahil wala namang kakaibang nandon. Bukod sa
liquid sample na galing sa kanyang stomach na ngayo'y pinag-aaralan na ng iba
naming kasamahan.

"Busy lang. Uhm, Eron, diba ang sabi mo ay ex-fiancee mo ang kapatid ni Vector?"
Nagtangis siya ng bagang ngunit nakangiti pa din ng humarap sa akin.

"Yeah. What about her?"

"Bakit hindi natuloy ang kasal niyo?"

"She died. Ang eroplanong sinasakyan niya ay sumabog." Inayos na niya ang mga gamit
namin.

"What's her name?"

"Ellyse Castellar,"

Tama nga. Si Beau nga iyon. Iba lang ang apelido. Because Beau's real name was
Barbara Ellyse A. Uvalles. Uvalles ang apelido nila. Ginagamit lang nila ang
Castellar upang itago ang totoo nilang katauhan.

But she didn't die. She's very much alive.

I wanted to tell. Pero hindi pwede. Ano kayang dahilan ni Beau kung bakit niya
kailangang iwan si Eron? Is it to protect him? Or to protect herself?

Pumunta na ako sa opisina ko at ni-lock ang pinto nito. Kaagad na pumwesto ako sa
harap ng aking desktop at nagtype ng message kay Ate Mikayla. Sinagot naman niya
ang pagtawag ko at nagcall sa akin,

mabilis na sinagot ito at kinamusta siya.

"I'm fine. Listen, Jasmine, I need all new information about Aven Montemayor. Do
you have it?"

"Opo. I'll send it to you. Nasa Pilipinas ka na Ate?" I was hoping na sana ay nasa
Pilipinas na siya. Pero matapos kong ipasa sa kanya ang file na naglalaman ng mga
bagong impormasyong nakuha namin kay Sven ay agad niyang tinapos ang linya at
nakita kong offline na siya.

Inalis ko na ang messenger na kami mismo ni Ate Mikayla ang gumawa at may ginawa sa
desktop upang hindi matrace ng kahit sino na may ganoong klaseng bagay na nag-eexis
sa software ko. I stopped blocking Chevalier's system at bumalik na mula sa kulay
itim na screen na may bungo ang desktop ko sa itim na may puting knight ito.

Lumipas ang ilang araw na hinihintay kong mag-online ulit si Ate at umaasang
makausap ulit siya, pero dumating na ang araw na isasagawa na namin ang planong
pagpatay kay Sven ay kahit isang beses ay hindi ko siya nakausap.
"Sa tingin mo ay kaya natin?" Tanong ko kay Starr habang tinatanaw ang mataas na
bundok. Hindi naman ito kataasan. Galing kami sa dagat at hindi naman iyon ganong
kalayo. Tanaw pa din ang ilaw na nanggagaling sa mansyon ng Montemayor, pero kahit
na ganon ay hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng kaba at takot. Tanging rapel
cord lang ang suporta namin dito. Isang pagkakamali ay posible kaming mamatay.

"Yeah. Let's start. Naghihintay na sa atin si Liana at Night sa taas. Baka tapos na
sila sa dapat nilang gawin doon. Bago ko pa matanong si Starr tungkol sa sinabi
niya ay inasinta na niya ang isang

bato sa taas namin na maaaring kabitan ng rapel. Pinindot niya ang gatilyo at
lumabas doon ang isang tatlong patusok na bagay na kumapit sa bato. Nang makita
niyang matibay ito ay pinulupot niya sa katawan niya ang cord at nagsimulang
umakyat. Ganon din ang ginawa ko, humanap ako ng batong maaaring pagkapitan nito at
ng masiguradong matibay iyon ay kinabit ko na ito sa aking bewang at umakyat. May
gamit kaming isang patalim na siyang gagamitin naming pangkapit sa bato. Habang
umaakyat ay may sinabi si Starr kay Vector gamit ang listening device niya at bigla
ko na lang siyang hindi nakita. Laking gulat ko na lang din ng makita ko ang kamay
kong naging kakulay na ng bato, hindi lang naging kakulay, parang naging ito na ang
bato.

So this is what they mean about camouflage. Kaya pala Chameleon Black suit ang
tawag dito ay dahil sa para nga itong chameleon na nagpapalit ng kulay ayon sa
nakapaligid sa kanya.

"This is so cool," utas ko at nagpatuloy sa pag-akyat. Nang marating ko ang pwesto


ng pinagkakabitan ng rapel ay isang malakas na hangin ang halos tumangay sa akin.
Tumingin ako sa itaas at medyo malapit na kami sa mansyon. Inalis ko ang rapel sa
katawan ko. Gamit ang isang kamay ay inalalayan ko ang buong katawan kong manatilng
nakakapit sa patalim na tinusok ko sa bato. Nakaapak lang ako sa dalawang maliit na
batong nakaawang kaya nakakatayo ako ng maayos. I keep reminding myself not to look
down habang muling pinindot ang gatilyo upang kumapit ito sa bato malapit sa
entrance sa likod ng mansyon ng Montemayor.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang muling kinabit ang rapel sa katawan ko and
thank heaven's I didn't fell down. Tumingin ako sa baba. Madilim na ang parteng
iyon, pero kitang kita ko ang malakas na lagaslas ng tubig dahil sa hangin.

Kaunti na lang, Jasmine.


Naunang nakarating si Starr sa itaas kaya Inalalayan pa niya ako upang makaakyat
ako ng maayos. "Hurry. Elena and Night cleaned the area." Bago pa ako makapagtanong
ay hinatak na ako ni Starr papasok sa loob, akala ko nga ay delikado pa ngunit ng
makita ko ang isang mataas na kumpol ng duguang bodyguards ay napagtanto ko na kung
ano ang trabaho nila Elena at Night sa misyon na ito. Ang palaisipan na lang ay
kung paano nila napatumbo ang sangkaterbang ito ng silang dalawa lang?

Nakita ko ang dalawa na nakaupo sa silong ng isang matayog na puno. Kumakain ng


lollipop si Elena habang si Night ay tahimik na pinanonood ito. Who exactly are
they?

"Tapos na ba ang lahat?" Tanong ni Starr sa dalawa na agad tumayo at lumapit dito.

"Oo. Nakapasok na din sila Beau," sagot ni Night na nakapagpangilabot sa buong


katawan ko. Malalim at malamig ang boses niya na para bang punung puno ng
authority. Napahawak ako sa braso ko dahil sa kaba at bigla akong nakaramdam ng
panlalamig.

"Yeah. Let's go. Nandon ang totoo aksyon. Paano niyo ba siya papatayin? I'm
excited." Masiglang tumalon si Elena at pumalakpak pa habang sinasabi iyon.
Nagsimula na kaming pumasok sa loob at pakantang

binibigkas pa ni Elena ang, "let's kill some human." Habang tumatalon.

Bawat palabag ng three-storey mansion na ito ay may bangkay akong makikita. Silang
dalawa din kaya ang gumawa nito?

"Did the two of you do this?" Si Elena ang sumagot sa akin. At mukhang proud na
proud pa siya sa ginawa niya. Hindi na ako nagtanong pang muli at sumunod kila
Starr.

Pagdating sa tapat ng kwarto ni Sven ay naabutan ko si Sam, Kuya Craig at Beau na


nagtatalo.
"What happened?" Masama ang tingin sa amin ni Beau, nilampasan niya kami ni Starr
at tinutukan ng baril si Elena at Night - dalawa ang kanyang hawak na baril.

"I gave you more than a dozen man to kill, haven't you enjoyed it enough?"

Hinarang ni Night ang baril na nakatutok kay Elena na ngayo'y naluluha na. "But we
just did what you told us. Ano bang ibig mong sabihin, Ate Ellyse?" Hindi ko na
hinintay pa ang sagot ni Beau at pumasok ako sa kwarto ni Sven, at takot ang
bumalot sa aking buong sistema nang makita ko si Sven Montemayor na nakabikti sa
kisame, wala itong saplot pang-itaas, may sugat na nakalagay sa kanyang dibdib.

'XIV'

Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Starr at Beau. They both looked worried. Anong
meron? XIV... fourteen.What's with fourteen?

"Mikayla, have you watched the news?" Asked Sef the moment he came back from
nowhere. Kadadating lang namin ng Pilipinas at kung saan saan na siya pumupunta,
not that I care pero may misyon pa kaming kailangang tapusin.

"Hindi pa," pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng impormasyon tungkol kay Sven


Montemayor, nilabas ko din ang blueprint ng kanyang bahay na nalaman kong may
lagpas limampung bantay. Kung sana ay nandito si Elena at Night ay magiging madali
ang lahat. Those two are damn good assassin, they can kill a person in a blink of
an eye.

"You have to watch. We're fuck," binuksan niya ang maliit na telebisyon dito sa
tinutuluyan naming apartment sa Metro. Kalilipat lang namin dito at matapos ang
araw na ito ay lilipat ulit kami ng ibang lugar. We can't stay at the same place
for too long.

Hinintay ko ang balita at naibato ko ang hawak kong blueprint dito.

"Sven Montemayor, CEO of Montemayor Group of Companies, one of richest man in our
country and hailed as powerful man in Asia, was found dead inside his mansion
together with his brother, Andrew Montemayor and their fifty-five bodyguards, the
police said that it's a planned assassination since Mr. Montemayor once said that
he's running for senate this coming year." Madami pang sinabi ang babaeng news
caster pero isang salita lang ang pumroseso sa utak ko.

Sven Montemayor is dead.

"Who fucking killed him? I was the one supposed to kill him not anyone else! I am!"

JhasMean: May consent po ni MsButterfly ang pagbanggit ko sa BHO at kay Poseidon sa


chapter na ito. It's not plagiarized or what. :)

=================

III. Thanatos

Dedicated kay @koreankawaiiaddict pasensya na po kung hindi ko totally ma-dedicate,


mobile lang po gamit ko, di oo knows kung pano mag-dedic sa mobile. Hehe!

Chapter 3

Jasmine Sophia Andrews

Simula ng makaalis kami sa mansyon ng Montemayor ay hindi pa din natatapos ang


pagtatalo ni Starr at Beau. Ilang beses nilang nabanggit ang pangalan ng kanilang
Ina at ni Marcello pero hindi ko maintindihan ang daloy ng pagtatalo nila. At isa
pa ay ginugulo ako ng karumal-dumal na nadatnan ko doon, pati na din ng nakasulat
sa katawan ni Sven.

XIV is obviously a number. Roman numeral for fourteen. Pero ano bang meron doon? A
year? 2014? Fourteen years ago? Probably fourteen years ago. Pero anong meron non?
2015 na ngayon, bawasan ng fourteen years, 2001. Anong meron ng taong iyon? Kung si
ate Mikayla ang gumawa noon, diba dapat ay XVIII? Dahil eighteen years ago namatay
ang Mama niya.

"What's with fourteen?" I asked Liana and Night na siyang kasama ko ngayon. Sabay
silang umiling pero alam kong may alam sila. Base sa pagkabahala sa mukha ni Liana,
alam kong may alam sila.

Pumunta ako ng Gray, doon ay nakaharap si Kein sa tapat ng isang computer at may
kung anong code akong nakita sa screen no'n. Binary codes, pero hindi ko alam kung
para saan. Nasa tabi niya si Vector na tulala lang at nakasandal sa swivel chair na
kinauupuan niya. Kumatok ako mula sa bintan at natawag naman nito ang kanilang
pansin. Kein waved at me tapos ay sumenyas na pumasok ako samantalang si Vector ay
simpleng

tinignan lang ako at bumalik sa pagkatulala.

Vector Castellar or should I say Vector Uvalles is Starr and Beau's older brother.
Sa pagkatanda ko ay nasa late thirties na ito, samantalang si Beau ay nasa late
twenties pa lang o early thirties. Hindi ko alam, I just realized now, wala pala
akong gaanong nalalaman tungkol sa kanilang tatlo. Ang alam ko lang ay anak sila ng
pinakamatalik na kaibigan ng Mama ni Ate Mikayla. At na si Beau ang ex-fiancee ni
Eron. I'm working with them, sila ang pinakapinagkakatiwalaan kong tao ngayon, pero
wala akong alam na kahit ano tungkol sa kanila bukod sa si Vector ang nagpapatakbo
ng dati kong pinapasukan na eskwelahan - na hindi ko alam kung bakit sila nagmamay-
ari noon. Tapos ay nagkaron dati si Starr at Beau ng alitan dahil sa pagpatay niya
ng isang miyembro ng Black Rose - na hindi ko din alam kung nagkaayos na ba sila.

Ang daming misteryo sa kanilang tatlo at hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit
ganon ay kampante akong mapagkakatiwalaan ko sila. Marahil ay sa mas madaling
magtiwala kung wala kang alam kesa meron. It's easier to trust a stranger than to
trust someone you already know.

"How was your mission? Did you do it well? Wala ako dito kanina kaya hindi ko alam.
Si Kuya Vector naman ay kanina pa tulala." Tipid na ngumiti ako sa kanya at
umiling.

"Hindi tagumpay." Habang nakaupo sa swivel ay pinagulong niya ang upuan palapit sa
akin tapos ay niyakap ang aking bewang gamit ang kanan niyang kamay at ang isa ay
kinuha ang kamay ko tapos ay hinalikan ang likod ng nito.

"It's alright. Are you tired?" Tumango ako. Pinaupo niya ako sa kanyang kandunga at
minasahe ang aking kamay, which is relaxing.

I'm so tired. So tired with all of this. Parang araw araw na lang ay may bagong
misteryo. May bagong tanong na dumadagdag tapos ay kapag nangyari iyon ay bagong
kasinungalingan na naman ang dapat sabihin para mapagtakpan. Two years ago I was
fine not knowing anything. Not knowing that I'm being manipulated to do a thing I
thought was good but isn't. My life was fine that way, hanggang sa malaman ko ang
totoo. Hanggang sa dahil sa nalamang kong katotohanan ay nabalot ako ng katanungan,
I went looking for the answers only to have more questions to ask, only to make my
life more complicated. Minsan ay naiisip ko, mas maayos kaya ang buhay ko kung
hindi ko na lang alam ang lahat ng ito?

I don't know. Sa dinami ng katanungang nasa utak ko ngayon, yan ang nag-iisang
bagay na hindi ko na malalaman pa ang kasagutan. Dahil kahit anong gawin ko, hindi
ko na maibabalik ang oras na iyon at makita pa kung anong mangyayari sa akin kung
hindi ko na lang nalaman ang lahat ng ito.

Kinabukasan ay sa Chevalier muna ako pumunta dahil sa pinatawag ako ni Eron, ganon
din si Kuya. Kein asked questions na kasinungalingan lang ulit ang sinabi ko.

"May kailangan kaming gawing misyon." Tumango siya at mabilis na hinalikan ako sa
pisngi bago bumaba ng sasakyan. Napansin kong nag-iwas ng tingin si Kuya pero hindi
na nagsalita pa.

Alam na niya ang tungkol sa amin ni Kein. Wala siyang sinabi. Hindi niya sinabi
kung okay lang ba iyon sa kanya o hindi. Pero alam ko ay tutol siya. Base sa pag-
iwas niya ng tingin tuwing magkasama

kami ni Kein ay alam kong ayaw niya sa kung ano mang meron sa amin, but he's trying
to be considerate, to understand us.

"Kuya, do you still have nightmares?" Nag-aalalang tanong. Sa nakalipas ng dalawang


taon ay nananaginip palagi si Kuya - masamang panaginip - palagi ko siyang
naririnig na umiiyak na lang at sinisigaw ang pangalan ni ate Mikayla, hindi ko na
kailangan pa tanungin ang tungkol sa panaginip niya, it's obviously what he saw,
kung paano niya nakitang sumabog ang bahay ni Medrino at nandon si Ate Mikayla.

"Palagi, Jasmine. When I sleep, even when I close my eyes I can clearly see that
day. I can clearly see how that house blow up." Tiim bagang si Kuya habang sinasabi
niya iyon. Malungkot na nag-iwas kay Kuya at tumingin sa daan.

Kapag kaya sinabi ko kay Kuya ang totoo na buhay pa si Ate ay babalik ba yung
dating siya? Will he stop being cold? Will he smile again?

"Kuya, what if Ate Mikayla is alive? What will you do?" Mabilis ang pagtibok ng
puso ko habang tinatanong iyon kay Kuya. Walang bakas ng emosyon kay Kuyang
umiling.

"I don't know. But one thing is for sure, I'll be mad at her." Malamig na sagot
niya.

May lungkot akong nadama matapos niya yung sabihin. I finally know the answer to my
question. Nothing will change. Hindi babalik sa dati si Kuya. He wouldn't be the
same Kuya Craig. And what made me feel more sad is because I know that when he
found out the truth, he'll just be worst. He'll be worse than what he is now.

Nakarating na kami sa Dark Chevalier, tumuloy naman agad ako sa laboratory namin ni
Eron, I changed to my lab gown at pumasok na sa autopsy, pero bago iyon ay kinuha
ko ang chart na nikalagay

sa stand doon at tinignan kung kaninong katawan ang nandon.

Kay Sven Montemayor at ang sa kapatid niya na si Andrew.

Naabutan ko si Eron na sinasara na ang katawan ni Andrew. "Kamusta?" Panimula ko at


kumuha na ng scalpel at sinimulang buksan ang katawan ni Sven, pero bago iyon ay
ilang saglit pa akong tumitig sa nakalagay na sulat sa dibdib niya. "XIV." Umiling
ako at hinati na ang katawan niya mula sa bandang dibdib papuntang abdomen.

Sa pagkakatanda ko ay nakita namin si Sven na nakatali sa kisame ng kanyang kwarto.


Ang dalawang kamay niya ang ginapusan para maisabit siya doon - evidence mito ay
ang marka sa dalawang kamay niya. Ang pinagtataka ko lang ay bakit pati sa leeg ay
meron siyang marka na para bang ginapos din ito.

"Eron," tawag ko dito upang ituro ang marka sa leeg ni Sven.

Kinuha ko naman ang injection para makakuha ng fluid mula sa kanyang stomach. At
dahil sa wala namang kakaiba sa kanyang internal organs ay isinara ko na ito. Ang
stomach fluid na nakuha ko naman ay sinalin ko sa isang maliit na container at
nilagay sa plastic seal. At nilagyan ng label at pangalan ni Sven.

"Maaaring sinakal muna siya ng lubid na pinantali din sa kanya." Suhestiyon ni Eron
at siya ng nagtahi pabalik ng katawan ni Sven.

"Posible. Pero paano kaya nakapasok ang taong iyon sa kanyang kwarto?"

"Gaya ng sa kung paanong nakapasok sa kwarto niya ang pumatay kay Miriam Lopez." Si
Miriam Lopez ang babaeng namatay four days ago na siya ding inembistigahan namin ni
Eron.

"Ano? Iyong asawa

din niya? Ang alam ko ay walang asawa si Sven," nilapag ko ang fluid sample at
inalis na ang gloves na suot ko.

Tumawa si Eron. "Masyado kang literal, Sophia." Sinimangutan ko siya sa pagtawag


niya sa akin.

"Ano ba kasing ibig mong sabihin?"

"Na ang taong pumatay kay Montemayor ay isang taong pinagkakatiwalaan niya kaya
hinayaan niyang makapasok sa kanyang bahay. Would you let a stranger in your house,
especially your room, Jasmine?"

Someone he trust.... of course! Sino pa ba ang hahayaan niyang pumasok sa bahay


niya? Of course not just someone he knew, but some he trusts para hayaan niyang
makapasok sa bahay niya. Tama ang sabi ni Eron, no person will let a stranger to
come in their house.

Now who could it be? Imposibleng ang kapatid noya dahil kasama niya itong namatay
kasama ang tatay nito. Ang nanay naman niya ay matagal ng patay. Their whole clan
is practically dead dahil nagkataon namang ang buong pamilya nila ay nandon sa
mansyon nila noong araw na yon.

Think, Jasmine. Sino? Alalahanin mo lahat ng taong kakilala ni Sven. All the people
he's close to. People he's close to except his family.
Mariing pumikit ako at inalala ang nakasulat sa files na naglalaman ng impormasyon
tungkol kay Sven.

"Diamonds!" Sigaw ko kaya naman napatingin sa akin si Eron n nakakunot ang noo.

"What is it, Jasmine?" Mabilis na umiling ako.

"Wala. May bigla lang akong naalala. Wag mo akong pansinin." Umiling siya at
ngumiti tapos ay umalis na.

Naupo ako sa swivel chair at tumitig sa kawalan.

Kung isa man sa miyembro ang pumatay sa kanya. Bakit? At kung isa isang pinapatay
ang miyembro

ng Diamonds, hindi malabong sumunod na din si Marcello.

"Xiara, Thanatos gave this to us." Panimula ni Sef pagkalabas ko ng banyo.


Katatapos ko lang maligo at ibinungad niya sa harap ko ang isang itim na folder.

"When?" Kinuha ko iyon sa kanya at naupo sa kama para basahin ang nakasulat doon.
Sa unang pahina pa lang ay may isang maliit na litrato sa taas nito, sa kaliwang
parte, at sa tabi nito ay ang pangalan nito. Divina Montelegre, sa apelyido niyo ay
may itim na diyamanteng nakaguhit, ibig sabihin ay miyembro ito ng Diamonds.
"Nagkita kayo kanina?" Tumango ito at tinalikuran ako. "Ano ba siya? Lalaki o
babae?"

"Nilinaw na niya sa akin dati pa lang. Tutulungan niya tayo, pero kapalit non ay
hindi mo dapat malaman ang tungkol sa kanya." Sinarado ko ang folder at pinag-ekis
ang aking braso.

"Bakit?"
"It's for the better. Makikilala mo din siya. Pero hindi pa ngayon."

"Paano mo ba siya nakita?" Magsasalita na sana ito ng patigilin ko siya. "No. Don't
answer that."

Tumayo ako at nagbihis na.

Sef met Thanatos eight months ago. Ito ang tumulong sa aming makaalis ng bansa. He
met Thanatos when I and Sef was looking for allies. Hindi sapat ang impormasyong
nakuha namin sa itim na librong binigay ni Medrino. Tapos ay kailangan pa namin ng
tutulong sa amin ng pinansyal. Siya ang nagbibigay ng misyon sa amin at binabayaran
niya kami.

Hindi ko pa ito kahit kelan nakita, o kahit nakausap man lang. Miski anino nito ay
hindi pa. Si Sef lang palagi ang humaharap sa kanya at simula pa noon ay misteryo
na sa akin si Thanatos. Kung bakit niya kami tinutulungan at kung anong motibo niya
sa pagtulong sa amin.

"Jesus, Xiara! Sa banyo ka magbihis!" Nginisian ko si Sef matapos kong isuot ang
bra ko. Binato ko sa mukha niya ang towel na kanina'y gamit ko at nagsuot ng isang
kulay puting t-shirt.

"Virgin. It's not like you haven't seen this." Muli siyang nagmura at humarap muli
sa kanyang laptop. Kinuha ko naman ang isang shades at maliit na bag ko na
naglalaman ng susi ng aming kotse. "Aalis lang ako." Simpleng tumango ito at umalis
na ako.

Sinuot ko ang shades at sumakay ng elevator papuntang basement parking at pagdating


doon ay pinatunog ko agad ang sasakyan. Mabilis na sumakay ako at nagmaneho paalis.

Nagmaneho ako papunta sa mansyon ni Medrino na hanggang ngayon ay kita pa din ang
iilang piraso ng mansyong natira mula sa pagsabog na nangyari two years ago.
Tinigil ko ang sasakyan malayo sa mansyon kung saan sapat lang para makita ko siya.

Last week, nang makabalik kami ni Sef sa Pilipinas ay pumunta ako agad dito at doon
ay nakita ko siya. Sa parehas ng pwesto kung saan ko siya iniwan noon. I went here
again the next day at muli ko siyang nakita. I guess he's always here. Still
waiting. Ang laki ng pinagbago niya. Pero kahit ganon ay mahal ko pa din siya.
Dalawang taon ang nakalipas pero mahal ko pa din siya.
"Wait for me, Craig. Konting oras na lang. Mababalikan din kita diyan." Bulong ko.
Umaaasang sana ay marinig niya ako para hindi siya tumigil sa paghihintay.

Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at ilang saglit pa siyang tinitigan bago


magdesisyong umalis na, ngunit pagkahawak ko sa manibela ay lumingon siya sa
kinapupwestuhan ng aking sasakyan. He stare at it for a second at inalis na din ang
titig. Bumuga ako ng hangin na saglit ko ding pinigilan at umalis na.

=================

IV. Truth

Chapter 4

Jasmine Sophia Andrews

Hindi ako makapakinig ng maayos sa klase. Okupado ang utak ko habang nagdidiscuss
ng tungkol sa Politics and Governance, hindibko maintindihan ang bawat salitang
lumalabas sa kanyang bibig dahil may ibang umiikot sa aking utak. Si Ate Mikayla.

Kanina kasing umaga ay may natanggap akong mensahe sa kanya na nagtatanong kung
nalaman na kung sino ang pumatay kay Sven Montemayor. Hindi sa pinagdududahan ko
siyang siya ang gumawa no'n dahil alam kong imposibleng siya ang pumatay kay Sven -
yun ay kung pagbabasehan ang hula ko. She's obviously not the person who Sven
Montemayor trusts.

Pero may isa pang bumabagabag sa akin. Noong isang araw kasi ay sinundan ko si Kuya
nang mgpunta siya sa sira ng mansyon ni Medrino. I think I saw her there.

"Jas," tawag sa akin ni Kein matapos ang klase. Pangatlong subject pa lang namin
ito ngayong araw, may last pa mamayang alas-kwatro ng hapon, may isang oras lang
kaming vacant time.

Tumingin ako sa kanya at inabot ang bag ko sa kanya.

"Are you alright?" Simpleng tumango lang ako at ngumiti sa kanya at lumexabas na
kami ng room.

Sa tapat ng pinto ay naabutan ko si Sam na nakasandal sa may pader, magka-ekis ang


kanyang kamay na tila ba may hinihintay.

"Jasmine, tumawag si Kuya." Malamig na saad ni Sam, na para bang labag sa kanya ang
sinabi tapos ay naglakad siya paalis. Nagkatinginan kami ni Kein at tahimik na
sumunod dito. Mukhang hindi na naman

ako makakapasok sa huli kong subject. Naka-ilang absent na din ako doon.

Sumakay ako sa sasakyan ni Kein at sinundan si Sam na nakasakay sa kanyang motor.


Tahimik ang aming naging biyahe hanggang sa makarating kami sa HQ ng Black Rose.

Dumiretso kami ni Sam sa opisina ni Beau kung saan daw nandoon sila Kuya, si Kein
naman ay dumiretso sa Gray kasama si Vector na nakasalubong namin kanina. Pagdating
sa opisina ni Beau ay katahimikan ang sumalubong sa amin. Si Elena ay bakas ang
saya sa mata na para bang may natanggap siyang magandang balita, si Night ay
tahimik na nakahalukipkip at nakasandal sa mesa, nakatitig ito kay Elena at tila ba
may malalim na iniisip. Si Beau ay hindi mo kakikitaan ng kahit anong emosyon, si
Starr ay nasa malalim na pag-iisip gaya ni Night. Ang tanging naiiba lang ay si
Kuya na mabilis ang paghinga, nakakuyom ang palad at bakas ang galit at sakit sa
mata.

"What happened?" Si Sam ang nagtanong tapos ay umupo sa tabi ni Kuya Craig. Naupo
ako sa tapat nito at inagaw ng isang kulay itim na folder ang atensyon ko. May
parang apoy na nakatatak doon. Black Heart Organization. Kinuha ko iyon at
binuksan. May ilang piraso ng papel ang nakalagay doon. Pamilyar ang mga graph na
nakalagay doon. It's a result of a DNA examination. Sa unang papel ay isang klase
ng blood type, sa pangalawang papel ay ganon din pero ibang blood type ang
nakalagay. Sa pangatlo, nakalagay ang isang kulay pulang salitang 'positive' na
nakalagay sa pinakababang parte ng table.

"Kanino ito?" Tanong ko kila Beau. Kinuha ni Sam ang folder at binasa din ito.
"Saan ito nakuha?"

"Galing sa BHO. JP and Kat investigate the crime scene. May nakuha silang blood
sample sa kwarto mismo kung saan namatay si Sven." Panimula ni Starr habang
nakayuko. "Hindi iyon kay Sven. Hindi din kay Andrew Montemayor. They tried to find
its match. Wala sa kahit isang taong namatay sa mansyon na iyon. So Kat had this
weird hunch, may record kami ng DNA ni Margarette, tinest niya. At ang positive na
nakasulat diyan ang naging resulta."

"Paano nangyari iyon?" Si Sam na ang nagtanog dahil napako ako sa aking pwesto.

Si Ate Mikayla. She killed them. Siya ang pumatay. Pero paano? Bakit kinailangan pa
niyang magsinungaling sa akin?

"Xiara is alive. Yan lang ang naiisip naming dahilan kung paano nangyaring nag-
match sila. She's alive." Malamig ang pagkakasaad ni Beau sa bawat salita na
kanyang binitawan. Malamig ay madiin pero bakas sa tono ang relief. Biglang tumayo
si Kuya sa pwesto niya at umalis. Napatitig na lang ako sa pinto at ilang beses na
malalim na bumuntong hininga.

Alam na nila.

Tumayo ako at susundan si Kuya pero naunahan ako ni Sam na mabilis na tumakbo
palabas ng opisina. Sinundan ko siya. And I saw her. With Kuya Craig. Nakaupo si
Kuya Craig sa lapag at yakap yakap siya ni Sam. Saglit na napatitig ako at nanlaki
ang aking mata nang makitang kinintilan ng halik ni Sam si Kuya sa labi. Magaan
lang iyon at saglit pero ang halik ay halik.

Why are

they kissing?

Bago pa nila malaman na nakita ko sila ay tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon at
pumunta na lang sa Gray kung saan nandon si Kein at Vector na nagtatawanan. Dali
dali akong pumasok sa loob at niyakap ng mahigpit si Kein.

Natahimik silang parehas ni Vector at ramdam ko ang mabigat na pagtitig ni Vector


at nag-aalalang tingin ni Kein, ngunit parehas silang hindi nagsalita at
nagpapasalamat ako na hindi na sila nagtanong pa dahil hindi ko alam kung may
maisasagot akong maayos sa kanila. Blanko ang isipan ko at ang nag-iisang imahe
nananatili sa aking isipan ay ang ginawang paghalik ni Sam kay Kuya.

May relasyon ba sila? Bakit hinalikan niya si Kuya? Matagal na bang may namamagitan
sa kanila? Will they tell it to us?

Ilang saglit akong hindi nagsalita nang may tumawag sa akin. Si Sam. Kasama niya si
Kuya ngunit magkalayo silang dalawa. Who would have thought that there's something
going on between tha two of them? Hindi mo mahahalata sa kinikilos nila. They're so
discreet na kahit akong malapit sa kanila ay hindi man lang napansin.

Kelan pa nagsimula ang sikretong relasyon nila?


Pinag-usapan naming lahat ang tungkol sa natuklasan ng BHO at sinuhestyon ni Starr
na hangga't hindi pa tuluyan napatutunayan na buhay nga si Ate Mikayla ay wag na
daw muna naming simulan ang misyon na pagpapatumba sa buong Diamonds. Dapat kasi ay
sa susunod na linggo namin aasikasuhin ang tungkol kay Divina Montelegre - isa sa
mga miyembro ng Diamonds.

"Posible bang nagkamali lang ang BHO?" Tanong ko. Binigyan ako ng matalim na tingin
nila Beau, Starr, Elena, at Night.

"Mistake was never in BHO's dictionary." Galit na saad ni

Elena. "Poseidon won't let such mistake to happen." Hindi na ako muli pang
nagsalita hanggang sa matapos ang usapan.

Mag-a-alas-otso na ng gabi nang sabihin ni Kuya na uuwi na kami. Tahimik lang akong
nakaupo sa backseat ng sasakyan at nakatanaw sa maliwanag na ilaw na nanggagaling
sa mga nagtataasan na building sa buong metro. Sa harap ay nandon si Sam na
ihahatid na din daw ni Kuya, iniwan kasi nito ang kanyang motor sa Black Rose.
Kein's not with us dahil sinama ito ni Vector sa bahay niya at ipapakita daw ang
mga gadgets na inimbento niya.

Buti na nga lang at inaya siya ni Vector dahil sigurado ako pagdating namin sa
bahay ay tatanungin niya ako tungkol sa inasta ko kanina. And I'm not in the mood
to talk about it right now. Not until I talked to Kuya Craig. I want to know the
whole truth.

Para kahit papano ay may isang katotohanan akong alam. My life right now is full of
lies, secrecy, and pretentions, and right now, just this time, I want to hear
something certifiable. I want, for once, to hear something that's not a lie.

"Bye," paalam ni Sam, nilingon ko siya at nakangisi siya kay Kuya Craig, nilipat ko
ang tingin kay Kuya at ganon din ito sa kanya. Nakayukong bumaba ako at lumipat na
sa passenger seat nang hindi nagsasalita.

Umalis na kami ni Kuya, binuksan ko ang radyo para matabunan ang nakakailang na
katahimikan na bumalot sa buong sasakyan. If it's a normal day, I would talk to him
nonstop, but it's not. Iba ngayon.

"Paano kung totoong buhay pa si Ate Mikayla? Anong gagawin mo?" Tanong ko, hindi ko
na inabala pang tignan si Kuya, nanatili ang mata ko na nakatutok sa daan.
"Nothing," he answered. Naikuyom

ko ang kamay ko.

"I saw you and Sam kissed. Kelan pa Kuya?"

"Few months ago," doon na ako humarap kay Kuya. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang
mukha ko dahil sa galit.

Sumali siya ng Black Rose, hiningi ang tulong nito para maipaghiganti si Ate.
Because he loves her. Tapos ngayon ay sasabihin niya ay ilang buwan na silang
magkarelasyon ni Sam, na wala siyang pakielam ku g buhay pa si Ate.

Kung wala siyang pakielam, why is he still here?

"Bakit, Kuya? Akala ko ba mahal mo si Ate? Akala ko ba ginagawa mo ito para kay
Ate? Hiningi mo ang tulong namin para maipaghiganti siya. Why are you with Sam?!"
Hindi ko na napigilan ang pagsigaw dahil galit na ako, frustrated... hindi ko na
alam. Halo halo na.

"Don't question my relationship with Sam, Jasmine." Tumigil ang sasakyan. Nasa
bahay na kami. Lumingon sa akin si Kuya at bakas ang galit sa mata niya. Nanghina
ako.

I know what he meant. I have no right to question his relationship nor give
comments about it because for a long time he's been quiet about I and Kein's
relationship.

"But you love Ate Mikayla..."

"Loved, Jasmine. I once love her. Hindi na ngayon. I have to keep moving because
she's not going to come back."

"But what if she will? Paano kung totoong buhay pa siya?" Pinatay na no Kuya ang
makina at for the first time in two years, he showed some emotion, he looked tired
and hopeless.
"It's been two years, Jasmine. I've moved on. I'm only doing this for justice. I
don't love her anymore." Mariing pumikit ako.

"You've moved on? You don't love her? Tell that to me when you stop going back to
the place where she left you. Sabihin mong nakalimutan mo na siya kung nakikita
kong hindi ka na miserable." I release a weary sigh. I can't do this anymore. I
can't lie, I can't keep secrets anymore. I'm done. "Sabihin mong hindi mo na siya
mahal kapag nagkita na kayo. She's alive, Kuya."

=================

V. Found

JhasMean: Sorry for the long wait. Lame ito. Don't expect. Hahaha! Ito ang
pinakanormal na update na ginawa ko. Lol. Labyu!

Chapter 5

Jasmine Sophia Andrews

'Ate, are you there? Can we talk?' Pang-limang beses ko na 'yang tinitipa sa
keyboard ngunit kahit isang responde ay wala akong natatanggap mula kay Ate
Mikayla.

Nabigla ako. Nadala ako ng galit, pagod at ng iba't iba pang emosyon kaya nasabi ko
kay Kuya ang totoo. Matapos ko iyong sabihin sa kanya ay hindi siya nagsalita, pero
bakas ang sakit sa kanyang mata bago siya umalis papunta sa lugar na hindi ko alam.
Sinubukan ko ding tawag si Kuya but he's out of reach.

Stupid, Jasmine. Ano ng gagawin mo ngayon?


Muli akong tumingin sa screen ng aking laptop at gaya nang kanina ay wala pa ding
sagot mula kay Ate. I stayed all night just yo wait for her reply but the morning
came but I still received nothing.

Posible kayang nakita na siya ni Kuya?

Hindi ako pumasok ngayong araw na ito sa eskwelahan. Hindi din umuwi si Kein sa
bahay, nakatanggap na lang ako ng mensahe sa kanya na may pinuntahan daw sila ni
Vector, hindi ko na sinabi pa sa kanya na hindi ako pumasok ngayon dahil siguradong
mag-aalala lang iyon.

Muli akong nagtype sa laptop tapos ay dinampot ang aking cellphone upang tawagan si
Kuya, I left a message nang voicemail na naman ang sumagot sa tawag ko tapos ay
nahiga

sa aking kama. Binalot ko ang aking sarili ng kumot at sinubsob ang mukha sa unan.

I can't contact Ate Mikayla, I also can't reach Kuya. Paano na ito? Hindi ko naman
pwedeng sabihin kila Beau. Magkakagulo. I know Beau will be happy to know that Ate
is alive but I know she'll get mad because I kept it from her. Sa pag-iisip ko ay
hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, mabilis ang naging pagbangon ko at
tinignan ang aking laptop. Kinailangan ko pang ikabit ang charger nito dahil
naubusan na ito ng baterya sa haba ng pagtulog ko, chineck ko din ang aking phone
habang hinihintay na mag-restart ang laptop, at nadismaya lang ako dahil wala akong
natanggap na mensahe galling kay Kuya. Muli ko siyang sinubukang tawagan, ngunit
kagaya kanina ay out of reach pa din ito.
Sobrang nag-aalala na ako. Hindi ko alam kung hinahanap ba niya si Ate, o kung
nagkita na ba sila? Paano kung sa sobrang galit ni Kuya ay naaksidente na iyon. Wag
naman sana.

Napatalon ako sa pagkabigla nang may kumalabog mula sa baba, mabilis na kinuha ko
sa ilalim ng aking kama ang stun gun at nilagay iyon sa tagiliran ko. Maingat na
bumaba ako at doon ay naabutan ko si Kuya na nakahiga sa sahig at walang malay.
Tumakbo ako palapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi. May binubulong ito na hindi
ko naman maintindihan dahil buhol buhol na ang mga salita niya.

"I miss you," muling bulong ni Kuya habang akay-akay ko siya paakyat ng kanyang
kwarto. "I'm sorry, I..." hindi na niya natuloy pa ang kanyang sasabihin dahil
tuluyan na siyang

nakatulog.

Kumuha ako ng malinis na towel at isang basin na naglalaman ng maligamgam na tubig.


Nilapag koi yon sa tabi ng kama ni Kuya at pinalitan muna siya ng damit bago
punasan ang kanyang katawan.

"Saan ka ba nagpunta, Kuya? Nagkita ba kayo?" Muli itong nagsalita ngunit gaya
kanina ay naging Malabo ulit ang pagbigkas niya sa bawat salita kaya hindi ko ito
naintidihan. "Si Ate ba ang namimiss mo?"

Napabuntong hininga ako.


Tinitigan ko si Kuya at hindi ko maiwasang maalala ang kalagayan niya noon. Ganito
din siya dati. Kahit na naging malamig na ang pakikitungo niya sa amin dati simula
nang akalain niyang patay na si Ate ay gabi gabi pa din siyang naglalasing. Minsan
ay sinundan ko siya kung saan siya nagpupunta, at nakita kong doon sa mansion siya
ni Medrino nag-iinom. Minsan pa nga ay naabutan ko siyang nagwawala doon, sigaw
nang sigaw at hinahanap si Ate Mikayla habang hawak ang cellphone niyang sira na.

He was a mess when he learned that Ate died, akala ko ay magiging maayos siya kapag
nalaman niyang buhay si Ate. I tried to tell him so many times pero may kung anong
pumipigil sa akin. Ito pala iyon. Dahil mas lalo lang siyang nasaktan dahil sa
katotohanang nalaman niya.

Truth can either set us free or hurt us. Walang in between doon. Dalawang
possibility lang ang meron kapag nalaman mo ang totoo.

I wonder if in every lie I'm in

now, will I be free if I learn the truth? Or will it cage me more?

Kinabukasan ay hindi ko na tinanong pa si Kuya sa nangyari, hindi din siya


nagkwento at mukhang kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa
kung ano mang nangyari sa kanya kahapon. Muli kong sinubukang kausapin si Ate pero
kagaya kahapon ay walang akong natanggap na mensahe galing sa kanya.
Hindi ako pumasok ngayong araw na ito, wala ako sa kondisyon. I need some
distraction, and school is obviously not a distracting place for me. Nandon si Sam
at baka hindi ko mapigilan na kwestiyunin siya. At paniguradong tatanungin ako ni
Kein sa kung anong nangyari kahapon. I'm still not in the condition to come up with
another excuse.

Hindi ako nagpaalam kay Kuya nang umalis ako. I want some time alone.

Pumunta ako sa isang gym kung saan kami madalas pumunta noon ni Kein noong
bakasyon. Suot ang aking itim na oversized tee shirt na may print na isang skull at
leggings din na itom ay nagpunta ako sa locker room at nilagay at iniwan ang aking
gamit doon. Tumulak agad ako papuntang thread mill at nagsimula sa isang mabagal na
paglalakad habang sinasalpak sa aking tenga ang earphones. Tinodo ko ang volume ng
pinapatugtogkong kanta at nagsimula nang tumakbo.

Nakailang kanta na din ako at ramdam na ang pagkahingal dahil sa tuluy-tuloy kong
pagtakbo nang may mahinang tumapik sa aking balikat, may pinindot ako sa threadmill
para bumagal ang takbo

nito at nilingon ang siyang tumapik sa akin. Si Matthew Chevallier pala. Nakangisi
ito sa akin, bakas ang pawis gray niyang V-neck shirt. Mukhang kanina pa din siya
nandito.

Inalis ko ang earphone sa kaliwang tenga at nginitian siya.

"I knew it was you. I was lifting earlier, natanaw kita, hindi ko sigurado kung
ikaw ba talaga iyon kaya lumapit pa ako." Natatawang kwento niya sa akin. I just
politely smile at him at nagpatuloy sa pagtakbo ngunit kumunot ang aking noo nang
may napansin akong isang maliit na pulang linya sa sleeve ng kanyang damit.

"Is that blood?" I asked him. Tinignan niya ang kanyang braso at nagkibit.

"Nasugatan sa training kahapon." Pagsasawalang bahala niya doon.

"You should treat that. Baka lumala," komento ko at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Hindi naman masakit. I actually don't feel anything." Hindi na ako muling
nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa aking ginagawa at muling kinabit sa tenga ang
earphone.

Mag-aalas-diyes na nang matapos ako at punong puno nan g pawis ang damit na suot
ko. Ang kaninang tuyong face towel na dala ko din ay basa na at ang dalawang
tumbler ng tubig na dala ko ay ubos na. Nagpaalam na ako kay Matthew at tumuloy sa
locker room, kinuha ko ang gamit ko at doon na din nagpalit. Pupwede namang dito
ako mag-shower pero hindi ako sanay kaya sa bahay na lang ako maliligo.

Pumara kaagad ako ng taxi paglabas ko ng gym at sinabi ang pangalan ng village kung
saan kami nakatira. Nang makarating doon ay tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa
bahay at nagbayad

na nang makarating na kami doon. Nagpasalamat ako dito at sinara na ang pinto. I
pick the keys from my pocket and open the door, mula dito ay rinig ang maingay na
tunog na naggaagaling sa sala. Naglakad ako papunta doon at naabutan ko si Kuya na
prenteng nakaupo sa couch at nanonood ng TV, sa tabi niya ay nandon si Sam.
Nakayakap sa kanyang bewang habang tumatawa sa kanilang pinapanood.

"Kuya..." Mahinang tawag ko. Sapat na ito upang maagaw ko ang kanilang atensyon.
Walang mababakas na emosyon sa mukha ni Kuya habang si Sam ay sobrang saya nang
makita ako. The first time in two years that I see that glitter in her eyes again.
May nagbukas ng pinto at tinignan ko kung sino iyon. It was Kein, malawak ang ngiti
sa kanyang labi na hindi magawang gantihan dahil hindi ko na alam kung ano ba
talaga ang nararamdaman ko. I feel numb.

Malungkot na nilingon kong muli sila Kuya at Sam, napansin kong sinundan ni Kein
ang titig ko kaya hinintay ko kung anong magiging reaksyon niya. Napawi ang ngiti
sa kanyang labi at bumakas ang gulat sa kanyang mukha. Seeing Kuya with Sam being
so close is really very surprising.

Tumingin sa akin si Kein, nagkibit balikat lang ako at umalis na sa lugar na iyon
papunta sa aking kwarto. Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin pero ang
alam ko ay desisyon iyon ni Kuya. Ano man ang sabihin ko, siya pa din ang
masusunod. Pagod na din ako. I need some rest.

"Nacheck mo na ang CR?" I asked Sef habang pinupunasan ang telebisyon. Nakasuot ako
ng isang industrial gloves at ganon din si Sef na sumilip mula sa CR. Tumango siya
at kinuha sa kanyang bag ang isang platic na naglalaman ng bedsheet. Tinulungan ko
siyang alisin ang bedsheet ng kama na ginamit naming at pinalitan ito ng bago, pati
ang ballot ng unan at ang kumot ay pinalitan namin. Ang mga pinaglumaan ay nilagay
namin sa bag. Susunugin naming iyon mamaya.

Ganito ang ginagawa naming tuwing umaalis kami sa bawat hotel na titirhan namin.
It's the safest way para hindi kami matrace. Sinisigurado naming walang kahit isang
fingerprint na maiiwan sa lugar na ito.
Nang matapos kami sa kama ay lumapit ako sa pinto at may ini-spray ditong panglinis
at pinunasan ito, sinisiguradong walang bakas ng kahit ano. Nang matapos ako sa
doorknob sa loob ay binuksan ko ang pinto para ang malinis ko naman ay ang nasa
labas nang may isang pares ng paa akong nakita pagbukas nito, isang itim na leather
shoes iyon, unti unti akong nag-angat ng tingin at pakiramdam ko ay naubusan ako ng
dugo sa buong katawan at nanlamig nang makita si Craig na nakatayo sa aking
harapan.

Ilang saglit kong ninais na yakapin siya at gawaran ng halik. Dalawang taon.
Dalawang taon ang nakalipas ngunit wala pa ding pinagbago ang itsura niya. Madalas
ko siyang makita, ngunit sa malayo lang at pakiramdam ko ay may isang mabigat na
bagay ang binuhos sa aking dibdib kaya't bigla itong nanikip, nahirapan akong
huminga at may bumara sa aking lalamunan.

"You're real," namungay ang kanyang mata. Tumayo ako at pilit na pinatigas ang
ekspresyon sa mukha. "You're really here." Akmang lalapit na siya sa akin nang
humakbang ako paatras. Napako siya sa kanyang pwesto at nagtatanong ang mga matang
nakatitig sa akin.

"Xiara, anong... Craig?" Sabay kaming lumingon kay Sef. Kaagad na inilayo ako ni
Sef mula kay Craig, hinarang niya ang kanyang sarili mula dito at kumuha ng baril
at tinutok kay Craig.

=================

VI. Lose

Chapter 6

Jasmine Sophia Andrews


"Jasmine," tawag ng pansin sa akin ni Starr, nawala ako sa pagkakatitig sa kawalan
at tinignan silang nandito ngayon sa mahabang lamesa at may binabasang isang
folder. Tipid na ngumiti lang ako dito at tinanggap ko ang kulay itim na folder na
inabot niya sa akin. Saglit na dumako ang tingin k okay Kuya at Sam na magkatabi
ulit.

Ngayon ko lang napansin. Dalawang buwan ang nakalipas ay napansin kong palagi
silang magkatabi tuwing may meeting kami, hindi koi yon pinuna, ang akala ko ay
normal na bagay lang gaya ng si Starr ang palagi kong katabi. Pero nagkamali pala
ako. Ang inakala kong normal dati, hindi pala.

Binasa ko ang file ni Divina Montelegre. Isang may-ari ng isang jewelry store sa
Pilipinas, she have more than a hundred boutiques here in the Philippines na
nagbebenta ng Swarovski crystals at isang rare blue diamond na matagal na
nanggaling pa sa Africa. It was said to be one of King Louis the sixteenth's
collection sa France. At ang isang pinakasikat na gawa ng blue diamond na ito ay
ang mismong singsing na binigay niya sa kasal nila ng asawa niyang si Marie
Antoinette noong late 1700's. The diamond was passed through generation's hanggang
sa matapos ang pamumuno ng pamilya nila, hanggang sa ibenta ito sa mga auctions.

It was actually a legal job, ang pagbebenta niya nito, ngunit naging illegal ito
dahil sa nasangkot na ito sa human trafficking, pinagtatrabaho niya ang isang tao
na wala ang mga kailangang papeles.

Abusing their power as the employer na kunwari ay magbibigay ng isang disenteng


trabaho, iyon pala ay illegal din ito, at mas lalong naging illegal iyon dahil ang
paghahanap ng mga dyamanteng iyon sa Africa ay matagal ng pinagbabawal dahil sa
madaming lugar ang nasisira, it was rare kaya ay mahirap talaga iyong mahanap and
they were doing illegal mining sa mga lugar na hindi na dapat para lang makahanap
pa nito. Killing many people dahil ang mga lugar na pinagkukuhaan nito ay masyadong
delikado at ang iba pa ay naglalabas ng isang klase ng poisonous gas na kayang
pumatay ng isang tao sa isang iglap. But all that deaths was never reported. Not
even once dahil sa may kapit din si Divina sa gobyerno, lalo na't ang isa pang
miyembro ng DIAMONDS na si Norman Abueva ay isang senador kaya hindi naisasapubliko
ang ginagawa niyang pagpapatrabaho sa mga Pilipino sa Africa.

"She'll be having an auction sa Makati three days from now." Ayon kay Starr.

"We'll kill her that same day? Hindi ba iyon delikado? At isa pa, madaming
inosenteng tao ang pupunta doon. Many actors and businessmen will go to that
auction, madadamay sila." Saad ko. Tumawa si Elena na nakatayo sa tabi ni Beau.

"What's the problem with that? Edi madaming mamamatay. Lots of blood will be
poured, drip from their body. And it will be... a beautiful sight. Dead people
swimming in their own blood." Nawala ang maamong ngiti sa labi nito at napalitan ng
ngisi. Ang balahibo sa batok ko ay nagsitayuan sa takot, ang boses ni Night ay
nagbibigay lamig sa aking pakiramdam, pero hindi takot. Ngunit ang makita si Elena
ngayon,

napuno ako ng takot sa buong katawan. Ang buong sistema ko ay nakadama ng


pagkaalarma.

"Elena," tawag ni Night sa atensyon niya, bumalik sa dati ang ekspresyon sa mukha
ni Elena, ang kaninang nakakatakot niyang pag-ngisi ay napalitan ng matamis at
napakaamo niyang ngiti, parang maskara itong ipinatong sa mukha niya.

"Totoo naman, 'di ba, Night? You like it too." Malambing niyang saad dito. Hindi
kumibo si Night at tinitigan lamang ang babae bago tumango.

"No, we won't kill her on the auction, we can't afford to kill innocent people.
After ang auction ay tradisyon na nila ang magkaron ng after party sa mansion mismo
ni Divina. Doon natin isasagawa ang misyon," paliwanag ni Beau at doon na din niya
sinimulang ipaliwanag ang iba pang detalye sa aming misyon.

Natapos ang meeting namin, si Kuya at Sam ay sabay na nawala sa paningin ko, but
this time I won't look for them. Dumiretso ako sa shooting range, naabutan ko doon
si Rochelle - ngayon ay hindi ko na sila tinatawag pa sa pangalangang binigay sa
kanila, I always call them to their real name, para kahit papano ay hindi nila
makalimutan ang totoong sila. Isa iyon sa mga bagay na natutunan k okay Ate
Mikayla, minsan niya lang akong tinawag na Snow, kahit si Sam ay hindi niya tinawag
na Glacee, noong una ay hindi koi yon napapansin ngunit habang tumatagal ay hindi
ko maiwasang punahin, I didn't ask her why, nalaman ko na lang. Dahil sa tuwing
tinatawag ako sa tunay kong panglan, it felt different, like I'm alive. Tuwing
kasing tinatawag akong Snow, wala akong maramdaman, may isang malaking butas sa
pagkatao

ko ang nabubuo sa tuwing naririnig ko iyon.

Nagsuot ako ng ear muffs at safety goggles habang pumupwesto sa katabing cubicle ni
Rochelle, seryoso ito sa paglalagay ng bala sab aril na kanyang ginagamit kaya
naman tango lang ang naging pagbati niya sa akin, I wear a vest para maprotektahan
ang katawan ko at dinampot ang baril na nakalagay sa stand sa harap ko. Tumingin
ako sa target, may isang dummy doon na hugis tao, at may marka ang bawat target.
Gamit ang isang kamay ay inasinta koi to, ang isang mata ay nakapikit upang mas
mapokus ang tingin ko, nang makakuha ako ng tamang tantya ay pinitik ko ang
gatiliyo ng walang kurap, malinaw na nakita kong tinamaan ang ulo nito. Muli kong
pinitik ang gatilyo at tumama ito sa bandang malapit sa una kong natamaan. Tumigil
ako sa pang-pitong pag-asinta ko at nilapag iyon sa may stand. Tinignan ko ang
target ni Rochelle, kung ang sa akin ay ang tama ay puro sa ulo ang sakanya ay sa
dibdib.
"We all have that favorite spot, huh?" Ngisi niya. Lumabas na ako sa cubicle at
inalis ang earmuffs at goggles. Naupo kaming dalawa sa may bench sag lid nitong
range at sabay na napabuntong hininga. "Kasali ka sa susunod na misyon, 'di ba?"

Tumango ako at tumingin sa kanya. "Good. I want you to see how I kill that woman."

Nag-iwas ako ng tingin.

Rochelle's uncle - ang kumupkop sa kanya nang mamatay ang magulang niya dahil sa
aksidente - ay isa sa mga nabiktima nila Divina. Nalaman ko mula mismo sa kanya na
noong nawalan ng trabaho ang kanyang uncle ay may biglang offer itong natanggap
kung saan magtatrabaho siya sa Africa

bilang isang minero, the first few months na umalis siya ay maayos ang pagpapadala
nito ng pera sa kanila, hanggang sa umabot na ito ng limang buwan doon at hindi na
pera ang dumating sa kanila kundi ang mismong bangkay nito na sinabing namatay
dahil sa aksidente sa site na pinagtatrabahuhan nila, nakatanggap lang sila ng pera
at iyon na 'yon. Ngunit ang asawa ng Tito niya ay hindi nakuntento doon, kinasuhan
niya ito na nagdala sa kamatayan niya. Fifteen years old si Rochelle nang may
pumatay sa kanyang Tita, kung hindi siya nakatakas ay wala siya ngayon dito.
Beatrice - Starr's mother - found her and helped her.

"Good thing Night and Elena's with us. Hindi tayo mahihirapan." What she said
caught my attention. Hindi naman bago sa akin ang kakayahan nila Night at Elena
dahil nakita ko ito gamit mismo ang aking mata. Nakita ko kung paano nila, ng
walang hirap, pinatay ang halos isang dosenang taong iyon. Nakita ko kung gaano ito
kabrutal na namatay. Ang hindi ko lang maipaliwanag ay kung papaano.

"Anong meron kila Night at Elena? How can they do... that?" tanong ko. Ngumisi si
Rochelle at inalis ang gloves sa kamay.

"Elena is Beau and Starr's cousin kaya hindi na naman siguro imposible na ganon
siya kagaling. Pero bukod doon, nalaman ko na noong bata pa lang siya ay nakita
niyang namatay ang magulang at ang kapatid niya. Nakaligtas lang siya dahil sa
baril na hawak niya. A ten year old girl killed three guys using a gun." Kwento
niya. Kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi ko maintindihan. "Magulo ba? Sa madaling
salita, Jasmine. What she saw that night changed her. She became violent,

different..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. "You
mean Elena is a Psychopath?" Tumango siya.
"Si Night? Ganon din ba siya?" Muling tanong ko.

"No. Noong dinala siya ni Beau dito, ilang buwan nang dinala dito si Elena, madumi
ito at punong puno ng sugat sa katawa, ang sabi ni Beau nakita niya ito na
binubugbog ng kanyang Ama. Matagal ang recovery ni Night noon, madaming nabaling
buto at habang nasa therapy siya ay sila ni Elena ang magkasama , habang
nagpapagaling ay nasa isang tabi siya at pinapanood si Elena na mag-train, hanggang
sa nang tuluyan na siyang makarecover silang dalawa ay sabay na nagsanay then they
just became that great. They became fast, strong... Alam mo 'yung sinasabi sa Greek
Mythology? Na ang tao ay orihinal na may dalawang ulo, apat na kamay at paa and no
one can defeat them? Ganon. Parang ganon sila."

"Bakit ngayon ko lang sila nakita?"

"Four years ago ay binigyan sila ni Beatrice ng misyon sa Amsterdam." Paliwanag


niya. Tumayo na ito

"What mission?"

"I don't know." Kumunot ang noo at tumango sa kanya nang magpaalam siyang aalis na.
Naiwan akong mag-isa sa range, nakatitig sa kawalan hanggang sa may tumawag sa
pangalan ko. Ngumiti ako at tumayo upang yakapin siya.

"You want to talk?" Tumango ako at umalis na kami ni Kein.

"Sef, he wo-" pinutol ni Se fang sasabihin ko at lalong diniin ang baril sa ulo ni
Craig. Naalarma ako dahil sa alam

kong hindi magdadalawang isip si Sef na pitikin ang gatilyo n'on. "Sef!"

Hinawakan ko siya sa braso at maingat na kinuha ang baril sa kamay niya. May pag-
aalala sa mata niya na tumingin sa akin ngunit kahit na ang atensyon ko ay nakatuon
kay Sef, hindi nakaligtas sa akin ang matatalim na pagtitig sa amin ni Craig.

"Calm down, he won't hurt us. Wala nga siyang dalang baril," saad ko at hinatak
siya papasok ng kwarto at pinaupo sa kama. Narinig kong sumunod si Craig at
sinarado niya ang pinto. Umupo ako sa tabi ni Sef na masama din ang tingin kay
Craig na naupo sa single sofa na nandito. "How did you find us?" Tanong ko.

"Does it matter?" He asked. Hindi ako sumagot, napabuntong hininga siya. "Where
were you for the past two years? Why didn't you tell me that you're alive?"

"Answer my question first, Craig. How did you find us? Kay Jasmine?" Napansin ko
ang pagkuyom ng palad ni Sef kaya naman hinawakan koi to para pakalmahin siya.

"You hide from me, binaliw mo ako Mikayla sa pagkawala mo. Halos mamatay ako dahil
sa pagkamatay mo." Mababa ang boses nitong sabi, nagpipigil siya ng galit, alam ko
'yon.

"Anong gusto mong gawin ko?" Napatayo siya at tinapon ang unang bagay na nahawakan
niya sa tabi.

"To at least have some decency to explain why you left, why you hide, why didn't
you tell me you're alive? Kung nasaan ka noong mga panahong halos mamatay ako dahil
sa hindi kita nailigtas, when I could have."

Pinatigas ko ang ekspresyon ko at malamig siyang tinitigan, gaya ng paraan ng


pagtitig ko sa kanya noong maghiwalay kami noon. "Dahil hindi kita kailangan."

Hindi pa ngayon ang tamang oras, Craig. I won't let you risk your life. Hindi ko
kakayanin na mapahamak ka. Ayokong madamay ka pa sa sitwasyon ko. Mabuti na iyong
hindi moa lam ang katotohanan dahil sa paraang iyon ay magiging ligtas ka. I can't
afford to lose you. I have lost so many people because of this and I won't lose you
too.

JhasMean: Hindi naman alam ni Mikayla na kasali na si Craig sa Black Rose diba?
Hahaha! Kung may nabanggit man ako, kindly inform me. Makalilimutin kasi ako.
Hahahaha! Sorry for the late upload. Thanks for reading. :)

=================

VII. Betrayal

Chapter 7

Jasmine Sophia Andrews


Isang malakas na tunog ang mula sa bumagsak na thermos bottle na hawak ko, tumingin
sa akin ang mga kaklase ko, lumingon ako sa bandang likod nitong classroom naming
at bakas din ang gulat sa mata ni Sam habang hawak niya ang kanyang tablet.
Headline ngayon sa balita ang pagkamatay ni Divina. At base sa impormasyon na
nilabas ng media, ang pagkamatay nito ay iba sa nangyari kay Sven ngunit may
kaparehas na nakasulat sa kanyang damit. XIV. Gawa din sa sarili niyang dugo.

Mabilis na kumilos ang Black Rose upang makita ang pinangyarihan ng pagkamatay ni
Divina, they tried to look for a blood sample na kaparehas ng sa una naming nakita
- iyong nag-match sa dugo ni Margarette - ngunit wala kaming nakita. Naging
perpekto ang krimen, walang bakas ng kahit ano mula sa pumatay sa kanya. Sa opisina
niya naganap iyon at walang bakas ng robbery o kahit anong pwersahang pagpasok na
para bang buong loob niyang pinapasok ang taong pumatay sa kanya. There are also no
signs of struggling.

"Sa tingin mo sinong pumatay sa kanya?" Tanong ko kay Eron. Nasa Dark Chevalier ako
ngayon, ino-autopsy ang katawan ni Divina.

"Someone she knows." Tipid na sagot niya. Tumango ako at sinimulang isarado ang
katawan ni Divina. Mabilis lang ang paggawa ko noon at umupo sa tabi ni Eron na
nakatitig sa kawalan. "What is XIV? I mean, it's obviously a roman numeral for
fourteen. Pero anong meron sa fourteen?"

"I don't know. Iyon din ang iniisip ko, ilang linggo na." Buntong hininga ko.

"Kung ano mang ibig sabihin ng numerong iyon,

sigurado akong hindi si X ang pumapatay sa mga taong ito. That woman's been silent
for two years at sa pagkakatanda ko it's not number fourteen that's significant to
her." Bumaling ako kay Eron na malayo pa din ang tingin.

He's right. Pero ano iyong dugo na nakita namin na nagmatch kay Margarette. Si Ate
Mikayla lang naman ang kilala kong kamag-anak niya.

"Hey, we'll celebrate Matthew's birthday. You may want to come. He likes you."
Mabilis na tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.

"I have to leave." I said as I run outside our office.

Right. Si Matthew. Mula pa lang sa rose-cut diamond na nakita naming noon, hanggang
sa katotohanang anak siya ni Marcello. Paanong nakalimutan ko ang importanteng
bagay na iyon? Pero paano? Paanong magiging anak siya ni Margarette kung namatay
ito bago pa siya ipanganak?

"Saan ka pupunta?" Hindi ko pinansin si Sef at nagtuloy tuloy lang ako papunta sa
pinto nitong tinutuluyan naming, but I guess he won't take silence as an answer
dahil hinawakan niya ako sa braso at pilit na hinarap sa kanya. "Saan ka pupunta?"
"Away. I need some air. Dahil simula ng dumating tayo dito sa Pilipinas wala ng
nasunod sa plano natin. Sven died, now that Bitch also died. I need some time
alone, so please." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at tuluyan ng umalis.

Nakayukong sumakay ako sa elevator pababa ng parking lot nitong hotel at habang
naghihintay na makababa ito doon ay inayos ko ang buhok ko at nagsuot ng shades,
inayos ko ang suot kong blazer at tuluyan ng lumabas ng elevator.

Nasa dulo nitong parking lot ang sasakyan naming ni Sef, pinatunog koi to nang
matanaw ko at sumakay na.

"Finally, a quiet time in my car." Binuksan ko ang makina at pinaandar na ito.


Tahimik na pinuntahan ko ang mansion ni Medrino. Mabilis ang trapiko kaya naman ay
hindi ako natagalan sa biyahe, sa May Cavite ito ngunit isang oras at kalahati lang
ang tinagal ng biyahe ko. Tinigil ko ang aking sasakyan nang matanaw ko ang
pamilyar na bulto na nakatayo sa gitna ng sira sirang mansion ni Medrino. Hindi ko
na kailangan pang suriin ng mabuti upang malaman na si Craig iyon. Sa tabi niya ay
nandon ang kanyang sasakyan at may hawak siyang isang bote ng alak at nasisiguro
kong hindi iyon ang unang boteng nainom niya dahil sa may tatlong bote na wala ng
laman sa tabi niya.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan at lumabas, naglakad ako palapit sa kanya at


malinaw kong nakita kung gaano siya nagbago. He looks so wasted and broke. And I
know I'm the one who cause that. I broke him into tiny pieces.

Ininom niya ang laman ng bote at mabilis itong naubos. Binato niya iyon tapos ay
naglakad papunta sa kanyang sasakyan, nakita niya ako. Napatigil siya at tinitigan
ako kaya mas lalo kong nakita kung gaano ko siya nasira. I stole away all the best
in him. Ang dating Craig na nakilala ko ay hindi ko nakitaan ng kahit anong
kahinaan, pero ngayon... he's so vulnerable. I made him vulnerable. And I wish I
have the power to bring him to the way he used to be. The driven Craig Ybañez, the
real him. I wish I have the power to make him whole again.

But how can

I make a person whole if I am, myself, is not complete? How can I fix him when I'm
also broken? Wrecked. Shattered.

"Mikayla..." Pumikit ako at pilit na pinatatag ang sarili, tumayo ako ng diretso at
inalis sa isip ang nangangatog kong binti na halos matunaw na sa kaba. Nang makita
ko siya wala pang isang linggo ang nakalilipas nakaya kong hindi kabahan dahil nasa
tabi ko si Sef dahil hindi lang kami ang magkaharap. Pero ngayong kaming dalawa
lang ang magkasama ay parang kulang pa ang hangin dito sa Pilipinas sa kapos kong
paghinga.

"Anong ginagawa mo dito?" Diretso at malamig kong tanong sa kanya. Lagpas isang
metro ang layo naming sa isa't isa ngunit pakiramdam ko ay kailangan ko pang
umatras sa liit ng aming distansya.

Ayokong maging mahina ngayon. Dalawang taon ang ginugol ko para makapagplano, para
makapaghiganti. I won't let my feelings interfere with my plans. Ayokong masira ang
lahat ng ito dahil lang sa uunahin ko ang pakiramdam na dapat noon pa lang ay hindi
ko na hinayaan pang maramdaman.

Kumuha siya ng alak sa likod ng sasakyan niya at sumandal doon. "For two years I
waited for this day to come. Ang bigla ka na lang sumulpot at sabihin sa aking
hindi ka naman nawala."

Hindi ako nagsalita, nanatiling tikom ang bibig ko habang pinapanood siyang lunurin
ang sarili niya sa alak.

"I'm so mad at you, you know that?" Malamig niyang saad. "You left us knowing that
you are dead then just come back and act like you don't need us-"

"Because I don't, Craig. I don't need you. You're just a collateral

damage in my fight. I just used you that time. May connection ka sa Chevalier
that's why I get into you. You're just a pawn in my game."

"You don't mean that..."

"I do. So please, stop interfering."

Tinalikuran ko siya at nagsimula ng maglakad palayo. This is for the best. Kapag
naalis ko na siya sa sitwasyong ito, hindi na siya masasaktan at mapapahamak pa.
Tatapusin ko muna ito bago ko ayusin ang sa aming dalawa. Simula pa lang ng
makilala ko siya I know for sure that it will not end up like those romance novels
that the teenagers read. This is not a damn love story, this is vengeance. A story
of war. And in war there's no place for such feelings.

"I still can help you. I can easily kill Marcello for you, Mikayla. Just tell me.
I'll bring his head to you." Hindi ko ito pinansin at tuluyan ng umalis.

No, Craig. I won't take the chance. Alam kong kaya mong gawin iyon pero hindi ko
kayang isaalang alang ang kalagayan mo. You're the only one I have. Ikaw na lang
ang natitira sa akin. I would rather lose and die in this war than to win and get
you killed. I won't let that. I can't let that.

Wala sa sariling sumakay ako ng elevator at pinindot ang numero kung saan kami
tumutuloy ngayon ni Sef. Diretso ang lakad ko papunta sa aming kwarto at doon ay
naabutan koi tong may kausap sa telepono na agad din niyang binaba nang makita ako.

"She's here, Thanatos. I'll call you later," paalam niya mula dito. Palaging
ganoon. Tuwing makikita niya akong padating habang kausap si Thanatos ay agad niya
itong binababa. "Where have you been?"

Naupo

ako sa sofa at pagod na sumandal dito. "I saw Craig."

"What? What if he kill you?!" Tumabi siya sa akin at hinatak ako, napatuwid ako ng
pag-upo, kaharap ko na siya ngayon at bakas ang galit sa kanyang mata.

"Craig won't hurt me, Sef. He's the last person who will hurt me."

"I've known Craig for years, Xiara. Hindi moa lam kung hanggang saan niya kayang
dalhin ang sarili niya upang matapos ang misyon na binigay sa kanya. He's
Marcello's puppet, for crying out loud!"

"Believe it or not, but he's on our side." Muli akong sumandal sa sofa at mariing
pumikit. Naalala ko ang itsura ni Craig kanina. Kung gaano ko siya nasaktan sa mga
binitawan kong salita.

"How can you be so sure? You can't trust anyone, Xiara, not even me. Dahil sa
sitwasyon natin, hindi mo na alam kung sino ang kakampi sa hindi."

Bumuntong hininga ako. "I know I can trust you, Sef."

"Then trust me on this. Craig may be anything now but surely not an ally."

"Sef-"

"Two years ago he was willing to arrest you,"

"Of course, I was his mission that time, nag-iba na ang sitwasyon noo-"

"Sinabi niya noon na may communication sa sa'yo, as far as I remember, sa kwento mo


sa akin noon, nagkaron kayo ng relasyon ni Craig. But why did he tell Marcello
about it? Bakit niya ipinangako kay Marcello na isusuko ka niya sa kanya? Because
all he told you, all you had together was for a mission, Xiara. You're just a
mission for him." Napako ako sa pwesto ko at pilit na pinroseso sa utak ang sinabi
ni Sef.

Sef wouldn't lie to me. Kung may nag-iisa mang taong pinaka pinagkakatiwalaan ko
ngayon, si Sef iyon. He will never lie to me, magtago siguro ng sikreto ay possible
pero hinding hindi siya magsisinungaling. At habang pinagtatagpi tagpi ko ang
nangyari, bakit nga ba nandon si Craig sa mansion ni Medrino nang araw na iyon? At
doon naging mas klaro ang lahat. Lahat ng nangyari noon ay isang malaking palabas
para lang mahuli ako, at para patayin si Medrino. At hindi ko mapigilan ang
pagdaloy ng luha sa aking mga mata dahil sa katotohanang iyon.

JhasMean: Nakakalito, right? Sinunod ko kasi ang edited version. Haha. I'll post it
kapag maayos na. So for now, pagtyagaan ang magulo kong story. Madami kasing
loopholes sa Book 1 nito. But I hope na kahit nakakalito na siya ay basahin niyo pa
din. Thanks. :)

=================

VIII. Proof

JhasMean: Guys, posted na po ang edited version ng Unveil, mula po sa prologue


hanggang chapter 2. Ang laki po talaga ng naiba sa kanya. Haha! Pasensya kung
maikli. I was trying to make this chapter 5K words, pero piga na si brain. Walang
inspiration. Hahaha! Special Thanks to DVCIO for accompanying me while writing
this. Echos! Ang gwapo ni Andres Ceballos. Search niyo. Hahahaha! Haba na ng
message ko. Read and enjoyyy. :)

Chapter 8

"Pwede'ng magdahan-dahan," bulong na hinaing niya ngunit parang hangin lang na


dumaan ang salita niya sa tenga ko. Alam ko ang ginagawa kong paggamot sa mga
natamo niyang sugat ngunit ang utak ko ay okupado ng nangyari kanina.

Kahit na sugatan ay nagawa akong hatakin ni Sef - na kanina'y pakilala niya sa akin
- papasok sa sasakyan niya na iniwan niya di kalayuan sa mansyon ni Medrino.

Tinapalan ko ng gasa ang sugat niya at lumayo sa kanya. Naupo ako sa single sofa
malapit sa malaking salamin ng hotel room na tinutuluyan namin. Gamit ang pekeng ID
at credit card ni Sef ay nagawa naming makapag-check in dito. Hindi ko na tinanong
pa ang tungkol doon basta ang alam ko, lahat ng binigay niya kanina ay peke.
Pangalan, ID, credit card.
Mariing pumikit ako at inalala ang nangyari. Ang nalaman kong impormasyon. Ang
pagsabog na siyang pumatay kay Medrino at ang nalaman kong pagpatay ng sarili kong
Ama kay Mommy.

Kinuyom ko ang aking palad. At parang isang talon na bumalik sa alaala ko ang nag-
iisang memorya sa akin ni Daddy. Matagal ko ng pilit na inalis iyon sa aking isipan
dahil sa sinabi sa akin ni Tita Beatrice - na si Daddy ang may dahilan ng
pagkamatay ni Mommy. May kung anong bagay ang nagpabigat sa dibdib ko na siyang
naging dahilan sa hirap kong paghinga.

Pinatay ni Marcelo ang Ina ko at ngayon ay pinatay niya din si Medrino. Gustung
gusto ko siyang sugurin ngayon at gantihan sa lahat ng ginawa niya ngunit alam kong
hindi pa ngayon ang tamang panahon para doon. Rumaragasa ang galit sa dibdib ko at
wala akong ibang paraan para matigil ito kundi ang maghiganti ngunit kailangan kong
pigilan ang sarili dahil alam kong hindi ko kakayaning mag-isa na labanan si
Marcelo. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na malaking grupo ang Diamonds. Minsan
kong nabasa ang tungkol sa kanila sa Black Rose, matagal ng pending case iyon sa
amin, hindi dahil sa walang may gustong tanggapin iyon kundi dahil sa sila Beau din
mismo ay alam na hindi naman sila kayang labanan.

Tumayo ako at nilappitan ang telepono sa tabi ng kama na hinihigaan ni Sef,


pinindot ko ang numero ni Craig ngunit hindi niya iyon sinasagot. Bigla akong nag-
alala. Nakaalis na kaya siya bago ang pagsabog? Ligtas kaya siya?

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Sef. Ngunit hindi ko siya pinansin at muling
sinubukang tawagan si Craig. "Sinong tinatawagan mo?" Inagaw niya ang telepono sa
akin na kinagalit ko.
"Tinatawagan ko si Craig. Gusto kong siguruhing maayos siya. Akin na 'yan!" Inagaw
ko ang telepono sa kanya ngunit pilit niya iyong nilayo sa akin, nang hindi ko pa
din tigilan ang pag-abot ko dito kaya bigla niya itong hinagis na kinasira ng
telepono. "Ano ba!?" Dinampot ko ang wasak ng telepono sa lapag at pilit na
pinagana iyon, sobrang sira na ito kaya kahit ano pang gawin ko ay hindi ko na ito
mapapagana pa lalo na'ng wala akong sapat na gamit.

"Ano bang problema mo?"

"Hindi ka ba nag-iisip? Nagtatrabaho si Craig sa Dark Chevalier, and as far as I


remember, it was Dark Chevalier's boss who killed Medrino. Paano kung kasabwat niya
ito?" Inis na sumbat niya. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Wala siyang
karapatang sabihin sa akin na hindi ko pwedeng pagkatiwalaan si Craig dahil kung
tutuusin ay mas nakakapanghinala pa siya dahil posibleng sinadya nila ni Marcelo
ang lahat ng ito. Na ginawa nila ang malaking palabas na ito.

"I can trust Craig more than anyone." Iniwan ko sa lapag ang sirang telepono at
tumayo sa harap ng sliding door palabas ng veranda at tumanaw na lang sa labas.
Mamaya ko na lang tatawagan si Craig.

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong kwarto, tanging ang mabibigat na


paghinga lang ni Sef ang tangi kong naririnig. May bale ang ribs niya kaya siguro
siya nahihirapan. Malala ang mga natamo niyang sugat at laking gulat ko na lang at
hindi pa siya binabawian ng buhay ngayon. With the degree of his wounds, lalo na
ang bali niyang mga buto, imposibleng mabuhay ka pa. Pero

may sa-pusa ata ang isang ito. Malakas pa din siya kahit nag anon ang natamo niya.

"Craig's not an enemy here." Saad ko at humarap sa kanya.

"Kung 'yan ang gusto mong paniwalaan. Just don't contact him for now. It's still
not safe."
"Kelan ba magiging ligtas? Kung hindi ngayon, kelan? Paano kung napahamak na siya?"
Bahagyang tumaas ang boses ko.

"Mas hindi siya magiging ligtas, Xiara." Umiling siya at hirap na tumingin sa akin,
hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mga sugat niya o sa ibang bagay. "H'wag ngayon,
Xiara. Mas mabuti ng wala siyang alam. Mas magiging ligtas kayong dalawa sa lagay
na iyon."

"Pero matutulungan tayo ni Craig," paliwanag ko.

"Anong gusto mong mangyari? Hingin ang tulong niya? Susugurin niyo ang Dark
Chevalier ng kayong dalawa lang para patayin si Marcelo? Say I can help, pero hindi
natin kaya. Ilang trained agents ang nandon? Lagpas isandaan, Xiara. At lahat ng
iyon ay santo ang tingin kay Marcelo, hindi sila magdadalawang isip na patayin
tayo."

"I have Black Rose to help us..."

"Good. Now we have an army. Pero bakit hindi niyo pa iyon ginawa dati? You already
know where our Headquarters, bakit hindi niyo kami pinabagsak noon pa?" Natigilan
ako at yumuko na lamang. "dahil Alam niyong hindi niyo kaya. You perfectly know
that Marcelo is a kind of person who has many fingers in a lot of pies. He has the
government, the Diamonds and who the hell knows what connection he has, he may also
have protection coming from the Soviet for God only knows."

Tama siya. Kaya naman ay kinalkula naming ang bawat

kilos namin. Inaral ng mabuti ang mga koneksyon ni Marcelo, at laking pasalamat ko
na lang na wala siyang nakukuhang proteksyon mula sa Soviet, because that would be
hell difficult for us. Hindi lang naming magiging laban iyon kapag sinugod naming
siya, because once he really has connections with the Soviet, third world war ang
mangyayari. Ilang buwan din kaming nagkasama ni Sef, mga anim na buwan na nang
tuluyan siyang gumaling mula sa mga bugbog niya, at sa pang-anim na buwan din
naming nagsama ay doon niya nakilala si Thanatos. Sa paghahanap naming ng mga
magiging ka-alyado naming ay nahanap niya si Thanatos, habang ako ay may sikretong
komunikasyon kay Poseidon ng BHO. Siya - pati ang kanyang asawa - lang ang
nakakaalam na buhay ako at pinakiusapan ko din silang h'wag muna itong sabihin kila
Beau, mapagkakatiwalaan ko si Poseidon dahil noon pa man ay magkakampi na ang Black
Rose at BHO. Magkaiba man kami ng prinsipyong pinaniniwalaan ay suportado naming
ang bawat isa.
Si Thanatos. Isang malaking misteryo ito sa akin. Si Sef pa lamang ang nakakakita
sa kanya at kahit anong pilit ko ay hindi niya sinasabi kung sino ito kahit nga ang
kasarian niya ay hindi ko alam. Ang sabi lang sa akin ni Sef ay mapagkakatiwalaan
koi to.

"Tang aka talaga." Galit na saad ko sa kanya habang inaalalayan siyang maglakad.
Tinamaan siya ng bala. Noong isang linggo ay may misyon na pinatapos sa amin si
Thanatos at ngayon naming iyon sinagawa, at sa gitna ng pakikipaglaban naming dito
ay sinalo ang bala ng baril na dapat ay sa akin tatama.

"You're welcome," sarkastikong saad niya. Inihiga ko

siya sa kama at kinuha ang bag na naglalaman ng panggamot namin. Kumuha ako ng
madaming bulak at tissue upang mapatigil ang pag-daloy ng dugo mula sa tyan niya.
Buti ay mababaw lang ang bala dahil kung hindi ay kakailanganin ko na namang
tawagin si Bree upang gamutin siya.

"Ano ba kasing katangahan ang pumasok sa kukote mo at nagpabaril ka? Paano kung
naging masama ang tama nito sa'yo?" Tumawa siya ngunit binuhusan ko ng alcohol ang
sugat niya kaya naman ay sumigaw ito sa sakit.

"O-okay lang. Ikaw naman ang may kailangang tapusing laban, hindi ako. Also, I
promised someone I'll protect you." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Medrino's dead. Hindi mo na kailangang tuparin pa iyon." Hindi siya sumagot at


ngumiti lang.

Dalawang buwan matapos iyon ay lumipad na kami papuntang Amsterdam dahil doon kami
pinapunta ni Thanatos. Hindi ko na kinwestion pa iyon, dahil sa hindi malamang
dahilan, nabibigyan niya kami ng magandang misyon, at isa pa, kapalit ng misyon na
binibigay niya sa amin ay pera. Kailangan naming iyon bago bumalik ng Pilipinas.

"Another mission." Inabot niya sa akin ang cellphone niya at binasa ko ang mensahe
ni Thanatos doon. Private ang number nito. Isang pangalan lang ang nakalagay sa
mensahe niya. Agad na umupo si Sef sa tapat ng laptop at hinanap ang taong sinabi
ni Thanatos.

"Sino siya?"

"Nabasa mo nman diba?" Sagot niya habang seryoso sa ginagawa sa laptop.

"I mean, ano bang ginawa niya?"

"I don't know, Xiara. Basta kailangan

natin siyang tapusin." Bakas ang pagkairita sa boses niya.

"Pero bakit nga? Hindi mo man lang ba tatanungin si Thanatos?"

"No. I don't have to question, Thanatos' judgment."

"Paano kung ginagamit niya lang tayo? What made you believe whoever that person is?

"I just know!" Inalis niya ang tingin sa laptop at humarap sa akin. "We can trust
Thanatos, Xiara."

"Why would I believe you?"

"Because I will never break your trust, Xiara. You're my person. Ikaw na lang ang
natitira sa buhay ko. Marcelo killed all my family, at hindi ako gagawa ng bagay na
alam kong magigig dahilan ng pagkawala mo sa akin." Natigilan ako at malungkot na
ngumiti sa kanya. Umiling ako.
Umalis ako matapos kong malaman ang katotohanang niloko lang ako ni Craig. Ilang
beses pa akong pinigilan ni Sef gunit hindi ako nagpaawat. Gusto ko na lang matapos
ito.

Nagmaneho patungo sa isang pamilyar na daan. Gabi na kaya naman pagdating ko doon
ay wala na ang mga estudyante, kung meron man ay imposibleng mapansin pa nila ako.
Pumunta ako sa katabing building ng eskwelahan na inabandona na, ang daan ay ganon
pa din, pamilyar ang madilim na pasilyo nito. Nang makarating ako sa dulo ng
pasilyo ay may hinanap ako sa pader na isang maliit na ukit ng rosas. Detector ito
- fingerprint detector - kahit ang isang magaan na pagpindot lang ng taong
nakarehistro dito ay may lalabas ng screen sa tabi nito para itipa ang passcode.
Hindi nila pinalitan ang code nito kaya

naman ay malaking hakbang paatras ang ginawa dahil may bumukas na butas mula sa
lapag, ilang sandal pa ang hinintay ko bago lumabas ang hagdan pababa dito. Maingat
na bumaba ako, halos walag tunog na ginagawa ang yapak ko. Walang mga agents sa
hallway hindi gaya noon. Dumiretso ako papunta sa opisina ni Beau, may passcode ito
na sinabi niya sa akin noon. Tinipa koi to at tinanggpa ng system, pinihit ko ang
knob ng pinto at tuluyang pumasok, doon ay lahat silang lumingon sa akin at bumakas
ang gulat sa mukha.

"Missed me?" Ngumisi ako at tumingin kay Jasmine na nakaupo sa tabi ni Starr.
Nilibot ko ang paningin sa mga nandoon at laking gulat nang makita ko si Craig sa
tabi ni Sam.

Anong ginagawa niya dito?

"X," malamig na tawag sa akin ni Beau. Inalis ko sa isip ang tanong sa isipan ko at
bumaling kay Beau na wala pa ding pinagbabago ang malalamig na titig. Nilabanan ko
ang titig niya, ako din ang unang sumuko dahil masyadong mabigat ang tingin niya
kaya naman ay binigyan ko na lang siya ng mapaglarong ngiti.

"So, what's new?" Bago pa masagot ang tanong ko ay isang malakas na pagputok ang
narinig ko at isang malamig na metal ang naramdaman kong tumama sa braso ko, bumaon
ito at ramdam ko ang init ng dugong lumabas mula doon. Bahagya akong nawalan ng
balanse, napahawak ako sa dumudugo kong braso at pinilit na ayusin ang tindig.
"Wow, such a warm welcome."

Jasmine Sophia Andrews

Hindi ako mapakali habang ginagamot si Ate Mikayla, nakailang pabalik balik ako ng
lakad habang ilang beses na sinisilip siya na prenteng nakaupo sa sofa habang

ginagamot siya ni Starr. Si Beau ang bumaril sa kanya at matapos iyon ay sinabihan
niya si Starr na gamutin ito. Nasa kalagitnaan kami ng meeting nang biglang
dumating si Ate. Sinabi ko sa kanila ang naging hinala ko na si Matthew Chevalier
ang pumapatay sa miyembro ng Diamonds. Ipinresinta koi yon ng walang matigas na
batayan, nagkakainitan na ang pagtatalo naming noon at biglang sumulpot si Ate.
Mainit na ulo ni Beau at nabigla na lang din ako sa ginawa niya.

"Will you stop what you're doing, Jasmine?" Saway ni Ate Mikayla.

"Ate, nabaril ka? Hindi ka-"

"Hindi ito ang unang beses, Jasmine." Matigas niyang saad.

"Dalawang taon at wala ka pa ding pinagbago." Natatawang saad ni Starr.

Nagkibit si Ate, "Sa inyo meron. Nagkaayos na kayo ni Beau."

"Your death brought us back." Tumawa ito tapos ay ngumisi. Nilapag niya ang ginamit
na panggamot sa maliit na lamesa sa harap niya at umupo sa tabi ni Ate.

Umiling si Ate. "So, did you stop killing agents out of nowhere?"

"She's a mole! Why won't you still believe me? After all these years?" Pasigaw ang
pagkakasabi noon ni Starr ngunit walang bakas ng galit sa kanyang mukha, mukha
ngang masaya pa siya.
"I don't know. Hindi ka lang talaga kapani-paniwala. Ang daming nagbago..."
makahulugang tinignan ako ni Ate. "Hindi ko inakalang tumatanggap pala kayo ng
kalaban dito?"

Parehas na kumunot ang noo naming ni Starr. "Sino?"

"Si Ybañes." Malamig at parang patalim na bigkas niya sa pangalan ni Kuya. Nawala
ang kapilyahan sa mukha niya at napalitan ng nakapangingilabot na titig. Para bang
kinamumuhian niya ang salitang iyon. "I should go. Nagpakita lang naman ako sa inyo
dito and to tell you to stop interfering with my mission. Itigil niyo na ang
pagpapatumba sa Diamonds. Ako ang gagawa noon."

"But Xiara, hindi kami iyon." Tumawa si Ate.

"Elena and Night's probably here. Hindi imposibleng kayo ang gumawa ng mga pagpatay
na iyon."

Bumukas ang pinto at niluwa non si Beau kasama si Kuya at Sam na halos maluha nang
makita si Ate ngyunit kahit isang tingin ay hindi siya binigyan ni Ate. I know how
hurt she was when she thought Ate died.

"We did not," malamig na saad ni Beau.

"Beau, you don't have to lie, we both know you're the only one capable." Malamig
din ang pagkakasabi niya noon, nilalabanan ang lamig ng bawat salita ni Beau.

"Hindi lang kami. Dark Chevalier's capable, too." Ani Beau.

"They're allies." Iritadong sagot ni Ate. Bago pa sumagot si Beau ay sumingit na


ako sa pagtatalo nila.

"We-we found a blood sample in the scene where Sven died, Katerina Von, isa sa
experiment department agent ng BHO run a DNA test with it, mula kay Mama mo, it
matched." Paliwanag ko. Hindi makapaniwalang umiling si Ate at sarkastikong tumawa.

"It's not me. I didn't even get the chance to lay a finger on that demon."

"We know. Kaya ang naisip ko, si Marcelo, may anak siya, si Matthew. Baka...
kapatid mo siya." Sunud-sunod ang naging pag-iling ni Ate at bumalik sa pagkakaupo.

"Imposible. Nag-iisa akong anak. At bago pa mamatay si Mama ay halos ilang buwan ng
hindi umuuwi si... Papa sa amin. At ilang buwan din kami ilang beses na umaalis sa
tinitirahan namin. And how can you even say that? Do you have solid proof?" Umiling
ako at binalot ang buong kwarto ng katahimikan.

=================

IX. Everything

Chapter 9

Jasmine Sophia Andrews

"Hi, Matthew!" Bati ko sa kanya at umupo sa katapat niyang upuan.

Nasa cafeteria kami ng Chevalier at desidido ako ngayong makahanap ng pruweba sa


hula ko. Alam kong isang malaking kahibangan ang iniisip ko pero hindi ko maaalis
sa isip ko ang katotohanang baka nga magkapatid sila. It's not just a hunch I'm
feeling, it's intuition. Alam kong tama ako, kailangan ko lang ng patunay pa.

"You're in good mood, huh? Last time I talked to you, you snobbed me." Tumawa ito
at sumubo ng kinakain niyang carbonara. Nagkibit ako sa kanya at kumain na din.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Para akong sumugod sa isang gyera na walang dalang kahit anong baril man lang.
Hindi ko masyadong pinag-isipan. Hindi ko naman pwedeng itanong sa kanya kung may
kapatid ba siya dahil sa alam naman naming lahat na wala.
"Hindi ata madalas na pumupunta dito si Boss," komento ko habang umiinom ng tubig

"Yeah, may inasikaso siya sa Amsterdam." Tumango ako. Amsterdam? Saan ko nga ba
narinig iyon?

"Ano?" Inosenteng tanong ko. Yumuko ako ngunit pasimpleng tinignan siya na normal
lang na kumakain.

"Something about diamonds..." napatuwid ako ng pagkakaupo at gulat na tinignan siya


ngnit nanatili ang atensyon niya sa kinakain at parang wala lang ang sinabi. "May
auction kasi ng diamonds doon, pumunta

siya para mag-bid sa matagl na niyang hinahanap na klase ng diyamante."

Hindi na ako muling nagsalita pa at pinagpatuloy na lang ang aking kinakain. Kung
tama ang iniisip ko na si Matthew ang isa isang pumapatay sa bawat miyembro ng
Diamonds at magkapatid sila ni Ate Mikayla... alam niya kaya na mismo ang ama niya
ay kasali dito? Alam niya ba'ng may kapatid siya?

At ang isa pang gumugulo sa isip ko ay ang Amsterdam. Sigurado akong hindi lang si
Matthew ang nagbanggit sa akin tungkol sa bansang iyon. Someone already mentioned
that to me.

Mariing pumikit ako at pilit na inalala ang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas
na araw. Mula kahapon hanggang sa mamatay si Sven Montemayor. Parang litratong
mabilis na nag-flash sa utak ko ang mga memoryang iyon at isang particular na
pangyayari ang nakapukaw ng atensyon ko. Ang naging usapan naming ni Rochelle.
Nasabi niya sa akin na si Elena at Night ay nanatili sa Amsterdam noon para sa
isang misyon na binigay ni Beatrice. Ano bang meron sa bansang iyon?

"Naimbestigahan niyo na ba ang koneksyon nila Sven at Divina?" Biglang tanong ni


Matthew kaya naman ay nawala ang mga katanungang gumugulo sa isip ko at bumaling sa
kanya.

"Hindi pa," sagot ko, kahit na alam ko namang meron. "Bakit, sa tingin mob a ay
meron?"

Nagkibit siya. "Siguro. They had the same sign written on their body. Fourteen.
It's something, right?"
Tumango ako. "Hindi pa naman naming napag-uusapan 'yon ni Eron. Wala siya kanina."

"It's because today's the seventeenth of the month," sumandal siya sa upuan niya ,
tinitigan niya ako, ang isang sulok ng labi niya ay nakaangat at ang mata niya ay
mapaglaro ang mga titig. "What? Sa tinagal niyong magkasama ni Eron ay hindi mo
napapansin iyon?"

"Ang ano?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"That every seventeenth of the month, he's not here." Hindi ko naman iyon
napapansin. Minsan lang hindi pumasok si Eron sa trabaho kaya hindi ko na iyon
napupuna pa, kahit na may isang araw kaming pahinga mula sa Dark Chevalier ay ang
alam ko pumapasok pa din siya, at ang malaman na absent siya ay hindi kahina-
hinala. A man needs to take a break.

"Hindi naman. Bakit anong meron?" Umiling siya.

"That, I don't know." Ngumisi ako sa kanya.

"Mas matagal kayong magkasama pero hindi mo alam kung bakit?" Ganti ko sa panloloko
niya kanina. Mahina siyang tumawa at hindi pa din nawawala ang mapaglaro niyang mga
titig. Ako na ang nag-iwas ng tingin at uminom na lang juice.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa department naming. Sumama naman sa
akin si Matthew. Ang sabi niya ay wala daw siyang mission ngayon. Nang tanungin ko
kung abkit hindi siya binigyan ang naging sagot niya ay dahil sa bumukas ang
pagkakatahi sa sugat sa braso niya. And when I asked him how he got that wound,
parehas lamang ng dati ang naging sagot niya.

Pagdating sa department naming ay naupo agad ako sa harap ng working table ko at


naglabas ng iilang paper works na natambak sa akin nitong mga nakaraang linggo.
Kaunti lang naman ito kumpara dati. Umonti

din kasi ang mga naging misyon na natatanggap namin. Sa autopsy ang marami kaming
trabaho. Gaya kasi noong isang linggo. Ang dapat na misyon ng Chevalier ay ang
pagbantay sa auction ni Divina, pero bago pa ang auction ay namatay siya.

"Maybe the killer is X," out of nowhere na sambit ni Matthew habang nakaupo sa
swivel chair ng isang kasamahan ko na hindi naman nakapasok ngayon.

"She was gone for two years, Matthew." Tanging sagot ko sa kanya habang tinatype
ang security code para mabuksan ang computer tapos ay tinapat sa scanner sa gilid
ng monitor ang ID ko upang ikumpirma ito kasabay ng paglapat ko ng thumb ko sa
fingerprint scanner.

"But aren't you wondering, why? Saan siya nagpunta? Baka siya ang gumagawa ng lahat
ng ito. Maybe she came back." Sarkastikong ngumiti ako.

"Trust me, alam kong hindi siya ang gumagawa ng lahat ng ito." Hindi ko napigilang
sabihin sa kanya. Kinagat ko ang aking ibabang labi sa pagiging madaldal ko.

"Paano mo nasisiguro? Unless ikaw iyon? Are you a double spy, Jasmine?" May halo ng
panloloko sa tono ng pananalita niya pero hindi ko maiwasang makadama ng kaba dahil
doon. Dahil iyon ang totoo. I'm a double spy, for Pete's sake. "I was just kidding.
Masyado kang hot, Andrews. I was just curious."

Hindi na muling nagsalita pa si Matthew kaya naman ay nagawa ko nang simulant ang
mga kailangan kong tapusin, sa buong oras na nagtatrabaho ako ay nasa tabi ko lang
siya, paminsan minsan nga ay sinisilip ko siya, tahimik na nakatitig lang siya sa
kawalan at mukhang malalim ang iniisip.

Mga bandang ala-sais nan g gabi nang matapos ko lahat ng paper works ko, ginising
ko pa si Matthew sa kabilang

table na nakatulog na.

"Tapos ka na?" Tumango ako. "Hatid na kita." Hindi iyon tanong.

Nauna siyang naglakad paalis sa akin, inayos ko muna ang mga gamit ko at umalis na
din ng department. Gaya ng Black Rose, nasa ibaba din ang Dark Chevalier, nasa baba
kami ng parking lot ng isang hotel sa Metro at pag-akyat ko ng parking lot ay
nakita ko agad si Matthew, malalim ang iniisip at nakasandal sa hood ng Range Rover
niya. Paglabas ko ng elevator ay mukhang napansin niya ang pagdating ko at mabilis
akong nginitian. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat, agad naman akong
pumasok.

"Uuwi ka na?" Tanong niya. Umling kaagad ako. "Saan ka pupunta?"


"Sa dati kong school. May kailangan kasi akong kunin doon." Tipid na sagot ko.

"Okay," pinaandar niya ang sasakyan. Nanatili akong nakatanaw sa labas habang
nakikinig sa pinatugtog ni Matthew na kanta ng Dashboard Confessionals. Hindi naman
niya ako kinausap pa at mukhang nakatuon ang buong atensyon sa pagmamaneho at dahil
sa malamig na boses ng kumakanta sa stereo niya ay hindi ko namalayang binalot na
ako ng antok, nagising na lang ako nang mahinang tapikin ako ni Matthew sa balikat.

"We're here." Nakangiting saad niya. Tumango ako at umayos sa pagkakaupo, pinunasan
ko pa ang mukha ko gamit ang panyo bago bumaba at nagpasalamat sa kanya. "I'll wait
for you here." Masigla niyang saad.

Umiling ako. "Matatagalan pa ako."

"It's alright, I can wait." Muli akong umiling.

"Magpapasundo na lang ako kay Kuya o kay Kein." May sasabihin pa sana ito pero muli
ko siyang inilingan.

Bumuntong hininga bilang senyales ng pagsuko.

Hinintay ko muna siyang umalis bago pumunta sa Black Rose. Dumaan muna ako sa Gray
upang tignan kung nandon si Kein, pero wala siya, pati na rin si Vector na ngayon
ko lang nalaman na umaalis din pala sa lungga niya. Dumiretso na lang ako sa
opisina ni Beau, at pagdating ko doon ay na-realize kong dapat pala ay hindi na
lang ako nagpunta pa rito.

"Why did you bring that here?" Halos hindi bumuka ang bibig ni Beau habang sinasabi
iyon. Bakas ang galit sa mukha niya at pakiramdam ko ay binalot ako ng lamig dahil
sa titig niya kila Ate Mikayla at sa kasama niya. Si Sef.

Matagal ko ng kilala si Sef, nagsisimula pa lang ako sa Dark Chevalier ay nandoon


na siya. He was really friendly, pero bigla na lang siyang naging mailap hanggang
sa bigla na lang siyang nawala. Halos tatlong taon ko na siyang hindi nakikita at
hindi ko alam kung papaano nangyaring magkasama sila ni Ate ngayon. Magkakilala
sila? Kelan pa?

Ang dami ko ng hindi alam kay Ate. Ako itong taong unang nakaalam na buhay pa siya,
tinago iyong sikreto sa loob ng dalawang taon, ako ang nakakausap niya, pero kahit
na ganon ay sa loob din ng dalawang taon ay wala akong alam tungkol sa kanya. Kahit
na tanungin ko noon kung may kasama ba siya ay wala siyang sinasabing sagot. At
ngayon ay nalaman ko na lang na magkasama pala sila ng taong matagal ko na ring
hindi nakikita.

"Sef can be trusted, siya ang tumutulong sa akin for the past years. You don't have
to worry about him," sagot ni Ate at komportableng sumandal sa kinauupuan niya
habang si Sef ay nakatingin lang sa

kanya tapos ay komportable na ring naupo gaya ni Ate. Hindi na nagsalita pa si Beau
at nanahimik sa kanyang pwesto sa dulo ng lamesa, nasa tabi niya si Elena at Night
na nakatayo, animo'y mga kawal na binabantayan ang kanilang reyna. Si Elena ay may
kinakaing butterfinger habang si Night ay diretso ang tingin sa kawalan.

Naupo ako sa tabi ni Starr na nakangisi ngayon habang pinaglalaruan ang ballpen na
hawak na ballpen, nakatingin siya kay Ate Mikayla at Sef na nasa ganong pwesto pa
rin. Napailing na lang ako at tinignan silang lahat. Mukhang hindi pa kami
magsisimula, wala pa kasi si Kuya Craig at Sam.

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi pa alam ni Ate ang tungkol kay Sam at Kuya. Ano
kayang magiging reaksyon niya? Magagalit ba siya? Ngunit nang maalala ko kung gaano
kalakas ang intensidad mula sa mga salita niya noong nakaraang araw habang
binabanggit ang pangalan ay nawala ang kaba kong maaring magalit siya, kasabay ng
namuong pagkabigo sa puso ko na ang relasyong halos dalawang taon kong pilit na
pinrotektahan ay nauwi lamang sa wala.

Ilang saglit na katahimikan ay dumating na rin si Kuya, kasunod niya si Sam,


inabangan ko pa kung may kasunod pa sila pero walang Vector na dumating. Ibig
sabihin ay hindi pa sila nakadating ni Kein. Ang huli naming pagkikita ni Kein ay
noong ikwento ko sa kanya ang tungkol sa nakita ko - ang paghahalikan ni Kuya at
Sam - matapos no'n ay nagpaalam siya sa amin ni Kuya na aalis sila ni Vector para
sa isang bagay na hindi naman niya sinabi pa sa akin. Hindi ko na rin ito natanong
pa kay Vector dahil kinabukasan sila agad umalis, habang sa ngayon ay hindi ko pa
naitatanong ang tungkol doon kila Beau

at Starr.

"Finally, shall we start?" Madiin at malamig na pagkakasambit ni Ate, may binibigay


na isang itim na folder si Sef sa kanya, inabot niya ang isa kay Beau at ang
natitira sa amin ni Starr. Binuksan ni Starr ang folder at doon ay nakita ko sa
itaas na parte ang mukha ng isang babaeng nakasuot ng puting laboratory gown.
"Alejandra Sebastian, isang researcher sa Carmine Pharmaceutics. Beau, you might
know her, siya ang nasa likod ng poisonous drug na pumatay sa lahat ng taong
nakatira sa isang maliit na compound sa Laguna."

Nabasa ko ang mission na iyon ni Ate sa mga files sa system ng Black Rose. Ang
naging front ni Ate noon ay isang nurse sa isang ospital at ang pasyenteng hawak
niya ay si Paige Hendrix. Isa sa survivor mula sa explosion sa compound na iyon,
but eventhough she survived that day, nagdusa naman ito sa sakit na cancer, in
which I think is worse than dying.

"And someone whispered to us that for the past years their trying to improve the
drug, it became more lethal that it can kill a person within a matter of seconds.
What we-" binagsak ni Beau ang hawak na folder at binigyan ng matalim na tingin si
Ate na siya namang ginantihan niya.

"So you want us to just kill her?" Malamig na tanong ni Beau, galit ang tono ng
boses niya at halos hindi bumuka ang bibig sa pagkakadiin ng bawat salitang
binitiwan.

"Yes, because for the past months we both try to create a perfect plan to kill each
of the Diamonds but nothing happened. Nauunahan tayo. Kaya mas magandang maunahan
na natin ang iba," mariin na pagkakasagot ni Ate. Kinuha niya

ang folder na binato ni Beau. "And you know how much I want to kill this person,
Beau."

"I know. But this is not the right time for you to be overpowered by your emotions,
Xiara." Beau said, exasperated.

"How can I fight if I won't let my emotion consume me? If I won't let my anger
consume me? Iyon lang ang sandata ko, Beau. You know that. Because if I'd be given
a choice, papatayin ko na lang ang sarili ko. It's easier."

Hindi na muling nagsalita si Beau at binawi na lamang ang folder kay Ate Mikayla.
Halos hindi ako makahinga dahil sa namumuong tension sa paligid. Sumandal si Ate sa
inuupuan niya at dumako ang tingin sa akin, nag-iwas agad ako ng tingin, bumaling
ang tingin ko sa pwesto ni Kuya at Sam. Si Kuya ay nakatitig sa pwesto ni Ate
Mikayla habang si Sam ay mukhang kinakabahan sa pwesto niya. Ngumisi si Kuya at
hinawakan ang kamay ni Sam, akala mo'y napasong inalis iyon ni Sam at bahagyang
inilayo ang upuan sa tabi ni Kuya. Binalingan ko si Ate, nakangisi siya at
nakatingin kay Kuya Craig. Nagpalipat-lipat ang titig ko sa kanilang dalawa,
parehas lamang silang may ngisi sa mukha at malamig ang tingin sa isa't isa.

"Go on. It's fine with me." Saad ni Ate at kinausap na si Sef. I look at Kuya,
nawala ang ngisi sa labi niya, ang lamig din ng mga titig niya ay nawala at
napalitan ng lungkot habang nananatiling nakatingin kay Ate.

Natapos ang pag-uusap naming at pumayag si Bau sa kagustuhan ni Ate na isaga ang
misyon sa madaling panahon. Gagawin namin iyon isang araw mula ngayon kaya naman
bukas ay maghahanda na kami para doon.
Dumaan si Kuya Craig sa shooting area habang ako ay naghintay kila Vector at Kein
sa may Gray. Ngunit sinunundo na ako ni Kuya malaipas ang isang oras ay wala ni
anino nilang dalawa, sinubukan ko siyang tawagan ngunit walang sumasagot kaya
minabuti kong mag-iwan na lang ng message sa kanya, pati na rink ay Vector.

Tahimik si Kuya mula sa sasakyan, hindi na ako nag-abala pang magbukas ng radio
dahil may gusto rin akong itanong kay Kuya na bumagabag sa akin dahil sa nangyari
kanina sa opisina ni Beau. "Do you still love Ate Mikayla?"

Saglit na hindi nagsalita si Kuya hanggang sa bumaling siya sa akin habang


nakatigil ang sasakyan. Tumango siya. "Oo."

Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa isinagot niya. Mahal niya pa si Ate, pero anong
ginagawa niya kasama si Sam? Umalis siya noon nang sabihin ko na buhay si Ate
Mikayla, anong ginawa niya? Hinanap ba niya? Hindi. Sumama siya kay Sam. Pinakita
niyang wala siyang pakielam, tapos ngayon ay sasabihin niyang mahal niya pa rin si
Ate? Is he kidding? Pinaglalaruan niya lang ba kami?

"Kung mahal mo pa si Ate, bakit ka nakipagrelasyon kay Sam? She loves you, Kuya."
Nakikita koi yon. Ilan taong hindi ngumingiti si Sam o nagpapakita man lang ng
emosyon. Kuya changed her. A person will not simply change, I know that for a fact.
"Sasaktan mo lang siya."

"I know. Pinaliwanag ko na 'yan sa sarili ko dati. Pero tuwing nagsasalita siya,
naglalakad o kahit na sa simpleng pagtayo niya lang sa isang gilid... I can't help
but see Mikayla on her. Akala ko patay

na si Mikayla but because of her she became alive." Tinigil ni Kuya ang sasakyan sa
garahe at sumandal sa upuan niya. Mariin siyang pumikit at bumuga ng hangin. "I
tried seeing her. Iyong si Samantha talaga, I did. So I tried loving her, maybe I
did, but she's not Mikayla. I can't love her in that way." Hindi na ako nagsalita
at umalis na sa sasakyan. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng maiinom.

Nakakasakal dito. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para maging
maayos ang lahat. Para maging normal. Wala na akong maisip. At masakit isipin na
kahit kalian ay hindi na ito magiging normal pa. Na ang gusto kong simpleng buhay
na masaya ako, si Kuya, si Kein, at si Ate Mikayla ay hindi na, kahit kalian,
mangyayari pa. Because normal is just an illusion. Bagay na ginawa ng tao upang
makaramdam ng kapanatagan because we're all scared of chaos that's why people
created the normal, when in reality, when you try to analyze things, lahat ay
magulo naman talaga. Walang steady... walang normal.

Umakyat na ako sa aking kwarto, pero bago iyon ay tinignan ko muna ang kwarto ni
Kein, nagbabakasakaling nandoon na siya, ngunit ang madilim at tahimik na kwarto
niya lang ang sumalubong sa akin kaya bagsak ang balikat na pumunta na ako sa
kwarto. Sinarado ko ang pinto at ni-lock ito tapos ay binuksan ang lamp stand sa
tabi ng computer table.

"Jasmine," napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Kein. Lumingon ako
at nakita siyang nakaupo sa kama ko, hindi ko maaninag masyado ang mukha niya dahil
sa maliit lang ang sakop ng liwanag

na nagmumula sa lamp kaya naman naglakad ako palapit sa kanya. Gulo ang buhok niya,
ang balikat niya ay bagsak na para bang pagod na pagod siya.

"I've been calling you pero hindi ka sumasagot? Saan ba kayo nagpunta ni Vector?"
Nag-aalalang tanong ko at naupo sa kanyang tabi, hinawakan ko siyas a pisngi ngunit
marahas niyang inalis ito na ipinagtaka ko. "Kein?"

"We went to Tagaytay for a convention. I learned many things there... pero may
isang bagay pang sinabi sa akin si Vector habang nandon kami. Do you want to know
what it is, Jasmine?" Binalot ng kaba ang dibdib ko at napatayo, bahagya akong
lumayo sa kanya ngunit agad na hinawakan niya ang braso ko at tinignan ako gamit
ang matatalim na titig. Masaki tang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mas
masakit ang mga tingin niya sa akin na parang nandidiri, na para bang isa akong
halimaw na pinandididrihan niya. "I know all about Black Rose. I know everything,
Jasmine."

Parang nauupos na kandilang napaupo ako sa sahig at saglit na tumitig sa lapag bago
kumawala ang isang takas na luha mula sa aking mga mata, at doon na ako nawalan ng
control pa sa emosyon ko. Binitawan ako ni Kein at iniwang umiiyak sa kwarto. Hindi
ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa sakit na nararamdaman ko o dahil sa wala na
akong sikretong tinatago pa. Kung ano mang rason... hindi ko alam. Gusto ko na lang
na tumigil na ito dahil wala na akong maramdaman na kahit ano.

JhasMean: Heyya, guys! Sorry for the long wait. Hahaha! Grabe ang emotion
rollercoaster ni Jasmine. Lol. Anyway, guys, meron po akong bagong post na story
(NANAMAN?) pero on hold pa po siya (ULETT?)
It's my first ever collaboration story with my co-LIB authors. Kasama ko po dito si
MsButterfly, modernbinibini and maxinejiji. The story is entitled Exquisite Co.,
Saga. May 4 stories po siya.

Book 1: Chianti Callahan by MsButterfly

http://www.wattpad.com/story/39490294-exquisite-saga-1-chianti-callahan

Book 2: Roussanne Shelkunova by JhasMean_

http://www.wattpad.com/story/39491869-exquisite-saga-2-roussanne-shelkunova

Book 3: Syrah Krish-Korkmez by modernbinibini

Book 4: Asti Medeira by maxinejiji

Yung Book 3&4 po ay hindi pa posted. Sana po ay suportahan niyo kami. Thank youuuu!

=================

X. Catching Up

Chapter 10

X
"Nasa sixth floor ng building ang research laboratory ng Typhon, bago makapunta
doon ay kakailanganin ng key card mula sa mga researcher, at ang thumbprint nila
and lastly, retinal scanner." Paliwanag ni Jasmine. We've talked about this
yesterday, inuulit lang para malinaw ang plano at masigurong walang kahit anong
mali sa magiging plano.

Tonight at 7 in the evening, Sef will have a date sa isang researcher ng Carmine
Pharmaceutics. Sa loob lang ng tatlong araw ay napagplanuhan naming iyon. He'll
date her tapos ay paiinumin niya ito ng pampatulog upang makuha ang identity niya.
On the time that she's unconscious, gagawa kami ng peke niyang mukha habang si
Vector ay papasukin ang kanilang system at papalitan ang nakalagay na information
sa babae na kahit gamitin ang thumb print at retinal scanner ay tatanggapin ang
akin.

"Our goal is to get the Typhon drug at ang Antidote nito na Zeus, Vector's in-
charge with getting all the file about the drug at alisin iyon sa kanilang system."

Typhon is the drug made by the Carmine Pharmaceutics. Noong panahon na pinasabog
nila ang drug na iyon sa lugar nila Paige ay iyon pa lang ang simula ng tests nila.
Kung noon ay mauuwi sa cancer kapag na-expose ka dito, ngayon ay kahit isang patak
lang nito ang mahalo sa dugo mo ay kaya kang pataying sa loob ng isang araw. Gaya
ni Typhon sag reek mythology, it's a monstrous drug. At kapag nagtagumpay sila
Alejandra na ipalaganap ito sa buong mundo ay baka ito ang magwakas sa populasyon,
kaya naman ay gumawa rin sila ng antidote.

Pharmaceutical companies is not like what other people think of them. Ang akala ng
tao ay gumagawa

ito ng gamot para sa mga sakit na lumalabas sa mundo, pero hindi, they discover the
disease first bago gawin ang antidote. It's a sales technique. Normal naman iyon,
pero ang paggawa at ang pag-eksperimento mismo sa tao ay hindi normal na bagay.
What they did was not to discover a new disease but rather created a new one - a
deadly one.

"I'm on the way to the," salita ni Sef sa kabilang linya. Nasa isang truck kami
malapitr sa restaurant kung saan pupunta si Sef, doon namin sila hihintayin. Hindi
naman na kailangang gawin ito, but Starr suggest to us to do this. Ang una kasing
plano ay gagawa na lang ng bagong identity sa system ng Carmine Pharmaceutics para
makapasok ako sa loob ng laboratory. Vector can easily do that, pero mas delikado
dahil may makakahalata. It's an obvious move. Kaya sinabi ni Starr na ito na lang
ang gawin na sinang-ayunan naming lahat.

"Do you even know how to date?" Tanong ko sa kanya, nasa tabi ko si Jasmine na
napangiti sa sinabi ko. She's been quiet since yesterday. Hindi ko naman magawang
itanong kung may problema siya dahil alam kong ayaw niya rin na ipaalam sa akin.
Because if she wanted to tell her problem to me she would tell it to me herself.

"I know. Damn, let me concentrate." He hissed. Napatawa ako at fi-no-cus ang CCTV
camera sa sasakyan niya. Vector hacked the entire CCTV camera in the whole Metro
para madali naming makita sila Sef.Lumabas na mula sa building ng condominium ang
babaeng ka-date niya.

Aliyah Silvestre. Gum-raduate sa UP sa kursong BS Pharmacy, top 4 sa board exam at


simula noon ay kinuha mismo siya ng Carmine Pharmaceutics upang magtrabaho sa
kompanya nila. Which is the greatest

privilege every Pharmacist would get, dahil ang Carmine ay ang top pharmaceutical
company sa Pilipinas at pang-lima sa buong Asia habang kasama naman sila sa top 15
Pharmaceutical companies sa buong mundo. They've discovered hundreds of disease and
hundreds of cure for those diseases. But they discovery has gone overboard when
they created Typhon.

"She's a beauty. You can have sex with her after we finish this mission," biro ko
sa kanya. Lumingon ako sa pwesto nila Starr na inaayos ang mga kakailanganin ko
mamaya. Nasa tabi niya si Craig at Sam na inaayos an gang mga baril habang si Night
ay tumutulong kay Jasmine na i-set up ang machine na gagawa ng fake face, Elena's
sitting beside Night while eating. Ngumisi lang ako sa kanila at binalik ang tingin
sa screen.

"Pwede ba? You might get jealous," bulong niyang biro pagkasara niya ng pinto ng
passenger seat.

"Oh, I wouldn't. Sawa na ako sa'yo." He chuckled tapos ay pumasok na sa loob ng


sasakyan.

Tahimik ang biyahe nila. Hindi na naming nakikita pa ang ginagawa nila sa sasakyan,
pagdating na lang sa restaurant na pupuntahan nila namin sila makikita. Paminsan-
minsan ay naririnig kong nagsisimula ng conversation si Sef, but the woman just
won't let him. Maybe she's awkward. According to our research, Aliyah's only been
with one man. Ang fiancé niya noon na namatay sa isang aksidente just a week before
their wedding.

"Make her happy tonight. First time niya ulit makipag-date after years, Sef." Payo
ko sa kanya, hindi siya sumagot. Narinig ko na lang na tumigil ang makina ng
sasakyan niya, hinanap ko ang CCTV kung

nasaan sila. Nasa may tapat na sila ng restaurant. "Okay na ba ang CCTV ng
restaurant?" Tanong ko kay Vector na nasa Gray.

"One second... there." Nag-flash sa malaking screen ang kabuuan ng restaurant.


Kaunti lang ang tao, sa may malapit sa glass window sila pumwesto, sa labas noon ay
kita mula sa screen ang magandang garden sa labas.

"The restaurant's nice. Saan mo 'yan nahanap? We should go there next week." Saad k
okay Sef kahit na hindi naman niya ako sasagutin. Napansin ko na lang ang kamay
niya na nag-okay sign. "Your treat?" Muli kong tanong. He put his middle finger
high na ikinatawa namin.

Sumandal ako sa swivel at kinuha ang control. Itinutok at nilapit ko ang focus ng
camera kay Aliyah at may pinindot na command upang makuha ang lahat ng features ng
kanyang mukha.

"Na-i-set niyo na ba ang machine para magawa ang fake face?" Tumango si Jasmine at
tinignan pa kung maayos ang pagkaka-kabit niya nito.

"Okay na ate," sagot niya, pagod ang boses. Inayos na niya ang kailangang gawin
doon para masimulan na ang paggawa ng pekeng mukha ni Aliyah. Naglagay ng ulo na
prosthetic si Jasmine, nagsimula ang machine na maglabas ng ilang maninipis at
matalim na blade na mabilis na humulma sa prosthetic kung saan naging kahawahig na
ito ng mukha ni Aliyah, nang matapos ay may lumabas na spray sa gilid at nagkaron
ng kulay ang mukha.

Tumayo ako at maayos na sininop ang buhok ko. Tinulungan ako ni Starr at Elena na
ikabit ang fake face sa akin. Nakadamit na ako ng katulad ng uniporme nila sa
Carmine kaya madali na lang ang pag-aayos

ko. Sinuot ko ang wig na kahawig ng buhok ni Aliyah at maayos na dinikit ito sa
prosthetic.

"Ate," abot ni Jasmine sa holster. Pinatong ko ang paa ko sa maliit na table at


inangat ang suot kong damit at kinabit ang holster. Inabutan ako ni Elena ng
dalawang baril na nilagay ko sa harap na parte ng holster, tapos ay ang patalim na
madalas kong gamitin na nilagay ko sa gilid. "Can you walk properly, ate?"

Tumango ako. "Years of practice."kumindat ako sa kanya. "Nauna na ako sa'yo. Ready
na ako,Sef. Bring me the woman at ang ID niya."

Nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na dalawang tap mula sa kanya at matapos ay


ilang saglit ay dalawang tap ulit, pause, one tap, pause, dalawang tap. It means OK
in morse code.

"How long shall I wait?" Mabilis na limang tap ang ginawa niya. "Okay. I'll be out
this truck in five minutes."

"You like paintings, right?" Tanong ni Sef. Aliyah loves paintings. She's been in
various exhibit, gaya ng impormasyon na nakuha namin. Doon niya nakilala ang fiancé
niya.

"Yes, yes. May exhibit nga ngayon ang paborito kong pintor sa Makati, but then
nawala sa isip ko at hindi ako nakabili ng ticket." Narinig ko si Sef na binanggit
na may ticket siya nito, I heard Aliyah react like a child because of happiness.
That's probably my cue, lumabas na ako ng truck at hinintay silang dalawa sa labas.
I was three cars away from the restaurant, lumabas si Sef at Aliyah mula sa
restaurant, nakahawak si Sef sa bewang nito na ikinangisi ko. May binulong si Sef
kay Aliyah tapos ay pumunta na sila sa sasakyan na naka-park sa harap ng truck
namin.

"Aliyah," rinig kong tawag

ni Sef. May kinuha siya sa pocket ng coat niya at hinawakan sa braso si Aliyah,
buong akala ko ay doon na niya ituturok ang syringe na may laman na pampatulog kay
Aliyah ngunit hinatak niya ito at hinalikan sa labi bago tinurok ang syringe sa
kanyang tagiliran, moments later, natumba na ito at inalalayan ni Sef.

"Was the kiss necessary?" Inis na tanong ko at tinulungan siyang ipasok sa


sasakyang si Aliyah. Dadalhin naming siya sa isang hotel at doon na siya magigising
kinabukasan.

"Yes. Para maalala niya bukas, so she will assume that something happened between
us. Hindi siya magtataka kung bakit nasa five star hotel siya."

"Oh yeah? Then why don't you fuck her after this mission? Para mas makatotohanan,
make her feel sore hanggang sa mahirapan siyang makatayo bukas. It will be more
believable." Sumakay ako sa driver's seat at pumwesto na si Sef sa passenger seat
nang matapos niyang ikabit ang seatbelt kay Aliyah.

Hindi na siya sumagot at mabilis na minaneho ko ang sasakyan papuntang five star
hotel, hinintay ko siya'ng makabalik at dumiretso na kami sa Carmine. He gave me
Aliyah's ID at pumasok na ako sa kompanya. May ibang gagawin si Sef. Pupunta siya
sa IT department ng kompanya at doon ikakabit ang flash drive na binigay ni Vector
upang magawa niyang i-hack ang system ng carmine at para mabigyan siya ng access
papasok sa system ng laboratory ng Typhon. Separate system kasi ito mula sa buong
kompanya. Dahil masyado nila itong pinoprotektahan.

"Sef, I just remember, nakuha mo ba iyong sinabi ko kaninang

umaga." Tanong ko habang papunta sa elevator.

"Yes, nice and clean, Xiara."

"Good." May pinindot ako sa ibabang parte ng button sa elevator at doon ay may
lumabas na isang maliit na screen at sa gilid nito ay ang isang finger print
scanner. si-nwipe ko ang card doon na mabilis namang tinanggap ng system, sunod ay
sinbing ilapat ang thumb ko sa scanner na ginawa ko naman, but then, isang malaking
kulay pulang sulat ang lumabas sa screen. "Not detected? Great."

"I'm sorry. Hindi ganon kadali ang mang-hack ng system after another."
"Ano pa't nagkaron ka ng mataas na IQ kung mahihirapan ka lang din naman." Muli
kong nilapat ang daliri ko sa scanner, tinanggap na nito. Sumunod ay nilapat ko ang
baba ko sa lumabas na retinal scanner, ang kulay berde na ilaw ay ilang beses na
dumaan sa mata ko bago tinanggap iyon.

"Ikaw kaya ang gumawa nito," inis na sagot ni Vector.

"Yeah, maybe I should. Baka mas magawa ko ng mabilis kumpara sa'yo." Sarkastiko
kong sagot tapos ay sumandal sa malamig na pader ng elevator matapos pindutin ang
tamang floor ng laboratory.

Wala pang limang minute ay nakarating na ako sa tamang floor, tahimik na pasilyo
ang bumungad sa akin sa ika-anim na palapag ng Carmine. At ang ilaw mula sa
laboratory sa dulo ng pasilyo na ito ang nagbibigay liwanag sa buong floor. Diretso
ang lakad ko papuntang laboratory at hinanap ang entrance, hiningan ako nito ng
passcode.

"Vector," tawag ko.

"2624." Tinipa ko iyon at nag-flash ang kulay green na kulay sa maliit na screen,
pinihit ko ang door knob at bumukas ito. Inalis ko ang suot na boyfriend blazer at
pinalitan

ng coveralls, may sinuot akong backpack na may nakakonektang mask na magbibigay


hangin sa akin. I wore my goggles at nagsuot ng gloves. Pinindot ko ang button para
mabuksan ang pinto ng laboratory. Ang una kong ginawa ay hinanap ang Typhon. Nasa
loob ito ng isang glass box, tatlong syringe lamang ito at nakahilera sa loob.
Muling may hininging passcode para mabuksan ko ang box, sinabi sa akin ni Vector
ang tamang code at maingat na tinipa koi yon sa screen. Panaka-naka ang tingin ko
sa labas dahil baka may dumating habang inaalis ko sa loob ng box ang syringe.

"I got the Typhon," saad ko sa kanila.

"Good. Look for the Zeus." Ang antidote nito.

Hinanap ko sa malawak na laboratory kung may kaparehas na box sa loob ngunit wala
akong nakita.

"Negative. Nakuha mo ang files nila, Vector?" May pinindot ako sa fumehood upang
mamatay ito, this will destroy whatever it is that they're culturing inside. Pati
sa oven ay ganon din ang ginawa ko. Pinatay ko ang lahat ng makina na nasa loob ng
laboratory. "I can't find the Zeus."

"Nakuha ko na ang files nila. Iwanan mo na lang ang binigay ko sa'yo kanina, X.
Mukhang hindi nila dyan tinago ang Zeus. We already got Typhon. Ano bang magagawa
nila sa antidote kung wala naman na ang Typhon." But I need that cure.

Iniwan ko ang isang maliit na box na pinadala sa akin ni Vector kanina at lumabas
na nag laboratory. Mabilis na nagpalit ako ng damit at nilagay sa sealed case ang
mga syringe at tinago ito sa aking

bag.

"Aliyah?" Napatuwid ako ng tayo at humarap sa taong tumawag sa akin. Buti na lang
at may name tag ito sa kanyang dibdib, fi-no-cus ko ang mata ko sa pin niya.

"Lois Madrigal, isa siya sa kasamahan ni Aliyah sa Typhon research. Close friend.
Mula college ay magkakilala na sila. Be casual." Bigay na impormasyon sa akin ni
Vector.

"Kailangan mo ng tulong?" Saad naman ni Sef. How can he ask me now? Hindi ko nga
siya pwedeng sagutin.

Ngumiti ako kay Lois at kinuha ang aking bag. "What the-"

Mabilis na kinuha ko ang stun gun sa kaliwang binti ko at tinutok iyon sa kanya,
walang pagdadalwang isip na pinaputok koi to at humandusay na siya sa lupa.
May kinuha akong isang syringe sa bag ko. It's a drug that will make her forget
what she just saw. A new invention of Vector mula sa pagka-bored niya sa convention
na pinuntahan niya noong isang araw.

"Accomplished."

Nilapag ko ang dalawang syringe na nakuha ko kanina sa laboratory sa harap ni Beau.


"That's all."

"The Zeus?"

"Wala akong nakita. I had it searched all over the place. Baka si Alejandra mismo
ang nagtatago nito. Tuloy ang plano bukas?" Tanong ko at umupo sa tapat niya.

"Yes. We'll surrender the drug to the officials, pati ang files na nakuha natin.
Bukas na bukas din ay mahuhuli na si Alejandra." Mahinang natawa ako.

"Ang buong akala ko ay ang ganyang paraan ay gawain lang ng BHO. Where's justice
now, Beau?"

"This is justice, Xiara." Pinal na sagot ni Beau.

"Hindi kailanman ito naging hustisya, Beau. What they did to that people? They
killed all of them. Without mercy. Tapos ang hustisyang makukuha nila ay ang
makulong si Alejandra?" Malumanay kong sagot.

"What do you want to do then, kill Alejandra?" Hindi ako sumagot at umalis na
lamang.

No. Ang patayin siya ay hindi magiging sapat. Ang kailangan ay maramdaman niya ang
naramdaman ng pamilya ng mga taong pinatay niya.

Umalis ako ng headquarters at dumiretso sa bagong hotel na tinutuluyan naming ni


Sef. Doon ay naabutan ko siyang busy sa tapat ng kanyang laptop habang may isang
bata na payapang natutulog sa aming kama.

"Good job, Sef." Inikot niya ang kinauupuan at humarap sa akin.

"Would do anything for you," ngisi niya at tumingin sa batang babae sa kama. "Anong
gagawin mo sa kanya?"

"Ano ba dapat?" Balik kong tanong. Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan si
Alex Sebastian - ang nag-iisang anak ni Alejandra Sebastian. "Call Alejandra. We
have some catching up to do."

=================

XI. Pay

Chapter 11

"Are you sure about this?" Muling tanong ni Sef habang nasa laboratory kami ng
bagong bahay na tinutuluyan naming. Beau gave this to me, may sariling system ang
buong bahay, I have my own access to all the CCTV in Metro, and this. I have my own
laboratory - na nirequest ko sa kanya dahil sa may kailangan akong pag-aralan.

Isang linggo na ng matapos ang misyon naming kay Alejandra, sumabog sa buong bansa
ang balita tungkol sa ginagawa niya sa kanyang kompanya. Kinasuhan siya - a non-
bailable case as a matter of fact. But the woman has connections, nakaligtas siya,
but in return of that injustice, nawala ang pinakamamahal niyang anak. I called her
last week at sinabihan siyang itikom ang kanyang bibig tungkol dito, dahil isang
pitik lang ay kaya kong tanggalan ng hininga ang anak niya. She's been asking for
what I want pero hindi ko ito sinasagot, may tinatrabaho pa ako.
Kumuha ako ng isang patak ng ginawa kong drug sa isang petri dish. Nakita mula sa
screen ang kulay berde'ng tubig na nilagay ko, sumilip ako sa microscope at may
nakita akong bitak bitak na cell, sinabihan ko si Sef na salinan ng Typhon ang
petri dish na ginawa naman niya, mabilis ang naging reaksyon ng ginawa kong drug at
binalot nito ang kulay pulang likido - iyong Typhon - at unting nawala ang mga
pulang kulay at tuluyan nang nasakop ng kulay berde.

Ngumisi ako at sinalin sa syringe ang drug na ginawa ko. I hope this works.

Lumapit ako sa anak ni Alejandra na mahimbing na natutulog at tinurok sa kanya ang


gamot na ginawa ko. Hinaplos ko

ang buhok niya nang gumalaw siya tapos ay mahinang tinapik ito upang makatulog ulit
siya.

"Sef, arrange my meeting with Alejandra." Saad ko habang pinagmamasdan pa rin ang
bata.

"Sige. But, Xiara, are you really going to do this?" He's having second thoughts.
For a week kinakausap ako ni Sef tungkol dito at pilit akong pinapatigil sa plano
ko. Pero wala ng makapagbabago.

"No. I'm really sorry for this child. Pero kailangan." Tumayo ako at humarap kay
Sef.

"This will work." Sigurado kong saad. "What if it won't?" Nag-iwas ako ng tingin.
"Then I'll kill myself."

Nasa isang restaurant ako ngayon. Ako lang ang nag-iisang tao sa loob nito habang
hinihintay si Alejandra. Sef is with Alejandra's daughter, nasa loob sila ng
sasakyang nakapwesto hindi kalayuan sa lugar namin. Nakakonekta rin si Sef sa akin
at maririnig niya ang bawat pag-uusapan naming ni Alejandra, sa paraan ding iyon ay
magagawa ko siyang sabihin kung kalian sila pwedeng pumunta rito ni Alexis -
Alejandra's daughter.

Narinig ko ang pagtunog ng bell sa pinto nitong restaurant, hindi ko na kinailangan


pang tignan kung sino ang dumating para malaman na si Alejandra iyon, siya lang
naman ang maaaring pumasok dito. Sef made sure that the place I'll meet Alejandra
is secluded. Sa isang tagong baryo ito sa Batangas at ang restaurant na ito ay
matagal nang nakasarado. Sef probably paid the owner big kaya hinayaan niya kaming
gamitin ito ngayong araw.

"Where is my daughter?" Bungad niya sa akin, ngumisi ako at minwestra ang upuan sa
harap ko.

"No need to rush, Alejandra. Let's talk," matalim kong saad,

umupo siya sa harap ko at nilapag ang isang attaché case sa lamesa. "Para saan
'yan?"

Binuksan niya iyon at nasa loob niyon ay pera na nasisiguro kong lampas isang
milyon. Maybe ten. "Money. 'Yan naman ang kailangan mo, 'di ba?"

Tumawa ako. "I'm so sorry for not making myself clear. I don't need your money,
Alejandra."

"Eh, ano? Nasa'yo na ang Typhon! Ano pa bang posibleng gusto mo pa?" Kinuha ko ang
bag ko at nilabas doon ang isang litrato, inabot ko iyon kay Alejandra. "Remember
that kid?"

Umiling siya. Kinuyom ko ang palad ko at pinigilan ang sarili na kunin ang baril sa
loob ng aking bag at iputok iyon sa sentido niya hanggang sa maubos ang bala nito.
"That's Paige. Nalimutan mo na siguro dahil masyado ka ng maraming napatay at hindi
mo na matandaan ang kahit isa sa kanila."Diretso ang tingin ko sa kanya habang
tinititigan niya ang litrato ni Paige na may bakas ng konsensya sa mata. "Cut the
act."

"Wala akong kinalaman sa nangyari sa Laguna. Hindi ko alam na may mga bata doon.
Hindi ako ang nagplano ng pagpapasabog ng Typhon sa compound na iyon. I... I tried
stopping them." Napatiim bagang ako.

"Lahat ng kriminal ay sinasabing wala silang kasalanan, Alejandra. Hindi ako tanga
para maniwala sa kasinungalinangan mo." Binigyan ko siya ng matalim na tingin.
Tumingin ako sa labas at doon ay nakita kong ang sasakyan ni Sef ay nasa tapat nan
g restaurant, lumabas siya at sumandal sa pinto nito. Naalerto naman ang
nakapaligid na tauhan ni Alejandra at tinutukan ng baril si Sef. "Tell your dogs to
put

their gun down or your daughter will die."

Sinenyasan niya ang mga ito at binaba naman nila ang armas nila. "A-ano ba talagang
gusto mo?"

"Lahat ng baho ng miyembro ng DIAMONDS." Sinenyasan ko si Sef na pumasok sa loob,


may kinuha siya sa loob ng sasakyan at kinarga ang walang malay na si Alexis. We
tranquilized her bago pumunta dito. Wala kaming naging problema sa pagpapaamo sa
kanya. The kid's too innocent to know that we're planning something to her. Malaki
ang tiwala nito kay Sef dahil bago pa naming planuhin na kidnap-in siya ay
minamanmanan na siya ni Sef at unti unting kinukuha ang tiwala, in which Sef did
well. "Siguro naman ay sinunod mo ang mga sinabi namin sa'yo?"

Tumango siya at sinundan ng tingin ang papasok nang sila Sef, tumayo siya. "Sit.
You'll stay there unless I tell you to move." Alam kong labag sa loob niya pero
ginawa pa rin niya ang sinabi ko kahit na bakas nab akas ang pag-aalala para sa
anak.

"Don't worry; I don't kill innocent people..."


Tumayo ako at nilapitan sila Sef, kinuha ko si Alexis sa kanya at inupo ito sa
isang upuan na malapit sa amin. Pumalit sa pwesto ko si Sef , binigay sa kanya ni
Alejandra ang syringe na naglalaman ng cure sa typhon - ang Zeus - at isang
flashdrive, kinabit naman iyon ni Sef sa dala niyang laptop, and do what he has to
do habang kabadong kabado si Alejandra habang hawak hawak ko ang anak niya.

"Alam mo ba Alejandra ang pakiramdam ng mawalan?" Tanong ko sa kanya, bahagya akong


lumayo kay Alexis at kinuha sa mga gamit ni Sef ang natititirang Typhon na hawak
namin. "Have you ever lose someone?"

"A-ano 'yang hawak mo?" Tinaas ko ang syringe at nagkibit sa kanya, I gave her my
most innocent look at pinadaan ang dulo ng syringe sa magandang mukha ng anak niya.

"You tell me... hindi naman ako ang gumawa nito," makahulugan kong saad sa kanya,
napatayo siya nang malaman niyang iyon ang gamot na ginawa niya, tinurok ko ang
dulo ng karayom ng syringe sa leeg ng anak niya. "I told you to stay there."

Bumalik siya sa pagkakaupo at hindi pa rin inaalis ang tingin sa anak niya.
Namayani ang katahimikan sa buong restaurant at tanging ang pagtipa ni Sef ang
maririnig sa buong lugar. Natapos ang ginagawa niya sa flash drive at binigay naman
sa kanya ni Alejandra ang isang hard drive na makakatulong sa amin na makapasok sa
system ng headquarters ng DIAMONDS - ang bagay na kinakailangan naming magawa para
malaman ang bawat galaw at plano nila. We may know now all their filthiness, but
we'll never know their next move. Mabuti nang maunahan na naming sila.

"Alejandra, nakakangalay itong ginagawa ko, alam mo ba iyon?" Tanong ko sa kanya,


tumango siya at titig na titig pa rin sa anak. "Kung sasabihin mo sa akin ang lahat
ng ginawa mo sa Carmine, all your dirty work... if you confess to me now, it will
really help me find my strength and not push the plunger of this syringe."

Nagsimula siyang aminin ang bawat krimen na ginawa niya, ang nangyari sa Laguna,
ang pakikiugnay niya sa isang Japanese Mafia na sumusuporta sa research niya, but
unfortunately, walang kahit isa sa

DIAMONDS siyang nabanggit. Now it's clear that they don't really help each other in
their dirty job, may kanya kanya silang parte na ginagampanan.

"How about Olivia Mariano? Tinulungan ka niya na makaligtas sa kasong isinampa sa


iyo, hindi ba?"

Umiling siya. "Everyone has a price, but not Olivia. We both work at DIAMONDS but
she never really helps us."

"Then what's her use?"

"I don't know, pero siya lang ang alam kong nakakakilala sa pinuno namin."
Tinitigan ko siya at hindi nawala ang takot sa mata niya. She's not lying.

"Ang ibig mong sabihin ay walang kahit sino sa inyo - nila Montemayor, o ni Divina
- ang nakakakilala ng personal sa namumuno ng DIAMONDS?" Muli siyang umiling. "Then
how are you able to communicate to her... or him?"

"Call. Pero binabago rin ang boses niya." Tumango ako.

"How about Chevalier? Kilala niya ba ito? Any possibility that he knows your boss?"

"Definitely not him. Noon ay dapat isa siya sa maipapakilala na dito, he's one of
our boss' favorite, siya at ang kasama niya noon... nakalimutan ko na ang pangalan,
but I remembered they were D.A's favorite." Paliwanag niya.

"D.A?"

"That's what we call her..." Tumango ako at sininenyasan siyang ituloy ang
sinasabi. "D.A trust them so much at halos lahat ng trabaho ay sa kanila pinapagawa
at may sarili silang komunikasyon dito. But on their last mission, they backfire.
Umalis sila na dala dala ang impormasyon tungkol sa amin."
Last mission? "But he's still in DIAMONDS, right?"

"Yes. Hindi ko alam kung paano

niya nakumbinsi si D.A., but he got back."

"Does D.A still trust him?"

"I don't know..."

Naputol ang pag-uusap naming ni Alejandra nang sabihin ni Sef na tapos na niya ang
kanyang ginagawa. Tumango ako at inalis sa pagkakaupo si Alexis, mas lalo kong
diniin ang syringe sa kanya, tumayo si Alejandra.

"What did I tell you?" Hindi na niya sinunod pa ang babala ko at humakbang pa
palapit sa amin, I put my thumb on the plunger at bahagyang tinulak iyon. "Sef,
break it."

Sinunod ni Sef ang sinabi ko, nilapag niya ang flash drive at hard drive sa lapag
at dalawang beses na binaril iyon para siguradong hindi na mare-retrieve pa ang
nilalaman nito. Umungol si Alexis at dahan dahang minulat ang mata niya.

"Mommy..." Lalayo na siya sa akin nang higitin ko siya at mahigpit na hinawakan sa


braso. "Mommy?"

"Baby... Please, pakawalan niyo na siya. Ano pa bang gusto niyo? I gave you
everything that I know." Umiiyak na ito at halos masuka ako sa pandidiri.

"Wow, you have the guts to cry now, huh?" Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak
kay Alexis, inangat ko pa ang braso ko kaya naman ay sa leeg ko na siya hawak-hawak
at bahagya nang nasasakal ang bata. Umiyak siya at mas lalo akong nainis. "You have
the guts to cry, sa tingin mo hindi umiyak ang pamilya ng mga taong pinatay niyo?"

"I didn't kill anyone... maniwala ka, wala akong kinalaman sa nangyari sa Laguna. I
tried stopping them, pero -"

"If you really tried edi sana ay walang namatay. Kung talagang gusto mo silang

pigilan, edi sana nagawa mo. Kung talagang gusto mong walang masaktan, magagawa mo.
May choice ka. Maaaring hindi ka nga kasali sa mga pumatay sa mga taong iyon, but
you played a part, and that is you didn't do anything. You didn't stood your
ground, Alejandra. You let them." Nagsimula na itong humagulgol, nakatitig kaming
dalawa dito hanggang sa lumuhod siya sa lapag at pinagdikit ang dalawang palad niya
na akala mo ay sinasamba ako ngayon. She begged like I'm a saint.

"Wala akong alam. All I know is that I shouldn't do anything against the DIAMONDS.
They will kill me, they will kill my family."

"At ayos lang sa'yo na maraming pamilya ang mamatay? Ang maraming buhay ang mawala?
Ayo slang na kayo ay nasa magandang kalagayan at ang iba ay naghihirap."

"Iyon din ang gagawin mo! Kapag nagkapamilya ka ay iyon din ang gagawin mo. You'll
do anything to save your family even if that means other people will get
hurt."Nanghihina siyang nakaluhod sa lapag at nakatitig na lang sa lupa.

"Maaari." Tuluyan kong tinulak ang plunger at tinarak ang typhon sa buong sistema
ni Alexis. "Pero sa ngayon... alamin mo muna ang pakiramdam nang mawalan ng
pamilya."

Tinulak ko si Alexis sa pwesto niya at umalis na kami ni Sef. Nauna si Sef sa akin
at sunud sunod na pinatumba ang mga tauhan ni Alejandra, sumakay kami sa sasakyan
at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

"What if the drug you made won't work, Xiara? The kid will die!" Galit na saad ni
Sef habang nagmamaneho. Hindi pa kami nakakalayo ay nakita ko mula sa side mirror
ang pagdating ng mga pulis sa restaurant na iyon, at habang lumiliit ang imahe nila
ay nakita kong pinapasok na sa sasakyan si Alejandra.

She's maybe so devastated to know that her only daughter is dead. Ngumiti ako ng
mapait. If only I could kill that child.

For a week ay tinrabaho ko ang paggawa ng cure sa typhon. May nakuha kaming
impormasyon tungkol sa Zeus. Ang bawat chemical na nandoon at ang proseso.
Kailangan iyong panatilihin ng limang araw sa hood, but I just finished making it
this morning, kaya ay in-adjust ko ang laman nito at may iilang chemical na
idinagdag pa dito na sa tingin ko ay makakatulong na mapabilis ang paggamot.
Sinubukan ko iyong ihalo sa typhon, it worked. Ang hindi ko sigurado kung
permanente ba iyon o panandalian lang.

"If it worked, then well. If not..." nagkibit ako. "I'll kill myself after I finish
my revenge, Sef. For now we'll drop all the evidences we got against Alejandra, and
did you record her confession?"

Tumango siya at binigay sa akin ang isang recorder. Nilagay koi yon sa isang
malaking ziplock, kasama ang iilang papeles na nakalap naming ni Sef. Matagal na
namin iyong nakuha, ang kailangan talaga namin kaya kinailangan pa naming gawin ang
lahat ng ito ay ang pag-amin mismo ni Alejandra. Dahil kung hindi iyon manggagaling
mismo sa bibig niya ay walang bisa ang ebidensya.

Justice is long dead. Lalo na sa bansa na ito. Concrete proof is no use as long as
you have money. At hangga't hindi umaamin si Alejandra ay kayang kaya niyang
baliktarin ang hustisya. I never plan to kill Alejandra. What I want to happen is
for her to feel the agony of losing someone you love. At masisiguro kong sa
nangyari kay Alexis ngayon ay habang-buhay na niyang hindi makikita pa ang anak.
Alexis will be on safe hands and Alejandra will pay for everything she did.
=================

XII. Final

Nakahabol si UD bago ang training ko. Yay! Hahaha. Thanks for waiting.

This is dedicated to @iamdolein dahil siya ang pang 3K kong follower. Haha, love
you! And thank you very much.

Read and enjoyyyy!

----------

Chapter 12

Jasmine Sophia Andrews

"What have you done, Xiara?" Galit at pasigaw na tanong ni Beau pagdating ni Ate at
Sef. Mabilis na kumalat ang nangyari kay Alejandra, halos iyon ang ipalabas sa
telebisyon dahil may lumabas na ebidensya paukol sa mga krimen na ginawa niya at
mayroon pang recorded confession na natanggap ang mga pulis.

Hindi na kailangang itanong pa kung sinong nasa likod ng pangyayaring iyon. At


hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit si Beau ngayon. Hindi naman pinatay ni
Ate si Alejandra, hindi gaya ng unang sinabi ni Ate Mikayla na gusto niya itong
patayin. She's not hurt. Iyon nga lang ay kasalukuyang nasa ospital ang anak nito.

"Bakit pati ang bata ay dinamay mo pa?" Kumunot ang noo ko. "I know what really
happened, Xiara. You kidnapped the kid and drugged her."

Hindi ako kumibo. She did that?

Umiling na lamang ako. Hindi na dapat ako nagtataka pa ngayon. Dalawang taon ang
nakalipas, hindi ko na alam ngayon kung ang tao bang kaharap ko ngayon ay siya pa
ring taong nakilala ko noon. Maraming nagbago. Marahil ang dating kilala kong si
Ate Mikayla na hindi kailan man magagawang mandamay ng inosenteng tao ay kaya ng
gawin iyon ngayon. Maybe they are just collateral damage to her. A little
sacrifice.

"I took

a risk, Beau. I needed to kidnap the kid for leverage." Paliwanang ni Ate.
Nakatitig lang sakanya si Beau, halos hindi ito kumurap sa sobrang talim ng
pagkakatitig niya.

"Bakit kailangan mo pang turukan ng typhon ang bata?"

"Gumawa ako ng antidote para sa Typhon at binigay na iyon sa bata bago ko pa iturok
sa kanya ang lason na iyon. Kailangan ni Alejandra ang pakiramdam ng mawalan.
That's a taste of her own medicine. And if my antidote won't work, I'll kill
myself." Diretsong sagot niya. Seryoso at pinal ang pagkakasabi niya. I know she
will do it. Alam din iyon ni Beau kaya naman hindi lumampas sa paningin ang saglit
na pagdaan ng pangamba sa mata niya.

Pinaalis kami ni Beau at tanging si Ate Mikayla lang ang naiwan sa opisina niya.
Kasabay ko si Sef na naglalakad sa tahimik na pasilyo ng Black Rose. May iilang
agents na nasa.paligid ngunit marahil ay nasa core ang mga iyon.

Ang core ay ang lugar sa gitna ng buong headquarters ng Black Rose kung saan
pwedeng mag-training o magpahinga ang bawat agents. It was Starr's idea, pinagawa
niya iyon noong nakaraang taon dahil dumami ang recruit ng Black Rose.

Nakarating kami sa core at naupo sa isang bench sa may sahig at pinanood ang
dalawang agent na naglalaban sa mat.

"You also do that?" Kaswal na tanong ni Sef sa akin.

"Minsan. Hindi ko naman kasi kailangan. Kadalasan kasi nasa intelligence ako. I
don't really take the field." Neutral na sagot ko, ang atensyon ko ay nakatutok pa
rin sa dalawang naglalaban. Ilang beses ng natumba iyong bagong

recruit na may kulay blue na band sa braso niya ngunit hindi pa rin siya sumusuko.
Bawal mag-concede, patakaran na si Starr mismo ang nagsabi. Dahil kapag sumuko ka
ay parurusahan ka.

"Ah, gaya sa DC." Nilingon ko siya at sa saglit na tinignan ko siya ay tatlong


beses na niyang tinitignan ang relo sa kaliwang kamay niya.

"You're in a hurry..." Tumaas ang kanang sulok ng labi niya at umiling.

"Hindi ba parang ang tagal ni Xiara doon?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng
pananalita niya.

"Ate will be fine. Beau will get mad at her but she will never hurt Ate." Sagot ko
sa kanya. Tuluyan ko ng itinuon ang pansin sa kanya na nakatitig pa rin sa
naglalaban sa mat. Wala pa rin kasing sumusuko sa dalawang naglalaban, at ang
kaninang akala ko ay talo na ay siya ng nangunguna ngayon. "At wala ka bang tiwala
na kaya naman ni Ate ang sarili niya kung sakaling may gawin sa kanya si Beau?"

Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Meron. Ayoko lang ng hindi siya nakikita. Hindi
ako komportable."

"Kayo ba ni Ate?" Diretsong tanong ko.


Muli siyang ngumisi at umiling sa akin, "Xiara is still madly in love with Craig,
do you know?" Tumaas ang sulok ng labi ko at umiling sa kanya.

"Then I'll change my question, are you in love with Ate Mikayla?" Mabilis siyang
umiling at tumawa.

"No, I don't-" natigil ang pagsasalita niya at yumuko. "I'm that obvious, huh?"

Umiling ako. "If they're not too pre-occupied with their revenge, they would
probably notice it. Pero masyado silang focused, so your one sided love's safe."

"Eh, ikaw?" Tanong niya muli sa akin.

"I do want to

have my revenge. Pero ano bang ipaghihiganti ko? I don't know anything about the
person who killed my parents. At kung itutulad ko ang sarili ko kila Beau,
lalamunin lang ako ng galit at kapag tumagal, baka mas lalo lang akong masira
nito." Mahabang pagpapaliwanag ko. Tinaas ko ang mga paa ko sa bench at pinagdikit
ang aking tuhod, I wrapped my arms around my knees and hugged it, ang baba ko naman
ay pinatong ko dito upang mas maging komportable ako sa pagkakaupo.

"Sino ba ang pumatay sa magulang mo?"

"All I know is they are called Fire."

Hindi na muling nagtanong o nagsalita pa si Sef, at ilang saglit pa kami diti sa


Core nang umalis na siya dahil sa tumawag sa kanya si Ate at aalis na daw sila.

Umalis na din ako ng core at pumunta ng Gray. Hindi pa kami nag-uusap ni Kein.
Hindi niya ako kinakausap, rather. Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya matapos
niyang sabihin sa akin na alam na niya ang lahat ng tungkol sa Black Rose.

Sumilip ako sa malaking salamin salabas ng Gray at naabutan ko si Kein doon kasama
si Vector na may ginagawa sa isang computer, may iilang blue at greeb akong dot na
nakikita sa malaking screen sa may itaas, walang pattern ito pero base sa itsura
nilang dalawa ay parang natutuwa pa sila sa nakikita nila sa monitor.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok at dumiretso ng pasok sa Gray, pero dahil sa
sariling mundo na meron sila Kein at Vector ay hindi nila napansin o naramdaman man
ang presensya ko, kinailangan ko pang tumikhim para maagaw ang atensyon nila.

"Hey, Jasmine," bati ni Vector sa akin at nakangising sumandal sa inuupuan niya.


Hindi ko pinansin ang mapang-asar niyang ngiti at tingin sa akin at

dumiretso ng lakad sa tabi ni Kein at magaang hinalikan siya sa pisngi.


Hindi ako pinansin ni Kein at muli lang humarap sa monitor. Bumuntong hininga ako
at inirapan ang nang-aasar na si Vector. Gumagawa kasi siya ng mga nakakainis na
facial expression, at para tumigil siya ay hinablot ko ang bluetooth mouse na
malapit sa akin at binato iyon sa kanya na nasalo naman niya kaagad.

Kumuha ako ng isang upuan at tumabi sa kanya, tahimik na pinanood ko ang bawat
pagkunot at pagkainis niya sa bagay na hindi magawa sa computer hanggang sa pati si
Vector ay nakatulala na lang din sa screen ng computer at ilang saglit ay ilang
malulutong at malalakas na mura ang narinig ko galing sa kanilang dalawa.

"Are we in? Did you crack the code?" Hindi makapaniwala ang boses na tanong ni
Vector. May ginawa siya sa computer at may iilang files ang lumabas doon. May
walong files na nandon, at ang pito doon ay pangalan. Pamilyar ang mga pangalan na
iyon dahil kaparehas iyon ng mga nakalagay sa file na binigay sa akin ni Beau dati.

It was all of Diamonds' member. All of diamonds's member that we know, rather.
Dahil may isa itong miyembro na hindi namin kilala. Bukod sa tawag sa kanya ng
ibang miyembro na D.A., na nito lang namin nalaman matapos sabihin ni Alejandra kay
Ate Mikayla. Ang isa pang file ay may nakasulat na legacy.

"Ano iyon?" Tanong ko kila Vector.

"Let's see," nakangising sagot niya sa akin at pinindot mula sa screen ang file na
iyon. Nawala ang mga ngiti sa labi nilang dalawa ng muling maging itim ang

screen at may mga number na lumabas mula sa screen, ilang mga guhit na ngayon ko
lang nakita ang sunud-sunod na nag-flash sa screen at hindi ko maintindihan kung
para saan iyon. "What the fuck? Another code!"

Ilang beses na may tinipa sa keyboard si Vector nang may lumabas na kulay pulang
rectangular box sa monitor na may nakasulat na 'ACCESS DENIED'

"Ano iyan?" Tanong ko kay Vector.

"Hebrew. A Theomatic code." Tipid na paliwanag niya sa akin. Naupo siya sa swivel
at fi-no-cus na ang sarili sa code na sinabi niya.

"What code?" Hindi ako pinansin ni Vector, si Kein ang tumingin sa akin at
bumuntong hininga na para bang hirap na hirap siya sa isang bagay.

"A theomatic code. Ang lumabas diyan sa screen ay mga Hebrew letters, at bawat
letra'ng iyon ay may katumbas sa numero." Paliwanag niya. Napahawak siya sa kanyang
sentido at tinulungan si Vector.

"You did the code earlier, you'll be able to crack that too." Umiling siya at
tumingala para matignan ako.
"Hewbrew letters are equal to a set of numbers. Kagaya nito," tunuro ang parang box
pero ang pang-ibabang linya nito ay naka slant. "That single letter is equal to 99
set of numbers. From 100 to 199."

Hindi na muling nagsalita pa si Kein at kagaya ni Vector ay ang buong atensyon niya
ay nakatutok na sa ginagawa.

Mabilis ang pag-tipa nilang dalawa sa keyboard at ilang beses na lumabas ang pula
na box na kaninang lumabas kay Vector kanina. Ilang beses na hindi tinanggap ang
mga ginagawa nila at nagtataka naman ako dahil bakit kailangan nilang makuha iyon
ngayon? Bakit sila nagmamadali.

Ilang

beses pa ulit lumabas ang parehas na box na iyon nang mainis na si Vector at Kein
tapos ay sabay na hinampas ang lamesa.

"Bakit kasi ata kayong matapos 'yan? Meron pa namang mamaya."

"Because my evil sisters gave us an ultimatum. Kailangan namin itong matapos


mamayang twelve midnight para hayaan kaming gawin ang susunod na misyon." Kami?
Anong misyon?

"Kami? Baka naman ikaw lang, Vector." Pagkukumpirma ko sa sinabi niya.

"Okay, I should probably leave you two." Bago ko pa mapigilan si Vector ay mabilis
na niyang nilisan ang Gray at iniwan kaming dalawa ni Kein.

Hinawakan ko sa balikat si Kein at buong pwersa siyang pinaharap sa akin. "Anong


misyon ang sinasabi ni Vector? Kasama ka?"

Inalis niya ang kamay ko sa balikat niya at sumandal sa kinauupuan. "Kasama ako.
Ako mismo ang humiling nito kila Beau."

Sunud-sunod ang naging pag-iling ko, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.
Ayokong maniwala. Bakit niya hihilingin iyon? Delikado ang mga misyon namin dito
lalo na para sa kanya na hindi naman sumailalim ng training. Hindi niya alam kung
gaano kadelikado ang bagay na ito. At sa tingin niya ba ay papayag ako o kaya ay si
Kuya?

Binalik niya ang sarili sa pagtitipa sa keyboard kaya naman ay hinablot ko ang
keyboard mula sa kanya at binato ito sa kung saan, tapos ay pinatay ang monitor
nito.
"What is your problem, Jasmine?" Iritadong tanong niya. Tumayo pa siya at nadaig
ang tangkad ko, kinailangan ko pang tumingala ng bahagya para makita ko ang mukha
niya.

"Hindi ako ang may problema dito, Kein. Ikaw ang may problema.

Anong pumasok sa isip mo at papasok ka sa isang mission? Alam ba ito ni Kuya? Bakit
hindi mo muna pinaalam sa amin bago mo hiniling iyon kay Beau? Alam mo ba kung
gaano iyon kadelikado?" Halos kapusin ako ng hininga dahil sa mabilis at pasigaw
kong pagsasalita.

Lumayo siya sa akin at sumandal sa isang lamesa, hinihilot ang kanyang sentido.
Bakas ang inis at galit sa mukha niya kahit nakayuko. Bakit siya magagalit? Dapat
ako ang nagagalit sa kanya. Halos magmakaawa ako kay Beau para lang hindi siya nito
patayin, matagal kong tinago ang lahat ng nalalaman ko sa kanya para hindi siya
mapahamak, tapos ay ano? Siya mismo ang lalapit sa bagay na pwede niyang ikamatay?

"Kein, hindi mo ba naiintindihan hanggang ngayon? Nagawa kong magsinungaling at


magsikreto sa'ya para hindi ka na madamay, para hindi ka mapahamak. Hindi ko naman
'yon ginawa para sa sarili ko, eh. Tapos ay ngayon gusto mong pasukin ang mundong
ginagalawan namin?" Pagod na pagpapaliwanag ko. Kailangan niyang maintindihan ang
sitwasyon. Hindi siya para dito. Ayokong mapahamak siya. Kung kailangan kong
komprontahin si Beau ay gagawin ko, hindi lang matuloy ang gusto niya. Wala na
akong pakielam kung mas lalo pa siyang magalit. I'll keep him safe. Iyon ang mas
importante para sa akin.

"Intindihin mo rin ako, Jasmine. Hindi ko ito gagawin para lang magrebelde sa inyo.
Ginagawa ko ito para mas maintindihan ko kung bakit mo pinasok ito. Why you had to
put yourlife in danger. Gusto kong malaman, Jasmine."

/>"To give justice, Kein! To save people! Now that you know, can you please not do
this?" Pagmamakaawa ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at magaang hinaplos ang
kanyang pisngi. Kaagad naman siyang umiwas at lumayo sa akin. Kinuha niya ang
binato kong keyboard at inayos ito sa tapat ng monitor at binuksan 'tsaka
pinagpatuloy ang kanyang ginagawa kanina. "Kein, please..."

"Gagawin ko ito, Jasmine. Gusto mo man o hindi." Pinal na pagkakasabi niya kaya't
wala na akong nagawa kundi ang umalis ng Gray at puntahan si Beau.

If I have to beg to Beau upang h'wag itong ituloy ay gagawin ko. I already lost too
many people. Marami ng napahamak na tao sa paligid ko at hindi ko hahayaang matulad
si Kein sa kanila. Dahil kapag pinasok niya itong ginagawa namin, sabihin niya mang
susubukan niya lang, magtagumpay man siya at ipangako man niyang iyon na ang huli
ay hindi niya iyon magagawa. Our job has no exit door. Buong buhay mo ng tatahakin
ito. It only have an entrance, no going out, no getting back. At ayokong ma-stuck
si Kein dito. I won't let that happen.

Tatlong katok ay pinihit ko na ang doorknob sa pinto ni Beau, naabutan ko siyang


tutok ang tingin sa monitor ng kanyang computer at halos hindi napansin ang
pagdating ko. Kinailangan ko pa siyang tawagin upang mapansin ako.
"Ano iyon?" Walang buhay niyang tanong sa akin at sumandal sa kanyang upuan, ang
dalawang kamay ay nakapatong sa gilid nito at ang buong presensya niya ay sumisigaw
ng awtoridad.

Hindi na ako nagdalawang

isip pa at sinabi ang hinaing ko. "Bakit mo pinasok si Kein sa isang misyon?"

"Nasabi na pala nila sa iyo. Hindi naman iyon sigurado. Kapag nagawa nilang buksan
ang system ng Diamonds ay hahayaan ko siyang sumailalim sa isang misyon." Malamig
at diretsong sagot niya sa akin.

"Beau, alam mong delikado iyon. Dapa-" pinutol niya ang pagsasalita ko gamit ang
pagtaas ng isang kamay.

"He has to know everything, Snow."

"Alam na niya ang lahat. Hindi na niya kailangang pumasok dito..."

"Kailangan. Para mas malaman niya kung para saan ito. Kung para saan tayo. Dapat ay
noon pa lang ay naging handa ka na, na ganito ang kahihinatnan kapag nalaman niya
ang totoo, Snow." Bumagal at naging malalim ang paghinga ko dahil sa galit. Ngayon
lang ako nakaramdam ng ganito, na parang gusto kong sumabog.

"Ayoko siyang mapahamak, Beau..."

"Then you should've have left him before it was too late. Pero hinayaan mo pang mas
lumalim ang relasyon ninyo. Kung gusto mo siyang iiwas sa kapahamakan ay sana noon
pa man ay hiniwalayan mo na siya."

Lumapit ako sa lamesa niya at malakas na hinampas iyon. Bakit wala siyang
pakiramdam? Bakit hindi niya ako maintindihan? Why is she so cold about this? Hindi
ba ay minsan rin naman na niyang naranasan ito? Kay Eron! Ginusto rin naman niyang
iligtas si Eron kaya pineke niya ang pagkamatay niya, 'diba?

"Niligtas mo si Eron, 'di ba? Naiintindihan mo siguro ang sitwasyon ko, Beau. Gusto
ko lang rin iligtas si Kein." Mahina at putol putol ang pagsasalita ko dahil sa
humihikbi na ako pero ganon pa rin ang tingin niya sa akin. Walang emosyon, walang
buhay... malamig. Walang nararamdaman na kahit ano. Parang patay. Buhay ang pisikal
na katawan pero walang kaluluwa.

"That is why I left him." Diretsong sagot niya. "Don't you dare to speak about my
personal life again, Snow. My decision is final. Kapag nagawa nila ni Vector ang
ipinapagawa ko ay bibigyan ko sila ng misyon. I don't care if you won't like my
decision or if you'll get hurt by this. I'm still the boss here. Now please leave
before I shoot you."

=================

XIII. Red
JhasMean: Pasensya na po kung natatagalan ang UD ko. Busy sa werk, eh. Anyway, hope
you'll enjoy reading this. I love you, guyth. :)

THANK YOU. :)

Chapter 13

Jasmine Sophia Andrews

Ilang beses kong pinilit si Kein na bawiin ang sinabi niya kay Beau. Pero ayaw
niyang magpaawat. Kaya kahit na hindi nila nabuksan ni Vector iyong file na Legacy
ay pinayagan sila nitong kumuha ng isang misyon dahil na decode naman nila ang hard
drive at napasok ang system. Mabuti na lang at ang binigay na misyon sa kanila ni
Beau at hindi tungkol sa Diamonds. Hindi dahil sa okay na sa akin ang thought na
may mission sila pero at least hindi masyadong delikado.

"H'wag mo 'yang itapat sa mukha mo kung ayaw mong kasabay mong matumba ang taong
babarilin mo." Paalala ni Glaiza habang inaayos ang pagkakahawak ni Kein sa M21 na
hawak. Masyado kasing mataas ang pagkakahawak niya at tumapat na ito halos sa mukha
niya, at kapag ganon ang hawak mo ay malaki ang posibilidad na tumama ito sa mukha
mo dahil sa pwersa na galing sa baril.

Kumuha ako sa pinaglalagyan ng mga baril ng dalawang eagle at nilagyan ito ng bala,
lumapit ako kay Kein at binawi ang hawak niyang M21 at inilahad ang eagle sa kanya.
"Start with the basic. Kailangan mong mapag-aralang mabuti ito bago mo pag-aralan
'yan."

"I know how to shoot with a desert eagle, Jasmine, Creid gave me that gun as a
present on my thirteenth birthday." Sabi niya at bumakas ang parehas na emosyon na
nakikita ko sa mata ni Kuya Craig tuwing binabanggit ang pangalan

ng Papa nila.

"But did you ever use it?" Tumango siya at kinuha ang baril sa akin, walang kahirap
hirap na kinasa niya ito at inasinta sa dummy na ilang metro ang layo sa amin,
malalim siyang huminga at pinutok ang baril, natamaan niyang ang pang-apat na guhit
mula sa gitna ng target sa may dibdib at sa may baba ng target sa may ulo. "Kapag
nagawa mong asintahin ang gitna ng target, doon mo pag-aralan gamitin ang M21."

Kinasa ko ang hawak na baril at inangat ang aking kamay, diretso at matatag ang
pagkakahawak ko dito, ilang sandali kong tinitigan ang dummy sa harap ko at
dalawang beses na magkasunod na pinutok ang baril, bahagyang tinaas ko ang anggulo
ng kamay ko at muling pinitik ang gatilyo. Kitang kita mula sa pwesto namin ang
dalawang tama ng baril sa gitnang parte ng target sa dibdib pati sa gitnang parte
ng target sa ulo ng dummy.

"Pag-aralan mo 'yan, I'm giving you two days, Kein, kapag hindi mo nagawang tirahin
ang gitna ng target gamit ang baril na 'yan, I won't let you take that mission. Sa
ayaw mo man o sa hindi, magalit ka man o hindi. I won't let you. Not until I'm sure
that you'll be able to protect yourself." Nilapag ko ang baril sa lamesa at umalis
na.

Hindi na ako nag-abala pang dumaan sa opisina ni Beau para magpaalam gaya ng
nakasanayan ko noon, at hindi ko na rin hinanap pa si Kuya dahil sigurado akong
kasama niya ngayon si Sam sa isang lugar kung saan nandon din si Ate Mikayla at
Sef. Masyadong okupado si Kuya sa pagsunod sa bawat kilos ni Ate Mikayla at
napapabayaan na niya ang trabaho niya sa Dark Chevalier at hindi na siya

masyadong nagbibigay ng ideya sa mga misyon namin dito sa Black Rose. Ilang beses
na akong nagbigay ng palusot para sa kanya sa Dark Chevalier habang sila Beau naman
ay parang wala ring pakielam sa kinikilos ni Kuya dahil may bagay din siyang
pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang araw at ilang beses na rin siyang wala sa
Black Rose. Isang beses ay tinanong ko si Starr tungkol dito pero wala rin siyang
ideya kung anong ginagawa ni Beau, kahit nga si Vector ay walang ideya.

"May sakit pa rin si Craig?" Salubong na tanong sa akin ni Martin, kasama niya si
Eron, Matthew at Luis na nandito sa cafeteria ng Dark Chevalier at kumakain sila
habang nakatapat sa kanya kanya nilang mga laptop. Nilapag ko ang tray na
naglalaman ng pagkain sa tabi ni Eron at saglit na sinilip ang nakalagay sa screen
nito.

"Yeah. Ayaw niyang magpadala sa opsital, eh, ayun, lalong lumala." Kaswal na sagot
ko. Sa sobrang dalas kong magsinungaling ay parang normal na bagay na lang ang
pagsisinungaling sa akin. Walang pag-aalinlangan at walang kakurap kurap ay kaya ko
ng magsinungaling sa harap ng ibang tao. "Para saan 'yan?" Tanong ko kay Eron.

"I'm cracking a code." Nakangiting sagot niya. Tumaas namana nag kilay ko dahil
wala akong makitang code sa screen ng laptop niya, dalawang litrato lang ang
naroon, ang katawan ni Sven at Divina na may letrang 'XIV'

"Anong code?" Tinuro niya ang litrato sa screen. "Seriously? Sa tingin mo ay code
'yan?"

"Not really a code. But a clue. Kaparehas ng pattern ni X noon. A year or a date.
That number mean something." Paliwanag niya. Tumingin ang iba pa naming kasama

sa kaniya

"I'm guessing it's a year. 2014 or fourteen years ago." Komento ni Luis at sinara
ang laptop niya.

"Paano mo naman nasabi?" Sabay na tanong namin ni Matthew.


"Ano pa bang posibleng ibig sabihin niyan? Yun lang naman. Gaya ng ginawa ni X.
Diba ang clue na binigay niya noon ay may nangyari daw sixteen years ago. Ang alam
ko we tried to dig something up from the year she told us. Lahat ng krimen na
nangyari sa bansa noong '97 ay hinalungkat natin."

"But did we find anything?" Muling tanong ni Matthew. Right, wala kaming nahanap.
Lahat ng krimeng nangyari sa Pilipinas noong 1997 - the year Margarette died - ay
hinalungkat namin. Of course we didn't find anything, I just happen to know things
kaya alam ko ang katotohanan sa numerong iyon. "That number could be anything."
Patuloy pa ni Matthew.

Binigyan ko siya ng makahulugang tingin at nilapag ang hawak na bote ng softdrinks.


"Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin no'n, Matt?"

Hindi siya ngumisi o nagbigay ng kahit anong reaksyon at nagkibit lang, but that
hilarity I saw in his eyes, kahit na saglit lang iyong tumama ay hinding hindi
makakalagpas sa paningin ko. At doon ko napagtanto na kasama nga siya sa mga
nangyayaring patayan nitong nakaraang buwan. And all I need is a proof. Paano ko
mapapatunayang kasama nga siya at kung bakit niya ito ginagawa?

Dalawang araw ang pinalipas ko bago bumalik ng Black Rose, at pagdating ko doon ay
dumiretso ako sa lugar kung nasaan si Kein. He's practicing his shooting again. At
sabihin ng masama pero hinihiniling ko na sana ay hindi niya nagawa ang

sinasabi ko. Imposibleng magawa mong asintahin ang gitna ng target na iyon sa loob
lang ng dalawang araw. Halos dalawang linggo bago ko iyon nagawa.

"Nice one, Kein!" Sigaw ni Vector nang matapos sunod sunod na maasinta ni Kein ang
target gamit ang M21. Maayos ang pagkakatayo niya habang bumabaril kanina, halos
hindi siya natinag sa kanyang pwesto at dikit dikit ang bawat tama ng baril sa
target na nasa pinakagitna ng bilog na nakaguhit sa dibdib at ulo ng dummy.

Bumagsak ang balikat ko ng nakangising tumingin sa akin si Kein matapos niyang


ilapaga ang baril sa lamesa. Lumapit siya sa akin at tinuro ang dummy na binaril
niya. "I did it. I can protect myself, Jasmine. Wala kang dapat ipag-alala."

Tanging ngiti ang naging sagot ko at hindi na nagsalita pa.


Araw na ng misyon nila ni Vector at hindi ko pa rin siya kinakausap. Ako ang
magiging mata nila sa misyon na ito pati si Starr. Nasa loob kami ng isang van na
nakapwesto ilang bahay ang layo mula sa kinatatayuan ng mansyon ng mga Castro na
siyang misyon ngayon nila Kein. Simple lang naman ang misyon nila, walang kailangan
masaktan, all they need to do is copy a file in Bane Carlier dahil sa hindi
malamang dahilan ay hindi naming magawang i-hack ang system ng bahay niya. Well,
that shouldn't be a question because Bane Carlier is one of the great minds in
Iñigo Castro's empire.

Si Iñigo ay isang tanyag na IT Specialist, at isa sa miyembro ng Diamonds. Siya ang


nasa likod ng hindi mabuwag na pader sa system ng diamonds at napag-alaman namin na
sila ni Bane ang gumawa

ng proteksyong meron ang Diamonds ngayon. Si Bane ang gumawa ng firewall para sa
Diamonds, at nasa kanya rin ang paraan kung paano ito mabubuwag. At ang file na
naglalaman no'n ay ang siyang kailangan makuha nila Vector, dahil ang i-hack ang
system ni Bane ay mahirap, kailangang sila mismoag kumuha nito sa computer niya.

Madali lang naman pasukin ang tahanan ni Bane dahil hindi marami ang bodyguards
niya, he's low profile. Wala siyang masyadong proteksyon sa kanyang paligid. The
only problem is that his house is full of alarms. Bawat pagtapak mo sa lupa niya ay
posibleng mag-trigger sa alar ng buong bahay niya.

"I've stopped the alarm on his gate, Kein, fifteen seconds lang para makatungtong
ka sa harap ng bahay niya and then we'll take on the alarm on his front door." Saad
ni Starr sa kanila ni Vector, narinig ko ang pagsagot nila mula sa labas at mula sa
earpiece na suot ko ay rinig ko ang bilis ng pagtakbo nilang dalawa.

Mabilis nilang napasok ang bahay at tinuro namin ang direksyon ng opisina ni Bane.
Mabilis ang bawat pagkilos nila dahil limitadong oras lang ang meron para maisagawa
nila ang misyon. Fifteen minutes lang ang oras na meron sila para makuha ang file
na kinakailangan, dahil kung hindi nila makuha iyon sa loob ng labinlimang minuto,
ang lahat ng alarm sa bahay ni Bane ay tutunog dahil sa may hindi kilalang taong
nagbukas ng computer niya. Bane's that hysterical towards his technology.

"Ten minutes, Vector. Bilisan mo." Paalala ni Starr sa kapatid niya. Hindi ito
sumagot at wala kaming ideya kung ano na bang nangyayari sa loob dahil hindi naman
namin sila makita. Tanging ang porsyento lang ng file na nakukuha na namin ang
nakikita namin sa screen nitong computer at wala pa ito sa kalahati. "Wala ka bang
magagawa para mapabilis ito?"

Nagmura si Vector sa kabilang linya. "Don't you think that if I know a way to make
this faster I'd do it?" Sarkastiko niyang sagot. "Shit, someone's coming!"

Nawala ang koneksyon namin kila Vector at Kein. Mabilis na nagtipa kami sa keyboard
dahil sa nawala na din at may lumabas na malaking katagang 'FAILED' sa screen
kasabay nang mawala ang koneksyon sa kanila. Pero hindi iyon ang inaalala namin...
pilit kaming gumawa ni Starr ng paraan para maibalik ang koneksyon sa dalawa ngunit
kahit anong gawin namin ay hindi namin magawa. Bawat try namin ay para bang may
sumasangga sa pagpilit naming makausap sila.

"Starr, what the hell!?" Sigaw ko at hindi tumitigil na sinusubukang maibalik ang
koneksyon sa kanila.

"Contact the headquarters, tell them it's a code red. My damn brother is in
danger!" 'Yun lang at tinigilan na ni Starr ang pagtipa sa keyboard at binuksan ang
bag niyang naglalaman ng mga baril. "I'm going in."

=================

XIV. Anak

Chapter 14

Jasmine Sophia Andrews

"It's been four hours! Wala ba tayong gagawin?" Hysterical na tanong ko. Iniwan
ako ni Starr kanina upang sundan sila Vector, naiwan akong nag-aalala at pilit na
gumagawa ng paraan para makausap ko sila, ngunit pinasundo na ako ni Beau kila Kuya
para bumalik ng Black Rose pero hindi pa rin namin sila nagagawang kausapin. Mag-
aapat na oras na silang nasa mansyon ni Bane at hindi namin alam kung ano na bang
nangyayari sa kanila.And thoughts of all the possible things that could happen to
them inside that house makes me sick. Starr can fight them, kahit si Vector at Kein
ay kayang protektahan ang kanilang sarili, pero bakit ang tagal nila? I've seen how
Starr fight, kaya niyang patumbahin ang isang dosenang lalaki ng walang kahirap
hirap, pero anong nangyari at apat na oras na hindi pa rin sila nakakaalis sa lugar
na iyon?

Dumating si Ate Mikayla kasama si Sef at bakas din ang pag-aalala sa mukha niya.
Kaibigan niya si Vector, at kahit puro pagtatalo ang ginagawa nila ni Vector ay
sigurado akong mahalaga ito sa kanya. And I've seen how devastated Vector was when
we all thought Ate was dead, it's like losing a family member. Pamilya kaming lahat
dito.

Masasama kami sa mata ng ibang tao, mga walang pusong mamamatay tao, kung
magtratuhan kami sa isa't isa ay tila yelo kami sa lamig ng pakikisama sa isa't
isa, but we're family. We are all broken when we meet each other and by that we
slowly picked up all the shattered pieces of ourselves, we lost our families but
then we found a new one in this

organization. Pamilya kami dito. Dahil kung hindi kami pamilya dito ay matagal ng
nabuwag ang Black Rose. Ilang miyembro na ba ang namatay para maprotektahan ang
organisasyon na ito? I remember E, mas pinili niyang patayin ang sarili niya kesa
ang sabihin ang buong katotohanan tungkol sa Black Rose na pwedeng mag-ligtas sa
kanya noong nakuha namin siya sa Dark Chevalier.

"Why did you let Vector in that mission, Beau?" Galit na tanong ni Ate Mikayla kay
Beau at tumulong na rin sa pagsubok na makakonekta kila Kein.

"Do you think I wanted this to happen? Hindi ko alam na may mga bantay sila Bane,
because if I know I wouldn't let my brother and my damn sister there!" Bakas na
bakas ang pag-aalala sa boses ni Beau at tuloy tuloy pa rin ang pagtipa sa keyboard
na nasa harap niya, halos masira iyon sa bigat at bilis ng kamay niya sa pagta-
type, ganon din si Ate Mikayla sa keyboard na hawak niya.

"Jasmine, we can do this ourselves, hanapin mo na lang ang bleprint ng mansyon ni


Bane. If in thirty minutes ay hindi pa rin tayo makakonekta sa kanila, susugod na
tayo." Utos sa akin ni Ate. Tumango ako at lumipat ng computer, nagtipa ako sa
monitorng isang code at ang isang malaking rectangular box na lumabas sa screen ay
nilagyan ko ng eksaktong address ng bahay ni Bane, ilang segundo lang ay may
lumabas na file doon, pinindot ko ang screen at may lumabas na 3 dimensional view
ng mansyon ni Bane, kung saan ang bawat entrance at exit ng bahay, ang bawat air
vent at kung ano pang impormasyon sa bahay niya.

Dalawa lang naman ang pinto papasok ng bahay niya, mula

sa harap at sa likod nito, naisip kong sa air vent kami pumasok pero ng mabuksan ko
ang security information ng bahay nila ay nakita kong ang bawat lalabasan sa vent
ay may laser, offensive, ibig sabihin ay kaya nitong masugatan ang isang tao. We
can try deactivating it, pero dahil sa siguradong alam na nila Bane na may sumugod
sa mansyon niya ay wala ng pag-asa pang mahack namin ang system nila, lalo pa't
wala naman dito ang dalawang taong kilala kong may kakayahang gawin iyon at
kasalukuyan silang nasa loob mismo ng bahay na iyon.
"Ate..." Dumagundong sa buong kwarto ang boses ni Vector, putol putol ang
pagkakabigkas niya, pero alam kong siya iyon.

"Thank God! Vector, what happened?" Tinukod ni Beau ang dalawa niyang kamay sa
lamesa na para bang iyon na lang ang sumusuporta sa kanya para makatayo. "Si Starr
at Kein? Nasan sila?"

"Ate, thi- is li--ted... They g--- Starr and... th-- us!" Iyon lang nawala na uli
ang linya. Kahit putol ang pagkakasabi ni Vector ay malinaw iyon para sa akin. They
got Starr and Kein.

Kaagad na kinuha ko ang baril ko at lumabas ng kwarto na iyon, pumunta ako sa lugar
kung saan nakalagay ang mga ginagamit namin tuwing may mission. Mabilis na nagpalit
ako ng damit, ang sinuot ko ay ang suit na gawa ng Black Heart Organization,
something they called the Cameleon Black Suit, at kinuha ang baril na palagi kong
ginagamit, ang eagle, nilagay ko iyon sa holster sa kanan na binti ko, sa kaliwang
binti ko naman ay nilagyan ko ng tatlong klase ng patalim, sa aking bewan ay
kinabit ko ang belt na naglalaman ng mga bala at dalawang

M84 grenade at isang normal na granada.

Inaayos ko ang mga gagamitin ko nang may humawak sa aking balikat at may kinabit na
earpiece sa akin. "We will save them." Mahinang saad sa akin ni Night, dumating na
din si Elena na saglit na napatingin sa aming dalawa at nagpalit na rin ng damit na
kaparehas ng sa akin.

Ilang agents na rin ang nagpalit ng kanya kanya nilang suit at kumuha ng armas,
nauna na akong lumabas at pumunta sa basement para kunin ang motor na kahit kailan
ay hindi ko pa ginagamit. Nakita ko si Ate Mikayla at Sef na papasakay na rin sa
sasakyan nila, si Kuya ay nasa loob na rin ng kanyang sasakyan, si Sam naman ay
nakapwesto na sa motor niya, si Night at Elena naman ay magkasama sa isang sports
car, habang si Beau ay nauna ng umalis, may dalawang bagay na nasa likod niyang
nakapormang ekis. It's her own choice of weapon.

"We were able to track him when he called. Nasa second floor si Vector, third room
on the left." Narinig kong sinabi ni Roch mula sa earpiece na kinabit ni Night sa
akin kanina. Ang mga naiwan sa HQ ay susubukang gumawa ng paraan para magkaron ng
koneksyon ulit kila Vector, but as long as we can't communicate with them, we'll
fight blind. Susugod kami ng hindi alam kung ilan o kung ano ang haharapin namin
doon. By far this is the most dangerous mission we ever had. Dahil wala kaming
plano, wala kaming alam sa kung anong posibleng mangyari.
Tumigil ang mga sasakyan namin sa tapat mismo ng mansyon ni Bane. Bane's mansion is
located somewhere in Valenzuela kung saan isolated siya dahil na

rin sa sakop nito ang isang malawak na lupain dito. Good thing it was placed here,
wala ng ibang madadamay.

Nanguna si Beau sa pagpunta sa loob ni Bane at kasunod niya si Night na


nakaprotekta agad kay Elena dahil sa maaaring may biglang sumugod sa amin. Sumunod
na din ako at uunahan ng maglakad sila Elena ng hawakan ni Night ang braso ko at
pinwesto ako sa likod niya at naunang naglakad sa amin. Si Sef ay ganon din ang
ginawa kay Ate Mikayla na nagalit dahil hindi naman niya kailangan ng proteksyon
ngunit pinagpatuloy pa rin ni Sef ang pagpoprotekta sa kanya, si Kuya at Sam naman
ay magkatabing naglalakad sa tabi namin, si Sam ay inunahan na siya at sumabay na
kay Beau.

Binaril ni Sam ang knob ng pinto at malakas na sinipa ni Beau ang pinto pabukas,
lahat kami ay nakahanda ang mga baril sa pag-aakalang may mga nakaabang sa amin
ngunit ang bumungad sa amin ay ang nakagapos at duguang sila Vector, Kein at Starr
na halos wala ng buhay.

Nasa labas ako ngayon ng infirmary sa Black Rose at nakatanaw sa glass window mula
dito, nasa loob ng infirmary sila Kein na wala pa ring malay. Sa kanilang tatlo ay
si Vector at Starr ang may pinakakritikal na kondisyon. Dahil iyon sa tama ng bala
malapit sa puso ni Vector at ang tama naman ng bala sa likod ni Starr na halos
walong oras bago natanggal ni Bree ng kasama pa nitong lalaking doktor na pinatawag
ni Beau habang pabalik kami ng HQ ng Black Rose.

Ang sabi ni Bree ay himala na nabuhay pa si Starr at Vector dahil sobrang delikado
ng naging tama nila at maraming dugo ang nawala sa kanila.

Si Kein naman ay halos puro pasa at iilang sugat mula sa saksak ng kutsilyo ang
nakuha. At ang akala ko ay ligtas na si Kein, ngunit nang i-scan ni Bree si Kein,
nakita niya ang isang malaking namuong dugo sa utak nito, kaya naman ay minabuti
naming tin-rans-fer na lang si Kein sa ospital at doon ay sumailalim siya sa isang
operasyon na inabot ng kalahating araw, at ngayon ay hinihintay namin na magising
siya.
Tatlong araw na ay hindi pa rin siya nagigising. Nanatili ako sa tabi niya at
hinihintay na magising siya habang inaalala ang mensaheng iniwan ni Iñigo sa walang
malay na katawan nila Kein noong nakita namin sila.

Next time I won't miss my shot, Black Rose.

Gawa sa dugo ang sulat na iyon na nakalagay sa isang bond paper. Alam na nila ang
pinaplano namin, that's for sure. At sisiguruhin ko na ako mismo ang tatapos kay
Iñigo.

Marahang pinisil ko ang malamig na kamay ni Kein at hinalikan ito. Pinangako at


sinabi ko sa sarili kong hindi ako magpapakain sa galit at hindi maghihiganti. But
this is the last straw. Ito ang huling lubid na humahawak sa mga prinisipiyo ko.
Sinaktan nila si Kein. At hindi ko masisiguradong hindi na masasaktan ulit si Kein
kapag hindi ko nagawang tapusin ang buong diamonds.

"Jasmine," tawag ni Kuya Craig sa akin na kadadating lang. May dala siyang bag at
paper bag na alam kong ang laman ay pagkain. "Any response?"

"Still nothing." Malungkot akong ngumiti. "Do you think he'll wake up?"

"He should." Saad ng isang boses sa likod ni Kuya, naglakad si Kuya papunta sa kama
ni Kein at doon ko lang nakita si Tito Creid, na kung hindi ko alam ay aakalain
kong kapatid lamang nila Kuya, lalo na dahil sa parang photocopy ni Tito si Kuya
Craig but his character is Kein's. Because Kuya Craig is full mysterious while Tito
Creid and Kein, you can see right through them but they're both like codes, you
can't easily easily discern them. "Sasabihin pa ng anak ko kung sino ang gumawa
nito sa kanya para mapapatay ko ito."

=================

XV. Gone

JhasMean: Sorry kung natagalan. Sana ay basahin niyo pa rin. May pasabog ako next
UD (na hopefully, mapost ko next week or tomorrow) ayun lang. Thanks and Enjoy! If
it's not a burden for you, guys, comment naman kayo. I really need some criticism.
Thanks!
--------

Chapter 15

Jasmine Sophia Andrews

Si Tito Creid ang naiwan kay Kein sa hospital. Sinabihan niya kaming dalawa ni Kuya
na h'wag kaming babalik ng hospital hanggang hindi namin nahuhuli ang gumawa no'n
kay Kein and we're also planning to do that.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha si Iñigo at kung sino pang may
kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon si Kein. Hindi lang si Kein kundi pati
na rin si Starr at Vector na hindi pa rin maayos ang kondisyon.

Una akong pumunta sa Dark Chevalier at kumuha ng iilang impormasyon tungkol kay
Iñigo. Wala si Eron kaya payapang nagawa ko ang pang-hack sa system ng opisina ni
Marcello. Ilang araw ko na rin kasi sinusubukan ito at hindi ako nagtatagumpay -
una ay dahil sa madalas nandito si Eron, at pangalawa ay dahil sa hindi naman ako
kasing galing ni Kein at Vector sa mga ganitong bagay. Kuya Craig is also trying
and I'm just continuing what he left of.

Hindi magawa ng iba na ma-decode ang Legacy file sa Diamonds, at napag-alaman


naming wala ring bisa ang decode nila Vector dahil kung hindi magawang mabuksan ang
Legacy, we won't any link to Diamonds. Kumbaga, the part that they decode in that
hard drive is just the other side of the land, habang ang Legacy file ang tulay na
kokonekta

sa kabilang lugar, which in this case, ang system ng Diamonds. Since it's triple
encrypted, may tatlo itong decoding process na kailangang gawin. Una ay kailangan
naming malaman ang pattern para sa theomatic codes, pangalawa ay ang retinal scan
at ang huli ay finger print ng gumawa non - na hindi pa naman alam kung sino.

Kaya ito na lang ang susubukan muna namin. Ang system ni Marcello. Dahil baka
sakaling may makuha pa kaming ibang impormasyon dito tungkol kay Iñigo.

Ilang oras akong stuck sa laboratory namin ni Eron at ala-diyes na ng gabi ay hindi
ko pa rin nagawang ma-hack ang system ni Medrino.
Sana ay gumaling na si Vector. He's the only one who can do this.

Ilang araw ang nagdaan, nagising si Starr but she's not saying anything. Bree said
that it's because of trauma from what happened, and it broke my heart... ang dami
ng pinagdaanan ni Starr, ilang tao na ang pinatay niya, ilang tao na ang nakita
niyang namatay, ilang beses na siya halos agawan ng buhay. Anong klaseng
pagpapahirap ang ginawa sa kanila para ma-trauma si Starr ng ganito?

Ang sabi naman ni Bree sa kalagayan ni Vector ay maayos ang naging response ng
katawan niya sa gamot pero ang hindi niya maipaliwanag ay kung bakit hanggang
ngayon ay hindi pa siya nagigising. Dahil kung tutuusin ay mas naging maayos ang
operasyon sa kanya kumpara kay Starr na ilang komplikasyon ang nangyari habang
inooperahan.

Si Kein naman ay ganon pa rin ang sitwasyon. Ang sabi ng mga doctor ay wala na ang
pamumuo ng dugo sa utak niya noong operasyon, nagawa

nilang alisin iyon, at tinurukan lang siya ng gamot para mawalan ng malay para
magtuloy-tuloy ang paggaling niya, pero noong isang araw pang tinigil ang
pagbibigay ng gamot sa kanya dahil ayon sa bagong scan na nakuha nila ay magaling
na siya, at hindi nila maipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito
nagigising. Ayokong mag-isip ng hindi magandang bagay, pero ano bang dapat kong i-
expect mula dito? Hindi naman ako tanga para hindi isipin na ngayon, ang makina na
lang sa tabi ni Kein ang bumubuhay sa kanya. He has no brain activity. And I know
better what it means, I've been in forensics for years.

"Wake up," hinalikan ko ang noo ni Kein bago umupo sa upuan na nilagay ko sa tabi
ng kama niya, inayos ko rin ang kumot niya tapos ay hinawakan siya sa kamay.
Nakapatay na ang ilaw sa kwarto niya at tanging ang lamp shade sa kabilang gilid ng
kama lang niya ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto.

Hindi ko namalayan kung anong oras akong nakatulog at nagising na lang ako nang may
pakiramdam na parang may nakatitig sa akin. Inangat ko ang ulo ko at nagmulat ng
mata. Ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Kein kagabi ay nasa ilalim na ng kamay
nito, at ramdam na ramdam ko ang magaan na pagkakahawak niya dito. I look at his
face, he was still sleeping, pero ang mask na nakalagay sa mukha niya upang
makahinga siya ay wala na, ang bibg niya ay bahagyang nakabuka.

"He woke up earlier. Dapat ay gigisingin kita, pero ayaw niya." Lumingon ako kay
Kuya, nakangiti siya... something that I haven't seen for a very long time.

"May sinabi pa ba siya?" Tanong

ko kay Kuya habang naglalakad kami sa pasilyo nitong ospital. Papunta kami ng
cafeteria upang bumili ng pagkain

"He doesn't remember anything about the accident," paliwanag ni Kuya. "I asked the
doctor about it, ang sabi nila ay posibleng resulta iyon ng natamo niyang
aksidente."

Tumango ako. Magaan ang pakiramdam. "Okay na iyon, Kuya. I wouldn't want him to
remember that tragedy, too."

"Pero hindi rin natin malalaman kung sino ang gumawa nito sa kanila. Starr's
traumatized, Jasmine. Paano natin magagawang ipaghiganti sila?"

"We can manage that. Mas mabuti ng wala silang maalala pa. They've suffered enough,
and I won't let them to suffer more just because we want to have retribution."

Matapos naming kumain ni Kuya ay umalis na ako ng ospital papuntang Black Rose,
susunod na lang daw si Kuya kapag dumating na si Tito Creid. Unfortunately,
mahimbing pa rin ang pagtulog ni Kein kaya naman ay hindi ko siya nakausap man
lang.

Pagdating ng Black Rose ay kakaiba na agad ang pakiramdam ko sa paligid. Halos wala
akong nakikitang agents sa pasilyo ng headquarters. Bago ako pumunta sa opisina ni
Beau ay napag-desisyunan kong puntahan muna si Starr at Vector ngunit nang lumiko
ako sa pasilyo papunta sa clinic ay nakarinig ako ng sigawan tapos ay isang malakas
na putok ng baril. Mabilis na tumakbo ako papunta roon at naabutan ko ang
nagkukumpulang agents dito na nagkakagulo.

"Tabi!" Matinis na sigaw ng isang babae. Parang hinawi at nagkaron ng daan sa gitna
ng mga agents. Nakita ko si Elena na nakasimangot at mabilis na naglakad palabas ng
clinic, nakahawak ang kaliwang

kamay niya sa kanyang tagiliran at kitang kita ko mula sa kulay asul niyang damit
ang dugo mula doon.

"Anong nangyari?" Tanong ko kaagad sa kanya at inalalayan siyang maglakad. Hinawi


niya ang kamay ko na nakahawak sa balikat niya at tinignan ako ng masama.

"Who are you to touch me? Get out of my way." Hindi ako nakapagsalita, naramdaman
ko na lang ang malakas na pagtulak niya sa akin at tuluyan na siyang umalis.

"Sorry about that. Are you alright?" Tumango ako kay Night. He looked worried.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko. "Sinong bumaril sa kanya?"

He sighed. "Nagising na si Kuya Vector and when he woke up he was hysterical kaya
naman ay sumugod agad kami papunta rito. Akala namin ay kung ano ng nangyari sa
kanya kaya lahat kami ay armado, nakuha niya ang isang baril and shoot Elena. Kung
hindi pa naagapan at naturukan siya ng pampatulog ay baka hindi lang si Elena ang
binaril niya."

Dapat ay pupuntahan ko si Vector ngunit pinigilan ako ni Night dahil baka magawala
ulit ito kapag nagising kaya naman ay pumunta na lang kami sa Core at tahimik na
umupo sa isang mat dito kung saan naglalaban ang mga agents. Walang tao sa core,
hindi kagaya ng mga normal na araw. Siguro ay dahil sa lahat ay nag-aalala sa
kalagayan ni Starr at Vector.

Binaling ko ang tingin ko kay Night na nakatitig lang sa harap namin. "Bakit hindi
mo sinundan si Elena?"

"Kapag mainit ang ulo non, hindi mo na dapat nilalapitan. Mukha lang maamo ang
mukha ni Elena but she can kill you when she's pissed." Tumango ako bilang pagsang-
ayon sa sinabi niya. Maamo nga ang mukha ni Elena

pero kaya niyang pumatay ng tao ng hindi kumukurap. "Nagising na raw si Kein?"

Tumango ako. "Gumaan nga ang pakiramdam ko, eh. At least I know he's alright, not
really alright since he can't remember anything that happened in Bane's house, but
it's fine with me. As long as he's... they are all okay. Kung pwede nga lang sana
ay ganon na lang din ang nangyari kila Starr. Hindi iyong ganito. Ang hirap ng
sitwasyon nila."

Mahinang pinalo niya ang noo ko, napakurap ako dahil doon. "Those two are the
strongest people I know. Magiging maayos din sila, hindi mo kailangang mag-alala
masyado. Stop caring about other people, isipin mo lang dapat ang sarili mo. Look
at you, you lose weight."

Sinimangutan ko siya at pinuna ang pagiging madaldal niya dahil madalas ko siyang
makitang tahimik lang at malamig ang pakikitungo sa iba, at dahil sa pagpuna ko ay
bumalik siya sa pananahimik niya at hindi ako pinansin. Ilang beses ko siyang
tinapik sa balikat para magsalita ulit pero hindi siya natinag, kaya sa huli ay
tumawa na lang ako. I'm so happy today. Alam ko ng ligtas na talaga sila Kein.
Maayos na sila. Wala na akong problema.
Ilang minuto pa kaming nanatili ni Night sa Core nang dumating na isa isa ang mga
agents at nag-aya na si Night na umalis na kami. Nagpaalam ako sa kanya na
pupuntahan ko si Beau pero hindi niya ako pinansin, at lumiko siya sa ibang
direksyon, tinawanan ko na lang siya at pinuntahan na si Beau ngunit kakatok pa
lang ako sa pinto ng opisina niya ay naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone
kaya naman ay kinuha ko iyon mula sa aking bulsa. Si Kein.

/>

"Gising ka na?" Bungad ko sa kanya.

"Yeah... Nasaan ka?" Mahina ang boses niya at para bang hirap siya sa pagsasalita.

"Black Rose. Si Kuya?" Sumandal ako sa pader malapit sa pinto at tinuon ang
atensyon ko sa aking sapatos habang hinihintay ang sagot ni Kein.

"I want to see you..." Tumawa ako. "I missed you."

"Okay, okay. Pupunta na ako diyan." Tinapos ko na ang linya nang magpaalam na siya.
Saglit na kinausap ko lang si Beau nagpaalam sa kanya na pupuntahan ko si Kein
dahil hinahanap ako nito, pumayag naman siya at sinabing sa susunod na araw na lang
niya dadalawin si Kein.

Tumakbo ako palabas ng headquarters at mabilis na nagahanap ng taxi na masasakyan.


Hindi naman iyon naging mahirap dahil may kumpol ng taxi sa kabilang kanto malapit
sa eskwelahan namin dati. Tatlumpung minuto ang tinagal ng biyahe ko papuntang
ospital, nagbayad ako ng sobra pa sa rate ng taxi at tumakbo papasok ng ospital at
hinabol ang papasara ng elevator. Pinindot ko ang 4th floor at bigla akong
nakaramdam ng excitement na makita si Kein. Ilang araw ko siyang hindi nakausap.
Sobrang na-miss ko siya.

Tanaw ko mula sa dulo ng pasilyo kung nasaan ang kwarto ni Kein si Kuya na nasa
labas ng kwarto niya, kasama ni Kuya si Tito at parehas silang nakaupo sa may
bench, magkasiklop ang kamay ni Kuya habang nakayuko habang si Tito Creid ay
napansin kong malalim ang iniisip habang nakatitig sa pinto ng kwarto ni Kein.
Nilapitan ko sila ngunit bago ko pa makuha ang atensyon nila ay may dalawang doctor
ang lumabas mula sa kwarto ni Kein, halos sabay na tumayo si

Kuya at Tito upang kausapin ang doctor.


"We did everything we can, Sir." Puno ng lungkot na saad ng doctor kay Tito.
Narinig ko ang pagsigaw ni Tito ngunit pagkatapos non ay wala na akong iba pang
narinig kundi ang paulit ulit na salitang binitiwan ng doctor.

Nakita ako ni Kuya Craig, may sinasabi siya pero hindi ko marinig, at parang lahat
ng bagay sa paligid ko ay bumagal. Ang buong mundo ko ay parang tumigil sa pag-
ikot, wala akong ibang marinig kundi ang sinabi ng doctor at ang mabagal at malakas
na pagpintig ng puso ko.

Hinawi ko sa dadaanan ko ang iilang mga nurse na nandoon at lumapit sa kinahihigaan


ni Kein, sa tabi ko ay nandon ang isang aparato na may isang diretsong linya na at
kasabay non ay ang isang nakakabinging matinis na tunog na biglang nawala nang may
pindutin ang nurse sa likod nito, naging itim na lang ang screen nito. Tinignan ko
si Kein, maputla ang mukha niya at ang labi niya ay wala ng kulay. Nanginginig ang
kamay kong hinawakan ang kamay ni Kein, malamamig na ito. Hinigpitan ko ang
pagkakahawak sa kanya.

"Kein, joke's over. Wake up now." May huwamak sa balikat ko at unti unti akong
niyakap.

"Jas, let go. He's gone." Basag ang boses ni Kuya habang sinasabi iyon, at habang
nakayap ang isang kamay niya sa akin ay inalis naman niya gamit ang isa pa ang
kamay kong nakahawak kay Kein.

"No , Kuya. He can't do this to me... hindi pwede." I lose my balance, si Kuya
Craig na lang ang sumusuporta sa akin para hindi ako tuluyang bumagsak sa lupa.
"This is all my fault! Pinigilan ko sana siya. Pinrotektahan ko dapat siya..."

Sef Martin Keynes

"Hindi pa ngayon ang tamang oras." Malumanay na pagpapaalala sa akin ni Thanatos.

"Kelan pa? Look, Xiara's devastated, she deserve to know the truth." Napahilamos
ako sa aking mukha gamit ang kamay ko at pagod na naupo sa kama.

"Alam ko, pero may bagay kayong kailangan unahin. Naipaliwanag ko na ito sa'y-"

"I understand that, but I can't keep this from Xiara anymore. She has to know. Ano?
Hahayaan mong bulag siya sa katotohanan?"

"I understand that you just want to protecting her from getting hurt more, but I'm
also protecting something very important, Sef. Malalaman din ni Xiara ang totoo,
pero hindi pa ngayon. At sa oras na pwede na nating sabihin iyon sa kanya, ako
mismo ang magsasabi sa kanya."

=================

XVI. Past

Chapter 16

April 2013:

"Matthew, you tried hacking my computer again." Dumagundong ang boses ni Marcello
sa isang hindi na ginagamit na kwarto sa Dark Chevalier, may mga kahon na
naglalaman ng mga papeles ng mga lumang misyon ng Dark Chevalier na nakakalat sa
buong kwarto. Ang akala ni Marcello at Matthew na silang dalawa lang ang nandoon
ngunit ang hindi nila alam ay sa dulong parte ng kwarto, sa likod ng mga
naglalakihang kahon ay nandon si Sef Martin Keynes at umiidlip at nagising lamang
ito nang marinig si Marcello.

"You've already told me the truth, pero bakit hindi ko pa rin pwedeng malaman ang
tungkol sa Black Rose?" Nawala ang pagod na nararamdaman ni Sef kani-kanina lang at
tinuon ang buong pansin sa usapan nila Matthew at Marcello.

Nagpatuloy ang pagtatalo ng mag-ama tungkol sa Diamonds at Black Rose at nilisan


lang ang kwarto nang matapos ang kanilang pag-uusap, naiwan si Sef na tahimik na
iniisip ang pinag-usapan ng mag-ama at gulung gulo sa mga bagay na narinig.

Ilang araw na gulo ang utak ni Sef sa mga narinig at dahil doon ay nagawa niyang
sundan ang bawat kilos ng mag-ama. He became obssess of knowing everything at
umabot ito sa punto na pati ang personal nilang buhay ay inalam niya. Dalawang
linggong pinaghirapan ni Sef na pasukin ang system ng opisina ni Marcello at
nagtagumpay siya doon. And there he learned everything. Ang tungkol sa Diamonds, sa
Black Rose at kung para saan nga ba talaga ang Dark Chevalier.

Patay ang lahat ng ilaw sa bahay niya at tanging ang mahinang tunog mula sa aircon
ng kanyang kwarto ang maririnig. Ilang beses niyang

pinaulit ulit ang mga files na nakuha niya sa computer ni Marcello at hindi pa rin
siya makapaniwala dito. Inalis niya ang lahat ng dokumentong nakabukas doon at
binuksan ang kanyang e-mail. Gumawa siya ng mensahe na ibibigay niya kay Marcello
na nagsasabi na alam niya na ang lahat, ngunit nang ipapadala na niya ito ay nawala
sa screen ang email na ginawa niya at napalitan ng kulay itim ang buong screen. May
isang linya lang ang nandoon na mawawala't babalik.

Stop. Whatever it is that you're trying to do.


Lumabas sa screen. Nagdadalawang isip na sinubukan ni Sef na mag-tipa ng isasagot
dito.

Sef: Sino ka?

Thanatos.

Sagot nito.

Thanatos: And if you want to live... don't tell anyone what you know. Mapapahamak
ka.

Sef: Why should I believe you?

Thanatos: Dahil kakampi mo ako. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat.

Nawala ang mga mensahe na pinadala niya at bumalik sa normal na screen ang laptop
ni Sef. Gumawa ng ingay ang cellphone ni Sef na biglang tumunog ng malakas dahil sa
isang tawag. Kinuha niya iyon at walang nakalagay na kahit anong mumero mula sa
tumatawag.

He slide the green button to the right at tinapat sa kaliwang tenga ang telepono.

"Hello?" Tawag niya sa kabilang linya.

"Makinig ka, Keynes..." Halata ang paggamit nito

ng voice changer dahil sa akala mong robot na boses ng nasa kabilang linya. "Kung
gusto mong mabuhay ay tandaan mo ang lahat ng sasabihin ko..."

Pinaliwanag ni Thanatos ang lahat kay Sef at magmula ng araw na iyon ay hindi na
bumalik ng Dark Chevalier si Sef at ginawa ang mga sinabi sa kanya ni Thanatos. Ang
magtago at maghandang umalis ng bansa. Nang sa araw ng pag-alis niya ay ilang
armadong lalaki ang natagpuan niya sa kanyang bahay at sinalubong siya ng isang
nakahihilong amoy na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.
Masakit ang buong katawan ni Sef ng magising siya lalo na ang kanyang braso na
halos mamanhid dahil sa pagkakatali nito sa kisame, para ring pinupukpok ang
kanyang ulo dahil sa bagay na nalanghap niya.

Kahit na nahihirapan ay minulat niya ang kanyang mga mata at sinalubong siya ng
masakit at nakakasilaw na liwanag mula sa buong kwarto. Naniningkit ang mata na
nilibot niya ang tingin sa buong kwarto, may mga mamahaling muwebles doon, isang
malaking kama na binabalot ng puting kobre kama, at sa harap mismo ni Sef ay may
isang malaking salamin kung saan kita mula sa pwesto niya ang isang infinity pool.

"Gising ka na pala," pukaw ng isang pamilyar na boses sa atensyon niya. Hirap na


inikot niya ang buong katawan paharap sa taong nagsalita.

"Marcello," hindi makapaniwalang utas ni Sef. Ngumisi na parang demonyo si Marcello


sa kanya.

June 2013:

Sigaw ng isang lalaki ang bumalot sa buong mansyon ni Marcello at sa tuwing


mawawala ang pagsigaw na iyon ay ilang hagupit ng latigo ang maririnig at ang sigaw
ni

Sef ay muling maririnig.

Halos dalawang buwan na pagpapahirap ang nararanasan ni Sef at mahinang ipagdasal


man niyang mamatay na lang sana ay masyadong malupit sa kanya ang Diyos at
hinahayaan Niya ito sa mga paghihirap na dinaranas.

"May nakapasok sa mansyon! Maghanda kayo!"

Tumigil ang mga bumubugbog kay Sef at iniwan siya kwartong iyon na mag-isa.
Nanlalabo na ang paningin niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nagising si Sef na namamanhid ang buong katawan niya at nakahiga na siya sa isang
malambot na kama, nilibot niya ang paningin sa paligid at sa isang sofa ay nakaupo
doon si Medrino na tahimik na nakatanaw sa kawalan. Lumingon ito sa pwesto ni Sef
at ngumiti. Walang pinakitang kahit anong reaksyon si Sef sa kanya.

"Pasensya ka na kung first aid lang muna ang nagawa namin sa iyo. Hindi ka pa kasi
namin pwedeng dalhin sa ospital. My brother - Marcello - might find you there."
Tumango lang si Sef at pinilit ang sariling umupo, kaagad siyang inalalayan ni
Medrino at tinulungan siya nitong sumandal sa headboard ng kama.

May isang lalaki ang biglang dumating at sinabihan si Medrino na may importanteng
tao ang dumating kaya naman ay nagpaalam muna ito saglit kay Sef, tumango lamang si
Sef at sinundan ang paglalakad nito paalis hanggang sa tuluyan na itong makaalis at
naiwang mag-isa si Sef sa loob ng kwarto. Kahit hirap ay pinilit nito ang sariling
makabangon ng kama at paika-ikang naglakad palabas ng kwarto.

'Kailangan niyang umalis.' Iyon ang paulit ulit na mantra ni Sef sa sarili at
nagbibigay lakas sa kanya para makalakad ngunit sa kasamaang palad ay nakasalubong
niya si Marcello at kinaladkad nito siya sa isang lugar na hindi niya alam at nang
makapasok sila sa isang kwarto na punong puno ng mga libro ay tinulak siya nito na
naging dahilan ng pagkabagsak niya sa lupa.

"Shit," bulong sa sarili ni Sef dahil sa sakit na naramdaman. May isang kamay ang
humawak sa braso niya at tinulungan siyang makaupo sa sofa. Napahawak si Sef sa
kaliwa niyang braso na wala ng nararamdaman.

"Didn't I warn you before, Medrino?"

Pamilyar ang boses na iyon kay Sef kaya naman kahit na dumadaing sa sakit na
nararamdaman niya ay nag-angat siya ng tingin sa taong nagsalita upang makumpirma
ang iniisip. At naguguluhang nakumpirma niyang si Marcello nga iyon.

September 2013:

"Thanatos, mapagkakatiwalaan ko ba talaga si Xiara?" Tanong ni Sef kay Thanatos sa


kabilang linya. Kadarating lang nila ng Amsterdam at mahimbing na natutulog si
Xiara sa kama.

"Oo." Sagot nito, ngunit hindi gaya dati na mala-robot ang boses nito, ang gamit na
ni Thanatos ay ang totoo niyang boses. "Pero h'wag na h'wag mong sasabihin sa kanya
ang nalalaman mo."

Kumunot ang noo ni Sef. Sa isip niya ay tinatanong niya ang sarili kung bakit? Kaya
naman ay tinanong niya iyon kay Thanatos.

"Dahil kailangan niyo munang pigilan ang Diamonds." Naiintindihan

ko. Ang legacy mission ng Diamonds. "Pero bago ang lahat, unahin niyo munang
pigilan ang mga galamay nila. Ibibigay ko ang mga pangalan ng mga, lahat ng
kakailanganin niyo ay ako na rin ang bahala. Just don't tell anything about this to
Xiara."

"I understand."

Nagising ako na may brasong nakapulupot sa bewang ko. Dahan dahan kong inalis ang
braso ni Sef sa akin at tahimik na bumangon sa kama. Saglit na tinitigan ko si Sef
at napailing na lamang ako.

Pinatay ko ang lampshade sa tabi ng kama at walang ingay na sinuot ang aking
sapatos at umalis ng kwarto. Sinuot ko ang jacket ko at lumabas ng bahay.

Tahimik na tinakbo ko ang malawak na grassfield ng kinatatayuan ng bahay na


tinutuluyan namin. Hinihingal na ako sa pang-labing lima kong pagtakbo dito ngunit
hindi pa rin ako tumitigil hanggang sa halos hindi ko na maramdaman ang paa ko sa
sobrang pagod, hinayaan ko ang sariling bumagsak sa lupa at hinabol ang hininga.
Madilim pa rin ang kalangitan kahit na ala-singko na ng umaga. Pumikit ako at
dinama ang masarap na simoy ng hangin.

Nagiging normal na ang paghinga at pagtibok ng puso ko, nagmulat na ako ng mata at
ilang distansya lang mula sa mukha ko ay may mabilis na dumaang isang pahabang
bagay na sumaktong bumagsak sa tabi ng aking ulo. Ilang saglit akong hindi nakakilo
sa aking pwesto, at pinapakiramdaman ang bagay na iyon. Wala akong narinig na kahit
anong tunog na makapagsasabi kung bomba ito.

Halos limang minuto akong napako sa aking pwesto nang masigurado kong hindi
delikado ang bagay na iyon, umupo ako at tinuon kaagad ang pansin doon. Isa iyong
bakal na pana. Kinuha ko iyon, may kabigatan ang pana na iyon at tinignan ko ang
lugar kung saan ito posibleng nanggaling ngunit wala naman silang kalapit na bahay.
It's a crossbow bolt at halata sa bigat at disenyo nito na enhanced ito, hindi ito
normal na bolt na mabibili. It was developed.

Sinipat ko ito at sa bandang gitna nito ay may isang maliit na button, magaang
pinindot ko iyon at umangat ang kalahating parte nito, tuluyan ko itong
pinaghiwalay at may nakita akong isang kulay itim na papel sa loob. Kinuhako ito at
binuklat. May isang malaking box na nakaguhit sa papel at sa loob ng box na iyon ay
mga letra na hindi ko alam kung para saan ngunit hindi iyon ang nakakuha ng
atensyon ko kundi ang pangalan ng taong nagbigay nito sa akin. Dahil sa ibabang
parte nito ay nakalagay ang salitang 'Thanatos.'

=================
XVII. Vengeance

JhasMean: Thanks for waiting. This is probably the most gruesome chapter I'd ever
made. Joke. I will post the picture of the code sa FB Group (just click the
external link or sa mga mobile user, search niyo lang: JhasMean's Stories) if ever
you want to solve the code. Thanks and enjoy this chapter. Love ya'll ;)

----------------------

Chapter 17

M E R O T C E V D E

B A R B A R A R S I

N O I R S T H Y E R

M A R C E L L O E A

L E S E L L A V U E

N N E M E S T E L L

Y C A S T E L L A R

E L E N A H B H O E

E I D I E R C S S N

O T D G E A D O E Y

O U R H I N R D F A

N G E T K C A L B R

-THANATOS

Ilang minuto akong nakatitig sa pirasong papel na nakuha ko mula sa bolt, hindi pa
rin ako umaalis ng aking pwesto dahil hinihintay ko kung may kasunod pang bolt na
darating, ngunit umabot na sa kalahating oras ang paghihintay ko ay walang
dumadating kaya't napagdesisyunan kong bumalik sa bahay kung saan naabutan ko si
Sef na kumakain ng almusal. Kaagad na nilapag ko sa lamesa ang crossbow

bolt at ang papel na nakuha ko.

"Ano 'yan?" Kunot noong tanong niya at binitawan ang kubyertos para makuha niya ang
papel. Mula sa pagkakakunot ng noo niya ay nawalan ng kahit anong bakas ng emosyon
sa mukha niya seryoso ang pagkakatitig niya sa papel. "Saan mo ito nakuha?"

Tinuro ko ang bolt. "It was inside that. Tumatakbo ako sa labas nang bigla na lang
'yang dumating. Hindi ko alam kung saan nagmula but it says it's from Thanatos.
Alam mo ba ang tungkol dito?"

Umiling siya. "Dalawang araw ko ng hindi nakakausap si Thanatos."

"Then call him... or her and asked what is this about." Desididong utos ko sa
kanya.

"I can't call Thanatos; I don't have a direct contact-"

Malakas na hinampas ko ang lamesa at malalim ang bawat paghinga ko dahil sa


pagtitiis ng inis at frustration na nararamdaman, "Then find a way on how we can
contact whoever that fucking person is and tell her that I don't have time for her
stupid word games!"

Iniwan ko na si Sef kasama ang sulat at bolt na binigay ni Thanatos at dumiretso


ako sa aking kwarto kung saan ay agad na tinanggal ko ang puno na ng pawis kong mga
damit at pumasok na sa banyo upang maligo. Makalipas ang halos kalahating oras ay
natapos na ako at habang nagbibihis ay kumatok si Sef sa pinto ko at sinabing
pinapatawag kami nila Beau kaya naman ay naghanda na ako paalis, naabutan ko si Sef
na may kausap sa telepono niya na kaagad din niyang binaba nang makalapit na ako sa
kanyang pwesto.

"Beau wanted us to prepare for a mission tonight. It's about Bane and Yñigo."

Dumating

kami sa headquarters ng Black Rose wala pang isang oras ang nakalilipas, ngunit
nang pumunta kami sa opisina ni Beau ay wala sila doon kaya naman ay tinanong namin
ang ilang agents na nasa paligid at sinabi nilang naghahanda na ang mga ito para sa
isang misyon. Pinuntahan kaagad namin sila sa R&D Department dahil ang sabi ng
ibang agents ay nandon silang lahat, at doon ay naabutan namin sila Beau na may
kanya kanyang ginagawang paghahanda. Hinanap ng mata ko si Craig ngunit wala ito,
pati si Sam ay wala rin dito.

"What's happening? Akala ko ay may misyon tayo?" Bungad na tanong ko sa kanila. Si


Elena ang lumapit sa akin at inabot sa akin ang kaparehas na suit na suot niya
ngayon. It was the Chameleon Black Suit, isang klase ng damit na nagpapalit ng
kulay depende sa lugar na nasaan ang nagsusuot nito, it was a suit developed by
Black Heart Organization.
"Yes, Ate. And we're getting ready for it. You should too." Nakangiting sabi niya
sa akin.

"Did you plan a move already? Anong plano?" Umiling siya sa akin.

"There are no plans, Ate. Here's the place." Inabot niya sa akin ang isang folder,
kaagad kong binasa ang naka-highlight na sulat, nakalagay doon ang lugar at oras
kung saan magkakaron ng isang okasyon ang kompanya ni Yñigo.

This is an ambush. We never do this, sobrang iniiwasan namin ito dahil masyadong
maraming casualties at iilang mga inosente ang nadadamay. Kagaya ng nangyari sa
pamilya nila Jasmine noon. It was supposed to be an ambush, pero nagkamali kami ng
impormasyong nakuha and at the last minute we backfire, but it was all too

late, maraming napahamak sa misyon naming iyon kaya hindi na namin kahit kailan
ginawa pa ang ambush misyon because it was bloody and more dangerous.

I tried my best to make some sense to them pero lahat sila ay desidido sa ambush na
ito. I know they all wanted this because of what happened to Vector and Starr and
moreover, because of Kein's death, pero kailangan nila itong pag-isipan, I want get
revenge too but by doing this it's either we kill many people on their side or it's
our people who's going to get killed.

Habang nasa sasakyan ay kinakausap ko sila mula sa listening device, still trying
to make sense out of their anger pero nakarating na kami sa mansyon ni Yñigo dito
sa isang bagong subdivision sa may San Mateo, Rizal ay hindi sila nakinig, and in
that moment I know that I'd have no better choice but to just help them accomplish
this mission.

Halos nag-iisa lamang ang mansyon ni Yñigo sa buong lupain nitong subdivision,
marahil ay dahil sa isang linggo pa lang nang buksan ito sa publiko. Pagkalabas ko
ng sasakyan ay nakarinig ako ng ilang putok ng baril, nakita ko si Jasmine sa may
entrance ng mansyo at agad namin siyang sinundan ni Sef, sa entrance ay nakita ko
ang katawan ng dalawang guard na kulay pula na ang damit dahil sa dugong
nanggagaling sa leeg nila, sa tabi nila ay nandon ang iilang halaman at sa tabi ng
mga halaman na ito ay ulo ng dalawang guard. I am sure that this is because of
Beau. Tumakbo ako papasok ng mansyon, kaagad na sumunod sa akin si Sef at inunahan
ako sa paglalakad, both the guns we are holding are

ready if ever someone will come, pero halos lahat ng tao sa bungad ng mansyon ay
patay na.
"Ate," tawag sa akin ni Night na nasa ikalawang palapag ng bahay, nakadungaw ito
mula sa railings ng hagdan at bakas ang pag-aalala sa mata niya, mabilis na tumakbo
kami paakyat at sinundan si Night sa isa sa mga kwarto dito at s aloob nito ay
nakarinig ako ng putok ng baril, naabutan ko si Beau na ilang beses na sinaksak si
Bane sa katawan habang nakatali ito sa kinauupuan, habang si Jasmine naman ay
pauulit ulit na binabaril si Yñigo, hindi ko mabilang kung ilang bala na ang tumama
dito ngunit base sa tingin ko ay lagpas dalawampu na ito. Nakatitig lamang ang iba
pa naming kasamahan sa kanilang dalawa na hindi pa rin tumitigil sa pagsasaksak at
pagbaril sa patay nang si Bane at Yñigo. Sinenyasan ko si Night at Elena - na
parehas na nakakatitig lang - na awatin si Beau, habang ako naman ay nilapitan si
Jasmine habang pinapalitan niya ng magazine ang kanyang baril. Hinawakan ko ang
palapulsuhan ng kamay niyang may hawak ng baril at nilagay iyon sa likuran niya,
bahagyang pinalipit ko iyon upang mabitiwan niya ang baril.

"Jasmine, stop this now. He's dead," naramdaman ko ang panghihina ni Jasmine nang
matauhan ito at takot na tumitig sa bangkay ni Yñigo sa harap niya. Lumingon ako
kay Sef. "Sef, help me carry her outside." Tumango si Sef at nilapitan kami,
binuhat niya si Jasmine at umalis na kami sa mansyon na iyon, kasunod namin sila
Night na buhat buhat na rin ang walang malay na si Beau na siguro'y tinurukan nila
ng pampatulog.

Parehas kaming nakapwesto

sa likod ng sasakyan habang tahimik na binuksan na ni Sef ang makina ng sasakyan at


nagmaneho paalis. I hugged Jasmine as she was crying. "Ate, he killed Kein. Tama
lang iyon sa kanya, 'di ba? I didn't do anything wrong, right? He deserve it..."

"Ate, I killed him. I killed him." Paulit ulit niya iyong binibigkas hanggang sa
makarating na kami sa bahay namin ni Sef, nakatulog na si Jasmine kaya naman ay
binuhat siya ni Sef papasok ng bahay habang ako naman ay dumiretso sa kusina upang
kumuha ng alak, binuksan ko ang bote at diretsong uminom mula doon.

Tahimik na umiinom ako ng alak at inaalala ang ginawa ni Jasmine kay Yñigo.
Pakiramdam ko ay hindi si Jasmine ang nakita ko kanina, it looked like her but it
was certainly not her. Hindi iyon kayang gawin ni Jasmine, minsan nang nakwento sa
akin ni Craig na may napatay Jasmine dahil sa pinrotektahan siya nito at hindi
naging maganda ang naging resulta nito sa kanya. Ilang araw daw na hindi maayos ang
kundisyon nito. What happened tonight? Few days are not enough for her to

"Nagising ba siya?" Tanong ko sa bagong dating na si Sef.

Tumango siya. "Nagwawala siya kaya tinurukan ko muna siya ng pampatulog para
makapagpahinga siya. Why are you drinking?"
"I was just thinking..."

"About what?" Tumabi siya sa akin at inagaw ang alak na iniinom ko at uminom na rin
doon.

"The reason why I came back. The revenge I wanted."

"What about that?" Bumuntong hininga ako at pinatong ang ulo sa aking kamay.

"After that, promise me that we will leave this hell of a place and go far away
where we can start a new life. Ayoko na nito, Sef. Noon, it was thrilling. Nagagawa
kong iganti ang mga pamilyang naagrabyado ng mga kriminal, nagagawa kong iparanas
sa kanila ang sakit na naipadama nila sa pamilya ng taong ginawan nila ng masama.
It was thrilling, how I fight for justice. But these past years, it was not justice
that I've been fighting for. Wala na akong natutulungang tao." Mariing pumikit ako.
"I am slowly becoming the person I promise to myself that I will never be at nakita
kong ganon din ang nangyari kay Jasmine kanina. It happened because of our crave
for vengeance, and I don't want this to get worse. I don't want to be more of the
monster I already am."

Naramdaman ko ang kamay ni Sef na pumalibot sa bewang ko at ang pagdampi ng labi


niya sa aking buhok.

=================

XVIII. Twist

JhasMean: Hindi ko maayos ang spacing dito nung clue, pero nasa gallery naman siya,
at ipopost ko rin sa group yung sagot. :) Thanks for waiting. ;)

Chapter 18

Jasmine Sophia Andrews


Nakatitig ako sa salamin habang inaayos ang butones ng damit ko. Mugto ang aking
mata at medyo namumula pa rin dahil sa pag-iyak at tila nakikiayon ang kulay ng
damit ko sa nararamdaman ko. Itim.

Ngayon ang libing ni Kein. Ilang araw akong hindi nakapunta sa burol niya dahil
matapos ang nangyari sa misyon naming ay wala rin ako sa sarili. Hindi ko mapatawad
ang sarili ko dahil sa nagawa ko kay Yñigo. Oo, nararapat iyon sa kanya, pero hindi
ko maatim isipin na nagawa ko ulit pumatay ng tao.

Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa sink at yumuko, bumuntong hininga ako ng
pagkalalim at muling humarap sa salamin ngunit nagbago ang repleksyon ko roon, ang
kaninang malinis kong damit at paligid ay nasabuyan ng pagkarami raming dumi,
umatras ako at nilibot ang aking tingin sa loob ng CR ngunit wala namang dugo roon.
Muli akong tumingin sa salamin at bumalik na sa dati ang repleksyon ko, binuksan ko
ang gripo at naghilamos. Imahinasyon ko na naman.

Inalalayan ko ni Kuya Craig palabas ng sasakyan at pinulupot ang kaliwang braso


niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa pwesto kung saan ibuburol si Kein,
iilang tao na ang nandoon, karamihan ay iyong mga kaklase namin noong highschool
pati na ang mga kaklase namin ngayong college. Dropped na siguro ako sa school,
halos dalawang linggo na akong hindi pumapasok.

"Condolence,"

saad nila sa amin ni Kuya na sinagot lang namin ng tango. Umupo kami sa mga upuan
sa harap, nandon din ang iba pang kamag-anak nila Kein sa mother side niya pati si
Sam at Tito Creid ay nandon na rin na parehas tahimik sa kanilang kinauupuan, hindi
rin nagtagal ay dumating na ang pari at lahat sila ay tumayo upang magdasal,
samantalang ako ay nanatiling nakaupo at nakatitig lang sa krus na hawak ng pari.

Are you real? Why are you doing this to me? Are you really our salvation? If you
are, then why do you keep on hurting us? Why are you making us suffer?

Naghulog ng bulaklak sila Kuya sa kabaong ni Kein na nasa ilalim na ng lupa,


tumigil ako at tinitigan ang kulay puti niyang kabaong bago kinuha ang itim na
rosas sa ag ko at hinulog iyon doon.

Umalis na ang iba, tanging ako, si Kuya, Sam at Tito Creid na lang ang natira at
hinintay na tuluyan nang matabunan ng lupa ang kabaong ni Kein. Nagpaalam na si
Kuya kasama si Sam, kami na lang ni Tito Creid ang naiwan na parehas lamang
nakatitig sa kawalan.

"I've avenged you, Son. You'll be in peace." Sabi ni Tito at mapait na tumawa. "I
just hope it will change anything."

"It did. Nagkaron ng hustisya sa pagkamatay niya." Lumingon ako kay Tito, nakangisi
siya at nakatitig sa puntod ni Kein.

"Nagkaron nga, but you became a killer. My son wouldn't like in and I should've
thought of that before I gave you the document about Yñigo." Tumingin sa akin si
Tito at agad naman akong umiwas at tumingin

na lamang ng diretso sa isang puno na nakapwesto hindi kalayuan sa amin.

"Saan niyo nga po pala nakuha ang impormasyon na iyon?" Tanong ko dahil hindi ko na
nagawa pang itanong sa kanya ang tungkol doon dahil sa naging sarado ang isip ko at
tanging iniisip ko lang ng panahong iyon ay ang maiganti si Kein.

"From your boss." Tipid na sagot niya.

"Paanong kila Ate Beau, eh wa-"

"Your other boss. From Marcello." Napako ako sa pwesto ko at napatingin ako kay
Tito kung totoo ba ang sinasabi niya. Kilala niya si Marcello? "Kilala ko na siya
noon pang pinanganak si Matthew. Ako ang tumulong sa kanilang itago ito, you know
their line of business, masyadong delikado kaya Baby pa lang si Matthew ay
pinagkatiwala na nila ni Margarette sa akin ito." Paliwanag ni Tito sa akin.
Kapatid nga ni Ate si Matthew. Pero bakit si Matthew lang ang dinala sa Amsterdam?
Paano si Ate?

"Bakit si Matthew lang ang tinago nila? How about Ate Mikayla?" Tanong ko muli.

"Dahil siya lang ang kaya nilang itago noon. Hindi kilala ng mga kaaway nila
Marcello si Matthew, hindi ito mapapahamak while Mikayla on the other hand, ilang
beses ng muntik na makuha ng mga kalaban nila. She'll be safer in their side."
Kumuha ng sigarilyo si Tito sa coat niya at sinindihan ito bago ituloy ang
pagpapaliwanag niya sa akin. "Aayusin na lang din naman nila Marcello ang mga gulo
dito and they'll settle down to Amsterdam too. Iyon ang sinabi nila sa akin, until
after three years, they just stopped visiting Matthew

at nawalan ako ng contact sa kanila, and few months later, dumating na lang si
Marcello at si Margarette. Margarette doesn't remember anything. Walang sinabi sa
akin si Marcello sa mga nangyari sa Pilipinas, kinuha na lang niya sa amin si
Matthew at hindi na ulit nakita."

"Buhay ang Mama ni Ate Mikayla?" Tumango si Tito sa tanong ko.

"But then she died on October 2005." October?

"Tito, do you know the exact date of her death?" Kumunot ang noo ni Tito at
humithit sa sigarilyo niya.

"October 1, 2005. Bakit?" October. Tenth month. X in Roman numeral. 1. I in Roman


numeral. And 2005. '05 kapag sinulat, V in Roman numeral. XIV.

"Tito, did Marcello - even once - tried to kill Margarette and Ate Mikayla?" Tito
Creid looked at me, horrified.

"No! Marcello did everything to protect his family. He will not do such thing."
Naubos na ang stick ng sigarilyo na hawak ni Tito kaya naman tinapon na niya ito
tapos ay kumuha ng isa pa at sinindihan. "Mahal na mahal ni Marcello si Mikayla."

"Do you know anything about Diamonds?"

"Margarette likes them so muc-" pinutol ko ang sasabihin ni Tito.

"I mean, the syndicate... may nabanggit po ba si Marcello tungkol doon?"

"I know about the Diamonds, but I didn't know it from Marcello. Si Beatrice ang
nagsabi sa akin tungkol doon. Naging misyon nila iyon ni Marcello."

Nagpaalam ako kaagad kay Tito at tumakbo paalis ng sementeryo, humanap ako ng taxi
at sinabi ang address ng isang subdivision na malapit sa bahay nila Ate, ilang
beses kong sinabihan ang

driver na bilisan ang pagmamaneho niya at babayaran ko na lang siya ng doble ng


nasa metro. Kailangan ito malaman ni Ate Mikayla agad. Base sa kwento ni Tito
Creid, hindi kahit kalian man sinubukang ipapatay ni Marcello sila Ate... maybe,
just maybe, Marcello isn't the enemy here.
Binayaran ko na ang driver at lumabas na ako sa taxi at tumakbo papunta sa isang
eskinita papunta sa bahay nila Ate, mula sa eskinitang iyon ay tumawid pa ako at
tumakbo papunta sa dulong parte ng barangay na ito kung saan isang malawak na lupa
lang ang meron.

XIV. Sila Marcello ang pumapatay sa bawat miyembro ng Diamonds. The blood sample na
nakuha naming sa mansion ni Sven ay galing kay Matthew - na nagmatch sa DNA ni
Margarette - tama ang kutob ko noon pa. Pero ang gumugulo sa isip ko ay ang kwento
sa akin ni Ate Mikayla, she told me what happened at Medrino's, gusto silang
ipapatay ng ama niya. Nagsisinungaling ba si Ate? O si Tito? Kung ano man ang totoo
ay kailangan pa rin itong malaman ni Ate dahil maaaring pinaghihigantihan namin
dito ay ang maling tao.

Saglit na dumaan lang kami ni Sef sa libing ni Kein tapos ay umalis na rin kami
kaagad nang makita na naming iyon and we went straight ahead home kung saan ay
dumiretso ako sa sala upang tignan ulit ang sulat na binigay ni Thanatos habang si
Sef ay dumiretso sa kusina upang magluto ng hapunan naming tatlo nila Jasmine.

Naupo ako sa lapag at kinuha ang isang ballpen na nasa coffee table at binasa ang
mga letrang nasa papel. This is obviously a word search - name search actually
dahil nakita ko kaagad

ang pangalan ni Vector sa unang linya nito na pabaliktad na isinulat, minarkahan ko


iyon at pinagpatuloy ang paghahanap ng mga pangalan na pamilyar sa akin.
Dumating na si Sef mula sa kusina at umupo sa tabi ko, tinulungan na rin niya akong
maghanap ng pangalan.

"Marcello?" Tanong ko sa hangin bago minarkahan ang pangalan ng ama ko. Napansin ko
ang pagkuyom ng kamay ni Sef tapos ay tinuro ang sarili niyang pangalan na nandoon
din. Muli kong binasa ang bawat letra ngunit wala na akong mahanap pang pangalan
doon.

M E R O T C E V D E

B A R B A R A R S I

N O I R S T H Y E R

M A R C E L L O E A

L E S E L L A V U E

N N E M E S T E L L

Y C A S T E L L A R
E L E N A H B H O E

E I D I E R C S S N

O T D G E A D O E Y

O U A H R E R I F N

D A N T K C A L B G

E B E A T R I C E R

"This makes no sense at all. Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Sef, nakatitig
lang siya sa papel at malalim ang iniisip. Tinapik ko ang balikat niya, natigagal
naman siya sa ginawa ko at tumingin sa akin, hinawakan niya ang kamay ko.

"I have to tell you something." Saad niya. Tumango ako tinitigan siya ng diretso sa
mata, naging malalim ang paghinga niya at napansin ko ang iilang butil ng pawis sa
noo niya. Kinakabahan siya. Bakit?

"ATE!" Tawag sa akin ni Jasmine. Napabitaw ako sa kamay ni Sef at sabay kaming
gulat na lumingon kay Jasmine na hinihingal at pawis na pawis sa kanyang pwesto.
Nakatukod ang dalawang kamay niya sa kanyang tuhod at malalim na bumuntong hininga
bago magsalita muli. "You have to know something."
=================

XIX. Protect

JhasMean: May dinagdag akong row sa code, nagkamali ako ng pagkakalagay, eh. Check
niyo na lang po iyong last chapter. Thanks! Hope you enjoy this. :)

"That's impossible!" Tinalikuran ko si Jasmine matapos kong marinig ang kwento


niya.

Hindi kalaban si Marcello? Paanong hindi magiging kalaban si Marcello, ang sabi sa
akin ni Tita Beatrice ay si Marcello ang pumatay kay Mama kaya isa siyang kalaban.

"Creid was lying. He always has. Kung may tao mang hindi mapagkakatiwalaan dito ay
si Creid iyon." Saad ko at umupo sa sofa, pinatong ko ang siko ko sa arm rest at
hinilot ang aking sentido.

"Si Marcello ang nagbigay ng impormasyon tungkol kay Yñigo. Miyembro ng Diamonds si
Yñigo, bakit niya hahayaang mapahamak ang kasamahan niya?" Pagpupumilit pa rin ni
Jasmine.

"Because that's what he do, he betray people. He's expert at betraying people."
I don't have any memory of my father, tanging ang mukha niya lang ang naaalala ko
dahil sa aksidenteng natamo ko noong pinatay niya si Mama. I was that time, at ang
sabi ay dahil sa trauma ay wala akong maalala bukod sa nangyari ng gabing iyon.
Nang nagmamadali si Mama na umalis kami sa bahay namin, ang tawag ni Medrino pati
ang takot sa mukha ni Mama habang kausap niya sa telepono noon si Marcello. Si Tita
Beatrice ang nagsabi sa akin na si Marcello ang pumatay kay Mama, at tumatak na
iyon sa utak ko. Tumatak na sa isip ko na kailangan kong makaganti sa kanya dahil
sa pagpatay niya sa Ina ko.

/>

Iniwan ko silang dalawa sa sala at pumunta sa kwarto ko at ni-lock ang pinto upang
hindi sila makapasok pa dito. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Kalaban si Marcello. Tinatak ko iyon sa aking isipan hanggang sa makatulog ako,


nagising na lang ako na tumatawa dahil sa isang panaginip na hindi ko maalala kung
ano. Tanging isang lalaki, batang babae at isang baby lang naaalala ko.

"Anong napaniginipan mo?" Lumingon ako kay Sef na nakaupo sa dulo ng kama ko at
nakakunot ang noo. Umiling ako sa kanya. Nakita ko ang pagkain sa lamesa dito sa
kwarto ko. "Kumain ka na. Alas-dos na."

Tumango lang ako bilang sagot at bumangon sa kama at pumunta sa may lamesa at
kinain ang niluto niyang Adobo.

"Ano nga pala 'yung sasabihin mo sa akin kanina?" Tanong ko bago sumubo ng pagkain.
Sa pagkakatanda ko kasi ay may sasabihin siya sa akin bago biglang dumating si
Jasmine at kinwento ang napakaimposible niyang haka haka.

"Nakalimutan ko na. Kumain na dyan. Matutulog na ako." Lumapit muna siya sa akin at
hinalikan ang noo ko bago umalis.

Nang maubos ko ang kinakain ay lumabas ako upang hugasan at ligpitin ang
pinagkainan ko. Pabalik na ako sa aking kwarto nang makita ko sa coffee table sa
sala ang papel na binigay ni Thanatos sa akin at muli itong binasa. Paulit ulit
kong binigkas ang bawat letra, at siniguradong wala akong nakaligtaang salita mula
rito, ngunit hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang gustong ibigay na mensahe ni
Thanatos sa akin.

Tita Beatrice told me that never ignore a word

from a mysterious person, dahil palaging may kahulugan ang sinasabi nila. Thanatos
is a mystery to me, kaya imposibleng wala lang itong sulat na binigay niya. Ang
tagal kong inalam kung sino siya mula kay Sef ngunit wala akong makuhang sagot, and
now siya na mismo ang kumakausap sa akin.

"Maybe it's not about the answers..." Bulong ko sa sarili. Dinala ko ang papel sa
aking kwarto at pumwesto sa may study table, kumuha ako ng isa pang pirasong papel
at sinulat doon ang mga letrang hindi nagamit bilang sagot.

MEDRINO IS THE REAL ENEMY HE IS NOT DEAD YOU ARE IN DANGER

Nabitawan ko ang ballpen na hawak at napasandal sa aking kinauupuan. This is


impossible...
Maliwanag na sa labas ngunit nanatili akong nakapwesto sa upuan ko at hindi
maproseso ang bagay na nalaman ko mula sa sulat ni Thanatos. Imposible ito. Sino ba
si Thanatos? Totoo ba ang sinasabi niya? Paanong si Medrino ang kalaban? Papaanong
buhay pa si Medrino kung nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya namatay
nang araw na iyon?

"Xiara?" Tawag sa akin ni Sef. Tumayo ako at kinuha mula sa ilalim ng kama ang case
na naglalaman ng mga baril ko. Kumuha ako ng isang baril at tatlong pamalit na
magazine dito at kinabit ang holster sa aking bewang. Nilagpasan ko si Sef at
tumuloy sa garahe upang kunin ang saksakyan ko.

Matagal ko ng hinintay ang araw na mapapatay ko si Marcello. Hindi naman lingid sa


kaalaman ko kung nasan siya. I can always go to his place and kill him pero
hinihintay ko ang oras na isa isa kong

mapatumba ang mga kakampi niya bago gawin iyon. Muling sumagi sa isip ko ang
kinwento ni Jasmine. Posible bang hindi nga talaga kalaban si Marcello? Pero bakit
takot na takot si Mama sa kanya? Kung kalaban si Medrino, bakit bakas ang
pagtitiwala ni Mama sa kanya noong kausap siya nito? Bakit ang nakalagay sa sulat
ni Mama ay pagkatiwalaan ko si Medrino?

Bigla akong pumreno at ramdam ko ang sakit ng seatbelt sa aking dibdib dahil sa
pagkabigla nang makarating ako sa tapat ng bahay ni Marcello. Sa gate pa lang nito
ay iilang security na ang nakabantay. Isa iyong malaking gate na madali lang
masisira kung babanggain ko ito. Pinwesto ko ang sasakyan sa harap mismo ng gate
tapos ay tinapakan ko ang brake at sumunod ang gas, sunod sunod kong tinapakan ang
gas hanggang sa umabot na nga eighty ang acceleration, binitawan ko ang brake at
dumiretso ang impact ng sasakyang sa gate na nagdulot sa pagkasira nito. Mula sa
rearview ay nakita kong umahon mula sa pagkakatumba ang mga security at tumakbo
papunta sa sasakyan ko. Kinasa ko ang baril at lumabas ng sasakyan, sunud sunod ko
silang pinaputukan at natumba ang apat na security dahil sa tamang natamo nila sa
kanilang binti.
Hinanap ko ang daan papasok ng bahay ni Marcello at nang matagpuan ko iyon ay may
apat na security ang mabilis na tumatakbo palapit sa akin, may hawak silang baril
at ang pagkakamali nila ng oras na iyon ay hindi nila ako kaagad binaril at
binigyan pa ako ng pagkakataong unahan silang bumaril. Inasinta ko ang kamay nilang
apat na may hawak sa baril at nagmamadaling sinipa ko palayo ang mga baril sa

kanila upang mabigyan ako ng oras na hanapin si Marcello sa bahay niya. Ilang
security pa ang humarang sa akin at wala silang nagawang lahat dahil nauunahan ko
silang barilin, umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay ni Marcello, sa kanang
pasilyo ang una kong pinuntahan at ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay may
isang braso ang humatak sa akin papasok sa isang kwarto at tinakpan ang aking
bibig, dahil sa hawak niya ang braso kong may hawak sa baril ay bahagyang pinilipit
niya ang kamay ko at nabitawan ko ito, sinipa niya iyon palayo sa akin tapos ay
inikot ako upang magkaharap kami, nakasandal ako sa pader habang madiin ang
pagkakahawak niya sa magkabilang balikat ko.

"What the fuck are you doing here?" Nagkasalubong ang titig namin at namuo ang
galit sa dibdib ko nang mapansin ko ang pagkakahawig niya kay Marcello, siya ang
anak ni Marcello.

"Let go off me--" tinakpan niya ang bibig ko at inis na bumuntong hininga.

"She will kill you once she sees you here." Tumigil ako sa pagpupumiglas, may isang
parte ng utak ko ang nagsasabing hindi ko siya kalaban, na hindi siya ang kalaban
ko dito. Pinakinggan ko na lang ang sinasabi niya habang nililibot ang aking
paningin sa kwarto na pinagdalhan niya sa akin. Isa lamang itong simpleng study
room ngunit ang nakapukaw ng pansin ko ay ang litrato ni Marcello kasama si Mama at
ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa lima o anim na taong gulang,
pabalik pabalik ang tingin ko sa bati pati sa lalaking nasa harap ko ngayon. "Are
you listening? Umalis ka na bago ka

pa maabutan ni Deenara."

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak ako papunta sa isang bookshelf, may
isang libro siyang hinanap doon at bahagyang hinatak tapos ay gumalaw ng bahagya
ang shelf -- a secret room. Bumitaw ako sa kanya when I get back to my senses.
"Aren't you going to kill me?" Matapang na tanong ko sa kanya. Tila nainis siya sa
ginawa ko at muli akong hinawakan sa braso, mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa
akin at kinaladkad ako papasok sa sikretong kwarto iyon, saglit na tumigil kami sa
tapat ng isa pang pinto at may tinipa siya sa isang touch screen keyboard sa gilid
nito at awtomatikong bumukas ang pintuan, tinulak naman niya ako papasok doon.

"Stay there." Utos niya baga ako tinalikuran, magsasara na ang pinto nang harangin
ko ito ng aking kamay kaya't awtomatiko na naman siyang nagbukas.

"I asked you, why are you not killing me?" Ginulo niya ang kanyang buhok at bakas
ang pagkairita sa akin.

"Why should I kill you? Diyan ka lang." Tuluyan na siyang umalis at tuluyan na ring
nagsara ang pinto.

Tinalikuran ko ang pinto at ang bumungad sa akin sa kwarto ay ang isang malaking
monitor na nakalagay sa pader, sa monitor na iyon ay may dalawampung screen kung
saan kita ang kabuuan ng mansyon ni Marcello. Sa pang-apat na screen ay nakita ko
ang gate ng bahay ni Marcello at nagkakagulo ang mga security pati ang lalaking
nagdala sa akin sa kwartong ito, may pinagtatalunan silang lahat at tumigil lamang
nang may isang itim na Benz ang dumating, lumabas doon si Marcello at ang kasunod
niya

ay isang babaeng nakaputing damit, iyon marahil si Deenara, may suot itong salamin
kaya naman ay hindi ko maaninag ang mukha niya. May binulong 'yung lalaki kay
Marcello at tanging tango lang ang sinagot ni Marcello tapos ay kinausap ang
babaeng kasama 'tsaka sila pumasok sa mansyon kasama ang security na kasunod nilang
dumating. Mula sa unang screen ay nakita ko silang tatlo, papalit palit ang screen
kung saan ko sila nakikita dahil sa umakyat na sila sa ikalawang palapag, at
pumasok sa isang kwarto.

Mula sa screen na may nakasulat na 'Room 1' ay nakita kong umupo sa isang sopa
iyong babae at may sinabi sa kanya si Marcello bago siya iniwan. Buong atensyon ko
ay tinuon ko sa kung saan sila pupunta, pumasok sila sa isang kwarto -- ang kwarto
kung saan ako dinala ng lalaki. May ginawa sa shelf si Marcello at umawang ang
shelf. Inalis ko ang pokus sa screen at naghanap ng magagamit pangproteksyon sa
sarili. Mula sa lamesa dito ay may nakita akong isang cutter, "This will work."
Sinagad ko ang patalim tapos ay nakahandang hinitay sila, ilang minuto lang ay
bumukas na ang pinto at ang bumungad sa akin ay ang mukha ni Marcello na bakas ang
pag-aalala at galit sa mukha. Ilang hakbang ang layo niya sa akin, nakatitig lang
siya sa akin tapos ay biglang ngumiti.

"Xiara..." Tawag niya sa pangalan ko na labis kong pinandirihan.

"Don't call me by name, nakakadiri." Matalim kong sabi, nawala ang galak sa mukha
niya at sumeryoso na.

"I won't hurt you,

drop the cutter." Malumanay niyang saad.

"And why should I believe you?" Nagdududang tanong ko at hindi pa rin binababa ang
cutter kahit na alam kong wala naman iyong laban sa kanya.

Naglabas siya ng malalim na buntong hininga, "because you are my daughter, now drop
that cutter. I won't hurt you, Xiara."

Namuo ang galit sa dibdib ko. Anak? Anak niya ako? Anak bang maituturing ang taong
pinagbantaan mo ang buhay?

"Anak? Gusto mo akong mamatay, hindi ba?" Galit na tanong ko at matalim siyang
tinignan.
"Xiara, we don't have time to talk about this, drop the cutter at sumama ka kay
Matthew, delikado para sa'yo na manatili dito, makikita ka ni Deenara." Paliwanag
niya. Ang nasa likod niya na si Matthew ay mukhang galit na sa kanyang pwesto at
gusto akong sugurin at kaladkarin na lang. Bumuntong hininga ulit si Marcello at
tinawag si Matthew, kaagad akong nilapitan ni Matthew, sinugod ko siya ng cutter,
natamaan siya sa may pisngi na hindi niya ininda, sasaksakin ko na sana ulit siya
nang mahawakan niya ang mismong blade ng cutter at buong lakas na inagaw iyon sa
akin at hinawakan ako sa braso para kaladkarin paalis.

"Get off me!" Sigaw ko, tinakpan niya ang bibig ko.

"Shut up. Deenara will hear you." Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko ngunit agad
naman niya iyong binalik at paglabas namin ay may kinuhang posas si Marcello,
nilagay niya ang posas sa kanang kamay ko at nilagay sa likod iyon tapos ay kinabit
sa kaliwang kamay ko ang kapares ng posas dahilan para hindi ako makagalaw at
makawala pa kay Matthew

tapos ay tinakpan niya ang bibig ko.

"Take her somewhere safe, may mga hindi namang sugatan na security, the will
accompany you."

Binuhat ako ni Matthew sa balikat niya, at ang likod lang niya ang nakikita ko,
lumabas na kami sa kwarto at sa hindi ko alam na dahilan ay tumigil bigla si
Matthew sa pagtakbo.

"I'm right, something is really different." Rinig kong sabi ng isang babae. "Why
don't you introduce me to you visitor, Marcello? Matthew, ibaba mo siya." Humigpit
ang pagkakakapit ni Matthew sa binti ko. "Matthew?"

"No, Tita." Matapang na sagot ni Matthew, tumawa iyong babae.

"You will show me her face or I'll kill you, alam mo namang maikli lang ang
pasensya ko," pagbabanta niya, naalerto ako bigla at nagpumiglas kay Matthew,
pinagsisipa ko siya kaya't nawalan siya ng balanse at nailaglag niya ako, dumaing
ako sa impact ng pagkakalaglag ko, kaagad naman niya akong tinulungang makatayo, at
sa wakas ay nakita ko ang babaeng nagsasalita kanina.
Napakaamo ng ngiti sa labi niya ngunit maihahalintulad ko ang ngiting iyon sa titig
ni Beau, napakalamig at nakakatakot, nakaramdam ako ng kaba sa buo kong sistema at
halos mapako ako sa aking pwesto.

"You look like someone I know... sino ba iyon, Marcello? Ah. Ang asawa mong
pinapatay ko." May sinenyas siya sa mga bantay niyang nakatayo sa kanyang likod.

"Matthew umalis na kayo!" Sigaw ni Marcello at bumunot ng baril sa kanyang likod at


pinaputok iyon, ang natamaan ay ang isa sa bantay ni Deenara na mabilis siyang
pinrotektahan, muli akong binuhat ni Matthew sa kanyang balikat at matulin siyang
tumakbo. Nakita kong bumunot na rin ng baril ang mga bantay ni Deenara at sunud
sunod na binaril si Marcello na walang kalaban laban, kaagad siyang tumumba.

Nakalabas na kami ng mansyon, sinusundan pa rin kami ng bodyguards ni Deenara


ngunit papalabas pa lang sila ay hinarang na sila ng mga bantay ni Marcello
hanggang sa payapa kaming nakasakay ni Matthew sa sasakyan at nakaalis. Gumawa ako
ng ingay at marahas na inalis ni Matthew ang nakatakip sa bibig ko.

"Anong nangyari? Bakit nila pinatay si Marcello?" Nanghihinang tanong ko.

"Because you're alive! Now shut up before I strangle you because you cause my
father's death." Puno ng galit niyang saad sa akin.

"Bakit niya ako hinayaang makatakas? Iyon naman ang gusto niyang mangyari, 'di ba,
ang mamatay ako? Kami ni Mama, bakit hinayaan niya akong makatakas? Bakit hindi na
lang niya hinayaan si Deenara na patayin ako?" Wala sa sariling tanong ko. Muling
bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Jasmine pati ang mensahe ni Thanatos.
Biglang pumreno si Matthew at matalim na tumingin sa akin, "because he's a crappy
father who only thinks of his daughter's safety and forgetting that he also has a
son. Because for the past years that you're gone, he was just trying to protect
you, now he's dead because of you. Does that answer your fucking question? Masaya
ka na? Ang taong matagal mo ng gustong patayin ay patay na, is your revenge finally
over? Nakabayad na ba siya sa bagay na kahit kailan ay hindi naman niya ginawa o
naisipan mang gawin?"

=================

XX. Believe

Chapter 20

Tinigil ni Matthew ang sasakyan sa tapat ng bahay ko, he pulled the handbreak at
nauna nang bumaba sa akin tapos ay pinagbuksan ako ng pinto at kinaladkad papasok
ng bahay; nakatali pa rin ang kamay ko sa likod kaya kahit na nahihirapan ay
sinabayan ko ang mabilis niyang paglalakad.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Hindi ko napigilan ang sariling magtanong.

"My father's obsess with your safety, he has someone watching you; at lahat ng
bahay na nakatayo dito, within 20 mile radius, ay tauhan niya ang nakatira." Sagot
niya, diretso pa rin ang tingin sa daan at hindi man lang lumingon sa akin kahit
isang beses.
"What the fuck?" Gulat na reaksyon ko sa sinabi niya. "Sino naman ang binayaran
niya para bantayan ang bawat kilos ko?" Muli kong tanong na hindi naman niya
sinagot.

Nasa tapat na kami ng pinto ng bahay nang sunod sunod siyang kumatok sa pinto,
ilang saglit lang ay binuksan ni Jasmine ang pinto na may pagtataka sa mukha, hindi
siya pinansin ni Matthew at dumiretso ng pasok sa bahay at kinaladkad ako sa unang
lugar na mapuntahan niya. Nakarating kami sa sala at doon ay tinulak niya ako paupo
sa sofa.

"Matthew? Paanong magkasama kayo ni Ate?" Agad na tanong ni Jasmine pagkasunod niya
sa amin.

"I've no time to answer your question, Jasmine, help me with this first." Mula sa
batok ay inalis niya ang suot na itim na t-shirt at doon ko nakita mula sa hubad
niyang katawan ang tama ng baril sa kaliwang parte ng tyan niya. Nagmadali si
Jasmine na alalayan ito paupo at kinuha ang kit

para magamot siya. Dahil sa hindi pa rin niya inaalis ang tali sa kamay ko ay hindi
ko siya magawang tulungan. Patuloy namana ng pagdaing niya habang nilalagyan ng
pwersa ang sugat sa tyan niya.

Dumating si Jasmine na dala ang isang surgical kit at timba na may lamang tubig
para magamot si Matthew, nilapag niya sa lamesa, umalis ako sa aking pwesto para
maayos ang pagkakaupo ni Matthew sa sofa, Naglagay ng tatlong unan sa likod ni
Matthew si Jasmine para nakaangat ang katawan niya. Nagsuot ng gloves si Jasmine
tapos ay kinuha ang mga kakailanganin niya para maalis ang bala sa tyan ni Matthew,
habang si Matthew naman ay patuloy pa rin ang paglalagay ng pwersa sa sugat niya.
"You know, we can take you to the hospital..." Kinakabahang saad ni Jasmine.

"Sa tingin mo kung pwede akong pumunta sa ospital ay dito ako dumiretso, just
fucking fix this." Sigaw ni Matthew. Sa sitwasyon namin ngayon, malamang ay
pinahahanap na kami ni Deenara, kaya hindi kami maaaring pumunta ng ospital.

"Pero hindi ko alam kung anong organ ba ang natamaan sa'yo, baka mama--"

"Just fix this!" Dumaing siya sa sakit dahil sa pagsigaw, naalarma naman si Jasmine
at gamit ang isang kamay ay tinulungang lagyan ng pwersa ang sugat, habang ang isa
niyang kamay ay ginagamit niya para ilagay ang mga forceps sa tubig sa timba.

"Jasmine, where's Sef?" Umiling siya bilang sagot at napatadyak na lang ako sa
lapag sa frustration, tumakbo ako papuntang kusina at naghanap ng magagamit para
maalis ang posas sa kamay ko, gamit ang

bibig ay kinuha ko ang tinidor at nilapag iyon sa lamesa tapos ay bahagya akong
tumalikod sa mesa at kinuha iyon ng kamay, ilang beses kong sinubukang makalas ang
posas at sa pang-apat na subok ay nagawa kong alisin ang pagkakalock nito.

Mabilis na kumilos ako at kumuha ng basin at nilagyan iyon ng malamig na tubig na


hinaluan ng mainit, tapos ay dinala iyon sa sala kung saan ay pinapabagal pa rin ni
Jasmine ang pagdudugo ng sugat ni Matthew, pumunta ako papuntang kwarto at kumuha
ng towel at binalikan silang dalawa, lumuhod ako sa tabi ni Matthew tapos ay
nagsuot ng gloves at sinabihan si Jasmine na ako na ang bahala dito at ayusin na
niya ang pag-disinfect sa mga forceps. Ilang minuto rin akong nanatili sa pwestong
iyon nang sabihin ni Jasmine na maayos na ang mga gamit. Pinakagat ko kay Matthew
ang towel at sinimulan na ni Jasmine na alisin ang bala sa tyan niya, nagsisigaw sa
sakit si Matthew at sa loob ng halos sampung minuto ay naalis ni Jasmine ang
dalawang bala sa katawan niya. Inaayos na ni Jasmine ang bandage kay Matthew nang
makatulog ito, namumutla ang mukha niya at pawis na pawis.
"Ate, natanggal ko ang bala pero maraming dugo ang nawala sa kanya..." paliwanag ni
Jasmine habang nililigpit ang mga ginamit namin.

"Anong blood type niya?" Tanong ko.

"Same as your, B positive." Tumango ako at naglakad papuntang kwarto. "Anong


gagawin mo, ate?"

"Pupunta ng ospital. I'm going to steal some blood. Makakayanan pa ba niya ang
isang oras?" Tumango si Jasmine, dumiretso na ako ng kwarto.

Nagising ako nang may tumapik

sa balikat ko, umayos ako ng upo at tinignan si Matthew na mahimbing pa rin ang
pagkakatulog.

"Pumunta ka na, Ate, sa kwarto mo, ako na ang magbabantay sa kanya." Sabi ni
Jasmine. Umiling ako at umayos ng pagkakaupo sa lapag, sumandal ako sa sofa, tumabi
naman sa akin si Jasmine.

"Si Sef?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa rin po umuuwi, eh." Tumango ako. Kanina ay sinubukan ko siyang tawagan
ngunit hindi niya sinasagot ang mga iyon, kahit ang magreply sa mga messages na
iniwan ko sa kanya ay hindi niya magawa. Tinanong ko na rin sila Beau kung nagpunta
doon si Sef pero wala raw nakakita sa kanya doon.
Mariing pumikit ako at inisip kung saan pumunta si Sef, nag-aalala na ako, wala
naman siyang iba pang pwedeng puntahan. Dumilata ko at dinampot ang cellphone ko sa
lamesa at nagtipa ng mensahe kay Sef.

Nasaan ka na? I'm worried. Call me once you read this, okay?

"Ate, ano bang relasyon niyo ni Sef?" Biglaang tanong ni Jasmine, bahagyang gumalaw
si Matthew sa sofa kaya naman ay napatingin ako dito kung nagising ba, ngunit
mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya.

"Kaibigan ko siya, Jasmine." Sagot ko.

"Sa'yo siguro, pero si Sef ay hindi ganon ang turing sa'yo, alam mo ba 'yon?"
Tumango ako.

"Wala akong panahon sa ganyan ngayon, Jasmine. Sef's my friend at siya ang
pinakapinagkakatiwalaan kong tao ngayon. He's my person." Saglit na tumahimik si
Jasmine ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay muli niya akong tinawag.

"Eh, paano si Kuya?"

Umiling ako. "Matagal nang tapos ang sa amin ni Craig, Jasmine."

"Hindi pa naman kayo nag-uusap." Pagpupumilit niya.

"Hindi na namin kailangan pang mag-usap. Tapos na ang sa amin."


Hindi na sumagot pa si Jasmine at parehas na kaming nanahimik na lang hanggang sa
mag-a-alas tres na ng madaling araw ay parehas na kaming nahimibing. Nagising lang
ako nang may marinig akong bagay na nalaglag, at kahit masakit ang ulo dahil sa
kulang na tulog ay dumilat ako, nakita ko si Matthew na nakatukod ang kamay sa sofa
at nakahawak sa kanyang tyan. Kaagd na tumayo ako at inalalayan siya at dahil sa
naging pagkilos ko ay nagising na rin si Jasmine.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na tanong ko at inalalayan siya paupo
pero marahas na inalis niya ang kamay ko sa braso niya.

"Leaving. Naiuwi na kita ng ligtas, kailangan ko ng umalis. My father's probably


rotting in our house and Dark Chevalier's surely ruined by now. Thanks to you, by
the way." Mahina ang boses niya at nanghihina pero nagagawa pa rin niyang maging
sarkastiko.

"Hindi ka pa magaling. Stay. At kung babalik ka sa bahay niyo ay malamang


pinababantayan iyon ngayon ni Deenara, lalo na sa Dark Chevalier." Kahit
nagmamatigas ay hindi na niya ako napigilan pang paupuin siya pabalik, sobra pa
siyang nanghihina.

Sinabihan ko si Jasmine na bantayan si Matthew at pumunta ako sa kusina para


paghandaan siya ng makakain, habang hinihintay na ma-defrost ang manok sa sink ay
tinignan ko ang cellphone

ko kung tumawag ba si Sef o nag-iwan man alng ng mensahe, ngunit kahit isa ay wala
akong natanggap. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay na ngayon ang telepono
niya. Nag-iwan na lang ulit ako ng mensahe para kung sakaling buksan niya ang
telepono niya ay malaman niyang may nag-aalala sa kanya dito.
Halos isang oras ang tinagal ko sa kusina bago ako natapos sa paghahanda ng
makakain ni Matthew, at dinalhan na siya sa sala kung saan pinapalitan ni Jasmine
ang dressing ng sugat niya. Nilapag ko sa lamesa ang pagkain at tinulungan naman
siya ni Jasmine na kumain, tahimik kaming tatlo hanggang sa matapos si Matthew na
kumain tapos ay tinitigan kami ni Jasmine na bakas ang pagkalito sa mata niya.

"Masyado lang akong natataranta kahapon kaya hindi na ako nagtanong pa pero dahil
mukhang okay na ang lahat... Anong nangyari sa inyong dalawa kahapon, paanong
magkasama kayo?" Tumingin ako kay Matthew at alam kong wala siyang balak na
magkwento kay Jasmine kaya naman ay ako na ang nagsabi ng lahat ng nangyari sa
kanya. Tahimik lang siyang nakinig at paminsa minsan ay nagtatanong, ang iba ay
nasasagot ngunit ang iba ay hindi, dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko. "Sino
ba si Deenara?"

Sabay kaming tumingin kay Matthew. "She's the leader of Diamonds. Deenara Argueza"

"Seryoso ka? Hindi ba ay siya iyong asawa ng namatay na CIDG Secretary?" Tumango si
Matthew.

D.A. Initial for Deenara Argueza. Siya ang nabanggit sa akin ni Alejandra noon at
kung hindi ako nagkakamali, ang sabi sa akin ni Alejandra ay si Olivia Mariano lang
ang nakakakita dito, dapat ay si

Marcello rin ngunit sa huling misyon na binigay ni Deenara sa kaniya ay tumakas


siya.
"Mission... What was Deenara's mission for Marcello para makita niya ito?" Tumingin
sa akin si Matthew.

"To kill you." Sagot niya.

"Pero buhay ako." Naguguluhang sabi ko.

"Exactly. Kaya kinailangan niyang itayo ang Dark Chevalier para mapagkatiwalaan
ulit siya ni Deenara, if you didn't know, Dark Chevalier has some illegal business,
too." Paliwanag niya, nagtanong si Jasmine dahil hindi niya alam ang tinutukoy nito
kaya naman ay pinaliwanag niya ang illegal na transaksyon ng Dark Chevalier na
kahit ako ay hindi alam. "Ang Carmine -- which was put down by Xiara -- at ang Dark
Chevalier ay gumagawa ng gamot to create a super soldier, hindi na bago ang pag-
aaral na iyon but Carmine did some R&D on it. Meron kaming koneksyon sa loob ng
Militar at doon kami kumukuha ng mga taong gagamitin para sa gamot. We use people
as lab rats."

"Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?" Muling tanong ni Jasmine.

"Dahil walang ibang nakakaalam, bukod sa amin ni Papa. Ang akala ng mga nagte-train
sa military ay mapupunta sila sa isang sikretong dibisyon ng sandatahan ng bansa
kaya marami ang pumapayag at nagpaparehistro sa Dark Chevalier, ang hindi nila alam
ay gagamitin lang namin sila bilang guinea pig sa isang eksperimento."

Pinalipas ko ang ilang minuto upang maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Matthew.
"Why didn't he just kill me?"

"Because he's your father. Ang misyon na tinutukoy mo, ang pagpatay sa iyo pati

kay Mama, hindi naman iyon itutuloy ni Papa. Diamonds was his mission, to prove his
loyalty to the syndicate he has to promise to kill you and our mother. It was
perfectly planned, he'll fake both your deaths, pero pinagtangkaang patayin ni Tito
Medrino si Mama at ikaw..."

Bumuhos ang lahat ng galit na nararamdaman ko. Nagsisinungaling siya. Hindi totoong
ginawa iyon ni Medrino. Naaalala ko ang araw na iyon, takot si Mama kay Marcello at
kay Medrino lang lang siya may tiwala nang panahong iyon. He wouldn't try to kill
my Mother. Ang sabi niya ay mahal niya ito.

"You're lying..." Mahinang saad ko habang nakayuko.

"Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan. It's not my problem anymore."
Naging sagot niya.

"Sinungaling ka... Sinungaling kayo!" Napatayo na ako sa galit at sinigawan na


siya. Mabagal at malalim na ang paghinga ko dahil sa galit na nararamdaman ko,
kinuyom ko ang aking kamay para pigilan ang sariling sugurin siya.

"He's telling the truth, Xiara." Boses ni Sef ang bumalot sa kwarto, lumingon ako
sa pwesto niya at mukhang pagod na pagod siya. "I knew everything."

"Ano?"

Sinabi ni Sef ang lahat sa akin. Simula sa narinig niyang pag-uusap ni Matthew at
Marcello kaya hi-nack niya ang system ng opisina ni Marcello at doon niya nalaman
ang katotohanan at ang pagkikipag-komunika ni Thanatos sa kanya.
"Noong nakita mo ako sa mansyon ni Medrino ay alam kong hindi si Marcello ang
kasama niya. Matagal ko ng kilala si Marcello at alam ko ang kilos niya, ang kausap
ni Medrino noon ay nagpapanggap

lang para mapapaniwala ako, pati ikaw, na si Marcello ang kalaban, you believed the
act, because you didn't know the truth. Sinabi kong sa Amsterdam tayo pumunta dahil
mula sa impormasyong nakuha ko kay Marcello ay doon namatay ang Mama mo, nag-
imbestiga ako, hindi ako maniniwala kay Thanatos, doon ko nakita si Marcello at si
Matthew at pinaliwanag nila ang lahat sa akin." Nakasandal ako sa pader at
nakahalukipkip habang silang tatlo ay nakaupo sa sofa at pinagmamasdan ako.
Binigyan ko sila ng matalim na tingin.

"At naniwala ka sa sinabi nila ni Marcello, you know they are liars and they be--"

"That is also what Creid told me, at ng isang miyembro ng Black Rose sa akin. Iyon
ang totoo, Xiara. Marcello is not the enemy here, si Medrino." Hindi ako
makapaniwala. Ang taong pinaghihigantihan ko ay siya pala itong wala namang
ginawang masama sa akin. Ang ang taong iginaganti ko ay siya pala talagang may
kasalanan kung bakit wala na ang Ina ko.

Mapaklang tumawa ako.

Tumayo siya at humakbang palapit sa akin pero kaagad kong kinuha ang isang surgical
blade mula sa first aid kit na ginamit ni Jasmine. "I wanted to tell you, pero..."

"Pero ano? Pahahantungin mo muna sa punto na ako ang papatay sa Tatay ko? Bullshit,
Sef! Akala ko ba may tiwala tayo sa isa't isa! Napag-usapan na natin dati ito..."
binaba ko ang blade at yumuko. I'm disappointed to Sef. Of all people siya pa ang
magtatago sa akin ng bagay na ito. Alam kong may kasalanan din ako, I'm too
consumed by my loathe, but he should have told me this.

"Pinoprotektahan lang kita." Nakayuko siya habang sinasabi iyon.

"From what? Akala mo ba aatras ako kapag nalaman ko ang totoo? They killed my
mother, Sef. Kahit malaman ko pa ang totoo, hindi ako aatras. And now that they
killed my father, and knowing the truth just gave me more courage to put them
down."
"I didn't know. Akala ko lang naman ay pinoprotektahan kita. But I really can't
tell you that time... not yet."

"Bakit hindi pwede? Ipaintindi mo sa akin!"

"Because that's what Thanatos said!" Sigaw na rin niya. He scrapes his hand through
his hair because of frustration. Si Thanatos? Why would he take orders from that
person. Paanong mas pinagkakatiwalan pa niya iyon kesa sa akin.

"Why would you believe that person? Sino ba si Thanatos, Sef?" Bumuntong hininga
siya at tumitig sa akin. Pagod ang kanyang mga mata.

**THE END**

=================

Epilogue: The birth of a Psychopath

Thank you for making it here. See you in book 3. Love you all! :)

♣♣♣

"Medrino!" tawag ng batang si Marcello sa kapatid niya, lumingon ito sa kanya na


may dugo sa kanang pisngi at tumayo dahilan para makita ni Marcello ang dalawang
patay na aso sa lupa, sa tabi ng mga aso ay isang kutsilyo na punong puno ng dugo.

"Ang ingay nila, Kuya, eh..." Inosente at takot na takot na paliwanag ni Medrino sa
pinakamamahal niyang kapatid. Nilapitan ni Marcello ang kapatid at binigyan ng
maamong ngiti.

"Naiintidihan ko. Pumasok ka na sa bahay at magpalit ng damit bago ka pa maabutan


nila Mama ng ganyan, ako nang bahala dito.
Nang tumakbo na pabalik ng bahay si Medrino ay kinuha ni Marcello ang isang maliit
na panghukay ng lupa at nagsimulang humukay ng mapaglilibingan ng asong pinatay ng
kanyang kapatid. Hindi ito ang unang beses na nangyari iyon; isang taon na ang
nakalipas nang umiiyak na pinuntahan ni Medrino noon si Marcello sa kanyang kwarto
at sinabi nitong napatay niya ang alaga niyang pusa at simula noon ay iilang aso at
pusa ang inililibing ni Marcello.

Matapos na ilibing ni Marcello ang patay na hayop ay pumunta na siya sa kanilang


bahay kung saan naabutan niya ang kapatid na bagong bihis na at abala sa pag-guhit
sa maliit na lamesa sa kanilang sala.

"Medrino," tawag niya sa kapatid, nakangiting lumingon ito sa kanya ma bigla ring
nawala nang makita ang seryosong mukha ng kanyang kapatid. Lumapit si Marcello at
umupo sa kanyang tabi.

"Hindi ba ay sinabi ko na sa'yong hindi mo na iyon pwede pang gawin?"

"Kuya, maingay sila. Tahol sila ng tahol. Nakakabingi. Inaabala nila ang paglalaro
ko." Inosenteng paliwanag nito at tinuloy ang ginagawang pagguhit.

"Dapat tinawag mo ako para naitaboy ko sila. Masama 'yung ginawa mo. Masamang
nanakit ng hayop o ng kahit ano." Patuloy na pagpapauntindi ni Marcello sa kapatid.

"Masamang manakit? Eh, bakit may ibang nanakit? Noong isang araw ay tinulak ako ng
kaklase ko, nasaktan ako. Bakit ayos lang na masaktan tayo, bakit hindi pwede na
manakit tayo? Hindi patas." Hindi nakasagot si Marcello at sakto naman na dumating
ang kanilang magulang.

"Hi," bati ng isang babae kay Medrino. Bagong estudyante si Medrino sa eskwelahan
na iyon dahil sa kalilipat lang nila ng Maynila; tumingala si Medrino sa babaeng
naka-pigtails ang buhok na maamong nakangiti sa kanya. "Ako si Margarette, Medrino
ang pangalan mo, 'di ba?"

Naglahad ito ng kamay na saglit na tinitigan lang ni Medrino tapos ay binalik ang
atensyon sa librong binabasa niya.

"Ano 'yang binabasa mo?" Tanong ni Margarette sa kanya at umupo pa ito sa katabing
upuan niya.
"Hindi mo ba nababasa?" Simpleng balik na tanong ni Medrino; naiinis na ito dahil
sa pagiging madaldal ng babae.

"Gusto ko lang naman na sagutin mo ako." Masiglang paliwanag nito na hindi


maintindihan ni Medrino kung bakit ang saya saya niya. "Sherlock Holmes... maganda
raw 'yan."

"Kaya ko nga binabasa." Sarkastikong

sagot niya.

"Gusto mong maging detective? Matututo ka raw makalutas ng kaso sa mga ganyang
libro, eh." Hindi sinagot ni Medrino ang tanong ng babae at nanahimik na lang.

Sa isip niya ay mali ang sinabi nito, hindi tinuturo ng mga gano'ng klaseng libro
kung paano malutas ang isang kaso, tinuturuan tayo nito kung paano pumatay ng tao
sa iba't ibang paraan na hindi tayo mahuhuli. Isang libro na naglalaman ng mga
dapat tandaan kapag gagawa ka ng isang krimen.

"Drino, dito ka na, oh!" Tawag ni Margarette kay Medrino nang makita itong
naghahanap ng mauupuan sa cafeteria nila, mag-isa lang ito sa kanyang lamesa hindi
katulad ng madalas na napapalibutan ito ng mga kaibigan niya. Dahil sa wala nang
mahanap na lamesa ay hindi na nagawa pang tumanggi ni Medrino at umupo sa katapat
na upuan ni Margarette na may malawak na ngiti sa kanyang mukha. "Wala ka kanina sa
first subject natin."

Hindi sumagot si Medrino at patuloy na kumain. "Bakit ayaw mo akong sagutin?"

"Nagtatanong ka ba?" Simpleng tanong ni Medrino at tinitigan siya. Nag-iwas ng


tingin si Margarette dahil sa naging hindi maganda ang pakiramdam niya sa pagtitig
nito.

Tumkhim ito at umayos ng upo. "Bakit nag-cutting class ka?"

"Na-late ako ng gising kaya hindi ako nakapasok sa unang subject." Paliwanag niya.

"Bakit, anong ginawa mo kagabi?" Makahulugang tanong ng babae na ipinagkibit-


balikat na lang niya.

Inabot ng madaling araw si Medrino dahil sa pag-eekspirementong ginagawa niya sa


isang abandonadong bahay hindi kalayuan

sa tinitirhan nila. Pinag-eeksperimentuhan niya ang mga asong palaboy sa daan,


pinag-aaralan ang bawat laman loob nito, at para na rin patahimikin ang sobrang
ingay na pagtahol nito tuwing gabi na nakaka-istorbo sa pagbabasa niya ng mga
paborito niyang libro.
"Bakit ang tahimik mo palagi?" Pauwi na si Medrino nang sabayan siya ni Margarette
sa paglalakad at tanungin iyon sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan
ang babae.

"Bakit ang kulit mo?" Balik na tanong niya.

"Gusto kasi kitang maging kaibigan." Ngumiwi si Medrino sa naging sagot ni


Margarette. Wala pang nagsasabi sa kanya ng gano'n. Bihira ang gustong kausapin
siya dahil kung hindi sila natatakot sa presensya ni Medrino ay hindi nila
mapagtyagaan ang pagiging tahimik nito; Si Margarette lang ang kauna-unahang tao na
nangulit at sinabihan siyang gusto siya nitong maging kaibigan.

"Hindi mo gugustuhing maging kaibigan ako." Sagot ni Medrino at nagsimula na ulit


maglakad ngunit muli siyang sinabayan ni Margarette.

"Bakit naman hindi, mukha ka namang mabait."

'Mukha ka namang mabait...' pag-ulit ni Medrino sa kanyang isipan. Mukha lang


talaga siyang mabait dahil alam niya sa sarili niyang hindi. He's a monster. Iyon
siya. Hindi siya mabait.

"Hindi mo pa ako kilala." Muli niyang saad.

"Kaya nga magiging magkaibigan tayo, 'di ba? Kasi gusto kitang makilala."
Nakakaakit ang inaalok ni Margarette na pakikipagkaibigan, dahil ito ang unang
beses na magkakaron si Medrino ng gano'n kaya naman ay

hinatak niya si Margarette pasakay ng jeep at dinala siya sa lugar kung saan niya
ginagawa ang mga eksperimento niya, at wala siyang kaalam alam na kahit gustuhin
man nitong maging kaibigan siya ay hindi naman nito kayang tanggapin ang mga
ginagawa niya, kaya't matapos makita ni Margarette ang iilang patay na aso at pusa
na pinag-aaralan niya ay umiwas na ito sa kanya.

Bumalik sa normal ang mga araw ni Medrino na hindi niya akalain na ikapaninibago
niya. Walang Margarette na nanggugulo at dumadaldal sa kanya kahit na hindi naman
niya ito kinakausap ng maayos. Naging dahilan din ng paninibago sa pakiramdam ni
Medrino ay ilang araw na siyang hindi nakakapunta sa lugar kung saan niya ginagawa
ang kanyang mga eksperimento at tinutuon na lamang ang kanyang atensyon sa
pagpipinta at pagbabasa ng mga libro.
Habang nagbabasa sa kanyang kama ay may kumatok sa pinto ng kwarto ni Medrino,
hindi niya iyon sinagot at nanatili ang atensyon sa kanyang binabasa; narinig niya
ang pagbukas ng pinto at ang paglalakad ng taong pumasok, hindi na niya kinailangan
pang tignan kung sino iyon dahil base sa bigat ng paglalakad nito ay alam na agad
ni Medrino na ang kapatid niya iyon.

"May naghahanap sa'yo sa labas," saad ni Marcello sa kanyang kapatid. Binaba ni


Medrino ang hawak na libro at tumingin sa kanyang kapatid, nagtatanong. "Babae."

Tumango si Medrino at nauna nang umalis ang kanyang kapatid, saglit na inayos nito
ang kanyang kama at binalik sa pinaglalagyan nito ang librong binabasa bago bumaba,
sa sala ng kanilang

bahay ay naabutan niya ang tahimik na nakaupong si Margarette sa isang sopa at


nakayuko. Naramdaman ata nito ang presensya ni Medrino kaya naman ay tumayo siya
upang salubungin ito sabay ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ni Medrino sa babae.

"Sorry sa pag-iwas ko sa'yo..." nakangiting sagot nito at umupo, hinila niya si


Medrino upang maupo rin sa kanyang tabi. "Iyong pinakita mo sa akin... nagulat lang
naman ako, eh. Pero gusto pa rin kitang maging kaibigan..."

Nagsimula na namang magsalita si Margarette at tahimik na nakikinig lang si Medrino


at pinagmamasadan ito habang nagkukwento sa mga ginawa niya noong mga nakaraang
araw na hindi sila nag-uusap at hindi maiwasan ni Medrino ang magtaka kung bakit pa
ito bumalik at gusto pa rin siyang maging kaibigan. Ang kapatid lang niya ang gusto
siyang maging kaibigan, at kung iisipin ay dapat hindi na niya muling kinausap si
Medrino dahil sa ginagawa nito.

Minsang narinig ni Medrino na nag-uusap ang kanyang magulang tungkol sa kanyang


ugali at mula sa bibig ng kanyang ama ay narinig niyang tinawag siya nitong halimaw
at simula noon ay naging ganon na ang tingin niya sa sarili. Isang halimaw at ang
katulad niya ay walang gustong makipagkaibigan o makipagkilala. Dahilan para
makaramdam siya ng kalungkutan, at dahil kay Margarette ay sa kauna unahang
pagkakataon ay sumaya siya.
"Nagawa mo ang assignment?" Tanong ng bagong dating na si Margarette kay Medrino.
Tatlong taon na ay wala pa ring nagbabago sa pagkakaibigan

nila, noong una ay nagdududa si Medrino kung totoo ang mga sinasabi nito pero nang
tumagal ay napagtanto niya ring totoo ito.

Inabot niya ang kwaderno kay Margarette na agad naman nitong kinuha at hinanap ang
pahina kung saan nandon ang sagot sa takdang aralin nila. "Gagraduate na tayo,
ganyan ka pa rin."

"Kaya nga. Gagraduate na tayo, kailangan kong pumasa. Kung iaasa ko sa sarili ang
pagsagot sa mga assignment antin ay hindi mangyayari 'yon. Ikaw ang pag-asa kong
pumasa." Pilyang sagot nito habang patuloy na kinokopya ang sagot ni Medrino.

"Paano na lang sa final exam?" Tanong ni Medrino at nagsimula nang magbasa ng


libro.

"Doon na lang ako mag-aaral." Sabay tawa pa nito.

"Pakopya rin ako!" Pasigaw na saad ng kararating lang na si Beatrice at tumabi sa


upuan ni Margarette tapos ay mabilis na kinuha ang kanyang ballpen at kwaderno
upang makakopya. Napabuntong hininga na lang si Medrino at nagbasa.

Lumipas ang ilang buwan at gumraduate na si Medrino at Margarette at


napagdesisyunan nilang pumasok sa magkaparehas na kolehiyo. Araw, buwan at taon ang
nagtagal bago pumasok sa isip ni Medrino ang katagang, "gusto ko si Margarette,
higit pa sa kaibigan." ngunit ang lahat ng iyon ay huli na dahil sa binalita ng
babae sa kanya isang araw.

"Okay lang ba sa'yo kung maging kami ng Kuya mo?" Nagdadalawang isip ang tono ng
pagtatanong nito, napatigil sa pagbabasa si Medrino ngunit nanatili ang titig niya
sa libro'ng hawak. "Noong July kay ay sinabi niyang liligawan niya ako."

/>

July? Limang buwan na ang nakalipas at ngayon lang niya nalaman ang tungkol doon.

'Akala ko ba ay kaibigan niya ako? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit walang
sinabi si Kuya?' sigaw ng utak ni Medrino sa kanya at unti unti ay nakaramdam siya
ng inis sa dalawa.
"Okay lang. Gusto mo ba siya?" Tanong ni Medrino kasabay ng pagsara niya ng
libro'ng hawak at nilagay iyon sa lamesa.

Yumuko si Margarette at tinuon ang atensyon sa halaman sa lapag. "Oo. Matagal na."

Simula no'n ay madalas na ang pagsama ni Marcello sa lakad ng magkaibigan hanggang


sa si Medrino na rin ang dumistansya sa dalawa at lumayo ang loob, bumalik siya sa
dating gawain, ang magbasa ng magbasa at ang pag-eeksperimento sa mga hayop na
kinaiinisan niya.

"'Yun na lang ito, Medrino? Pagkatapos kong ibigay sa'yo ang lahat iiwan mo ako?"
Umiiyak na sigaw ni Lauren na nobya niya - naging nobya niya ito dahil sa gusto na
niyang kalimutan si Margarette ngunit masyadong nakakasakal ang babae kaya naman ay
pinili na lang niyang hiwalayan ito.

"Hindi ko naman hiningi ang mga 'yon sa'yo." Sinampal siya nito, buti na lang nasa
loob sila ng sasakyan at walang ibang nakakita sa ginawa ng babae at sa susunod na
gagawin ni Medrino. Sa galit na naramdaman niya dahil sa pagsampal nito sa kanya ay
nagdilim ang kanyang paningin at nasakal niya hanggang sa kamatayan ang babae.
Napatitig siya sa wala nang buhay na katawan ni Lauren, dapat ay nakaramdam siya ng
takot ngunit lalo lang bumilis ang

tibok ng puso niya dahil sa galak.

Halos manginig ang kamay ni Medrino nang paandarin niya ang sasakyan at bumyahe
papunta sa apartment na tinitirhan niya at kumuha doon ng isang malaking kumot bago
bumalik sa sasakyan at nagmaneho papunta sa malapit na gasolinahan at bumili ng
dalawang reserbang gasolina para sa sasakyan tapos ay pumunta na siya sa isang
abandonadong gusali sa Maynila - wala itong katabing ibang gusali kaya naman ay
alam niyang ligtas kung dito niya dadalhin ang bangkay ng babae, binuhat niya ito
papasok ng gusali at binalot sa kumot na kinuha niya tapos ay binuhusan ng gasolina
'tsaka sinindihan ang lighter niya at sinunog ang isang papel na ibinato niya sa
katawan dahilan para mabilis na umapoy ito.

Ang pagsunog sa katawa ng isang biktima ay mabisang paraan para walang matirang
kahit anong ebidensya rito, bumalik si Medrino sa sasakyan at kinuha ang iilang
gamit ng babae doon at sinama sa pagsunog. Nang humupa na ang apoy ay maliwanag na
sa labas kaya mabilis siyang nagsuot ng gwantes at niligpit ang katawan at nilagay
sa isang sako na nakita niya sa gusali tapos ay umalis na sa gusali'ng iyon at
tinapon sa imbakan ng basura ang sako.

Ilang araw nagpabalik balik si Medrino sa bahay nila Lauren at hinahanap ito bilang
alibi hanggang sa lumabas ang balitang nawawala ito. Si Medrino ang unang tinanong
dahil sa siya ang nobyo nito ngunit mtalino ito at napaniwala niya ang lahat na
nag-aalala at natatakot ito para sa nobya. Buwan ang tinagal ng imbestigasyon at
hindi nalaman

kung nasan ito o kung buhay pa hanggang sa ang tao na rin ang nakalimot sa nangyari
kay Lauren.

"Ikakasal na kami, Drino tapos wala ka pa ring nobya. Hindi mo pa rin ba


nakakalimutan si Lauren?" Tanong ni Margarette habang nasa hapag silang apat - si
Medrino, Marcello, Margarette at Beatrice. "May anak na si Beatrice, oh."

"Hindi ko naman kailangan niyan." Simpleng sagot nito sa babae at pinagpatuloy ang
pagkain ngunit nakatuon ang tingin niya sa kaliwang palasingsingan nito kung saan
nandoon ang singsing na binigay ng kanyang kapatid sa babae.

'Bakit si Kuya ang nagustuhan ni Margarette gayong ako itong naging kaibigan niya
ng mas matagal na panahon? Mas matalino ako kay Kuya, mas matagumpay ako sa
propesyon ko at ilang kompanya na ang naitayo ko, pero bakit si Kuya pa rin ang
nagustuhan niya? Alam ni Kuya na may gusto ako kay Margarette, sinabi ko iyon sa
kanya noon pa, pero bakit niligawan pa rin niya ito?' Sunod sunod na tanong sa isip
ni Medrino hanggang sa matapos silang kumain at umuwi na sa kanilang mga bahay at
hanggang sa araw ng kasal ng kanyang kapatid ay paulit ulit niya iyong tinatanong
sa sarili.

'May mali ba sa akin? Marahil ay dahil sa halimaw ako kaya hindi ako nagustuhan ni
Margarette. Marahil ay dahil sa halimaw ako kaya ang akala ni Kuya ay hindi ako
karapat dapat makaramdam ng pagmamahal kaya inagaw niya sa akin ang nag-iisang
babaeng gusto ko. Marahil ay dahil sa halimaw ako...'

"Good bye, Garette..." Bulong ni Medrino sa kaliwang tenga ni Margarette kasabay ng


pagsaksak niya sa dibdib nito.
Natumba ito sa lapag at nakatitig sa'kanya, bumakas ang isang hindi maipaliwanag na
emosyon sa kanyang mata na hindi maintindihan ni Medrino, wala itong nararamdamang
kahit ano bukod sa galit. Galit dahil sa pambabalewala nito sa nararamdaman niya at
galit para sa kapatid niyang pinagtaksilan siya at inagaw ang babaeng nagugustuhan
niya. Alam ni Medrino na hindi mawawala ang galit na naramdaman niya noon bagkus ay
mas lalong lumala lamang lalo na nang dumating ang kanilang anak na si Xiara ngunit
sisiguraduhin ni Medrino na kahit kailan ay hindi magkakaron ng masayang pamilya
ang mga ito, iisa isahin niya ang pamilya ng kapatid niya hanggang sa matira itong
nag-iisa at maiwan na nararamdaman kung gaano kasakit agawan ng taong minamahal.

**THE END**

You might also like