You are on page 1of 2

Susi Susi, Asan Ka?

Ni: Samantha Nicolle B. Quierra


Sabi nila, edukasyon daw ang susi sa tagumpay at pag-asenso ng buhay,
kung ganon, sino nga ba ang naglock ng pinto? Isang katanungang bagama’t
nakakatawa ay may malalim na kahulugan. Isang mapagpalang araw sa inyong
lahat, nakatayo sa inyong harapan ang isang estudyanteng katulad ninyo ay
nahihirapan din sa pag-abot ng tagumpay. Ako si Samantha Nicolle Quierra at nais
kong ibahagi sa inyo ang aking talumpati tungkol sa edukasyon na hindi accessible
sa lahat ng Pilipino.
“Tandaan mo na ang edukasyon lamang ang tanging yamang maipapamana
ko sainyo.” Ilang beses niyo na bang narinig ang mgakatagang ito na madalas nating
naririnig sa ating mga magulang? Tunay na isang kayamanan ang edukasyon
sapagkat ito ay ating nagagamit sa pang-araw araw na pamumuhay. Matuturing din
itong ginto na kailanma’y hindi mananakaw mula sainyo. Walang duda na
napakahalaga ng pag-aaral ngunit nakakalungkot na sa ating bansa ay may mga
pilipinong walang pagkakataon para makapag-aral.
Isa ang edukasyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa. Bagama’t
batay sa datos na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon na mayroong 28 milyon na
estudyante ang nakapag-enroll noong pasukan ay mayroon pa ring mga kabataan
ang hindi nakakapasok ng paaralan. Maraming dahilan kung bakit hindi nakapag-
aral ang mga bata gaya ng kahirapan. Ang kawalan ng pamasahe, baon, gamit, at
uniporme ang mga nakakalungkot na dahilan kung bakit marami pa ring pinto ng
oportunidad ang nakasara sa mga Pilipino.
Maraming epekto sa buhay ng tao at sa lipunan ang kawalan ng edukasyon.
Kawalan ng maayos na trabaho, paglala ng krisis sa bansa, kawalan ng sapat na
kakahayan upang maunawaan ang paligid, at kawalan ng boses dahil madalas itong
isinasawalang bahala.
Mabalik ako sa katanungang sino nga ba ang naglock ng pinto at nagtago ng
susi ng tagumpay? Kung ako ang tatanungin ay may maisasagot ako. Isa sa mga
nagtatago ng susi ay ang mga taong nasa itaas na nakaupo sa pwesto at walang
ginagawang solusyon upang mabawasan ang problema ng bansa. Ang mga taong
ginagamit ang kanilang pwesto at kapangyarihan sa kasakiman at katiwalian. Sila
nag mga nagnanakaw sa Karapatan ng mga Pilipino na makapag-aral. Ang susi ay
nasa kanilang mga bulsa.
Mahalagang magkaroon ng access sa edukasyon ang bawat isa dahil sa
mundong nagbabago, sa panahong umaasenso, lahat ng pilipinong walang pinag-
aralan? Tiyak na dehado. Ako ay nakikiusap sainyo, huwag kayong susuko sa pag-
aaral at buhay. Nabigyan tayo ng pagkakataong makapag-aral sa isang magandang
paaralan kung kayat atin itong pahalagahan. Ito ay pagbutihin upang sa hinaharap
ay magamit natin ang karunungang ating nakamit sa pagpili ng mga taong maayos
na mamumuno sa bansa. Magagamit din natin ang matricula na ating makukuha sa
pag-abot ng ating mga pangarap na trabaho. Magpasalamat sa oportunidad na
mayroon ka kaya ayusin mo ang iyong pag-aaral nang makabawas sa krisis na
nararanasan ng inang bayan.

You might also like