You are on page 1of 43

KOMUNIKASYON at

PANANALIKSIK sa
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Introduksyon:
Marami ang nahihirapan sa paggamit ng purong
Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga
teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles.
Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa
pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nananatili
pa ring problema ng istandardisasyon nito at ang
pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas
maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng
Filipino at Ingles. Marami din ang hindi alam ang
kasaysayan ng wikang pambansa, opisyal at
panturo ng Pilipinas at kung paano ito nagsimula
at paano napagyabong.
Istandardisasyon ng Wika

Isang pamamaraan o proseso kung


paano maaaring tanggapin at gamitin
ng nakararaming taong gumagamit ng
wika ang isang tiyak na talaan ng
mga talasalitaan o bokabularyo sa
isang tiyak na disiplina ng
karunungan.
PAKSANG-ARALIN:
Paksa:

• Wikang Pambansa
• Wikang Opisyal
• Wikang Panturo
Tanong:
Paano nakatutulong sa mga
mamamayan ng isang bansa
ang pagkakaroon nito ng
Wikang Pambansa?
1 Wikang Pambansa
Ang Pambansang Wika ay ang wika o diyalekto
na kumakatawan sa bansa. Ito ang opisyal na
wika na ginagamit ng isang bansa.

Ang Pambansang Wika ay ang pagkakakilanlan


ng isang bansa o lahi. Ito ay ginagamit sa
Politikal at Legal na diskurso at itinatalaga ng
Pamahalaan ng isang bansa.
Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang
Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at
magpatibay ng pangkalahatang Pambansang
Wika na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika” .
Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya ng
pamahalaan na mangangasiwa o
magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa
pambansang wika. At wala pa ring napipili
noong 1935 kung aling katutubong wika ang
magiging batayan ng pambansang wika.
Itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng
Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng
Saligang Batas Pambansang Asamblea)
Pinili ang tagalog bilang batayan ng
bagong pambansang wika.
Noong DISYEMBRE 13, 1937 sinang-
ayunan batay sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na
pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan
ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino


ni Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo (2018)

dating Disyembre 30, 1937


PILIPINO
• Agosto 13, 1959 (Kalihim Jose
Romero) - Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7
• 1973- Noong kapanahunan ng diktador
na si Pangulong Ferdinand Marcos
(Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3)
• 1959-1986
FILIPINO
• 1987 - Pangulong Corazon
C. Aquino (Konstitusyon ng
1987, Artikulo 14, Seksyon 6)
Sa kabuuan ang ating
WIKANG PAMBANSA
sa kasalukuyan ay
tinatawag na FILIPINO.
2 Wikang Opisyal
Ang Wikang Opisyal o tinatawag rin sa State
Language sa wikang Ingles ay tumutukoy sa
isang wika ng partikular na bansa o estado. Ito
ay wikang ginagamit sa pamahalaan o
gobyerno at hindi ito ang karaniwang wikang
ginagamit ng mga ordinaryong mamamayan.
Ano nga ang
Lingua Franca?
Ang Lin
gua Fra
bansa a nca ng
y FILIPI
NO.

a Fr an ca
ng Lin gu
A ig a y
ng daig d
.
INGLES
Lingua Franca - kilala rin bilang
wikang tulay, karaniwang wika,
wika pangkalakal, wikang
pantulong, o wikang nag-uugnay.
Ito ay isang wika o diyalekto na
sistematikong ginamit upang
makapag-usap sa isa't isa ang
mga taong nagkakaiba sa
katutubong wika o dayalekto.
Taong 1935

Ang opisyal na wika


ng bansa ay Wikang
Tagalog at Wikang
Ingles.
Taong 1967
Naglagda ang Pangulong
Marcos ng isang Kautusang
Tagapagpaganap Blg.96, na
nagtatadhanang ang lahat
ng gusali edipisyo at
tanggapin ng pamahalaan
ay pangalanan sa Pilipino.
Taong 1968
Pinalabas ng Kalihim
Tagapagpaganap Rafael M.
Salas ang Memorandum
Sirkular Blg.172 noong 1968
na nagbibigay diin na ang
mga letterhead ng mga
kagawaran, tanggapan at mga
sangay ng pamahalaan ay
nararapat nasusulat sa
Pilipino.
Taong 1973
Noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong
Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2
at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino.

Kasabay nito ay pinayabong din ang


paggamit ng Ingles bilang opisyal na
wika kasama ng Pilipino upang
mapaunlad ang bansa.

hanggang 1986
Noong panahon naman ng
Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni
Pangulong Corazon C. Aquino muling
binago ang Konstitusyon noong 1987
kung saan nakasaad sa Artikulo 14
Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino”. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika
sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

IL I P IN O a t I N G LES
1987- F
ik a n g O p isy a l)
(W
Sa makatuwid, ang
WIKANG OPISYAL ng
Pilipinas sa kasalukuyan ay
ang FILIPINO at INGLES.
3 Wikang Panturo
-ay ang opisyal na wikang
ginagamit sa pormal na
• Tagalog edukasyon. Ito ang wika ng
talakayang guro-mag-aaral na
• Pilipino may kinalaman sa mabisang
• Filipino pagkatuto dahil dito nakalulan
ang kaalamang matututuhan sa
• Ingles klase. Ito ang wika sa pagsulat
ng mga aklat at kagamitang
•? panturo sa mga silid aralan.
Wikang Panturo
• 1940 - Sinimulang ituro ang
wikang Tagalog sa lahat ng
paaralan sa kapuluan. ito
ay sa ilalim ng pamunuan ni
Pang. Manuel Quezon
(Kautusang Tagapagpaganap 134)
Wikang Panturo
• Pinagtibay naman noong 1973 ang palisi sa
edukasyon sa pamamagitan ng bagong
Konstitusyon na nagsasaad sa Sek. 3,
Artikulo XIV.

1. Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga


hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na
makikilalang Pilipino.
2. Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang
Ingles at Pilipino ang dapat na mga wikang opisyal.
Wikang Panturo
• Pebrero 27, 1973, batay sa
probisyon ng bagong
Konstitusyon sinunod ng
Lupon ng Pambansang
Edukasyon ang Bilingguwal
na Patakaran sa
Edukasyon.
Wikang Panturo
• Agosto 7, 1973 - Nabuo ang
Resolusyon Blg. 73-7 ng Lupon na
pinagtibay ang :

Na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing


midyum ng pagtuturo at ituturo bilang mga
asignatura sa kurikulum mula Baitang I
hanggang sa unibersidad sa lahat ng mga
paaralang publiko at pribado.
Wikang Panturo
• Hunyo 19, 1974 - ang Kagawaran
ng Edukasyon at Kultura ay
naglagda sa pamamagitan ng
Kautusang Pangkagawaran Blg.
25 s. 1974 ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang
Edukasyong Bilingguwal.
Ayon sa panuntunang ito:
• Ang edukasyong bilingguwal ay
binibigyan ng katuturang
magkahiwalay na paggamit ng
Pilipino at Ingles bilang mga
panturo sa mga tiyak na
asignatura, sa pasubaling
gagamitin din ang Arabic sa mga
lugar na ito’y kinakailangan.
Ayon sa panuntunang ito:
• Ang implementasyon ng Edukasyong
Bilingguwal ay binubuo ng apat na taong
transisyon (1974-1978) na uumpisahan ang
paggamit ng Pilipino bilang midyum sa mga
asignaturang tulad ng A.P (Social Studies),
Agham Panlipunan (Social Science),
Edukasyong Panggawain (Work Education),
Edukasyon sa Wastong Pag-uugali (Character
Education), Edukasyong Pangkalusugan
(Health Education).
Ayon sa panuntunang ito:
• Samantalang, Wikang
Ingles naman ang
midyum na gagamitin
sa mga asignaturang
Matematika, Agaham at
Teknolohiya, at Ingles
Ayon sa panuntunang ito:
• 1975 - Sa tulong ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 50 s. 1975 ipinag-
utos ang sumusunod:

Courses in English and Pilipino shall be offered in


tertiary institution as part of appropriate curricula
pursuant to the policy of bilingual education;
furthermore, by school year 1984, all graduates of
tertiary institutions should be able to pass
examinations in English and/or Pilipino for the
practice of their profession.
Wikang Panturo
• Pagdating naman ng taong 1987
hanggang sa kasalukuyan ang
pangkalahatan ay FILIPINO at
INGLES ang mga opisyal na wika
at wikang panturo sa mga
paaralan.
NGUNIT……
. DepEd Order No
16 S 2012?
• Subalit, sa bagong sistema ng pag-aaralan
ngayon (K-12), tinuturo na rin ang Mother
Tongue-Based Multilingual Education o MTB-
MLE. DepEd Order No 16 S 2012
(Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue
Based-Multilingual Education (MTB-MLE) The MTB-MLE aims
to improve the pupil's language and cognitive development,
as well as his/her socio-cultural awareness as provided in the
enclosure of DepEd Order No.
• Sa pamamagitan nito, naglalayong gamitin ng
pamahalaan at ng DepEd ang unang wika ng
mag-aaral sa pagtalakay ng lahat ng
asignatura mula sa Grade 1 hanggang Grade
3, maliban sa Ingles at Filipino.
Itinuturong mother tongue sa mga
paaralan sa Pilipinas (12):

•Tagalog •Hiligaynon
•Kapampangan •Waray
•Pangasinense  •Tausug  
•Iloko •Maguindanaoan
•Bikol •Maranao
•Cebuano •Chavacano.
DO 28, S. 2013 – ADDITIONAL GUIDELINES TO DEPED ORDER NO. 16, S.
2012 (GUIDELINES ON THE IMPLEMENTATION OF THE MOTHER TONGUE
BASED-MULTILINGUAL EDUCATION (MTB-MLE)

In addition to the languages of instruction mentioned in


DepEd Order No. 16, s. 2012 entitled Guidelines on the
Implementation of the Mother Tongue Based-Multilingual
Education (MTB-MLE) under the K to 12 Basic Education
Program, the following shall be used as the languages of
instruction for Grade 1 pupils who speak the same
languages. These languages will used in the specified
regions and divisions starting school year (SY) 2013-2014:
Gabay sa Paggamit ng MTB-MLE

1. Ang magiging pokus sa kindergarten at


unang baitang ay katatasan sa pasalitang
pagpapahayag gamit ang MTB-MLE.
2. Sa ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay
bibigyang-diin ang iba’t iba pang komponent
ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat.
3. Sa mas matataas na baitang ay Filipino at
Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang
panturo o medium of instruction.
Sa pangkalahatan, ang mga
WIKANG PANTURO ng
Pilipinas sa kasalukuyan ay
ang FILIPINO at INGLES
kasama ang MTB-MLE.
Paksa:

• Wikang Pambansa (1)


• Wikang Opisyal (2)
• Wikang Panturo (3)
Epektibo ba o
hindi ang mga
wikang Panturo
sa Pilipinas
upang
mapayabong ang
sistema ng ating
edukasyon?
RA M I NG
MA !
L A M A T
SA

You might also like