You are on page 1of 3

Korong Pilipino ni San Miguel

Parokya ni San Miguel Arkanghel


Sharjah, United Arab Emirates

Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon


12 Nobyembre 2023 | Linggo | 12:00 PM | Kulay ng Liturhiya: BERDE / LUNTIAN

Pambungad na Awit: Sa Hapag ng Panginoon (M. Francisco, Tinapay ng Buhay)

Sa hapag ng Panginoon, buong bayan ngayo'y nagtitipon


Upang pagsaluhan ang kaligtasan, handog ng Diyos sa tanan

1. Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang ani’y sagana


Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan

2. Ang mga dakila't dukha, ang banal at makasalanan


Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan, ang lahat ay inaanyayahan

Pagsisisi: Panginoon, Kaawaan Mo Kami (R. Cayabyab, Mass of the Blessed Trinity)

Panginoon, kaawaan Mo kami (2x), Kristo, kaawaan Mo kami (2x)


Panginoon, kaawaan Mo kami (2x)

Luwalhati: Papuri sa Diyos (R. Cayabyab, Mass of the Blessed Trinity)

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan N’ya


Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin, sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin dahil sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng Langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka, maawa Ka sa amin
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka sa ‘min
Sapagkat Ikaw lamang ang banal, Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen!

Aleluya: Aleluya, Purihin ang Diyos (M. Francisco, Tinapay ng Buhay)

Alelu-alelu-aleluya, alelu-alelu-aleluya! Purihin ang Diyos, aleluya (2x)


Purihin ang Diyos, aleluya

Korong Pilipino ni San Miguel | Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon | 12 Nobyembre 2023 | 12:00 PM
1
Awit sa Pag-aalay: Paggugunita (A. Antonio, Misa Antonio)

Aming alay, sa ‘Yo, Panginoon, ang tinapay at alak na ‘Yong kaloob


Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo’y magdiwang bilang isang sambayanan

1. Ang tinapay, ito ang Iyong Laman, at ang alak, ito ang Iyong Dugo
Laman Mo’y inihain upang lahat ay buhayin
Dugo Mo ay dumanak nang lahat ay mapatawad

Santo: Santo (L. Delgado, Misa Delgado 1)

Santo, santo santo, Panginoong Diyos na makapangyarihan


Napupuno ang langit at lupa ng kal’walhatian Mo, Osana sa kaitaasan (2x)
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon, Osana sa kaitaasan (2x)

Aklamasyon: Misteryo ng Pananampalataya (R. Cayabyab, Mass of the Blessed Trinity)

Si Kristo ay namatay, si Kristo ay nabuhay, si Kristo ay babalik sa wakas ng panahon (2x)


Si Kristo ay babalik sa wakas ng panahon

Amen: Amen (R. Cayabyab, Mass of the Blessed Trinity)

Amen, amen, amen, amen, amen (2x)

Ama Namin: Ama Namin (Dadasalin; kung aawitin, P. Tirol)

Kordero ng Diyos: Kordero ng Diyos (A. Antonio, Misa Antonio)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka sa amin (2x)


Ooh… aah… Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

Awit sa Komunyon: Dunong ng Puso (N. Labendia / M. Villaroman)

Panginoon, sa puso ko'y ituro Mo, dunong ng puso Mo

1. Pusong dalisay likhain Mo sa 'kin, 'sang diwang matatag, sa puso ko'y ihain
Sa piling Mo, sa t'wina, ako'y ilapit, diwa Mong banal, h'wag Mong ipagkait

2. Puso'y gawaran ng kaligtasan, patibayin sa akin tapat na kalooban


Landas Mo ay aking ihahayag, may sala sa 'Yo ay mapapanatag

3. Mag-alay man ako, susunuging handog, sa 'Yong dambana'y 'di kalugod-lugod


Pusong nagsisisi, tanging sapat sa 'Yo, pusong nagmamahal, pusong laan sa 'Yo

Dunong ng puso Mo

Korong Pilipino ni San Miguel | Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon | 12 Nobyembre 2023 | 12:00 PM
2
Pangwakas na Awit: Magpasalamat Sa Kanya (M. Francisco, Christify)

Umawit nang sama-sama, magpasalamat tayo sa Kanya


Sumayaw, humiyaw, magbunyi sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha

Sa pag-ibig, sa pag-asa, sa biyaya at ligaya


Magpasalamat sa Kanya sa mabuti N’yang balita

Sa saganang pang-unawa, sa masusing pagkalinga


Magpasalamat sa Kanya sa handog N’yang kaligtasan

Sa dalanging kaayusan, sa mithiing kapayapaan


Magpasalamat sa Kanya sa pangakong katarungan

“Ad majorem Dei gloriam!”

“For the greater glory of God!”

Korong Pilipino ni San Miguel | Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon | 12 Nobyembre 2023 | 12:00 PM
3

You might also like