Professional Documents
Culture Documents
Isang dapit hapon sa araw ng Biyernes, may isang lalake ang nakatayo sa tapat ng
simbahan at tila malalim ang iniisip. Di anu-ano’y may isang babae ang bumunggo sa
kanya, sa lakas ng pagkakabunggo ay napaupo silang dalawa sa sahig. Agad namang
tumayo ang lalake at itinayo niya ang babae. Nang makatayo ang babae ay agad naman
itong humingi ng tawad sa lalake. Ngunit walang reaksyon ang lalake kaya nagpakilala
ang babae.
“Ako nga pala si Audrey. Ah… Alam mo kasi nagmamadali ako ngayon e. Pero may
masakit ba sayo o kung ano man?”
“Ah… Wala naman,” sagot ng lalake ngunit wala pa ring reaksyon ang kanyang mukha.
“Ah! Ano nga palang pangalan mo?” napakunot ang noo ng lalake.
“Ako nga pala si Terrence,” wika nito pero halata mo na nagtataka ito. Ngumiti si Audrey
at tuluyan ng nagpaalam kay Terrence.
“Hindi na kaya ko naman ito, salamat na lang.” Pagtanggi ni Terrence sa alok ni Audrey.
Ngunit nagpumilit pa rin si Audrey kaya wala ng nagawa si Terrence, hinayaan na lang
niya si Audrey. Simula noon lagi na sila magkasama sa loob ng eskwelahan, hanggang sa
mahulog ang dalawa sa isa’t isa.
Nagulat si Audrey sa ginawang iyon ni Terrence pero inisip na lang nya na mas maganda
na iyon kesa sa iwasan siya nito. Kinabukasan, nagtataka si Audrey kung bakit miski
anino ni Terrence ay wala, inisip niya nalang na baka may inasikaso na napaka-
importante.
Halos lahat ng mga guro nito ay hinahanap na siya gayon din ang mga taong nakakakilala
dito. Mas lalong nag-alala si Audrey dahil halos tatlong linggo nang di pumapasok si
Terrence kaya minabuti na nitong magtanong-tanong pero iisa lang ang sagot sa kanya,
“Hindi ko alam”.
Hanggang isang estudyante ang lumapit sa kanya at sinabi kung saan nakatira si
Terrence. Agad namang nagpasalamat si Audrey at pinuntahan ang lugar. Laking
pagtataka ni Audrey ng walang sumasagot sa loob ng bahay nina Terrence. Mabuti na
lang lumabas ang kapitbahay nina Terrence, “Ay wala pong tao dyan” pagbibigay alam
nito kay Audrey.
“Ah… Ganon po ba!? Lung ganon po asaan po kaya ang mga tao dito?” Pagtatakang
tanong ni Audrey.
“Ah! Terrence ba kamo!? Nasa ospital siya ngayon balita ko nga malala na ang lagay.
Kawawa nga ang batang iyon ang bait pa naman,” pagsisiwalat ng kapitbahay.
Agad na umalis ai Audrey at pumunta sa ospital kung saan naroon si Terrence. Nang
makarating si Audrey kung nasaan ang kwarto ni Terrence, tila nag-iiyakan ang mga tao
doon. Nang buksan na ni Audrey ang pinto ay nagtaka siya ng walang pasyente ang
nakahiga roon, puro mga tao lang na nag-iiyakan ang naroon.
Isang may edad na babae ang nagtanong sa kanya, “Ikaw ba si Audrey na kaibigan ng
aking anak?”
Agad siyang niyakap ng babae at nagwika, “Ako ang kanyang ina, kasalukuyan siyang
nawawala at sa ngayon ay di namin mahanap. Tulungan mo kami, alalang- alala na kami
sa kanya. Di na namin alam ang gagawin, may sakit pa naman siya.” Humahagulgol na
sagot ng babae.
Umalis sa pagkakayakap ang babae, “Si Terrence ay may sakit sa puso. May butas ang
puso niya, di namin namalayang lumalaki na ng lumalaki ang butas sa puso niya. Kailan
lang namin nalaman at dapat bukas na siya ooperahan ngunit nawawala siya.” Mas lalong
lumakas ang paghagulgol ng babae.
Natulala na lang si Audrey sa mga narinig niya. Sa ngayon ay tulala pa rin siya at di niya
namalayang dinala siya ng mga paa niya sa tapat ng simbahan kung saan sila nagkita ni
Terrence. Pumasok siya sa loob ng simbahan at laking gulat nito ng makita niyang
nakaupo si Terrence malapit sa may altar.
Nilapitan niya ito at tinanong, “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!? Mahahalata mo
sa boses ni Audrey ang labis na pag-aalala.
Ngunit laking pagtataka ni Audrey ng ngumiti lang sa kanya si Terrence at niyaya pa siya
nitong umupo sa tabi niya.
“Alam mo Audrey sa simbahang ito una akong nanirahan. Iniwan ako dito ng tunay kong
mga magulang, buti na lang dumating ang ina’t ama ko ngayon at kinupkop nila ako pero
ni minsan di ko naramdaman na di nila ako tunay na anak,” wika ni Terrence habang
nakatingin sa altar ng nakangiti.
“At isa pang dahilan kung bakit mas lalong naging mahalaga sa akin ang lugar na ito. Ay
yung dito ko nakilala ang babaeng mamahalin ko at ikaw yon Audrey. Patawad kasi
noong sinabi mo yung nararamdaman mo sakin nagbingibingihan ako, natatakot lang ako
noon na baka masaktan ka lang. Ang gusto ko lang ay maging masaya ka pero nakikita
kong nasasaktan kita,” dagdag ni Terrence.
Mas lalong tumulo ang luha ni Audrey. “Terrence ano ka ba!? Halika na bumalik na tayo
sa ospita baka kase makasama pa sayo kung di pa tayo babalik doon,” akmang tatayo na
si Audrey ng hawakan ni Terrence ang kamay niya.
Wala nang nagawa si Audrey kaya tumango na lang siya. Hinigpitan ni Terrence ang
pagkakahawak niya sa kamay ni Audrey.
“Ano bang…”
“Dito ako nagsimula kaya gusto ko dito rin ako magtapos kasi lahat ng nandito ay
mahalaga para sa akin. Kaya sa tuwing maaalala mo ako, dito ka lang pumunta o kaya
kapag nalulungkot ka, nandito lang ako pangako. Huwag mong kakalimutan yan ha!?
Ipangako mo,” wika ni Terrence at unti-unti niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ni
Audrey.
“Terrence ito na, natupad ko na yung pangako ko sayo. Ilang taon na din na hindi kita
kasama sobrang na mi-miss na kita. Alam mo….” Nangingiyak nyang sabi ng putulin
siya ng isang tawag mula sa kanyang likuran.
“Audrey”.
Laking gulat niya ng makita ang lalaki at agad niya itong niyakap.
“Terrence nagbalik ka, ang tagal mong nawala” nagagalak na wika ni Audrey.
“Sabi naman sayo nandito lang ako.” Wika ni Terrence habang yakap-yakap ng mahigpit
si Audrey.
Bumitaw sa pagkakayakap si Terrence at sinabing,
“Salamat nga pala kase kung hindi dahil sayo wala sana ako dito, hindi sana ako na idala
sa ibang bansa, na operahan, gumaling at sana hindi ko na makikita ang magada mong
ngiti. Dahil pinaalam mo kung nasaan ako noong araw na yon.”
Aral:
May tamang panahon ang lahat ng bagay, at may tamang panahon din para sa
pag-ibig. Matiyagang maghintay para dito. Sa ngayon, mag-aral kang mabuti at
trabahuhin mo ang iyong pangarap upang kapag dumating ang tamang tao na pag-
aalayan mo ng iyong pag-ibig ay nakahanda na ang lahat.