You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region _______________
Schools Division of __________
School_________

FIRST QUARTER FILIPINO 2


Table of Specification
SY 2022-2023
Weight SKILLS ITEM
COMPETENCY No. of TOTAL PLACE
EASY AVERAGE DIFFICU
Days NO. OF MENT
LT
ITEMS
R U Ap An Ev C
35% 35% 10% 10% 5 5%
%

Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan 5 14.29 1-4 4 1-4


sa pag-unawa ng napakinggang teksto %

Nagagamit ang magalang na pananalita sa 5 14.29 5-9 5 5-9


angkop na sitwasyon (pagbati, paghingi ng %
pahintulot, pagtatanong ng lokasyon ng lugar,
pakikipag-usap sa matatanda, pagtanggap ng
paumanhin, pagtanggap ng tawag sa telepono,
pagbibigay ng reaksyon o komento)
Nasasabi ang mensahe, paksa o tema na nais 6 14.29 11 10, 12 4 10-13
ipabatid sa patalastas, kuwentong kathang – % 13
isip ( hal: pabula, maikling kuwento, alamat),
o teksto
hango sa tunay na pangyayari (hal: balita,
talambuhay, tekstong pang-impormasyon)
Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa 6 14.29 17 14,1 16 18 5 14-18
nabasangkuwentong kathang-isip (hal: pabula, % 5
maikling kuwento, alamat), tekstong hango sa
tunay na
pangyayari (hal: balita, talambuhay, tekstong
pang-impormasyon), o tula
Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 1- 6 14.29 20,2 22 19 4 19-22
2 at 3-4 na hakbang % 1
Napagyayaman ang talasalitaan sa 6 14.29 23- 4 23-26
pamamagitan ng paghanap ng maikling % 26
salitang matatagpuan sa loob ng isang
mahabang salita at bagong salita mula sa
salitang-ugat
Nakasusulat ng parirala at pangungusap nang 6 14.29 27,2 30 4 27-30
may wastong baybay, bantas at gamit ng % 8,29
malaki at maliit na letra

TOTAL 35 100% 11 10 3 3 2 1 30

Prepared By:

Noted By:

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Schools Division of Baybay City
Amguhan Elementary School
Periodical Test in Filipino 2

Pangan:
I. Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

_____1. Sino ang nasa sapa ?


A. mga bata B. mga baka C. mga mama D. mga baki
_____2. Ano ang dala ng mga bata?
A. baso B. banga at tasa C. bunga D. daga
_____3. Ano ang ginawa ng mga bata sa sapa?
A. Nag-away sa sapa
B. Naglaro sa sapa
C. Nagtampisaw sa sapa
D. Natulog sa sapa
_____4. Sino ang kasama nga mga bata?
A. mga ate B. mga baka C. mga daga D. mga alaga

II. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____5. Hapon na noon nang isama kang mamalengke ng iyong nanay. Nakasalubong mo ang iyong guro.
Ano ang sasabihin mo?
A. Paumanhin po.
B. Magandang umaga po.
C. Maraming salamat po.
D. Magandang hapon po.
_____6. Nagmamadali ka sa pagpasok sa inyong silid-aralan nang hindi sinasadyang nabunggo mo ang
iyong kaklase. Ano ang sasabihin mo?
A. Mabuti nga sa iyo.
B. Paumanhin, hindi ko sinasadya.
C. Paalam sa iyo.
D. Maraming salamat.
_____7. Tinawag ka ng iyong kaibigan para maglaro sa inyong bakuran subalit nag-uusap malapit sa pinto
ng inyong bahay ang iyong nanay at lola. Ano ang sasabihin mo bago ka lumabas ?
A. “Umalis kayo diyan at ako ay dadaan”.
B. “Huwag kayong magkuwentuhan diyan sa pintuan”.
C. “Makikiraan po”.
D. “Patawad po”.
_____8. Nagpasalamat sa iyo ang iyong tito sa regalong ibinigay mo sa kaniya noong kaniyang kaarawan.
Ano ang tamang magalang na pananalita ang dapat mong isagot ?
A. Maraming salamat po.
B. Paumanhin po.
C. Makikiraan po.
D. Walang anuman po.
_____9. Mahalaga bang gamitin natin ang magagalang na pananalita lalo na kung nakikipag-usap tayo sa
mas nakatatanda sa atin ?
A. Oo, para sabihin nila sa iba na tayo ay magalang.
B. Oo, dahil tanda ito ng paggalang at pagrespeto sa nakatatanda.
C. Hindi, dahil nagkakaintindihan naman ang mga tao kahit hindi ito ginagamit.
D. Hindi , dahil hindi magkakaintindihan ang mga tao.
_____10. Namasyal kayo sa parke ng iyong pamilya. Nakita mo ang isang karatula na may nakasulat na
“Bawal pumitas ng bulaklak”. Ano ang ibig sabihin nito ?
A. Maaaring pumitas ng bulaklak.
B. Maaaring pumitas ng bulaklak pero kaunti lamang.
C. Ipinagbabawal ang pagpitas ng mga bulaklak sa parke.
D. Magpaalam muna bago pumitas ng bulaklak.
_____11. Ano ang mensaheng gustong sabihin ng babala sa ibaba ?

A. Bawal pumarada.
B. Bawal tumawid.
C. Bawal magtapon ng basura.
D. Bawal manigarilyo.

_____12. Maaga pa lamang ay abala na ang mag-anak ni Mang Lito sa paglilinis ng kanilang bahay.
Naglalaba si Aling Nena habang nagkukumpuni naman ng mga sira sa bahay si Mang Lito. Nagluluto
naman ang kaniyang panganay na anak at ang dalawang anak ay naglilinis ng mga silid sa loob ng kanilang
bahay. Madaling natapos ang kanilang mag gawaing-bahay kaya nakapagpahinga sila agad at kumain ng
pananghalian. Anong mensahe ang nais ipabatid ng sitwasyon ?
A. Hindi natatapos ang mga gawaing-bahay kapag nagtutulungan.
B. Nagkakasamaan ng loob ang magkakapatid kapag hindi nagtutulungan.
C. Masarap ang pagkain kapag masipag.
D. Madaling natatapos ang mga Gawain kung nagtutulungan ang bawat isa.

_____13. Nahuli mo ang iyong kaklase na nagsusulat sa pader ng inyong paaralan. Anong babala kaya ang
kaniyang nilabag?
A. “Bawal magsulat dito”.
B. “Bawal magtapon ng basura”.
C. “Bawal pumitas ng mga bulaklak”.
D. “Bawal umakyat sa pader”.

III. Basahin at unawain ang pabula at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Isang araw, si uwak ay naghahanap ng tubig namaiinom. Mamamatay siya sa uhaw kapag hindi
siyanakainom ng tubig. Sa kanyang paglalakbay, nakakitasiya ng isang banga na may laman na kaunting
tubig.Dahil mataas ang banga at may makitid na leeg, hindi niya maabot ang laman nito.Kumuha siya ng
maliit na bato at inilagay sa loob ng
banga. Sa bawat maliliit na bato na iniligay ay unti-unting tumataas ang tubig. Ipinagpatuloy niya ang
paglalagay hanggang sa abot na ng kanyang tuka ang tubig at siyaay nakainom.

_____14. Sino ang pangunahing tauhan sa pabula?


A. Banga B. tubig C. Uwak D. Halaman
_____15. Ano ang nakita ng uwak sa kaniyang paglalakbay ?
A. Kuneho B. tubig C. Banga D. Puno
_____16. Ano ang angkop na pamagat ng binasang pabula ?
A. Ang Uwak na Pagod
B. Ang Uwak at ang Paglalakbay
C. Ang Uwak at ang Banga
D. Ang Banga na may Tubig
_____17. Ano ang solusyon na ginawa ng uwak para siya makainom ng tubig sa banga ?
A. Naghanap siya ng iba pang uwak na maaaring tumulong sa kaniya.
B. Inilipad niya ang banga at dinala sa ibang lugar.
C. Naghulog siya ng mga bato sa banga para tumaas ang tubig sa banga.
D. Tinabig niya ang banga para matapon ang tubig at siya ay makainom.
_____18. Anong mensahe ang nais ipabatid ng pabula ?
A. Ang taong matiyaga ay magtatagumpay.
B. Patuloy na magsikap at sumubok para magtagumpay.
C. Huwag mapagod maghanap ng tamang sagot at solusyon.
D. Lahat ng nabanggit.
_____19. Gumuhit ng dalawang puso. Kulayan ng dilaw ang nasa kaliwa at pula naman ang nasa kanan.
Alin sa mga sumusunod ang wasto ?

A. B. C. D.
_____20. Alin sa mga sumusunod na panuto ang nasunod ayon sa larawan sa ibaba ?

A. Buhatin ang aklat.


B. Buhatin ang regalo.
C. Buhatin ang bag.
D. Buhatin ang upuan.

______21. Gumuhit ng parihaba. Sa loob nito ay isulat ang salitang paaralan. Alin sa mga sumusunod ang
wasto ?
A. B. C. D.
Paaralan Paaralan

Paaralan Paaralan
______22. Ang pagsunod sa panuto ay may magandang maidudulot sa atin. Ang pahayag na ito ay
________.
A. Tama B. Mali C. walang katotohanan D. Hindi-tiyak
______23. Magbabakasyon kami sa Baguio sa darating na Pasko. Ano ang salitang-ugat ng salitang may
salungguhit?
A. bakas B. asyon C. babakasyon D. bakasyon

______24. Kapag ang salitang talon ay nilagyan ng panlaping um, ano ang mabubuong salita ?
A. tatalon B. talonum C. tumalon D. tumatalon
_____25. Nagmamadaling umuwi si Lita upang hindi maabutan ng ulan. Ano ang salitang-ugat ng salitang
nagmamadali ?
A. nagmama B. mamadali C. dali D. Madali
_____26. Alin sa mga sumusunod na salita ang salitang ugat ng salitang naglalaba ?
A. lalaba B. laba C. naglala D. labahin

_____27. Anong salita ang mali ang pagkakasulat gamit ang maliit at malaking letra ?
A. Aso B. nanay C. Agila D. paaralan

____28. Ang parirala ay lipon ng mga salita na hindi buo ang diwa. Alin sa mga sumusunod ang parirala ?
A. asong gala
B. Pumunta sa palengke si Nila.
C. Tahimik na nagbabasa ang magkapatid.
D. Naglalaro ang magkaibigan sa bakuran.

____29. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama ang pagkakasulat?


A. nagdidilig ng halaman si Nanay sa Bakuran!
B. Nagsisimba kami tuwing araw ng Linggo.
C. mahusay magturo ang aking Guro na si Binibining liwanag.
D. sasali ako sa Paligsahan sa pagsayaw sa Darating Na pasko!

____30.Mataas ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa pagsosolit.


Anong salita sa pangungusap ang hindi wasto ang baybay ?
A. mataas B. marka C. mag-aaral D. pagsosolit

Prepared By:

Noted By:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region _______________
Schools Division of __________
School_________

Periodical Test in Filipino 2

ANSWER KEY
1. A
2. B
3. C
4. D
5. D
6. B
7. C
8. D
9. B
10. C
11. C
12. D
13. A
14. C
15. C
16. C
17. C
18. D
19. A
20. B
21. A
22. A
23. D
24. C
25. C
26. B
27. A
28. A
29. B
30. D

You might also like