You are on page 1of 16

Maraming haka-haka tungkol sa

pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-


daming teorya ng iba't ibang tao hindi padin
maipaliwanag kung saan, paano at kailan
talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng
mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay
wala pa ring katiyakan ang iba't ibang
teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong
palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay
hinahanapan ng patunay subalit nananatili
pa ring hiwaga o misteryo.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-


aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga
bagay-bagay na may mga batayin subalit
hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't
ibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto.
Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng
pagdulog samantalang relihiyoso naman sa
iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan
namang ang layo ng koneksiyong sa isa't
isa. Narito ang iba't ibang teorya ng wika sa
tulong ng talahanayan.

Tore ng Babel

Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang


wika noong unang panahon kaya't walang
suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao.
Naghangad ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot
ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na
tore. Mapangahas at mayabang na ang
mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na
higit siyang makapangyarihan kaya sa
pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan,
ginuho niya ang tore. Ginawang
magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi
na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab.
11:1-8)

Bow-wow

Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika


raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga
tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong
tao diumano ay kulang na kulang sa mga
bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang
mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan
ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.
Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko
ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na
nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang
mga batang natututo pa lamang magsalita.
Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya
ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila
sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.
Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang
tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang
bansa gayong ang tunog na nalilikha ng
aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho
lamang?

Ding-dong

Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon


daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha
ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kungdi maging sa mga
bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito,
lahat ng bagay ay may sariling tunog na
siyang kumakatawan sa bawat isa at ang
tunog niyon ang siyang ginagad ng mga
sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-
bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog
Pooh-pooh

Unang natutong magsalita ang mga tao,


ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing
damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y
napapa-Aray! Samantalang ang mga
Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng
naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama
ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?

Yo-he-ho

Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S.


Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t
tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y
nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng
tunog ang nililikha natin kapag tayo’y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag
tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag
ang mga ina ay nanganganak?

Yum-yum

Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na


ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksiyon. Ang
pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng
dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang
paliwanag ng mga proponent ng teoryang
ito sa pinagmulan ng wika

Ta-ta

Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o


galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon
ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-
tana sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sap
agkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay
nang pababa at pataas katulad ng pagbaba
at pagtaas na galaw ng dila kapag
binibigkas ang salitang ta-ta.

Sing-song

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson


na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at
iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang
teorya, ang mga unang salita ay sadyang
mahahaba at musikal, at hindi maiikling
bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

Hey you!

Hawig ito ng teoryang pooh-pooh.


Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na
bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa
kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay
Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog
na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!)
at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas
din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o
sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong
teoryang kontak.

Coo Coo

Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula


sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng
mga matatanda bilang pagpapangalan sa
mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa
paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay


nagmula sa mga walang kahulugang
bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao,
sinuwerte lamang daw siya nang ang mga
hindi sinasadya at walang kabuluhang
tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa
mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan
ay naging pangalan ng mga iyon.

Hocus Pocus

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang


pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng
ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y
tinatawag ng mga unang tao ang mga
hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na
tunog na kalaunan ay naging pangalan ng
bawat hayop.

Eureka!

Sadyang inimbento ang wika ayon sa


teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga
ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa
mga tiyak na bagay. Nang ang mga
ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong
kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga
bagay-bagay (Boeree, 2003).

La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa.
Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay

Likas sa mga sinaunang tao ang mga


ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat
ng gawain tulad ng sa pakikidigma,
pagtatanim, pag-aani, pangingisda,
pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala,
panggagamot, maging sa paliligo at
pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon
ay ang pagsasayaw, pagsigaw
atincantation o mga bulong. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-
ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa
mga ritwal na ito na kalauna’y
nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan.
Mama

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa


mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga
naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil
ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang
nasasabi ang mama bilang panumbas sa
salitang mother.

Rene Descartes

Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung


kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika
na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang
tao. May aparato ang tao lalo na sa
kaniyang utak gayundin sa pagsasalita
upang magamit sa mataas at komplikadong
antas ang wikang kailangan niya hindi
lamang para mabuhay bagkus
magampanan ang iba't ibang tungkulin nito
sa kaniyang buhay.

Plato

Nalikha ang wika bunga ng


pangangailangan. Necessity is the mother
of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya
ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing
pangangailangan din ng tao ang wika kung
kaya;t naimbento ito ng tao.

Jose Rizal

Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa


Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala ang pambansang bayani na
kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao
Charles Darwin

Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't


nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest. Ito ang simpleng
batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao,
kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa
aklat na Lioberman (1975) na may pamagat
na “On the Origin of Language”, sinasaad
dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
makalikha ng iba’t ibang wika.

Wikang Aramean

Believes that all languages originated from


their language, Aramean or Aramaic. Syria.
May paniniwalang ang kauna-unahang
wikang ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga
sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram)
at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic
ang kanilang wika.

Haring Psammatichos

Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari


ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento
si Psammatichos kung paano nga ba
nakapagsasalita ang tao. May dalawang
sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba
at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat
makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng
panahon nakapagsalita raw ng "Bekos" ang
dalawang bata na ang ibig sabihin ay
tinapay. Sa maikling sabi, likas na
natututuhan ng tao ang wika kahit hindi
ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito.

Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi


natin matutukoy. Kaya nga teorya ang
tawag sa mga ito, mga haka-haka lamang
na mahirap patunayan at husgahan. Ang
pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na
hahantong lamang sa walang hanggang
pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling
kalakasan at kahinaan na maaaring maging
batayan upang ating paniwalaan o di kaya’y
tanggihan. Magkagayon man, mahalaga
ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan
ng wika.

You might also like