You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial INTEGRATED National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna

LESSON PLAN FOR DEMONSTRATION TEACHING


Grade 10 Paaralan DON MANUEL RIVERA MINHS Antas 10
DAILY Guro LEO JAY F. MEDRANO Asignatura Araling Panlipunan
LESSON plan
Petsa / Oras APRIL 26, 2023/ 1:00-2:00PM Markahan Ikaapat

A. Pamantayan Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng isang pamayanan
at bansang maunlad, mapayapa, at may pagkakaisa
B. Pamantayan sa Pagganap: : Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa
kanilang sariling pamayanan
C. Most Essential Learning Competencies/MELC: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong
pagkamamamayan
I. Layunin
1. Natutukoy ang mga legal na batayan ng pagkamamamayang Pilipino
2. Napapahalagahan ang pagkamamamayan sa lipunan batay sa saligang batas
3. Nakagagawa ng slogan na nagpapakita ng pagkamamamayang Pilipino
II. Nilalaman
A. Paksang Aralin
Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
B. Kagamitang Panturo LEAP (Learner’s Packet, pp.1-4)
(Learning Resources) Power point presentation, TV at iba pang inihandang biswal

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang ng guro sa loob ng klase:
1. Siguraduhing malinaw ang sinasabi at naririnig ng mag-aaral
hanggang sa dulo.
2. Kung may mga babasahin laging ikonsidera ang malabo ang mata at
siguradong nababasa ng nasa dulo.
3. Kung hindi naintindihan ulitin ito upang mas maunawaan.
4. Laging isaalang-alang ang mga mag-aaral na may learning
disabilities at huwag bilisan ang pagtuturo
1. Paunang Gawain a. Pagdarasal bago magsimula ang talakayan
b. Pagbati
c. Pagtukoy sa bilang ng mga lumiban sa klase
d. Pagtingin sa kalinisan ng kapaligiran
2. Balik-Aral Gawain: TRIP MONG UNGGUYAN (Matching Type)
Direksiyon: Pagtatapat-tapatin ang mga pahayag sa hanay B ang mga
pahayag na hinihingi sa Hanay A.
1. Ang Karapatan sa Edukasyon a. Prinsipyo 2
2. Ang Karapatan sa sa Trabaho b. Prinsipyo 16
3. Ang Karapatan sa Buhay c. Prinsipyo 12

“Basta sa Don Manuel, laging to the next level!”


Address: Bulilan Sur, Pila, Laguna
Contact No.: (049)536-8702
Email Address: 307905@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial INTEGRATED National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna

4. Ang Karapatan sa unibersal na d. Prinsipyo 4


pagtatamasa ng mga Karapatang
Pantao e. Prinsipyo 15
Susi sa pagwawasto: 1)b. 2)c. 3)d. 4)a
Gawain: SURI-AWIT
3. Pagganyak Panuto: Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng isang awitin “Ako ay isang
Mabuting Pilipino ni Noel Cabangon.”

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng isang mabuting at aktibong Pilipino
ayon sa awitin?
2. Sa inyong palagay, maituturing ba kayong mabuti at aktibong
Pilipino? Patunayan
4. Paglalahad / Pag-uugnay ng Ano kaya ang kaugnayan ng paksang ating tatalakayin sa awiting ito?
mga halimbawa / tugon sa paksa
Paksa: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
MELC: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga legal na batayan ng pagkamamamayang Pilipino
2. Napapahalagahan ang pagkamamamayan sa lipunan batay sa
saligang batas
3. Nakagagawa ng slogan na nagpapakita ng pagkamamamayang
Pilipino

III. Pamamaraan
AKTIBITI PANGKATANG GAWAIN:
Gawain: TALENTADONG PINOY! (Filipino Talent Portion)
Direksiyon: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo na gagampanan ang iniatang
na gawain ng kanilang guro.
Pangkat1: Role-Play (Kahulugan ng Pagkamamamayan)
Pangkat 2: News Casting (Ang Mamamayang Pilipino – Artikulo IV-
Pagkamamamayan Seksiyon 1-5)
Pangkat 3: Awit-Sayaw (Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino)

(Ang mga -mag-aaral ay bibigyan ng babasahing teksto, ito ang magiging


gabay nila para sa kanilang pangkatang gawain)
Rubriks

“Basta sa Don Manuel, laging to the next level!”


Address: Bulilan Sur, Pila, Laguna
Contact No.: (049)536-8702
Email Address: 307905@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial INTEGRATED National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna

Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Presentasyon


 Basahin ng mabuti ang tagubilin
 Makipag-ugnayan sa kagrupo
 Huwag masyadong maingay

Mga Dapat na Tandaan Kapag May Nagtatanghal


 Panoorin at makinig sa nagtatanghal
 Huwag gumawa na hindi kanais-nais na ingay

ANALISIS Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang mga importanteng paksa na ipinamalas ng inyong pangkat?
2. Bakit mahalagang maunwaan natin ang konsepto ng pagiging
pagkamamamayang Pilipino?
3. Paano ninyo ipinapakita ang pagiging mabuti at mahusay na
mamamayang Pilipino?

ABSTRAKSYON Gawain: GRAPHIC ORGANIZER


Panuto: Sa pamamagitan ng Graphic Organizer ay magbibigay ang guro ng
lecturette hinggil sa paksa.

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan


(citizenship) ay ang ugnayan ng isang indibidwal at ng estado. Ito ay
tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung
saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Sa Pilipinas nakasaad sa Saligang Batas 1987 ang legal na basehan ng
pagkamamamayan. Tunghayan ang batas sa ibaba.

ANG MAMAMAYANG PILIPINO


Sa Artikulo IV, Seksyon 1- 5 ng 1987 Konstitusyon, nakasaad ang mga

“Basta sa Don Manuel, laging to the next level!”


Address: Bulilan Sur, Pila, Laguna
Contact No.: (049)536-8702
Email Address: 307905@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial INTEGRATED National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna

itinatakda ng batas hinggil sa kung sino ang itinuturing na mamamayang


Pilipino.
ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN
SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang
batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSYON 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang
gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang
Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong
inianak na mamamayan.
SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o
muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEKSYON.4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa
kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na
nagtakwil nito.
SEKSYON. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay
salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
(Sanggunian: Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, 2). Ang
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987)
MGA PRINSIPYO NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Jus sanguinis - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Pilipinas
Jus soli o jus loci -Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan
siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
Alinsunod Seksyon 3 ng Saligang Batas, ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal ay maaaring mawala ngunit ito ay maaaring maibalik. Ang
sumusunod ay maaaring maging mga balidong sanhi ng pagkawala ng
pagkamamamayan ng isang Pilipino: (1) sa pamamagitan ng naturalisasyon
sa ibang bansa, (2) expatriation o kusang pagtalikod sa pagkamamamayan,
(3) panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas ng mga banyaga pagsapit ng
10-20 taon, (4) paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa, at (5)
pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan nito.

Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang katangian ng pagkamamamayang Pilipino batay sa sa
saligang batas?

“Basta sa Don Manuel, laging to the next level!”


Address: Bulilan Sur, Pila, Laguna
Contact No.: (049)536-8702
Email Address: 307905@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial INTEGRATED National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna

2. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang


tungkulin? Patunayan
3. Paano nakakatulong ang pagiging pagkamamamayan sa pagsulong ng
kabutihang panlahat at pambansang kapakanan?

APLIKASYON
1. Paglalahat /Nakapagbigay ng Gawain: FILL IN THE BLANKS
paglalagom at abstraksyon Panuto: Punan ng mga angkop na salita upang makumpleto ang
tungkol sa paksa pangungusap.
1. Ang________________ ay ang ugnayan ng isang indibidwal at ng
estado. (pagkamamamayan o citizenship)
2. Yaong ang mga _____ o _____ ay mamamayan ng Pilipinas. (ama ,
ina )
3. Ang pagkamamamayang _______ay maaaring mawala o muling
matamo sa paraang itinatadhana ng _______
(Pilipino , batas)
4. Ang Jus _______ ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang. (sanguinis)
2. Pagpapahalaga Anong ‘’M’’ ang maaari mong taglayin para maipakita ang pagiging
mabuting mamamayan?
3. Paglalapat / Paguugnay ng Gawain: SLOGAN-Making
mga konsepto at kasanayan sa Bilang isang mag-aaral, gumawa ng slogan na nagpapakita ng
pangaraw-araw na pamumuhay pagkamamamayang Pilipino
4.Pagtataya Multiple Choice: Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin
ang letra ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ayon sa kanya ang pagkamamamayan (citizenship) ay ang ugnayan ng
isang indibidwal at ng estado.
A. Stephen King C. Murray Clark Havens
B. George Orwell D. Mark Twain
2. Sa Pilipinas nakasaad sa Saligang Batas _____ ang legal na basehan ng
pagkamamamayan
A. 1986 C. 1988
B. 1987 D. 1989
3. Anong seksyon ng artikulo IV ng Saligang Batas nakasaad na maaaring
mawala at maibalik ang pagkamamayang ng isang Pilipino?
A. Seksyon 3 C. Seksyon 2
B. Seksyon 4 D. Seksyon 1
4. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang
pamabansa at dapat lapatan ng kaukulang batas
A. Seksyon 5 C. Seksyon 3
B. Seksyon 4 D. Seksyon 2
5.Ang pagkamamayan ng isang tao ay nakabase sa pagkamamamayan ng isa
sa kaniyang magulang
A. Jus Soli o Jus Loci C. Lewis

“Basta sa Don Manuel, laging to the next level!”


Address: Bulilan Sur, Pila, Laguna
Contact No.: (049)536-8702
Email Address: 307905@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial INTEGRATED National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna

B. Scheler D. Jus sanguinis


Susi sa Pagwawasto – 1) C. 2) B. 3) A.) 4) A. 5) D.

IV. Mga Tala at Puna


1. Puna / Suhestiyon
2. Repleksyon: Ang natutunan ko sa araw na ito ay__________________________________
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag – aaral na


Mayroong ______ sa _______ na mag – aaral ang nakakuha ng 80 % sa pagtataya.
nakakuha ng 80 % sa pagtataya

B. Bilang ng mag – aaral na Mayroong ______ sa _______ na mag – aaral ang nakakuha ng mas mababa pa sa 80
nangangailangan ng iba pang % sa pagtataya at nangangailangan ng remediation.
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang __ Oo / Bilang ng mag – aaral ______
remediation? Bilang ng mag –
aaral na nakaunawa sa aralin. __ Hindi / Bilang ng mag – aaral ______
D. Bilang ng mag – aaral na
Mayroong _________ na mag – aaral na magpapatuloy sa remediation
magpapatuloy sa remediation.

Inihanda ni:

LEO JAY F. MEDRANO


Gurong Nagsasanay

Binigyang Pansin nina:

JAYSON P. SOLLORANO
Cooperating Teacher – AP

JENNIFER R. GARBO
HTIII–AP

MICHAEL WILLIAM V. PUNA III, EdD.


PRINCIPAL I

“Basta sa Don Manuel, laging to the next level!”


Address: Bulilan Sur, Pila, Laguna
Contact No.: (049)536-8702
Email Address: 307905@deped.gov.ph

You might also like