You are on page 1of 18

8

NOT

Araling Panlipunan
Quarter 4 - Module 5
Epekto ng Ideolohiya, Cold War, at
Neo-kolonyalismo sa Iba’t ibang
Bahagi ng Daigdig
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Module 5: Epekto ng Ideolohiya, Cold War, at Neo-kolonyalismo sa
Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module


Author: Vivian G. Daday
Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD Lila C. Quijada
Elvira Ruvi U. Camocamo
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Layout Artist: Norebel A. Balagulan
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C.Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar,
CID Chief

Members Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Quarter 4 - Module 5
Epekto ng Ideolohiya, Cold War,
at Neo-kolonyalismo sa Iba’t
ibang Bahagi ng Daigdig
Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita .................................................................................................................... i


Alamin ................................................................................................................................... i
Pangkalahatang Panuto .................................................................................................... ii
Icons sa Modyul na ito ....................................................................................................... ii
Subukin ............................................................................................................................... iii

Leksyon 1:
Epekto ng Cold War sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig
Alamin .............................................................................................. 1
Tuklasin – Word Web ..................................................................... 1
Suriin – Basahin at Matuto ............................................................ 2
Pagyamanin – Data Imformation Chart ........................................... 3
Isagawa - Collage ........................................................................... 4

Leksyon 2:
Epekto ng Neokolonyalismo sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig
Balikan ............................................................................................. 4
Alamin .............................................................................................. 4
Tuklasin – Larawan ko! Suriin Mo! ................................................. 5
Suriin – Basahin at Matuto ............................................................. 5
Pagyamanin – Data Information Chart ........................................... 7
Isaisip – Data Retrieval………………………………………………… 7
Isagawa - Nararamdaman Mo, Iguhit Mo! ..................................... 8

Buod ………………………………………………… 8
Pagtatasa: (Post-Test) ………………………………………………… 9
Key to Answers ..................................................................................................................................
References ...........................................................................................................................................
Paunang Salita

May malawakang paglaganap ng diwang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng


daigdig noong ika-19 na siglo ng kasaysayan. Iisang lahi, iisang lipi, magkatulad na wika,
relihiyon at pagpapahalaga ang pangunahing salik na nabunsod sa diwang nasyonalismo.
Kasabay nito ay ang pag-unlad ng agham, industriya at kaisipang pampulitika ng mga bansa.
Nang magsimula ang ikalawang dekada ng ika-20 siglo, maraming pangyayari ang
naganap na gumimbal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Naganap ang una at ikalawang
digmaang pandaigdig, sinundan ng iba’t ibang ideolohiya, cold war at ang malawakang neo-
kolonyalismo ng mga superpowers na bansa. Upang mawakasan ang di-pagkakaunawaan,
bumuo ang mga bansa ng pandaigdigang samahan na siyang mangunguna para maisaayos
ang lahat ng sigalot ng mga bansa.
Sa module na ito, susuriin natin kung paano nakaapekto ang mga ideolohiya, cold war
at neo-kolonyalismo tungo sa pandaigdigang kaunlaran at kapayapaan.

Alamin

Pag-aralan mo sa araling ito ang ibat’t ibang ideolohiyan umiiral sa daigdig. Bibigyang-
pansin din ang mga dahilan ng pagkakaroon ng cold war at neo-kolonyalismo, ang
impluwensiya nito sa mga bansang hindi pa maunlad at papaunlad pa lamang.
Inaasahang magbibigay ka ng iyong sariling pananaw tungkol sa mga isyung ito.
Inaasahan din ang aral na mapupulot mo rito ay magiging gabay mo upang masagot ang
katanungan kung paano nakaapekto ang iba’t ibang ideolohiya, ang cold war at neo-
kolonyalismo sa kaunlaran ng mga bansang papaunlad pa lamang.

Pangkalahatang Panuto:
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
• Basahin at unawain ng Mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksyon o panuto habang binabasa ang mga materyales.
• Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
• Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

i
Icons sa Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano ang kaalaman


Subukin mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Suriin Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang


Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Pagtatasa ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Pagwasto sa modyul.

ii
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot ayon sa sumusunod na katanungan.

1. Anong uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na
kapangyarihan?
A. Awtoritaryanismo C. Sosyalismo
B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
2. Ano ang pangunahing ideolohiya ng bansang Estados Unidos?
A. Awtoritaryanismo C. Sosyalismo
B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
3. Anong doktrina ang nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao?
A. Awtoritaryanismo C. Sosyalismo
B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
4. Ano ang bago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahirap na bansa?
A. Neokolonyalismo C. Sosyalismo
B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
5. Ano ang tawag sa isang pamaraan ng neokolonyalismo na naisasagawa sa pamamagitan
ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang
bansa?
A. Neokolonyalismo C. Over Dependence
B. Pang-ekonomiya D. Demokrasya
6. Anong epekto ng neokolonyalismo kung saan umaasa nang labis ang mga tao sa
mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States?
A. Neokolonyalismo C. Over Dependence
B. Pang-ekonomiya D. Demokrasya
7. Ano ang tawag sa hindi tuwirang labanan?
A. Neokolonyalismo C. Demokrasya
B. Cold War D. Digmaan
8. Ang pagkakaiba sa ideolohiya ng US at Russia ay humantong sa Cold War. Bakit tinawag
itong cold war?
A. Dahil ito ay naganap sa malamig na lugar sa Hilagang Russia.
B. Dahil malamig sa isa’t isa ang US at Russia.
C. Dahil walang aktwal na digmaan ang naganap.
D. Lahat ng nabanggit.
9. Ang “National Socialist German Workers’ Party” ay isang partidong politikal na
pinamunuan ni Hitler. Ano ang mas tanyag na katawagan sa partidong ito?
A. Swastika C. Bolshevik
B. Nazi D. Rembrant
10. Anong ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na karapatan at
kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian, o relihiyon?
A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo

iii
Aralin
Epekto ng Cold War sa Iba’t ibang
1 bahagi ng Daigdig

Alamin

Sa puntong ito ay malalaman ng mga mag-aaral ang mga epekto ng Cold War sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Tuklasin

Gawain 1 - Word Web


Panuto: Anong ideya o salita ang naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang “Cold War”.
Kopyahin at sagutin sa iyong sagutang papel.

Cold War

Suriin

Gawain 2 - Basahin at Matuto

Konsepto Paglalarawan

Cold war • Pagkakaroon ng hindi tuwirang labanan ng mga bansa.


A. Sanhi • Ang United States (US) at Unyong Sobyet (USSR) ay naging
makapangyarihang bansa matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
• Hindi naging mabuti ang ugnayan ng dalawang bansa na
kapwa tinatawag na superpower.
• Nauwi sa Cold War ang matinding kompetensiya noong 1940
hanggang 1990.
• Tunggalian sa kapangyarihan at ideolohiya ang dahilan nito.
• Ang United States ay may ideolohiyang demokrasya at
kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay sosyalismo
at komunismo.
• Ang sistemang politikal ay nakaapekto sa maraming bansa.
• Pinutol ng Unyong Sobyet ang pakikipag-ugnayan sa mga
kanluraning bansa upang mapanatili ang kanilang
kapangyarihan.
• Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang
pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radyo.
B. Kompetisyon • Naunahan ng USSR ang USA sa pagpapadala ng sasakyang
pangkalawakan.
• Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR, si Yuri
Gagarin na unang cosmonaut na lumigid sa mundo sakay ng
Vostok (1961).
• Nahigitan pa ng US ang USSR nang nakaikot ng tatlong
beses sa mundo si John Glenn Jr. noong 1962 sakay ng
Friendship 7.
• Sinundan pa nang unang makatapak sa buwan ang mga
Amerikanong astronaut na sina Michael Collins, Neil
Armstrong, at Edwin Aldrin.
• Hindi rin nagpahuli sa mga imbensiyon ang Estados Unidos.
• Nakagawa ng unang submarino na pinatakbo ng puwersang
nukleyar ang US.
• Gumamit ang US ng lakas atomika sa pandigma, medisina,
agrikultura, transportasyon, at komunikasyon.
• (Hulyo 10, 1962) Nagpalipad ang US ng pangkomunikasyong
satellite na Telstar at dahil dito, maari nang makatanggap ng
tawag sa telepono at makakita ng palabas sa telebisyon mula
sa ibang bansa.
c. Mabuting • Tiniyak ng Estados Unidos na maayos ang takbo ng
Epekto ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista.
• Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin
ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo.
• Inayos ang International Bank for Rehabilitation and
Reconstruction (IBRR) o World Bank.
• Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig.
C. Di-mabuting • Umigting ang di-pagkakaunawaang pampolitika, pangmilitar,
Epekto at kalakalan ng mga bansa.
• Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet
na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya.
• Nawalan ng tunay na pagkakaisa.
• Nagkaroon ng banta sa digmaan.

2
Pagyamanin

Gawain 3 - Data Information Chart


Epekto ng Cold War
Mga Sanhi ng Mga Kompetisyon ng Nakakabuti Nakakasama
Cold War US at USSR
1.
2.
3.

Isagawa

Gawain 1 - Collage
Panuto: Gumawa ng collage tungkol sa iyong naintindihan sa paksa na nagpapakita ng
epekto ng Cold War.

3
Aralin
Epekto ng Neo-kolonyalismo sa
2 Iba’t-ibang bahagi ng Daigdig
Balikan

1. Ano ba ang Cold War?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Alamin

Sa puntong ito ay malalaman ng mga mag-aaral ang mga epekto ng Neo-kolonyalismo


sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Tuklasin

Gawain 1 - Larawan ko! Suriin Mo!

Panuto: Isulat ang iyong sa sagot sa iyong sagutang papel.

https://tse1.mm.bing.net/th?id=OIP.jc0qdTVPXMkcuPzO_9mz
7wHaEr&pid=Api&P=0&w=240&h=152

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?


2. Ano kaya ang ipinahihiwatig sa larawang ito?

4
Suriin

Gawain 2 - Basahin at Matuto

Neo- Paglalarawan
kolonyalismo
Pamamaraan • Pagbuo ng iba’t ibang uri ng kompanya
• Pandaigdigan at pampribadong pondo.
• Pagkakaroon ng mga korporasyon at konsoryum (samahan ng mga
namumuhunan).
• Pagsisiguro ng pamumuhunan.
• Pagpapautang ng malaking halaga na makakatulong sa mga
nangangailangan at magbibigay ng sapat na tubo sa magpapahiram.
Uri • Pang-ekonomiya – Pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng
kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa katotohanan
ay nakatali na ang bansang tinulungan sa patakaran at motibo ng
bansang tumutulong.
• Pangkultura – Nababago ng neo-kolonyalismo ang pananaw ng
tinulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito. Bunga ng
kulturang dala ng mga dayuhan, nagbabago ang mga mamamayan
sa pananamit, babasahin, at pag-uugali.
• Dayuhang Tulong o Foreign Aid – Maaring sa pamimigay ng gatas o
pamamahagi ng mga aklat.
Nagbebenta ang bansang tumulong ng mga “imported” na produkto
sa bansang tinulungan kaya bumabalik rin sa kanya ang malaking
tubo ng kanyang puhunan
• Dayuhang Pautang o Foreign Debt – Anumang pautang na ibigay ng
International Monetary Fund ay laging may kaakibat na kondisyon.
• Lihim na Pagkilos (Covert Operation) – Kung hindi mapasunod nang
mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neo-kolonyalista upang
guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan.
Epekto • Over dependence o labis na pagdepende sa iba – Umaasa nang
labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may
kaugnayan sa United States.
• Loss of Pride o kawalan ng karangalan – nabubuo sa isipan ng mga
tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling na isang
dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura
at mga produkto.
• Continued Enslavement o patuloy na pang-aalipin

5
Pagyamanin

Gawain 3 – Fill Me Up!


Panuto: Punan ang hinihiling ng Data Information Chart

Pamamaraan ng Neo- Uri ng Neo- Epekto


kolonyalismo kolonyalismo
1.
2.
3.

Isaisip
Gawain 4 – Data Retrieval Chart
Panuto: Isulat sa talahanayan ang mabuti at di-mabuting epekto ng Neo-kolonyalismo.
Isulat ang iyong sa sagot sa iyong kwaderno sa asignaturang Araling Panlipunan.

Mabuting Epekto Di-Mabuti Epekto

1.

2.

3.

Isagawa
Gawain 4 – Nararamdaman Mo, Iguhit Mo!
Batay sa binasang teksto, gumuhit ng karikatura o larawan tungkol sa epekto ng
neokolonyalismo sa daigdig. Ang sumusunod na mga konsepto ay maaring gamiting basehan
sa paggawa ng mga ito. Pumili ng isang paksa lamang.
• Nagpapaliwanag ng sangkap at kahulugan ng neo-kolonyalismo
• Mga uri ng neo-kolonyalismo
• Mga bansang nagpatupad ng mga impluwensya sa ibang bansa
• Epekto ng neo-kolonyalismo
Pamantayan:

5 - Konsepto
3 - Pagkamalikhain
2 - Kalinisan
10 - Kabuuan

6
Buod
Cold War

Ito ay isang hindi tuwirang labanan at hindi ginagamitan ng puwersa at dahas.


Ang dalawang bansang magkatunggali ay ang US at USSR o Russia. Hindi lamang
magkatunggali sa kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya nito.
Ang ideolohiya ng US ay demokrasya at USSR naman ay Komunismo. Tiniyak
ng Estados Unidos na maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang
kapitalista. Umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang- militar, at kalakalan
ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet na
nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya. Nawalan ng tunay na pagkakaisa
at nagkaroon pa ng banta ng digmaan.

Neo-kolonyalismo

Tumutukoy ang neo-kolonyalismo sa patuloy na impluwensiyang pang-


ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang kolonya,
bagamat wala silang tuwirang militar o pulitikal na kontrol sa mga ito. Dahil sa neo-
kolonyalismo, nagkaroon ng labis na pagdepende ng ilang bansa sa iba, may nawalan
ng karangalan at patuloy ang pagpapaalipin.

7
Pagtatasa: (Post-Test)

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot ayon sa sumusunod na katanungan.

1. Ano ang pangunahing ideolohiya ng bansang Estados Unidos?


A. Awtoritaryanismo C. Sosyalismo
B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
2. Anong uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na
kapangyarihan?
A. Awtoritaryanismo C. Sosyalismo
B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
3. Anong doktrina ang nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao?
A. Awtoritaryanismo C. Sosyalismo
B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
4. Ano ang bago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahirap na bansa?
A. Neokolonyalismo C. Sosyalismo
B. Totalitaryanismo D. Demokrasya
5. Ano ang tawag sa isang pamaraan ng neokolonyalismo na naisasagawa sa
pamamagitan ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan ng isang bansa?
A. Neokolonyalismo C. Over Dependence
B. Pang-ekonomiya D. Demokrasya
6. Anong epekto ng neokolonyalismo kung saan umaasa nang labis ang mga tao sa
mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States?
A. Neokolonyalismo C. Over Dependence
B. Pang-ekonomiya D. Demokrasya
7. Ano ang tawag sa hindi tuwirang labanan?
A. Neokolonyalismo C. Demokrasya
B. Cold War D. Digmaan
8. Ang pagkakaiba sa ideolohiya ng US at Russia ay humantong sa Cold War. Bakit
tinawag itong cold war?
A. Dahil ito ay naganap sa malamig na lugar sa Hilagang Russia.
B. Dahil malamig sa isa’t isa ang US at Russia.
C. Dahil walang aktwal na digmaan ang naganap.
D. Lahat ng nabanggit.
9. Anong ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na Karapatan at
Kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian, o relihiyon.
A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo
10. Ang “National Socialist German Workers’ Party” ay isang partidong politikal na
pinamunuan ni Hitler. Ano ang mas tanyag na katawagan sa partidong ito?
A. Swastika C. Bolshevik
B. Nazi D. Rembrant

9
Pagtatasa (Post- Subukin: (Pretest)
test)
1. A
2. D
1. D 3. C
2. A 4. A
3. C 5. B
4. A 6. C
5. B 7. B
6. C 8. C
7. B 9. B
8. C 10. A
9. A
10. B
Susi sa mga Tanong
Sanggunian:
A. Aklat

Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,


ISBN:978-9601-67-8
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De
Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene S.
Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

B. Module

LRMDS Portal. “Cold War.” Accessed, July 16, 2020, https://lrmds.deped.gov.ph/detail/ 16690
LRMDS Portal. “Neokolonyalismo.” Accessed, July 16, 2020, https://lrmds.deped.gov.ph/
detail/16692

C. Mga Sanggunian sa internet:

Slideshare.net. “Mga Ideolohiya: Cold war at Neokolonyalismo.” Accessed, July 16, 2020,
https://www.slideshare.net/mobile/SMAP_G8Orderliness/aralin-13-mga- ideolohiya-
cold-war-at-neokolonyalismo
Slideshare.net. “Mga Ideolohiya: Cold war at Neokolonyalismo.” Accessed, July 16, 2020,
https://www.slideshare.net/SMAPHonesty/aralin-13-mga-ideolohiya-cold-warat-
neokoloniyalismo
Academia.edu. “Ang Kontemporaryong Daigdig.” Accessed, July 16, 2020, https://www.
academia.edu/23025703/MODYUL_4_ANG_KONTEMPORARYONG_DAIGDIG_
IKA-20_SIGLO_HANGGANG_SA_KASALUKUYAN_MGA_SULIRANIN_AT_
HAMON_ TUNGO_SA
Coursehero.com. “Epekto ng Cold war at Neokolonyalismo.” Accessed, July 16, 2020,
https://www.coursehero.com/file/pp2oo2/Natataya-ang-epekto-ng-mga-ideololohiya-
Cold-War-at-Neo-kolonyalismo-sa-ibat-i/
Youtube.com. “Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo.” Accessed, July 16, 2020,
https://m.youtube.com/watch?v=moY9qkvD_uU
Prezi.com. “Neokolonyalismo mga ideolohiya at cold war.” Accessed, July 16, 2020,
https://prezi.com/419b6x7h5zii/neokolonyalismo-mga-ideolohiya-at-cold-war/
Slideshare.net. “Kasaysayan at epekto ng Cold War.” Accessed, July 16, 2020, https://www.
slideshare.net/mobile/ maryannpascua1/kasaysayan-at-epekto-ng-cold-war
Slideshare.net. “Epekto ng Neokolonyalismo.” Accessed, July 16, 2020, https://www.
slideshare.net/LastrellaAlleanna/epekto-ng-neokolonyalismo
Powtoon.com. “Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo.” Accessed, July 16, 2020, https://
www.powtoon.com/online-presentation/fy8S5HPQhsr/aralin-3-Ideolohiya-cold-war-
neokolonyalism/?mode=movie

You might also like