You are on page 1of 16

Born Again Christian Ministries, Inc.

BACMI Bible Seminary

SERMON
OUTLINES
(For Some Occasions)

Submitted by:

Roel A. Agustin

BACMI Tarlac

Submitted to:

Ptra. Charismo E. Porras

President, BACMI
TABLE OF CONTENTS

1. BIRTHDAY SEASON
a. Alalahanin ang Diyos
b. God Bless You
2. FUNERAL SERMONS
a. Even in the Grave, There is Still Hope
b. Alamat lamang ba ang Muling Pagkabuhay ni Jesus?
3. HOUSE BLESSINGS
a. Ang Tahanan ng Karunungan
b. Ang Diyos ang Sentro ng Tahanan
4. CHILD DEDICATION
a. Ang Sanggol sa Templo
b. Jesus Loves Children
5. BAPTISM
a. Bakit may Bautismo?
b. Bautismo… Nakakapagligtas Ba?
6. WEDDING ANNIVERSARY
a. Ang Kasal ayon sa Panginoong Jesus
b. Magmahalan (Mag-asawa Edition)
7. THANKSGIVING
a. In Everything, Give Thanks
b. Don’t worry; Give Thanks
BIRTHDAY SEASONS

Text: Ecclesiastes 12:1-14


Theme: ALALAHANIN ANG DIYOS

Intorduction: Bawat taon sa buhay ng isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataong ipagdiwang


ang araw ng kaniyang pagsilang. Subalit, sa ating tatalakaying passage na ito, kahit sa araw ng
paggunita sa araw ng pagsilang, marapat na mayroon tayong matatandaan.
1. Alalahanin ang Panginoon (v.1-5)
a. Alalahanin ang Panginoong Diyos habang tayo ay nasa peak ng kalakasan
b. Alalahanin Siya anuman ang ating ginagawa
2. Walang forever sa mundong ito (v.6-8)
a. Aminin man natin o hindi, temporary ang lahat sa mundong ito
b. Absurd ang buhay kung wala ang Diyos sa buhay ng isang tao
3. Mag-aral, magsaliksik (v. 9-12)
a. Sa panahon ngayon, kailangang mag-aral at magsaliksik
b. Mamili ng karunungang makatutulong lalo na sa espirituwal na pananaw
4. Ang pangunahing pananagutan ng tao (v. 13-14)
a. Ano ang layunin ng tao ayon sa Christianity?
i. To know God
ii. To make Him known

Conclusion: Sa araw na ipinagdiriwang mo ang iyong kaarawan, alalahanin mo ang Lumikha sa


iyo. Alalahanin mo rin ang dahilan kung bakit ka nandito sa mundong ito. Alamin mo ang iyong
purpose sa iyong buhay.
Text: Numbers 6:24-26
Theme: GOD BLESS YOU

Introduction: Pagka maririnig ang mga taong nagsasabi ng “God bless you” sa iyo, gumagaan
ang iyong loob. Kahit man sa birthday celebration, naririnig din natin iyan. Gaano ba kahalaga
ang benediction? Ano ba ang mensaheng nais iparating nito? Ating alamin.

1. Blessings at protection (v. 24)


a. Pinatotohanan sa atin na ang Diyos ang provider
b. Pinatotohanan na Siya ang ating protector
c. Ang tanong: Bakit? Bakit ka pinagpapala?
2. Ang habag ng Panginoon at ang Kaniyang gabay (v. 25)
a. Dahil sa habag ng Diyos, tayo ay nagkaroon ng kaligtasan
b. Dahil sa Kaniyang gabay, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, nagkaroon tayo
ng awareness sa kahalagahan ng pagsunod sa Diyos
3. Pangangalaga at kapayapaan (v. 26)
a. Sa Diyos tayo umasa yamang Siya lang talaga ang patuloy na nangangalaga
b. Sa pamamagitan ni Kristo, tayo ay nagkaroon ng kapayapaang mula sa Diyos

CONCLUSION: Pagka nagsasabi ng “God bless you”, pinapaalala lamang sa atin na sa Diyos
lamang matatagpuan ang lahat-lahat: mula sa pagpapala, protection, habag, gabay, pangangalaga
at kapayapaan. Kahit man nasa pagsubok, ating alalahanin na may pagpapala pa rin. Basta,
huwag humiwalay sa Kaniya. Hindi ka Niya iiwan.
FUNERAL SERMONS

Text: I Corinthians 15:51-56


Theme: EVEN IN THE GRAVE, THERE’S STILL HOPE

Introduction: Halos araw-araw na lang ay nakakabalita tayo ng mga taong sumakabilang-buhay


sa iba’t ibang kadahilanan – sa sakit man, sa katandaan, sa aksidente, at marami pa. Aminin man
natin o hindi, tayong lahat ay dadako sa kamatayan. Ngunit sa mga nananampalataya sa
Panginoon, ang pagkamatay ng katawang lupa ay hindi pa katapusan sapagkat, sang-ayon sa
Kasulatan, muling mabubuhay ang mga nananalig kay Kristo.

I. May restoration na magaganap (v. 51-54)


a. Sa pagtunog ng trumpeta, si Kristo ay muling darating
b. Ang mga namatay kay Kristo ay magkakaroon ng bagong katawan
c. Ang katawang iyun ay hindi mamamatay
d. Yaong mga buhay ay magkakaroon din ng bagong katawan
e. Mapapalitan ang dating nabubulok tungo sa di-nabubulok
II. Talo na ang kamatayan (v. 55-56)
a. Dahil si Kristo ang muling pagkabuhay at ang buhay, natalo na ang kamatayan
b. Naglaho na ang kamandag ng kamatayan
c. Nangangahulugan ito ng pag-asa sa mga nananalig sa Kaniya

Conclusion: Ipinahayag ng ating Panginoong Jesus na yaong nananalig sa Kaniya ay muling


mabubuhay (John 11:25-27). Ipinahayag na ito ay magaganap. Kapatid, kung ikaw ay na kay
Kristo na, may pag-asa pa.
Text: Luke 24:25-26
Theme: ALAMAT LAMANG BA ANG MULING PAGKABUHAY NI JESUS?

Introduction: Maraming tao ang nag-aakala na hindi naganap ang muling pagkabuhay ng
Panginoong Jesus. May ilan na nawalan ng interes na pag-aralan ang paksang ito. May iba na
agad naniwala sa mga walang basehang aral mula sa mga skeptics. Subalit may mga katibayan
na naganap nga ang muling pagkabuhay, na hindi talaga ito alamat.

I. Mga Patunay
a. Si Jesus ay ipinako at namatay sa krus ng Kalbaryo
b. Nawala ang Kaniyang katawan sa ikatlong araw
c. Sinabi ng mga disipulo na nasaksihan nilang si Jesus ay talagang buhay
d. Nagkaroon ng pagbabago sa buhay nila, disipulo man o skeptics
II. Ano ang Kahulugan para sa mga Mananampalataya?
a. Inihula na ito ng Panginoon, kung ano ang sinabi Niya ay magaganap ito
b. Pinatotohanan Niya ito nang Siya ay muling nabuhay
c. Dahilan dito, nagkaroon tayo ng pag-asa na makakasama natin Siya sa buhay na
walang hanggan
d. Pinatotohanang hindi natatapos ang ating buhay sa mundong ito, na may darating
pang buhay

Conclusion: Sa mga nananalig sa Panginoon, isa itong makasaysayan na pangyayari. Hindi ito
isang alamat bagkus ito ay totoo. Kahit ang mga ekspertong hindi naniniwala sa Diyos ay
nagsabi na nakita ng mga disipulo na si Jesus ay muling nabuhay. Kaya naman, sa mga nananalig
sa Kaniya, ito ay isang tiyak na pag-asa – na balang araw, Siya ay ating makakasama sa lugar
kung saan wala nang pagluha, wala nang dalamhati, wala nang sakit, at wala nang kamatayan.
HOUSE BLESSING

Text: Proverbs 24:3-4


Theme: ANG TAHANAN NG KARUNUNGAN

Introduction: Hindi biro ang pagpaplano sa pagpapatayo ng isang tirahan. Mas lalo na kung ang
pagpapamilya ay napag-uusapan pa. Ngunit ano ba ang biblical principles may kinalaman dito?
Ano ba ang dapat nating alalahanin pagka magpapatayo na ng tirahan at magkakaroon ng
tahanan?

1. Marapat may karunungan


a. Hindi basta-basta ang pagpapatayo ng tirahan
b. Siguraduhing matibay ang pundasyon nito
2. Mayroong kaunawaan ang bawat kasapi nito
a. Ang isang tahanang walang pag-uunawaan ay walang saysay
b. Kailangan magkaroon ng understanding sa bawat isa
c. Bagamat may individual differences, hindi dapat mawala ang harmony
3. Punuin ito ng pagmamahal ng Panginoon
a. Sa kabila ng lahat, ang Diyos ang maging sentro ng lahat
b. May blessings dapat ito mula sa Kaniya
c. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may maka-Diyos na kaisipan

Conclusion: Sa pagpapatayo man ng tirahan at pagtatatag ng tahanan, huwag makalimot na


magpasalamat sa Panginoon yamang galing sa Kaniya ang lahat ng ito.
Text: Jeremiah 17:7-8
Theme: ANG DIYOS ANG SENTRO NG TAHANAN

Introduction: Mapalad ang isang tahanan na ang Diyos ang sentro nito. Paano ito masasabi na
Siya ang sentro ng tahanan? Ano ba ang mga punto na dapat mapag-isipan?

1. Pinagpala ang mga nagtitiwala sa Diyos


a. Sa loob ng isang tahanan, ang Diyos dapat ang number 1
b. Siya ang dapat manguna sa loob ng tahanan
c. Sa Diyos ipinagkakatiwala ng pamilya ang lahat-lahat
2. Ang buhay ay lumalago at namumunga
a. Ang spiritual life ng nasa tahanan ay hindi nababansot
b. Habang tumatagal, lalong tumitibay ang pagtitiwala sa Panginoon
c. Yamang ang Diyos ang sentro, may pamumunga sa kanilang espirituwal na buhay
d. Batid nilang hindi nagpapabaya ang Panginoon

Conclusion: Kung ang Panginoong Diyos ang sentro ng iyong buhay, ano ba ang dapat ipag-
aalala lalo na sa tahanan? Itinuring na pinagpala ang mga nagtitiwala sa Kaniya.
CHILD DEDICATION

Text: Luke 2:25-35


Theme: ANG SANGGOL SA TEMPLO

Introduction: Sa tekstong ito, ang sanggol na si Jesus ay dinala sa templo kasama sina Maria at
Jose. Siya ay inialay sa Diyos (dedication) sa pamamagitan ng mga pahayag nina Simeon at Ana.
Ano ba ang itinuturo sa atin ng tekstong nabanggit?

I. Iniaalay sa Diyos ang sanggol, hindi binautismuhan


a. Hindi turo ng Kasulatan ang bautismo sa mga sanggol
b. Ang bautismo ay para sa mga nasa age of accountability (may kakayahang
magpasya)
c. Bagamat hindi para sa sanggol ang bautismo, ang bautismo mismo ay hindi
nakapagliligtas
II. Ang sanggol ay ipinalangin
a. Mahalaga dito ang guidance ng Panginoon
b. Hindi dapat mawala ang gabay Niya
c. Pinatotohanang mahal din ng Diyos ang mga sanggol
d. Maituturing ang isang sanggol na blessing mula sa Diyos

Conclusion: Ipinapahayag sa atin na maging ang mga sanggol ay mahal ng Diyos. Sila ay
maituturing na mga minamahal ng Panginoon.
Text: Matthew 19:13-15
Theme: JESUS LOVES CHILDREN

Introduction: May mga batang masasabi na hindi pa nakakilala sa Panginoon anupat maging sila
ay kailangang turuan ukol sa Kaniyang kabutihan. Sa passage na ito, lumapit ang mga bata sa
Panginoong Jesus. Hindi Niya sila pinigilan, bagkus ay pinagpala Niya sila. Sa pagkakataong ito,
ano ba ang ating matututunan?

I. Mahal ng Diyos ang mga bata


a. Sanggol, fetus man, o kahit mga bata, mahal sila ng Diyos
b. Ipinakita ito nang pinagpala ni Jesus ang mga bata
c. Sa mga magulang, sikaping matututo ang mga bata ukol sa Diyos
II. Lumalapit sa Diyos ang mga bata
a. Maging ang mga bata ay may awareness tungkol sa Diyos
b. Hindi maikakaila na kahit ang mga bata ay nag-express ng kanilang pagmamahal
sa Kaniya
c. Sa child dedication man, ipinapakita na mahalaga ang mga bata sa Panginoon
d. Pananagutan ng mga magulang na alagaan at mahalin ang mga bata sang-ayon sa
prinsipyo ng Panginoon

Conclusion: Bilang mga magulang, huwag nating pabayaan ang mga bata na sila ay akitin ng
Kaaway. Mahalaga sila sa paningin ng Diyos. Kaya nga, simula sa child dedication hanggang sa
sila ay mag-aaral, ating iparating sa kanila kung gaano sila kahalaga sa Panginoon.
BAPTISM

Text: Matthew 28:19-20


Theme: BAKIT MAY BAUTISMO?

Introduction: Ang salitang “bautismo” ay may equivalent na salita sa Griego na ang meaning ay
“ilubog”. Sa pagkakataong ito, sagutin natin ang tanong na ito. Bakit may bautismo? Mahalaga
nga ba talaga ito?

I. Ang bautismo ay marapat sa pangalan ng Triune God


a. Ito ay sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Banal na Espiritu
b. Kung ano ang sinabi ni Jesus, iyan ang absolute na isagawa
II. Ang bautismo ay larawan ng pagiging isa sa katawan ni Kristo
a. Ito ay naglalarawan ng pormal at pampublikong patotoo ng pagiging Kristiyano
b. Ito ay simbolikal na larawan ukol sa kamatayan at muling pagkabuhay ng
Panginoong Jesus
c. Inilalarawan ang isang patotoo na handa siyang sumunod sa Panginoong Jesus

Conclusion: Tunay ngang mahalaga ang bautismo anupat inilalarawan ito bilang pampublikong
simbolo ng pagsunod sa Panginoon. Ito ay isang outward expression o patotoo na siya ay naging
Kristiyano na.
Text: Romans 6:3-4
Theme: BAUTISMO… NAKAKAPAGLIGTAS BA?

Introduction: Mahalaga ang bautismo bilang isang representasyon ng isang mananampalatayang


isinuko ang buhay sa Panginoong Jesus. Subalit, may isang tanong na marapat nating mapag-
isipan. Itinuturo ba ng Kasulatan na makakapagligtas ng kaluluwa ang bautismo? Tingnan natin.

I. Ang bautismo ay isang paglalarawan lamang


a. Ang bautismo sa tubig ay naglalarawan sa atin ng panloob na karanasan
b. Ang bautismo sa tubig ay simbolo ukol sa espirituwal na pangyayari
II. Ang bautismo ay hindi kasama sa mensahe ng ebanghelyo
a. Kung ang bautismo ay kasama sa requirement para maligtas ang tao, bakit
nakasaad sa kasulatan na ang isang magnanakaw na kasama ni Kristo sa krus ay
nagsisi at nanampalataya sa Kaniya?
b. Work-based nang maituturing kung kasama ang bautismo sa kaligtasan
c. Ang Gospel ay may kinalaman sa ginawa ni Kristo, walang kinalaman sa atin
III. Ang Gospel ay tumutukoy kay Kristo, hindi sa bautismo sa tubig
a. Iniligtas mula sa biyaya ng Diyos (Ephesians 2:8-9)
b. Ang buhay na walang hanggan ay regalo (Romans 6:23)
c. Si Kristo lamang ang daan (John 14:6)

Conclusion: Bagamat ang bautismo ay mahalaga sa isang mananampalataya bilang patotoo na


siya ay talagang ligtas na, hindi nakakapagligtas ito. Ating alalahaning tanging kay Kristo
lamang matatagpuan ang kaligtasan, wala sa ating mga ginagawa.
WEDDING ANNIVERSARY SERMON

Text: Matthew 19:3-6


Theme: ANG KASAL AYON SA PANGINOONG JESUS

Introduction: Sa ating panahon ay hindi na iginagalang ng marami ang pagiging sagrado ng


kasal. Madalas ginagawang laro-laro na lamang ito at ineeksperimentuhan. Subalit, kung ang
isang tao ay nagsasabing Kristiyano, marapat na isaisip na ang kasal ay isang sagradong
kaganapan na kung saan ang lalaki at ang babae ay pinag-isa ng Diyos. Tingnan natin mismo ang
point of view ng ating Panginoong Jesus ukol sa kasal.

I. Ito ay tanda ng plano ng Panginoong Diyos


a. Plano na talaga ng Panginoon na ang lalaki at ang babae ay maikasal
b. Prangkahan ang sinabi na monogamous ang kasal, hindi polygamous
c. Direktang pinunto ni Kristo ang katotohanan ukol dito
II. Pinatotohanan ito kahit na sa moral law
a. Yamang ang Diyos ang moral Law Giver, ito ay absolute
b. Kahit sa biological aspect, pinatotohanan ang kahalagahan ng pagiging isa ng
lalaki at ng babae
c. Ang pamilya, sang-ayon sa plano ng Diyos, ay dapat binubuo ng ama, ng ina, at
ng anak
III. Pinatotohanan ng Panginoong Jesus
a. Sa paglatag ng passage sa Genesis, pinatotohanan ang historicity nina Adan at
Eva
b. Kung ano ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng mga tao
c. Hanggang sa pagkalagot ng hininga ang kasal

Conclusion: Kung ang sinuman na nagsasabing Kristiyano ay nananampalataya sa Panginoong


Jesus, maging aware siya na hindi laro ang kasal. Ito ay isang sagradong kaganapan na regalo
mula sa Panginoon. Kung ano ang sinabi Niya, ito ay absolute.
Text: Colossians 3:18-19
Theme: MAGMAHALAN (Mag-asawa Edition)

Introduction: Bilang mag-asawa, ipinapaalala na ang Diyos ang nag-institute nito. Ang kasal ay
sagrado sa mata ng Panginoon. Sa pagkakataong ito, may payo ang Panginoon sa pamamagitan
ng mga sulat ni Apostol Pablo ukol dito.

I. SA ASAWANG BABAE
a. Magpasakop sa asawang lalaki
b. Mahalin ang asawang lalaki
c. Suportahan ang asawang lalaki lalo na sa pananampalataya
II. SA ASAWANG LALAKI
a. Mahalin ang asawang babae
b. Maging tapat sa awasang babae
c. Suportahan ang asawang babae lalo na sa pananampalataya
d. Huwag pagmalupitan ang asawang babae

Conclusion: Ipinapaalala sa Kasulatan ang kahalagahan ng samahan ng mag-asawa. Sa loob ng


buhay mag-asawa, kailangang ipaalala ng bawat isa na ang Diyos ang sentro ng pag-aasawa.
THANKSGIVING SERMONS

Text: I Thessalonians 5:18


Theme: IN EVERYTHING, GIVE THANKS

Introduction: Madaming marapat maipagpasalamat sa Panginoon. Pinagpala man o nasa isang


pagsubok, marapat lamang na maging mapagpasalamat sa Kaniya. Ngayon, ang malaking tanong
ay ito – maging mapagpasalamat ka pa ba sa Panginoon kahit ano pa ang mangyari?

I. Even in problems
 Naging thankful ka ba sa Lord kahit hindi pa nalulutas ang problems mo?
 Handa pa rin bang magpasalamat sa Panginoon kahit nasa gitna ng suliranin?
II. Even in unexpected situations
 Maraming unexpected happenings sa buhay, pero nagpasalamat pa rin ba sa
Panginoon?
III. Even in sickness
 May sakit ka o kaya injured, pero naisip bang magpasalamat sa Lord dahil Siya
ang Manggagamot?
IV. Even in disciplinary actions
 Aminin man o hindi, we have failures and mistakes in life
 Because of that, we were being disciplined
 Despite of that, nagpapasalamat pa rin ba sa Panginoon?
V. Even in persecution and threats
 Sa ibang bansa, uso ang persecution at threats dahil sa pagpapahayag ng Gospel,
and yet, they gave thanks to God
 Kung ikaw ang nasa ganoong sitwasyon, magiging mapagpasalamat ka pa rin ba
sa Diyos?

Conclusion: Bukod sa pagkakaroon ng kagalakan at patuloy na pagdarasal, ipinapahayag ng


Kasulatan na ugaliing maging mapagpasalamat, nasa blessings man o nasa trials. Ibigay ang
papuri at pasasalamat sa Kaniya anuman ang mangyari.
Text: Philippians 4:6-7
Theme: DON’T WORRY; GIVE THANKS

Introduction: Isinulat ni Pablo ang sulat na ito para sa mga taga-Filipos nang siya ay nasa
kulungan. Take note that he was in prison and yet he wrote an encouragement letter. Sa
pagkakataong ito, ano ang ipinayo niya sa mga Kristiyano?

I. Huwag mabalisa sa anumang bagay


a. Kung may ipinag-alala ka man, ipagkatiwala sa Diyos
b. Alam ng Panginoon kung ano ang situations sa buhay mo
c. Bakit ka ba nag-aalala sa araw ng bukas gayong may Diyos na magkakaloob ng
II. Manalangin
a. Mag-pray, hindi lang sa okasyon
b. Mag-pray, hindi lang sa kailangan lang
c. Mag-pray, hindi lang sa may problema ka
d. Mag-pray araw-araw, oras-oras
III. Manatili sa presence ng Lord
a. Sa presence ng Lord, may kapayapaan
b. Sa presence ng Lord, may kalayaan
c. Sa presence ng Lord, may kagalingan
d. Maghari ang peace ng Diyos sa puso at sa isip
IV. Maging mapagpasalamat sa Panginoon
a. Sa lahat ng oras, magpasalamat sa Diyos
b. Sa pagpapala, magpasalamat sa Diyos
c. Hindi pa man natutupad ang dalangin ngunit maging mapagpasalamat sa Diyos
d. Anuman ang sitwasyon sa buhay, magpasalamat sa Diyos

Conclusion: Anuman ang sitwasyong ating nararanasan sa buhay, maging mapagpasalamat sa


Diyos. Huwag mag-alala anuman ang suliraning ikinakaharap. Patuloy na manalangin. Bukod pa
rito, patuloy na magpasalamat sa Panginoon at maghari ang Kaniyang kapayapaan sa bawat isa.

You might also like