You are on page 1of 3

Mary Rose Tabac, Carol Pestillos, 12 – Lanzones

Cristine Paigan, Isabela Licame

Pagpapagawa ng Gulayan

I. Panimula
Sa probinsya ng Camiguin, lungsod ng Sagay, baranggay Bugang,
matatagpuan ang malawak at masaganang lupain na siyang itinuturing
bilang isang pamayanang agrikultural dahil likas sa masaganang lupa at
malinis nitong tubig mula sa sapa na naroroon sa lugar. Bagama't
mayaman sa yamang tubig at lupa, may mga suliranin pa ring umiiral at
kasalukuyang kinakaharap ng mga taong naninirahan dito.
Isa sa mga problemang kinakaharap ng lugar ay ang malnutrisyon sa
kabataan. Ang kakulangan sa sapat na pagkain at wastong nutrisyon ay
nagdudulot ng iba't ibang problema sa kalusugan, lalo na sa mga bata at
mamamayan. Ito ay dahil sa mga lupang hindi napapakinabangan sapagkat
kulang sa tamang kagamitan at kaalaman sa pagtatanim na nagiging
hadlang para sa mga tao na magkaroon ng sariling tanimang
pangkabuhayan at pang pangangailangan.
Dahil dito, nangangailangan ang baranggay ng isang malawak na
gulayan o taniman upang makakuha ng mga sariwang gulay na
makapagbibigay ng sapat na pangangailangan sa pagkain ng mamamayan.
Kung ito ay maipatayo, tiyak na malulutas ang problema sa kalusugan at
magkakarooon ng sapat na nurisyon ang mga kabataan at mamamayang
naninirahan sa lugar. Higit sa lahat, ito'y isang paraan din para sa mga tao
na matutunan ang mga tamang pamamaraan ng pagtatanim at
mapakinabangan ang bakanteng lupa sa kanilang bakuran. Kailangan
maisagawa ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at
kalusugan ng mga mamamayan. Sa ganitong paraan, ang proyekto ay hindi
lamang nagbibigay ng pangkasalukuyang solusyon, ngunit nagbibigay din
ng pangmatagalang benepisyo para sa komunidad.

II. Layunin:
Makapagpapagawa ng gulayan upang mapaigting ang sistema ng
agrikultura na makatutulong sa mga mamamayan maging sa kabataang
kulang sa nutrisyon. Sa pamamagitan nito, matitiyak na may makukuhang
libreng nutrisyon ang mga mamamayan sa susunod na mga buwan. Sa
pagpapatayo ng gulayan ay hindi lamang upang magkaroon ng sariwang
gulay na maaaring kainin ng pamilya. Ito rin ay isang magandang paraan
upang matuto ang mga mamamayan sa kasanayan sa pagtatanim at
pangangalaga ng halaman. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay ng oportunidad
para sa atin na maging mas malapit sa kalikasan. Higit sa lahat, ito ay
isang mahusay na paraan upang makatulong sa ating komunidad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sariwang gulay sa mga nangangailangan.

III. Plano na Dapat Gawin


A. 1. Magpunta sa barangay at sabihin sa mga opisyal ang naturang
plano, ipaliwanag nang mabuti kung para saan at para kanino ang
planong ito. (Isang araw)
2. Pagpunta sa agriculture office upang ipaalam ang plano at humingi ng
suporta sa planong gagawin. (Isang araw)
3. Magkaroon ng barangay assembly upang ipaalam sa mamamayan.
(Isang araw)
4. Pagbisita sa lokasyon ng lupaing pagtataniman ng gulayan. (Isang
araw)
5. Hikayatin ang mga mamamayan na sumali sa gagawing pahina.
6. Gagawin lamang ang pahina sa loob ng limang araw at limang araw
naman ang ilalaan sa pagtatanim, paglalagay ng mga tubo para sa
irigasyon ng tubig para sa mga gulay at pagpapatayo ng bakod.
(Sampung araw lahat)

B. BADYET
MGA GASTUSIN HALAGA
1. Pamasahe 30 pesos x 4 person = 120
pesos
2. Snacks 500 pesos per day x 10
days = 5,000 pesos
3. Lunch 1,000 pesos per day x 10
days = 10,000
4. Kawayan 700 pesos pakyaw x 3
labor men = 2,100
5. Fishing nylon (150 lbs) 105 pesos x 5 packs = 525
pesos
6. Chicken net (500m) 1,095 x 3 packs = 3,205
7. Gasoline engine water pump 4,999 pesos x 1 = 4,999
pesos
8. Plastic mulching film (2.65ft. x 815 pesos x 2 rolls =
500m) 1,630 pesos
9. PVC pipe (1 [32mm] x 100m) 4,050 pesos x 1 = 4,050
pesos
TOTAL: 31,709 pesos
IV. Konklusyon
Ang pagpapatayo ng gulayan na ito ay malaki ang pakinabang, hindi lang
sa pagpapaigting ng agrikultura at pagbigay kabuluhan sa masaganang
lupain ng baranggay, kundi pati na rin sa mga mamamayan. Ang
programing ito ay para sa mga batang may kulang sa nutrisyon upang
mabigyan sila ng wasto at libreng pagkain. Hindi lang din para mga
kabataan ang gulayan kundi pati na rin sa mga pamilyang ito lamang ang
kayang lapitan.

You might also like