You are on page 1of 8

ANG DULA UKOL SA INTELEKTUWAL

NA PAG-IISIP
TAUHAN:
MA’AM: SAMMATHA – TEACHER: WARD

KIERRA- STUDENT: LINDSAY

LUNA-STUDENT: SHANTY

HANNAH-STUDENT: REIGN

EASTON-STUDEN: KING

ELYSE- KAPATID NI EASTON: JESSIE

ERIANA- MAMA NI EASTON AT ELYSE: ASHLEY

ACE- TATAY NILA EASTON AT ELYSE: CLINT

AUTHOR: SHIELA AND BOLVAR

LUGAR:
-SCHOOL

-TAHANAN NILA LEO

TOPIC
-KUNG PAPAANO MO MAS MAIBABAHAGI SA IBA ANG
INTELEKTUWAL NA PAGPAPAKATAO AT PAGIISIP AT KUNG
PAPAANO MO PA ITO MAGPAGLALALIM SA PAMAMAGITAN NG
PAGBABAHAGI NITO SA MGA NAKAPALIGID SAYO.
START…
SHIELA: NOONG UNANG PANAHON SA PAARALAN NG SAN JOSE DEL
MONTE NATIONAL HIGH SCHOOL, MAY APAT NA MAG KAKAIBIGANG
ESTUDYANTE NA TAIMTIM NA NAKIKINIG SA KANILANG GURO…

MA’AM SAM: OKAY CLASS ATING PAG-AARALAN ANG PATUNGKOL


SA INTEKTUWAL. ANG INTELEKTUWAL AY ISANG SALITANG
GINAGAMIT UPANG ILARAWAN ANG ISANG TAO NA SIYANG
MAYROONG MATAAS NA LEBEL O ANTAS NG TALINO. ANG ISANG
INTELEKTUWAL NA TAO AY MAYROONG KAKAYAHAN NA
UMUNAWA NG MGA KOMPLIKADONG BAGAY O MAS KILALA RIN
BILANG ANG TAONG MAYROONG MATALINONG PAGPAPASYA AT
MAINGAT SA KANYANG MGA GINAGAWANG DESISYON.

LUNA: MA’AM ANG IBIG SABIHIN PO BA NITO AY ANG TAONG MAY


INTELEKTUWAL NA PAGIISIP AY MAY MAS MATAAS NA LEBEL NG
PAGPAPASYA?

MA’AM SAM: GANON NA NGA, AYON SA PAG AARAL ANG TAONG


MAY INTELEKTUWAL NA PAGIISIP AY MAS NAKAKATIMBANG ANG
PAG IISIP SA MGA KOMPLIKADONG PANGYAYARI O MAS KILALA
BILANG TAONG NAGTATAGLAY NG TALINO AT MAINGAT NA
PAGPAPASYA.

KIERRA: IBIG SABIHIN PO BA NITO AY LABIS NA MAHALAGA ANG


PAGKAKAROON NG INTEKTUWAL NA PAG IISIP?
MA’AM SAM: GANON NA NGA, SAPAGKAT ANG PAGKAKAROON NG
GANOONG PAG IISIP AY MAS MAKATUTULONG SA IYONG MGA
SULINARIN SAPAGKAT ANG PAGKAKAROON NON AY
MAKATUTULONG SAIYO NA GUMAWA NG TAMA AT MAINGAT NA
PAG PAPASYA.

BOLVAR: AT NAGPATULOY NA ANG KANILANG GURO SA


PAGKAKLASE…HANGGANG SA UWIAN NA NGA NG MGA BATA…

MA’AM SAM: AT DITO NA NAGTATAPOS ANG ATING PAGTALAKAY


SA INTELEKTUWAL NA PAG-IISIP PERO BAGO TAYO UMUWI NAIS
KONG GUMAWA KAYO NG MGA PARAAN KUNG PAPAANO NINYO
MAS MAPAPALALIM O MAPAPALAGOM, MAIBABAHAGI AT
MAISASABUHAY ANG INTELEKTUWAL NA PAGIISIP.

LAHAT NG ESTUDYANTE: OKAY PO MA’AM SAMMATHA.

SHIELA: NAG PAALAM NA ANG GURO SA KANYANG MGA


ESTUDYANTE…MASAYANG LUMABAS NG PAARALAN ANG MGA
ESTUDYANTE…HABANG NAGLALAKAD SILA EASTON AT HANNAH,
BIGLANG NAGTANONG SI HANNAH SA KANYANG KAIBIGAN NA SI
EASTON.

HANNAH: ANG DAMI KONG NATUTUNAN NGAYON, PERO TEKA


PAANO BA NATIN MAS MAPAPALALIM ANG ATING INTELEKTUWAL
NA PAGIISIP? SA TINGIN MO EASTON?
EASTON: YAN HINDI KA KASI NAKIKINIG KAY MA’AM, YARI KA
TALAGA PERO AYON SA AKING NAINTINDIHAN MAS MAPAPALALIM
NATIN ANG ATING INTELEKTUWAL NA PAGIISIP SA PAMAMAGITAN
NG PAGBABAHAGI NATIN SA IBA NG KUNG PAPAANO TAYO
NAKAGAWA NG MATALINO AT MAINGAT NA PAGPAPASYA SA
PANAHON NG ATING PROBLEMA, HINDI NAKO MAKAPAGHINTAY NA
MAIBAHAGI ETO SA AKING KAPATID NA SI ELYSE.

HANNAH: AHH GANON BA, SIGE THANK YOU EASTON.

BOLVAR: MAKALIPAS ANG ILANG ORAS NAKA-UWI NA ANG MGA


ESTUDYANTE PATI NARIN SI EASTON… MASAYANG PUMASOK SI
EASTON SA KANILANG TAHANAN AT MASAYA RIN SIYANG
SINALUBONG NG KANYANG MAGULANG NA SILA ACE AT ERIANA

ERIANA: MASAYANG MASAYA ATA ANG ANAK KO NGAYON AH,


BAKIT ANONG MERON HA?

ACE: MAY NAGUGUSTUHAN KA NABA SAINYONG SCHOOL ANAK?

EASTON: WALA PO NO, MAY NAIS LANG PO AKONG IBAHAGI KAY


ELYSE, ASAN NA PO PALA SIYA?

ERIANA: NASA KANYANG KWARTO NAG CE-CELLPHONE

EASTON: GANON PO BA, SIGE PO MAUNA NAPO AKO


ACE: SIGE NAK, TATAWAGIN NA LANG NAMIN KAYO PAG KAKAIN
NA.

EASTON: OPO ITA’Y

SHIELA: MASAYANG UMAKYAT SA SILID NG KANYANG KAPATID SI


EASTON AT MASAYA NIYA ITONG TINAWAG….

EASTON: ELY! ELY! MAY BALITA AKO SA IYO, ASAN KA NABANG


BATA KA?

ELYSE: ANO BA IYON KUYA, APAKA INGAY MO NAMAN PO.

BOLVAR: PUMASOK SI EASTON SA SILID NG KANYANG KAPATIN AT


NA UPO ITO SA KAMA KAHARAP ANG KANYANG KAPATID

EASTON: AND DAMI KONG NATUTUNAN NGAYON, TAPOS ALAM MO


BA-

ELYSE: HINDI PA KUYA.

EASTON: IKAW TALAGA, APAKA PILOSOPO MO TALAGANG BATA.

ELYSE: JOKE LANG NAMAN YUN KUYA, ANO NABA ANG IYONG
SASABIHIN?
EASTON: PERO ETO NA NGA, ANG DAMI KONG NATUTUNAN
PATUNGKOL SA INTELEKTUWAL NA PAG IISIP NG TAO AT KUNG
PAPAANO ITO MAPAGLALALIM O MAS MAPAPAHALAGA PA.

SHIELA: NAG PATULOY SA PAG KUKWENTO ANG BATANG SI EASTON


SA KANYANG KAPATID NA SI ELYSE NA TAIMTIM NA NAKIKINIG SA
KANYANG KUYA, HANGGANG SA TINAWAG NA SILA NG KANILANG
MAGULANG UPANG KUMAIN NA, SABAY NA BUMABA ANG
MAGKAPATID AT PUMUNTA SA HAPAG KAINAN, AT SABAY SABAY
SILANG KUMAIN, NAG DASAL ANG PAMILYA BAGO KUMAIN AT
MASAYANG NAG KUWENTUHAN HABANG KUMAKAIN. KINA
BUKASAN MASAYANG PUMASOK SI EASTON SA PAARALAN.
HANGGANG SA MAKARATING ANG KANILANG GURO

MA’AM SAM: MAGANDANG UMAGA.

LAHAT NANG ESTUDYANTE: MAGANDANG UMAGA RIN PO MA’AM


SAM.

MA’AM SAM: NAGAWA NIYO BA ANG INYONG TAKDANG ARALIN?

LAHAT NANG ESTUDYANTE: OPO MA’AM SAM

MA’AM SAM: MAGALING KUNG GANON, MA UPO NA ANG LAHAT AT


ISA- ISA KO KAYUNG TATAWAGIN UPANG SABIHIN ANG INYONG
PARAAN NG PAGPAPALALIM AT PABABAHAGI SA IBA NG
INTELEKTUWAL NA PAG IISIP.
BOLVAR: NA-UPO NA ANG LAHAT AT NAG SIMULA NG MAG TAWAG
ANG GURO

MA’AM SAM: EASTON IKAW ANG MAUNA, TUMAYO KA AT PUMUNTA


SA HARAPAN,BASAHIN MO ANG IYONG GINAWA SA HARAPAN.

EASTON: OKAY PO MA’AM, SI KATE AY MAYROONG INTELEKTUWAL


NA PAG-IISIP KAYA MAS NAPAPADALI NIYA NABIBIGYAN NG
AKSYON ANG KANYANG MGA SULIRANIN AT HINDI SIYA
NATATAKOT NA IBAHAGI ITO SA IBA.

MA’AM SAM: MAGALING EASTON, OKAY PWEDE KA NANG MAUPO,


OKAY NEXT IKAW NAMAN HANNAH.

HANNAH: MARAMI NG NAGAWANG MAGANDANG DESISYON SI ANNA


SA KANYANG MGA PROBLEMA AT DAHIL DOON AY MARAMING
HUMAHANGA SA KANYA AT NAIS RING MATUTUNAN AT MA
PAGLALIM PA LALO ANG INTELEKTUWAL NA PAGIISIP.

MA’AM SAM: MAGALING HANNAH, OKAY PWEDE KA NANG MAUPO,


OKAY NEXT IKAW NAMAN KIERRA.

KIERRA: MASAYANG BINABAHAGI NI KAYE ANG KANYANG MGA


NATUTUTUNAN SA IBA LALO NA ANG KAHALAGAHAN NG
INTELEKTUWAL NA PAG IISIP AT KUNG PAPAANO ITO MAS
MAISASABUHAY.

MA’AM SAM: MAGALING KIERRA, OKAY PWEDE KA NANG MAUPO,


OKAY NEXT IKAW NAMAN LUNA.

LUNA: DAHIL SA PAGKAKAROON NI JACE NG INTELEKTUWAL NA


PAG IISIP MAS NAPADALI NIYANG NALUTAS ANG KANYANG
SULIRANIN AT IBINAHAGI NIYA PA ITO SA KANYANG PAMILYA AT
SA MGA TAONG NASA KANYANG PALIGID, AT MAS PINAINTINDI SA
KANILA ANG HALAGA NITO.

MA’AM SAM: MAGALING LUNA, OKAY PWEDE KA NANG MAUPO,


OKAY NEXT.

SHIELA: NAG TAWAG PA ANG GURO NG IBANG ESTUDYANTE AT


MAYA MAYA PA AY NAGTURO NA ANG GURO NG IBA’T IBANG ARAL
O BAGONG LESSON, NATAPOS NARIN ANG KANILANG KLASE
MASAYANG NAGLIGPIT NG GAMIT ANG MGA ESTUDYANTE AT
NAGDASAL, NAG PAALAM NA RIN ANG GURO SA KANYANG MGA
ESTUDYANTE AT UMUWI NA SILANG LAHAT…

DITO NAGTATAPOS ANG DULA NG INTELEKTUWAL


NA PAG-IISIP.

You might also like