You are on page 1of 12

Asignatura Araling Panlipunan PANALANGIN BAGO ARALIN AT SAGUTAN ANG

Baitang 5 LEARNING PACKET


Markahan Unang Markahan Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Guro Bb. Elmira N. Niadas
Amang mapagmahal bilang siyang tunay na pinagmumulan ng liwanag
Learning
1 at karunungan, idulot Mo sa amin ang pagpapala ng pag-unawa, ng
Packet No.
karunungan, at kalinawan ng isip para lubos naming maintindihan at
Unang Linggo
Linggo at Petsa maunawaan ang mga araling dinisenyo ng aming mga guro.
(Aug. 30 – Sept. 3, 2021)
Mga Paalala sa mga Magulang / Nang may lubos na pagmamahal at pagkalinga, dumadalangin kami sa
Tagapangalaga: Iyo na patuloy Mong hilumin ang aming bayan laban sa pandemyang
• Ang tagumpay ng LHP at ng pag-aaral ng aming kinakaharap, patuloy Mo kaming ingatan at huwag pabayaan sa
iyong anak ay nakasalalay sa kabila ng hindi namin pagiging angkop na Iyong mga anak.
pakikipagtulungan sa pagitan ng guro ng Panginoon, patuloy Mo kaming gawing lingkod Mo ng maging lingkod
iyong anak at ikaw bilang magulang/ din kami sa iba, patuloy Mo kaming gawing mapagmahal ng maging
tagapag-alaga. Mangangailangan ito mula sa mapagmahal kami sa iba at patuloy Mo kaming gawing mahusay sa
iyo ng mas malaking tulong pakikilahok sa aming mga larangan ng makapagbahagi kami ng kagalingan sa iba.
kanilang pag-aaral.
Ito ay samo’t dalangin namin sa Iyong banal na pangalan, kasama ng
• Dapat na maunawaan ng mga bata na ang
Iyong bugtong na anak si Hesukristong aming Panginoon, kasama ng
pag-aaral sa LHP ay tulad rin ng pag-aaral
Espiritu Santo. Magpasawalang hanggan. Amen.
sa paaralan ngunit nangyayari sa inyong
tahanan. San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami!
• Ang Learning Packet na ito ay Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
kokolektahin ng mga kawani ng paaralan
tuwing Biyernes.

YUNIT 1
ANG PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO
UNIT MAP
Sa yunit na ito, matututunan mo ang mga sumusunod na aralin:
Aralin 1: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa
Aralin 2: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan at Teorya ng pagkabuo ng Pilipinas

Bago ka magsimula sa ating, sagutan mo muna ang Paunang Pagtatasa sa ASSESSMENT SHEETS.

Aralin #1: ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA


Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1.maibigay ang lokasyon ng Pilipinas

Nilalaman ng Aralin:
Isang maligayang pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikalimang Baitang! Noong nasa Ika-apat na Baitang ka,
napag-aralan mo ang pagpapahalaga sa pambansang pagkakakilanlan at ang mga kontribusyon ng bawat
rehiyon sa paghubog ng kulturang Pilipino at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan sa heograpiya,
pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang
Pilipinas.
Sa aralin na ito ay mauunawaan mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan
sapagkat may kinalaman ito sa paghubog ng kasaysayan at kabihasnan sa iba’t ibang aspeto ng kultura,
pamahalaan, relihiyon, sining, ekonomiya, at maging ang hinaharap ng mga tao at bansa sa daigdig.

Mga Pangunahing Katangian ng Daigdig


Ang daigdig ay ang ikatlong planeta mula sa araw at ang ikalima sa pinakamalaking planeta sa ating sistemang
solar. Ayon sa mga siyentipiko, ang daigdig ay mahigit-kumulang 4.5 bilyong taon na. Ang daigdig ay bukod
tangi sa lahat ng mga planeta sa ating sistemang solar dahil ito lamang ang napatunayang kayang magpanatili
ng buhay. Kung kaya naman, ito ang planetang nagisilbing tahanan ng sangkatauhan.
Sukat at Hugis ng Daigdig

FOR PRIVATE USE ONLY Page 1 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
Ang daigdig ay ang pinakamalaki sa mga planetang terrestrial o mga planetang gawa sa bato. Ang
circumference nito sa bahaging ekwador ay mahigit 40,000 kilometro. Ang daigdig ay hugis oblate-spheroid.
Hindi ito perpektong bilog dahil ang pag-ikot ng daigdig sa kaniyang axis ay nagdudulot na lumapad ito sa
bahaging ekwador. Mas malapad ang diameter ng daigdig sa bahaging ekwador na may sukat na 12,756 km
kaysa sa diameter ng daigdig mula sa hilagang polo hanggang sa timog polo (12,714km).
Ang haba ng isang taon sa daigdig ay mahigit 365 araw. Ang haba ng taon ay batay sa tagal ng pag-ikot nito sa
araw. Ang haba ng isang araw ay 24 oras at batay naman ito sa tagal ng pag-ikot ng mundo sa kanyang axis.
Ang mundo ay nakatagilid sa kanyang axis nang 23.5 digri. Dahil sa pagiging tagilid nito, nakatatanggap ng
magkaibang dami ng sikat ng araw ang iba’t ibang bahagi ng mundo depende sa kung nasaan ito sa kaniyang
pag-ikot sa araw.

Pagtukoy ng Lokasyon ng Pilipinas


Tiyak na Lokasyon (Absolute) – Ang pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng
longitude at latitude o paggamit ng sistemeng grid. Ang tiyak na lokasyon ng isang bansa ay karaniwang
itinatakda sa pagtiyak ng eksaktong lokasyon ng kabisera nito sa pamamagitan ng longitude at latitude (Hal.
Ang Manila, Pilipinas ay nasa pagitan ng latitude 15° Hilaga at longitude 121° Silangan). Samantala, ang lawak
na nasasaklaw ng isang bansa sa pamamagitan ng mga distansyang longitude at latitude ay tinatawag na lawak
na heograpikal o (geographical extent). Halimbawa, ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng mga latitude
4°23 at 21°25 Hilaga sa pagitan ng longhitude 116°00 at 127°00 Silangan.

Relatibong Lokasyon (Relative/vicinal) – Ang lokasyong relative o bisinal ng isang lugar ay matutukoy sa
pamamagitan ng mga nakapaligid na hangganang lupain o mga katubigang nakapaligid dito. Tinatawag na
FOR PRIVATE USE ONLY Page 2 of 11 | Learning Packet # 1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
relative na lokasyong kontinental ang mga lugar na lubusang napaliligiran ng mga lupain. Samantalang,
tinatawag na relatibong lokasyong maritima ang mga lugar na lubusang napaliligiran ng katubigan. Para sa mga
lugar na parehong may hangganang lupain at dagat. Ang lokasyong relatibo ay ibinibigay sa pamamagitan ng
mga lupain at anyong-tubig na pumapalibot sa lugar na iyon. Halimabawa, ang lokasyong bisinal sa Pilipinas ay
maaari natin sabihing, sa hilaga ng bansa ay matatagpuan ang Bashi Channel at Taiwan; sa kanluran ay ang
Dagat Timog Tsina at mga bansang Laos, Cambodia at Vietnam; sa timog kanluran ay ang Borneo; sa timog ay
ang Dagat Celebes at pulo ng Sulawesi; at sa silangan ay ang malawak na Karagatang Pasipiko.

Mahahalagang Guhit o Linyang Makikita sa Mapa at Globo

Ito ang globo, ang globo ay isang kopya o modelo ng mundo.


Makikita natin sa globo ang laki at lawak ng mga iba’t ibang lugar sa
mundo. Gayundin ang mga bahaging lupa at tubig.
Ano pa ang nakikita mo sa globo? May mga guhit, hindi ba?

Sa pag-aaral na iyong gagawin, matututuhan mo kung bakit inilagay


ang mga guhit sa globo.

Ano-ano kaya ang mga guhit na makikita sa globo?

Ang Ekwador at mga Polo


May mga guhit ang globo at mapa. Inilagay ang mga guhit na ito upang higit nating maunawaan ang mundo.
Ang mga guhit na ito ay likhang-isip lamang. Hindi ito makikita sa tunay na mundo ngunit mahalaga ito upang
mas madali nating matukoy ang eksaktong kinalalagyan ng bawat lugar sa mundo.
Suriin ang krokis (sketch) sa ibaba.

Ekwador – ang tawag sa pabilog na guhit sa gitna. Hinahati nito ang globo sa dalawang magsinlaking bahagi.
Ang bahagi namang nasa itaas ng ekwador ay tinatawag na Hilagang Hatingglobo (Northern Hemosphere)
Samantalang ang bahagi namang nasa ibaba ng ekwador ay tinatawag na Timog Hatingglobo (Southern
Hemosphere). Matatagpuan ang ekwador sa 0 latitud.
Ang bawat hati ang globo ay tinatawag na hatingglobo. Hilagang hatingglobo ang tawag sa bahaging nasa
hilaga ng ekwador. Tinatawag namang Timog hatingglobo ang bahaging nasa timog ng ekwador.
Makikita naman sa magkabilang dulo ng mundo ang mga polo. Polong hilaga ang tawag sa polong nasa hilaga.
Ito ang pinakamalayong lugar sa hilaga ng ekwador. Ang polong nasa timog ay tinatawag na Polong timog. Ito
ang pinakamalayong pook sa timog ng ekwador.

May iba pang guhit na pahalang sa globo. Ang mga guhit na ito ay kaagapay ng ekwador. Ito ang mga guhit
latitud.
Tinatawag ding mga parallel ang mga guhit latitud.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 3 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
Ang mga parallel o guhit latitud ay mga guhit na pabilog. Sa mga guhit na pabilog, and ekwador ang
pinakamalaking bilog. Ang tuldok sa polong hilaga at polong timog ang pinakamaliit. Mapapansin na ang mga
guhit na ito ay papaliit habang papalayo sa ekwador.

Ang mga guhit latitude o parallel ay matatagpuan sa magkabilang panig ng ekwador. Ang mga guhit na nasa
hilaga ng ekwador ay tinatawag na hilagang guhit latitud. Ang mga guhit sa dakong timog ng ekwador ay
tinatawag na timog guhit latitud.
Ang mga guhit na ito ay pawang nasa isip lamang. Inilagay ang mga ito sa globo at mapa upang makatulong sa
paghanap ng isang lugar.
Pag-aralan mo ang krokis ng globo sa ibaba.

Ang ekwador ay may bilang na 0°. Papataas ang digri ng mga


guhit latitud o parallels habang papalayo ito sa ekwador.
Ang layo ng Polong Timog at Polong Hilaga mula sa ekwador
ay 90°.
Ang digri ng latitud ang nagsasabi kung gaano kalayo ang isang
lugar sa hilaga o timog ng ekwador.
Sa pagsulat ng digri ng latitud, ang Hilaga (H) o Timog (T) ay
idinaragdag upang masabi kung ang lugar ay matatagpuan sa
hilaga o timog ng ekwador. Hal. 15° H latitud o 15° Timog
latitude.

Guhit Longhitud o Meridian


Ang mga guhit longhitud o meridian ay mga patayong guhit mula sa hilaga patungong timog at nagtatagpo sa
mga polo. Tulad ng ekwador at parallels o guhit latitud, ang mga meridian o guhit longhitud ay mga guhit na
nasa isip lamang. Hindi ito matatagpuan sa mundo. Inilalagay ito sa globo upang maging madali ang paghanap
ng kinalalagyan ng mga lugar. Tulad ng parallels, ang meridian ay nasusukat sa digri (°).
Tingnan ang krokis. Ito ang anyo ng globo kung titingnan mula sa Polong Hilaga.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 4 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
Ang mundo ay bilog. Ang bilog ay may kabuuang 360°. Kung hahatiin ito sa dalawang bahagi, ang kalahati nito
ay may sukat na 0° hanggang 180°. Sa globo, ang Zero Meridian (0°) o unang guhit longhitud ay tinatawag na
Prime Meridian. Ang guhit na ito ay dumaraan sa Greenwich, na nasa Timog Silangan ng London, England.
Sa Prime Meridian (0°) nagsisimula ang pagbilang pakanan hanggang International Date Line na nasa 180°
meridian.

Ang digri longhitud ay nagsasabi ng layo ng isang lugar pakanluran o pasilangan mula sa Prime Meridian.
Ilagay ang kanang hintuturo sa Prime Meridian (0°). Igalaw ito nang pakanan hanggang International Date
Line o 180°. Ang bahaging ito ng mundo ang Silangan.
Ibalik ang hintuturo sa Prime Meridian (0°). Igalaw ito nang pakaliwa hanggang sa International Date Line
(180°). Ang bahaging ito ang kanluran.
Ang Prime Meridian ang nagsisilbing batayan sa pagsasabi ng layo ng isang lugar pasilangan o pakanluran.

Sanggunian:
Mendoza, M. A. (2019, August 1). Mga Pangunahing Katangian ng Daigdig. [PDF FILE] Slideshare.Net. Retrieved from
https://www.academia.edu/39982340/Mga_Pangunahing_Katangian_ng_Daigdig
Learning Resources - DepEd San Carlos City Division. (2016). Deped.Gov.Ph. Retrieved from
https://sites.google.com/a/deped.gov.ph/depedsancarlos/learning-resources

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Para sa karagdagang kaalaman, maaaring panoorin ang video tungkol sa “Lokasyon ng Pilipinas” na nakasaved
sa iyong flash drive.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa ating aralin. Sagutan ang Gawain 2 sa ASSESSMENT SHEET/S.

Aralin #2: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan at Teorya ng pagkabuo ng Pilipinas
Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. maipaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa a. Teorya (Plate Tectonic Theory) b. Mito c. Relihiyon
1. masusuri ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino; at
2. maipagmamalaki ang marangal na pinagmulan ng lahing Pilipino

Nilalaman ng Aralin:
Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas
Ang aralin na ito ay isinulat at idinisenyo upang makatulong sa iyo na magkaroon ng sapat na kaalaman upang
mabatid ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa iba’t ibang teorya. Halika ka na at atin itong pag-aralan.

Ang Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teorya


Teorya ang tawag sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong
pamamaraan ng pananaliksik. Ang Teorya ng Plate Tectonic ay inuugnay sa pinagmulan ng kapuluan ng
Pilipinas. Ipinapaliwanag ng teoryang ito ang paggalaw ng kalupaan. Ayon dito, ang crust ay nahahati sa
malalaki at makakapal na tipak ng lupa na tinatawag na tectonic plates. Dulot ng paikot na paggalaw ng init sa
ilalim ng mga tectonic plates ay napapagalaw rin ang mga ito, palayo, pasalubong, at pagilid sa isa’t-isa. Ang
ganitong paggalaw ay naging sanhi ng pagkakabaluktot ng plato. Nagkaroon ng guwang sa pagitan nito na
siyang lumikha ng mga malalim na bahagi ng karagatan (trenches) at pag-angat ng ilang bahagi ng plato. Ang
paggalaw ng init ng atmosphere ang nagdudulot ng paggalaw ng tectonic plate. Naging sanhi rin ito ng

FOR PRIVATE USE ONLY Page 5 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
matinding lindol at malalakas na pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan. Ang mga volcanic material na
ibinuga ng mga bulking ito ay unti-unting naipon at naging mga pulo at lupain sa ibabaw ng dagat.

Ang Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Mito

Mito o mitolohiya ay kumpol ng mga tradisyunal


na kwento na binubuo ng isang particular na
relihiyon o paniniwala. Isang palasak na kuwento
mula sa Luzon ang nagsabi na wala pang nilikha sa
daigdig kundi ang langit, dagat, at isang uwak na
lilipad-lipad na naghahanap ng matutuntungan sa
lawak ng karagatan. May ilang nagsasabi naman na
ang Pilipinas ay nabuo dahil sa tatlong higante na
naglaban. Ang
Pinagmulan ng
Pilipinas batay sa Relihiyon

Relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang


paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na Laging
nag-uugnay sa sangkatauhan sa espiritwalidad man ang tandaan
na paniniwala ng mga Muslim at Kristyano ngunit parehong may
naniniwala na ang kanilang sinasamba ang may likha sa iba-iba
mundo at kabilang na rito ang Pilipinas. tayong
batayan sa pinagmulan ng Pilipinas.
Alin man sa mga ito ay nanatili pa ring malaking katanungan ang tungkol sa pinagmulan ng daigdig at n gating
bansa. Nasa sa atin kung alin an gating paniniwalaan.

Sanggunian:
Alto, J. (2014, July 22). Teorya ng Pinagmulan ng Unang Pilipino. [PPT] Slideshare.Net. Retrieved from
https://www.slideshare.net/mym-pim/teorya-ng-pinagmulan-ng-unang-pilipino
Araling Panlipunan 5: Pinagmulan ng Pilipinas. (2020, August 6). YouTube. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=5ARL0vNdaMA

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Para sa karagdagang kaalaman, maaaring panoorin ang video tungkol sa “Teoryang Pinagmulan ng
Pilipinas” na nakasaved sa iyong flash drive.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa ating aralin. Sagutan ang Gawain 3 sa ASSESSMENT SHEET/S.
FOR PRIVATE USE ONLY Page 6 of 11 | Learning Packet # 1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
Aralin #3: ANG PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS
Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. masuri ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino; at
2. maipagmalaki ang marangal na pinagmulan ng lahing Pilipino

Nilalaman ng Aralin:
Naaalala mo pa ba ang tanong na “Sino ako?”, Sino ako bilang Pilipino? Saan ako
nagmula? Saan ako nanggaling? Isa sa pagkakakilanlan mo ay kabilang ka sa Lahing
Pilipino. Alam mo ba ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa kapuluan ng Pilipinas?
Tara! Alamin natin.

Iba’t ibang paliwang sa pinagmulan ng unang pangkat ng tao na naninirahan sa Pilipinas:


 Teorya (Austronesyano)
 Mito (Luzon, Visayas, at Mindanao
 Relihiyon

Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas batay sa Teoryang Austronesyano


Arkeologo ang tawag sa mga taong dalubhasa sa pag-aaral ng mga nakaraang sibilisasyon. Sinusuri nila ang
ano mang bagay o artefact na makikita at matiyagang bumubuo ng teorya sa paraan ng pamumuhay ng mga
dating populasyon ng tao. Antropologo naman ang tawag sa mga ataong dalubhasa at pinag-aaralan ang
pinagmulan, mga pagbabago at pag-unlad, mga katangian at ugaling katangi-tangi, at mga kultura, tradisyon ng
mga tao sa bawat bansa sa buong mundo.

“Ang mga taong nagsasalita ng wikang Austronesian ang ninuno ng lahat ng mga tao sa Timog-Silangang
Asya”.
--Peter Bellwood—

Naniniwala siya na ang Austronesian Miagration ang dahilan ng pagkakatulad sa kultura, wika at pisikal na
katangian ng mga tao sa iba’t ibang bansa. Noong B.C.E ang ilang pangkat ng Austronesian ay patuloy na
naglalakbay patimog mula sa kapuluan – samantalang ang iba ay nagtungo sa mga sumusunod na lugar:
 Indonesia
 Malaysia
 New Guinea
 Samoa
 Hawaii
 Easter Island
 Madagascar

Naging batayan ni Bellwood sa kanyang teorya ang


pagkakatulad ng wikang gamit sa Timog-silangang
Asya at Pacific. Ayon sa antropologong Amerikano
na si Wihelm Solheim II, ang mga Austronesian ay nanggaling sa Indonesia at nagtungo sa Pilipinas mula sa
Mindanao. Ito ay nakabatay sa kanyang Nusantao Maritime Trading and Communication Network
Hypothesis. Nausantao ay hango sa mga salitang Austronesina na musa at tao na nangangahulugang “tao
mula sa timog”. Higit pang pinagtibay ang teoryang ito na may pandarayuhan noon dahil sa mga natagpuang
labi ng mga Austronesyano sa Timog-Silangang Asya, particular na sa mga bansang Taiwan, Pilipinas at
Indonesia

FOR PRIVATE USE ONLY Page 7 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipnas batay sa Mito ng mga taga Luzon, Visayas at
Mindanao

Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipnas batay sa Mito ng mga taga Luzon

Si Malakas at si Maganda
Isang ibon ang naghahanap ng makakain.
Nakakita siya ng isang uod na nakasiksik
sa isang puno ng kawayan. Tinuka niya
ito ng tinuka hanggang sa mabiyak ito.
Nakatakas ang uod ngunit lumabas ang
dalawang nilikha na tinatawag na
Malakas at Maganda. Si Malaks ay
matipuno at guwappong lalaki
samantalang mahinhin at balingkinitan
ang katawan at masipag na babae naman
si maganda. Sila ang kauna-unaahang
babae at lalaki sa lahi ng mga tagalog.
Ang
Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipnas batay Si Sicalac at si Sicavay
sa Mito ng mga taga Visayas Noong unang panahon si Kaptan ay Diyos na
may kakayahang lumikha. Nagtanim siya ng
isang damo. Nang lumaki ang dahon nito ay
biglang lumitaw ang isang babae at lalaki.
Ang lalaki ay si Sicalac at ang babe naman ay
si Sicavay. Isang, araw hinimok ni Sicalac na
mapangasawa sa Sicavay nguunit tumaggi ito
sa pagkat sila ay magkapatid. Tinanong ng
dalawa ang hangin, ang mga hayop, ang dagat
at humingi ng payao. Pumayag ang lahat.
Naging mag-asawa nga sin Sicalac at Sicavay
kung kaya’t lalong dumami ang tao sa mundo.

Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipnas batay sa Mito ng mga taga Mindanao

Ang Mag-asawang Mandayan


Noong unang panahon, nangitlog ng dalawa ang ibong Limokon. Ang isa ay sa may duluhan. Nang mapisa
ang ,ga itlog, lumabas ang unang lalaki at babae. Dumaan ang panahon ngunit hindi nila nalalaman na
nabubuhay ang bawat isa. Isang araw, ay muntik ng malunod ang lalaki dahil napuluputan ng mahabang buhok
ang kanyang paa. Hinanap niya kung saan ito nanggaling at nakita niya ang isang napakagandang babae na
naliligo sa may duluhan. Nagpakilala ang lalaki at sila ay nagkaibigan. Sila ang ninuno ng mga Mandayan.

Ang Pinag mulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas batay sa Panrelihiyon

FOR PRIVATE USE ONLY Page 8 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
Mula sa Banal na Bibliya, sa aklat ng Genesis,
sinasabing nilikha ng Diyos sa ikaanim na
araw ang mga unang tao. Lahat ng lalaki at
babae ay nagmula sa unnang lalaki at babae
na sina Adan at Eba. Pagkatapos ng malakas
na pagbaha, si Noe at ang kanyang tatlong
anak ay namuhay muli sa kapatagan at
nagkaroon ito ng mga sari-sariling pamilya at
nagkaroon ng mga anak. Ayon sa Bibliya, sa
mga taong nanggaling sa arko nagmula ang
mga tao na siyang kumalat at nanirahan sa
kani-kanilang teritoryo at pamayanan at
nagkaroon ang mga ito ng kani-kanilang wika.

Sa kasalukuyan ang ating pamahalaan at eksperto ay nag-aaral pa rin patungkol sa pinagmulan ng ating mga
ninuno o pinagmulan ng unang Pilipino sa Pilipinas.

Sanggunian:
Edmond, E. (2019, May 24). Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu. [PPT] Slideshare.Net.
Retrieved from https://www.slideshare.net/edmond84/mga-isyu-at-hamon-sa-kapaligiran

Alto, J. (2014, July 22). Teorya ng Pinagmulan ng Unang Pilipino. [PPT] Slideshare.Net. Retrieved from
https://www.slideshare.net/mym-pim/teorya-ng-pinagmulan-ng-unang-pilipino

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Para sa karagdagang kaalaman, maaaring panoorin ang video tungkol sa “Unang pangkat ng tao sa Pilipinas” na
nakasaved sa iyong flash drive.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa ating aralin. Sagutan ang Gawain 3 sa ASSESSMENT SHEET/S.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 9 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
Asignatura Araling Panlipunan ISKOR:
Baitang 5 Gawain1:___/20 Remarks:_____________________
Markahan Unang Markahan Gawain2:___/15 Remarks:_____________________
Guro Bb. Elmira N. Niadas Gawain3:___/10 Remarks:_____________________
Learning Packet Gawain4:___/5 Remarks:_____________________
1
No.
Unang Linggo Komento/Note ng Guro:
Linggo at Petsa
(Aug. 30 – Sept. 2, 2021)
Pangalan ng Mag-
aaral

ASSESSMENT SHEETS
YUNIT 1. PAMAGAT
GAWAIN 1. PAUNANG PAGTATASA ( 3 puntos bawat aytem)
Direksyon: Gawin ang sumusunod. (Pamantayan: Nilalaman – 2pts. Kalinawan – 1pts.) Maaaring gamitin ang
likod ng papel sa pagsagot.

1. Pag-aralan ang larawan ng mundo at ang globo.


 Ano-ano ang nakikita mo sa larawan ng mundo?

 Ano-ano ang makikita mo sa globo?

 Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mundo at ng globo

2. Iguhit sa malinis na papel ang mundo.


3. Kulayan ng
 asul ang bahaging tubig
 brown ang bahaging lupa

GAWAIN 2. ANG MUNDO (1 puntos bawat aytem)


Direksyon: A. Tukuyin ang bawat pahayag kung Tama o Mali.
_______1. Ang guhit longhitud sa 0° ay tinatawag na ekwador.
_______2. Ang mga guhit longhitud ay nagmumula sa hilaga patungong timog at nagtatagpo sa mga polo.
_______3. Ang mga guhit longhitud ay maaari ring tawaging meridian.
_______4. Ang unang guhit longhitud ay nagsisilbing batayan sa paghanap ng lugar hilaga o timog nito.
_______5. Matatagpuan sa tunay na mundo ang mga guhit longhitud.

B. Punan ng tamang sagot.


1. Ang panukat ng layo ng lugar pakanluran at pasilangan ng prime meridian ay ang _____________.
2. Ang 0° longhitud ay tinatawag ding _______________.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 10 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
3. Ang 180° longhitud ay kilala sa tawag na ______________.
4. Ang mga guhit longhitud ay kilala sa tawag na _____________.
5. Ang mga guhit longhitud ay wala sa tunay na mundo. Ito ay _____________.
C. Pag-aralan ang krokis (sketch). Ibigay ang pangalan ng bahaging may bilang.

GAWAIN 3. PAGPAPAHALAGA (10 puntos)


Direksyon: Sumulat ng isang talata na magpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Gamitin
ang iba’t ibang pantulong na mga salita para mabuo ang iyong kaisipan. Pamantayan (Nilalaman-5
Organisasyon-5)

Teorya ng Tectonic Plate Mitolohiya Relihiyon


 paggalaw ng kalupaan  may tatlong higante  Makapangyarihan
 malalaki at makakapal na  mundo
tipak ng lupa  Diyos/Bathala

GAWAIN 4. IPAGMALAKI MO (10 PUNTOS)


Direksyon: Batay sa ating aralin, umisip at gumuhit ng isang simbolo na lumalarawan ng pagiging isang
Pilipino. Ipaliwanag ang simbolong iyong napili. Pamantayan (Pagkamalikhain – 5, Pagpapaliwanag sa
simbolong napili – 5)

Values Integration:

Sa Yunit na ito ay ipinakita at ipinaliwanag sa atin ang


pagkakaiba ng ating pinagmulan. Mahalaga na malaman
natin ito upang kahit sa kabila ng iba’t-iba nating
KAUGNAY NA BIBLE VERSE:
pinagmulan ay magkaroon tayo ng pagkakaisa at
pagmamahalan sa bawat isa “At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang
Isang isyu pa rin na kinahaharap ng ating bansa ang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya
pagkakaroon ng hindi pantay na pagtingin sa bawat isa o nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.”
kilala sa tawag na diskriminisasyon. Bilang isang mag-aaral
na may malasakit sa iyong kapwa, ano mararapat mong Genesis 1:27
gawin upang ito ay maiwasan?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

KUMUSTA ANG IYONG PAG-AARAL? I-TSEK ANG IYONG EBALWASYON SA ATING MGA ARALIN.

NAINTINDIHAN KO ANG NAINTINDIHAN KO


ATING MGA ARALIN. NGUNIT MAY ILAN PA KAILANGAN KO NG
KONG KALITUHAN O KATANUNGAN. TULONG.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 11 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)
FEEDBACK/NOTE NG MAG-AARAL SA GURO: FEEDBACK/NOTE NG MAGULANG SA GURO:

FOR PRIVATE USE ONLY Page 12 of 11 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan 5 (Week 1)

You might also like