You are on page 1of 7

Asignatura Filipino PANALANGIN BAGO ARALIN AT SAGUTAN ANG

Baitang 6 LEARNING PACKET


Markahan Unang Markahan Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
G. Jozzel Kaiser
Guro Amang mapagmahal bilang siyang tunay na pinagmumulan ng
D.Gonzales
liwanag at karunungan, idulot Mo sa amin ang pagpapala ng pag-
Learning
1 unawa, ng karunungan, at kalinawan ng isip para lubos naming
Packet No.
maintindihan at maunawaan ang mga araling dinisenyo ng aming mga
Unang Linggo
guro.
Linggo at Petsa (Agosto 30 – Setyembre 3,
2021) Nang may lubos na pagmamahal at pagkalinga, dumadalangin kami
Mga Paalala sa mga Magulang / sa Iyo na patuloy Mong hilumin ang aming bayan laban sa
Tagapangalaga: pandemyang aming kinakaharap, patuloy Mo kaming ingatan at
• Ang tagumpay ng LHP at ng pag-aaral ng huwag pabayaan sa kabila ng hindi namin pagiging angkop na Iyong
iyong anak ay nakasalalay sa mga anak.
pakikipagtulungan sa pagitan ng guro ng Panginoon, patuloy Mo kaming gawing lingkod Mo ng maging
iyong anak at ikaw bilang magulang/ tagapag- lingkod din kami sa iba, patuloy Mo kaming gawing mapagmahal ng
alaga. Mangangailangan ito mula sa iyo ng maging mapagmahal kami sa iba at patuloy Mo kaming gawing
mas malaking tulong pakikilahok sa kanilang mahusay sa aming mga larangan ng makapagbahagi kami ng
pag-aaral. kagalingan sa iba.
• Dapat na maunawaan ng mga bata na ang
Ito ay samo’t dalangin namin sa Iyong banal na pangalan, kasama ng
pag-aaral sa LHP ay tulad rin ng pag-aaral sa
Iyong bugtong na anak si Hesukristong aming Panginoon, kasama ng
paaralan ngunit nangyayari sa inyong tahanan.
Espiritu Santo. Magpasawalang hanggan. Amen.
• Ang Learning Packet na ito ay kokolektahin
ng mga kawani ng paaralan tuwing Biyernes. San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami!
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

YUNIT 1
PANGNGALAN AT PANGHALIP
UNIT MAP
Sa yunit na ito, matututunan mo ang mga sumusunod na aralin:
Aralin 1: PABULA
Aralin 2: PANGNGALAN AT PANGHALIP

Bago ka magsimula sa ating aralin, sagutan mo muna ang Paunang Pagtatasa sa ASSESSMENT
SHEETS.

Aralin #1: PABULA


Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1 masagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon
at usapan;
2 masagot ang tanong na bakit at paano; at
3 mabigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa napakinggang pabula.

Nilalaman ng Aralin:
Magandang araw! Ngayon ay nasa unang linggo tayo ng ating klase sa
Filipino 6. Kumusta ang iyong bakasyon? Marahil nagustuhan mo ang baskasyon, ngayon
ay marahil handa ka na sa mga bagong aralin na ating tatalakayin.
Marahil pamilyar na kayo sa pabula, ngunit ano nga ba ang kahulugan nito? Ito kaya’y
totoo o likhang isip lamang?
Halina’t ating tuklasin ang mga nilalaman ng bagong aralin at bagong
kaalaman.
Ang pabula ay isang kuwento na mga tauhan ay hayop at nag-iiwan ng aral sa mambabasa. Ito
ay kathang- isip lamang ng may akada. Ang karaniwang pabula ay kuwento kung saan mga hayop ang
gumaganap at ang mga hayop na ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.
Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at
nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan ito ng aral sa mambabasa.
FOR PRIVATE USE ONLY Page 1 of 6| Learning Packet # 1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 6 (Week
1)
Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng
mga hayop). Sa pabula, ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga kuwentong
engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa
na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin.
Ngayong alam mo na kung ano ang pabula, halina’t basahin mo ang isang teksto na may pamagat na “Si
Kardong Kalabaw”.

Si Kardong Kalabaw
Alam Mo Ba?
Ang kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus
carabanesis) ay isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o water
buffalo (Bubalus bubalis) na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas, Guam,
pati sa ibang bahagi ng Timog-silangang Asya. Madalas iniuugnay ang
kalabaw sa mga magbubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para
sa pag-araro at pagtulak ng kariton na ginagamit ng mga magbubukid
upang madala ang kanilang ani sa palengke
Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw ng 18 hanggang 20 taon
at maaring umabot ang timbang nila sa 800 kilo sa kanilang pagtanda.
Parehong may sungay ang babae't lalaking kalabaw. Itim naman ang
karaniwang kulay ng kanilang balat na nakapalibot sa kabuuan ng kanilang katawan habang mabuhok ang
kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot. Bagamat tahimik, maaring silang mag-ingay kapag nabulabog.
Kadalasang makikitang nagpapalamig ang mga kalabaw sa mga putikan, dahil na rin wala sila ng mga
tinatawag na sweat glands. Mabuti into sa kanilang kalusugan dahil hindi lamang sila nagpapalamig kundi
nagkakaroon rin sila ng kalasag laban sa mga insekto. Damo at iba pang halamang ligaw ang kinakain ng mga
kalabaw at kadalasang tuwing umaga sila kumakain. Sa ibang bahagi ng daigdig, mahalaga ang mga kalabaw
dahil sa kanilang gatas at karne.

Paghawan ng Sagabal
Ahas- Isang uri ng hayop na gumagapang
Kwago- Isang uri ng hayop na lumilipad
Daga- isang uri ng nakakapinsala
Agila- isang uri ng ibon, pambansang hayop
Unggoy- isang uri ng hayop na naghahalumbitin sa mga puno.
Maaaring mabasa o mapapanood ang Kwento ni “Kardong Kalabaw” sa inyong Flashdrive.

Mahusay!  May mga bagong aralin ka na namang natutunan pati na rin mga bagong
kaalaman na maisasabuhay natin sa kasalukuyang panahon.
Maging positibo lamang sa buhay lalo na sa panahon ng pandemiya. Laging
pakatatandaan na nariyan ang Diyos na laging aagapay at susuporta sa iyo lalo na sa gitna ng
problema.

Sanggunian:
Sebastian Aisa(2020 May 27)Si Kardong Kalabaw [Video File] Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=NJenrSXCNiE&t=89s

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Buksan ang video clip na may pangalan na “Si Kardong Kalabaw” at “ Pabula” sa inyong Flash Drive

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa napanood. Sagutan ang Gawain 2 sa ASSESSMENT SHEETS.

Aralin #2: PANGNGALAN AT PANGHALIP


Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. magamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon; at
2. mabigyang kahulugan ang sawikain.

Nilalaman ng Aralin:

FOR PRIVATE USE ONLY Page 2 of 6| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 6 (Week
1)
Magandang araw!  Noong kayo ay nasa ikalimang baitang ay
tinalakay ninyo kung ano ang pangngalan at kung ano ang gamit nito sa pangungusap.
Ngayon naman ay dadagdagan natin ang inyong kaisipan ng mga bagong kaalaman
tungkol sa pangngalan. Ngunit bago iyon, balikan muna natin kung ano ang
pangngalan.
Halina’t ating tuklasin ang mga nilalaman ng bagong aralin at bagong
kaalaman.

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o
konsepto. Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung
saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa
isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.

Ngayong alam na natin kung ano ang kahulugan ng pangngalan ay dumako naman tayo sa uri nito.
Mayroon tayong dalawang uri ng pangngalan. Ito ay ang Pantangi at Pambalana.

Dalawang Uri ng Pangngalan


Ang Pangngalang Pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at
iba pa. Karaniwang nagsisimula sa malaking titik. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
Pilipinas, BigHit, at Panagbenga.

Samantala, ang Pangngalang Pambalana naman ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook,
hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. Ang mga halimbawa nito ay
ang mga sumusunod: bansa, korporasyon, at pista

Tahas at Basal na Pangngalan


Tahas- Ang tahas ay kilala din bilang pangngalang kongkreto. Ang mga pangngalang tahas (concrete
nouns) o mga pangngalanag kongkreto ay mga bagay na nakikita, nahihipo, nadarama, naaamoy, o
naririnig. Kung gagamit ka sa isa sa iyong mga five senses, ang pangngalan ay tahas.
Upang malaman kung ang pangngalan ay tahas, tanungin ang sarili kung:
Ito ba ay nakikita? (Can you see it?)
Ito ba ay naaamoy? (Can you smell it?)
Ito ba ay naririnig? (Can you hear it?)
Ito ba ay nahihipo? (Can you touch it?)
Ito ba ay nalalasahan? (Can you taste it?)
Kung ang sagot mo ay OO sa isa sa mga tanong na iyon, ang pangngalan ay tahas.

Basal-Ang basal ay kilala rin bilang pangngalang di-kongkreto. Ang mga pangngalang basal (abstract
nouns) o ang mga pangngalang di-kongkreto ay mga bagay na hindi ginagamitan ng five senses. Ang
mga ito ay walang pisikal na katangian. Ang mga ito ay maaaring isang ideya, damdamin, karanasan,
katangian, pangyayari, paniniwala, o palagay ng loob.
Ang mga pangngalan sa ibaba ay ilan lamang sa mga halimbawa ng pangngalang basal.

katarungan kalayaan kagitingan lungkot (sadness)


tuwa (joy)
(justice) (freedom) (bravery)

karanasan pagkabata edukasyon


takot (fear) galit (anger)
(experience) (childhood) (education)

Panghalip
Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o
kasunod ng pangungusap.
Halimbawa: Siya ay naligo sa batisan.
Sila ay naglalaro sa plaza.
FOR PRIVATE USE ONLY Page 3 of 6| Learning Packet # 1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 6 (Week
1)
Salawikain
Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng
mga karunungan.

Ang mga salawikaing Pilipino ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa
katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas. Katumbas din ng
salitang salawikain ang sawikain (bagaman maaari ring tumukoy ang sawikain sa mga moto o idyoma), at
ng Ilokanong sarsarita. Nilalarawan ang salawikain nagmumula sa Pilipinas bilang makapangyarihan at
makatang pagpapadama at payak na anyo ng mga pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap,
gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o
dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino. Isang tanyag na katutubong salawikaing Pilipino ang mga katagang:

Halimbawa:

 Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.


Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din
ito sa kasalan.

 Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.


Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng
naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.

 Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

 Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap
at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

Mahusay  May mga bagong aralin ka na naman na natutunan pati na rin mga bagong
kaalaman na maisasabuhay natin sa kasalukuyang panahon.
Maging positibo lamang sa buhay lalo na sa panahon ng pandemiya. Laging
pakatatandaan na nandiyan ang Diyos na laging aagapay at susuporta sa iyo lalo
na gitna ng problema.

Sanggunian:
Viodor Mailyn (2020 July 21) .Pangngalan [Powerpoint Presentation] Retrieved from
https://www.slideshare.net/MailynViodor/pangngalan-237099076?qid=eaafa5ac-a828-401d-abff-
d2a78b3dcb4e&v=&b=&from_search=1
Buenaventura Denzel Matthew(2016 Nov. 29) .Panghalip [Powerpoint Presentation] Retrieved from
https://www.slideshare.net/denzelmathewbuenaventura/panghalip-69623486?qid=00c638cc-f778-4422-8990-
0657e815b139&v=&b=&from_search=1
Wikipedia(n.d.) .Salawikain Powerpoint Presentation] Retrieved from https://tl.wikipedia.org/wiki/Salawikain

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Buksan ang video clip na may pangalan “ang Panghalip at Ang Pangngalan” sa inyong Flash Drive.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa iyong napanood. Sagutan ang Gawain 3 sa ASSESSMENT
SHEETS.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 4 of 6| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 6 (Week
1)
Asignatura Filipino
Baitang 6 ISKOR:
Markahan Unang Markahan
Gawain1:___/10 Remarks:______________________
Guro G. Jozzel Kaiser D. Gonzales
Learning Gawain2:___/25 Remarks:______________________
1 Gawain3:___/20 Remarks:______________________
Packet No.
Unang Linggo
Linggo at Petsa (Agosto 30 – Setyembre 3,
2021) Komento/Note ng Guro:
Pangalan ng
Mag-aaral

ASSESSMENT SHEETS

YUNIT 1. PANGNGALAN AT PANGHALIP


GAWAIN 1. PAUNANG PAGTATASA (2 points each)
A. Direksyon: Ibigay ang mga kahulugan ng mga salita sa ibaba. Gamitin sa isang makabuluhang
pangungusap bawat salita. (1 puntos sa kahulugan at 1 puntos sa paggamit sa pangungusap).
1. Marikit-

2. Marubdob-

3. Maalab-

4. Nangungutya-

5. Pasakit-

B. Direskyon: Bumuo ng isang maikling talata patungkol sa karanasan mo noong ikaw ay bata pa
kasama ang iyong magulang. Gamitin ang likuran ng papel sa pagsagot. (7 puntos para sa
nilalaman at 3 puntos para sa gramatika)

GAWAIN 2. PABULA (5 points each)


Direksyon: Panuorin ang video na may pamagat na “Si Nardong Kalabaw” na matatagpuan sa iyong
flashdrive. Ibigay ang pangunahing kaalaman mula sa inyong napanood. Sagutan ang mga sumusunod
na katanungan mula sa napanood na teksto. (3 puntos sa nilalaman at 2 puntos sa gramatika)
FOR PRIVATE USE ONLY Page 5 of 6| Learning Packet # 1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 6 (Week
1)
1. Sinu-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ano ang mahahalagang tungkulin ng bawat isa?

2. Anu-ano ang naging sanhi at epekto ng pagliit ng kanilang populasyon?

3. Ano ang naramdaman mo ng mabatid mo ang sanhi ng suliranin ni Kardong Kalabaw? Bakit?

4. Ano sa palagay mo ang iyong kontribusyon sa pagkakaroon ng suliraning ito?

5. Paano mo patutunayang mabigat ang suliranin ni Kardong Kalabaw?

GAWAIN 3.PANGNGALAN AT PANGHALIP (4 points each)


Direksyon: Ibigay ang pagpapakahulugan sa mga salawikain sa ibaba.( 2 puntos sa nilalaman at 2 puntos
sa gramatika).

1. Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.


Kahulugan:

2. Salawikain: Magkulang ka na sa asawa, huwag lamang sa iyong anak..


Kahulugan:

3. Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Kahulugan:

4. Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.


Kahulugan:

5. Salawikain: Ang taong ginigipit, sa patalim man ay kumakapit.


Kahulugan:

Values Integration:
KAUGNAY NA BIBLE VERSE:
Sa aralin na ito ay makikita ang mga katangian ng tao na
walang naidudulot na kagandahan ang pagnanais
kuhanin ang hindi iyo pati na rin ang huwag pagsira sa “Ang sinumang na kay Kristo ay
kagubatan. isa nang bagong nilalang. Wala na
Paano natin iingatan ang ating kalikasan pati na rin ang
pagkalinga sa ating kalikasan? Ipaliwanag.
ang dati niyang pagkatao; binago
_______________________________________ na siya.”
Corinto 2-5:17
_______________________________________
_______________________________________
FOR PRIVATE USE ONLY Page 6 of 6| Learning Packet # 1
_______________________________________
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 6 (Week
1)
_______________________________________
KUMUSTA ANG IYONG PAG-AARAL? I-TSEK ANG IYONG EBALWASYON SA ATING MGA ARALIN.

NAINTINDIHAN KO ANG ATING MGA NAINTINDIHAN KO NGUNIT MAY


ARALIN. ILAN PA KONG KALITUHAN O
KATANUNGAN. KAILANGAN KO NG TULONG.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 7 of 6| Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 6 (Week
1)

You might also like