You are on page 1of 1

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat: ______________________

A. Naihahanay ayon sa uri ang mga pang-abay na may diin sa tamang hanay ayon sa uri nito.

Ang mga Habilin

Ang bilin ng matatanda’y parang huling tagubilin kaya’t matapat mo nga itong ingatan sa iyong
puso. Ngayon, bukas, sa makalawa ay magagamit mo itong parang isang bunga ng halamang pinatubo
nang ilang taon. Kapag ito naman ay iyong kinalimutan at napadako sa malayong lugar ay maaaring
pagsisihan sa mahabang panahon.
Tandaan mo na ang unang habilin ay sambahin mo’t dakilain ang ating Panginoon. Magsimba sa
araw ng Linggo o mangilin sa piyesta opisyal upang madaling lumago ang iyong pananampalataya.
Tumagal man nang mahabang panahon ay hindi ito mawawaglit sa iyong isipan dahil sa sapat na
kaalamang dadalhin sa lahat ng dako.

Pamanahon Panlunan Pamaraan Panggaano Ingklitik

B. Salungguhitan ang ginamit na pang-abay sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay ingklitik,
panggaano, pamamaraan, panlunan, o pamanahon.

1. Simulan mo na ngayon ang pagbabasa ng mga alamat.

2. Buong puso mong isabuhay ang mga natutuhan mong aral sa mga alamat.

3. Sa bahay man o sa paaralan makapagbabasa ka ng ganitong mga akda.

4. Masayang magbasa ng mga alamat.

5. Siyamnapung porsiyentong nagbago ang aking pananaw sa buhay dahil sa


pagbabasa ko niyan.

You might also like