You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa FlLIPINO 7

I. LAYUNIN
Natutukoy at naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan mula sa binasang akda
(F7PB-Icd-2)
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA: Pagtukoy at pagpapaliwanag sa mahahalagang kaisipan mula sa binasang
akda
B. KAGAMITAN: Pabula “Natalo rin si Pilandok” at “Si Pagong at Si Matsing”
C. SANGGUNIAN: https://youtu.be/UFHlma3JALQ?si=1NujpN2UXp904y

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin
(Magtatawag ng isang mag-aaral upang Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito
pangunahan ang panalangin) na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo
po kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw
na ito. Sana po ay gabayan mo din po ang aming
guro na siyang magtuturo sa amin. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po ma’am

B. Pagganyak na Tanong

Magandang araw muli, Filipino 7!

Naaalala nyo pa ba kung ano ang pabula? Ang pabula ay isang anyo ng panitikan na
Ano nga ulit ang pabula? naglalaman ng mga hayop o bagay na nagsasalita
ay mayroong aral o moral na nakapaloob sa
kuwento.
Tama! bukod doon, ano pa?

Ang pabula ay karaniwang ginagamit upang


magparating ng pangaral sa buhay o magbigay-
inspirasyon sa mga mambabasa.

Magbigay ng mga halimbawa ng pabula na inyo


ng nabasa o napakinggan o napaanood.

- Ang Pagong at ang Matsing


- Ang Alimango at ang Unggoy
- Ang Kakaibang Palaka
- Ang uwak na Gusto maging Agila
Mahusay mga bata! Natatandaan nyo pa ang
pabula.

Handa na po ang lahat sa ating bagong aralin? Opo ma’am!

C. Paglalahad

Sa aralin ngayong araw ay mararanasan mo ang


pagtukot at pagpapaliwanag sa mga akdang ating
babasahin. Natutukoy at naipapaliwanag ang mahahalagang
kaisipan mula sa binasang akda

Maaari bang pakibasa ng sabay-sabay ang


layunin

D. Paglinang ng Kasanayan

Sino na sainyo ang nakabasa o nakarinig ng


pabulang “Natalo rin si Pilandok?”

Wala pa ba? Wala po

Ngayon ay aking ipapabasa ko sainyo ang isang


pabulang mula sa Mindanao, ang “Natalo rin si
Pilandok” at pagkatapos ay inyong ibibigay ang
mga katangian ni Pilandok ayon sa inyong
binasang pabula.

Naunawaan po ba ang gagawin? Opo ma’am

Buksan ang aklat sa pahina 30.

Ngunit bago natin simulan ang pagbabasa, Mga Gabay na Tanong:


basahin muna ang gabay na tanong.
1. Ano ang mga katangian ni Pilandok?
2. Sino-sino ang mga nalinlang ni Pilandok?
3. Bakit natalo si Pilandok?
4. Matalino nga ba si Pilandok o siya ay
mapanlinlang?

Basahin na ng tahimik ang pabula. (Babasahin ng tahimik)

Tapos na ang pabula, ngayon ay subukan nating


sagutin ang mga katanungan upanag malaman
kung inyo bang naunawaan ang akdang binasa.

Gawain 1: Ilarawan si Pilandok


(Ididikit ng guro ang larawan ni Pilandok sa
pisara)

1. ilarawan si Pilandok. 1. Mga Paglalarawan kay Pilandok:


- Matalino
- Mapanlinlang
- Bolero
- Tuso
- Mapanlamang
2. Anong mga hayop ang nalinlang ng matalino at
tusong si Pilandok? Sa paanong paraan?

3. Sino ang nakatalo sa mapanlinlang na 2. Una ay si Buwaya, ngunit lagi niya itong
Pilandok? Paano? nalulusutan sa panlilinlang at panagalawa ay ang
baboy ramo kung saan upang hindi siya lapain
nito, ito ay kaniyang nilinlang at inihanap ng taong
maaring lapain ngunit ito ay nagdulot lamang ng
kapahamakan sa baboyramo.

3. Ang nakatalo sa Pilandok ay ang Suso sapagkat


nang ito ay hamunin ng karera ni Pilandpok,
Mahusay, palakpakan ang inyong mga sarili sa walang kaalam-alam ang tuso na matagal nang
matagumpay na paglalahad ng inyong pagsusuri napaghandaan ng mga suso ang pagkakataong
sa pabulang inyong nabasa. ito. Dahil sa madami ang angkan ng mga suso at
sila ay magkakamukha ng anyo, nalinlang nila ang
Ngayon ay ating susubukin ang inyong galing sa Pilandok at sa huli ay kanilang natalo.
pagpapaliwanag ng mahahalagang kaisipan mula
sa binasang akda.
.
Gawain 2: I-EXPLAIN MO

(Pangkatang Gawain)

Panuto: Ibigay ang pagpapaliwanag sa


mahahalagang kaisipan mula sa binasang akda.

Pangkat 1. Maya mga taong tulad ni Pilandok na Pangkat 1. Maya mga taong tulad ni Pilandok na
manloloko at manlilinlang ng iba para sa sarili manloloko at manlilinlang ng iba para sa sarili
nilang kapakanan. nilang kapakanan.

Paliwanag: Sa ating lipunan, marami ang kagaya


ni Pilandok, mga manloloko, mapanlinlang at tuso.
Ngunit sa ating lipunan, mahirap silang kilalanin
sapagkat may mga taong hindi mo mahahalatang
mapanlinlang pala dahil sa galing nilang magtago
at magbalat-kayo.

Pangkat 2. “Tuso man ang Matsing, napaglalangan


Pangkat 2. “Tuso man ang Matsing, din”. Dumating ang sandaling ang panlolokong
napaglalangan din”. Dumating ang sandaling ang gianawa ni Pilandok sa iba ay bumalik din sa
panlolokong gianawa ni Pilandok sa iba ay kaniya.
bumalik din sa kaniya.
Paliwanag: Dumating ang sandaling ang panloloko
ni Pilandok ay bumalik sakaniya dahil sa karma.
Sapagkat mayroon ngang kasabihan, “Huwag
mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin saiyo”.
Pangkat 3. Maging matalino at kilalanin munang
mabuti ang isang tao bago maniwala upang di
Pangkat 3. Maging matalino at kilalanin munang matulad kina baboy-ramo at buwaya na naging
mabuti ang isang tao bago maniwala upang di biktima ni Pilandok.
matulad kina baboy-ramo at buwaya na naging
biktima ni Pilandok. Paliwanag: Maging mapanuri sa bawat taong ating
nakakasalamuha. Huwag tayo agad-agad
maniniwala lalo na kung wala tayong sapat na
absehan at ebidensya.
E. Paglalahat
Ano nga ulit ang pabula? Ang pabula ay isang anyo ng panitikan na
naglalaman ng mga hayop o bagay na nagsasalita
ay mayroong aral o moral na nakapaloob sa
kuwento.

Paano ka kaya makakaiwas maging biktima ng Upang makaiwas sa mapanlinlang, mahalaga ang
isang taong mapanlinlang? pagiging mapanuri at mapagtantsa. Mag-ingat sa
mga di-kapani-paniwala o masyadong magandang
alok. Kilalanin ang tao muna bago magtiwala at
huwag basta-basta maniniwala.

F. Paglalapat

Gawain 3: TUKOYIN MO AT IPALIWANAG


(Pangkatang Gawain)

Panuto: Tukuyin at Ipaliwanag ang mahahalagang


kaisipan mula sa pabula.

Mga Hakbang na Gawain:

1. Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Bawat pangkat


ay bibigyan ng isang pabulang kanilang
babasahin.
2. Bawat pangkat ay tutukuyin at ipapaliwanag
ang mahahalagang kaisipan mula sa natapat na
pabula.
3. Iulat sa harap ng klase ang natukoy na kaisipan
at ipaliwanag ito sa malinis na pamamaran.

Pangkat 1: Si Leon at si Daga


Pangkat 2: Ang aso at ang Uwak
Pangkat 3: Ang Agila at ang Maya

Pamantayan:
Paraan ng pagkalalahad – 10%
Ideya/Kaisipan at Paliwanag – 5%
Wika at Gramatika - 5%
Kabuoan: 20%
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang pabulang “Si Pagong at si Matsing”. Isulat ang mahahalagang kaisipan sa
akdang binasa at lakipan ito ng pagpapaliwanag.

Pamantayan:
Ideya/Nilalaman – 10%
Paraan ng pagkalalahad ng kaisipan – 5%
Wastong gamit ng bantas at estilo sa pagsulat – 5%
Kabuoan: 20%

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik hinggil sa epiko ng Mindanao. Magbigay ng mga halimbawa ng epiko na
sumasalamin sa kanilang kultura at pagkakakilanlan.

You might also like