You are on page 1of 10

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON

The National Center for Teacher Education


The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

MASUSING BANGHAY ARALIN


SA FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHAN

PAKSA:

“Si Mangita at Larina”


Panitikan

MGA LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napanood na
kuwento F7PN-IIIh-i-16
b. Naipapahayag ang sariling paghatol sa akda batay sa moral na aspeto.
c. Nakapagtatanghal ng malikhaing gawain kaugnay ng napanood na
alamat.

INIHANDA NI
JONALYN C. GARCIA
Gurong Nagsasanay

IPINASA KAY
GNG. LEONES B. SANTUA
Gurong Tagasanay
March 7, 2024

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7


INIHANDA NI JONALYN C. GARCIA
GURONG NAGSASANAY

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mga mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa
Pagganap kanilang sariling lugar

C. Mga Kasanayan sa Sa pagtatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:.


Pagkatuto
a. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napanood na kuwento F7PN-IIIh-i-16
b. Naipapahayag ang sariling paghatol sa akda batay sa moral na aspeto.
c. Nakapagtatanghal ng malikhaing gawain kaugnay ng napanood na alamat.

II. PAKSA
A. PAKSA: Si Mangita at Larina (Panitikan)
B. SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 7
C. KAGAMITAN: Powerpoint presentation, Tradisyunal na Kagamitang Pampagtuturo, Television
D. PAGPAPAHALAGA: Napahahalagahan ang mga mga ugali, karakter at pagkatao batay sa moral na aspeto.

IIII. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

PAGBATI
Naimbag nga aldaw Ako si Ms. Guru ang inyong magiging
tagapagturo sa araw na ito. Kayo naman ang aking mga
minamahal na minions na handang makinig, sumunod at
makakuha ng karunungan sa tulong at paggabay ko.

PANALANGIN
Ang mga hero at mga main characters, gaano man kalakas, gaano
man katapang ay kinakailangan pa rin ang basbas at paggabay ng
ating Panginoong Diyos kung kaya’t ang lahat ay tumayo para sa
isang panalagin sa pamamagitan ng isang video.

PAGSASAAYOS NG SILID
At dahil hangad ko ang kaayusan ng silid bago ang ating (Pagsasayos ng silid)
gagawing misyon ay iayos muna ang mga upuan at pulutin ang
mga kalat sa inyong paligid.

Bilang inyong tagapag-alaga, mayroon lamang akong ilang


paalala para sa inyo. Basahin mo nga ang mga paalala Minion Makinig nang mabuti sa leksiyon.
Love Maie. Ituon ang pansin at pokus sa talakayan.
Nanatili dapat ang respeto sa bawat isa.
Iwasan ang pag-iingay at pagtayo sa klase.
Oras sa talakayan ay gawing kapaki-pakinabang.
Nararapat lamang na partisipasyon sa talakayan ay pag-
igian.

Nais kong ipaalam sa inyo na ilan sa mga kasama ninyo, ilan sa


PAGE \* MERGEFORMAT 2
mga minions ay nakagapos sa sumpa ng kamangmangan.

Ang misyon nating ngayong araw pakainin at bahagian ang mga


lilang minions ng Jelly ng Karunungan ng sa gayon ay makawala
sila sa kamangmangan at magkaroon ng dunong na kinakailangan.

Sa misyong ito ay hahatiin ko kayo sa limang grupo.

Team Bob.

Team Carl.

Team Darwin.

Team Frank.

Team John.

PAGE \* MERGEFORMAT 2
Mula umpisa hanggang dulo ay manatili lamang kayo sa inyong
grupo dahil magpapaligsahan ang bawat isa para sa misyona t ang
grupo na pinakamagaling ay magkakamit ng pinakmaraming
Saging ng Kahusayan.

Opo Ms. Guru.


PAGTATALA NG LIBAN
Ang tanong ko sa inyo mga mahal kong minions, lahat ba ay
makasasama sa misyon natin?
Ibalik ang lila sa dilaw: Misyon ng Karunungan
Mainam kung gayon sapagkat bilang inyong tagapag-alaga ay
ayokong may naiiwan o hindi nakakabilang sa inyo sa misyong Hadna po kami!
gagawin nating….

Handa na ba kayo?!

B. PANLINANG NA GAWAIN Ang Formula ni Dr. Nefario

PAGGANYAK
Ang unang step ng ating misyon ay tatawagin nating…?

Kailangan nating malaman kung ano sangkap ni Dr. Nefario sa


paggawa ng Jelly ng Karunungan.

Panuto: Hanapin sa suitcase ang mga produkto na gawa sa


waterlily at dikit sa palibot ng larawan ng waterlily.

Upang makumpleto natin ang step na ito ay narito ang panuto. Opo, Ms. Guru.
Pakibasa nga Minion Remalyn.
(MGA PAGPIPILIAN)
Nauunawaan ba ang panuto mga minions?

(MGA SAGOT)

PAGE \* MERGEFORMAT 2
Mahusay mga minions sapgkat nakuha niyo ang mga tamang
kasagutan.

Alam niyo ba na hindi lang basta halaman na pakalat-kalat sa


lawa at ilog ang halamang water lilly. Maari rin natin itong
pakinabangan. Ang mga halimbawa na iyan ay ilan lamang sa Opo, Ma’am.
mga produkto na maaring Gawain at pagkakaitaan sa water lilly.

Mga minions, batid na ba ninyo ang sikretong sangkap sa formula Waterlily po.
ni Dr. Nefario?
Hindi po.
At ito ay ang…

Tama, ito nga.Mahusay mga minions. Alam niyo ba kung saan


nagmula ang halamang waterlily?

Kung gayon ay tumutok lamang sa ating misyon at inyong


malalaman kung saan nga ba nagmula ang waterlily.

Si Mangita at Larina
PAGLALAHAD
Klas, sa araw na ito, ang ating tatalakayin ay patungkol sa isang
akda na may kinalaman sa pinagmulan ng waterlily. Ang… a. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa
napanood na kuwento F7PN-IIIh-i-16
Sa pagtatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:. b. Naipapahayag ang damdamin sa sariling paghatol sa
akda batay sa moral na aspeto.
c. Nakapagtatanghal ng malikhaing gawain kaugnay ng
napanood na alamat.

At iyan ang dapat nating matamo pagkatapos nating maibahagi


ang Jelly ng karunungan.

PAGHAWAN NG SAGABAL
Alisin muna natin ang mga humahdalang sa ating misyon. Minion
Princess, basahin nga ang panuto.

PAGTALAKAY
Ang ikalawang step sa ating misyon ay ang gawin at lutuin ang
sangkap na bumubuo sa Jelly ng Karunungan.

Kung kaya’t ang lahat ay makinig, makilahok at maging aktibo sa


lahat ng mga gagawin sa pagluluto upang maging sakto at
matagumpay ang pagkaluto.

Mayroon akong ipapanood na video sa inyo at pagkatapos ng


panonood ay magtatanong ako sa inyo patungkol sa napanood Ms. Guru, huwag pong maingay.
ninyo.
Intindihin pong mabuti ang pinapanood.
Ano ba ang dapat gawin kapag nanonood Minion Jessica?
Ma’am maglista po ng mga importanteng detalye.
Tama. Ano pa bukod doon?

Mahusay. Sino pa ang may ideya?


1. Sino sino ang pangunahing tauhan sa akda? Ilarawan
Magaling mga minions. Batid kong hand ana kayong manood. ang kanilang katangian.

Narito ang mga gabay na tanong bago tayo manood. 2. Bakit marami ang may gusto kay Mangita kaysa kay
Larina? Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Larina, ano ang
gagawin mo kung alam mong mas maraming natutuwa sa
iyong kapatid?

3. Anong napatunayan mo sa akdang ito tungkol sa

PAGE \* MERGEFORMAT 2
pagseselos? Ilahad ang kinahinatnan ng magkakapatid
dahil sa pagseselos.

4. Ikaw? Nakdama ka na ba ng pagseselos lalo na sa iyong


kapatid? Anong ginawa mo upang maiwasan ito?

5. Paano naman ipapakita sa akda ang kahalagahan ng


pagtulong o pagdamay sa kapwa?

6. Paano mo isasabuhay ang aral na iyong natutuhan sa


akdang ito?

At iyan ang mga gabay na tanong na ating masasagot pagkatapos


ng ating pagbabasa. Narto ang video, makinig at unawain nang
mabuti.

https://www.messenger.com/messenger_media/?
attachment_id=1119261755942853&message_id=mid.
%24cAAAAC3xaiDqUGXJBgGN6Cy6_4nG_&thread_id=10
0043851224697

Si Mangita, Larina at ang diwata po Ma’am.

Si Mangita po ay kayumangii ang balat at itim ang buhok.


Mabait siyang anak at mapagmahal sapagkat tinutulungan
Sino sino ang pangunahing tauhan sa akda? niya ang kanilang ama sa paggawa ng lambat samantalang
si Larina po ay may malagintong buhok at maputi po siya.
Ilarawan ang kanilang katangian. Kabaliktad po ni Mangita, siya po ay malupit at tamad na
anak.

Hindi po sapagkat magkakaiba po kami ng ugali. Minsan


mabuti siya, minsan naman po masama siya. Depende po
sa mood niya.

Sino rito ang may kapatid? Parehas ba kayo ng katangian?

Oo tama sapagkat sa magkakapatid, mayroon talagang pagkakaib Sapagkat si Mangita po ay may mabuting kalooban na
at pagkakapareho. Iyan ay bagay na hindi maiiwasan. siyang ginagigiliwan at nagugustuhan ng lahat.

Bakit marami ang may gusto kay Mangita kaysa kay Larina? Bilang ako po ay kapatid ni Mangita, ikatutuwa ko po na
gusto siya ng mga tao. Iiwasan ko pong mainggit bagkus
ay gawin po ang tama kagaya ng giagawa ni Mangita.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Larina, ano ang gagawin mo
kung alam mong mas maraming natutuwa sa iyong kapatid?

Imbes na kainggitan natin ang ating mga kapatid ay maging


masaya na lang tayo para sa kapatid natin. Huwag natin silang Nang dahil po selos o pagka-inggit ni Larina sa kapatid
gawing kaaway. niya ay nagdulot po ito ng hindi magandang bagay.
Nasadlak po siya sa hindi kaaya-ayang sitwasyon at
Anong napatunayan mo sa akdang ito tungkol sa pagseselos? naparusahan siya dahil doon.

PAGE \* MERGEFORMAT 2
Ilahad ang kinahinatnan ng magkakapatid dahil sa pagseselos. Hindi po maiiwasan na mainggit o magselos sa kapatid.
Imbes na kainisan ko o pagselosan ko sila ay ginagawa ko
na lang din po ang mga ginagawa nila kung bakit sila
nagugustuhan ng aming magulang at mga tao.
Ikaw? Nakadama ka na ba ng pagseselos lalo na sa iyong kapatid?
Anong ginawa mo upang maiwasan ito? Nang dahil sa pagtulong ni Mangita sa matanda ay
nagbunga ito ng magandang wakas na kung saan dinala
siya sa bahay ng diwata at nabuhay nang masaya.

Paano naman ipinakita sa akda ang kahalagahan ng pagtulong o


pagdamay sa kapwa?

Mahusay! Dahil mayroon tayong kasabihan na ang ginagawa mo


sa kapwa mo ay gagawin din nila s aiyo. Kung naging mabuti ka Bilang isang kapatid, mamahalin, igagalang at
ay magiging mabuti rin sila sayo at kung naging masama ka ay pahahalagahan ko ang aking kapatid/mga kapatid upang
hindi ka rin nila gagawan ng mabuti. mas mapanatili ang magandang ugnayan naming.

Paano mo isasabuhay ang aral na iyong natutuhan sa akdang ito?

Tutulong ako sa kapwa at pipiliing maging mabuting tao


Sabi ng ani Toni Gonzaga, maging kaaway mo na lahat huwag sapagkat ang paggawa ng masa ay hindi kailanman
lang ang kapatid sapagkat sino sin oba ang magtutulungan at nagdudulot ng magandang bagay.
magdadamayan kundi ang magkakapatid.

Ano pa bukod doon?

Mahusay! Piliin nating maging mabuting tao sa lahat ng


pagkakataon sapagkat hindi iyon kalugihan bagkus ay maghahatid
ito sa atin ng katiwasayan sa ating buhay.

Nagagalak ako sapagkat batid kong naluto nang mabuti at


maninam ang Jelly ng Karunungan katunayan ito na napatunayan
niyong nauunawaan niyo na ang akdang ating pinanood.

PAGLALAPAT
Ngayon at nasa atin na ang formula, ang susunod naman na step Kung humingi lamang siya ng tawad ay hindi po sana siya
tukuyin kung ang formula ay naging pektibo ba at kung naalis mapaparusahan at masasadlak sa kalunos-lunos na
nito ang sumpa ng kamangmangan. kalagayan.

Kung humingi kaya ng tawad si Larina sa Diwata, ano kaya ang


maaring kinahinatnan ng akda?

Magaling. Kung humingi lamang siya ng tawad at kung naging


mabuti lamang siyang kapatid ay hindi siya naparusahan at
nasadlak sa kaawa-awang kalagayan. Hindi sana siya ipinatapon
sa Lawa ng Laguna. Kung kaya’t mahalin natin ang ating mga Ang waterlily po ay nagmula sa mga butil na sinusuyod ni
kapatid at maging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon upang Larina sa kaniyang buhok. Tumubo ito mula sa mga butil.
hindi tayo masadlak sa masalinuot at kaawa-awang sitwasyon.

Ayon sa alamat? Saan nga ba nagmula ang waterlily na halaman?

Dagdag kaalaman lamang…ang lawa ng Laguna ay ang


pinakamalaking lawa sa buong bansa. Ito ay may lawak na 98,
000 ektarya. Ang lawing io ay nasasakop ng anim na lalawigan, at
apatnapu’t siyam na bayan. May dalawampu’t apat na ilog ang
direktang umaagos patungo sa lawa.

PAGE \* MERGEFORMAT 2
PAGLALAHAT
Mahusay mga minions sapagkat batid kong naging matagumpay
nga ang pagbabahagi at pagpapakin ng jelly ng karunungan sa
mga lilang minions na ginapos ng sumpa ng kamangmangan.
Subalit upang mas matukoy ang pagiging epektibo ng formula ay
may inihandak pagsubok si El Macho na tataya kung gaano ba
kapektibo ang Jelly ng Karunungang naibahagi sa inyo.

Ang misyon na ito ay tatawagin nating… Ang Pagsubok ni El Macho

Narito ang panuto para sa misyon na ito. Basahin mo nga Minion Panuto: Buksan ang misteryosong kahon ni El Macho at
Allen. doon makikita ang mga pagsubok na dapat ninyong
malagpasan. Bawat grupo ay mayroong kaniya-kaniyang
pagsubok na gagawin.

1. Aral Mo, I-Slogan Mo: Sa pamamagitan ng slogan,


ilahad ang aral na napulot sa akda. Gawin ito sa malinis na
Oslo Paper.

Lider ng Team John pumaharap na at kumuha ng sobre sa loob ng 2. Tula ng Mensahe: Sa pamamagitan ng tula, ibigay
kahon. ninyo ang mensahe kay Larina.

3. Poster-rific: Gumawa ng poster ng


Team Carl naman. pinakanagustuahan/pinakapaboritong pangyayari sa akda.
Gawin ito sa malinis na Oslo Paper.

4. Awit-Magkapatid: Sa pamamagitan ng isang saknong


Team Bob na awit, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa
iyong kapatid? Awitin ito sa klase.

5. Ibuod Mo Ako: Ibuod ang akda sa pamamagitan ng


Team Darwin. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Idikit ito sa 1/4
illustration board.

Opo, Ms. Guru.


At Team Frank.

Naunawaan ba ang mga panuto sa mga gawain?

Narito ang pamantayan sa gagawin niyong presentasyon.


Kasiningan/pagkamalikhain 35
sa paggawa
Presentasyon 30
Kaangkupan ng nilalaman 35
Kabuuan 100

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minute sa paggawa.

Ang inyong 10 minuto ay magsisimula na.

(Pagtatanghal)
Ang inyong sampung minute ay tapos na kung kayat ang lahat ay

PAGE \* MERGEFORMAT 2
maghanda at sisimulan na natin ang presentasyon pagkatapos ng 1
minuto na timer.

Ang unang magtatanghal ay ang Team John. Pumarito na kayo sa


harapan.

Ako ay lubos nasisiyahan sapagkat nagyon ay batid ko ng hindi


na kayo nakagapos sa sumpa ng kamangmangan. Nakita ko ito sa
mga likha ninyo na talaga naming pinag-isipan nang mabuti at
pinagana ang pagiging malikhain ng inyong kaisipan na bunga ng
pagkakaroon ng puspo na karunungan.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

EBALWASYON
Upang mas matiyak kong hindi na kayo nakabalot sa sumpa ng Pangkatang Pagsusulit
kamangmangan ay akin ko kayong susubuking muli sa Panuto: Itaas ang dilaw na Minion kung ang pahayag ay
pamamagitan ng isang pagsusulit. Dito ko mababatid kung tama at lilang Minion naman kung ang pahayag ay mali.
talagang Puspos na kayo ng karunungan hatid ng Jelly.

Minion Bea, basahin ang panuto.

Opo.

Naunawaan ba? 1. Si Mangita at Larina ay magapatid subalit sila ay may


magkaibang ugali.

2. Malupit si Larina at walang pakialam sa kaniyang


kapatid samantalang si Mangita naman ay matulungin at
mabait.

3. Lumapit ang pulubi kay Mangita upang humingi ng


kanin subalit hindi ito tinulungan ni Mangita

4. Pinakain ng matanda si Mangita ng butil at siya ay


gumaling at bumuti mula sa karamdaman.

5. Sa pagtulong ni Larina sa pulubi ay ginantimpalaan


siya nito ng masayang buhay.

6. Mula noong namatay ang kanilang ama ay si Larina na


lamang ang naghahanap-buhay para sa kanilang dalawa.

7. Naging makatarungan ang diwata sa kaniyang hatol kay


Larina sapagkat binigyan lamang niya ito ng aral dahil sa
mga hindi magandang bagay na nagawa niya.

8. Hindi kailangan na tumulong sa iba lalo na sa hindi


kakilala sapagkat baka tayo ay mapahamak.

9. Ano man ang mangyari ay huwag nating


kainggitan/kaselosan at gawing kaaway ang ating mga
kapatid sapagkat sila lang ang magiging kakampi natin sa
huli.

10. Ang mga buto na nasuyod ni Larina sa kaniyang


buhok ay ang mga waterlily na nagsisisulputan sa Lawa
ng Laguna.
PAGE \* MERGEFORMAT 2
Mahusay mga Minions sapagkat nakuha niyong lahat ang mga
tamang kasagutan. Katunayan lamang iyan na kayo ay mayroong
sapat na dunong mula sa mga Jelly na ipinakain at ibinahagi sa
inyo.

TAKDANG-ARALIN Journal Number 5: Sa inyong waderno, sagutin ang tanong


Para sa ating susunod na misyon, narito ang inyong gagawin. na “Bakit mas mahalaga ang kagandahan ng loob kesa sa
Kopyahin ang inyong takdang-aralin. kagandahang panlabas?” hindi bababa sa 50 na salita.
Lagyan ng mga disenyo at pagandahin.

Para sa panghui naman ay aking ilalahad kung sino ang grupo ang
naging mahusay sa misyon naito. Lahat kayo ay mahuhusay at
nagpakita ng magandang performance subalit kailangan lamang
mamili ng pinakamagaling at pinakamahusay na Grupo ng mga
Dilaw na Minions.

At ang nagkamit ng pinakamaraming saging ng kahusayan ay ang


Team Bob. Nariro ang inyong premyo.

Binabati ko rin ang ilan pang mga grupo na nagpakita at


nagpamalas ng karunungan at kagalingan. Mayroon din kayong
matatanggap na premyo.

Nagagalak akong makita na lahat ng aking minions ay hindi na


nakagapos sa sumpa ng kamangmangan bagkus ay puspos na ng
karunungan. Nagpapasalamat ako sa lahat sapagkat hindi
magiging possible ang misyon na ito kung hindi dahil sa tulong,
pakikiisa, pagsunod at pakikinig ng bawat isa sa inyo. Masaya
akong makasama kayo sa misyon na ito at umaasa akong marami
pa tayong mga misyon na magagawa nang magkakasama.
Hanggang dito na lamang. Maraming salamat!

PAGE \* MERGEFORMAT 2

You might also like