You are on page 1of 15

Department of Education

Region IV- MIMAROPA


Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

Asignatura: Filipino Petsa: Marso 18, 2020


Taon: 9 Oras: 12:45 – 1:45 n.h.
Pinal na Banghay Aralin sa Filipino 9
T.P. 2019-2020

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa ilang
mga tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian ( dekonstruksyon)

Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Competency Code:

Naipahahayag kung paano nakatulong ang mga karanasan ng tauhan upang mapabuti ang sariling ugali,
pagpapahalaga at buong katauhan. F9PS-IVi-j-63

Nahihinuha ang katangian ng mga pangunahing tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa
nobela. F9PB-IVc-57

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;

 Nahihinuha ang katangian ng mga pangunahing tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa
sa nobela. F9PB-IVc-57
 Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita batay sa naging gamit sa kabanata.
 Naipahahayag kung paano nakatulong ang mga karanasan ng tauhan upang mapabuti ang sariling
ugali, pagpapahalaga at buong katauhan sa pamamagitan ng gawaing “Gong ng Pagkatuto”
F9PS-IVi-j-63
 Naisasagawa ang aplikasyon buhat sa tekstong binasa sa sariling pagpapasya sa pamamagitan ng
gawaing “Piling, Lucky”

II. NILALAMAN

Paksang-Aralin:
Noli Me Tangere; Kabanata XL Ang Katwiran at Lakas

Kagamitang Pampagtuturo: tape, aklat/sipi ng akda,yeso, props ng mga tauhan sa Kabanata

Elektronikong Kagamitan: TV, laptop, video clip, Powerpoint

Sanggunian Mula sa Aklat


Obra Maestra 3, Noli Me Tangere (pahina 140-141)

Sanggunian Mula sa Internet:


https://www.slideshare.net/mobile/maybelyncatindig/mga-tauhan-ng-noli-me-tangere
Lian Vivas et. Al, C@E Publication Inc., E-lesson

Estratehiya: Malayang Talakayan, Pangkatang Gawain, Indibidwal na Gawain, Habi ng tauhan


Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pagdarasal
__________, Maari mo bang pangunahan ang Tayo’y manalangin sa ngalan ng Ama….. Amen
panalangin.

2. Pagbati
Isang mapagpalang hapon! Magandang hapon din po, Sir Ludan.

Gusto kong ipaalam sa inyo na pupunta


tayo sa ibang mundo at doon natin
gaganapin ang ating talakayan sa hapong
ito. Mundo kung saan bida ang gusto ng
lahat at mundo kung saan nag-eenjoy ang
lahat. Sa pagkakataong ito ay iikot tayo at
magpapalit tayo ng anyo at pupunta tayo sa
studio ng showtime upang saksihan iba’t
ibang segment nito.

Pagkabilang ko ng tatlo ay iikot kayo at


magpapalit kayo ng katauhan at tatawagin
ko kayong madlang people at ako ang
inyong host sa hapong ito. Kapag binati ko
ulit kayo ang isasagot ninyo ay it’s
showtime, nauunawaan ba? Opo, Sir.

Isa, dalawa, tatlo! (iikot ang mga estudyante)

Isang mapagpalang araw madlang people! (babati ang mga mag-aaral)


It’s Showtime!
3. Pag-aayos ng silid-aralan

Bago kayo umupo madlang people sa


inyong mga upuan, ay gusto ko munang
tiyakin kung nasa mataas na antas pa ang
inyong sigla sa araw na ito sa pamamagitan
ng isang awit. Aawit muna tayo dito sa
studio ng isang pamilyar na awit “ Ang
Paa, Tuhod, Balikat Ulo”. Sa
pagkakataong ito ay aawitin natin ito nang
sabay-sabay. Sa hudyat kong salita na
“tigil” ihihinto ninyo ang pagkanta at titigil
kayo sa kung anong posisyon ninyo at
gawin ang aking sasabihin, maliwanag ba? Opo Sir!

(aawit ang mga mag-aaral)


“Paa tuhod balikat ulo”
Tigil! “Paa…

Sa pagkakataong ito madlang people ay (titigil sa pagkanta ang mga mag-aaral at pupulutin
tumigil sa inyong posisyon at pulutin ang ang mga kalat na makikita sa ilalim ng kanilang
mga kalat na makikita sa ilalim ng inyong upuan)
mga upuan.
(magpapatuloy ang mga mag-aaral sa pagkanta)
“Paa,tuhod, balikat,ulo”
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

Tigil! “Paa, tuhod…

Ngayon naman ay isaayos ang inyong mga (titigil sa pagkanta ang mga mag-aaral at isaayos ang
upuan na malapit sa inyong tuhod. mga upuan sa dapat nitong posisyon)

(magpapatuloy ang mga mag-aaral sa pagkanta)


“Paa,tuhod, balikat,ulo”
Tigil! “Paa, tuhod, balikat…

Humarap sa kanang bahagi at ipatong ang (titigil sa pagkanta ang mga mag-aaral at
inyong mga kamay sa balikat ng inyong mamasahihen ang balikat ng kaklase na nasa kaniyang
kaklase na nasa inyong harapan at harapan)
masahihin upang matiyak na gising siya sa
ating talakayan ngayong hapon.

4. Pagtiyak sa liban
Sino-sino ang liban at hindi nakapasok sa
ating studio ngayong araw? Wala po, Sir.

Mabuti!

B. Pagbabalik-aral

Sa pagpapatuloy ng ating programa ngayong


hapon na “sine mo to” ay gusto ko munang
magtanong sa inyo madlang people kung sino ang
nakapanood ng segment natin kahapon dito sa
it’s showtime na sine mo ‘to (magtataasan ng kamay ang mga mag-aaral)

Sa pamamagitan ng mga larawan ay ibubuod natin


ang mga tagpo na naganap sa kabanata 39 kahapon
na pinamagatang “ Si Donya Consolacion”

(Ipakikita ng guro ang mga larawan) (Ibubuod ng mga mag-aaral ang Kabanata 39)

Mahusay! Ngayon sino ang maari magbahagi kung


ano ang mahalagang mensahe na iyong natutunan
mula sa kabanata na ito? Sir, ang natutunan ko kahapon sa ating tinalakay ay
ang huwag maging mapagmataas sa kapwa.
Huwag po nating tularan ang ginawa ni Doňa
Consolacion na walang pakundangan niyang
pinahirapan si Sisa kahit na wala naman itong
ginagawang masama sa kaniya.

Mahusay sino pa ang maaring magbahagi? Sir, akin pong napagtanto na tunay po pala yung
kasabihan na “walang lihim na hindi nabubunyag”
dahil ang lahat ng ating sikreto ay malalaman din
pagdating ng panahon katulad sa naging kapalaran ni
Doňa Consolacion kahit na pinakakatago niya ang
kaniyang katauhan na hindi siya marunong magsalita
ng tagalog ay nabunyag din ito.
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

Magaling! maraming salamat sa iyo John, maari


ka nang umupo.

Kitang-kita ko na kayo ay talagang masugid na


tagasubaybay ng ating programa, kaya ngayon ay
huwag na nating patagalin pa simulan na natin ang
istoryahan sa hapong ito. Pero ngayon gusto ko
muna kayong tanungin, madlang people gusto niyo Istorya!, Istorya!, Istorya!
ba ng istorya?

Mukhang mahina, madlang people gusto niyo ba Istorya!, Istorya!, Istorya!


talaga ng istorya?!

C. Pagganyak

Bilang pagpapatuloy madlang people ay sagutin


muna natin ang tawag ng isang online viewer.
Lingid sa ating kaalaman na ang ating ginagamit na
kwento o Obra Maestra dito sa “sine mo ‘to” ay
ang Noli Me Tangere na likha ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Bago pa
man ito ay nakausap ko ang ating pambansang
bayani dahil mukhang importante talaga ang
kaniyang sasabihin dahil siya na mismo ang
tumawag sa atin sa messenger. Nakatutuwa naman
at nakakataba ng puso na malaman na isa ang ating
pambansang bayani sa tagasubaybay ng ating
programa.

Ngayon ay sasagutin natin ang kaniyang tawag na


live ngayon sa messenger walang iba kundi ang
ating pambansang bayani Dr. Jose Rizal. (magsasalita si Dr. Jose Rizal)

Sir Dan ipagpaumanhin mo kung napatawag ako isang


kagalakan din para sa akin ang malaman na ang aking
obra ay nagiging kasangkapan ng inyong programa
upang muling imulat ang bagong henerasyon sa mga
katotohanan na nangyayari sa ating lipunan.

Sir Dan Maari ko bang makausap ang madlang


people?

Yamang ang hulwaran ng inyong programa ay ang


aking Obra Maestra na Noli Me Tangere, gusto kong
imungkahi na bago mo simulan ang inyong programa
na “Sine mo ‘to” ay huwag mo munang sabihin ang
pamagat ng Kabanata XL. Nais ng aking puso na
matiyak kung naalala pa ako ng aking mga
kababayan, na siyang pinag-alayan ko ng aking buhay.
Pahulaan mo sa kanila ang pamagat ng kabanata sa
pamamagitan ng mga bugtong. Mayroong iba’t ibang
kulay ng tatsulok sa unahan na naglalaman ng mga
letra sa loob. Habang tumutugtog ang themesong ng
inyong programa ay may iikot na kahon na
naglalaman ng mga tatsulok na kasingkulay rin ng
nasa unahan, ang kulay ng tatsulok na nabunot ang
magdidikta kung anong bugtong ang sasagutin ng
madlang people. Kapag nasagot ng madlang people
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

bugtong, makukuha ang letra na nakalagay sa loob ng


tatsulok upang mapunan ang mga nawawalang letra sa
pamagat ng Kabanata XL.

Maraming Salamat po sa inyong pagtawag Dr. Jose


Rizal.

Madlang people narinig niyo ba ang sinabi ng ating Opo, Sir.


pambansang bayani?

Ang gawain na ito ay tatawagin nating “Letra mo,


Show mo”

Sinabi ni Dr. Jose Rizal na huhulaan ninyo


madlang people ang pamagat ng ating Kabanata
XL.

At naririto ang pamagat na mayroong na mga


puwang na letra.

K W

L K S

A Bugtong: Isda ko sa maribeles nasa


loob ang kaliskis
T Sagot: Sili

Sinampal ko muna bago inalok.


I Sagot: Sampalok
T

T Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa


ang tiyan.
T Sagot: Dahon ng gabi
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

Dumaan ang hari, nagkagatan ang


N mga pari.
Sagot: Zipper
T

Isang butil ng palay, sakop ang


K buong buhay.
Sagot: Bumbilya
T

Makikita natin sa unahan ang mga blanko na


tatsulok. Sa loob ng tatsulok na ito ay mayroong
letra na pupuno sa mga kulang na letrra sa pamagat
ng Kabanata XL.

Habang inaawit natin ang themesong ng ating


programa ay iikot ang kahon na naglalaman ng
mga bugtong. Sa sandaling tumigil ang tugtog ay
bubunot ang madlang people na natigilan ng kahon
at sasagutin niya ang bugtong.

Kapag nasagot niya ito malalaman natin ang letra


na nasa loob ng tatsulok.

Madlang people handa na ba kayo?

It’s Showtime

Opo, Sir.

(patutugtugin ang “themesong ng showtime”)

Bugtong: Isda ko sa maribeles nasa loob ang (aawit ang mga mag-aaral)
kaliskis (titigil ang tugtog)
Sagot: Sili
Sili po Sir.

Tama!

(Kukunin ng mag-aaral na sumagot ang mga letrang A


na nasa loob ng tatsulok at ilalagay ito sa mga
blankong tatsulok na kakulay nito.)
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

A
T

(aawit ang mga mag-aaral)


(titigil ang tugtog)
(patutugtugin ang “themesong ng showtime”)
Sampalok po Sir.

Sinampal ko muna bago inalok.


Sagot: Sampalok (Kukunin ng mag-aaral na sumagot ang letrang I na
nasa loob ng tatsulok at ilalagay ito sa mga blankong
Tama! tatsulok na kakulay nito.)

I
T
(aawit ang mga mag-aaral)
(titigil ang tugtog)
(patutugtugin ang “themesong ng showtime”)
Dahon ng gabi po Si
Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi
(Kukunin ng mag-aaral na sumagot ang letrang T na
Tama! nasa loob ng tatsulok at ilalagay ito sa mga blankong
tatsulok na kakulay nito.)

T
T
(aawit ang mga mag-aaral)
(titigil ang tugtog)
(patutugtugin ang “themesong ng showtime”)

Zipper po Sir.
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
(Kukunin ng mag-aaral na sumagot ang letrang N na
nasa loob ng tatsulok at ilalagay ito sa mga blankong
tatsulok na kakulay nito.)
Magaling!
N
T

(aawit ang mga mag-aaral)


(titigil ang tugtog)
(patutugtugin ang “themesong ng showtime”)

Bumbilya po Sir.
Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

Tama! (Kukunin ng mag-aaral na sumagot ang mga letrang K


na nasa loob ng tatsulok at ilalagay ito sa mga
blankong tatsulok na kakulay nito.)

K
T

SAGOT:
Kabanata 40:
ANG KATWIRAN AT LAKAS

Madlang people maari ba ninyong basahin muli (babasahin ng mga mag-aaral ang pamagat ng
ang pamagat ng Kabanata XL. Kabanata XL)

A N G

K A T W I

R A N

A T

L A K A S
Mukhang may nakalimutang sabihin ang ating
pamabansang bayani madlang people. Samahan
ninyo akong basahin ang kaniyang mensahe.

( babasahin ng mga mag-aaral ang layunin)


Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

LAYUNIN:

 Nahihinuha ang katangian ng mga pangunahing


tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat
isa sa nobela. F9PB-IVc-57
 Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na
salita batay sa naging gamit sa kabanata
 Naipahahayag kung paano nakatulong ang
mga karanasan ng tauhan upang mapabuti ang
sariling ugali, pagpapahalaga at buong
katauhan sa pamamagitan ng gawaing “Gong
ng Pagkatuto”
F9PS-IVi-j-63
 Naisasagawa ang aplikasyon buhat sa tekstong
binasa sa sariling pagpapasya sa pamamagitan
ng gawaing “Piling, Lucky”

D. PAGHAHAWAN NG SAGABAL

Ang aklat ng istorya ay nakakandado madlang


people, maaari niyo ba akong tulungan upang
makuha ang susi ng aklat na ito sa pamamagitan
ng pagtutumbas ng mga talasalitaan na inyong
makikita sa unahan. Gagawin natin ito sa
pamamagitan ng gawaing “KAPARE-WHO”

Ito ay laro na kung saan daan upang mas


maunawaan natin ang mga salita na ating
mababasa/maririnig sa ating “sine mo ‘to” (gagawin ng mag-aaral ang “Kapare-WHO”)
mamaya.

Maraming salamat madlang people sa inyong


tulong dahil nakuha ko na natin ang Aklat ng
Istorya.
(babasahin ng mga mag-aaral ang talasalitaan)
Ngayon ay sabay-sabay nating basahin ang mga
talasalitaan. Nangangasiwa - namamahala
Nakapako - hindi inaalis
Alingasngas - pagkakagulo
Hinagad - hinabol
Abuloy - bigay na tulong

Welcome back, It’s Showtime.

Chance niyo nang mag-artista at kapag havey pa


ang acting mo may malaki pa kayong papremyo
, madlang people gusto ko muli kayong tanungin
gusto niyo ba ng istorya?

Mukhang mahina, madlang people gusto niyo ba (Istorya!, Istorya!, Istorya!)


talaga ng istorya?!

Lights, camera, action! (Istorya!, Istorya!, Istorya!)


Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

E. TALAKAYAN

Bago ko basahin ang ating istorya ngayon ay


kailangan ko munang maghanap ng artista na
siyang makatutulong ko upang isadula ang ating
istorya sa hapong ito na pinamagatang “
KABANATA 40: Ang Katwiran At Ang Lakas”.

Pakitingnan madlang people ang inyong mga


upuan kung sa ilalim nito ay may nakita kayong
star, ay gusto kong sabihin na artista ka na. ( pupunta ang mga piling mag-aaral sa unahan upang
magsadula ng Kabanata 40: Ang Katwiran At Lakas)

(babasahin ng guro ang istorya)

Palakpakan naman natin ang mga madlang people (magpapalakpakan ang mga mag-aaral)
na naging artista sa araw na ito.

Base sa ating napanood na istorya madlang people


ay suriin natin ang mga naging positibo,
negatibong katangian ng mga tauhan at ang
kanilang kahalagahan base sa kanilang naging
gawi sa kabanata?

Tauhan Katangian Kahalagahan.

1Ibarra. 1. 1.

2.Padre Salvi 2. 2.

3. Don Filipo 3. 3.

4. Elias 4. 4.

Ngayon naman ay basahin natin ang mga gabay na


tanong.

1. Ano ang nais iparating ng Kabanata XL sa atin Sir, nais pong iparating ng kabanata na huwag tayong
bilang isang indibidwal? maging mapagmataas sa kapwa, kahit na sa
pakiramdam natin ay nasa posisyon tayo ay huwag
natin itong gawing lakas upang manlamang sa kapwa.

Mahusay! Bigyan natin siya ng limang bagsak na


palakpak.

Maari ka nang umupo.

2. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Don Filipo


paninindigan mo ba ang iyong desisyon na huwag
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

pailisin si Ibarra sa pista o susundin mo na lang si (magtataasan ng kamay ang mga mag-aaral)
Padre Salvi upaang hindi na lumaki ang gulo? Sir, maninindigan po ako sa aking desisyon na huwag
paalisin si Ibarra. Katulad po ng kaniyang sinabi, hindi
naman po siya nanggugulo sa pista bagkus siya pa nga
po ang isa sa mga tumulong upang maisakatuparan ito.

Janus, maari mo bang ibahagi ang iyong kasagutan.

Magaling! Bigyan natin siya ng limang bagsak na


palakpak.
(magtataasan ng kamay ang mga mag-aaral)
3. Sa iyong palagay bakit pinamagatang Katwiran
at Lakas ni Dr. Jose Rizal ang kabanata na ito? Sir para po sa akin, kaya po ito pinamagatang katwiran
at lakas ay dahil ang buong kabanata po na ito ay
pumapatungkol sa pagbibigay ni Don Filipo sa
katwiran ng kaniyang desisyon na huwag paalisin si
ibarra samanatalang sumisimbolo po ang lakas sa
katauhan ni Padre Salvi. Na kung saan sinubukan
niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan sa pag-
uutos kay Don Filipo na paailisin si Ibarra, ngunit
hindi ito sinunod ni Don Filipo bagkus ay nanindigan
pa rin siya sa kaniyang desisyon.

Maraming Salamat Eunice, napakahusay na sagot,


bigyan natin siya ng anim na bagsak na palakpak

F.PAGLALAPAT: PANGKATANG GAWAIN


Ngayong punong-puno na kayo ng kaalaman sa
ating nasaksihan at napag-usapan mula sa “Sine
mo’to” subukan naman natin ang inyong galing at
talento madlang people kung tunay nga bang kayo
ay masusugid na tagapakinig at tagapanood.

Gusto kong simulan ang gagawin nating ito sa


isang tanong.

Sino sa inyo ang gustong mag-artista at pangarap


na makita ang kanyang mukha sa telebisyon?

Ang aktibidad na gagawin natin ngayon madlang


people ay tatawagin nating “Piling, Lucky” bilang
aplikasyon ng ating natutunan sa kabanata na ating
napanood ngayong araw patungkol sa
pagdedesisyon sa buhay.

Papangkatin ko muna kayo madlang people sa


apat, na siyang magiging katulong ninyo upang
mapili kayo na “Piling , Lucky” sa gawaing ito.

(papangkatin ng guro ang mga mag-aaral)

(pupunta sa kaniya-kaniyang pangkat ang mga mag-


Ang representante ng bawat pangkat ay pupunta sa aaral)
unahan upang pumili ng isang sobre na siyang
magsisilbing gawain ninyo sa ating aplikasyon
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

ngayon. Bawat gawain ay naglalaman ng isang


sitwasyon na nakaangkla sa inyong sariling
pagpapasiya. (pipili ang representante ng bawat gurpo sa unahan
upang pumili ng sobre)

1 Pangkat BIGKASAN
Sitwasyon (PAG-AARAL): Walang kakayanan
ang iyong magulang na pag-aralin ka, ano ang
gagawin mo?

Gagawa kayo ng isang sabayang pagbigkas gamit


ang anim na salita na sinagutan ninyo kanina na;
Nangangasiwa, Nakapako, Alingasngas, Hinagad,
Abuloy, ang piyesa ay naglalaman ng dalawang
saknong lamang.

2 Pangkat ARTE MO
Sitwasyon (PAG-IBIG): Pinapipili ka ng iyong
magulang kung mag-aasawa ka na o ipagpapatuloy
mo pa ang iyong pag-aaral kahit nasa sitwasyon ka
ng pagdadalang tao, paano mo haharapin ito?

Gumawa ng maikling dula buhat sa sitwasyon na


ito bigyang pansin ang desisyon na iyong gagawin.

3 Pangkat TAWAG NG TANGHALAN


Sitwasyon (PANGARAP):
Nais mong matupad ang iyong pangarap at tiyak ka
na sa kurso na kukunin mo kolehiyo pero ang gusto
ng magulang mo ay taliwas sa kurso na gusto mo.
Ano ang iyong magiging desisyon para dito?

Gumawa ng isang kanta na naglalaman ng tig-isang


verse at chorus lamang.

4 Pangkat BALITAAN
Sitwasyon (PINANSYAL):
Huling araw na ng iyong pag-iipon at mabibili mo
na ang isang gamit na matagal mo nang
pinapangarap na mabili, pero nagkataong ang pera
mo ay hinihiram ng iyong magulang upang ibayad
sa ospital para sa kapatid mong kritikal ang
kalagayan, ano ang iyong magiging tugon para
dito?

Gumawa ng isang pagbabalita/talakayan bilang


sagot o tugon sa sitwasyon na nakatalaga sa inyong
grupo.

Ang baway pangkat ay mamarkahan sa


pamamagitan ng mga inihandang rubriks sa bawat
pangkat. Ang mga kapwa ninyo kamag-aaral ang
magiging katulong ko sa pagpili kung aling grupo
ang karapat-dapat na maging “Piling, Lucky” sa
araw na ito. Ang inyong pagbibigay ng grado ay
nakapaloob sa krayterya na Impak sa manonood,
sa pamamagitan ng pagbibigay ng reaksyon na
love, wow, like .
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

(babasahin ng mga mag-aaral ang rubriks sa


pagmamarka)
Pinakamahusay - (10-9)

Napakahusay - ( 8-6)

Mahusay - (5-1)

Magmamarka Mamarkahan
Pangkat 1 Pangkat 2
Pangkat 2 Pangkat 3
Pangkat 3 Pangkat 4
Pangkat 4 Pangkat 1

Bibigyan ko kayo ng 10 minuto upang gawin ang


mga nakaatas na gawain sa inyo at 2 minuto naman
para sa inyong pagtatanghal.

Mayroon pa bang katanungan? Wala na po, Sir.

Ang pangkat na makatatanggap ng


pinakamaraming puntos pagkatapos ng
pagtatanghal ang siyang tatanghaling “Piling,
Lucky” sa araw na ito.

Maliwanag ba? Opo, Sir.

G. PAGPAPAHALAGA
Bilang isang mag-aaral , ano ang gagawin mo kung
alam mong may mali na ginagawa ang iyong
kapwa kamag-aaral. Mananahimik ka na lang ba o
isisiwalat mo ang iyong nalalaman? Isisiwalat ko po ang aking nalalaman sa pamamagitan
ng postibong kaugalian at sa paraang hindi ko
masasaktan ang damdamin ng aking kamag-aral. Sa
pamamagitan po nito ay maitutuwid ko hindi lamang
ang kaniyang pagkakamali bagkus magkakaroon pa
po kami ng malusog na relasyon.

H. PAGLALAHAT
Ngayong nakita na natin sa resulta ng inyong mga
ginawa at pagpapakita ng inyong talento. Hayaan
ninyong wakasan natin ang prorama nating ito sa
pamamagitan ng “Gong ng mga Sintunadong
Kaugalian”

Base sa ating tinalakay na kabanata ay susulat kayo


kay Dr. Jose Rizal ng isang liham pasasalamat
patungkol sa gintong aral na iyong natutunan sa
kabanatang ito.

(magbibigay ang guro ng sticky notes sa mga mag- (isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa
aaral). sticky note)
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

(tatawag ang guro ng mga piling mag-aaral upang (babasahin ng mga mag-aaral ang kanilang liham
basahin ang kanilang liham) pasasalamat)

I. PAGTATAYA
Kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel madlang
people sagutin ang aking katanungan sa ating
Nolimpiks sa araw na ito.
SAGOT:
1. Ang Kabanata XL Ang Katwiran at Lakas ay 1. paninindigan sa tama
naglalayong? 2. inggit ni Padre Salvi
2. Ano ang sanhi ng kaguluhan sa pista? 3. elias
3. Sino ang kinausap ni Ibarra upang payapain ang 4. namamahala
mga nanggugulo? 5. hindi inalis
4.Si Don Filipo ang nangangasiwa sa Pista?
5. Ipinako niya ang kaniyang paningin sa dalaga.

IV. KASUNDUAN

At dito madlang people natatapos ang ating


programa sa araw na ito bilang pagbati sa mga
naging sponsor sa araw na ito, pakibasa ng inyong
takdang aralin madlang people.

1. Paano napatigil ni Elias ang kaguluhan sa pista?


2. Bakit binigyan ng napopoot na tanaw ng
kapatid ng madilaw na lalaki si Ibarra?
3. Anong mungkahi ang ibinigay ni Elias kay
Ibarra bago siya pumunta ng Batangas?

Sanggunian:
Obra Mastra 3, Noli Me Tangere (pahina 145)

Hanggang dito na lang muna nawa ay marami


kayong natutunan sa ating programa ngayong
hapon. Paalam madlang people Paalam na rin po Sir Dan, Maraming Salamat po!

Inihanda ni:

_______________________
Ludan M. Gertez
Gurong Nagsasanay

Ipinasa kay:

______________________
Lourdes B. Dela Vega
Gurong Tagapagsanay

Pinagtibay ni:

_______________________
Edgardo J. Villarba PhD
Principal II
Department of Education
Region IV- MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
NAUJAN MUNICIPAL HIGHSCHOOL
Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro

Rubriks ng Pangkatang Gawain

Kategorya Napakahusay Mahusay


Pinakamahusay (5-1)
(10-9) (8-6)
Kaugnayan sa Paksa Ang ginawang Ang ginawang Ang ginawang
pagtatanghal ay pagtatanghal ay pagtatanghal ay walang
mayroong malaking mayroong kaugyanayan gaanong kaugyanayan
kaugyanayan sa paksa sa paksa sa paksa
Paraan ng Paglalahad Napakamasining na Masining na nailahad Hindi gaanong
nailahad ang ang presentasyon ng masining ang paraan ng
presentasyon ng pangkat paglalahad ng pangkat
pangkat
Kooperasyon Ang lahat ng miyembro Ang ilan sa mga Hindi kinakitaan
ay nakilahok sa gawain miyembro ay pakikilahok ang
kinakitaan ng karamihan sa
pakikilahok sa gawain miyembro ng pangkat
Impak sa Manonood Lubos na nasiyahan ang Nasiyahan ang mga Hindi gaanong
mga manonood sa manonood sa ginawang nasiyahan ang
ginawang pagtatanghal pagtatanghal manonood sa ginawang
pagtatanghal.
KABUOAN 40 PUNTOS

You might also like