You are on page 1of 8

Asignatura Araling Panlipunan PANALANGIN BAGO ARALIN AT SAGUTAN ANG

Baitang 4 LEARNING PACKET


Markahan Unang Markahan Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Bb. Micah Ella G.
Guro Amang mapagmahal bilang siyang tunay na pinagmumulan
Ciriaco
ng liwanag at karunungan, idulot Mo sa amin ang pagpapala
Learning
1 ng pag-unawa, ng karunungan, at kalinawan ng isip para
Packet No.
lubos naming maintindihan at maunawaan ang mga araling
Unang Linggo dinisenyo ng aming mga guro.
Linggo at
(Agosto 30 -
Petsa Nang may lubos na pagmamahal at pagkalinga,
Setyembre 3, 2021)
Mga Paalala sa mga Magulang / dumadalangin kami sa Iyo na patuloy Mong hilumin ang
Tagapangalaga: aming bayan laban sa pandemyang aming kinakaharap,
• Ang tagumpay ng LHP at ng pag- patuloy Mo kaming ingatan at huwag pabayaan sa kabila ng
aaral ng iyong anak ay nakasalalay sa hindi namin pagiging angkop na Iyong mga anak.
pakikipagtulungan sa pagitan ng guro Panginoon, patuloy Mo kaming gawing lingkod Mo ng
ng iyong anak at ikaw bilang maging lingkod din kami sa iba, patuloy Mo kaming gawing
magulang/ tagapag-alaga. mapagmahal ng maging mapagmahal kami sa iba at patuloy
Mangangailangan ito mula sa iyo ng Mo kaming gawing mahusay sa aming mga larangan ng
mas malaking tulong pakikilahok sa makapagbahagi kami ng kagalingan sa iba.
kanilang pag-aaral. Ito ay samo’t dalangin namin sa Iyong banal na pangalan,
• Dapat na maunawaan ng mga bata na kasama ng Iyong bugtong na anak si Hesukristong aming
ang pag-aaral sa LHP ay tulad rin ng Panginoon, kasama ng Espiritu Santo. Magpasawalang
pag-aaral sa paaralan ngunit hanggan. Amen.
nangyayari sa inyong tahanan.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami!
• Ang Learning Packet na ito ay
kokolektahin ng mga kawani ng Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
paaralan tuwing Biyernes.

YUNIT 1
ANG AKING BANSA
UNIT MAP
Sa yunit na ito, matututunan mo ang mga sumusunod na aralin:
Aralin 1: Pagkilala sa Bansa
Aralin 2: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

Bago ka magsimula sa ating, sagutan mo muna ang Paunang Pagtatasa sa ASSESSMENT


SHEET/S.

Aralin #1: PAGKILALA SA BANSA


Mga Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. matalakay ang konsepto ng bansa;
2. mabuo ang kahulugan ng bansa; at
3. maipaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.

Nilalaman ng Aralin:
Isang masayang bungad na pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikaapat na Baitang! Sa Ikatlong
Baitang ay naipagmalaki mo ang pagiging bahagi ng rehiyong kinabibilangan. Higit mo
ngayong maipagmamalaki ang pagiging bahagi mo ng bansang Pilipinas. Bilang isang bata,
ikaw ay nakapaglalaro, nakapag-aaral, at nakapagpapahayag ng iyong nararamdaman.
FOR PRIVATE USE ONLY Page 1 of 7| Learning Packet #1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan (Week
1)
Nagagawa mo ang lahat ng ito dahil naninirahan ka sa isang bansang malaya tulad ng Pilipinas.
Bakit ba sinasabing isang bansa ang Pilipinas? Iyan ang aalamin natin.

Paano masasabing ang isang lugar ay isang bansa?


Bakit tinatawag na bansa ang Pilipinas?
Ano ba ang kahulugan ng bansa?

Bansa
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika,
pamana, relihiyon, at lahi.
Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng
pagkabansa—tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya.
 Tao
Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng
populasyon ng bansa.
 Teritoryo
Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid
at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan.
 Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan.
 Soberanya o Ganap na Kalayaan
Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang
mamahala sa kaniyang nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga
programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa. Dalawa ang anyo ng soberanya—panloob
at panlabas. Ang panloob na soberanya ay ang pangangalaga ng sariling kalayaan. Ang
panlabas naman ay ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.
Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang kulang sa alinman
sa apat na binanggit na element o katangian. Sa kasalukuyan, may mahigit 200 bansa ang
nagtataglay ng apat na elemento ng pagiging ganap na bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga
bansang ito. Ilan pang lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang United States of
America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, at China.
Tandaan mo na ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na
may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pareparehong
wika, pamana, relihiyon, at lahi. Ang isang bansa rin ay maituturing na bansa kung ito ay
binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa— tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan
o soberanya. Masasabi natin na isang bansa ang Pilipinas dahil may mga naninirahan ditong tao,
may sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na kalayaan.

Sanggunian:
ArOhL, L. (2015, July 6). K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING
PANLIPUNAN (Q1-Q4). Slideshare.[PDF] Retrived from
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-araling-
panlipunan-q1q4
Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:

FOR PRIVATE USE ONLY Page 2 of 7| Learning Packet #1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan (Week
1)
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring panoorin ang video tungkol sa “Pakilala sa Bansa” na
nakasaved sa iyong flash drive.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa ating aralin. Sagutan ang Gawain 2 sa ASSESSMENT SHEET/S.
Aralin #2: ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA
Mga Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. matukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang mga
pangunahin at pangalawang direksiyon; at
2. matukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at sa Mundo.

Nilalaman ng Aralin:
Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na mahalaga sa pagtugon ng pamahalaan sa mga
pangangailangan ng mga tao at pagpapanatili ng kalayaan ng bansa. Isa sa mga maaaring
makatulong sa pagtukoy mo ng kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo ay ang globo. Ang globo ay
representasyon o modelo ng mundo na may “imaginary lines” na nakatutulong sa paghahanap
ng lokasyon ng isang lugar. Kumuha o humanap ka ng globo. Hanapin mo dito ang Pilipinas.
Ano-ano ang nakapaligid sa Pilipinas? Bilang isang Pilipino, mahalagang matukoy mo ang
lokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa mundo batay sa mga nakapaligid dito. Magagamit mo sa
pagtukoy ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon na natutuhan mo noong ikaw ay nasa
Ikatlong Baitang.

Saang bahagi Ano-ano ang pumapalibot


Ano-ano ang nakapaligid ng sa Pilipinas kung
sa Pilipinas kung mundo pagbabatayan ang mga
pagbabatayan ang mga matatagpuan pangalawang direksiyon?
pangunahing direksiyon?

Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa rehiyong Timog-


Silangang Asya sa gawing itaas ng ekwador. Ang Asya ang pinakamalaking kalupaan o lupalop
sa buong daigdig. Tinagurian ang Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito
sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng latitude na
4°–21° hilagang latitud at 116°–127° silangang longhitud.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 3 of 7| Learning Packet #1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan (Week
1)
Ang mga katabing bansa ng Pilipinas ay ang Taiwan, China, at Japan sa hilaga; ang
Micronesia at Marianas sa silangan; Brunei at Indonesia sa timog; at ang Vietnam, Laos,
Cambodia, at Thailand sa kanluran. Maaaring matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas batay sa
kaugnay na kinalalagyan nito.

Kung pangunahing direksiyon ang pagbabatayan natin, ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga
sumusunod:
Pangunahing Direksiyon Anyong Lupa Anyong Tubig
Hilaga Taiwan Bashi Channel
Silangan Karagatang Pasipiko
Timog Indonesia Dagat Celebes at Dagat Sulu
Dagat Kanlurang Pilipinas o
Kanluran Vietnam
dating Timog China

Sa pagitan ng mga pangunahing direksiyon ay ang mga pangalawang direksiyon. Kung


natatandaan mo pa, ito ang hilagang-silangan, timog-silangan, hilagang-kanluran, at
timogkanluran. Kung pagbabatayan ang mga pangalawang direksiyon, matutukoy rin ang
FOR PRIVATE USE ONLY Page 4 of 7| Learning Packet #1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan (Week
1)
kinalalagyan ng Pilipinas na napapaligiran ng Dagat ng Pilipinas sa hilagang-silangan, mga isla
ng Palau sa timog-silangan, mga isla ng Paracel sa hilagang-kanluran, at Borneo sa timog-
kanluran nito.
Tandaan mo na ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay ang
direksiyon o lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong
lugar. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timogsilangang Asya sa kontinente o lupalop
ng Asya. Kung gagamitin mo ang mga pangunahing direksiyon, ang Pilipinas ay napapaligiran
ng bansang Taiwan at Bashi Channel sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, mga bansang
Brunei at Indonesia at mga dagat Celebes at Sulu sa timog, at ng bansang Vietnam at Dagat
Kanlurang Pilipinas sa kanluran. Kung ang mga pangalawang direksiyon naman ang gagamitin
mo, napapaligiran ang bansa ng Dagat ng Pilipinas sa hilagang-silangan, mga isla ng Palau sa
timog-silangan, mga isla ng Paracel sa hilagang-kanluran, at Borneo sa timog-kanluran.

Sanggunian:
ArOhL, L. (2015, July 6). K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4).
Slideshare.[PDF] Retrived from https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-
araling-panlipunan-q1q4

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Para sa karagdagang kaalaman, maaaring panoorin ang video tungkol sa “Ang kinalalagyan ng aking
Bansa” na nakasaved sa iyong flash drive.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa ating aralin. Sagutan ang Gawain 3 sa ASSESSMENT SHEET/S.

Asignatura Araling Panlipunan ISKOR:


Baitang 4 Gawain1:___/9 Remarks:____________________
Markahan Unang Markahan Gawain2:___/17
Guro Bb. Micah Ella G. Ciriaco Remarks:_____________________
Learning Gawain3:___/8
1 Remarks:_____________________
Packet No.
Unang Linggo
Linggo at
(Agosto 30 - Setyembre Komento/Note ng Guro:
Petsa
3, 2021)
Pangalan ng
Mag-aaral

ASSESSMENT SHEET/S
YUNIT 1. PAMAGAT
GAWAIN 1. PAUNANG PAGTATASA (1 puntos sa bawat tamang sagot)

Direksyon: A. Lagyan ng tsek (✔ ) ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian


ng isang lugar para maituring na isang bansa.

_____1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.


_____2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa
_____3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang
_____4. May sariling pamahalaan
_____5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang himpapawid
at kalawakan sa itaas nito

FOR PRIVATE USE ONLY Page 5 of 7| Learning Packet #1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan (Week
1)
B. Tingnan ang mapa sa ibaba . Isulat ang isa sa mga lugar na nakapaligid sa Pilipinas sa
bawat pangalawang direksiyon.

1. Hilagang-silangan-___________________________

2. Timog-silangan-_____________________________

3. Hilagang-kanluran-___________________________

4. Timog-kanluran- _____________________________

GAWAIN 2. ANG AKING BANSA (1 puntos sa bawat tamang sagot)


Direksyon: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at
malungkot na mukha kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Ang Pilipinas ay isang bansa.
_____2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
_____3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa ang isang
lugar.
_____4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo
at pamahalaan, at
may mga mamamayan.
_____5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi
maituturing na bansa.

B. Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa. Isulat sa itaas na bahagi ng


bandila ang sarili mong pagpapakahulugan sa isang bansa. Isulat naman sa ibabang
bahagi ang dahilan kung bakit isang bansa ang Pilipinas.

PAMANTAYAN
PAG GAMIT NG TAMANG PAGKAKASUNUD-
NILALAMAN – 2 PUNTOS KABUUAN – 6 PUNTOS
BANTAS- 2 PUNTOS SUNOD- 2 PUNTOS

Ang isang bansa ay


FOR PRIVATE USE ONLY ______________________________________________ Page 6 of 7| Learning Packet #1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan (Week
1) ______________________________________________
Ang isang bansa ang Pilipinas dahil
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
.

GAWAIN 3. TUKUYIN MO (1 puntos sa bawat tamang sagot)


Direksyon:Isulat sa patlang ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa silangan, T kung sa
timog, at K kung sa kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba.

_____ 1. Dagat Celebes _____ 5. Indonesia


_____ 2. Vietnam _____ 6. Karagatang Pasipiko
_____ 3. Brunei _____ 7. Dagat Sulu
_____ 4. Bashi Channel _____ 8. Taiwan

Values Integration:

Sa Yunit na ito ay ipinakita at ipinaliwanag sa KAUGNAY NA BIBLE


atin ang pagkakaiba ng ating pinagmulan. Mahalaga na VERSE:
malaman natin ito upang kahit sa kabila ng iba’t-iba
nating pinagmulan ay magkaroon tayo ng pagkakaisa
at pagmamahalan sa bawat isa “At nilalang ng Dios ang tao ayon
sa kaniyang sariling larawan,
Isang isyu pa rin na kinahaharap ng ating bansa ayon sa larawan ng Dios siya
ang pagkakaroon ng hindi pantay na pagtingin sa nilalang; nilalang niya sila na
bawat isa o kilala sa tawag na diskriminasyon. Bilang lalake at babae.”
isang mag-aaral na may malasakit sa iyong kapwa ano
mararapat mong gawin upang ito ay maiwasan? Genesis 1:27
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

FOR PRIVATE USE ONLY Page 7 of 7| Learning Packet #1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan (Week
1)
KUMUSTA ANG IYONG PAG-AARAL? I-TSEK ANG IYONG EBALWASYON SA ATING MGA ARALIN.

NAINTINDIHAN KO NAINTINDIHAN KO
ANG ATING MGA NGUNIT MAY ILAN PA KAILANGAN KO NG
ARALIN. KONG KALITUHAN O TULONG.
KATANUNGAN.
FEEDBACK/NOTE NG MAG-AARAL SA GURO: FEEDBACK/NOTE NG MAGULANG SA GURO:

FOR PRIVATE USE ONLY Page 8 of 7| Learning Packet #1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Araling Panlipunan (Week
1)

You might also like