You are on page 1of 18

4

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Natatalakay ang Konsepto ng Bansa
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency
or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.
Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City
SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Stephanie Jane D. Hechanova
Editor: Madonna T. Libo-on
Mga Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon, Caroline C. Sedayon
Tagaguhit: Arish Jedd B. Libo-on
Tagalapat: Adonna S. Cueva
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
4
Araling Panlipunan
Quarter I – Modyul 1:
Natatalakay ang Konsepto ng Bansa

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy
Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga
mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.
Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa


iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul
na ito. Ang gawain ay mula sa topikong konsepto ng bansa kung saan natatalakay
ang konseptong may kinalaman sa ating bansa.

Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan ipinapakilala


Aalamin Ko ang learning competency na dapat
matutuhan sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang
Susuriin Ko pagsasanay na nagsisilbing pre-test at
balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat
Pag-aaralan Ko mong matutunan.
Napapaloob dito ang ibat iba at
Gagawin Ko karagdagang gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na maging


Tatandaan Ko gabay para magawa at masagutan ang
mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
Susubukin Ko pagsusulit na angkop sa aralin.
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iv
Unang Araling Panlipunan 4
Linggo Unang Markahan-Modyul 1
Pamantayan sa Pagkatuto:
• Natatalakay ang konsepto ng bansa.
AP4AAB-Ia-1

Aalamin Ko

Magandang araw sa iyo! Maligayang pagbati sa pagbabalik sa


paaralan. Magsisimula ka na ngayon sa unang modyul tungkol sa konsepto
ng bansa. Bakit ba masasabing isang bansa ang Pilipinas?
Bilang mga Pilipino, masaya at malaya tayong naninirahan sa ating
bansa. Ito ay ang bansang Pilipinas. Hindi naging madali para sa mga
sinaunang mga Pilipino lalong-lalo na ng ating mga bayani mapaalis ng
tuluyan ang mga dayuhang sumakop sa ating bansa upang makamit natin
ang tunay na kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Marami ang nagbuwis
ng buhay para sa iisang pangarap at ito ay tuluyang maging malaya ang
bansang Pilipinas at maging tirahan ng mga tunay na Pilipino.
Sa kasalukuyan ang ating bansa ay nakakaranas ng pandemya dulot
ng COVID-19. Maraming mga mamamayan ang naapektuhan pati na ang
kabuhayan at ekonomiya ng ating bansa. Bilang tugon tungkulin ng
pamahalaan na pangalagaan ang kaligtasan ng kalusugan ng mga
mamamayan na naninirahan dito. Anu-ano ang mga paraan na ipinatupad
ng pamahalaan sa ating bansa para maiwasan ang paglaganap ng
malalang epektong COVID-19 sa ating pamumuhay?
Sa araling ito inaasahang:
1. Matatalakay mo ang konsepto ng bansa.
2. Mabubuo mo ang kahulugan ng bansa.
3. Maipapaliwanag mo na ang Pilipinas ay isang bansa.
4. Mapag-aaralan din sa mudyol na ito ang mga paraan paano
maiwasan ang paglaganap ng malalang epekto ng COVID-19
sa ating bansa.
5. Makapagsimulang gumawa ng Backyard Urban Gardening (BUG).
6. Sa pagtatapos ng araling ito, guguhit ka ng bandila ng Pilipinas na
sumasagisag sa iyong pagka-Pilipino.
1
Susuriin Ko

GAANO KA NA KAHANDA SA ARALIN NA ITO?


Subukin mong sagutin ang sumusunod. Huwag kang mangamba sa
pagsagot. May tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.

PANUTO: Lahat ng tao ay may kinabibilangang bansa. Saang bansa ka


nabibilang? Kulayan nang maayos ang mapa at isulat sa ibaba
nito ang pangalan ng bansa na tinutukoy ng mapa.

Bansang _____________________

2
Pag-aaralan Ko

Pag-aralan ang mga larawan.


• Ano ang ipinakikita ng mga larawan sa ibaba?
• Sa inyong palagay, kung wala ang element na makikita sa larawan
matatawag bang bansa ang isang lugar o teritoryo?

Sa pagpapatuloy mo sa araling ito, malalaman mo na ang bawat


larawan ay mga mahalagang elemento para maging bansa ang isang
lugar o teritoryo.

TAO

PAMAHALAAN
TERITORYO

BANSA

SOBERANYA

3
BASAHIN AT UNAWAIN ANG TEKSTO SA IBABA

Ang BANSA ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo


ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung
kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon at
lahi. Kapag ang isang bansa ay may ganap na kapangyarihan o
kalayaan ito ay tinatawag ding estado.

APAT NA ELEMENTO NG PAGKABANSA:


1. TAO - ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng
isang teritoryong bumubuo ng populasyon ng bansa.
Napakahalaga ng tao sa isang bansa sapagkat ito ang
pangunahing yaman nito. Magiging maunlad ang isang
bansa kung ang mga mamamayan nito ay produktibo,
nagkakaisa, at sumusuporta sa pamahalaan para
makamit ang mga layunin at adhikain nito sa ikabubuti ng
buong sambayanan. Tungkulin ng isang mamamayan na
maging tapat sa kanyang bansa, paglingkuran at
ipagtanggol ito.

4
2. TERITORYO - ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at
katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng
tao at pinamumunuan ng pamahalaan.
Mahalagang matiyak ang pambansang teritoryo
ng isang bansa upang maiwasan ang anumang
pakikialam ng mga dayuhan. Ang kabuuang
teritoryo ng Pilipinas ay nakasaad sa Saligang
Batas nito. Hindi pare-pareho ang laki ng mga
lupain na sakop ng iba't-ibang bansa sa
mundo. Gaano man kalaki o kaliit ang teritoryo ng
isang bansa kinikilala ng mga batas pandaigdig na
ang lahat ng malalayang bansa ay may
pantay-pantay na kalayaan at karapatan.

5
3. ANG PAMAHALAAN – ay isang samahan o organisasyong politikal
na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at
magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
Ang pamahalaan ay kumikilos upang
isakatuparan ang lahat ng mga layunin ng
bansa at mamamayan.
Sa panahon ng kalamidad at pandemya
tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan
ang buhay ng bawat mamamayan.

Ang Palasyo ng Malacañang,


sentro ng pamahalaan ng Pilipinas
at opisyal na tirahan ng
Pangulo ng Pilipinas.

4. SOBERANYA O GANAP NA KALAYAAN – ay tumutukoy sa


KAPANGYARIHAN ng pamahalaang mamahala
sa kanyang nasasakupan. Napakahalagang
magkaroon nito ang isang bansa upang
maisakatuparan ang kabutihan at kapakinabangan
ng mga mamamayan. Tumutukoy rin ito sa
kalayaang magpatupad ng mga programa nang
hindi pinakikialaman ng ibang bansa. May
dalawang anyo ng soberanya ito ay ang panloob
na soberanya ang pangangalaga ng isang
bansa sa sarili nitong kalayaan at panlabas na
soberanya ang pagkilala ng ibang bansa sa
kalayaan ng Pilipinas.

6
Ang bandila ng Pilipinas ay isang
simbolo ng bansang may
kalayaan at sariling
kapangyarihan.

PUTING TATSULOK - sumisimbolo ng pagkakapantay-pantay at


pagkakapatiran
KULAY ASUL - sumisimbolo ng kapayapaan, katotohanan, at
katarungan
KULAY PULA - sumisimbolo ng pagiging makabayan at kagitingan
WALONG SINAG NG ARAW - ang walong probinsiyang isinailalim sa
batas-militar at nag aklas sa panahon ng
rebolusyon
TATLONG BITUIN - sumisimbolo sa tatlong isla ng Pilipinas -
Luzon, Mindanao at Panay

• Ang mga sumusunod ay mga paraan na ipinatutupad ng


pamahalaan upang maiwasan ang COVID-19.

1. Maghugas ng kamay ng malinis na tubig gamit ang sabon sa


loob ng dalawampung segundo.
2. Gumamit ng alcohol o disinfectant kung nasa labas at walang
tubig at sabon.
3. Palaging gumamit ng face mask kung lalabas ng bahay.
4. Manatili sa bahay kung walang importanteng pupuntahan.
5. Iwasang pumunta sa matataong lugar.
6. Panatilihin ang isa o dalawang metrong distansya kapag
nakikipag-usap sa ibang tao. Ito ay tinatawag na
social distancing.

7
Gagawin Ko

PANUTO: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng


pangungusap ay tama at malungkot na mukha naman kung
mali. Isulat sa papel ang tamang sagot.

____ 1. Ang Pilipinas ay isang bansa.


____ 2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
____ 3. Tao, teritoryo at pamahalaan lamang ang kailangan para
maging isang bansa ang isang lugar.
____ 4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay
malaya, may sariling teritoryo, pamahalaan at may mga
mamamayang naninirahan dito.
____ 5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang
sariling pamahalaan ay hindi maituturing na bansa.

PANUTO: Basahin ang mga tanong sa ibaba at ayusin ang mga titik upang
mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa papel
ang tamang sagot.
(nalapamhaa) _________ 1. Ito ay isang samahan o organisasyong
politikal na itinataguyod ng mga grupo ng
tao na naglalayong magtatag ng kaayusan
at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan.
(ebanyaros) _________ 2. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa kanyang
nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa
kalayaang magpatupad ng mga programa
nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
(rytieotor) __________ 3. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at
katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas ng bansa.
(ota) ______________ 4. Ito ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa
loob ng isang teritoryong bumubuo ng
populasyon ng bansa.

8
(saban) ____________ 5. Ito ay lugar o teritoryo na may naninirahang
mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung kaya
makikita ang iisa o pare-parehong wika,
pamana, relihiyon at lahi.

PANUTO: Lagyan ng tsek ( ) kung bansa ang sumusunod at ekis (X) naman
kung hindi. Isulat sa papel ang tamang sagot.

_______ 1. Japan
_______ 2. China
_______ 3. Manila
_______ 4. Taiwan
_______ 5. Davao

PANUTO: Isulat sa mga hugis ang iba’t-ibang paraan para maiwasan


ang COVID-19. Kopyahin ang hugit at isulat sa papel.

9
Tatandaan Ko

➢ Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao


na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita
ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi. Tinatawag din
itong estado kung may ganap itong kapangyarihan at kalayaan.

➢ Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat


na elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan at ganap na
kalayaan o soberanya.

➢ May dalawang anyo o uri ng soberanya ito ay ang panloob na


soberanya ang pangangalaga ng isang bansa sa sarili nitong kalayaan
at panlabas na soberanya ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaan
ng Pilipinas.

➢ Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao,
may sariling teritoryo, may pamahalaan at may ganap na kalayaan.
➢ Pilipino ang tawag sa mga taong naninirahan sa Pilipinas at Filipino
ang wikang Pambansa nito.
➢ Sa kasalukuyan may mahigit 200 bansa ang nagtataglay ng apat na
elemento ng pagiging ganap na bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga
bansang ito.

➢ Ilan pang lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang United States


of America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, China, Japan at
Taiwan ang ilang halimbawa pa nito.

10
Isasabuhay Ko

Gawain 1: Magtala ng 4 na kaya mong gawin upang ipakita ang


kasiyahan na ikaw ay nakatira sa bansang Pilipinas.
Kopyahin at isulat sa papel ang sagot sa loob ng bilog sa
bilang 1-4.

2 3

Gawain 2: Mayroon kayong maliit na espasyong lupa sa likod ng inyong


bahay, mga bakanteng paso o mga malalaking plastic bottles
bilang miyembro ng pamilya maaari kang tumulong na
matugunan ang pangangailangan ninyo sa pagkain sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay. Sa tulong ng iyong
mga magulang o mga nakakatanda simulan ang pagtatanim.
Isulat sa papel ang iyong mga naging karanasan sa pagsagawa
ng gawaing ito. Maaari rin itong idokumento sa pamamagitan
ng pagkuha ng larawan.

___________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

11
Gawain 3: Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa.
Iguhit ang bandila sa papel. Isulat sa itaas na bahagi ang
sarili mong pagpapakahulugan sa isang bansa. Isulat
naman sa ibabang bahagi ang dahilan kung bakit isang
bansa ang Pilipinas. Sundin ang halimbawa ng guhit sa
ibaba.

Susubukin Ko

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Kopyahin sa papel


ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang elemento ng pagkabansa na tumutukoy sa grupong


naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyong
ng isang bansa.
A. tao B. soberanya C. pamahalaan D. teritoryo
2. Ang _______ ay isang anyo ng soberanya na tumutukoy sa
pangangalaga ng sariling Kalayaan.
A. teritoryo C. pamahalaan
B. panloob na soberanya D. panlabas na soberanya
3. Ilan ang mga elemento ng pagkabansa?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 6

12
4. Alin dito ang mangyayari kung walang soberanya o ganap na
kalayaan ang isang bansa?
A. Sinasakop ito ng ibang bansa.
B. Malaya ang mga taong gumawa ng mga bagay na naaayon
sa batas.
C. May sariling batas na sinusunod.
D. May Kalayaan itaguyod ang lahat ng gawain at naisin ng
bansa.
5. Bakit tinawag na bansa ang Pilipinas?
A. dahil ito ay binubuo ng mga element ng pagkabansa tulad ng
tao, teritoryo, pamahalaan at soberanya o ganap na kalayaan
B. dahil ito ay isang lugar na may naninirahang grupo ng mga
tao
C. dahil ito ay may mayayamang mamamayan at kayang
maglakbay sa ibang bansa
D. dahil ito ay may matatas na gusali at maraming mga istruktura

PANUTO: Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi


ng katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa,
ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.

____ 1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.


____ 2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa ang isang bansa.
____ 3. Binubuo ng tao, pamahalaan at teritoryo lamang ang bansa.
____ 4. May sariling pamahalaan ang isang bansa at hindi
maituturing na bansa ang isang lugar kung wala itong
kalayaan o soberanya.
____ 5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan
kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.

Sanggunian
Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4.
pahina 2-5

Mga larawang kuha nina Liza A. Balogo, Yasmin Pascual-Dormido at


Brgy. Sum-ag Council.

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like