You are on page 1of 21

10

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”


DIVISION OF BACOLOD CITY
Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 2: Ang mga Hamon at Suliraning Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ram Andrew Arrogancia, Ana Mae S. Gabiason,
Ma. Floresa C. Gonzaga
Editor: Renmin A. Etabag
Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon
Tagaguhit: Luna Lou D. Beatingo
Tagalapat: Mary Grace N. Prologo
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City


Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
10
Araling Panlipunan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy

Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga


mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa


iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul
na ito. Ang gawain ay mula sa topikong ang mga hamon at suliraning
pangkapaligiran kung saan natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa
isyung pangkapaligiran ng Pilipinas.

. Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:
Bahagi ng modyul kung saan
Aalamin Ko ipinapakilala ang learning competency
na dapat matutuhan sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang
Susuriin Ko pagsasanay na nagsisilbing pre-test at
balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat
Pag-aaralan Ko mong matutunan.

Napapaloob dito ang ibat iba at


Gagawin Ko karagdagang gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na


Tatandaan Ko maging gabay para magawa at
masagutan ang mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Susubukin Ko Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
pagsusulit na angkop sa aralin.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

iv
Ikalawa
Araling Panlipunan 10
at Ikatlong
Linggo3 Unang Markahan-Modyul 2

Pamantayan sa Pagkatuto:
• Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran
ng Pilipinas.


Aalamin Ko •

Sa modyul na ito, ating inaasahan na maunawaan ang kaligiran ng mga


suliraning pangkapligiran at mga pagkilos na ginawa para mapahalagahan
ang ating kalikasan.

Bilang isang mag-aaral dapat nating malaman ang kahalagahan ng


ating kapaligiran at paano ito pangalagaan para maabutan pa ng
susunod na henerasyon.

Handa ka na ba? Kung gayun, basahin at unawain ang awitin sa ibaba.

1
Panuto: AWIT SURI

Pakinggan ang awiting “Anak ng Pasig” ng “Smokey Mountain.” Maaaring


basahin ang titik ng awitin sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod
na pamprosesong mga tanong.

ANAK NG PASIG
Composed by: Ryan Cayabyab
Performed by: Smokey Mountain

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig Anak ng Pasig naman kayo


Nagisnan ang ilog na itim ang tubig Tapon doon, tapon dito
Lumaking paligid ng bundok na umuusok Di n'yo alam ang tinatapon n'yo
Langhap na langhap ang amoy ng Ay bukas ko at ng buong mundo
basurang bulok
Huli na ba ang lahat
Ito ang buhay ng anak ng Pasig Patay na ba ang ilog at dagat
Pa-swimming swimming sa itim na tubig Kapag Pasig ay pinabayaan
Playground lang ang bundok ng basura Parang bukas ang tinalikuran
mo
Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Anak ng Pasig naman kayo Natakpan na ang langit kong ito
Kalat doon, kalat dito Nilason din ang Ilog ko
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Akala ko'y ganoon talaga ang mundo Di n'yo alam ang tinatapon n'yo
Hanggang nakakita ako ng lumang litrato Ay bukas ko at ng buong mundo
Di maniwalang Pasig din ang tinitignan
ko Anak ng Pasig naman kayo
Kaibigan ano ang nangyari dito May bukas pa ang ating mundo
(Anong nangyari? Anong nangyari?)

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko

2
Pamprosesong mga Tanong:

1. Isa-isahin ang mga suliranin ng ating kapaligiran na makikita sa awitin.

2. Ilarawan ang kapaligiran noon at ngayon.

Noon:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Ngayon:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong upang mapangalagaan


ang ating kapaligiran?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3
Pag-aaralan Ko
Ang mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran

I. Suliranin sa Solid Waste


Solid Waste – tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at
komersiyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura
na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi
nakakalason.

• Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay


nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015.
- 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung
saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw.
- 56.7% ng itintapong basura ng mga Pilipino ay mula sa tahanan.
- 52.31% ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa tahanan.

• Dahilan kung bakit may Problema ang Pilipinas sa Solid Waste:


1. Kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura.
2. Pagsusunog ng mga basura na nakadaragdag ng polusyon sa hangin.
3. Problema sa waste segregation
4. Kawalan ng dumpsite

Suliranin ng Pilipinas sa Tamang Pagtapon ng Electronic Waste o E-Waste.


Hal. computer, cellphone, tv
• Humigit kumulang sa anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa sa landfill
na siyang kunakuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang ano mang
bahagi nito na mapakikinabangan.

Ang mga nabanggit na suliranin sa solid waste ay pinagtutulungang solusyunan ng


iba’t ibang sektor.

Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of
2000 – batas na ipinatupad ng pamahalaan upang magkaroon ng legal na
batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa
bansa.
Material Recovery Facility (MRF) – pasilidad kung saan isinasagawa ang
waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite.
.

4
Halimbawa ng mga Best Practice sa Pamamahala ng Solid Waste.

Lugar Best Practice


Sto. Tomas, Davao del • No Segregation, No Collection
Norte • No Orientation & Implementation of Ecological Solid
Waste Management (ESWM), No Issuance of
Municipal Permits
• Municipal- wide composting & livelihood projects
Bago City, Negros • Takakura Market Waste Composting
Occidental

Barangay Bagumbuhay, *Garbage=Points


Project 4, Quezon City

Teresa, Rizal • Residual Waste Management

Quezon City • Pioneering LGU in Dumpsite with Methane Recovery


for Power Generation

Halimbawa ng mga suporta ng NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste
sa Pilipinas.
1. Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga
barangay.
2. Clean and Green Foundation - kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium
and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice
Philippines, at Trees for Life Philippines.
3. Bantay Kalikasan - paggamit ng media upang mamulat ang mga
mamamayan sa suliraning pangkapaligiran.
Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed
at sa Pasig River Rehabilitation Project.
4. Greenpeace - naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw
ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan
at pagsusulong ng kapayapaan.

II. Pagkasira ng mga Likas na Yaman

• Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na binayayaan ng maraming likas na


yaman. Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita
mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang
pagtatanim at pangingisda.

5
Ang Likas na Yaman ng Pilipinas sa Kasalukuyan
Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 milyon ektarya
noong 1934 ay naging 6.43 milyong ektarya noong 2003

Yamang Tubig – pagbaba ng kabuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo


bawat araw mula sa dating 10 kilo

Yamang Lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling sampung


taon.

Benepisyong Nakukuha mula sa Kagubatan:


1. Tahanan ng iba’t-ibang nilalang na napapanatili ng balance ng kalikasan –
mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito
ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
2. Pinanggagalingan ng iba’t-ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba
pang pangunahing pangangailangan ng tao

Deforestation – tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan


dulot ng iba’t-ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad

Dahilan at Epekto ng Deforestation sa Pilipinas


Gawain Epekto
Illegal Logging – Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng
Illegal na pagputol sa iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at
mga puno sa pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop. Sa kasalukuyan
kagubatan. Ang noong 2008 ay mayroong 221 species ng fauna at 526
kawalan ng ngipin sa species ng flora ang naitala sa threatened lis.t
pagpapatupad ng (National Economic Development Authority, 2011)
mga batas sa illegal
logging sa Pilipinas
ang nagpapalubha sa
suliraning ito.
Migration – paglipat Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn farming) ang mga
ng pook panirahan lumilipat sa kagubatan at kabundukan na nagiging sanhi ng
pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng sustansiya ng
lupain dito.
Mabilis na pagtaas ng Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay
populasyon nangangahulugan ng mataas na demand sa mga
pangunahing produkto kung kaya’t ang mga dating
kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan, at
iba pang imprastraktura.
Fuel wood Ayon sa Department of Environment & Natural Resources na
harvesting – lumabas sa ulat ng National Economic Development
paggamit ng puno Authority (2011), tinatayang mayroong 8.14 milyong
bilang panggatong, kabahayan at industriya ang gumagamit ng uling at kahoy sa
isang halimbawa ay kanilang pagluluto at paggawa ng produkto, ang mataas na
ang paggawa ng uling demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan ng pagputol ng
mula sa puno. mga puno sa kagubatan.

6
Illegal na Pagmimina Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang
dito natatagpuan ang deposito ng mga mineral tulad ng
limestone, nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang
mga puno upang maging maayos ang operasyon ng
pagmimina. Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao
at ng iba pang nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na
ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral.
Ayon sa DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang
matatagpuan sa kadundukan ng Sierra Madre, Palawan at
Mindoro.

Iba’t-Ibang Batas, Kautusan, Programa at Proyekto na Isinagawa sa Pilipinas mula


sa Pagtutulungan ng Pamahalaan at Iba’t-Ibang Sektor ng Lipunan upang
Mapangalagaan ang Kagubatan
PANAHON NG PANANAKOP
1919 Itinayo ang kauna unahang Forestry School
(ngayon ay College of Forestry and Natural Resources) sa
Los Baños, Laguna
1916 Isinabatas ang Republic Act 2649 kung saan ay naglaan ng
sampumg libong piso para sa reforestation ng
Talisay-Minglanilla Friar Estate sa Cebu
1919 Itinatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat,
Ilocos at Zambales
1927-1931 Itinatag ang Cinchona Plantation sa Bukidnon at
nagsagawa ng iba pang proyekto para sa reforestation
1937-1941 Naglaan ng malaking pondo ang pamahalaan para sa mga
programang pangkagubatan. Itinatag ang Makiling
Reforestation Project.

PANAHON MATAPOS ANG DIGMAAN


(1946-kalagitnaan ng dekada 70)
1946-1948 Limitado lamang ang ponding nilaan ng pamahalaan para sa
mga proyekto ng reforestation kung kaya’t hindi gaanong
naisakatuparan ang mga programa
1948 Muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation sa bisa
ng Republic Act 115
1960 Itinatag ang Reforestation Administration sa bias ng Republic
Act 2706. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para
sa reforestation ng bansa.

7
KALAGITNAAN NG DEKADA 70 HANGGANG SA KASALUKUYAN
1975 Nilagdaan ang Presidential Decree 705 kung saan ay ipinag-
utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa
kasama ang pribadong sektor. Ipinagbabawal din ang
pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin.
1977 Sa bisa ng Presidential Decree 1153 ay ipinag-utos sa lahat
ng mga mamamayang 10 rtaong gulang pataas na
magtanim ng 12 seedlings bawat taon sa loob ng limang
taon.
1980s Sinimulan ng pamahalaan ang mga people-oriented
programs tulad ng Integrated Social Forestry Program noong
1982 at Community Forestry Program noong 1987
Tumulong din ang mga NGO tulad ng programang “Sloping
Land Agricultural Technology” o SALT sa Mindanao,
programa ng World Neighbors sa mga komunidad sa
kabundukan.
1987 Ipinagbabawal ang illegal logging sa bisa ng
Executive Order 277
1987 Sinimulan ang Forest Sektor Projects (FSP) I at II
1992 Naisabatas ang Republic Act 7586 o ang “National
Integrated Protected Area System” (NIPAS). Layunin nitong
mapangalagaan ang mga tinatawag na protected areas mula
sa pang-aabuso
1995 Sinimulan ang National Forestation Program (NFP). Layunin
nito na magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya
ng kagubatan sa buong bansa.
2001 Ipinasa ang sumusunod na batas:
RA 9072 - “National Cave and Resources Management and
Protection Act”
2004 Proclamation No. 643
Hinikayat ang participasyon ng lahat ng ahensiya ng
gobyerno, pribadong sektor, paaralan, NGO at mga
mamamayan upang makilahok sa tree planting activities.
2011 Nilagdaan ang sumusunod:
Executive Order No. 23 – nagdeklara ng moratorium (isang
legal na kautusan upang ihinto ang isang gawain) sa
pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan.
Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging task
force.
2015 Nilagdaan ang sumusunod:
Executive Order No. 193 – layunin nito na palawakin ang
sakop ng National Greening.

8
KASALUKUYAN (2016 - pataas)
- Mga programa para sa pagpapanumbalik ng kagubatan
- National Greening Program
- National Forest Protection Program
- Forestland Management Project
- Integrated Natural Resources and Environmental Management Project

III. Climate Change – is a statistically significant variation in either the mean state of
the climate or in it, variability, persisting for an extended period (typically decades
or longer). It may be due to natural internal processes or external forcing, or to
persistent anthropogenic changes in the composition of atmosphere or in land
use.

- Maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabilis o


napapalala dulot ng gawain ng tao.
- Isa sa sinasabing dahilan ng climate change ay ang patuloy na pag-init ng
daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng
carbon dioxide nanaiipon sa atmosphere.
- Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at
pagsusunog ng mga basura.

Epekto ng Climate Change:


1. Madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña
2. Pagkakaroon ng malakas na bagyo
3. Malawakang pagbaha
4. Pagguho ng lupa
5. Tagtuyot
6. Forest fires

• Nagkaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral


bleaching na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sabilang ng
nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species.

• Pinangangambahan din na malubog sa tubig ang ilang mabababang lugar sa


Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng water level bunga ng pagkatunaw ng
mga iceberg sa Antarctic.

9
Ilan sa Epekto ng Climate Change sa Pilipinas:
1. Panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala ng malakas na bagyo
ang sektor ng agrikultura.

2. Lumiliit ang produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil sa pagkasira ng mga


kalsada, bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pag-ani, irigasyon,
pagkawasak ng mga palaisdaan, ay pagkamatay ng mga magsasaka at
mangingisda.

3. Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad ng
dengue, malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init.

4. Mayroon rin ilang mga mamamayan ang napilitang lumikas dahil sinira ng
malakas na bagyo ang kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa
dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating
lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.

Gagawin Ko - A

Pangalan: _______________________________ Baitang:______________


Paaralan: _______________________________ Iskor: _______________

Panuto: DATA RETRIEVAL CHART


Punan ng tamang sagot ang tsart batay sa iyong natutuhan sa suliranin
sa solid waste sa Pilipinas. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
Suliranin Sanhi Bunga Mga Solusyong
Ginagawa

1.

2.

3.

4.

5.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa solid waste?
2. Paano ito nakaapekto sa ating pamumuhay?
3. Paano ka makatutulong upang mabawasan ng suliranin sa solid waste?

10
Gagawin Ko - B
Pangalan: _______________________________ Baitang:______________
Paaralan: _______________________________ Iskor: _______________

PANUTO: SA AKING PAMILYA/KOMUNIDAD


Pumili ng isang programa para sa solid waste management na ipinapatupad
sa inyong bahay/komunidad. Gumawa ng presentasyon
(Powerpoint Presentation) tungkol dito.

Rubrics para sa Powerpoint Presentation:


Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Makatotohanan ang nilalaman ng presentasyon. 10
Gumamit ng mga larawan, datos, at iba pang
sanggunian upang suportahan ang impormasyong
binanggit sa presentasyon.
Pagsusuri Naipapahayag ang mga dahilan ng mga kinahaharap 10
na pagsubok o pagtatagumpay ng programa at
nakapagbigay ng mungkahi upang magpatuloy ang
mga ito.
Pagkamalikhain Gumamit ng malikhaing paraan sa paglalahad 5
ng programa.
Kabuuan 25 puntos

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga balakid na kinaharap o kinahaharap ng programa na inyong


inilahad?

2. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t-ibang sektor sa mga programa para sa


solid waste management?

3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa


solid waste?

11
Gagawin Ko - C
Pangalan: _______________________________ Baitang:______________
Paaralan: _______________________________ Iskor: _______________

Panuto: Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran. Gumawa ng environmental


issue map sa pamamagitan ng paggawa sa sumusunod:
Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

A. Sanhi – Suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na pangyayari


B. Epekto – Suriin ang epekto sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay
C. Kaugnayan – Suriin ang kaugnayan nito sa mga suliraning nararanasan sa
iba pang likas na yaman.
D. Tunguhin – Suriin ang maaring epekto kung magpapatuloy ang
nararanasang suliraning pangkapaligiran

Environmental Issue Map:


______________________________

Epekto

Sanhi Tunguhin

Kaugnayan

Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________

12
Tatandaan Ko

• Ang Solid Waste - tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at


komersiyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason

• Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act
of 2000 – ipinatupad ng pamahalaan upang magkaroon ng legal na batayan sa
iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa

• Material Recovery Facility (MRF) – Pasilidad kung saan isinasagawa ang waste
segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite

• Deforestation – tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng


kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad

• Climate Change – is a statistically significant variation in either the mean state of


the climate or in it, variability, persisting for an extended period (typically decades
or longer). It may be due to natural internal processes or external forcing, or to
persistent anthropogenic changes in the composition of atmosphere or in land
use.

13
Isasabuhay Ko

Pangalan: _______________________________ Baitang:______________


Paaralan: _______________________________ Iskor: _______________

Panuto: Bilang isang mag-aaral, sumulat ng isang sanaysay kung paano


maipamalas ang pangangalaga sa ating kapaligiran. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

14
Susubukin Ko

Pangalan: _______________________________ Baitang:______________


Paaralan: _______________________________ Iskor: _______________

Panuto: Kilalanin. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersiyal na


establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula
sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.

2. Ipinatupad ng pamahalaan upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang


desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa

3. Tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng


iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad.

4. Paggamit ng puno bilang panggatong, isang halimbawa ay ang paggawa ng


uling mula sa puno.

5. Illegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan.

6. Layunin nitong mapangalagaan ang mga tinatawag na protected areas mula sa


pang-aabuso

7. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.

8. Nagdeklara ng moratorium (isang legal na kautusan upang ihinto ang isang


gawain) sa pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan. Ipinag-utos
din ang paglikha ng anti-illegal logging task force.

9. Ipinag-utos sa lahat ng mga mamamayang 10 taong gulang pataas na


magtanim ng 12 seedlings bawat taon sa loob ng limang taon.

10. Is a statistically significant variation in either the mean state of the climate or in
it, variability, processes or external forcing, or to persistent anthropogenic
changes in the composition of atmosphere or in land use.

11. Dito isinasagawa ang waste segregation bago dalhin ang mga
nakolektang basura sa dumpsite.

12. Suliranin na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sabilang ng nahuhuling
mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species.

15
II. Isa-isahin ang mga sumusunod.
1–2 Benepisyo mula sa kagubatan.

3–7 Gawain na siyang dahilan ng deforestation sa Pilipinas.

8 – 13 Epekto ng climate change.

14 – 17 Epekto ng climate change sa Pilipinas.

18 – 20 Halimbawa ng mga batas para sa pangangalaga ng ating kagubatan.

III. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusnod na acronym.


1. DENR
2. LGU
3. NGO
4. NIPAS
5. NFP
6. NEDA

Sanggunian

Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10.


Kontemporaryung Isyu
pahina 55-75

Lyrics ng Kantang Anak ng Pasig, DepEd Learner’s Module Grade 9 Health

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like