You are on page 1of 23

NOT

9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 11
Pananaw ng May-akda Tungkol sa Paksa
Batay sa Napakinggan

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2,Wk.4– Module 11 : Pananaw ng May-akda Tungkol sa Paksa Batay sa
Napakinggan

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD, CESO V

Development Team of the Module


Author: Romelie A. Echavez
Evaluators/Editors: Ginalyn A. Kiamko, Perlita T. Monterola
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

i
9
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 11
Pananaw ng May-akda Tungkol sa
Paksa Batay sa Napakinggan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at action@
deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

ii
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

This page is intentionally blank

iii
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 7


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 7
Alamin ……………………………… 7
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 8
Subukin ……………………………… 9
Balikan ……………………………… 10
Aralin 1 ………………………………
Tuklasin ……………………………… 11
Suriin ……………………………… 15
Pagyamanin ……………………………… 16
Isaisip ……………………………… 17
Isagawa ……………………………… 18

Tayahin ……………………………… 18
Buod ……………………………… 20
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 20
Sanggunian ……………………………… 21

iv
This page is intentionally blank

v
Modyul 11
Pananaw ng May-akda Tungkol sa
Paksa Batay sa Napakinggan
Pangkalahatang Ideya
Bawat nilalaman ng modyul na ito ay malaking tulong sa bagong
aralin. Talas ng isip,imahinasyon, pagnanais at tiyaga ang dapat
taglayin upang ang bawat gawaing nakahanda sa modyul na ito ay
matatapos.
Sa mga araling inihanda, masusuri ang akda batay sa mga nais
sabihin nito sa mga mambabasa. Maiuugnay din ang mga tiyak na
karanasan sa akda sa pansariling karanasan maging karanasan ng iba na
nabatid at nasaksihan na. Masusubok ang kakayahang makinig sa radyo
o mapanood sa YouTube ang ilang napapanahong talakayan ukol sa
pambansang isyu.

Nilalaman ng Modyul
Ang nilalaman ng modyul na ito, ay ang naipaliliwanag ang
pananaw ng may akda tungkol sa paksa batay sa
napakinggan,Mapapatunayan din na sa pamamagitan ng mga gawain, ay
matatatas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangang
makapagpapaliwanag ng buong husay tungkol sa paksa na kanilang
napapakinggan at matamang makikilahok sa anumang uri ng
talakayan.Sinasabi ring dahil sa kasipagan at pagsisikap ang tao ay
uunlad sa larangang pakikipagtalastasan.
.

ALAMIN

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral


ay;

• Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa napakinggang isyu sa lipunan.


( F9PN-lld-47)
• Naisusulat ang isang sanaysay na naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa
napapanahong isyu o paksa.

1
• Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong opinyon,
matibay na paninindigan, at mungkahi.

2
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
• Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
• Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

3
Subukin :
Panuto: Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.
____1. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Silangang Asya?
a. Makasunod tayo sa agos ng modernisasyon.
b. Mapagtibay pa ang ating pakikiisa sa ibang bansa sa Asya.
c. Matuto at mapaunlad ang sarili tulad ng mga kapwa nating Asyano.
d. Lubos na makilala ang kultura at kaugalian ng ating mga karatig bansa.
____2. Nakapaloob dito ang nais iparating na himaymay ng manunulat sa mga ay
mambabasa, dito umiinog ang maliit na himaymay ng akda. Maaaring ito ay
hindi tuwirang binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig para mailahad ito.
a. tono b. kaisipan c. paksa d. ideya
Para sa blg. 3-6. Basahin ang teksto sa ibaba pagkatapos sagutin ang mga
sumusunod na katanungan

Naiiba na gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung


ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan nang
pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap
nang pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga
kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami
pa ringkalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa
tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa
kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang
ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Halaw sa: “Ang Kababaihan ng Taiwan Noon at Ngayon
at Noong Nakalipas na 50 Taon
ni Sheila C. Molina

____3. Ang binasa ay tumatalakay sa mahalagang isyu sa kapaligiran kaya’t ito ay


mauuri bilang;
a. balita b. editorial c. lathalain d. sanaysay
____4. Ang patunay na hindi pa ganap na pantay ang kalagayan ng babae at lalaki
sa Taiwan ay ____________.
a. Hindi tinatanggap ang babae sa trabaho
b. Hindi binibigyan ng karagdagang sahod
c. Hindi makatarungan ang trato sa mga lider na babae
d. Lalaki lamang ang napipiling lider sa kompanya
____5. Naiiba na gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon. Sa pangungusap, ano ang ibig sabihin ng salitang
mayroong salungguhit.
a.mapagsamantala c. mayabang
b.mapanuri d. pagsubok
_____6. Makatulong sana kayo upang di maging dungis ng lipunan. Ang maysa
salungguhit ay nangangahulugang;
a.makasalanang mamamayan c. palaaway na kabataan
b.mamamayang mangmang d. pabigat sa bayan

4
Para sa blg. 7-11. Basahin na may pag-unawa ang talata sa ibaba. Sagutin ang
kasunod na mga tanong ukol dito.

Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot


sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba,
dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa
lumakas at sumigla.

____7. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa talata?


a. kapalaran b. naglaho c. umusbong d. nawala
____8. Ano ang tawag sa uri ng pahayag na mula sa ideya ng tao; kanyang
ipinahayag bilang reaksiyon sa isang paksa o isyu?
a. pananaw b. opinion c. kaisipan d. may masabi lang
____9. Sa kalagayan ng tauhan, ano ang tinig na patuloy na lumalapit sa kanya?
a.pagbabago b. pag-unlad c. pagsusumamo d.pagkamatay
____10. Batay sa kanyang pananaw, paano tinanggap ng tauhan ang binhing
sumupling sa kanyang puso?
a.nagdadalawang-isip c. buong puso
c. nagpaubaya d. may kondisyon

Para sa bilang 11-15.


Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang PO kung itoý
nagpapahayag ng positibong opinyon at NO kung negatibong opinyon.

____11. Kaisa ako sa lahat ng mga pagbabagong nais nilang mangyari sa


bansa.

____12. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang


paraan.

____13. Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan


sa ating pag-uugali at kultura.
____14. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.Huwag
natin silang tularan.

____15. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa
mundo.

Bigyan mo ng pansin ang kalakip na susi sa pagwawasto (mula sa guro)


upang malaman kung alin sa mga aytem ang iyong nasagutan nang wasto at mali.
Huwag kang mabahala kung may mga nagiging sagot kang mali sapagkat
gagabayan ka ng modyul na ito upang maiiwasto ang mga ito.

5
Pamagat ng Aralin :
Pananaw ng May-akda
Aralin Tungkol sa Napakinggan
3
Balikan :
Sa sinundang aralin inyong natutunan ang iba’t ibang
ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin. Tulad ng paggamit ng
sambitla, pagpapahayag ng damdamin o emosyon ng isang tao tulad ng
kasiyahan, pagkalungkot, pagkalito at pagkabigla.

Ngayon ay susubukan nating balikan ang iyong natutunan.


Isulat sa patlang ang emosyon o damdamin ng bawat pahayag sa
ibaba.

__________________1. Huwag! Nasasakal na ako sa kulungang ito.

__________________ 2. Masaya akong makilala ang modernong


babae.
__________________ 3. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa
labas!
__________________ 4. Anong nalalamn mo tungkol sa pag-ibig?

__________________ 5. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at


batang panahong ito?

Tuklasin

Gawain 1:
Kunwari may natanggap kang liham mula sa kaibigan, kakilala,
at taong malapit sa iyo.
Tanong: Ano ang pinakamahalagang liham na natanggap mo?
Kanino ito galing at ano ang nilalaman nito?
Bilang paunang gawain gumawa ng tatlo hanggang limang
pangungusap na nagpapaliwanag ng inyong sagot.

1. ___________________________________________________
2. ___________________________________________________

6
3. ___________________________________________________

4.___________________________________________________
5.___________________________________________________

Ang mga pangungusap na iyong ginawa ay may kinalaman sa


susunod na akda na iyong babasahin.

Handa ka na ba?

Gawain 2:
Basahin mo na!

Kay Estella Zeehandelar


Sanaysay (Indonesia)
Salin ni Ruth Elynia Mabanglo mula sa “Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese”
Japara, Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng


malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa
sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig,
pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligayahan kundi maging
ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon;
totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa
piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig
gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi
maaaring suwayin. Balang- araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan,
ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon,
ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano
mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali
sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang
sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang
lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa
ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking
sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga
buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang
pagmamahal na iniuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mgataong
nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin
ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan,
mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit, at
bagongsilang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa
kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking
pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang
kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito sa akin para

7
hangarin ang pagsasarili at kalayaan – isang paghahangad na makatayong mag-isa.
Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong
lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupain, umaabot sa
akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala
nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas
at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang
magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim
na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng
Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya
rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga
panauhin mula sa ibayong dagat – ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak
niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na
ngayon) ay umiibig o umibig sa kaunlarang minana sa kanilang ama; at nagdulot
naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo.
Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa
Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang
matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y
tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at naglilingkod din naman doon
bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang
magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga
lumang tradisyon at kumbensiyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga
babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskuwela.
Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae.
Hindi kami pinapayagang pumunta saanman, liban lamang kung sa paaralan, at ang
tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga
babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa
bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-
ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita
marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-
kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang
di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan
kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin,
isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi
nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang
taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan
man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging
kaligayahang naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang
pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito — ito
lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na
panahong iyo, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang
kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit
dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas — ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw
sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag
na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na
nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa
rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim
na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at

8
hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga
pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang
Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands ), “opisyal” na inihandog sa amin
ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa
aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at pumunta sa siyudad na
pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay
iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na
imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”; naging usap-usapan ang
“krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang
European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit
hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala
akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad
kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo nang mag-isa,
mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-
asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang
pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang
pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang
pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin — mababaw pa ngang ekspresyon ang
sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang
para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang
batas at kumbensiyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?
Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig? Paano namin
maiibigan ang isang lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila kami
iibigin? Hindi yata maaaring mangyari iyon. Mahigpit na ipinaghihiwalay ang mga
kabataang babae at lalaki, at kailanma’y hindi pinapayagang magkakilala.

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

Bigyan kahulugan ang mga salitang may salungguhit ayon sa kung paano ito
ginamit sa sanaysay. Maaaring gumamit ng diksiyonaryo pagkatapos upang matiyak
kung tama ang pagkaunawa sa mga salita.

a. Nang marinig ko ang salitang emansipasyon, nakapang-akit ito sa akin na


magising na hangaring ang pagsasarili at kalayaan. _____________________
b. Hindi ko nais na wasakin ang puso ng mga mahal ko sa buhay.
___________________________
c. Ito ang nagbukas ng pinto sa mga kababaihan na ipamalas ang kanilang talento.
____________________________
d. Ipinagkasundo ako ng aking mga magulang sa hindi kilalang lalaki.
_____________________________
e. Bata pa lang ako ay nais ko nang makatayong mag-isa sa aking buhay.
_____________________________

9
Gawain 4:

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong upang matiyak ang pag-unawa sa
binasa.
a. Sa palagay mo, sino ang nagsasalita sa akda? Kanino niya nais
iparating ang liham na ito?
________________________________________________________
b. Anong katangian ang tinataglay ng nagsasalita sa akda? Patunayan.
_________________________________________________________
c. Anong bahagi ng akda ang nagpapahiwatig na ang sumulat ay
naimpluwensiyahan na ng pananaw ng mga babaeng
Kanluranin?________________________________________________
d. Ano ang tanging kaligayahan niya sa gitna ng pagkakakulong?
_____________________________________________________
e. Paano niya ipinahayag ang damdamin sa mga kaugaliang kanyang
nararanasan? Nakatutulong ba ito sa
kanya?_____________________________________________________
f. Paano niya hinarap ang kawalan ng kalayaan? Tama ba ang kanyang
ginawang hakbang? Pangatuwiranan ang sagot.
___________________________________________________________
g. Anong karapatang pantao, kaugnay ng mga kababaihan, ang
nakapaloob sa akdang
binasa?_____________________________________________________
h. Bilang isang babae, paano mo maipamamalas ang iyong
paninindigan? _______
i. Ilarawan si Kartini batay sa kanyang iniisip, nararamdaman, sinasabi, at
ginagawa.-------------------------------------------------------------------------------------
j. Paghambingin ang mga tradisyon at kumbensiyong sinusunod ng lahing
Javanese sa tradisyon at kulturang Pilipino.________________________
___________________________________________________________

Suriin
Naibigan mo ba ang akdang binasa? Lubhang napapaisip ka ba sa pananaw ng
tauhan? Kung gayon, alamin natin ang kahulugan ng pananaw. Ang pananaw sa ingles
ay points of view, Ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o
pagsusuri sa isang bagay suliranin o pangyayari. Personal na pang-unawa o punto de
bista.

Sa ibaba ay mga halimbawa ng pangungusap na nagpapahayag ng pananaw :

10
1. Lahat tayo ay may iba't-ibang pananaw sa buhay pampolitika,relihiyon at marami
pang iba.
2. Dapat nating igalang ang pananaw ng bawat isa,dahil may kanya- kanyang
tayong paniniwala.
3. Sa pananaw ng marami,ang pagbibigay ng maayos na edukasyon sa kanilang
mga anak ang magpapaangat sa kanila sa kahirapan.
4. Sa aking pananaw dapat pagtuunan ng pamahalaan ang lumalalang kaso sa
ipinagbabawal na gamot.
5. Ang pananaw ng aking anak na dapat ay magtulong- tulong ang kanyang mga
kaklase para sa kanilang gawain ay kanyang ipinahayag.

Ngayon, mas madali mo nang matutunan ang pagbibigay ng opinyon at


paninindigan sa mga pahayag.

Pagbibigay ng Opinyon at Paninindigan


Ang pagbibigay ng opinyon sa isang mahalagang isyu na kinakaharap ng bansa
ay isang magandang indikasyon na ang mga mamamayan ay nakikisangkot sa mga
pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid at lipunang ginagalawan. Maaaring
positibo o negatibo ang pagbibigay ng opinyon. Ilan sa mga salita o pariralang maaaring
gamitin sa pagbibigay ng opinyon ay ang sumusunod:

Positibong Opinyon Negatibong Opinyon


• Tama ang sinabi mo… • Mabuti naman, ngunit…
• Sa palagay ko totoong… • Ikinalulungkot ko sapagkat…
• Iyan nga ang nararapat… • Hindi ako sang-ayon dahil…
• Pareho tayo ng iniisip • Nauunawaan kita, subalit…
• Ganyan din ang palagay ko… • Hindi totoong…
• Sang-ayon ako… • Huwag kang…
• Oo nga…
• Tunay na…
• Talagang…

Halimbawa:

1. Sa palagay ko totoong mahirap manirahan sa ibang bansa.


2. Hindi tooong masarap manirahan sa ibang bansa.

Tandaan:

Ang unang pangungusap ay nagsasad ng positibong opinyon, samantala ang


ikalawang halimbawa ay isang negatibong opinion.

11
Pagyamanin

Upang mapalawak ang iyong natutunan at mabibigyan ka nang


pagkakataong mahasa pa ang iyong kasanayan subukin mong gawin ang mga
sumusunod na gawain :

Gawain 5:
Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng mukhang nakangiti
kung itoý nagpapahayag ng positibong opinion o mukhang malungkot
kung ito’y negatibong opinion.

____1. Sang-ayon ako sa lahat ng mga pagbabago sa mundo.


____2. Mabuti naman ngunit, ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit
na maganda ang buhay ngayon kaysa noon.
____3. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag na
natin silang tularan.
____4. Hindi ako sang-ayon sa mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating
pag-uugali at kultura.
____5. Ganyan din ang palagay ko kung kaya’t gawin natin ito sa tamang panahon.

Gawain 6: Pag-unawa sa Binasa


Sagutin ang mga tanong upang matiyak kung gaano mo naunawaan ang iyong
binasa.
1.Sa palagay mo, sino ang nagsasalita sa akda? Kanino niya nais iparating
ang liham na ito?_______________________________________________
2.Anong katangian ang tinataglay ng nagsasalita sa akda? Patunayan.______
3.Anong bahagi ng akdang nagpapahiwatig na ang sumulat ay
naimpluwensiyahannang pananaw ng mga babaeng Kanluranin?_________
4.Paano niya ipinahayag ang damdamin sa mga kaugaliang kanyang
nararanasan? Nakatutulong ba ito sa kanya?________________________

Isaisip

Gawain 7 :

Sumulat ng isang sanaysay gamit ang mga salitang positibo at negatibong


opinyon na naglalahad ng iyong pananaw sa ilang kulturang hindi kumikilala sa
pagkakapantay-pantay ng lalaki at ng babae sa lipunan.

12
Rubrik sa Pagmamarka

1. Sining at Kaayusan – 40%


2. Angkop na Salitang Ginamit – 10%
3. Nilalaman – 30%
4. Pagpalutang ng Kultura – 20%
_______

Kabuuan = 100%

Isagawa :

Gawain 8 :

Magsagawa ng isang panayam sa isang kaibigang Muslim ( sa pamamagitan ng


video chat) o iba pang pangkat sa inyong lugar, tanungin o alamin ang kanilang mga
tradisyon.

Pwedeng gawing gabay ang mga sumusunod na tanong:


1. Paano nila napapanatili ang kanilang tradisyon?
2. Nais ba nilang lumaya sa mga nakagisnang tradisyon?
3. Ano-ano ang nagiging pagbabago sa kanilang mga tradisyon sa paglipas
ng panahon?

Buod :
Lahat tayo ay may iba’t ibang pananaw sa buhay. Dahil dito, iba’t iba rin ang
ating mga opinyon sa maraming bagay, positibo man o negatibong opinyon. Ang
salitang “pananaw” ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o
pagsusuri sa isang bagay suliranin o pangyayari. Ito rin ay ma-ihahalintulad sa
paniniwala ng isang tao. Subalit, ang paniniwala ay bunga ng pananaw ng isang tao.
Sa Ingles, ito ay tinatawag na “Point Of View”.
Batid nating lahat na bawat isa ay may sariling tradisyon na siya nating
sinusunod at pinaniniwalaan. Ano man ang mga ito ay dapat nating igalang at
irespeto dahil ito ang tanging susi upang tayo ay magkaisa at magkaunawaan.
Sa araling ito naipahayag ng may akda ang pananaw tungkol sa sanaysay na
tinalakay atsana ito ay maayos na naipabatid ayon sa kanyang pananaw.

13
Tayahin:
Panuto: Isulat ang titik ng inyong sagot. sa sagutang papel.

____1. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Silangang Asya?


a. Makasunod tayo sa agos ng modernisasyon.
b. Mapagtibay pa ang ating pakikiisa sa ibang bansa sa Asya.
c. Matuto at mapaunlad ang sarili tulad ng mga kapwa nating Asyano.
d. Lubos na makilala ang kultura at kaugalian ng ating mga karatig bansa.
____2. Nakapaloob dito ang nais iparating na himaymay ng manunulat sa mga
mambabasa, dito umiinog ang maliit na himaymay ng akda. Maaaring ito
ay hindi tuwirang binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig ng may-akda
para mailahad ito.
a. tono b. kaisipan c. paksa d. ideya

Para sa blg. 3-6. Basahin ang teksto sa ibaba pagkatapos sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

Naiiba na gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung


ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at hahalagahan ay binibigyan nang
pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap
nang pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga
kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami
pa ringkalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa
tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa
kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at Malaki ang aking pag-asa na Makita ang
ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Halaw sa: “Ang Kababaihan ng Taiwan Noon at Ngayon
at Noong Nakalipas na 50 Taon
ni Sheila C. Molina

____3. Ang binasa ay tumatalakay sa mahalagang isyu sa kapaligiran kaya’t itoa


Ay mauuri bilang;
a. balita b. editorial c. lathalain d. sanaysay
____4. Ang patunay na hindi pa ganap na pantay ang kalagayan ng babae at lalaki
sa Taiwan ay ____________.
a. Hindi tinatanggap ang babae sa trabaho
b. Hindi binibigyan ng karagdagang sahod
c. Hindi makatarungan ang trato sa mga lider na babae
d. Lalaki lamang ang napipiling lider sa kompanya
____5. Naiiba na gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon. Sa pangungusap ano ang ibig sabihin ng salitanga
mayroong salungguhit.
a. mapagsamantala c. mayabang
b. mapanuri d. pagsubok

_____6. Makatulong sana kayo upang di maging dungis ng lipunan. Ang may
salungguhit ay nangangahulugang:
a. makasalanang mamamayan c. palaaway na kabataan
b. mamamayang mangmang d. pabigat sa bayan

14
Para sa blg. 7-11. Basahin na may pag-unawa ang talata sa ibaba. Sagutin ang
kasunod na mga tanong ukol dito.

Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot


sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba,
dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hangang sa
lumakas at sumigla.

____7. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa talata.


a. kapalaran b. naglaho c. umusbong d. nawala
____8. Ano ang tawag sa uri ng pahayag na mula sa ideya ng tao; kanyang
ipinahayag bilang reaksiyon sa isang paksa o isyu?
a. pananaw b. opinion c. kaisipan d. may masabi lang
____9. Sa kalagayan ng tauhan, ano ang tinig na patuloy na lumalapit sa kanya?
a. pagbabago b. pag-unlad c. pagsusumamo d.pagkamatay

___10. Batay sa kanyang pananaw, paano tinanggap ng tauhan ang binhing


sumupling sa kanyang puso?
a. nagdadalawang-isip c. buong puso
b. nagpaubaya d. may kondisyon

Para sa bilang 11-15.


Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang PO kung itoý
nagpapahayag ng positibong opinyon at NO kung negatibong opinyon.

____11. Kaisa ako sa lahat ng mga pagbabagong nais nilang mangyari sa


bansa.
____12. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang
paraan.
____13. Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan
sa ating pag-uugali at kultura.
____14. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag
natin silang tularan.
____15. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa
mundo.

Susi sa Pagwawasto

1. D 6. C 11. PO
2. B 7. D 12. PO
3. D 8. C 13. NO
4. C 9. A 14. PO
5. D 10. C 15. PO

15
Sanggunian:
1. https://fdocument.pub/document/modyul-2-pagsusuri-ng-akda-batay-sa-teoryang-
romantisismo-565c5e6b7c508.html
2. –http://www.rexinterractive.com/imdownloader.php?impanel=1&bid=152
3. https://brainly.ph/question/359199

Mga Sanggunian

• Included all third party materials or sources in developing the material

• Follows the Chicago Manual of Style 17th edition

For your guide,

https://owl.purdue.edu/owl/research_and_citation/chicago_manual_17th_edition/cmos_formatting_an
d_style_guide/chicago_manual_of_style_17th_edition.html,

you can also use citation machine generators: citethisforme.com and citefast.com

16
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

17

You might also like