You are on page 1of 17

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
Filipino 11

Ikalawang Markahan - Modyul 2


Paghahambing sa Estilo sa Pagbuo
ng Tanka at Haiku

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2,Wk.1 - Module 2: Paghahambing sa Estilo sa Pagbuo
ng Tanka at Haiku

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module


Author: Mary Jean M. Nuńez
Reviewers/Evaluators/Editors: April L. Echiverri at Angelina M. Pacquiao
Illustrator and Layout Artist: (________________________)
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
9
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 2
Paghahambing sa Estilo
sa Pagbuo ng Tanka at Haiku

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

iii
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 1
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 4
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 7
Isaisip ……………………………… 7
Isagawa ……………………………… 8

Buod ……………………………… 8
Tayahin ……………………………… 9
Karagdagang Gawain ……………………………… 10
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 11
Sanggunian ……………………………… 12

iv
Modyul 2
Paghahambing sa Estilo
sa Pagbuo ng Tanka at Haiku

Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng tanka at haiku
na ang layunin ay makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng estilo ng
pagkakabuo ng dalawang tula.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay naglalaman ng:
 Aralin 1 – Pagsusuri sa Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Estilo ng
Pagbuo ng Tanka at Haiku

Alamin

Sa pag-aaral ng nilalaman ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

Nakasusuri sa pagkakatulad at pagkakaiba ng estilo ng pagbuo ng


tanka at haiku (F9PB-IIa-b-45).

Pangkalahatang Panuto
Upang makamit ang mga inaasahan, kailangan mong gawin ang mga
sumusunod:
 Basahin at unawaing mabuti ang mga mahahalaganng kaisipan at
konsepto kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng estilo ng
pagbuo ng tanka at haiku.
 Sagutin ang mga gawain at pagsasanay na inihanda na nasa modyul
na ito.

Icons na Ginagamit sa Modyul


1
Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Balikan Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Tayahin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong natutunan


ayon sa pokus na kasanayan sa modyul na ito.

2
Susi ng Ito ang bahagi ng modyul na matatagpuan ang
Pagwawasto mga sagot sa mga gawain at pagsasanay na
inihanda.

Subukin

Pangkalahatang Panuto: Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat aytem. Isulat ang
TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
1. Nilikha ang tanka noong ika-10 siglo.
2.Samantala ng haiku naman ay noong ika-15 siglo.
3. Ang tanka sa wikang Hapones ay maikling awit ay isang tula na may limang (5)
taludtod, may ayos na 5-7-5-7-7 ang anyo at binubuo ng tatlumpu’t isang pantig.
4. Ang haiku ay pinaikling anyo ng tula na may labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong linya o taludtod at may ayos na 5-7-5 ang anyo.
5. Ang karaniwang paksa sa tanka ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa .
6. Ang sa haiku ay tungkol sa pagmamahal sa bayan.
7. Ang haiku ay nangangahulugang maiikling awitin.
8. Maaaring magkakapalit-palit ang bilang ng bawat taludtod sa tanka basta
tatlumpu’t isa pa rin ang kabuuang bilang nito.
9. Subalit hindi maaaring magkakapalit ang bilang na 5-7-5 sa haiku.
10. Kailangang magkakatugma ang huling pantig sa bawat taludtod ng tanka at
haiku.
II. Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Ang __________ ay mas pinaikli pa sa tanka. Ito ay may labimpitong pantig na
may tatlong taludtod.
2. Parehong nagpapahayag ng __________damdamin ang tanka at haiku.
3. Ang haiku ay tumatalakay sa __________ at pag-ibig.
4. Ang tanka at haiku ay uri ng tula na impluwensiya ng bansang __________.
5. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at __________ sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Aralin
Pagkakatulad at Pagkakaiba
3
ng Estilo sa Pagbuo
ng Tanka at Haiku
1
Balikan

Ang Tanka at Haiku


Balikan muna natin ang mga paksa at kasanayan na naging sentro ng mga
sinundang modyul. Binigyang diin ang mga mahahalagang konsepto, kaalaman at
detalye tungkol sa tanka at haiku.
Land of the Rising Sun ang bansang Hapon na nasa Silangang Asya na
tinaguriang isa sa pinakamaunlad na bansa pagdating sa ekonomiya at teknolohiya.
Ipinapakilala ng mga Hapones ang mga salitang samurai, animè, manga at marami
pang iba. Tunay ngang malikhain ang mga Hapones hindi lamang sa teknolohiya
kundi pati na rin sa panitikan tulad na lamang ng kanilang tanka at haiku.
Ang tono o intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay
kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap sa kapuwa. Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid
sa kausap tulad ng pag-awit.
Ang talinghaga ay nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na
taglay ng tula, pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa isusulat na
tanka at haiku. Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan
ng tula, halimbawa nito ay nag-agaw buhay at nagbabanat ng buto.
Ang lahat ng inyong natutunan sa nagdaang mga aralin ay dito na sa modyul
na ito magagamit o magkaroon ng aplikasyon dahil ikaw ay hinahamon na makabuo
ng pagsusuri sa pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku.

Tuklasin

4
Basahin ang mga tula sa ibaba at isulat sa kanang bahagi ang bilang
ng pantig sa bawat taludtod o linya.

Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Hapon Ingles Filipino

Hisakatano This perfectly still Payapa at tahimik ___


Hikari nodokeki Spring day bathed in soft light Ang araw ng tagsibol ___
Haru no hiri From the spread-out sky Maaliwalas ___
Shizu kokoro naku Why do the cherry blossoms Bakit ang Cherry Blossoms ___
Hana no chiruramu So restlessly scatter down? Naging mabuway? ___

Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Hapon Ingles Filipino

Hatsu shigure An old silent pond Matandang sapa ___


Saru mo kominowo A frog jumps into the pond Ang palaka’y tumalon ___
Hoshige nari Splash! Silence again. Lumalagaslas ___

Suriin

Ano ang napansin mo sa dalawang tula? Ilang pantig ang bawat linya?
Isulat sa ibaba ang inyong sagot.
5
Tanka Haiku

________ _________

Land of the Rising Sun ang bansang Hapon na nasa


Silangang Asya na tinaguriang isa sa pinakamaunlad na bansa
pagdating sa ekonomiya at teknolohiya. Ipinapakilala ng mga
Hapones ang mga salitang samurai, animè, manga at marami
pang iba. Tunay ngang malikhain ang mga Hapones hindi lamang
sa teknolohiya kundi pati na rin sa panitikan tulad na lamang ng
kanilang tanka at haiku.
Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan
ng panitikang Hapon. Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at
ang haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-
samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting
salita lamang. Maiikling awitin ang kahulugan ng tanka na may
limang (5) taludtod, may ayos na 5-7-5-7-7 at binubuo ng
tatlumpu’t isang pantig. Bawat tanka ay nagpapahayag ng
emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa nito ay pagbabago, pag-
iisa o pag-ibig. Samantala, ang haiku naman ay mas pinaikli pa sa
tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod.
Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring
magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
Ang paksang ginagamit sa haiku ay tungkol sa kalikasan at sa
pag-ibig. Kapwa nagpapahayag ng masidhing damdamin ang
tanka at haiku.

Pagyamanin

6
Punan ang talahanayan ayon sa hinihinging katangian ng
tanka at haiku.
Pamantayan Tanka Haiku
1.) Panahon na nabuo

2.) Paksa

3.) Sukat at Bilang

Isaisip

Buuin ang konsepto sa ibaba.

1. Ang karaniwang paksa ng tanka at haiku ay ________________________

______________________________________________________________

na nagpapahiwatig ng __________________________________________ .

2. Ang tanka ay may ____________________ na pantig at bilang na nabuo

noong __________________. Samantala ang haiku ay may

_____________________ naman at nabuo noong _____________________.

3. Kung ikaw ang susulat ng tanka o haiku, ano ang paksang nais mong

talakayin?

Ipaliwanag. ____________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Isagawa

7
Bumuo ng isang tula tungkol sa naging karanasan o napansin mo sa
panahon ng paglaganap ng COVID 19 sa buong mundo. Pumili lamang
ng alinman sa tanka o haiku.

Buod

Ang tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15 siglo.
Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Maiikling awitin ang
kahulugan ng tanka a may limang (5) taludtod, may ayos na 5-7-5-7-7 at
binubuo ng tatlumpu’t isang pantig. Bawat tanka ay nagpapahayag ng
emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa nito ay pagbabago, pag-iisa o
pag-ibig. Samantala, ang haiku naman ay mas pinaikli pa sa tanka. May
labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati
ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na
ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. Ang paksang ginagamit sa
haiku ay tungkol sa kalikasan at sa pag-ibig. Kapwa nagpapahayag ng
masidhing damdamin ang tanka at haiku.

Tayahin

8
Pangkalahatang Panuto: Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat aytem. Isulat ang
TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
1. Nilikha ang tanka noong ika-10 siglo.
2.Samantala ng haiku naman ay noong ika-15 siglo.
3. Ang tanka sa wikang Hapones ay maikling awit ay isang tula na may limang (5)
taludtod, may ayos na 5-7-5-7-7 ang anyo at binubuo ng tatlumpu’t isang pantig.
4. Ang haiku ay pinaikling anyo ng tula na may labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong linya o taludtod at may ayos na 5-7-5 ang anyo.
5. Ang karaniwang paksa sa tanka ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa .
6. Ang sa haiku ay tungkol sa pagmamahal sa bayan.
7. Ang haiku ay nangangahulugang maiikling awitin.
8. Maaaring magkakapalit-palit ang bilang ng bawat taludtod sa tanka basta
tatlumpu’t isa pa rin ang kabuuang bilang nito.
9. Subalit hindi maaaring magkakapalit ang bilang na 5-7-5 sa haiku.
10. Kailangang magkakatugma ang huling pantig sa bawat taludtod ng tanka at
haiku.
II. Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. Ang __________ ay mas pinaikli pa sa tanka. Ito ay may labimpitong pantig na


may tatlong taludtod.
2. Parehong nagpapahayag ng __________damdamin ang tanka at haiku.
3. Ang haiku ay tumatalakay sa __________ at pag-ibig.
4. Ang tanka at haiku ay uri ng tula na impluwensiya ng bansang __________.
5. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at __________ sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Karagdagang Gawain
Maghanap sa ibang aklat o sa internet ng tig-iisang halimbawa ng tanka at haiku.
Suriin gamit ang Venn Diagram ang estilo ng pagkabuo ng dalawang uri ng tula mula
sa bilang at sukat hanggang sa paksa nito.
9
Pagkakaiba

Pagkakatulad

Pagkakaiba

Susi sa Pagwawasto

10
Subukin
I. 1. MALI 2. TAMA 3. TAMA 4. TAMA 5. MALI
6. MALI 7. MALI 8. TAMA 9. MALI 10. MALI
II. 1. haiku 2. masidhing 3. kalikasan 4. Hapon 5. imahe

Tuklasin
Tanka Haiku
5 5
7 7
5 5
7
7
Suriin
Tanka 5-7-5-7-7 Haiku 5-7-5
Pagyamanin
Tanka Haiku
Panahon na Nabuo 8 siglo 10 siglo
Paksa pagbabago kalikasan
pag-iisa pag-ibig
pag-ibig
Sukat at Bilang 5-7-5-7-7 5-7-5
31 bilang 17 bilang
Isaisip
1. Ang paksa ay tungkol sa pagbabago, pag-iisa, pag-ibig at kalikasan na
nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa kalikasan at sarili
2. Ang tanka ay 5-7-5-7-7 noong ika-8 na siglo at ang haiku ay 5-7-5 na nabuo
noong 10 na siglo.
3. Iba’t iba ang sagot
Isagawa
Iba’t iba ang sagot
Tayahin
1. MALI 2. TAMA 3. TAMA 4. TAMA 5. MALI
Karagdagang Gawain
Iba’t iba ang sagot

11
Mga Sanggunian

Garcia, Florante C at Servillano T. Marquez Jr, Pintig ng Lahing Pilipino 9 (Quezon


City:Sibs Publishing House, 2014), 174-178.

Peralta, Romulo N., et.al. Panitikang Asyano Kagamitan ng Mag – aaral sa Filipino
9. Department of Education- nstructional Materials Council Secretariat, Pasig City:
Vibal Group Inc., 2013.

12
For inquiries and feedback, please write or call:
DepEd Division of Iligan City
Office Address:General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax:(063)221-6069
E-mail Address:iligan.city@deped.gov.ph

13

You might also like