You are on page 1of 22

Government Property

NOT FOR SALE

NOT 9
Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Wastong Paggamit ng Matalinghagang
Pahayag sa Pangungusap

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino-Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 3,- Module 3: Wastong Paggamit ng Matalinhagang
Pahayag sa Pangungusap
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro Schools
Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module

Author: Faridah R. Faisal


Reviewers/Evaluators/Editors: Reyna A. Lazanderas, Jun A. Mosqueza
Illustrator and Layout Artist:
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E Gazo, PhD. CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief
Levi M. Coronel, EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
This page is intentionally blank
9
Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Wastong Paggamit Ng
Matalinghagang Pahayag
Pangungusap

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


select teacher, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of the
Department of Education - Division of Ilagan City. We encourage teachers and other
education stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to
the Department of Education-Iligan City Division at iligan.city@deped.gov.ph or
telefax: (063) 221-6069.
We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 1
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 4
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 9
Isagawa ……………………………… 10
Buod ……………………………… 10
Tayahin ……………………………… 11
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 13
Sanggunian ……………………………… 13
This page is intentionally blank
Modyul 3
Wastong Paggamit ng
Matatalinghagang Pahayag sa
Pangungusap
Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay tutulong sa iyo upang higit mong maunawaan ang mga
matalinghagang salita/pahayag tulad ng idyoma, salawiakin, sawikain at tayutay na
magagamit sa pangungusap. Matutungahayan din sa modyul na ito ang iba’t ibang
gawain na tutulong sa iyo upang malinang ang iyong kaalaman sa mga
matalinghagang salita o pahayag at magamit ito sa pagsulat ng sariling tula.

Nilalaman ng Modyul
May isang aralin ang modyul na ito na dapat mong tapusin;
Aralin 1 Wastong Paggamit ng Matalinghagang Pahayag sa Pangungusap

Alamin

Ano ang inaasahan mo?


Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagamit nang wasto sa
pangungusap ang mga matalinghagang pahayag.
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


iba’t ibang gawain
Tuklasin
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
nararapat mong matutunan upang malinang ang pokus
na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga
pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
Subukin
May inihandang paunang-pasulit ang modyul na ito upang
masubok ang iyong nalalaman sa paksang tatalakayin sa mga sumusunod na
pahina. Ganunpaman, ang iyong magiging sagot at iskor na makukuha sa pagsubok
na ito ay hindi makakaapekto sa magiging iskor sa kabuuan matapos mong
mapagtagumpayan ang lahat ng mga gawain.
Handa ka na bang sagutan ang paunang-pasulit?
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong na nasa ibaba. Blugan ang titik ng
tamang sagot. Sa abot ng iyong kaalaman, subukan mong sagutin ang mga
inihandang katanungan na gagabay sa’yo bago mo tuluyan matutunan at
maunawaan ang leksiyon na ito.
*para sa bilang 1-7:

" Totoy makinig ka,wag kang magpagabi


Baka mapagkamalan ka"t humandusy dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos na kaguluhang ito.

1. Ano ang pinag-usapan sa teksto ?


a. Totoy b. kaguluhan c. kapayapaan d. patayan
2. Ano ang tono o dating ng binasang bahagi ng awit?
a. nangangaral b. nagbabala c. natutuwa d. nagmamalaki

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang humandusay ?


a. humiga b. natumba c. nakatulog d. bumulagta

4. Alin sa mga sumusunod ang nakatagong kahulugan bilang pantawag sa isang tao
na Totoy.
a. sanggol na lalaki c. musmos na batang babae
b. binatang matipuno d. musmos na batang lalaki

5. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagtataglay ng di -lantad na kahulugan?


a. mapagkamalan b. kaguluhan c. humandusay d. tabi

6. Ano ang tawag sa mga salita o pahayag na nagtataglay ng di-lantad o nakatagong


kahulugan?
a, matalinghagang salita/pahayag c. magkasalungat na pahayag
b. matalinghagang kaisipan d. makatutuhanang pahayag
7. "Baka mapagkamalan ka't humandusay sa tabi". Ayon sa pahayag, ano ang
tinutukoy ng salitang humandusay?
a. maaksidente b. mapatay c. makatulog d. mabuhay

*para sa bilang 8-13:

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban


Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t maraming lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

8. Ayon sa bahagi ng awit, sino ang tinutukoy na nasa tuktok ng tatsulok sa ating
lipunan?
a. mayayaman b. mahihirap c. dilawan d. mag-aaral
9. Kung susuriin ang salitang tatsulok, ano ang ibig sabihin nito?
a. aralin sa geometry
b. di -pagkakapantay-pantay ng antas ng tao sa lipunan
c. hindi nakamit n mga mahihirap ang hustisya
d. pagiging magkalaban ng mga kulay na pula at dilaw
10. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang gumamit ng tayutay?
a. Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban.
b. Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan.
c. Hangga't maraming lugmok sa kahirapan.
d. Ang hustisya ay para lang sa mayaman.
11. Ayon sa teksto, bakit hindi natatapos ang gulo sa ating lipunan?
a. dahil magkalaban ang pula at dilaw
b. dahil sa maraming mahihirap
c. dahil hindi pantay-pantay ang tao sa lipunan
d. dahil ang hustisya ay sa mayayaman lamang
12. Alin sa mga sumusunod na idyoma ang nangangahulugang matulungin?
a. bukas-palad c. bukas-palad
b. balat-sibuyas d. basag-ulo
13. Ano ng tinutukoy sa pahayag na “Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan”?
a. Ang pagiging maputi at maitim ay di siyang dahilan ng gulo.
b. Ang estado ng tao sa lipunan at impluwensiya ang di siyang dahilan ng
gulo sa ating bansa
c. Ang watawat ng Pilipinas ang dahilan ng gulo sa ating lipunan.
d. Ang kahirapan at kayamanan ang dahilan ng kaguluhan sa ating lipunan.

14. “Pag nagtanim ng hangin, ___________ ang aanihin”. Ano ang salitang angkop
sa patlang upang mabuo ang salawikain?
a. hangin b. ulan c. apoy d. kidlat

15. Ano ang ibig ipahiwatig ng may akda sa pahayag na, “At ang hustisya ay para
lang sa mayaman”?
a. Walang karapatan ang mahirap sa hustisya.
b. Inaabusado ng mga mayayaman ang hustisya gamit ang kanilang
kapangyarihan sa pera.
c. May taglay na kapangyarihan ang mayayaman para makamit ang hustisya.
d. Makapangyarihan ang hustisya sa bawat tao sa lipunan.

Aralin Pamagat ng Aralin

1 Wastong Paggamit ng Matalinghagang Pahayag sa


Pangungusap

Balikan
Batiin mo ang iyong sarili dahil matagumpay mong nasagot ang
mga katanungan sa subukin. Ngayon, balikan natin ang aralin tungkol sa anekdota.
Gawin mo ang gawain sa ibaba.
Gawain 1: Pagnilayan mo.
Panuto: Isulat sa loob ng Thought Bubble ang mga aral na hindi mo malimutan sa
anekdota.

Sa araw-araw na pakikipag-usap natin sa ating kapwa, palagi nating iniisip na


hindi tayo makakasakit ng damdamin lalong lalo na sa ating kausap. Kaya maraming
pagkakataon na gumamit tayo ng mga salita o pahayag na may nakatagong
kahulugan o mga salitang hindi literal ang kahulugan. May mga nakahanay na
gawain ang inihanda para sa iyo upang lubos mong maunawaan ang ibig kung
sabihin.

Tuklasin
Sa puntong ito basahin at unawaing mabuti ang mensaheng nakapaloob
mula sa awiting pinamagatang “Tatsulok”, pero bago mo basahin gawin mo muna
ang Gawain 2.
Gawain 2: Paglinang sa Talasalitaan
Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga salita sa talahanayan ginamit sa awitin. Isulat
sa kabilang hanay ang kasingkahulugan nito.
salita kahulugan
1. tatsulok ___________________
2. tuktok ___________________
3. ligaw ___________________
4. kulay ___________________
5. tatak ___________________

Palakpakan ang sarili. alam mo na ang kahulugan ng mga salita, handa ka ng


basahin at lubos unawain ang mensaheng nais iparating ng awitin. Sa iyong
pagbabasa pansinin mo rin ang mga salitang hindi literal ang kahulugan.
Tatsulok
inawit ni Bamboo

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
ulo mo Hangga’t maraming lugmok sa
Totoy tumalon ka, dumapa kung kahirapan
kailangan At ang hustisya ay para lang sa
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw mayaman

Totoy makinig ka, wag kang magpagabi Habang may tatsulok at sila ang nasa
Baka mapagkamalan ka’t humandusay tuktok
jan sa tabi Di matatapos itong gulo
Totoy alamo ba kung ano ang puno’t
dulo Iligtas ang hininga ng kay raming mga
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y Hangga’t maraming lugmok sa
sementeryo kahirapan
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok At ang hustisya ay para lang sa
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok mayaman

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban Habang may tatsulok at sila ang nasa
Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan tuktok
Di matatapos itong gulo

Gawain 3: Pag unawa sa binasa


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong binasang awit.
Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
1. Paano sinimulan ng may akda ang awitin?
2. Ano-ano ang mga salita o pahayag na may nakatago o di-literal na kahulugan?
3. Batay sa awitin, ano ang ibig sabihin ng tatsulok?
4. Anong suliraning panlipunan ang taglay ng awitin?
5. Maari bang baliktarin ang taasulok ayon sa awit? Paano?

Suriin
Binabati kita dahil nasagot mo lahat ang mga katanungan. Alam Kung
nauunawaan mo ang mensahe ng kanta.
Ang susunod mong gawain ay may kinalaman sa mga pagsusuri sa mga
salita o pahayag na ginamit sa awit na may nakatagong kahulugan o
matalinghagang pahayag na hindi literal ang kahulugan. Ang matalinghagang
pahayag ay mga salitang may mas malalim na kahulugan na madalas gamiting istilo
ng mga manunulat upang higit na mahikayat ang mambabasa. Nasusukat ang
galing at pagkamalikhain sa larangan ng wika at komunikasyon ng manunulat bilang
isang alagad ng sining ng wikang Filipino.
Ang mga matalinghagang salita/pahayag ay sumasailalim sa kagandahan at
pagkamalikhain ng wikang Filipino. Ang mga ito ay maaari nasa anyo salawikain,
sawikain at idyoma at mga tayutay. Ito rin ay nagbibigay ng kahusayan ng isang
akda. Ilan sa mga halimbawa ng matalinghagang salita/pahayag ay ang mga
sumusunod:
A. Idyoma - mga pahayag na di tuwirang ng kahulugan
Halimbawa: kahulugan
1. ilaw ng tahanan ina
2. Bukas ang palad matulungin
B. Tayutay - sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang
gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Halimbawa: Kahulugan
Isang bukas na aklat ang buhay ng mga artista. alam ng lahat ang buhay ng
mga artista.
Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos Siya unti-unting nauubusan ng
pasensiya.
C. Salawikain - salitang nakaugalian na angkop namang ipamag sa mga
kasabihang mana-manahan hiyas ng wika, simula’t batas ng mga kaugalian,
at patnubay ng kabutihang asal, na pasalin-sali sa bibig ng madla.

Halimbawa:
Anak na di paluin, ina ang patatangisin. ang hindi dumidisiplina sa anak ay
magiging pasakit sa magulang
balang araw.
Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Ang awa ay nanggagaling sa diyos
ngunit hindi ito makakamit kung hindi
gagawa o kikilos ang tao.

Gawain 4. A: Ilista Mo
Panuto: Suriing muli ang awitin at itala sa talahanayan ang mga matatalinghagang
salita at pahayag na ginamit nito. Ang unang bilang ay ginamit bilang halimabawa.

SALITA PAHAYAG
1. Tatsulok Baliktarin ang tatsulok

2.
3.
4.
5.

Gawain 4. B: Paano Gamitin?


Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salita o pahayag na naitala sa
talahanayan sa gawain 4.A. Ang unang bilang ay ginamit bilang halimbawa.

salita pahayag
1. Ang isang hiwa ng pizza ay hugis Kaya ng mga dukha na baliktarin ang
tatsulok. tatsulok kung sila ay may sapat na
kaalaman at edukasyon.
2.

3.

4.

5.

Pagyamanin
Napakahusay mo at natapos nang maayos ang mga gawain.
Ngayon, upang higit mo pang mapaghusayan ang galing mo sa
pagsulat, gawin mo ang susunod na gawain. Handa ka na ba?
Gawain 5: Husayan Mo Pa
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na matatalinghagang
pahayag o salita. Isulat ang pangungusap sa nakalaang linya.
1. bahag ang buntot ___________________________________________
2. buwaya ___________________________________________
3. nagbibilang ng poste ___________________________________________
4. ahas ___________________________________________
5. ikurus sa noo ___________________________________________

Isaisip
Gawain 6: Dugtungan Mo
Napakagaling ng iyong nagawa! Ikaw ngayon ay higit ng nakakaunawa ng
matatalinghagang pahayag at salita. Sa pagtatapos ng iyong aralin, muli ay sundin
ang gawain na ito upang hindi mo malilimutan ang iyong mga mahalagang
natutunan sa aralin na ito.
Panuto: Dugtungan ang pahayag sa talata upang mabuo ang kaisipan nito.
Natutuhan ko na ang mga matalinghagang pahayag o salita ay _____
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_____________________________________________.
Isagawa

Gawain 7: Ihugot Mo Na Yan


Ang husay mo! Ikaw ay nasa pinakahuling hamon na ng pagsubok para sa
araling ito. Isagawa ang gawain ito upang higit na masubok ang iyong kakayahan sa
paggamit ng matalinghagang pahayag at salita
Panuto: Sumulat ng isang tula tungkol sa pag-ibig na binubuo ng dalawang
saknong. Kailangan may sukat, tugma at may lalabindalawahing pantig gamit ang
mga matatalinghagang pahayag. Salungguhitan ang mga nagamit na
matalinghagang pahayag sa tula. Gawing lunsaran ang rubrics o pamantayan na
nasa ibaba. Isulat ang tula sa isang malinis na papel.
Rubrics para sa pagsulat ng tula:
Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan
ng Pagsasanay
(20) (15) (10)
(5)
Napakagaling ng Maayos ang Bahagyang Kulang ang
pagkakagamit ng pagkakagamit ng nagagamit ang pagkakagamit ng
talinghaga talinghaga talinghaga talinghaga
Napakahusay ang Mahusay ang sukat Nakagagamit Hindi nakakagamit ng
sukat at tugma at tugma ang sukat at sukat at tugma
tugma
Napakalalim at Malalim at Malalim at Hindi malalim at
makahulugan ang makahulugan ang makahulugan makahulugan ang
kabuuan ng tula kabuuan ng tula kabuuan ng tula

Buod
Napakahusay! Napagtagumpayan mong gawin ang lahat ng inaasahang
gawain sa modyul na ito. Isa na namang kalinangan ng bansa ang iyong
napahalagahan sa tulong ng awitin na iyong binasa. Gayundin, tahasan mong
nagamit ang mga matalinghagang salita sa pangungusap. Narito ang ilang
mahahalagang kaisipan ng ating aralin.
Ang matalinghagang pahayag o salita ay mga pahayag na may nakatago o
hindi tiyak ang kahulugan. Mayroong iba’t ibang paraan ng paggamit ng talinghaga
tulad ng salawikain, sawikain, idyoma, at tayutay na pare-parehong may kakayahang
makapag paganda at maging masining ang paglalahad.
Karamihan sa mga makata ay gumagamit ng mga talinghaga upang mas
maging mabisa ang paglalarawan ng damdamin ng may akda. Sa pamamagitan ng
paggamit ng talinghaga ay naipapamalas ang galing at pagkamalikhain ng
manunulat ng akda. Mahirap man unawain ngunit nakakapagbigay interes at
misteryo sa mambabasa ang paggamit ng talinghaga.
18
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong na nasa ibaba. Blugan ang titik ng
tamang sagot. Sa abot ng iyong kaalaman, subukan mong sagutin ang mga
inihandang katanungan na gagabay sa’yo bago mo tuluyan matutunan at
maunawaan ang leksiyon na ito.

*para sa bilang 1-7:

" Totoy makinig ka, ‘wag kang magpagabi


Baka mapagkamalan ka"t humandusy dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos na kaguluhang ito.

1. Ano ang pinag-usapan sa teksto ?


a. Totoy b. kaguluhan c. kapayapaan d. patayan

2. Ano ang tono o dating ng binasang bahagi ng awit?


a. nangangaral b. nagbabala c. natutuwa d. nagmamalaki

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang humandusay ?


a. humiga b. natumba c. nakatulog d. bumulagta

5. Alin sa mga sumusunod ang nakatagong kahulugan bilang pantawag sa isang tao
na Totoy.
a.sanggol na lalaki c. musmos na batang babae
b.binatang matipuno d. musmos na batang lalaki

5. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagtataglay ng di -lantad na kahulugan?


a. mapagkamalan b. kaguluhan c. humandusay d. tabi

6. Ano ang tawag sa mga salita o pahayag na nagtataglay ng di-lantad o nakatagong


kahulugan?
a. matalinghagang salita/pahayag c. magkasalungat na pahayag
b. matalinghagang kaisipan d. makatutuhanang pahayag

7. "Baka mapagkamalan ka't humandusay sa tabi". Ayon sa pahayag, ano ang


tinutukoy ng salitang humandusay?
a. maaksidente b. mapatay c. makatulog d. mabuhay

19
*para sa bilang 8-13:

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban


Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t maraming lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

8. Ayon sa bahagi ng awit, sino ang tinutukoy na nasa tuktok ng tatsulok sa ating
lipunan?
a. mayayaman b. mahihirap c. dilawan d. mag-aaral
9. Kung susuriin ang salitang tatsulok, ano ang ibig sabihin nito?
a. aralin sa geometry
b. di -pagkakapantay-pantay ng antas ng tao sa lipunan
c. hindi nakamit n mga mahihirap ang hustisya
d. pagiging magkalaban ng mga kulay na pula at dilaw
10. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang gumamit ng tayutay?
a. Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban.
b. Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan.
c. Hangga't maraming lugmok sa kahirapan.
d. Ang hustisya ay para lang sa mayaman.
11. Ayon sa teksto, bakit hindi natatapos ang gulo sa ating lipunan?
a. dahil magkalaban ang pula at dilaw
b. dahil sa maraming mahihirap
c. dahil hindi pantay-pantay ang tao sa lipunan
d. dahil ang hustisya ay sa mayayaman lamang
12. Alin sa mga sumusunod na idyoma ang nangangahulugang matulungin?
a. bukas-palad c. bukas-palad
b. balat-sibuyas d. basag-ulo
13. Ano ng tinutukoy sa pahayag na “Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan”?
a.Ang pagiging maputi at maitim ay di siyang dahilan ng gulo.
b.Ang estado ng tao sa lipunan at impluwensiya ang di siyang dahilan ng
gulo sa ating bansa
c.Ang watawat ng Pilipinas ang dahilan ng gulo sa ating lipunan.
d.Ang kahirapan at kayamanan ang dahilan ng kaguluhan sa ating lipunan.

14. “Pag nagtanim ng hangin, ___________ ang aanihin”. Ano ang salitang angkop
sa patlang upang mabuo ang salawikain?
a.hangin b. ulan c. apoy d. kidlat

15. Ano ang ibig ipahiwatig ng may akda sa pahayag na, “At ang hustisya ay para
lang sa mayaman”?
a.Walang karapatan ang mahirap sa hustisya.
b.Inaabusado ng mga mayayaman ang hustisya gamit ang kanilang
kapangyarihan sa pera.
c.May taglay na kapangyarihan ang mayayaman para makamit ang hustisya.
d.Makapangyarihan ang hustisya sa bawat tao sa lipunan.

20
Susi sa Pagwawasto
 Subukin
1. b 6. a 11. c
2. b 7. b 12. a
3. b 8. a 13. b
4. d 9. b 14. a
5. a 10. b 15. b

 Balikan
Gawain 1. Nakadepende ang sagot sa mag-aaral.

 Tuklasin
Gawain 2.
1. Hindi pantay-pantay na antas ng tao sa lipunan
2. Mayayaman at makapangyarihan
3. Nawawala, maling destinasyon
4. Antas ng tao sa lipunan
5. Katayuan ng tao sa lipunan
Gawain 3
1 - 5 nakadepende ang sagot sa mag-aaral.

 Suriin
Gawain 4.a
1. Halimbawa
2. - 5. nakadepende ang sagot sa mag-aaral
Gawain 4. b
1. Halimbawa
2. - 5. Nakadepende ang sagot sa mag-aaral.
 Pagyamanin
Gawain 5
1. - 5. Nakadepende ang sagot sa mag-aaral

 Isaisip - Nakadepende ang sagot sa mag-aaral.

 Isagawa - nakadepende ang sagot sa mag-aaral.

 Tayahin
6. b 6. a 11. c
7. b 7. b 12. a
8. b 8. a 13. b
9. d 9. b 14. a
10. a 10. b 15. b

Mga Sanggunian
Peralta Romulo N.,Lajarca Donabel C.,Cariño Eric O., et.al, Panitikang Asyano-Ikasiyam na
Baitang Modyul ng mga Mag-aaral Unang Edisyon, Vibal Group Publishing House, Pasig City,
2014

21
For inquiries and feedback, please write or call:
DepEd Division of Iligan City
Office Address: General aguinaldo St., Iligan City
Telefax: (063) 221-6069.
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

22

You might also like