You are on page 1of 7

Asignatura Filipino PANALANGIN BAGO ARALIN AT SAGUTAN ANG

LEARNING PACKET
Baitang 5

Markahan Unang Markahan Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.


Guro Gng. Mylene S. Nagaño
Amang mapagmahal bilang siyang tunay na pinagmumulan ng
Learning
1 liwanag at karunungan, idulot Mo sa amin ang pagpapala ng pag-
Packet No.
unawa, ng karunungan, at kalinawan ng isip para lubos naming
Unang Linggo maintindihan at maunawaan ang mga araling dinisenyo ng aming mga
Linggo at
guro.
Petsa (Agosto. 30 – Set. 3, 2021)

Nang may lubos na pagmamahal at pagkalinga, dumadalangin kami


sa Iyo na patuloy Mong hilumin ang aming bayan laban sa
Mga Paalala sa mga Magulang /
pandemyang aming kinakaharap, patuloy Mo kaming ingatan at
Tagapangalaga:
huwag pabayaan sa kabila ng hindi namin pagiging angkop na Iyong
• Ang tagumpay ng LHP at ng pag-aaral ng mga anak.
iyong anak ay nakasalalay sa
pakikipagtulungan sa pagitan ng guro ng Panginoon, patuloy Mo kaming gawing lingkod Mo ng maging
iyong anak at ikaw bilang magulang/ lingkod din kami sa iba, patuloy Mo kaming gawing mapagmahal ng
tagapag-alaga. Mangangailangan ito mula maging mapagmahal kami sa iba at patuloy Mo kaming gawing
sa iyo ng mas malaking tulong pakikilahok mahusay sa aming mga larangan ng makapagbahagi kami ng
sa kanilang pag-aaral. kagalingan sa iba.
• Dapat na maunawaan ng mga bata na ang
pag-aaral sa LHP ay tulad rin ng pag-aaral Ito ay samo’t dalangin namin sa Iyong banal na pangalan, kasama ng
sa paaralan ngunit nangyayari sa inyong Iyong bugtong na anak si Hesukristong aming Panginoon, kasama ng
tahanan. Espiritu Santo. Magpasawalang hanggan. Amen.
Ang Learning Packet na ito ay
kokolektahin ng mga kawani ng paaralan San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami!
tuwing Biyernes.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

YUNIT 1
UNIT MAP
Sa yunit na ito, matututunan mo ang mga sumusunod na aralin:
Aralin 1: Teksto at Balita
Aralin 2: Tula at Talambuhay
Aralin 3: Pangngalan

Bago ka magsimula sa ating aralin, sagutan mo muna ang Paunang Pagtatasa sa ASSESSMENT
SHEETS.

Aralin #1: TEKSTO AT BALITA


Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. maiugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto;
2. masagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang kuwento/alamat at tekstong pang-impormasyon; at
3. maipahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 1 of 6 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 5
(Week 1)
Nilalaman ng Aralin:
Kumusta ka na? Handa ka na ba sa iyong mga aralin para sa Baitang 5? Humanda na para sa unang
linggo ng iyong pag-aaralan.
Alamat ng Ampalaya
Alam Mo Ba?
Ang alamat ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga
tunay na tao, pook o bagay sa mundo. Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon. Ang mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging
masipag, matapat, mapagmahal, at iba pa. Ang Alamat ng Ampalaya ay nagsasaad ng
pinagmulan ng ampalaya at nagbabahagi ng aral ng pagiging kontento .

Ang Momordica charantia (katawagang pang-agham), ampalaya o amargoso (Ingles: balsam


apple, bitter gourd o bitter melon) ay isang uri ng gulay na tumutubo sa mga tropikal na bansa tulad
ng Pilipinas at iba pang parte sa Asya at Timog Amerika. Gamot ito para sa mga taong anemik dahil sa
katangian nitong makapagdagdag ng dugo sa katawan. Mayroon itong makulubot na balat at mapait sa panlasa
kapag kinain. Mayroong mga ampalayang nasa lata na bago ipagbili ng mga tindahan
 (Panoorin ang “Alamat ng Ampalaya” na makikita sa iyong flashdrive.)

Teksto
Ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba’t-ibang tao o impormasyon tungkol
sa mga bagay-bagay. May dalawang uri din ang teksto: naratibo (alamat) at impormatibo (balita).

Balita
Ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap na, nagaganap o magaganap pa
lamang. Naglalarawan ito sa ating kalagayan, at maaaring maisulat sa pahayagan. Ang balita ay anumang
pangyayaring hindi karaniwan, isang ulat, nakapagbibigay impormasyon at mapaglilibangan ng mambabasa,
nakikinig at nanunuod.
Sangkap ng Balita
 KAPANAHUNAN O NAPAPANAHON (Immediate or Timeless) - Pangyayaring kagaganap o
katutuklas pa lamang.
 KALAPITAN (Nearness or Proximity) - Ang kalapitan ay maaaring tumukoy rin sa kalapitang
heograpiya, kaangkan, kapakanan.
 KATANYAGAN (Prominence) - Maaaring ito ay ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok,
mga taong kilala o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.
 TUNGGALIAN (Conflict or Struggle) - Ito ay maaaring pagtutunggali ng katawang pisikal at mental;
tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao laban sa kalikasan; tao laban sa kanyang sarili.
 KAHULUGAN O KALALABASAN (Significance or Consequence) - Ang kahulugan o kalalabasan ng
isang pangyayari.
 DI – KARANIWAN, PAMBIHIRA (Oddity, Unusualness) - Mga bagay na imposibleng mangyari o
bihira mangyari.
 PAGBABAGO (Change) - Mga nangyayaring pagbabago sa paligid.
 PAMUKAW – DAMDAMIN O KAWILIHAN (Human Interest) - Mga bagay na takaw pansin o mga
nakakaantig ng damdamin.
 ROMANSA AT PAKIKIPAGSAPALARAN (Romance and Adventure) - Ang romansa ay hindi
nauukol sa pag – iibigan lamang.
 HAYOP (Animals)
 PANGALAN(Names)
 DRAMA (Drama) - Ang misteryo, pag – aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay ng kulay sa
isang kwento.
 KASARIAN (Sex)- Ito ay nagbibigay kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pag –
aasawa, paghihiwalay o pagdidibursyo.
 PAG – UNLAD O PAGSULONG(Progress or Advancement)
 MGA BILANG (Numbers)

Maraming balita ang napapanood o mapakikinggan sa ating tahanan. Bigyang pansin ang ibinalita ng
Unang Hirit patungkol sa pagtaas ng presyo ng gulay sa ating pamilihan.
 (Panoorin ang “Bagsak Presyo dahil sa Oversupply” na makikita sa iyong flashdrive.)

FOR PRIVATE USE ONLY Page 2 of 6 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 5
(Week 1)
Sanggunian:
Super Jazmiane (2018 August 15)Alamat ng Ampalaya [Video File] Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=-THOMKyqn0E
Unang Hirit(2018 Dec.17)Pagbagsak ng Presyo ng gulay [Video File] Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=mK1Ja1CKyus

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Upang matuto pa sa ating aralin, buksan ang video clip na may pangalan na “Ang Alamat ng Ampalaya”
at “Bagsak Presyo dahil sa Oversupply” sa inyong Flash Drive.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa napanood. Sagutan ang Gawain 2A at 2B sa ASSESSMENT


SHEETS.

Aralin #2: TULA AT TALAMBUHAY


Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. makasulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay, at talambuhay.

Nilalaman ng Aralin:
Bahagi na ng Panitikang Pilipino ang tula at talambuhay. Ito ay naihahayag sa pasalita o pasulat na
pamamaraan. Halina at iyong tuklasin ang pagkakaiba nilang dalawa.

Tula
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na lalong maipahayag ang damdaming sa malayang
pahayag. Binubuo ito ng mga mahahalagang elemento na makakatutulong upang paunlarin ang pananalita.

Mga Anyo ng Tula


 Tradisyunal- mayroong tugma at sukat at piling-pili ang mga salita’t talinghaga.
 Blangkong berso- Mayroong sukat ngunit walang tugma.
 Malayang taludturan- walang tugma at sukat. Itinuturing na pinakamodernong anyo ng panulang
Filipino.

 Elemento ng Tula
 Tugma- pagkakapare-pareho ng mga titik sa hulihan ng taludtod.

 Dalawang uri ng Tugma


 Tulang Patnigan-Uri ng tugma na kung saan ang mga huling salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa
patinig.
 Tulang Katinig- Uri ng tugma na kung saan ang huling letra ng mga salita sa bawat taludtod ay
nagtatapos sa katinig.
 Sukat- Pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng
tula.

 Kaurian ng Sukat
 Wawaluhin- Mayroong walong (8) bilang ng pantig sa bawat taludtod. - Tinatawag din siyang dalit at
korido.
 Lalabindalawahin--Mayroong labindalawang (12) bilang ng pantig sa bawat taludtod. - Isang
halimbawa nito ay “awit”
Talambuhay
Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala ng buhay")
o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

 Uri ng Talambuhay ayon sa paksa at may-akda


1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang
tao.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 3 of 6 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 5
(Week 1)
2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.
3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na naging sikat sa isang bansa,
lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking galing ng
mga ito.

 Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman


1. Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa
kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid,
kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang
mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong sapat dito ang mahahalagang detalye tungkol sa
buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin
dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang
tao sa kanyang tagumpay o kabiguan

 Sa Pagbuo ng Tula at Talambuhay


1. Alamin ang iyong hilig at nais na mailabas sa iyong bubuoing akda.
2. Tukuyin ang bawat uri ng iyong gagamitin.
3. Gawing basihan ang mga elemento ng bawat akda
4. Tuklasin ang ganda ng pamagat
5. Masining na pagpapahayag ng mga damdamin
6. Ipakita ang indayog ng mga salita
7. Gamitin ang mga karanasan upang mas maunawaan ng iyong mga mambabasa

 (Panoorin ang “Basura ang dahilan” at “Talambuhay ni Rizal” na makikita sa iyong flashdrive.)
Sanggunian:
Teodosio John Anthony(2013 July 27) .tula at elemento nito [Powerpoint Presentation] Retrieved from
https://www.slideshare.net/teodosiojohnanthony/tula-elemento-at-uri-nito?from_action=save
Buenaventura Denzel Matthew(2016 Nob. 29.) .Talambuhay[Powerpoint Presentation] Retrieved from
https://www.slideshare.net/denzelmathewbuenaventura/talambuhay-69623174?qid=0f2c59d3-2b93-4bbf-ad3d-
475f498f3d21&v=&b=&from_search=1

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Buksan ang video clip na may pangalan na “Basura ang Dahilan” sa inyong Flash Drive
Agnes Sara (2016 Nob. 24 )Basura ang Dahilan[Video Clip] Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=xhdSNY-
7SS0
Asignaturang Filipino (2020 April 10 )Talambuhay ni Rizal[Video Clip] Retrieved from https://www.youtube.com/watch?
v=kepVricm6aM

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa iyong napanood. Sagutan ang Gawain 3 sa ASSESSMENT
SHEETS.

Aralin #3: PANGNGALAN


Layunin:
Sa aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. magamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao,hayop, lugar, bagay at
pangyayari sa paligid; sa usapan; at sa paglalahad tungkol sa sariling karanasan.

Nilalaman ng Aralin:
Sa balarila, ang bahagi ng pananalita o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng
mga salita na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng
bahaging panleksikong tinutukoy. Isa sa walong (8) bahagi nito ay ang pangngalan.

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari.
Halimbawa: Jose, Maria, pulis, aso, baso, Pasko, Kaarawan

Gamit ng Pangngalan
Ang pangngalan ay may iba’t- ibang gamit sa pangungusap.

FOR PRIVATE USE ONLY Page 4 of 6 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 5
(Week 1)
 Palagyo- kung ang pangalan ay ginagamit bilang:
1. Simuno-pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa: Nawala ang pitaka ni Jose.
2. Kaganapang Sinumo-- Ang pangngalan ito at ang simuno ay tumutukoy sa iisang tao, bagay, hayop, o
lugar lamang. Lagi ito sumusunod sa panandang “ay”. Nasa unahan naman ito kung walang
panandang "ay " sa pangungusap.
Halimbawa: Si Marvin at Diana ay mabuting magulang.
3. Pamuno- Pangngalang ipinupuno o nagbibigay ng paliwanag o dagdag impormasyon tungkol sa
simunookaganapang pansimuno at tuwirang layon.
Halimbawa: Ang kaklase ko na si Henry ay pumasa sapagsusulit.

 Palayon- kung ang pangngalan ay ginagamit bilang:


1. Tuwirang Layon- Pangngalang tumatanggap ng kilos sa pangungusap. Binubuo nito ang diwang
pinahahayag ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na “ano”.
Halimbawa: Si Johan ay nagbabasa ng libro
2. Layon ng ukol- Pangngalang pinaglalaanan ng kilos o bagay. Maaaring gamitin ang mga spang-ukol
na” sa, ka, para sa/kay at iba pa.
Halimbawa:Ang pagdiriwang na ito ay inihandog kay Raquel.

 Paari- kung ang pangngalan ay ginagamit bilang:


1. Panawag-- Pangngalang tumutukoy sa tao o sa mga taong kinakausap.
Halimbawa: Manang, dito po ba ang Maligaya Sreet?

Sanggunian:
Buenaventura Denzel Matthew(2016 Nob. 29.) .Kaukulan ng Pangngalan [Powerpoint Presentation] Retrieved
from https://www.slideshare.net/denzelmathewbuenaventura/kaukulan-ng-pangngalan-69623396?
qid=d8d77df0-bdbc-4b25-b5f3-ef67b63fc406&v=&b=&from_search=1

Iba pang Mapagkukunan ng Pagkatuto:


Buksan ang video clip na may pangalan na “Ang Pangngalan” sa inyong Flash Drive.

Suriin mo ang iyong pag-unawa sa napanood. Sagutan ang Gawain 4 sa ASSESSMENT SHEETS.

Asignatura Filipino ISKOR:

Baitang 5 Gawain 1:___/10 Remarks:_____________________

Markahan Unang Markahan Gawain 2:___/20 Remarks:____________________

Guro Gng. Mylene S. Nagaño Gawain 3:___/20 Remarks:____________________

Learning Packet No. 1 Gawain 4:___/15 Remarks:___________________

Unang Linggo
Linggo at Petsa (Agosto 30 – Setyembre Komento/Note ng Guro:
3, 2021)

Pangalan ng Mag-
aaral

ASSESSMENT SHEETS

YUNIT 1. PANGNGALAN
GAWAIN 1. PAUNANG PAGTATASA
A. Direksyon: Ibigay ang iyong pagkakaunawa sa mga salitang nasa ibaba. Ibigay ang mga kahulugan ng
mga salitang bago sa inyong pandinig. Ipaliwanag.
FOR PRIVATE USE ONLY Page 5 of 6 | Learning Packet # 1
No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 5
(Week 1)
1. Marikit -

2. Marubdob -

3. Maalab -

4. Nangungutya -

5. Pasakit -

GAWAIN 2. TEKSTO AT BALITA


Direksyon: Ibigay ang pangunahing kaalaman mula sa inyong napanood na video na nakalagy sa iyong
flashdrive. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan mula sa napanood na teksto. (1 puntos para sa
nilalaman at 1 puntos para sa maayos na pagpili at gamit ng mga salita.)
1. Saan naganap ang tagpuan ng inyong napanood?

2. Ano-ano ang mga katangian ng mga gulay?

3. Ano ang ginawa ni Ampalaya sa kanyang mga kapwa gulay na gustong makipagkaibigan?

4. Bakit ninakaw ni Ampalaya ang mga natatanging katangian ng bawat isang gulay?

5. Ano ang ginawa ng mahal na diwata kay Ampalaya?

Mga Katanungan mula sa napanood na balita upang magbigay ng sariling Opinion o reaksyon. (1 puntos para
sa nilalaman at 1 puntos para sa maayos na pagpili at gamit ng mga salita.)

1. Bakit bumaba ang presyo ng mga gulay?

2. Bakit tumaas ang presyo ng mga isda?

3. Ano ang mga nararanasan ng mga tindera sa pamilihan? dahilan ng pagbaba ng presyo ng gulay?

4. Ano ang iyong reaksiyon patungkol sa mga pagbaba ng presyo?

5. Kung ikaw ay isa sa mga magsasaka, ano ang iyong mararamdaman sa panahon ng pagbaba ng iyong
produktong gulay?

GAWAIN 3. MINI-TASK #1 (TULA AT TALAMBUHAY)


Direksyon: Ikaw ay naatasan na gumawa ng isang tula patungkol sa iyong ama o ina at isang talambuhay na
magpapakilala sa iyong sarili . Sundin ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Malikhaing nailahad ang
Maayos na gamit ng
Nilalaman - 50% nilalaman ng tula/sulat Kabuuan - 25%
salita/mga salita – 15%
(presentasyon) – 10%

FOR PRIVATE USE ONLY Page 6 of 6 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 5
(Week 1)
GAWAIN 4. PANGNGALAN
Direksyon: Gamit ang iyong natutunan sa pangngalan.Bumuo ng isang maikling talata na may kinalaman sa
inyong kapaligiran. Kailangan na ito ay naglalaman ng iba’t ibang gamit ng pangngalan. Maaaring gamitin ang
likurang bahagi ng papel sa pagsasagot. Pitong(7) puntos para sa nilalaman, tatlong(3) puntos para sa
malikhain at maayos na gamit ng mga salita at limang (5) puntos para sa gamit ng pangngalan.

KAUGNAY NA BIBLE VERSE:


Values Integration:

Sa aralin na ito ay makikita ang mga katangian ng


“Ang sinumang na kay Kristo ay isa nang
tao na walang naidudulot na kagandahan ang
bagong nilalang. Wala na ang dati niyang
pagnanais makuha ang hindi sa kanila.
pagkatao; binago na siya.”
Kung ikaw si Ampalaya, tama ba ang ang kanyang
ginawang kuhanin ang katangiang hindi sa kanya?
Bakit?
Corinto 2-5:17
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

KUMUSTA ANG IYONG PAG-AARAL? I-TSEK ANG IYONG EBALWASYON SA ATING MGA
ARALIN.

NAINTINDIHAN KO ANG ATING NAINTINDIHAN KO NGUNIT


MGA ARALIN. MAY ILAN PA KONG
KALITUHAN O KATANUNGAN. KAILANGAN KO NG TULONG.

FEEDBACK/NOTE NG MAG-AARAL SA GURO: FEEDBACK/NOTE NG MAGULANG SA GURO:

FOR PRIVATE USE ONLY Page 7 of 6 | Learning Packet # 1


No part of this learning packet shall be reproduced, copied or sourced without the permission of the author and the school. Filipino 5
(Week 1)

You might also like