You are on page 1of 30

Our Lady of the Pillar College- San Manuel Inc.

District 3, San Manuel, Isabela

Modyul 2 sa
SP 3A

Inihandan ni:

GEMALYN R. CADIENTE-MARCOS
Guro sa Filipino
mhaleencadientemarcos@gmail.com
09970718571

PANIMULA

1
PHILOSOPHY, VISION, GOALS, MISSION AND OBJECTIVES OF THE SCHOOL

OLPC-SMI VISION: OLPCC, a Catholic college, as an evangelizing arm of the local


church, envisions a totally transformed community.

OLPC-SMI MISSION: Thus, OLPCC as a sharer in the life and mission of the local church
commits to:

a. Provide equal opportunity and access to quality education integrating Gospel and Filipino
values, responsive and relevant to the needs of the times;
b. Create in the school community an atmosphere and opportunities for individual
transformation that lead to Christian community living; and
c. Reach out to people enriching their faith-life experience needed in building a just and
humane society.

OLPC-SMI CORE VALUES:

People-oriented with preferential option for the poor


Insistent passion for excellence
Loyal to the school and team work oriented
Life-long learners
Accountable and Christ-centered
Responsible Filipino citizen with social concern for gender equality and
environmental consciousness

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION PHILOSPHY, VISION AND MISSION:

PHILOSOPHY:
Guided by the institutional Pillarican philosophy of education, the College of Teacher Education
believes that the holistic development of any learners is the interplay of the school, the home, and the
community. Thus, the learner needs to be nurtured by these three entities in order to be transformed
into a Christian person who can contribute to the realization of the institutional and national goals of
education including the perpetuation of Filipino and cultural heritage.

VISION:
Anchored from the vision of the institution, the College of Teacher Education envisions itself to be a
catalyst in transforming students into competent, proficient, and innovative teachers imbued with
Pillarican core values.

MISSION: The College of Education commits to:

a. Provide fruitful meaning and productive learning opportunities to prospective information


technology students to develop them to become experts in the field embedded with Pillarican
values.
b. Create in the school and larger community opportunities in order for students to apply theories in
the actual field.
c. Provide extension services relevant to their chosen field of specialization in order to alleviate the
life status of the depressed, deprived and under privileged people.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG MODYUL:


1. Ang modyul na ito ay dapat ingatan.
2. Sagutin ang paunang pagtataya upang makita kung may kaalaman na kayo sa susunod na aralin. Ito rin ay
magiging daan para masagot ang mga susunod na gawain.
3. Maging maingat sa pagsagot ng mga gawain, kailangang basahin nang mabuti ang mga panuto bago simulan
ang pagsagot.
4. Maging matapat sa pagsagot ng mga gawain at sa pagwawasto nito.

2
5. Pinaaalalahanan ang mga mag-aaral na bago simulang sagutan ang susunod na gawain ay tiyaking natapos na
ang kasalukuyang gawain.
6. Ang modyul ay ibabalik sa guro kung natapos nang gawin ang lahat ng pagsasanay.
7. Kung ikaw man ay may mga katanungan tungkol sa modyul, huwag kang mahiyang tanungin ang iyong guro.
Kung ikaw naman ay nahihirapan, maaari ring namang magtanong sa mga magulang, nakatatandang kapatid o
mga sa mga lolo at lola. Ngunit hindi ito nangangahulugang sila na ang sasagot sa buong modyul.

MODULE 2

ARALIN 2: KONSEPTO NG PONOLOHIYA

PANIMULA: Magandang buhay! Sa buong yunit na ito, inyong matututunan ang tungkol sa unang istruktura ng
wikang Filipino, ang Ponolohiya. Inyong pag-aaralan ang mga konseptong nakapaloob sa istrukturang ito. Nawa’y
3
marami kayong matutuhan na mga bagong kaalaman at inyong magamit sa inyong pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan lalo na sa propesyong inyong tatahakin o sa inyong pagtuturo sa hinaharap.
TIME FRAME: 4 WEEKS

PAMATNUBAY NA MGA TANONG: Sa inyong pag-aaral, gagabayan kayo ng mga sumusunod na tanong upang
mas higit na maunawaan ang mga aralin.
a. Ano ang ponolohiya?
b. Ano ang ponema?
c. Ano ang pagkakaiba ng ponemang segmental at ponemang suprasegmental?
c. Ano ang notasayong ponetik at ponemik?
d. Ano-ano ang mga pares minimal?
e. Ano ang diptonggo?
f. Paano nabubuo ang mga klaster?
g. Paano nagsimula ang alpabetong Filipino?
h. Ano-ano ang kayarian ng mga pantig?
i. Bakit kailangang bigkasin ang mga salita batay sa diin, tono o intonasyon at hinto?

COURSE OUTCOME:
A. Naipaliliwanag ang mga konseptong nakapaloob sa istrukturang ponolohiya ng Wikang Filipino

INAASAHANG KALALABASAN: Sa pagtatapos na ito, kayo ay inaasahang:


A. natutukoy kung ano ang ponolohiya bilang isa sa mga istruktura ng Wikang Filipino
B. natutukoy kung ano ang ponema
C. napaghahambing ang ponemang segmental at ponemang suprasegmental
D. napaghahambing ang notasyong ponemik at notasyong ponetik
E. nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pares minimal, diptonggo at klaster
F. naisasalaysay ang kasaysayan ng Alpabetong Filipino
G. natutukoy ang mga kayarian ng mga pantig

MODULE MAP:

A. Ponemang Segmental

1. Ponemang Katinig
2. Ponemang Patinig
3. Mga Pares Minimal
4. Ponemang malayang nagpapalitan
5. Diptonggo
6. Mga Klaster
7. Kasaysayan ng Alpabetong
Filipino
Aralin 1: PONOLOHIYA 4 8. Pagpapantig
B. Ponemang Suprasegmental

1. Diin/Paglilipat Diin

2. Tono at intonasyon

3. Hinto

PAUNANG PAGTATAYA: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay paraan ng pagbabahagi ng salita sa mga pantig.
a. diptonggo
b. pagpapantig
c. klaster
2. Ito ang tawag sa magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
a. pares minimal
b. klaster
c. diptonggo
3. Ano ang wastong pantig ng salitang “eskwelahan”?
a. eskwe-la-han
b. es-kwe-la-han
c. eskwel-a-han

5
4. Alin sa mga sumusunod ang pares minimal ng salitang “dalita”?
a. Cainta
b. Salita
c. Bata
5. Ito ay ang saltik ng salita o bawat bigkas ng bibig sa pagsasabi ng salita.
a. klaster
b. diptonggo
c. pantig
6. Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at malapatinig sa loob ng isang pantig.
a. pares minimal
b. klaster
c. diptonggo
7. Ano ang kayarian ng mga pantig ng salitang “ibon”?
a. p-kpk
b. pk-pk
c. pkpk
8. Ilang patinig mayroon sa alpabetong Filipino?
a. 23
b. 5
c. 21
9. Ito ang tawag sa pagtaas at pagbaba ng bigkas sa pantig.
a. tono
b. diin
c. haba
10. Ano ang tawag sa dalawang salita na may titik na magkaiba pero magkaiba ang kahulugan?
a. ponemang segmental
b. Ponemang malayang nagpapalitan
c, pares minimal

SIMULAN NA NATIN!!! (ENGAGE)

Ano ang nalalaman mo na Ano ang nais mo pang malaman Ano ang iyong mga nalaman?
tungkol sa konsepto ng tungkol sa konsepto ng
Ponolohiya? Ponolohiya?

6
PAGTATALAKAY. Sa bahaging ito, kayo ay inaasahang nakasusunod sa mga panuto para sa inyong
pagkatuto at para sa mga naibigay na gawain. Nawa’y maging responsable kayo sa paggamit ng inyong oras sa
pag-aaral.

TUKLASIN AT TALAKAYIN NA NATIN!!! (EXPLAIN)

I. Katuturan ng Ponolohiya
 Tinatawag ding Palatunugan
 Ang agham ng wika na nag-aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita (pronunciation) at tumatalakay
kung paano nagsasalita ang isang tao.

 Tungkol ito sa pag-aaral ng kayarian o set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika.
(https://www.slideshare.net/Istruktura ng Wika-fil-101)
 ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture), pagtaas- pagbaba ng mga pintig (pitch), diin
(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening
(https://www.slideshare.net/NeilStephen19/ponolohiya-fil-101)
 Ang ponolohiya (mula sa salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog, boses") o palatunugan[1] ay sangay
ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng isang wika, ang pagkukumpara
ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga tunog na ito upang
makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan (i.e. morpema o morphemes, salita).

II. Katuturan ng Ponetika


 Tinatawag namang Palatinigan
 Tungkol naman ito sa pag-aaral ng tunog ng mga salita at ang pagpapalabas ng mga ito.
 Ito ay may tatlong sangay: Articulary Phonetic, Auditory Phonetic at Acoustic Phonetic
a. Articulatory phonetics-ang sangay ng ponetiks na tumatalakay sa mga pangunahing sangkap na
may kinalaman sa pagsasalita.
Tatlong salik ang kailangan ng isang tao upang makapagsalita: Enerhiya, Artikulador, Resonador.
-Enerhiya (Energy) – nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga.
-Artikulador (Articulator) – nagpapakatal sa mga babagtinga ng pantinig.
-Resonador (Resonator) – nagmomodipika ng tunog-ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na
resonador.
b. Auditory phonetics studies how they are perceived by the ear; it investigates the perception of pitch
and loudness of sounds.
c. Acoustic phonetics looks at the physical characteristics of speech sounds.

 Ang ponetiko ay ang pag-aaral ng mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng
wika. Samakatwid, ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang
ginagamit sa wika, at kung paano ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na hindi bahagi ng
wika. Samantala, ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng isang
wika upang makalikha ito ng kahulugan. Sa madaling salita, ang Phonetics ay nakatuon sa pag-aaral ng
imbentaryo ng mga tunog ng wika ng tao na nagmula sa mga pinagsama-samang set ng tunog ng lahat
ng wika, at ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng set ng tunog ng isang wika o ang pagkukumpara
ng mga set ng tunog ng iba’t ibang-wika.

7
III. Notasyong Ponemik at Notasyong Ponetik

PONETIKONG TRANSKRIPSYON
TRANSKRIPSYON- ay katulad ng palatuldikan. Ito ay ginagamit bilang giya o patnubay kung paano
bibigkasin nang wasto ang mga salita sa isang wika.
Dalawang klase ng Transkripsyon:
1. Ponemikong Transkripsyon
Sa ponemikong transkripsyon, ang lahat ng makabuluhang tunog o kinikilalang ponema sa
isang wika ay binibigyan ng kaukulang simbolo.
• ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay mga pahilis na guhit o virgules //.

           • ang tuldik na paiwa /’/ ay nagrereprisinta sa impit na tunog na matatagpuan sa mga pusisyong midyal at
pinal na isinusulat nang nakahanay sa ibang ponema.
• ang /һ/ ay nagpapahayag ng impit na pahinga na salita o glottal na pasutsot. Kadalasan itong nilalagay sa
hulihan ng salitang nagtatapos sa patinig.

         • ang /ŋ/ ay katumbas ng “ng”. Ang “ng” ay isang digrapo o dalawang simbolo na kumakatawan sa isang
ponema.
• ang tuldok /·/ ay kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig na palaging inilalagay pagkatapos ng mahabang
patinig.

Halimbawa:

                Buhay- /bu·hay/ -life                         Alagad- /alagad/

                  -/buhay/   -alive                      Mabuti- / mabu·ti/

                Basa- /ba·saһ/   -read                                     Langoy- /laŋoy/

                        -/basa’/       -wet

1. Ponetikong Transkripsyon
Sa transkripsyong ponetiko, lahat ng tunog na marinig ng nagsusuring linggwist, makahulugan
man o hindi, ay kanyang itinatala. Kaya nga’t sa transkripsyong ito, hindi lahat ng tunog na
binigyan ng kaukulang simbolo ng isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko.
     • ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay braket [….].

Sa mga mag-aaral at guro ng wika, hindi ito pinag-uukulan ng masusing talakay sapagkat ang
mga linggwist lamang ang gumagamit at nag-aaral sa ponetikong transkripsyon.
Sa transkripsyon, mahalaga na malaman ang mga sumusunod:
 Kung nagsasagawa ng transkripsyon, de letra o script ang dapat na gamitin at hindi “patakbo”
o cursive.
 Ang salita, parirala o pangungusap na itinatranskribe ay dapat kulungan ng dalawang guhit na
pahilis.
 Hindi gumagamit ng malaking titik sa transkripsyon.
Halimbawa:

Palatuntunan        - /pala·tuntu·nan/

Magpapakamatay- /magpa·pakamatay/

8
Nagsasalita          - /nagsa·salita’/

Isang basket           - /isaŋ bas·ket/

Bagong kain            - /ba·goŋ  ka·in/

Iniibig ko ang Pilipinas. Aking Lupang Sinilangan

/ini·i·big  koһ  aŋ pilipi·nas/

/a·kiŋ lu·paŋ sini·la·ŋan/

/mara.mi/

/pa.aralan/

IV. PONEMA
 Ang batayang yunit ng tunog na pinag-aaralan sa ponolohiya at ponetiko ay ang ponema (o phoneme).
Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika.
 Ang wikang Filipino ay binubuo ng dalawang uri ng ponem: ang mga ponemang segmental at ang mga
ponemang suprasegmental.

A. PONEMANG SEGMENTAL

 May kani-kaniyang tiyak na dami ng makabuluhang mga tunog ang bawat wika.

 Makabuluhan ang isang tunog kung nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito kapag ito’y
alisin o palitan. [dagat `sea’: inalis ang /t/ → daga `rat’; pinalitan ang /g/ → dapat `must’].

 Kaya, ang /g/ ay isang makabuluhang tunog at ito’y tinatawag na ponemang segmental o ponema.

 May 21 ponema sa Filipino: 16 katinig at 5 patinig. (Sa palabaybayang Ingles, ang salitang plumber ay
binubuo ng 7, kahit na binubuo lamang ito ng 5 ponema sa transkripsyong: /plamer/).

 Nagkakaiba-iba ang tunog ng bawat ponemang segmental na katinig sanhi ng paraan ng artikulasyon at
punto ng artikulasyon. Ang punto ng artikulasyon ay tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig
naisasagawa ang pagbigkas ng ponema. Maaaring ito ay panlabi (labial), pangngipin (dental),
pangngalangala (palatal), panlalamunan (larinjal) at pasara (glotis) para sa impit na tunog (glotal).
Samantala, tumutukoy naman ang paraan ng artikulasyon o pagbigkas sa paraan ng pagpapalabas ng
hangin sa bibig o sa ilong. Maaari ito ay pasara/istap, pailong (nasal), pasutsot (fricativ), pangatal/tril at
malapatinig.

Katinig

9
 Maiaayos ang katinig ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung binibigkas nang may tinig (m.t.)
o walang tinig (w.t.) ang mga ito. (Santiago & Tiagnco: 2003)

Ponemang Katinig

Paraan ng Artikulasyon Punto ng Artikulasyon

Panlabi Pangngipin Panggilagid Pangngalangala Impit

(bilabial) (dental) (larinjal) Matigas Malambot) (Glotal)

(Palatal) Velar

Pasara: walang tinig p t k

Pasara: may tinig b d g ?

Pailong m n ng

Pasutsot s h

Pagilid:may tinig l

Pakatal:may tinig r

Malapatinig:may tinig y w

Kung binibigkas ang /b/ at /p/, ang mga labi ay isinasara at nasusugpo ang paglabas ng hangin.
Tinatawag ito panlabing pasara dahil ginagamit ang mga labi sa pagbigkas ng mga tunog nito.

Binibigkas naman ang /d/ at /t/ na ang dulo ng dila ay inilalapat sa likod ng
unahang ngipin sa itaas. Ang mga ito’y tinatawag na pangngiping pasara.

Ang /k/ at /g/ ay binibigkas kapag ang likod ng dila ay inilalapat sa malambot na ngalangala. Dahil dito
ang mga ito’y tinatawag na pangngalang pasara.

10
Ang /h/ at /s/ ay binibigkas ng walang tinig ta tuloy-tuloy.

Ang /m/, /n/ at /ng/ ay binibigkas na ang ginagamit ay ilong. Binibigkas ang /m/ na ang hangin ay
pinipigil sa pagtikom ng mga labi at ang daanan nito sa ilong ay naiiwang bukas. Sa paglabas ng tinig ay
bahagyang nagagalaw ang babagtingang tining at ang malambot ngalangala na malapit sa lalamunan ang hangin
sa ilong.

Binibigkas ang /n/ na ang dulo ng dila ay nasa likod ng ngipin sa itaas at ang ngalangala ay bahagyang
nakababa at hinahayaang lumabas ang hangin sa ilong.

Binibigkas ang /ng/ na ang likod ng dila ay pataas na tumatama sa pababang ngalangala habang
tinutulutan ang paglabas sa ilong ng hangin mula sa lalamunan. Digrapo ang tawag sa ponemang ito sapagkat
binubuo ng dalawang ponemang katinig.

Ang /l/ at /r/ ay binibigkas gamit ang ngipin. Binibigkas ang /l/ na ang kabuuan ng dila ay lumalapad at
ang pinakadulo nito ay nasa likod ng ngipin.

Binibigkas ang /r/ na ang dulo ng dila ay madaling tumatama nang ilang ulit sa bahaging likod ng
pangharap na ngipin sa itaas.

Ang malapatinig na /w/ at /y/.


Binibigkas ang /w/ na ang mga labi ay pabilog at ang dila ay bahagyang tumataas.
Binibigkas ang /y/ na gamit ang ngalangala, walang tinig at ang harap ng dila ay tumataas at halos ay tumatama
sa matigas na ngalangala habang ang dulo naman ng dila ay tumuturo sa ngipin sa ibaba.

Patinig

 Maiaayos din ito ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumaganap sa pagbigkas ng isang
patinig: unahan, sentral, likod at kung ano ang posisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas: mataas, nasa
gitna o mababa. (Santiago & Tiangco: 2003)

Ponemang Patinig

Harap Sentral Likod

Mataas i u

Gitna e o

mababa a

2. PARES MINIMAL
Ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang
ponema sa magkatulad na posisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita ang
pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad na
kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa pusisyong inisyal: na kung

11
aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad – ala at ala. Sa
ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga
ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita. Kung gayon ang /p/ at /b/ ay
masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng
pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang magkahiwalay na
ponema.

tela - tila belo - bilo


butas - botas mesa - misa
diles - riles ewan - iwan

Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala,
sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal.
Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang
ponema.
Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi natin masasabing
magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa kahulugan ng salita.
Magkatulad ang kahulugan ng /doon: roon/.

Gawain #1: Magbigay ng angkop na kapares para sa naibigay na salita sa bawat larawan upang sila ay matawag
na pares minimal.

1. gata= _________________ 6. panday= _________________


2. baso= _________________ 7. suha= ____________________
3. tamo= _________________ 8. pata= ____________________
4. sabsab=________________ 9. baga= ___________________
5. pulo=__________________ 10. tama= __________________

1. PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN


Pares ng mga salita na katatagpuan ng mga magkaibang ponema sa magkatulad na magkatulad na kaligiran
ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita.

Ayon sa talakay nina Santiago at Tiangco, ponema sa kategoryang ito ay maaaring ipalit sa pusisyon ng ibang
ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng salita. Anila, ang malayang pagpapalitang ito ng mga ponema
ay karaniwan nang nagaganap sa mga ponemang patinig na /i/ at /e/, gayundin sa /o/ at /u/.

Mga Halimbawa:

Politika =    Pulitika                         
Tutoo   =   Totoo
Bibi     =   Bibe
Lalaki    =   Lalake     

Batay sa ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, gayundin naman ang /o/
at /u/. Kaakibat nito, hindi nakaapekto ang pagpapalitang ito sa pagbabago ng kahulugan ng mga salita. Subalit

12
hindi lahat ng pagkakataon ay malayang nakapagpapalitan ang mga nabanggit na ponema. Maari rin naman
maging pares minimal ang mga ito tulad ng mga sumusunod:

Mesa   =    misa


Tela    =     Tila
Uso    =     Oso
            Mula sa mga halimbawang ito, masasabing hindi malayang nagpapalitan ang mga ponema rito sapagkat
nagkokontrast ang mga ito sa magkatulad na kaligiran.

Gawain #2: Maglista ng mga salitang may ponemang malayang nagpapalitan.

1. __________________________________________
2. __________________________________________
3. __________________________________________
4. __________________________________________
5. __________________________________________
6. __________________________________________
7. __________________________________________
8. __________________________________________
9. __________________________________________
10. __________________________________________

.
3. DIPTONGGO
Ang diptonggo ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a, e, I, o, u/ at tunog ng isang
malapatinig /w, y/ iisang pantig.

Tsart ng Diptonggo
Ayos ng Dila Bahagi ng Dila
Harap Sentral likod
Mataas iw, iy uy
Gitna ey oy
Mababa ay, aw

Halimbawa:
tuloy agaw sabay
tulay agiw

Gawain #3: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang salita ay mayroong diptonggo at ekis (X) naman ang iguhit
kung wala.
_________ 1. tulay
_________ 2. kayamanan
_________ 3. walis
_________ 4. maaraw

13
_________ 5. tumuloy
_________ 6. yelo
_________ 7. simoy
_________ 8. aruy
_________ 9. watawat
_________10. agiw

4. KLASTER/KAMBAL KATINIG
Ang mga tinatawag na klaster o kambal katinig ay matatagpuan sa mga salitang ay matatagpuan sa mga
salitang banyagang nasama na sa bokabolaryong Filipino. Gayundin sa katutubong salita na may mga letrang
nawawala dahil sa pagbigkas sapagkat may impluwensiya na rin ng kasanayan sa pagbigkas ng mga salitang
dayuhan. Ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig. Maaaring ito ay
matagpuan sa inisyal, sentral at final na pantig ng mga salita. Ang mga sumusunod ay mga ponemang katinig
Na madalas na nagsasama sa mga salitang Filipino.
Ang klaster (kambal-katinig) ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Matatagpuan
ito ngayon sa lahat ng posisyon ng pantig: sa unahan at sa hulihan.

Ang mga klaster sa posisyong unahan ng pantig ay limitado lamang sa dalawang ponemang katinig; na
ang ikalawa ay laging alinman sa mga sumusunod na limang ponemang katinig: /w, y, r, l, s/.
Kung ang ikalawang ponemang katinig ay /w/ o /y/, ang una ay maaaring alinman sa mga sumusunod
na ponemang katinig: /p, t, k, b, d, g, m, n, l, r, s, h/.
Kung ang ikalawang ponemang katinig ay /r/, ang unang ponemang katinig ay maaaring alinman sa
mga sumusunod: /p, t, k, b, d, g/.
Kung ang pangalawang ponemang katinig ay /l/, ang una ay maaaring alinman sa /p, k, b, g/.
At kung ang pangalawang ponemang katinig ay /s/, isa lamang ang maaaring itambal dito - ang /t/.

Sa klaster na ang huling katinig ay /y/ at /w/, mayroong ibang baybay ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng isang tunog na patinig sa pagitan ng dalawang katinig: kweba~kuweba, swerte~suwerte,
lumpya~lumpiya.

Kapag ang isang klaster ay nagkakaroon ng singit na patinig, hindi na ito maituturing na klaster dahil mayroon
nang dalawang pantig.

Ipinapakita sa tsart ang maaaring kumbinasyon ng mga ponemang katinig na maituturing na klaster (Santiago &
Tiangco: 2003):

/w/ /y/ /r/ /l/ /s/


/p/ pwersa pyano premyo plato
/t/ katwiran batya litrato kutsara
/k/ kweba kyosko krisis klase
/b/ bwelta gobyerno libro blusa
/d/ dwende dyalogo droga
/g/ gwantes gyera grasya glorya
/m/ mweblesmyembro
/n/ nwebe banyo
/l/ lwalhati lyab
/r/ rweda dyaryo
/s/ swerte syampu
/h/ hwes relihyon

14
Gawain #4: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang salita ay ginamitan ng klaster at ekis (X) naman kung
hindi.
_________ 1. globo
_________ 2. kalamnan
_________ 3. planeta
_________ 4. aklat
_________ 5. bulsa
_________ 6. tsinelas
_________ 7. pulso
_________ 8. tsokolate
_________ 9. plorera
_________10. silya

5. KASAYSAYAN NG ALPABETONG PILIPINO

Alibata

            Bago pa man dumating ang mga Kastila, tayo ay mayroon nang kinikilalang isang uri ng alpabeto. Ito
ang tinatawag nating Alibata, isang uri ng palaybaybayang hatid na atin ng mga Malayo at Polinesyo.
Sinasabing ang Alibata ay may impluwensya ng palatitikang Sanskrito na lumaganap sa India at sa iba pang
mga lugar sa Europa at sa Asya.

            Ang Alibata ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig, gaya ng makikita sa ibaba:

ANG ALIBATA

15
  Ang bawat titik ng Alibata ay binibigkas na may tunog na a. Nilalagyan ng tuldok (.) sa ibabaw ng titik kapag
bibigkasin ang b ng bi.

            Nilalagyan ng tuldok (.) sa ilalim ng titik kapag bibigkasing bu ang b.

            Nilalagyan ng krus (+) sa tabi ng titik kapag nawawala ang bigkas na a sa bawat titik.

            Ang // ang nagpapahayag ng tuldok.

            Kakaiba ang pagsusulat ng alibata hindi katulad ng nakasanayan na ng mga Pilipino. Ang paraan ng
pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod ng mga talata ay buhat sa
kaliwa, pakanan.

           

Mapapansin na walang titik na E at O sa matandang Alibata. Tatlo lamang noon ang mga patinig: A, I at U.
Nang dumating ang mga Kastila ay saka lamang pumasok ang mga tunog na E at O dahil sa mga hiram na
salitang Kastila namay ganitong mga tunog. Ang tunog na R ay sinasabing hiram din sa Kastila.

16
Gawain #5.  Sulatin sa katutubong alpabeto ang mga sumusunod:

1.      alupihan= ____________________                       6. hagdan= ____________________ 

2.      ilag= ____________________                        7. lalawigan=____________________ 

3.      dagat= ____________________                       8. lungsod= ____________________ 

4.      sumisikat = ____________________                       9. palaka= ____________________ 

5.      bayan= ____________________                        10. matamis= ____________________ 

11-15.      Papasok ang bata sa paaralan bukas.

________________________________________________________________________________________

Ang Abecedario

            Nang dumating ang mga Kastila, binago nila ang ating sistema ng pagsulat. Sinunog nila ang lahat halos
ng ating katutubong panitikang nasusulat sa Alibata, kasabay ng kanilang pagsunog sa sinasambang mga anito
ng ating mga ninuno. Tinuruan nilang sumulat ang mga Pilipino sa pamamagitan ng palatitikang Romano upang
mabisa nilang mapalaganap ang Doctrina Christiana. Ang mga titik Romano gaya ng alam na natin, ay iba sa
mga simbolong ginagamit sa pagsulat sa wikang Hapon o sa wikang Intsik.

            Itinuro ng mga Kastila ang kanilang Abecedario. Ang mga titik ng Abecedario ay ang mga sumusunod:

                        A                     B                      C                     CH                  D

                        /a/                 /be/               /se/               /se-atse/       /de/

                        E                      F                      G                     H                     I

                        /e/                 /efe/              /he/               /atse/           /i/

                        J                       K                     L                      LL                   M

                        /hota/           /ke/               /ete/              /elye/            /eme/   

        

                        N                     Ñ                     O                     P                      Q

                        /ene/             /enye/           /o/                 /pe/               /ku/

                        R                     RR                   S                      T                      U

                        /ere/              /doble ere/  /ese/             /te/                /u/

17
                        V                     W                    X                     Y                     Z        

                        /ve/               /doble u/     /ekis/          /ye/               /zeta/

            Pansinin na sa dating 17 katutubong tunog sa matandang Alibata ay naparagdag ang mga sumusunod
upang maging 31 titik lahat.

            Mga Patiniog:           E at O

            Mga Katinig: C, F, LL, Q, V, R, Z, CH, J, Ñ, RR, X

            Sa loob ng halos apat na dantaong pananakop sa atin ng mga Kastila ay nasanay na ang ating lahi sa mga
hiram na salita na sa kasalukuyan ay hindi na halos napapansin kung ang mga ito ay katutubo o banyaga.

Gawain#6:  Basahin ang talata sa ibaba. Isulat sa baybay-Filipino ang mga salitang nasa loob ng panaklong.

         Noong nakaraang (1. Viernes) ay hindi nakapasok si Ernesto sa (2. escuela). Tumawag ang kanyang ina sa
(3. telefono) upang ipaalam sa kanyang (4. maestra) na siya ay di papasok.

         (5. Miercoles) na nang muling makapasok si Ernesto. Pagpasok niya sa (6. clase) ay sinalubong siya ng
kanyang mga kamag-aral. Sinabi kaagad ng mga ito kung ano ang kanilang (7. leccion) sa araw na iyon.
Ipinaalam din ng mga ito na bilang takda, sila’y binilinang magdala ng (8. diario).

         1. ___________________                  5. ________________           

         2. ___________________                  6. ________________

         3. ___________________                  7. ________________

         4. ___________________                  8. ________________

Ang Alpabetong Ingles

            Nang matapos ang pananakop ng mga Kastila noong 1898, humalili naman ang mga Amerikano. Dahil
sa ang pinakamahalagang pokus ng pamahalaang Amerikano ay edukasyon ng mga Pilipino, naging sapilitan
ang pag-aaral ng wikang Ingles. Itinuro ng mga gurong Thomasites ang alpabetong Ingles na may 26 na titik,
tulad ng mga sumusunod:

                        A                     B                      C                     D                     E                      F

18
                        G                     H                     I                       J                       K                     L         

                        M                    N                     O                     P                      Q                     R

                        S                      T                      U                     V                     W                    X

                        Y                     Z

            Mapapansin parehong titik-Romano ang ginagamit ng mga alpabetong Ingles at Kastila, palibhasa’y
kapwa kanluranin ang mga ito. Ngunit may mga tunog sa Ingles na wala rin sa dila ng mga Pilipino. At sapagkat
ang ispeling sa Ingles ay hindi na konsistent tulad ng sa Kastila, hindi na maaari ang regular na tumabasan ng
mga titik. Halimbawa ng mga sumusunod:

           

            Football         -           putbol                       sexy                -           seksi  

            violin              -           bayolin                       magazine       -           magasin

            Di kasintagal ng mga Kastila ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano, subalit dahilan sa empasis
na ibinigay sa edukasyon, napakalawak ang naging impluwensya ng wikang Ingles, kaya’t napakarami ang mga
bokabularyong Ingles na humalo sa talasalitaang Filipino.

Ang Abakada

            Noong panahon ng Pangulong Manuel L. Quezon ay binigyan-diin niya ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Nadama niya ang pangangailangang ito sapagkat malimit na hindi niya
makausap ang karamihan ng mg Pilipinong iba’t iba ang wikang sinasalin. Hindi niya makausap ang mga ito sa
wikang Kastila. At lalong hindi rin sa wikang Ingles. Kayat nang sulatin ang Konstitusyon ng 1935, sinikap
niyang magkaroon ito ng probisyon tungkol sa pagbuo ng isang wikang pambansa.

            Ganito ang sinasabi sa Konstitusyon ng 1935: “Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng hakbang
tungo sa pagkaroon ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na mga pangunahing wika ng
Pilipinas.”

            Upang maitupad ang batas na ito, pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt 184 na nag-aatas na
bumuo ng Institute of National Language o Surian ng Wikang Pambansa na siyang magsasagawa ng pag-aaral
kung alin sa mga pangunahing katutubong wika ng bansa ang higit na karapat-dapat na maging wikang
pambansa.

            At Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa.

            Ngunit hinihingi rin ng batas na bago ipahayag ang napiling batayan ng wikang pambansa ay kailangang
mayroon na munang magagamit na aklat panggramatika sa paaralan. Si Lope K. Santos, isa sa mga kagawad
noon ng Surian ng Wikang Pambansa, ang sumulat ng nasabing gramatika na nakilala sa tawag na Balarila ng
Wikang Pambansa.

            Noon isinilang, batay sa Balarila, ang Abakada na binubuo ng 20 titik na gaya ng mga sumusunod:

            A         B          K         D         E          G         H         I           L          M        N         NG

            O         P          R         S          T          U         W        Y        

19
            Sa dalawampung titik na ito’y lima (5) ang patinig at labinlima (15) ang katinig. Ang mga katinig ay
may tig-iisang tawag at bigkas lamang na laging may tunog na a sa hulihan. Gaya ng pagbaybay nang pabigkas
sa mga salitang sumusunod:

            Bote                - /ba-o-ta-e/            titik     -           /ta-i-ta-i-ka/

            Dahilan sa limitadong bilang ng mga titik ng Abakada, naging problema ang panghihiram ng mga salita,
lalo na sa Ingles na hindi konsistent ang palabaybayan.

Gawain #7: Baybayin nang pa-Abakada ang sumusunod na mga salita:

            1. totoo                                                           6. parokya

            2. pakikipagtalastasan                                7. tala

            3. panitikan                                         8. kaibigan

            4. gulang                                             9. hikayatin

            5. babae                                              10. sanduguan

Komisyon sa Wikang Filipino:2001 Rebisyon ng Alpabetoat Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino

            Bilang bahagi ng pagpapalanong pangwika na may layuning mapaunlad ang wikang Filipino tungo sa
istandardisasyon ng sistema ng pagsulat, nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino noong 2001 ng revisyon
sa alfabeto at ispeling ng wikang Filipino na pinamagatang 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling
ng Wikang Filipino na nakafokus sa gamit ng walong bagong letra ng alfabetong Filipino (c,f,j,ñ,q,v,x,z).

I.       Ang Alpabetong Filipino

      Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra. Ang tawag sa mga letra ay ayon sa bigkas-Ingles ng
mga Pilipino maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila. Ang walong (8) letra na dagdag ay galing sa mga umiiral na
wika ng Pilipinas at sa mga iba pang wika.

                 

            A             B          C        D        E           F          G           H             I            J         K

            /ey/   /bi/     /si/    /di/   /i/      /ef/    /ji/     /eych/     /ay/     /jey/    /key/

           

            L              M        N          Ň         NG       O         P        Q        R         S          T

20
            /el/    /em/  /en/   /enye/    /enji/ /o/    /pi/ /kyu/  /ar/    /es/   /ti/

           

            U            V              W                X          Y          Z

            /yu/  /vi/    /dobolyu/    /eks/ /way/   /zi/

6. PAGPAPANTIG

*Pantig-ang tawa sa bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.

Basahin ang mga sumusuno na salita.

1. maglinii=mag-li-nis 4. dalawa=da-la-wa
2. natahimik=na-ta-hi-mik 5. lumalabas=lumalabas
3. pumasok=pu-ma-sok

Gawain #8: Pantigin ng maayos ang mga sumusunod na salita at tukuyin kung ilang pantig mayroon ang bawat
salita.
Pagpapantig Bilang ng pantig

Hal. mahahanap= ma-ha-ha-nap 4

1. magkakahalo= _______________ ________________


2. magligpit= _______________ ________________
3. paaralan= _______________ ________________
4. tsinelas= _______________ ________________
5. napailing= _______________ ________________

Isaisip Natin:
*Kayarian ng pantig-tumutukoy sa titik o kombinasyon ng mga titik.
P-Patinig (a, e, i, o, u)
K-Katinig (mga natirang titik sa alpabetong Filipino

Iba’t ibang kayarian ng pantig:


1. P (patinig)
Halimbawa: a-ma i-bon

2. PK (Patinig-Katinig)
Halimbawa: ak-lat it-log

3. KP (Katinig-Patinig)
Halimbawa: ba-yan lu-ma

4. KPK (Katinig, Patinig-Katinig)


Halimbawa: dok-tor ba-hay

5. PKK (Patinig, Katinig, Katinig)


Halimbawa: eks-tra

21
6. KKP (Katinig, Katinig, Patinig)
Halimbawa: pla-to

7. KKPK (katinig, Katinig, Patinig, Katinig)


Halimbawa: trak

8. KPKK (Katinig, Patinig, Katinig, Katinig)


Halimbawa: nars

9. KKPKK (Katinig, Katinig, Patinig, Katinig, Katinig)


Halimbawa: tsart

Gawain #9: Tukuyin ang kayarian ng mga pantig sa bawat salita.

Halimbawa: kaibigan=kp-p-kp-kpk

______1. abo _____6. kard


______2. paa _____7. bulaklak
______3. bloawt _____8. isda
______4. naghugas _____9. mainit
______5. baso _____10. ubas

B. PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa:  Diin  Tono o Intonasyon  Hinto o Antala

1. ISTRESS/DIIN

Ang istress o diin ay tumutukoy sa bahagyang pagtaas ng tinig o bigkas sa isang pantigg ng salita. Nasa
pangalawang pantig mula sa dulo ang istress sa mga salitang malumay o malumi. Samantalang nasa
final/hulihan na pantig ang istress sa mga salitang mabilis at maragasa.

Halimbawa:

MALUMAY MALUMI MARAGASA MABILIS


i:sip diwa:ta ginto dalawa
tali:no kalaha:ti dukha pito
damda:min daki:la sampu pinta
kaganda:han sampalata:ya pinto lima

Sa mga haimbawang naibigay, mapapansin na kapag ang istress ay nasa penultima, karaniwang may
kasama itong paghahaba na ginagamitan ng tutuldok. Subalit kung nasa hulihan ay walang paghahabang
nangyayari.

22
Gawain #10: Ipakita sa pamamagitan ng paglilipt diin ang pagbabago ng kahulugan ng mga sumusunod na
salita. Isulat sa ibaba ng mga ito ang naging kahulugan nila.

1. tubo _______________________ _____________________


2. pito _______________________ _____________________
3. tala _______________________ _____________________
4. basa _______________________ _____________________
5. saya _______________________ _____________________

2. JANKTYUR/HINTO
Ang janktyur o hinto ay isang saglit na katahimikan sa pagbigkas ng pangungusap. Ginagawa ito upang
maging malinaw ang pagpapahayag ng kaisipanng nais iparating sa kausap o mambabasa. May janktyur o hinto
bago magsimula at pagkatapos ng isang pangungusap at mayroon din sa gitnang bahagi nito. Sa mga halimbawa
ng pangungusap sa ibaba ay ginamit ang # para mga hinto sa unahan at katapusan ng pangungusap. Samantala,
ginamit naman ang / para sa mga hinto sa gitna.

Halimbawa:

#Hindi siya si Joel#


(Ang taong pinag-uusapan ay hindi si Joel. Maaaring ito ay si Juan o si Jose.)

#Hindi/ siya si Joel#


(Kabaliktaran ito ng naunang kaisipan dahil ipinahahayag nito na siya ay si Joel)

#Hindi siya/ si Joel#


(Ipinahihiwatig naman nito na hindi ang ibang tao ang may gawa, kundi si Joel)

Gawain#11: Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang
maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.

1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

3. Hindi siya ang kaibigan ko.

23
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

2. TONO/INTONASYON
Ang tono o intonasyon ay norm na paraan ng pagbigkas sa pagsasalita upang higit na magkaunawaan ang nag-
uusap. Nagkakaroon dito na pagtaas at pagbaba ng tinig. May tatlong tonos a Filipino sa karaniwang pananalita:
ang mahaba (L1), ang normal (L2), at ang mataas (L3).

Mataas

L3

Normal

L2

Mababa

L1

Sa normal na pagsasalita, (paturol, pahayag/deklarativ), karaniwang nagsisimula sa Level 2 ang tono.

Kapag nagtatanong/interogativ, nagsisimula naman ito sa Level 3.

Kapag sinabi naman ang kaisipan sa pinakamababang tono ng pagpapahayag, nagsisimula ito sa Level 1.

Gawain #12: Tukuyin kung anong sa anong lebel magsisimula ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
level 1, level 2 o level 3 sa patlang bago ang bilang.

__________1. Sino ang iyong guro sa Filipino?

__________2. May sakit si Ana. (malungkot ang pagkakapahayag)

__________3. Ang araw ay sumisikat sa silangan at lumulubog naman sa kanluran.

__________4. Saan ka pupunta?

__________5. Siya ay isang mabait na bata.

24
PAGLALAPAT: Sa bahaging ito, bibigyan kayo ng mga panibagong pagsasanay
upang gawin o sagutin nang mapalalim pa ang inyong kaalaman.

TIYAKIN NA NATIN!!!(ELABORATE)
Gawain #13: Sa pamamagitan ng mga pares minimal, patunayang magkahiwalay ang mga ponema. Magbigay ng
tigdalawang halimbawa sa bawat aytem.
1. /p/ at /b/ __________________________________________
__________________________________________

2. /k/ at /g/ __________________________________________


__________________________________________

3. /t/ at /d/ __________________________________________


__________________________________________

4. /n/ at /ng/ __________________________________________


__________________________________________

5. /w/ at /y/ __________________________________________


__________________________________________

Gawain #14: Ipakitang sa pamamagitan ng paglilipat ng diin nagbabago ang kahulugan ng salita. Ibigay kung
anu-ano ang naging kahulugan. Ipakita rin ang pagkakaroon ng glottal kung ang salita ay nangangailangan ng
impit na tunog.

1. paso __________________________________________
__________________________________________

2. hapon __________________________________________
__________________________________________

3. buhay __________________________________________
__________________________________________

4. ligaw __________________________________________
__________________________________________

25
5. bukas __________________________________________
__________________________________________

Gawain#15: Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang
maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.

1. Presidente ang pinsan ko.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

2. Hindi siya si Richard.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Gawain#16: Basahin ang maikling kwento, kilalanin ang mga salitang may klaster at bilugan ang mga iyon.
Ang mga salitang may diptonggo naman ay salungguhitan.

Ms. Number 2
(Elibeth B. Mapula)

Ako nga pala si No. 2. Hindi ito ang tunay kong pangalan. Gusto ko lang gamitin dahil memorable sa
akin ito. Ito kasi ang number ko nang minsang mag-ambisyong Manalo sa Little Ms. Philippines. Oo, iyon bang
patimpalak na pambata sa Eat Bulaga. Tama, nasa Channel 9 pa noon ang Eat Bulaga nang sumali ako.
Sabi nila, para sa mga bata lang ang ambisyon. Sila kasi ang utu-uto. Sila lang ang madaling maniwala.
Ang bilis kasi nilang malunok ang pormulang 1+1=2, katulad din ng pormulang sipag+dasal=ambisyon. Parang
ako na may matayog na ambisyon. Bago ko makalimutan, ganito nga pala iyong utuang nangyari sa Eat Bulaga,
kasama syempren sina Vic Sotto at Joey de Leon. Gusto kong matawa pag naaalala ko.
“Ladies and Gentlemen, please welcome, Candidate No. 2, Ms. Mariel Limpio”.
“Anong gusto mo paglaki mo?”
“Gusto ko pong maging nars!”
“Bakit naman nars?”
“Para po makatulong sa doktor sap ag-aalaga ng maysakit!”
“Bakit mo naman gustong mag-alaga ng may sakit?”
“Sa bahay po kasi naming, ako ang inaalaagaan. Paglaki ko, gusto ko pong maramdaman na ako naman
ang nag-aalaga.”

PAGLALAHAT: Sa bahaging ito, inyo nang ibubuod kung ano ang inyong natutunan sa inyong naging
aralin.
26
IBUOD NA NATIN!!!

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ikatlong hanay. Isulat ang inyong sagot sa ika-apat na hanay.

Ano ang inyong Ano ang nais Tanong Ano ang inyong natutunan tungkol sa
nalalaman? ninyong panitikan at kahalagahan sa pagtuturo
malaman? ng panitikan?
a. Ano ang ponolohiya?

b. Ano ang ponema?

c. Ano ang pagkakaiba ng


ponemang segmental at
ponemang suprasegmental?
d. Ano ang notasayong ponetik
at ponemik?

e. Ano-ano ang mga pares


minimal?

f. Ano ang diptonggo?

g. Paano nabubuo ang mga


klaster?

h. Paano nagsimula ang


alpabetong Filipino?

i. Ano-ano ang kayarian ng


mga pantig?

j. Bakit kailangang bigkasin


ang mga salita batay sa diin,
tono o intonasyon at hinto?
PAGLILIPAT: Sa pinakahuling bahaging ito ng modyul, kayo ay inaasahang makapagpapakita ng sapat
na kaalaman o kasanayan upang mailapat ang mga ito sa mga pangyayaring maaaring kaharapin o
maranasan sa tunay na buhay. Nawa’y maging matagumpay ka sa iyong gagawin.

ILIPAT NA NATIN!!!

LAPAT-BUHAY #1: Kuhanan ng video ang inyong sarili habang binabasa ang kwentong naibigay sa ibaba.
Iaplay ang tamang level ng tunog sa pagsasalita na angkop sa diwang nais ipabatid ng awtor.

Ms. Number 2
(Elibeth B. Mapula)

27
Ako nga pala si No. 2. Hindi ito ang tunay kong pangalan. Gusto ko lang gamitin dahil memorable sa
akin ito. Ito kasi ang number ko nang minsang mag-ambisyong Manalo sa Little Ms. Philippines. Oo, iyon bang
patimpalak na pambata sa Eat Bulaga. Tama, nasa Channel 9 pa noon ang Eat Bulaga nang sumali ako.
Sabi nila, para sa mga bata lang ang ambisyon. Sila kasi ang utu-uto. Sila lang ang madaling maniwala.
Ang bilis kasi nilang malunok ang pormulang 1+1=2, katulad din ng pormulang sipag+dasal=ambisyon. Parang
ako na may matayog na ambisyon. Bago ko makalimutan, ganito nga pala iyong utuang nangyari sa Eat Bulaga,
kasama syempren sina Vic Sotto at Joey de Leon. Gusto kong matawa pag naaalala ko.
“Ladies and Gentlemen, please welcome, Candidate No. 2, Ms. Mariel Limpio”.
“Anong gusto mo paglaki mo?”
“Gusto ko pong maging nars!”
“Bakit naman nars?”
“Para po makatulong sa doktor sap ag-aalaga ng maysakit!”
“Bakit mo naman gustong mag-alaga ng may sakit?”
“Sa bahay po kasi naming, ako ang inaalaagaan. Paglaki ko, gusto ko pong maramdaman na ako naman
ang nag-aalaga.”

LAPAT-BUHAY #2:

A. Kayo ay magiging mga magagaling mga manunulat, at kayo ay gagawa ng isang maikling kwento
na ginagamitan ng mga salitang may klaster at diptonggo.

PANGHULING PAGTATAYA Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag pag-aaral sa ponema?


a. ponolohiya
b. morpolohiya
c. sintaks

2. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa pares minimal?


a. Ito ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
b. Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at malapatinig sa loob ng isang pantig.
c. Ito ay mga salitang may magkaiba ang kahulugan ngunit magkapare-parehong ng bigkas.
3. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa klaster?
a. Ito ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
b. Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at malapatinig sa loob ng isang pantig.
c. Ito ay ang saltik ng salita o bawat bigkas ng bibig sa pagsasabi ng salita.
4. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO tungkol sa diptonggo?
a. Ito ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
b. Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at malapatinig sa loob ng isang pantig.
c. Ito ay mga salitang may magkaiba ang kahulugan ngunit magkapare-parehong ng bigkas.
5. Ito ay ang saltik ng salita o bawat bigkas ng bibig sa pagsasabi ng salita.
a. klaster

28
b. diptonggo
c. pantig
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pares minimal?
a. halaw-galaw
b. anu-ano
c. blusa-plato
7. Ano ang kayarian ng mga pantig ng salitang “trabaho”?
a. kpp-kp-kp
b. kkp-kp-kp
c. ppk-pk-pk
8. Ilang katinig mayroon sa alpabetong Filipino?
a. 23
b. 5
c. 21
9. Ano ang tawag sa pagtaas at pagbaba ng bigkas sa pantig?
a. tono
b. diin
c. haba

10. Ano ang tawag sa pagtaas at pagbaba ng bigkas sa tinig?


a. tono
b. diin
c. haba

PAKIRAMDAMAN NA NATIN!!!

Ilarawan ang inyong nararamdaman tungkol sa paksang napag-aralan. Ikahon ang tamang
emoticon na maglalarawan sa inyong nararamdaman.

Masaya Positibo Madali

Malungkot Galit Pagod

Sanggunian:
 https://www.slideshare.net/NeilStephen19/ponolohiya-fil-101
 https://slideplayer.com/slide/14026116/
 https://filipino101-blog.tumblr.com/post/70081025567/ponetikong-transkripsyon
 https://www.youtube.com/watch?v=X1kMGl1urek

29
 http://siningngfilipino.blogspot.com/2011/08/notasyong-ponemiko.html
 https://www.youtube.com/watch?v=XPQrf2KLisI
 https://www.youtube.com/watch?v=X1kMGl1urek&t=163s
 http://siningngfilipino.blogspot.com/2011/08/pares-minimal.html
 https://filipino101-blog.tumblr.com/post/70081268090/ponemang-malayang-
nagpapalitan
 http://www.ctflc.org/sites/default/files/downloads/Domain2LinguisticsofTL-5-5-12.doc
 Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Norma R. Abesamis et.al 2006

 https://www.google.com/search?q=wikang+filipino&sxsrf=ALeKk00ZyBA4qF_ahCL8-
0SioXd0X1C9Dw:1597215254487&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiu_P2-
ipXrAhUXHaYKHYwhBWEQ_AUoAXoECBkQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=klpDuMCtlB
6EUM
 http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/kasaysayan-ng-alpabetong-pilipino.html
 https://www.google.com/search?
q=alibata&sxsrf=ALeKk03AWT9RKxU4qMKHUQzlUWvQHHKHYQ:1598493582124&tbm=
isch&source=iu&ictx=1&fir=PMK1P0n3GkrbQM%252COEfthGyU1p1uyM%252C%252Fm
%252F01rl9t&vet=1&usg=AI4_-
kQiSch9Zb4a711_yDGWHEYfBK4mUw&sa=X&ved=2ahUKEwiThY3RpLrrAhWlyIsBHaBgCI
UQ_B16BAgPEAM#imgrc=KOWaPkyZagGVQM&imgdii=nb8iIcpiyHi8hM
 https://www.slideshare.net/jemaningas/ponolohiya
 https://www.slideshare.net/luzypearl/tono-diin-at-antala
 slideshare.net/almareynaldo/mga-uri-ng-diin
 https://www.slideshare.net/VanessaRaeBaculio/ponema
 https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ponemang-suprasegmental-gr9powerpoint-presentation
 https://www.slideshare.net/janehbasto/diptonggo
 https://www.slideshare.net/AbbieLaudato/ponemang-suprasegmental-39042498
 https://www.slideshare.net/shekainalea/mga-ponemang-suprasegmental
 https://tl.wikipedia.org/wiki/Ponolohiya
 https://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Ponolohiya
 https://www.scribd.com/doc/63513352/Ponolohiya
 http://www.ctflc.org/sites/default/files/downloads/Domain2LinguisticsofTL-5-5-12.doc

30

You might also like