You are on page 1of 2

ILOILO INTERNATIONAL CHRISTIAN MISSION SCHOOL

Government Recognition: Elementary Level – ER-045 S.2015 / Pre-school Level – ER-035 S.2014
Phase 2, Topaz St., VML Subd., North Fundidor Molo, Iloilo City, Philippines ☎ (033) 338–2147
Facebook: iicmsmolo@yahoo.com / Official Website: www.iicmsph.com

ELEMENTARY DEPARTMENT
SCHOOL YEAR 2023-2024
NAT Review

Date: January 13, 2023 – Week 4/21 ARALING PANLIPUNAN Grade 5 Ms. Helen Grace B. Talimay

Topic: Hangganan at Lawak ng Teritoryo

Ang Pilipinas ay isang pahabang kapuluan. Itinuturing ito bilang isa sa mga
bansang may pinakamahabang baybayin sa buong daigdig. Ayon sa Saligang Batas
1987, Artikulo 1:

Sa pagkilala ng teritoryo ng
mga bansa, may mga prinsipyong
sinunod ang samahan ng mga
Nagkakaisang Bansa (United
Nations). Napagkasunduan sa
pagpupulong ng mga nagkakaisang
Bansa ang United Nations
Convention on the Law of the Seas
(UNCLOS).

Ito ay pinirmahan ng 130 bansa sa Jamaica noong Disyembre 10, 1982. Ayon sa
Kasunduang ito, ang sumusunod ay mga prinsipyong dapat sundin tungkol sa teritoryo ng mga
bansa:
1. Pagkilala sa Doktrinang Pangkapuluan o Archipelagic Doctrine.
2. Ang teritoryong pangkatubigan ay hanggang 12 milya sa palibot ng kapuluan.
3. Ang Eksklusibong Sonang Pang-ekonomiya o Exclusive Economic Zone (EEZ) ay 200-
milyang lawak ng karagatan sa palibot ng kapuluan.
Archipelagic Doctrine
Ayon sa Archipelagic Doctrine (Doktrinang Pangkapuluan), ang karapatan ng sang
bansang archipelagic (kapuluan) ay nakapaloob sa teritoryong sakop ng mga guhit na mabubuo
sa pagdurugtong ng pinakadulong bahagi ng mga pulo na sakop ng kapuluang iyon. Lahat ng
bahaging tubig sa loob ng guhit na ito ay nasasakupan at nasa kapangyarihan ng pamahalaan
ng bansa o kapuluan iyon. Ang pagsasabatas ng kasunduang ito ay pinangunahan ng ating
mga mambabatas noong 1956 sa pamumuno ni Senador Arturo M. Tolentino.
Exclusive Economic Zone (EEZ)
Ang teritoryong pangkatubigan ng Pilipinas ay may lawak na 12 milya sa palibot ng
bansa. Ang Exclusive Economic Zone (Eksklusibong Sonang Pangekonomiya) naman ay
tumutukoy sa 200- milyang lawak ng karagatan sa palibot ng ating kapuluan. Sa loob ng
sonang ito ay may karapatan ang bansa na magsaliksik, magpaunlad, mangalaga, at
makinabang sa likas na yamang matatagpuan dito. Ang Pilipinas ay may eksklusibong sonang
ekonomiko na sumasaklaw sa 2,263,816 km2 (874,064 mi kuw). Umaangkin ito ng isang EEZ ng 200
milyang nautiko (370 kilometro) mula sa mga pampang nito. Dahil ito sa 7,641 mga pulo na bumubuo sa
kapuluan ng Pilipinas.
Mga Iba Pang Bahagi ng Pambansang Teritoryo
Kabilang rin sa teritoryo ng Pilipinas ang mga sumusunod:
1. Dagat-teritoryal – Bahagi ito ng dagat na umabot hanggang 12 milya o 19 na kilometro
palibot ng bansa.
2. Ilalim ng dagat – ito ang lupain sa ilalim ng dagat na sakop nito. Kabilang din dito ang mga
mineral at likas na yaman na matatagpuan dito.
3. Kailaliman ng lupa – kabilang dito ang lahat ng bagay sa ilalim ng lupa kasama na ang mga
mineral at likas na yamang matatagpuan dito.
4. Mga kalatagang insular – ang mga ito ang nakalubog na bahagi ng kontinente o pulo na
umabot hanggang sa malalim na bahagi ng karagatan.
5. Iba pang pook submarina – ang mga ito ay mga bahaging nasa dagatteritoryal tulad ng
trintsera (trench), kailaliman (depth), aplaya, buhanginan, at batuhan.
6. Panloob na karagatan – ito ang mga katubigan na nasa pagitan ng mga teritoryong lupain.
Kabilang dito ang ilog, kanal, o lawa na nasa lupain ng estado.
7. Himpapawirin – ito ang nasa itaas ng mga teritoryal na lupain at katubigan.
Mga Iba Pang Bahagi ng Pambansang Teritoryo
Ang archipelagic principle ang batayan sa pagtukoy ng mga teritoryong sakop ng
Pilipinas. Bahagi nito ang mga panloob na karagatan ng Pilipinas. Ang mga karagatang ito ay
nakapaligid, nakapagitan, at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan anuman ang lawak at sukat.
Lawak ng Pilipinas
Ang lawak ng Pilipinas ay 300,780 km2 . Ang isla ng Y’ami ang pinakadulong pulo na
sakop ng bansa sa hilaga. Malapit ito sa Taiwan. Ang pinakadulong sakop naman sa Timog ay
ang Saluag na malapit sa Borneo. Sa Kanluran, ang Balabac ang pinakadulong sakop ng bansa
at sa Silangan naman ay ang Pusan Point sa Mindanao.

SAGUTIN
PANUTO: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tama at M
naman kung Mali.

____ 1. Ang Pilipinas ay isang pahabang kapuluan.

____ 2. Ang isla ng Y’ami ang pinakadulong pulo na sakop ng bansa sa timog.

____ 3. Ang Pilipinas ay may eksklusibong sonang ekonomiko na sumasaklaw sa 2,263,816 km2.

_____4. Ang Exclusive Economic Zone naman ay tumutukoy sa 300- milyang lawak ng
karagatan sa palibot ng ating kapuluan.

_____5. Ang archipelagic principle ang batayan sa pagtukoy ng mga teritoryong sakop ng
Pilipinas.

PANUTO: Ibigay ang acronym ng bawat isa. (5 puntos bawat isa)

1. UNCLOS - ________________________________________________________________

2. UN - _____________________________________________________________________

3. EEZ - ____________________________________________________________________

You might also like