You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 8

QUIZ # 2

Tama o Mali

1. Saklaw ng Heograpiyang Pantao ang pag-aaral ng wika, rehiyon, lahi at pangkat etniko.

Sagot: MALI. Wika, Relihiyon, Lahi at Pangkat-etniko

2. Ang wika ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya sa tulong ng mga salita na maaaring
berbal o pasulat.

Sagot: TAMA

3. Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura at nagbibigay ng pagkakakilanlan o identity sa
mga taong kabilang sa isang pangkat.

Sagot: TAMA

4. Mayroong mahigit 5, 107 buhay na wika sa daigdig.

Sagot: MALI. 7,105

5. Nakapaloob sa Language Family ang mga wika.

Sagot: Tama

6. Tinatayang may 631 na language family sa buong daigdig.

Sagot: MALI. 136

7. Ang mga pangunahing wika sa daigdig ay ang mga sumusunod, Afro- Asiatic (366), Austronesian
(1221), Indo European (436), Niger-congo (1524) at Sino-Tibetano (456)

Sagot: TAMA

8. Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang kultural, at pananaw sa daigdig na nag-uugnay sa
sangkatauhan sa espiritwalidad o paniniwala sa makapangyarihang Diyos.

Sagot: TAMA

9. Kristyanismo ang pinakamalaki at pinakalaganap na relihiyon sa buong daigdig.

Sagot: TAMA

Mga Paniniwala ng Kristiyanismo:


⮚ Nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang unang lalaki at babae na sina Adan at Eba
⮚ Tinukso ni satanas sina Adan at Eba na huwag sundin ang ipag-uutos ng Diyos. Ang paglabag na ito
ang nagdulot ng kasalanan sa mundo na minana ng sangkatauhan.
⮚ Si Hesus ang nag-iisang anak ng Diyos na nagkatawang tao upang iligtas tayo.
⮚ Ang mga grupong naniniwalang diyos si Hesus ay naniniwala sa konsepto ng tatlong persona: Ang
Diyos Ama. Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo
⮚ Naniniwala ang halos lahat ng Kristiyano na may kaligtasan.
⮚ Umaayon sila na may buhay na walang hanggan.
⮚ Muling nabuhay( resurrection) si Hesus , at babalik muli pagdating ng katapusan ng daigdig
⮚ Nagsimula bilang isang sektang Hudyo ang Kristiyanismo. Pagkatapos mamatay ni Hesus, ipinahayag
ng kanyang mga tagasunod o mga disipulo ang Kanyang turo. Noong ika-apat na siglo A.D., ang
Kristiyanismo ay naging opisyal na relihiyon ng Imperyong Romano . Mula dito, nagsimula itong
kumalat sa maraming bahagi ng daigdig.
⮚ Dito nabuo ang tatlong pangunahing grupo ng mga Kristiyano. Romanong Katolikong Simbahan , mga
simbahang Eastern Orthodox at mga Protestanteng simbahan.

10. Koran ang batayang aklat ng mga Kristiyano

Sagot: MALI. Bibliya

11. Hinduismo ang pinakabata sa mga pangunahing relihiyon sa buong mundo.

Sagot: MALI. Islam

12. Tinatawag na Muslim ang tagasunod ng Islam.

Sagot: TAMA. Ang Muslim ay salitang Arabo na tumutukoy sa isang tao na sumasailalim sa kagustuhan
ng Diyos.

Ang mga Tungkulin ng Isang Muslim ayon sa Paglalarawan sa Limang Haligi ng Islam

1. Ang pagbigkas ng shahadah. Isang pagpapahayag ng paniniwala ng mga Muslim. Ayon dito: “Walang
ibang Diyos kundi si Allah, at si Mohammed ang kanyang Propeta”. Inuulit itong karamihan sa mga
Muslim nang kahit isang beses sa isang araw.
2. Ang pagsasagawa ng salat(dasal) limang beses sa isang araw. Ginagawa ito habang nakaharap sa
Mecca, ang lugar na pinanganakan ng propetang si Mohammed. Ginagawa ito tuwing umaga bago
sumikat ang araw, sa tanghali, sa gitnang hapon, paglubog ng araw at bago matulog Ka’aba- isang
dambanang Muslim sa Mecca.
3. Karaniwang pagbibigay sa kawanggawa sa pamamagitan ng zakat, isang buwis na pangkawanggawa
na katumbas ng 2.5 ng sweldo ng isang Muslim. Hinihikayat ding magbigay sa mga nangangailangan
ang isang Muslim kapag ginusto niya.
4. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Pininiwalaang ito ang buwan kung kalian natanggap ni
Mohammed ang unang pahayag ng Koran mula kay Allah.
5. Ang pagsasagawa ng kahit isang haij (pilgrimage) o isang paglalakbay sa banal na Mecca, kung kaya
ng pangangatawan at pananalapi.

13. Hinduismo ang nag-iisang pangunahing relihiyon na walang nag-iisang tagapagtatag, tiyak na
sistema ng paniniwala, nag-iisang sistema ng moralidad o sentrong samahang panrelihiyon.

Sagot: TAMA. Sumasamba rin sila sa iisang Diyos ang mga Hindu. Tinawag na Brahman ang kanilang
Diyos na kalahatan at matatagpuan saan man. Ang mga Veda ang mahalagang kasulatan ng mga Hindu.
Mga banal na kasulatan ito na tungkol sa iba’t ibang paksa, tulad ng pagsamba ng Diyos.

Ang kanilang bathalang si Brahman ay kilala sa tatlong katauhan:


1. Brahma - Ang Tagapaglikha at patuloy na lumikha ng mga bagong katotohanan (reality).
2. Vishnu o Krishna - Ang Tagapagpanatili, na nagpanatili ng bagong likha.
3. Siva o Shiva - Ang tagapagsira, na siyang sumisira upang makalikha ng mga bagong bagay.

Maraming pang higit na mababang diyos at diyosa ang sinasamba ng Hindu. Maaring magkaroon ang
bawat tao ng kaniyang personal na diyos o diyosa, hanggat naiitindihan niya na ang mga ito’y iba’t ibang
aspeto ng Diyos na bumubuo sa ibang relihiyon ang mga Hindu.

14. Itinatag ni Gauttama Sidharta Buddah ang Budhismo

Sagot: TAMA

Apat na Dakilang Katotohanan (Four Noble Truths):


1. May pagdurusa sa ating daigdig
2. May dahilan ang pagdurusa
3. May katapusan ang pagdurusa
4. Mayroon landas na humahantong sa pagwawakas ng pagdurusa

15. Judaismo ang relihiyon ng mga Hudyo o mga Israelita

Sagot: TAMA

16. Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Griyego na RELIGARE

Sagot; MALI. Salitang Latin ang pinagmulan na nangangahulugang buuhin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuuan.

17. Ang relihiyon ay naging batayan ng pagkilos ng tao sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sagot: TAMA

18. Ang lahi ay tumutukoy sa mga lupon o grupo ng mga tao na oinagbuklod batay sa mga anyong
pisikal at ugnayang panlipunan sa kanyang kapwa.

Sagot: TAMA

19. Ang ETHNOS ay galing sa salitang LATIN na ethnos na nangangahulugang mamamayan.

Sagot: MALI. Salitang Griyego

20. Dahil sa pagkakaiba ng mga lahi, posibleng magkaroon ng diskriminasyon sa atin.

Sagot: TAMA
ARALING PANLIPUNAN 8
Heograpiyang Pantao
QUIZ # 2

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at
Mali naman kung ang pahayag ay hindi wasto.
1. Saklaw ng Heograpiyang Pantao ang pag-aaral ng wika, rehiyon, lahi at pangkat etniko.
2. Ang wika ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya sa tulong ng mga salita na
maaaring berbal o pasulat.
3. Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura at nagbibigay ng pagkakakilanlan o
identity sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
4. Mayroong mahigit 5, 107 buhay na wika sa daigdig.
5. Nakapaloob sa Language Family ang mga wika.
6. Tinatayang may 631 na language family sa buong daigdig.
7. Ang mga pangunahing wika sa daigdig ay ang mga sumusunod, Afro- Asiatic (366),
Austronesian (1221), Indo European (436), Niger-congo (1524) at Sino-Tibetano (456)
8. Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang kultural, at pananaw sa daigdig na nag-
uugnay sa sangkatauhan sa espiritwalidad o paniniwala sa makapangyarihang Diyos.
9. Kristyanismo ang pinakamalaki at pinakalaganap na relihiyon sa buong daigdig.
10. Koran ang batayang aklat ng mga Kristiyano
11. Hinduismo ang pinakabata sa mga pangunahing relihiyon sa buong mundo.
12. Tinatawag na Muslim ang tagasunod ng Islam.
13. Hinduismo ang nag-iisang pangunahing relihiyon na walang nag-iisang tagapagtatag, tiyak
na sistema ng paniniwala, nag-iisang sistema ng moralidad o sentrong samahang panrelihiyon.
14. Itinatag ni Gauttama Sidharta Buddah ang Budhismo
15. Judaismo ang relihiyon ng mga Hudyo o mga Israelita
16. Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Griyego na RELIGARE
17. Ang relihiyon ay naging batayan ng pagkilos ng tao sa pang-araw-araw na pamumuhay.
18. Ang lahi ay tumutukoy sa mga lupon o grupo ng mga tao na oinagbuklod batay sa mga
anyong pisikal at ugnayang panlipunan sa kanyang kapwa.
19. Ang ETHNOS ay galing sa salitang LATIN na ethnos na nangangahulugang mamamayan.
20. Dahil sa pagkakaiba ng mga lahi, posibleng magkaroon ng diskriminasyon sa atin.
“Real friends are the ones you can count on no matter what. The ones who go into the forest to find you and bring you home.And real friends never have to tell you
that they’re your friends.”

You might also like