You are on page 1of 21

2ND QUARTER

THIRD SUMMATIVE TEST IN ENGLISH II


Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II-AGUINALDO
Read each statement carefully. Write TRUE if it is correct and FALSE if it is not.

___________1. The Title refers to the name of the book.


___________2. The Illustrator is the person who draws the pictures.
___________3. The author is the writer of the book.
___________4. The spine is the cover of the book.
___________5. The illustrations or pictures can only be seen in the cover of the book.

Name the pictures to complete the sentences.


Read each question carefully and answer what is ask for. Write the letter of the correct answer.
_______1. Your teacher asks you to read a story about Princess in a Castle. Which among the title of the book will
you pick?
A. The Sleeping Beauty
B. Life in the Forest
C. Little Red Riding Hood
D. The Life Story of An Elephant
_______2. You have a homework in Science and you have to look for the parts of the plant. Which among this book
will you read?
A. Reading Interventions in Grade1
B. Fun in Reading English 1
C. Science and Health 1
D. Let’s Explore the Numbers

_______3. The teacher assigned you as a leader of your group and asks you to write Numbers 1-100. Which book
will you look for?
A. Let’s Have Fun in Mathematics 2
B. The Princess and the Prince
C. Science and Health
D. Reading is Fun

_______4. Your sister asks you to help her in looking for the illustrator, title, and the author of a book. Where will
you tell her to find it?
A. Front Cover of the Book
B. Back Cover of the Book
C. Spine of the Book
D. Pages of the Book

_______5. The __________ holds the books together.


A.author B. cover C.illustrator D.spine
FOURTH SUMMATIVE TEST IN ENGLISH II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Choose the correct meaning of the action words through context clues. Write the letter of the correct answer.
_________1. Daniel and his parents will watch the animal exhibition. He is excited to view what the animals can do.
A. call B. join C. read D. view
_________2. We will celebrate the World Animal Day on weekend. Surely, we will enjoy the party.
A.come B. enjoy C. honor D.visit
________3. Come and join the celebration. You are expected to arrive on time.
A. call B. look C. wait D. arrive
________4. Daniel and his father want to go in the celebration. They like to see the tricks of the animals.
A.buy B. like C.sell D.wait
________5. Invite the kids to join the festivities. Call them now.
A.call B. serve C.show D.write
Complete the sentence by supplying the correct word that can be found in the box.

grow keep water bring remove sell

1. You should _______ the plants outside to have enough sunlight.


2. _______ the plants away from the animals by putting up a fence.
3. You must put fertilizer to help plants _______ healthy.
4. You should _______ the weeds and insects.
5. You must _______ the plants in order to grow.
Predict what is likely to happen from the given events. Write the letter of the correct answer.
_______1. Jake is a good boy. He saw a beggar on the street.
A. He will laugh at the beggar. B. He will give alms to the beggar
C. He will not give coins to the beggar. D. He will pay no attention to the beggar.
_______2. Mary is kind. She saw her mother washing the dishes.
A. She will go to the mall. B. She will continue to play.
C. She will watch her favorite drama series. D. She will help her mother in washing the dishes.
_______3. The pupils are very disciplined. Their teacher went out.
A. The pupils will go out. B. The pupils will be noisy.
C. The pupils will roam around. D. The pupils will behave well in class.
_______4. Carla is good in singing. The church needs members for the choir.
A.She will keep her talent. B. She will volunteer to join in the choir.
C.She will ask her friend to join the choir. D. She will join another group in the church.
_______5. Rene is a friendly boy. His new classmate is too shy to join in the group.
A.Rene will bully him.
B. Rene will ignore him.
C.Rene will not mind him at all.
D.Rene will invite his new classmate to join them.
2ND QUARTER
THIRD SUMMATIVE TEST IN MATHEMATICS II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II- AGUINALDO
I.Basahing mabuti ang word problem. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Dahil sa pandemyang COVID-19, nagbigay ang Barangay Lumangbayan ng 200 kahon ng facemask
sa Paaralang Eleuterio Soriano. Kinabukasan ay nagdagdag sila ng 310 kahon ng facemask. Kung
150 mag-aaral ang nakatanggap ng tig-iisang kahon ng facemask, ilang kahon ng facemask ang
natira?

1. Ano ang itinatanong sa word problem?


_______________________________________________________

2. Ano-ano ang mga datos sa word problem?


_______________________________________________________

3. Anong operation ang gagamitin?


_______________________________________________________

4. Ano ang mathematical sentence?


_______________________________________________________

5. Ano ang tamang sagot?


_______________________________________________________

Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

______1.18 – 8 + 5 =
A. 14 B. 16 C. 15 D.17

______2. 15 – 13 + 2 =
A. 7 B. 6 C. 8 D. 4

______3. 14 + 12 – 18 =
A. 4 B. 8 C. 6 D. 10

______4. 15 – 5 + 22 =
A. 32 B. 35 C.33 D. 37

______5. 18 – 8 + 8 =
A. 16 B. 18 C. 17 D. 19
Basahin ang suliranin o word problem gamit ang multi-step non-routine problem solving. Isulat ang
tamang letra ng sagot sa patlang.

Si Gng. Marquez ay may flower garden. Pumitas siya ng 29 na rosas noong Lunes at 16 na
rosas noong Martes. Ibinenta niya ang 33 na rosas. Ang 3 rosas naman ay kaniyang
ipinamigay. Ilang rosas ang natira?

A. 29, 16, 33, 3


B. Bilang ng rosas na natira.
C. Addition at Subtraction
D. 29 + 16 – 33 – 3 = N
E. 9 na rosas ang natira

_______1. Ano ang itinatanong sa word problem?

_______2. Ano-ano ang mga datos sa word problem?

_______3. Anong operation ang gagamitin?

_______4. Ano ang mathematical sentence?

_______5. Ano ang tamang sagot?


2ND QUARTER
FOURTH SUMMATIVE TEST IN MATHEMATICS II
Name:______________________________________________ Score:_______________
Grade and Section: Grade II- Aguinaldo

Isulat ang tamang multiplication sa mga sumusunod na repeated addition sa patlang.

Halimbawa: 5+5+5= 3X5

1. 8+8+8= _______________

2. 2+2+2+2+2= ___________

3. 1+1+1+1+1+1+1+1= ___________

4. 10+10+10+10= ________________

5. 4+4+4+4+4= __________________

6. 5+5= _____________________

7. 9+9+9+9+9+9+9= ______________

8. 3+3+3+3= ____________________

9. 6+6+6+6+6+6+6+6+6=___________

10. 22+ 22+ 22= ___________________

Isulat sa patlang kung tama o mali ang bawat pahayag.

________ 11. Ang identity property ng multiplication ay nagsasaad na kahit na anong bilang ang i
multiply sa 1, ang sagot ay 1.
________ 12. Ang identity element ng multiplication ay 1.
________ 13. Ang identity property ng multiplication ay maaaring ipakita gamit ang repeated
addition at equal jumps sa number line.
________ 14. Sa 5 pangkat na 1, ang multiplication equation ay 5 x 1 = 5.
________ 15. Ang identity element ng multiplication ay zero.
IKALAWANG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II- AGUINALDO
Basahin ang maikling kuwento. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Ang Mag-anak na Langgam
ni Arceli V. Balmeo
Tag-ulan na naman. Ang mag-anak na langgam ay abala sa paghahakot ng pagkain at hinahakot nila ito papunta sa
kanilang lungga. “Huwag kayong mag-iiba ng daan patungo sa
ating lungga, dahil sa may gawing kaliwa ay may kanal,” sabi ni Amang Langgam. “Hindi po kami lalayo,” sabi ni
Munting Langgam. Abala sa paghahakot ng pagkain ang bawat isa, kaya hindi nila napansing ang Bunsong
Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila. “Nakapapagod naman ang paghahakot ng pagkain. Hindi pa naman
umuulan ay naghahanda na kami,” sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. “Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap
na pagkain.” Mayamaya ay nakakita siya ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na
puntahan ng kaniyang ama. “Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang
kendi.” Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang sinulid kaya sumabit ang kaniyang paa.
Nawalan siya ng panimbang at nahulog sa kanal. Hindi mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang
kaniyang Bunsong anak sa pila. Dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin, hanggang sa siya’y mapadako sa
kanal. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kaniyang bunsong anak. Sa takot na
matangay ng agos ang anak ay agad-agad niya itong tinulungan. Pagkatapos ay niyakap ng manigpit si Bunsong
Langgam sabay bulong na, “anak palagi kang mag-iingat para hindi ka mapahamak”.

________1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


A.Ang mag-anak na langgam.
B. Si Amang Langgam.
C.Si Bunsong Langgam.
D.Si Munting Langgam.

________2. Anong panahon naganap ang kuwento?


A. Tag-araw B. Taglamig C.Tagtuyot D.Tag-ulan

________3. Ano ang unang pangyayari sa kuwento?


A.Ang mag-anak na langgam ay abala sa paghahakot ng pagkain at hinahakot nila ito
papunta sa kanilang lungga.
B. Hindi nila napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
C.Nakakita siya ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal.
D.Nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.

________4. Aling bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng kasukdulan?


A.Ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
B. Bulong ni Amang Langgam na, “palaging mag-ingat para hindi mapahamak”
C.Iniligtas pa rin ng Amang Langgam si Bunsong langgam.
D.Nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.

________5. Anong bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng wakas?


A.Ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
B. Bulong ni Amang Langgam na “palaging mag-ingat para hindi mapahamak”
C.Iniligtas pa rin ng Amang Langgam si Bunsong langgam.
D.Nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.

Pakinggan/Basahin at unawain ang kasunod na tugma. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. Puti ang sampaguita.


Dilaw ang tsampaka.
Pula ang gumamela.
Lahat ay magaganda.
Ano ang iyong naging damdamin sa tugma?
____________________________________________________________________________________________

2. Ako si sepilyo.
Kaibigan ninyo.
Pinatitibay ko,
mga ngipin ninyo.
Ano ang iyong ideya sa tugma?
____________________________________________________________________________________________
3. Tingnan mo tingnan mo,
ang pulis trapiko.
Nakasisiyang malasin
Senyas niya ay sundin.
Ano ang iyong reaksiyon sa tugma?
____________________________________________________________________________________________

4. Ang bunsong si Neneng,


tuwa naming lahat.
Kapag humahalakhak,
kami’y nagagalak.
Ano ang iyong damdamin sa tugma?
___________________________________________________________________________________________

5. Ako ay si Piyo.
Mahilig sa repolyo.
Kahit ako ay may polyo.
Masayahing bata ako.
Ano ang iyong damdamin sa tugma?
___________________________________________________________________________________________
IKALAWANG MARKAHAN
IKAAPAT NALAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II- AGUINALDO
Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letrang P kung paalala at letrang B kung babala. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
________1. Pumila ng maayos.
________2. Maghugas mabuti ng kamay.
________3. Dito ang sakayan at babaan.
________4. Bawal pumarada rito.
________5. Huminto kapag pula ang ilaw

Sumulat ng paalala o babala ayon sa larawan.


Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Punan ng wastong sagot ang mga patlang.

ikuwento buhay story grammar larawan tanong

Bahagi na ng 1) ________ natin ang pakikipag-usap. Kadalasan, ang ating naririnig, nababasa o napapanood ay
inuulit-ulit nating 2) ________ sa iba. Maging sa klase ay naaatasan ka rin ng iyong guro na ikuwentong muli ang
iyong nabasa. May iba’t ibang paraan upang ang isang binasang teksto ay muling maisalaysay. Maaaring itong gawin
sa tulong ng alinman sa paggamit ng mga 3) ________, pamatnubay na mga 4) ________, o 5) ________.
IKALAWANG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II- AGUINALDO

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang gawain ay makatutulong sa pagsulong ng natatanging pagkakakilanlan ng

komunidad at malungkot na mukha ☹ naman kung


hindi.

______1. Aktibong partisipasyon sa mga tradisyunal na pagdiriwang sa komunidad.


______2. Pagpapanatili ng nakagisnang kultura at tradisyon sa komunidad.
______3. Pagtangkilik sa sariling produkto.
______4. Pangangalaga sa likas na yaman upang mapanatili ito.
______5. Pagyayabang ng mga produkto sa komunidad.

Basahin ang bawat tanong. Piliin ang titik na nagsasabi ng magiging resulta ng sumusunod na gawain.
_______1. Tamang pagtapon ng basura
A.Magiging malinis ang kapaligiran
B. Magiging makalat ang kapaligiran
C.Magkakaroon ng polusyon sa hangin
D.Magiging makulay ang kapaligiran

______2. Pagtangkilik sa sariling produkto


A.Magiging masarap ang mga produkto
B. Magiging mayaman ang mga nagtitinda
C.Uunlad ang ekonomiya ng komunidad
D.Uunlad ang paaralan

______3. Hindi paggamit ng dinamita sa pangingisda


A.Mapapangalagaan ang yamang tubig
B. Mapapangalagaan ang yamang lupa
C.Mapapangalagaan ang yamang lupa at tubig
D.Maiiwasan ang polusyon sa hangin

______4. Pagtatanim ng puno sa nakakalbong kagubatan.


A. Magiging malinis ang kagubatan
B. Darami ang mga isda
C. Mapapalitan ang mga pinutol na puno
D. Darami ang mga hayop sa kagubatan9

______5. Pakikilahok sa mga pagdiriwang sa komunidad


A. Magiging tahimik ang komunidad
B. Naipagpapatuloy ang tradisyon ng komunidad
C. Makalilibot sa ibang lugar
D. Maipagyayabang ang komunidad
IKALAWANG MARKAHAN
IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II-Aguinaldo
Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto at Mali naman kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

______1. Walang magagawa ang batang tulad mo para maisulong ang natatanging pagkakakilanlan ng inyong
komunidad.

______2. Sa aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga proyekto ng komunidad ay maisusulong ang
pagkakakilanlan nito.

______3. Hindi na nararapat pang pakialaman ang mga gawain sa komunidad.

______4. Makilahok sa mga gawain na makatutulong sa ikauunlad ng komunidad.

______5. Ipaubaya sa mga nanunungkulan ang pagsulong pagkakakilanlan ng komunidad.

Iguhit ang bilog kung ito ay paglahok sa gawain na nagsusulong ng natatanging pagkakakilanlan ng komunidad at
kahon naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

______1.Pagbibigay ng libreng bakuna sa mga bata sa komunidad.


______2.Paggawa ng poster at islogan na nagsusulong na masagip ang kalikasan sa
polusyon.
______3.Pagbibigay ng pagkain sa mga nasalanta ng bagyo.
______4.Pagsali sa street dancing na nagpapakita ng katutubong sayaw.
______5.Pagtatanim ng mga puno at halaman sa
komunidad.

Isulat ang Tama sa iyong sagutang papel kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at Mali naman kung hindi.

________1. Ang mga pagdiriwang ng mga komunidad ay nagpapakita ng mayamang tradisyon at kaugalian.
________2. Ang mga ginagawang produkto sa komunidad ay walang kinalaman sa kanilang
kultura.
________3. Kailangang ingatan at pangalagaan ang mga anyong tubig at lupa sa komunidad
upang mapanatili ang mga ito.
________4. Nararapat na kalimutan na ang mga katutubong sining sa komunidad.
________5. Dapat pahalagahan at panatilihin ang mga katangiang kultural ng bawat komunidad para sa mga
sumusunod pang salinlahi.
IKALAWANG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EsP 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II-AGUINALDO
Piliin ang angkop na gawain sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

______1. Naiwan ni Aling Rosing ang pinamiling gulay sa traysikel. Ano ang gagawin mo?
A.Iuuwi sa bahay at ipaluluto kay nanay.
B. Ipagbibili sa iba upang may dagdag kita.
C.Ihahatid sa bahay ni Aling Rosing ang gulay.
D.Hahayaan sa traysikel ang mga gulay.

______2. Napansin mo na matamlay ang iyong kaklase kaya tinanong mo siya kung bakit siya matamlay. Ayon sa
kaniya ay hindi pa siya nag-aalmusal. Ano ang pinakamabuti mong gawin?
A.Aalukin ng pagkaing pabaon ng nanay mo.
B. Sasabihan na lapitan ang guro upang isangguni ang suliranin.
C.Papayuhan siya na sa susunod ay dapat siyang kumain bago pumasok.
D.Dadalhin siya sa klinika ng paaralan upang mabigyan ng gamot.

______3. May pangkatang gawain ang inyong klase. Kailangan ng mga materyales sa pagsasagawa nito. Napansin
mo ang isang pangkat na kulang ang kanilang kagamitan. Sobra naman ang dala ng inyong grupo. Ano ang
pinakamainam ninyong gawin?
A.Hindi sila papansinin at magsisimula na sa paggawa upang matapos agad
B. Isusumbong sila sa guro upang mapagalitan.
C.Bibigyan ng materyales ang kanilang pangkat upang matapos nila ang gawain.
D.Ipagbibili sa kanila ang sobrang materyales.

______4. Katatapos mong lang basahin ang aklat tungkol sa inyong kasalukuyang aralin nang makita mo ang
katiwala ng aklatan na may bitbit na isasaayos na mga aklat sa kabinet. Paano mo ipakikita ang iyong
pagmamalasakit sa kanya?
A. Lalabas na ng aklatan upang hindi maabala ang katiwala.
B. Tutulungan siya sa pagbabalik ng mga aklat sa tamang lalagyan.
C.Tatawagin ang kaklase upang tumulong.
D.Hahayaan siyang magbalik ng mga aklat sapagkat iyon naman ang kaniyang tungkulin.

______5. Nakaabot sa iyo ang balita tungkol sa mga pamilyang nasunugan sa inyong pamayanan. Sa iyong simpleng
pamamaraan, paano mo ipakikita ang iyong pagmamalasakit sa kanila?
A.Ipamamalita sa mga kaibigan ang pangyayari.
B. Papayuhan sila na laging mag-ingat upang hindi na maulit pa ang sunog.
C.Hahayaan ang mga opisyal ng inyong barangay ang gumawa ng hakbang.
D.Iipunin ang mga damit na maaaring ibahagi sa kanila at bibigyan din sila ng makakain.

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang gawain ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kasapi ng paaralan at

pamayanan at malungkot na mukha ☹ kung hindi.

_____1. Tinutulungan ang hardinero ng paaralan sa pagtatanim at pagdidilig ng halaman.


_____2. Pinagtatawanan ang mga batang nakasuot ng lumang uniporme sa paaralan.
_____3. Nagagalit sa kalabang grupo kung natatalo sa larong basketball.
_____4. Isinasama sa panalangin ang paggaling ng kaklaseng may karamdaman.
_____5. Nakikilahok sa proyektong ipinatutupad ng kapitan ng Barangay
IKALAWANG MARKAHAN
IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA EsP 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II-AGUINALDO
Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang Tama kung ang gawain ay nagpapakita ng malasakit sa kasapi ng pamayanan o
paaralan at Mali kung hindi.

_______1. Ipinapakita ang pagiging isports manalo man o matalo sa laro.


_______2. Masayang sinusunod ang payo at utos ng guro.
_______3. Ipinagsasawalang-bahala ang panawagan ng lider ng barangay.
_______4. Pinapayuhan nang tama ang mga kaibigang nag-aaway.
_______5. Iniaasa sa namamahala ng canteen ang pagliligpit ng pinagkainan.

Basahin at suriin ang bawat sitwasyon. Piliin ang nararapat na kilos o gawain at isulat ang letra ng tamang sagot.

______1. Naiwang bukas ang gate ng inyong paaralan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tatawagin ang guwardiya upang isara ang gate.
B. Magkukusa na isara ito.
C. Hahayaan itong nakabukas.
D. Ipaaalam sa guro na bukas ang gate.

______2. Ilang araw ng may sakit ang inyong dyanitor. Napansin mo ang maraming kalat sa paligid. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Hindi papansinin ang basurang nakakalat.
B. Tatawag ng mas malalaking mag-aaral upang ipalinis ang kalat.
C. Pipilitin ang dyanitor na maglinis.
D. Kukuha ng walis at lilinisin ang kalat sa paligid.

______3. Nakita mo ang ilang bata na pinipitas ang mga bulaklak sa inyong hardin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong sila sa kanilang mga guro.
B. Gagayahin sila at pipitas din ng bulaklak.
C. Pagsasabihan sila nang maayos na hindi dapat pinipitas ang mga bulaklak.
D. Sisigawan sila upang tumigil sa kanilang ginagawa.

______4. Nasalubong mo ang kapitbahay mong si Aling Lina na hirap sa pagbitbit ng pinamili niya sa palengke. Ano
ang gagawin mo?
A. Sasalubungin at tutulungang magdala ng kaniyang pinamili.
B. Babatiin siya at tutuloy sa paglalaro.
C. Tatawag ng kapitbahay upang tulungan si Aling Lina.
D. Uuwi na lang ng bahay.

______5. Ilang araw nang walang imik at malungkot ang kaklase mo dahil sa nami-miss nito ang mga magulang na
nagtatrabaho sa ibang bansa. Ano ang pinakamabuti mong gawin?
A.Hahayaan lamang siya at huwag abalahin.
B. Iinterbyuhin siya at aalamin ang buong pangyayari.
C.Lalapitan siya at pasasayahin.
D.Iiwasan siyang makita upang hindi ka maabala.
IKALAWANG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II- AGUINALDO
Pag-aralan ang mapa. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

______1. Ano ang nasa hilaga ng palaruan?


A. ospital B. parke C. simbahan D. paaralan

______2. Ano ang nasa kanluran ng simbahan?


A. parke B. ospital C. palaruan D. simbahan

______3. Ano ang nasa timog ng ospital?


A. palaruan B. paaralan C.pamilihan D. taniman ng gulay

______4. Ano ang nasa silangan ng paaralan?


A. parke B. pamilihan C. palaruan D. bahay pamahalaan

______5. Ano ang nasa timog ng palaruan?


A. pamilihan B. bahay-pamahalaan C. simbahan D. gusaling pang-industriya

Isulat ang tama kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at mali kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

_______1. May mga pamantayang sinusunod sa pagsusulat.


_______2. Magkakaroon ng kalituhan sa mambabasa kung susundin ang pamantayan sa wastong pagsusulat.
_______3. Magiging kaaya-aya sa paningin kung wasto ang pagsusulat.
_______ 4. Magiging malinis ang sulatin kung susundin ang mga pamantayan sa pagsusulat.
_______ 5. Maaaring hindi sundin ang mga pamantayan sa pagsusulat.
IKALAWANG MARKAHAN
IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA MTB-MLE 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II- AGUINALDO

Iguhit ang masayang mukha  kung tama ang sinasabi ng pangungusap at malungkot na mukha ☹ naman kung

mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.


_____1. Ang talata ay binubuo ng pangungusap o mga pangugusap.
_____2. Sa maliit na titik nagsisimula ang pangungusap.
_____3. Tuldok lang ang bantas na ginagamit sa talata.
_____4. Nakapasok ang unang pangungusap ng talata.
_____5. Dikit-dikit dapat ang mga salita sa talata.

II. Panuto: Isulat ang T kung tama ang sinasabi ng pangungusap at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
_____1. Pamuhatan ang tawag sa bahagi ng liham na kinapapalooban ng tirahan ng sumulat at petsa ng pagkasulat.
_____2. Sa hulihang bahagi ng liham inilalagay ang bating panimula.
_____3. Ang pinakahuling bahagi ng liham ay bating pangwakas.
_____4. Pangalan ng sumulat ang inilalagay sa lagda.
_____5. Nakapasok ang unang pangungusap sa bawat talata.

Tukuyin ang bahagi ng liham na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ito ang bahagi ng liham na kinapapalooban ng tirahan ng sumulat at petsa ng pagkasulat.
A.Bating Pangwakas B.Lagda C. Bating Panimula D. Pamuhatan

______2. Ito ang bahagi ng liham na kinapapalooban ng pambungad na pagbati at pangalan ng sinulatan at
nagtatapos sa kuwit.
A.Bating Pangwakas B. Katawan ng Liham C. Bating Panimula D. Pamuhatan

______3. Ito ang bahagi ng liham na kinapapalooban ng nilalaman ng liham.


A.Bating Pangwakas B. Lagda C. Katawan ng Liham D. Pamuhatan

______4. Ito ang bahagi ng liham na kinapapalooban ng huling bati ng sumulat at nagtatapos sa kuwit.
A.Bating Pangwakas B. Katawan ng Liham C. Bating Panimula D. Pamuhatan

______5. Ito ang bahagi ng liham na kinapapalooban ng pangalan ng sumulat.


A.Bating Pangwakas B. Lagda C. Katawan ng Liham D. Pamuhatan
IKALAWANG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MAPEH 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II-Aguinaldo
Basahin at unawain ang dapat gawin sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

_____1. Ang awit ay may simula at may katapusan.


A. Tama B. Mali C. minsan

_____2. Maaaring gamitin upang maging hudyat ng simula at tapos na ang awit.
A. kahon B. papel C. bahagi ng katawan

_____3. Ano ang ibig sabihin kapag itinaas ang kamay ng tagakumpas?
A. tumayo B. umalis C. Humanda sa pag-awit

_____4. Ano ang simula ng awiting”Lupang Hinirang”?


A. Ang mamatay ng dahil sa iyo.
B. Sa manlulupig di ka pasisiil
C. Bayang Magiliw

_____5. Ano ang ibig sabihin ng panandang ito II: :II?


a. Gabay ng mga mang-aawit upang huminto
b. Gabay ng mga mang-aawit upang tumalon
c. Gabay ng mga mang-aawit at manunugtog kung uulitin ang bahaging kanilang
inaawit o tinutugtog na piyesa.

Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.

______1. Ano ang nalilikha sa pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at pagpaparayos-rayos ng mga linya at
hugis sa isang sining?
A.anyo B. contrast C. ritmo D. tekstura

______2. Paano maipakikita ang contrast sa kulay ng isang likhang sining?


A.Kung ito ay gagamitan ng madidilim na kulay
B. Kung ito ay gagamitan ng matitingkad na kulay
C.Kung ito ay gagamitan ng mapupusyaw na kulay
D.Kung ito ay gagamitan ng mapupusyaw at matitingkad na kulay

______3. Kailan masasabi na ang hugis ay may ritmo sa isang likhang sining?
A.Kung isang hugis lamang ang makikita
B. Kung ito ay may nauulit na iba’t ibang hugis
C.Kung maraming hugis na magkakaiba ngunit walang nauulit
D.Kung dalawang magkaibang hugis lamang ang makikita.

______4. Paano maipakikita ang contrast sa ritmo ng isang sining?


A.Magkakatulad ng kulay ang mga hugis o linya.
B. Ang mga hugis at linya ay magkakatulad ng laki.
C.Magkakaiba ang kulay at laki ng mga hugis o linya.
D.Magkakaiba ng kulay ngunit magkakatulad ang laki ng mga hugis o linya.

______5. Ano ang kahalagahan ng ritmo sa sining?


A.Nagbibigay-kulay sa isang likhang sining
B. Nagiging makatotohanan ang bagay na ipinipinta
C.Nagbibigay-kahulugan sa iba’t ibang likhang sining
D.Nakatutulong upang makalikha ng magandang disenyo

Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.


Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit upang maamoy ang mga bagay sa paligid?
A.bibig B. ilong C.mata D.tainga

______2. Ang mga sumusunod ay mahalagang gamit ng ilong sa pagtukoy maliban sa isa. Alin ito?
A. mabangong ulam na nakahain
B. malakas na busina ng kotse
C. halimuyak ng bulaklak
D. mabahong basura

______3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa ilong?

A.Nilalaro ni Rona ang lapis sa kanyang ilong.


B. Ginagamit ni Billy ang kanyang daliri sa paglilinis ng ilong.
C.Nililinis ni Leni nang malinis na panyo ang kanyang ilong.
D.Nilalanghap ni Justin ang usok na galing sa tambutso ng kotse.

______4. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari sa ilong kung ito ay hindi pangangalagaan?
A. Lumaki ang ilong
B. Maging pango ang ilong
C. Lumiit ang butas ng ilong
D. Magkaroon ng impeksiyon ang ilong

______5. Ano ang maaari mong gawin kung namamaga ang iyong ilong?
A.Punasan ng basahan
B. Linisin gamit ang alkohol
C.Komunsulta sa espesyalista
D.Sundutin ito gamit ang iyong daliri
IKALAWANG MARKAHAN
IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA MAPEH 2
Pangalan :______________________________________________ Iskor:_______________
Baitang at Seksyon : Grade II- AGUINALDO
Suriin ang tono ng mga sumusunod. Isulat ang M kung magkatulad at DM kung di magkatulad. Isulat sa kuwaderno
ang sagot.
Gumuhit ng isang magandang tanawin na binubuo ng iba’t ibang linya at hugis na may gaan, diin, kitid at lapad.
Pagkatapos, kulayan ito ng may pusyaw at tingkad gamit ang krayola o watercolor.

Isulat ang (/) kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapakita ng tamang paggalaw at
(x) kung hindi. Tukuyin kung anong paggalaw ang ginamit.

_______1. Sa pag-upo ang balakang at tuhod ay nakabaluktot.

_______2. Sa paglakad, dapat ang mga kamay ay magkasabay na umiimbay sa tagiliran.

_______3. Sa paglakad, ang likod ay nakabahagi ng katawan ay tuwid at ang paningin ay nakatuon sa unahan.

_______4. Sa pagtayo, ang braso at kamay ay malayang nakalagay sa unahan.

_______5. Sa pagtayo, ang leeg at ulo ay tuwid ang ayos.

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung tama ang sinasabi ng pahayag at malungkot na mukha ☹ naman kung mali.

______1. Gumagamit ako ng shampoo sa aking buhok upang ito ay maging malinis at mabango.
______ 2. Bihira lamang akong naggugupit ng kuko upang maging mahaba ito.
______ 3. Pinupunasan ko ng pinaghubarang damit ang aking katawan pagkatapos maligo.
______ 4. Ang pagkakaroon ng galis ay maiiwasan kung pananatilihin ang kalinisan ng balat at buong katawan.
______ 5. Araw-araw akong naliligo at kung kinakailangan.

You might also like