Campaign Period Nagsimula Na

You might also like

You are on page 1of 1

Campaign Period Nagsimula na!

at
Grand Rally, idinaos sa Kanya-kanyang barangay!

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, opisyal nang nagsimula ang campaign period


para sa mga tumatakbo sa Nasyonal at Lokal na posisyon sa halalan.
Gaya ng nakagisnan, sa unang araw ng pangangampanya, sa unang araw ng
pangangampanya, nagdaos ng mga proclamation rally ang bawat Partido upang
maipakilala ang mga kandidato dito. At nagsimula na rin ang paglilibot ng mga Jingle
Song ng bawat kandidato sa iba’t ibang barangay sa lalawigan.
Sa barangay pavilion ng aming barangay ginanap ang rally kung saan
inilahad ng mga kandidato ang mga plataporma sa siyudad.

Ayon kay In-convent Mayor, isa sa mga tutukan niya sakaling mahalal uli siya
bilang alkalde ng siyudad ang pagpapatuloy ng kanyang mga nasimulang programa at
proyekto sa trabaho, imprastraktura, edukasyon , kalusugan at turismo. Nagbigay na ng
palugit ang dating mayor na sakaling siya ay muling palaring manalo ay ito na ang
kanyang huling termino dahil nais lamang iyang tapusin ang kanyng mga sinimulan.
Ayon rin sa kanya “Kapag binigyan kayo ng pera kunin ninyo, ngunit huwag papaapekto
kung sino ang inyong dapat iboto ang tapat sa serbisyo at may paninindigan”.

Bibigyang-prayoridad din ng kanilang partido ang matagal nang problema sa


tubig ng ibang barangay dito sa Polangui maging ang mahal na singil sa kuryente.
Napaka-detalyado ng kanilang mga hangarin at plataporma sapagkat bawat isa sa
kanila ay mayroon ng nais hawakan na komktiba. Sa pamamagitan nito nagkakaroon
sila ng pokus kung anong proyekto at programa ang nais nilang magawa.

Sa kabilang Partido naman ay buhay na buhay ang rally at maraming mga taong
nais pumuna ng mga sasabihin ng mga tumatakbong mga kandidato. Bawat isa sa
kanila ay may iba’t ibang hangarin. Hangarin na makabubuti sa aming lugar. Maraming
mga programa ang kanilang ipinangako n asana ay matupad rin.

Ang mga tao’y kanya-kanya ng gusto. Iba’t iba ang mga opinyon. Ngunit
mayroon man tayong magkakaibangb reaksyon tandaan natin na kung sino man ang
magwagi sa kanila atin na lang itong tanggapin at suportahan. Dahil walang ibang
manginginabang dito kundi ang ating mahal na munisipalidad.

You might also like