You are on page 1of 9

FL 1st Finals Notes

A. Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas


- Pagbabago tungo sa modernisasyon
- Nakakaranas ng pagbabago ang wika

B. Multilingguwal at Multikultural ang Pilipinas


- Ang ating bansa ay isang arkipelago
- Ang kultura at wika ay magkaugnay
➔ McFarland (2004)
- 100 na iba’t-ibang wikain/ dayalekto sa bansa
➔ Nolasco
- 170 na iba’t-ibang wikain/ dayalekto sa bansa

◆ Survey ni Nolasco
● 8 pangunahing dayalekto
- Tagalog 21.5 milyon - Bicolano 4.5 milyon
- Cebuano 18.5 milyon - Waray 3.1 milyon
- Ilocano 7.7 milyon - Kapampangan 2.3 milyon
- Hiligaynon 6.9 milyon - Pangasinan 1.5 milyon

Sa kabuuan, 85.5% ang naka pagsasalita ng pangunahing wika


● Tagalog - pangunahing wika ng mga naninirahan sa katimugang bahagi ng Luzon

● Cebuano - pangunahing wika ng mga naninirahan sa lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at
malaking bahagi ng Mindanao

● Ilokano - katimugang bahagi ng Luzon

● Hiligaynon - lalawigan sap ulo ng panay at Kanlurang Negros

● Bikol/ Bikolano - Timog-Silangang Luzon

● Waray - Silangang Visayas

● Kapampangan - Gitnang Luzon

● Pangasinense - Pangasinan, Silangang Luzon at Gitnang Luzon, sangay ng Malayo-Polinesian

C. Lehitimong Wika sa Pilipinas


● Ingles
- Makapangyarihang wika sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan
- Ginagamit sa intelektwal na usapin/ komersyo, habang ang Filipino ay sa lokal na komunikasyon
at palabas sa telebisyon.
- 36% ang nakapagsalita at nakauunawa ng Ingles
- 75% nakababasa
- 61% nakapagsulat
- 38% nag-iisip gamit ang wikang Ingles
Wikang Opisyal - Wikang Filipino at Ingles
Wikang Pambansa - Wikang Filipino
Wikang Lehitimo - Wikang Ingles

D. Wikang Global ang Wikang Filipino


- Nagiging global ang wikang Filipino dahil sa mga kapwa Pilipino na OFW
- Ayon sa American Community Service, pangatlo ang Filipino na may pinakamaraming nagsasalita sa
USA
- May mga unibersidad nag-aalok ng mga kurso sa pag-aaral ng Filipino

E. Wikang Filipino sa Social Media


- Pilipinas - Social Media Capital of the World
- Binago ang pamumuhay ng mga Pilipino
- Nagkakaroon ng hindi tamang paggamit sa mga salitang Filipino
- Matinding paggamit ng code switching o maling pagsasama at pagpapaikli ng mga salitang Filipino

Iba pang sitwasyon pangwika


● Pamahalaan
- Ingles - ang ginagamit sa opisyal na pahayagan sa gobyerno’

➢ Ehekutibo
- Mas naging aktibo ang paggamit sa wikang pambansa lalo na kung pangulo ang
nagsusulong
- May mga pangulo na taglish ang gamit na pahayag

➢ Lehislatibo
- Madalas ay nakasulat sa Ingles ang mga kaalaman at opinyon ng mga mambabatas,
pagpapasa ng batas
- Nakikita pa rin ang hindi paggamit ng Filipino

➢ Hudikatura - Masalimuot ang proseso at sistema ng korte

Code Switching (Taglish)


- Pagsasama ng dalawang/ mas maraming wika

Kinder - Baiting 3
- DepEd Order No. 74, 2012

Baitang 4 pataas - Bilingguwal ang pagturo

● Kalakalan
- Ingles din ang gamit
- Filipino kapag nag-iindorso ng produkto ng mga mamamayang Pilipino

● Relihiyon
● Telebisyon/ Pelikula
- Pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan
- Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa mga programa
- Maging sa pelikula ay Wikang Filipino rin ang gamit
● Radyo/ Pahayagan
- Kadalasa’y rehiyonal na wika ang gamit

● Text, Internet, at Social Media


- Madalas na gumagamit ng code switching at madalas pinaikli ang baybay ng mga salita

● Kulturang Popular
➢ Fliptop Battle - matatawag ring modernong balagtasan
➢ Pick-up lines - makabagong bugtong
➢ Hugot Lines - linya ng pag-ibig na kadalasana’y mula sa isang pelikula

Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino


I. Kakayahang Linggwistik
- Anyong gramatikal ng wika sa lebel na pangungusap
- Dalawang Uri:
➢ Ponemang Segmental - indibidwal na tunog sa wikang Filipino
○ Patinig - Tandaan: may ma salitang maaaring magkapalitan ang mga patinig

○ Katinig - May 21 na katinig sa Alpabetong Filipino


- Maaari itong makita sa inisyal, midyal at pinal na posisyon sa mga salita

○ Diptonggo
- Magkasamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig na nasa isang pantig
- Halimbawa: awtor, baliw, bahay

○ Klaster
- Magkasunod na Katinig sa isang pantig mgunit naririnig pa rin ang indibidwal na
ponemang

○ Digrapo
- Dalawang katinig ngunit may iisang tunog lang (ts, sh)

○ Pares-minimal
- Pares ng mga salita na magkaiba ang mga kahulugan at magkaiba lamang sa
isang ponema

➢ Ponemang Suprasegmental
○ Diin/ Haba
- Parehong baybay, maaaring pareho ang pagbigkas ngunit magkaiba ang
kahulugan
- Halimbawa:
Basa (basa?) - wet Bukas (bu:kas)- kinabukasan
Basa (ba:sa) - read Buka (bukas) - open

○ Tono/ Intonasyon
- Maaaring pareho ang pahayag na ginagamit ngunit nagkakaroon ito ng ibang
kahulugan dahil sa tono ng pagbigkas nito.
- Halimbawa:
1. May pasulit ngayon? - nagtatanong
2. May pasulit ngayon - nagsasalaysay
○ Antala/ Hinto
- Pareho man ng pahayag na ginamit ngunit nagkakaroon ng ibang kahulugan
dahil sa bahagyang paghinto sa pagbigkas
- Halimbawa:
Hindi ako ang pumatay!
Hindi, ako ang pumatay!
Hindi ako, ang pumatay!

Bahagi ng Pananalita
● Salitang Pangnilalaman
1. Nominal
➢ Pangngalan (Noun)
➢ Panghalip (Pronoun)
2. Pandiwa (Verbs)
- Mga salitang nagsasaad ng kilos
- May tatlong aspektong: Perpektibo (past), Imperpektibo (present), Kontemplatibo (future)
- Halimbawa: inom - uminom, umiinom, iinom
- May pitong Pokus ng Pandiwa at Kaganapan ng Pandiwa
a. Aktor/ Tagaganap
b. Layon
c. Benepaktibo/ Pinaglalaanan
d. Direksyonal
e. Ganapan/ Lokatibo
f. Instrumental
g. Kosatibo/ Sanhi

3. Panuring
➢ Pang-uri (Adjective)
- Salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan
- Tatlong Kaantasan: lantay (isa), pahambing (2), at pasukdol (+2)

➢ Pang-abay (Adverb)
- Salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay
- Uri: pamanahon, panlunan, pamaraan, at panggaano

● Salitang Pangkayarian
4. Pang-ugnay
➢ Pangatnig (Conjunction) - Nag-uugnay ng 2 salita, parirala, sugnay

➢ Pang-angkop (Ligature)
- Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, -ng, at -g)

➢ Pang-ukol (Preposition)
- Nag-uugnay sa pangngalan tungo sa iba pang salita (sa at ng)

5. Pananda
➢ Pantukoy - Salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip tulad ng ang, si, ang mga

➢ Pangawing - nag-uugnay sa simuno at predikeyt tulad ng salitang ay


Nang vs Ng
● NANG
- Kasingkahulugan ng noong; upang o para
- Katumbas ng pinagsamang na at ng
- Pagsasabi ng paraan o sukat (pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano)
- Pang-angkop na inuulit na salita

● NG
- Kapag sinasagot ang tanong na ano at pantukoy sa pangngalan
- Nagpapahayag ng pagmamay-ari
- Sinasagot ang tanong na kailan at pantukoy sa oras at petsa
- Kapag ginagamit ang ubod, puno, at saksakan

Pagbubuo ng Salita
● Paglalapi
- Paglalagay ng panlapi sa isang salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita
- Limang paraan: (unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan)
- Halimbawa: masaya kumain kagandahan magdinuguan

● Pag-uulit
- Proseso ng pag-uulit na salita o bahagi ng salita
- May tatlong paraan:
○ Pag-uulit na Di- ganap - Halimbawa: aaraw

○ Pag-uulit na Ganap - Halimbawa: araw-araw

○ Haluang Pag-uulit - Halimbawa: araw-arawin

● Pagtatambal
- Proseso ng pagtatambal na magkaibang salita upang makabuo ng panibagong salita
- Halimbawa: patay + gutom = patay gutom ; tenga + kawali - tengang-kawali

Pagpapalit ng Ponema
1. Gagamitin ang raw/ rin/ noon/ rito kung ang salitang susundan nito ay nagtatapos sa patinig
2. Pagpapalitan ng d at r kapag napagbintangan ng dalawang patinig
3. Kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa malapatinig;-ri, -raw, -ra

Tuntunin sa Paghihiram
1. Tumbasan ng salitang Filipino ang mga salitang hiniram
- “rule” – tuntunin
2. Panatilihin ang orihinal na salita at baybay
- Bana-asawang laki
3. Salitang hiram sa wikang Kastila ay baybayin sa ABAKADA
- Vocabulario - bokabolaryo
4. Sa mga salitang nagtatapos sa e at o, panatilihin ito
5. Magkasunod ang o at n
- o → u; n → m
6. Hindi ibahin ang salitang Ingles
- “bouquet”
7. Payoriti → Prayoridad
Wastong Gamit ng Gitling
- Ginagamit sa mga salitang inuulit o parsyal na inuulit
Halimbawa: araw-araw; dala-dalawa

- Nilalagay sa pagitan kapag ang salita ay nagtatapos sa katinig at nagsimula sa patinig


Halimbawa:Pag-ibig

- Lakad at takbo → lakad-takbo

- Nilalagay sa pagitan ng maka- o taga- at mga pangngalang pantangi


Halimbawa: taga Cebu; maka-Pilipino

- Nagsasaad ng petsa o oras at pagitan ng ala o alas


Halimbawa: ika-9 na buwan

- Kapag isinasatitik ang mga yunit ng praksyon


Halimbawa: isang-kapat

- Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal


Halimbawa: bahay-kubo, lakad-pagong

- Kapag pinagkabit ang apelyido ng babae sa kanyang asawa


Halimbawa: Gloria Santos-Reyes

- Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya

Kaalamang Sintatik
- Tumutukoy sa pagbubuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap na may kabuluhan
- Ang pangungusap na Filipino ay may dalawang ayos
a. Karaniwang Ayos –> Panaguri + Simuno
b. Di-karaniwang Ayos → Simuno + ay + Panaguri
- Ngunit may mga pahayag naman na kahit walang simuno ay naiintindihan pa rin ito.

Pangungusap na Walang Paksa


● Eksistensyal - pagkamayroon k kaalaman
● Modal – pagkagusto, nais, ibig, pwede, dapat kailangan
● Padamdam - matinding dandamin
● Maiklang Sambitla
- Nagpapahayag ng matinding damdamin (iisahin o damdaming)
- Halimwa.”Aray” “Naku”
- Panawag Hiy!a At Psst
● Panawag - vocative / pagtawag
Halimbawa: Hoy! Psst!
● Pamanahon -oras na hapon
- PENOMENAL – kalagayang pangkalikasan o pangkapaligiran.
Hal. Maalinsangan ngayon. Bumabagyo!
- TEMPORAL – kalagayang panandalian / pagdiriwang.
Hal. Tanghali na. Alas sais na Uwian na.
● Pormulasyong Panlipunan - pagbati, pagbibigay- galang
I.
II. Kakayahang Sosyolinggwistik
- Kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan

S.P.E.A.K.I.N.G
➢ S – Setting - saan nag-uusap
➢ P – Participants - sino ang kausap
➢ E – Ends - ano ang layunin ng pag-uusap
➢ A – Act of Sequence - paano ang takbo ng usapan
➢ K – Keys - pormal o impormal ang usapan, antas ng wika
➢ I – Instrumentalities - ano ang midyum ng usapan
➢ N – Norm - paksa ng usapan
➢ G – Genre - nagsasalaysay ba? nakikipagtalo/ nagmamatuwid

Proseso ng Komunikasyon
1. Nagpapadala ng mensahe (nagsasalita)
2. Tsanel o Daluyan ng Mensahe (sinabi)
3. Tagatanggap (kausap)
4. Tugon o Pidbak (sagot/ komento)
5. Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon (paglilinaw)

III. Kakayahang Pragmatik


- Maipabatid ang mensahe nang may sensibilidad sa kontekstong sosyo-kultural at sa abilidad na makapagb igay
kahulugan sa mensaheng nagmumula sa kausap

Speech Act Theory


- Nagagamit ang wika sa pagganap sa mga kilos at kung paanong ang kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika
(Clark, 2007)
Halimbawa: Pagreklamo, Paanyaya, Pangako, Pakiusap, Paghingi ng Paumanhin

Tatlong Magkakaibang Akto


● Locutionary Act - akto ng pahayag o paggawa
Halimbawa: Umuulan sa labas

● Illocutionary Act - intensyon ng pahayag


Halimbawa: nagbibigay impormasyon

● Perlocutionary Act - epekto ng pahayag


Halimbawa: Walang lumalabas sa bahay, or any possible effects

Cooperative Principle
- Ang mga kasangkot sa komunikasyon ay inaasahang makikiisa para sa isang makabuluhang pag-uugnayan
- Apat na Kumersasyon sa Cooperative Principle:
● Prinsipyong Kantidad - dami ng impormasyon
● Prinsipyong Kalidad - katotohanan
● Prinsipyo ng Relasyon - Pagkaka-ugnay
● Prinsipyong Pamamaraan - maayos na pag-papahayag
Komunikasyong Di-Berbal
- Mga sensyas na hindi gumagamit ng salita
- Mga Uri:
● Chronemics - may kinalaman sa oras
● Proxemic - may kinalaman sa espasyo
● Kinesics - may kinalaman sa galaw ng katawan
● Haptics - may kinalaman sa paraan ng paghaplos
● Iconics - may kinalaman sa mga simbolo o icon
● Colorics - may kinalaman sa kulay na ginamit
● Paralanguage - may kinalaman sa paraan ng pagbigkas
● Oculesics - may kinalaman sa paggamit ng mata
● Objectics - may kinalaman sa mga bagay na ginagamit
● Olfatonics - may kinalaman sa pang-amoy
● Pictics - may kinalaman sa hawas ng mukha
● Vocalics - may kinalaman sa paggamit ng tunog
● Katahimikan
● Kapaligiran - may kinalaman sa lugar na gusto niya o ayos ng lugar

IV. Kakayahang Diskorsal


● Diskurso – pormal na pagtalalakay sa paksa, pasulat man o pasalita.
- Tumutuon hindi lamang sa interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap kundi sa koneksyon ng
magkakasunod na mga pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan

Termino Kahulugan

Kohisyon - Tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto


● Cohesive Devices
- Ang maaaring makatulong upang maugnay ang mga pahayag
● Kohesiyong Gramatikal
- tumutukoy sa mga salitang panghalip.
- Ito ang mga panandang salita na ginagamit upang hindi gamitin ng paulit ulit
ang pangngalan.
- Dalawang Uri: Anapora at Katapora
Halimbawa:
Nagbago na si Ana. Naging mailap na siya sa pakikisama sa kanyang mga kaibigan
at hindi na rin sumasama sa mga lakad ng kanyang katrabaho.

Kohirens - Tumutukoy sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya


Halimbawa:
Nagbago na si Ana. Naging mailap na siya sa pakikisama sa kanyang mga kaibigan
at hindi na rin sumasama sa mga lakad ng kanyang katrabaho. May asawa na si
Ana.

Semantik/ Semantiko - Tumutukoy sa kung paano nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa paggamit
nito sa pangungusap o pahayag.
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
- Isinasagawa sa isang pahayag upang mailahad, mailarawan nang maayos at mas maging malinaw ang ideyang
nais ibahagi.
- Ang sumusunod ay iba’t ibang paraan sa pagpapalawak ng pangungusap:
● Paggamit ng mga kataga/ingklitik;
● Paggamit ng mga panuring;
● Paggamit ng mga komplemento
● Paggamit ng Pagtatambal

1. Paggamit ng mga kataga/ingklitik


- Napapahaba ang pangungusap gamit ang mga katagang --pa, ba , man, naman , nga , pala at iba pa
- Halimbawa:
May ulam.
May ulam ba?
May ulam pa?
May ulam pa ba?
May ulam pa nga pala.
May ulam naman pala.

2. Paggamit ng mga panuring


- Napapahaba ang pangungusap gamit ang mga panuring na na at ng.
Halimbawa:
Si Marianne ay mag-aaral.
Si Marianne ay isang mag-aaral.
Si Marianne ay isang masipag na mag-aaral.

3. Paggamit ng mga komplemento


a. Komplementong aktor – SINO?
Binigyan niya ako ng pagkain.

b. Komplementong layon – ANO?


Bumili siya ng pagkain para sa akin.

c. Komplementong benepaktibo – PARA SAAN o PARA KANINO?


Bumili siya ng pagkain para sa akin.

d. Komplementong Instrumental – ANO ANG GAMIT o SA PAMAMAGITAN NG ANO?


Nakapag-aral siya sa Saint Louis gamit ang perang kanyang naipon.

e. Komplementong kosatibo – DAHILAN?


Maraming namatay dahil sa COVID

4. Paggamit ng Pagtatambal
Halimbawa:
- Naglalaro ang kapatid ko ng Mobile Legend at ako ay nanonood ng paborito kong palabas.
- May nagustuhan akong damit ngunit wala akong perang pambili

You might also like