Professional Documents
Culture Documents
Mga Paksa:
1. ***PANIMULANG PANANALIKSIK***
2. ***MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS***
3. ***KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO/ISTRUKTURAL/GRAMATIKAL***
4. ***KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK***
5. ***KAKAYAHANG PRAGMATIK***
***PANIMULANG PANANALIKSIK***
Mga termino
Introduksyon – Panimula ng pananaliksik
Kwalitatibo/kwaliteytib – Tumatalakay sa pag-susuri ng mismong pag-aaral.
Kwantitatibo/kwantiteytib – Binibigyang halaga ang estadistikong bilang ng mga respondante. Tinataya
ang naging resulta sa pamilang na paraan.
Teoretikal na balangkas - Nilalaman ng mga teorya na kaugnay sap ag-aaral
Pagsasaad ng suliranin – inilalahad ang mga suliranin ng pananaliksik
Mga palagay – nagsasaad ng unang pananaw ng mananaliksik sa kahihinatnan ng pag-aaral
Kahalagahan ng pananaliksik – ipinapahayag ang benipisyo ng pananaliksik na ginagawa.
Saklaw at limitasyon – ipinapakita ang sakop at hanggahan ng pag-aaral
Katuturan ng mga katawagan – ibinibigay ang mga kahulugan ng mga saasalitang ginamit sap ag-aaral.
Sanggunian sa website
Santos, T. (2009(. Wika sa saliw ng musika. Varsitarian, 4-5. Mula sa https://www.varsitarian .com?
Ang sitwasyong pangwika ay iniaayon sa pagkakagamit nito. Iniaangkop sa rehistro at barayti ng wika
pati na antas ng wika ang pagkakagamit nito.
Barayti ng Wika
Ang barayti ng wika ay pagkakaiba ng mga salita na may parahong kahulugan mula sa iisang wika. Hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pagkikipag-ugnayan ng tao sa kapuwa tao mula
sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sa pag-uunagayang ito ay may nalilinang na
wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.
SOSYOLEK - Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal
ng mga taong gumagamit ng wika. Nakabatay ito sa panlipunan, pinag-aralan, kasarian, edad at iba pa.
Hal. Jejemon, Coño, Bekimon, G-words
ETNOLEK - Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikoong grupo.Ang salitang etnolek ay
nagmula sa pinagsamang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-eniko.
Hal. Vakul – isang kataga para sa mga pangkat ng Ivatan
REGISTER - Barayti ng wika na naiaangkop ng isang isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at kausap.
Hal. Paggamit ng pormal na wika kung ang kausap ay may mas mataas na katungkulan,
nakatatanda.
PIDGIN – Pinaghalong magkaibang dalawang wika.
Hal. Taglish
CREOLE - Pinaghalong magkaibang dalawang wika na naging unang wika.
Hal. Bisakol, Chavacano
ANTAS NG WIKA
Mga di-pormal
a. Luma o archaic Mga salitang hindi na na gaanong ginagamit sa pangkasalukuyan. Kadalasang
matatanda na lamang ang gumagamit ng mga salitang ito. Mayroong katumbas na bagong salita
ang mga ito.
Hal. Salapi – Pera Bughaw – Asul o kulay blue Kamiseta – Sando o T-shirt Salawal – Panty
o Brief Tampipi – Bag Antipara – Salamin sa mata Kalupi – Pitaka
b. Balbal
May katumbas itong slang sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
Singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita.
Ito ang nagpapatunay ng pagiging dinamiko ng wika.
Itinuturing din itong pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
Mga Halimbawa:
Parak (pulis)
Eskapo (takas ng bilangguan)
Istokwa (naglayas)
Juding (bakla)
Tiboli (tomboy)
Balkonik (taong maraming balahibo sa katawan)
Lobat (lupaypay)
c. Argot
Ito ay mga salita na tanging ang mga kapangkat lamang ang nakakaaalam.
Ginagamit ang argot upang sila lamang ang magkaunawaan.
Kadalasang ang kadahilanan nito ay upang itago ang usapan sa nakararami.
Mga halimbawa:
Bekimon Jejemon G-Words
d. Jargon
Ito ay sinasalita lamang ng mga natatanging tao na sa partikular na larang tulad ng trabaho at
teknikal.
Ginagamit ito upang magkaunawaan ang mga taong kabilang sa larang.
Mga Halimbawa
TRABAHO
Time-in Time-out
FIFO-First In First out
TEKNIKAL HDMI
VGA
JPEG
GIF
e. KOLOKYAL
Ito ang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado
batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.
Halimbawa:
- alala - naron -antay
- lika - kanya-kanya -lugal
f. LALAWIGANIN
Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng
Cebuano, Bicolano, Batangueno at iba pa na may tatak –lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Mga pormal
a. PAMBANSA
Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla.
Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
b. PAMPANITIKAN
Ito ang may pinakamayamang uri.
Ginagamit ang salita sa ibang
kahulugan.
Mayaman sa paggamit ng idyoma, tayutay.
Ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa at mananaliksik.
Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan
Halimbawa
Mabulaklak ang dila Di-maliparang uwak Kaututang dila Balat sibuyas Taingang kawali
Nagbukas ng dibdib
***KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO/ISTRUKTURAL/GRAMATIKAL***
Ponolohiya
• Tumutkoy sa mahahalagang pag-aaral sa mga tunog na nagbibigay ng mga kahulugan sa mga
salita.
• Pinakamaliit na yunit ng tunog na nagpapabago sa kahulugan.
• PONEMA ay tunog.
Ponemang Segmental
• Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upng mabasa at mabigkas.
• PATINIG
• KATINIG
Katinig
• Ipinapakita ang mga ponemang ito batay sa paraan at punto ng artikulasyon ang mga ito ay may
tinig o walang tinig.
• B, d, g, h, k, l,m, n ,p, r, s, t, w, y at ng
• Punto ng artiukulasyon – Bahagi ng bibig na nagaganap ang pagbuo ng katinig
• Paraan ng artikulasyon – paraan kung paano nalilikha ang mga katinig.
Patinig
• Ito ang tinuturing na pinakatampok na bahagi ng pantig. Ang limang patinig ng wikang Filipino ay
A, E, I, O, U.
DIPTONGGO – magkasamang patinig at katinig na malapatinig sa isang pantig. Ay, ey, oy, uy, aw, ow, iw.
Hal. Kahoy, bahay, kalabaw, saliw, aliw.
KLASTER – ito ang magkasunod na katinig sa isang pantig.
Hal. Trabaho, pluma, krimen, gripo
PARES-MINIMAL– Ito ay pares ng mga salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ang bigkas
maliban sa isang ponema sa parehong posisyon.
Hal. Pala-bala, mesa-misa
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN – pares ng mga salita na katatagpuan ng magkaibang ponema
sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakaaapekto sa pababago ng kahulugan sa salita.
Hal. Politika-pulitika, lalaki-lalake
Ponemang Suprasegmental
• Karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat kundi mga simbolo lamang upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas
Diin
Paglakas o paghina ng pagbigkas ng isang salita.
1.Malumay- binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli at banyad na binibigkas sa
huling pantig, Ito ay maaring magtapos sa patinig o katinig at hindi na tinutuldikan.
Halimbawa: Bata (robe), Tubo (pipe), Ulap, Bote, kalawakan
2.Malumi- ito ay binibigkas tulad ng malumay, ANg kaibahan lamang ay may impit na tunog sa huli,
nagtatapos sa patinig at nilalagyan ng tuldik na paiwa (to the right) (') na itinatapat sa patinig ng huling
pantig
halimbawa: bata, sipi, puno, bintana
3. Mabilis- tuloy-tuloy itong binibigkas, walang antala at diin hanggang sa huling pantig. Ito ay maaring
magtapos sa patinig at katinig at nilalagyan ng tuldik na pahilis (to the left) (')
Halimbawa: tanim, mata, pisngi ( with the pahilis on i)
4. Maragsa- binibigkas nang tuloy-tuloy na may impit sa huling pantig. Ito ay nagtatapos sa patinig at ang
tuldik ay pakupya (^)
halimbawa: Dugo ( ang pakupya at nasa o), Bansa (ang pakupya ay nasa A)
Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//) , o gitling(-).
• a) Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahuluganna ang nagsasalita ay
nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.)
• b) Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan
ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua.)
• c) Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya
si Joshua.)
Haba
• Tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng salita.
Hal.
Magnana*kaw – tao
Magna*na*kaw – pandiwa
Mag*aaral – tao
Mag*a*aral - pandiwa
Morpolohiya
• Maka-agham na pag-aaral ng mga morpema.
• Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan.
Anyo ng Morpema
• Morpemang ponema – tumutukoy sa kasarian ng isang tao
Hal. Lola – lolo, abogado - abogada, manong – manang, doktor – doktora
• Morpemang Maylapi – mga salitang nilagyan ng panlapi
Hal. Unlapi – mag+aral = mag-aral
Gitlapi um+kain = k+um+ain = kumain
Hulapi suway+in = suwayin
• Morpemang Salitang-ugat
Ganda, bayan, talino,
Kayarian ng Morpema
• Payak – salitang-ugat lamang
Hal. Bahay, laro, uso
• Inuulit – ang kabuoan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit.
Hal. Araw-araw, isa-isa, baha-bahagi
• Maylapi – Binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi na maaaring sa unahan, gitna,
hulihan, kabilaan at laguhan
Hal. Nagtanim, tumakbo
• Tambalan – dalawang salitang pinagsama
Hal. Bahay-kubo, bahaghari
Pagbabagong Morpoponemiko
• Asimilasyong Di-ganap
Hal. Pang + panitikan = pampanitikan
Pang + talon = pantalon
• Asimilasyong Ganap
Hal. pang + palo = pamalo
pang + suklay = panuklay
• Pagpapalit – ponema
Hal. Madapat- marapat
Tawahan – tawanan
• Metatesis
hal. L + in + ipad = linipad = nilipad
L + in + uto = linuto = niluto
• Pagpapalit – diin
Hal. Basa – basahin
• Pagkakaltas ponema
Hal. Takip + an = takipan = takpan
• Reduksyon
Hal. Tignan mo = tamo
Sintaksis
• Sistema ng pag-uugnay-ugnay at pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap.
• Pangungusap – salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa
Bahagi ng pangungusap
• Paksa – tumutukoy sa pinag-uusapan o binibigyan ng pansin sa loob ng isang pangungusap.
Ang lahat ng mga salita na pinangungunahan ng salitang ang ay tinatawag na paksa.
• Panaguri - Bahagi ng pangungusap na nagbibigay turing sa paksa
• Hal. Pinagalitan ang mga umalis
Kaayusan ng pangungusap
• Tuwiran o karaniwang ayos - Nauuna ang panaguri bago ang paksa.
Hal. Globo ang representasyon ng ating mundo.
• Kabaliktara o di-karaniwan – nauuna ang paksa bago ang panaguri.
Hal. Ang representasyon ng ating mundo ay globo.
***KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK***
***KAKAYAHANG PRAGMATIK***
Di-Berbal
Kinesics – kilos
Haptics – Hawak
Oculesics – tingin
Chronemics – Oras
Proxemics – Distansya
Pictics – Emosyon / ekspresyon ng mukhas
Vocalics – Tono ng pananalita
Paralanguage - Tinig
Iconics – mga simbolo
Olifactorics – pang-amoy