You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Division of Cebu Province
TEOTIMO A. ABELLANA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
FINAL EXAMINATION IN FILIPINO 11
Huwag sumulat ng kahit ano sa test paper.

I. Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Karaniwang ginagamit na salita sa pamagat ng balita sa nahuling salarin.
a. huli b. may sala c. timbog d. utas
2. Ang paksa sa panayam ay tungkol sa wika kaya nababanggit ang covid-19.
a. jejemon b. mensahe c. pahayagan d. tuligsaan
3. Ibinalita sa telebisyon na mahigit limang daan na ang nauutas sa kumakalat na sakit sa lugar.
a. naapektuhan b. nagagamot c. namamatay d. naoospital
4. Ayon sa balita sa radyo, kinatatakutan ng marami ang mawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kompanya.
a. pinag-iisipang b. pinag-uusapang c. pinangangambahang d. pinupunang
5. Ang lumaganap na sakit ay viral na dapat pag-ingatan, sabi sa balita.
a. virus b. virrus c. vital d. vitus
6. Ang wika na maaaring ginagamit sa pagbabalita kung ang istasyon ng radyo o telebisyon ay wala sa Katagalugan.
a. Bicol b. Bisaya c. Ingles d. Rehiyunal
7. Ang dapat gamiting wika sa panayam kung ang kapanayam ay Tagalog at ang panayam ay nasa Cebu.
a. Bisaya b. Capampangan c. Hiligaynon d. Tagalog
8. Pinag-uusapan ang kultura sa wika kaya maaaring mabanggit ito sa panayam.
a. bekimon b. hugot line c. simbolo d. text message
9. Ang salitang tumutukoy sa nangyayari ayon sa balita tungkol sa corona virus.
a. frontliner b. drug abuse c. lockdown d. railways
10.Ang kapanayam sa telebisyon ay isang doktor na ang pinag-uusapan ay tungkol sa kalusugan ng senior citizen kaya nabanggit
ang sakit na ito.
a. atake sa puso b. baktirya c. ehersisyo d. jogging
11.Kadalasang wika na ginagamit para maipaliwanag sa balita kung ano ang corona virus.
a. purong Filipino b. sari-saring wika c. wikang Ingles d. wikang pang-agham
12.Mas ginugusto ang mass midyang ito ng mga tagapakinig ng balita dahil nakikita nila ang ibinabalita.
a. cell phone b. radyo c. telebisyon d. video
13.Wikang ginagamit sa pagbabalita sa radyo o telebisyon gayundin sa mga panayam para madaling maunawaan ang paksa.
a. ayon sa larangang pinag-uusapan b. hashtag at hugot lines
c. mga napapanahong wika d. wikang opisyal
14.Dahilan ng paggamit ng iba’t ibang wika sa balita sa radyo at telebisyon
a. araw-araw ay may balita b. ibaíba ang paksa sa balita
c. marami ang nakikinig sa balita d. may sariling pang-unawa ang nakikinig ng balita
15. Ang wikang ginamit sa pagbabalita na tumutukoy sa laki ng sakop ng sakit na covid 19.
a. academic b. lockdown c. pandemic d. quarantine
16. Saan ginagamit ang salitang “netizen”?
a. diyaryo b. radyo c. social media d. telebisyon
17. Bakit kinagigiliwan sa social media ang code switching at pagpapalit ng salita sa ating wika?
a. madaling basahin b. madaling maisulat c. madaling maunawaan d. madaling maisulat at maunawaan
18. Ito ang kalagayan ng wikang Filipino sa social media, MALIBAN sa;
a. Gumagamit ng iba’t ibang simbolo ng wika b. Gumagamit ng iba’t ibang barayti ng wika
c. Laganap ang code switching d. Laganap ang pagpapaikli ng mga salita
19. Paano ka makatutulong sa pagpalalaganap at pagpapa-unlad ng wikang Filipino sa internet?
a. Paglalagay ng mga akdang pampanitikan sa internet b. Paggawa ng blogs na nasusulat sa ating wika
c. Paglalagay ng Filipinong diksyunaryo d. Lahat ng nabanggit
20. Tinawag na Texting Capital of the World ang Pilipinas dahil sa;
a. Marami ang may iba’t ibang unit ng cellphone.
b. Maraming text ang nagpapadala at nakatatanggap sa ating bansa araw-araw.
c. Marami ang gumagamit nito sa paghahanapbuhay.
d. Marami sa mga Pilipino ang walang hanapbuhay.
21. Kung nasa malayo ang isa’t isa, ito ay maituturing na isang biyaya na maaaring makapagpadali ng komunikasyon sa pagitan
ng magkakaibigan at mahal sa buhay.
a. Internet b. Microsoft c. Netflix d. YouTube
22. Bakit tinangkilik ng mga Pilipino ang paggamit ng social media?
a. dahil sa mga aplikasyon nito b. dahil ito’y nasa internet
c. dahil sa kagandahan nito d. dahil sa mga larawan nito
23. Kung malayo ka sa pamilya o mahal mo sa buhay at nais mo ang agarang komunikasyon na walang kaukulang kapalit na
halaga ay may mga aplikasyon na magagamit, MALIBAN sa;
a. Messenger b. Skype c. Twitter d. Viber
24. Sa mundo ng social media, ito ang kahulugan ng pinaikling salita na ILY.
a. I Leave You b. I Like You c. I Lose You d. I Love You
25. Ang mga nauusong salita na tinangkilik ng mga Pilipino sa social media tulad ng lol, sml, skl ay tinatawag na:
a. code switching ng mga salita b. pagpapaikli ng mga salita
c. pagpapaliit ng mga salita d. pagmamali ng mga salita
26. Ang mga makabuluhang bagay na naidudulot ng internet sa mga mamamayan ay ang mga sumusunod, MALIBAN sa: a.
Napabibilis ang komunikasyon. b. Napadadali ang pag-aaral.
c. Napagagaan ang hanapbuhay. d. Napauuso ang fake news.
27. “She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat…and you chose to break my heart.”
(Popoy - One More Chance) Anong wika ang ginamit sa pahayag?
a. Barayti ng Filipino b. Code Switching c. Ingles d. Tagalog
28. Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage?
a. Bagaheng ‘di nakailangan b. Dating kasintahan c. Lumang maleta d. Sobrang bagahe
29. “Alam ko kasi ang mga mama, hirap na hirap sila kapag malayo sila sa kanilang anak.” (Odrey – Miss Granny). Anong kultura
ng Pilipino ang masasalamin sa pahayag?
a. Paghihigpit ng magulang b. Pagpapahalaga sa anak
c. Pagpapahalaga sa magulang d. Pagtitiis ng hirap
30. Ang mga seryeng tulad ng Be Careful with my Heart, Till I Met You, at Sahaya ay mga programa sa telebisyon na tinatawag
na;
a. dula b. nobela c. noontime show d. telenobela
31. Ang mga sumusunod ay mensahe sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, MALIBAN sa;
a. Ang mga nawawasak na pamilya at gumuguhong pangarap.
b. Ang kumita nang malaki upang maging masagana ang buhay.
c. Ang pagbabago ng pananaw ng mga kabataan tungkol sa kanilang pinapahalagahan sa buhay.
d. Ang paglalahad ng mga di kanais-nais na bunga ng paglayo sa pamilya para kumita nang malaki sa ibang bansa.
32. Ano ang mga naitulong sa wikang Filipino ng mga teleserye tulad ng Ang Probinsiyano, Kara Mia, at Kadenang Ginto. a.
Maraming Pilipino ang nakaunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
b. Maraming dayuhan ang natutong magsalita ng ating wika.
c. Maraming Plipino ang gumamit ng rehiyonal na wika.
d. Maraming Pilipino ang nahirati sa wikang dayuhan.
33. Ano ang ipinapahiwatig ng mga pahayag na ito ng inang si Josie sa pelikulang Anak? Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang
hinihithit mo ang sigarilyo, habang nilulustay mo ang mga perang padala ko, sana’y inisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong
hindi kainin para makapagpadala ako ng malaking pera dito, sana habang nakahiga ka sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin
kung ilang taon kong tiniis ang matulog mag-isa habang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko, sana maisip mo kahit konti
kung gaano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi mo kaanuano, samantalang kayo… kayong mga anak ko ay hindi
ko man lang kayo maalagaan,
a. Pagpapakasakit ng magulang para sa magandang buhay ng pamilya.
b. Ang pagkapariwara ng buhay ng mg anak dahil sa bisyo.
c. Ang pagiging maluho sa buhay ng mga anak.
d. Pagkahirati sa buhay at sa layaw.
34.Ang ang tema at mensahe ng pamagat ng pelikulang Four Sisters and A Wedding?
a. Pagmamahalan sa loob ng pamilya
b. Pagtanggap sa kakayahan at kahinaan ng miyembro ng pamilya.
c. Pagkakaroon ng unawaan sa kakulangan ng isa’t isa.
d. Lahat nang nabanggit
35.Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkakaiba-iba ng kultura sa Pilipinas MALIBAN sa;
a. impluwensiya ng mga dayuhan b. katangiang heograpikal nito
c. pagkakaiba-iba ng wika d. pagkakatulad-tulad ng paniniwala
36.“Kung ihahambing ang kabataan sa ibang pangkat ng lipunan, higit silang mapanuri sa mga palabas at pelikulang pinapanood.”
Ito ay pinatunayan sa sulating:
a. aklat na Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino b. aklat na Stupid Is Forever
c. dyornal na Meditation of Filipino Youth Culture d. pahayagang Philippine Inquirer
37. Bakit patuloy na tinatangkilik ang mga pelikulang Pilipino?
a. dahil sa mga artistang gumaganap. b. dahil sa mga lugar na pinaggaganapan.
c. dahil sa napag-uusapan sa bawat lugar. d. dahil sa mga linya ng mga tauhan o hugot lines na natatak sa
isipan. 38.Ano ang karaniwang anyo at tono ng wikang nagagamit sa dula, programa sa radio, at pelikula?
a. impormal na tinatangkilik ng masa b. matatalinhaga ang wikang nagagamit
c. mga dayuhang wika ang nagagamit na tinatangkilik ng masa d. pormal na tinatangkilik ng masa
39. Ang kahulugan ng pamagat ng dulang Pilipino sa “Sinag sa Karimlan”.
a. sikat ng araw sa umaga b. liwanag at pag-asa sa kabila ng kadiliman
c. kadiliman at mga pagsubok d. paghahanda sa pagsubok
40. Bakit higit na gamitin ang wikang Ingles sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center?
a. Dayuhan ang binibigyan ng serbisyo ng mga call center agent.
b. Ingles ang isa sa opisyal na wika sa bansa.
c. Ingles ang usong salita sa ganitong uri ng trabaho.
d. Tutol ang mga may-ari ng kumpanya na gamitin ang wikang Filipino.
41. Anong pamamaraan ang ginamit ng DepEd sa paghahatid ng kanilang programang pang-edukasyon tulad ng “Brigada
Eskwela” at “Tayo para sa Edukasyon”?
a. Walang katumbas na linya sa Ingles
b. Wikang Tagalog upang madali itong tandaan at gawin
c. Pinoy ang mga mag-aaral kaya dapat wikang Filipino ang gamitin.
d. Gumamit ng wikang Filipino upang higit na makahikayat sa mga mag-aaral at magulang.
42. Ito ang wikang ginagamit ng malalaking negosyo upang mahikayat na tangkilikin ang kanilang produkto.
a. Big SALE! b. Bagsak-presyo! c. Pwede utang! d. Buy 1 Take 2!
43. Ano ang pangunahing wikang ginagamit bilang wikang panturo sa kolehiyo?
a. paggamit ng Pilipino b. pag-aaral gamit ang Filipino
c. bilingguwal na pamamaraan at wikang Ingles d. paggamit ng diyalekto sa ugnayan
44. Mga interaktibong teknolohiya na nagsisilbing tagapamagitan sa pagpapalitan, pamamahagi, at paglikha ng mga
impormasyon,kaisipan, interes, at iba pang uri ng mga pahayag sa mundong digital.
a. Internet b. Social media c. Komunikasyon d. Diyalekto
45. Ito ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado.
a. Dula b. Pelikula c. Social Media d. Diyalekto
46. Ang pelikula ay isang uri ng sining at industriya na gumagamit ng mga larawan at tunog upang magkwento ng mga kuwento,
ideya, at emosyon.
a. Dula b. Pelikula c. Social Media d. Diyalekto
47. Sa kabilang banda, sa bagong kurikulum na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno C. Aquino III, ang _____________ay
naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man.
a. Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). b. Filipino
c. English d. Matematika
48. Ang wikang ito ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na mga nakapagaral ng wika.
a. Pormal b. Informal c. PAngunahing wika d. Balbal

You might also like