You are on page 1of 1

HEALTH

Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang ipinapahayag ng mga sumusunod na pangungusap.
Isulat ito sa patlang.
______1. Ang relihiyon ang siyang nagdidikta ng mga sinusunod na alituntunin kung ano ang
dapat at hindi dapat upang maging katanggap tanggap sa paningin ng kinabibilangan nilang
relihiyon.
______2. Malakas ang impluwensiya ng midya sa mga tao na kaya nitong baguhin ang pananaw,
kaalaman, saloobin at pagpapahalaga ng mga ito.
______3. Ang pamilya ang unang humuhubog sa mga pag-uugali ng mga bata sa pamamagitan
ng mga
itinakdang obligasyon sa kanila ng kanilang mga magulang.
______4. Ang mga gawaing pang-lalaki ay hindi dapat o hindi kayang gawin ng mga babae.
______5. Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan na gumagabay sa mga mag-aaral
na
lubusang makilala ang mga sarili at sa kanilang mga tungkulin na dapat gampanan sa
lipunan.

HEALTH
Panuto: Suriin kung tama o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga pahayag tungkol sa mga
pangkalusugang isyu at usapin sa pagdadalaga at pagbibinata. Isulat sa sagutang papel ang T
kung tama at M kung mali.

_______1. Isang malaking kahihiyan ang paglitaw ng adams apple sa nagbibinata.


_______2. Ang pagpapahalaga at pagtitiwala sa sarili ay isa sa pinakamahalagang taglayin ng
isang nagdadalaga at nagbibinata.
_______3. Nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam sa isang nagdadalaga at nagbibinata
ang pagkakaroon ng taghiyawat.
_______4. Ang pagkakaroon ng magandang tikas ng katawan habang nakaupo, nakatayo, at
naglalakad ay nagbibigay ng magandang pakiramdam at tiwala sa sarili.
_______5. Ang pagkakaroon ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng lalaki gaya ng kili-kili,
paligid ng ari at mukha ay walang kinalaman sa mga nakababalisang pisikal na pagbabago sa
yugto ng pagbibinata.
_______6. Ang mabilis na pagbabago sa pakiramdam ng isang tao ay tinatawag na mood swings.
_______7. Ang di-mabuting kondisyon ng katawan na nararamdaman ng isang nagdadalaga bago
o tuwing darating ang buwanang regla ay hindi dapat pagtuonan ng pansin.
_______8. Ikinahihiya ang mga pagbabagong nagaganap sa katawan sa panahon ng
pagbibinata / pagdadalaga.
_______9. Kadalasan, ang tumutuntong sa puberty ay nagiging mahiyain, at madaling mabugnot.
_______10. Ang isang nagdadalaga at nagbibinata ay nagiging palaayos sa sarili at nakararanas
ng paghanga sa kapwa na maaaring makalito dahil hindi lubos na maunawaan ang pagbabagong
ito.

You might also like