You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Marcos District
BIDING ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHAN SA FILIPINO

Pangalan:______________________________________________ Iskor:________

I.Panuto:Basahin mabuti ang bawat bilang at isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.

_____1. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Mina at


Ana. Agad silang kumuha ng walis tingting at nagwalis sa kanilang
bakuran nila. Ano ang angkop na wakas ng kwento?
A. Nagalit ang kanilang ina.
B. Pinaalis sila ng kanilang ina
C. Pinabalik sila sa kanilang kuwarto upang matulog
D. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.

_____2. Anong pangyayari sa pamayanan ang ipinapakita


ng larawan?
A. Pagputok ng bulkan
B. Isang malaking sunog sa lungsod.
C. Banggaan ng sasakayan sa daan
D. Paghahanda sa darating na bagyo.

_____3. Si Carlo ay matangkad kaya kinuha siyang manlalaro ng basketball.


Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salngguhit?
A. bayani B. malaki C. maliit D. tamad
_____ 4. Kung ang kasalungat ng maganda ay pangit. Ano naman ang
kasalungat ng mahalimuyak?
A. mabaho C. masarap
B. mabango D. matamis
_____5. Nabangga mo ng hindi sinasadya ang isang matanda sa iyong
pagmamadali. Ano ang iyong sasabihin?
A. Alis ka diyan!
B. Kasalanan mo!
C. Pasensiya na po kayo nay.
D. Huwag ka kasing nakaharang!

_____6. Alin ang salitang katugma ng katawan?


A. kalamnan B. kalesa C. krayola D. mataba

_____7. Sa mga sumusunos na pares ng salita, alin ang magkatugma?


A. bola-tatay C. hari-lola
B. guro-puro D. ube-pari

_____8. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?


A. mall C. paaralan
B. plasa D. simbahan

_____9. _____________ ang nasa loob ng bag ni Leo? Anong angkop na salita
sa pagtatanong ang gagamitin?
A. Ano B. Kailan C. Saan D. Sino

_____10. Ito ay karaniwang lumulutang sa kalangitan at kulay puti.


A. aulap C. oulap
B. olap D. ulap

_____11. Masaya ang magkakaibigan habang naglalaro. Anong salitang


naglalarawan ang ginamit sa pangungusap?
A. habang C. masaya
B. magkaibigan D. naglalaro

_____12. Nagtago sa madilim na kuwarto sina Tony at Pedro. Anong salitang


naglalarawan ang ginamit sa pangungusap?
A. kuwarto C. nagtago
B. madilim D. sina

_____13. Tuwing umaga, magkasabay na pumapasok sina Annie at Greg sa


paaralan. “Tara, maglakad na tayo para hindi tayo mahuli sa klase,”
anyaya ni Greg. “Sige”, sagot ni Annie. “Meron nga pala tayong
pagsusulit ngayon sa Filipino. Nag-aral ka ba?,tanong ni Greg. “Oo
naman, pinaghahandaan ko ang araw na ito.” Ano ang angkop na
wakas ng kuwento?
A. Nangopya si Annie.
B. Walang naisagot si Annie.
C. Pinagalitan ng guro si Annie.
D. Mataas ang nakuhang marka si Annie.

_____14. Lahat ng sumusunod ay sitwasyong naoobserbahan sa paaraln


MALIBAN sa isa.
A. Magalang na binabati ni Greg ang mga guro.
B. Tahimik na nakikinig ang mga bata sa kanilang guro.
C. Nagtutulungan ang magkakapatid sa mga gawaing bahay.
D. Tumayo nang matuwid si Lea habang inaawit ang Pambansang
Awit.

_____15. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang


maging malinis ang kapaligiran at makalikom ng pera.
Ano ang pinakaangkop na bagong kaalamang matutunan kaugnay
sa sitwasyon?
A. Mawawala na ang basura sa paaralan.
B. Hindi problema ng paaralan ang basura.
C. Dapat laging may proyekto ang paaralan.
D. Nalutas na ang suliranin sa basura at maaari pang kumita.

_____16. Lahat ng mga salita ay nakapaloob sa salitang “paaralan” MALIBAN


sa isa. Alin dito?
A. aral B. daan C. paa D. pala

_____17. Tinanong ka ng iyong tatay kung bakit gising ka pa na napakalalim


na ang gabi. Ano ang iyong sasabihin?
A. lang kayo!
B. Naglalaro pa lang ako!
C. Hindi pa ako makatulog!
D. Nag-aaral pa po kasi ako sa aking aralin Itay.

Basahin ang dalawang pahayag pagkatapos sagutin ang tanong sa ibaba.

Pahayag A: Ilokano ako, batang Pilipino


Mag-aaral nang mabuti upang maging matalino.

Pahayag B: Ako’y isang Tagalog, batang Pilipino


Timog Katagalugan lupang pinagmulan.

_____18. Ano ang pagkakatulad ng dalawang pahayag?


A. parehong Ilokano
B. parehong matalino
C. parehong Pilipino
D. parehong Tagalog

Basahin ang kuwento at sagutin ang tanong sa ibaba.

Ang paborito kong prutas ay mansanas. Ito ay matamis, malutong, makatas


at nakatutulong sa pagpapagana sa pagkain. Ito ay may taglay na mga bitamina at
mineral upang mapanatili akong malusog.

_____19. Mula sa talata, anong tanong ang iyong mabubuo kung ang sagot
na ibibigay ay “mansanas.”
A. Ano ang lasa ng prutas?
B. Sino ang kumakain ng prutas?
C. Ano ang taglay ng prutas na ito?
D. Anong prutas ang kanyang paborito?

_____20. _________ ang pamagat ng maikling kuwentong binasa mo?


Anong angkop na salita sa pagtatanong ang gagamitin?
A. Ano C. Kailan
B. Bakit D. Sino

_____21. Anong panlapi ang ikabit sa salitang “kinig” upang mabuo ang
pangungusap?
“Sila ay ____ (kinig) sa mga kuwento ni Lolo Marshal.”
A. an B. na C. nag C. um

_____22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng magalang na


pagpapahayag ng kaisipan?
A. Bakit ba kailangang igalang ang paniniwala o prinsipyo ng bawat tao?
B. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng
bawat tao.
C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o prinsipyo
ng bawat tao?
D. Kailangan nating igalang ang prisipyo o paniniwala ng bawat
tao upang mapanatili ang kapayapaan.
_____23. Sa oras ng _____________
Ako ay iyong ___________.

Aling pares ng salitang magkatugma ang angkop sa patlang upang mabuo ang
diwa?
A. man-saan
B. naririyan-kaibigan
C. kagipitan-malalapitan
D. pag-usapan-masolusyonan

_____24. Ugaliing _______ bago at pagkatapos kumain.

Anong pangkat ng salita ang ipinahihiwatig ng larawan?

A. batang malinis C. gumamit ng alcohol


B. sabon at tubig D. maghugas ng kamay

_____25. Idineklara ng mayor ang Enhanced Community Quarantine sa buong


lungsod. Anong katanungan ang angkop sa salaysay na naibigay?
A. Bakit may Enhanced Community Quarantine?
B. Paano kumalat ang nakahahawa at nakamamatay na virus?
C. Sino ang nagdeklara ng Enhancement Community Quarantine?
D. Bakit hindi makalabas ang mga bata at matatanda sa buong lungsod?

_____26. Umalis ang tatay kanina. ________ kaya siya pupunta?


Anong salitang nagtatanong ang angkop sa patlang?
A. Ano B. Kailan C. Saan D.Sino

_____27. Alin dito ang wastong baybay ng salita na ang katumbas na


kahulugan nito ay katibayan?
A. ebedinsia C. ebidensiya
B. ebedensiya D. ibidensiya

_____28. Ang mga puno sa Bundok Makiling ay _______kaya maraming ibon


ang naninirahan dito. Ano ang angkop na salitang naglalarawan ang
gamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. maliliit C. mayayabong
B. matatanda D. nalalanta

_____29. Nakatira sa kabilang ilog si Alberto malapit sa paaralang


pinapasukan. Malakas ang ulan kaya lumalim ang tubig sa ilog ng araw na iyon.
Mayroon kasi silang pagsusulit. Dalawa ang daan papunta sa paaralan. Ang
pagtawid sa ilog at pagtawid sa tulay na may kalayuan sa kanilang bahay. Sa
inyong palagay, ano kaya ang gagawin ni Alberto?
A. Tumawid siya sa tulay.
B. Hindi pumasok sa paaralan.
C. Hinintay niyang tumigil ang ulan.
D. Tumawid siya sa ilog dahil mas malapit sa paaralan.

_____30. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Beth at


nasasabik na pumasok. Tinawag sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi
nakapagsalita si Beth. Ano ang pinakaangkop na bagong kaalaman ang matutuhan
kaugnay sa sitwasyon?
A. Masaya ang unang araw ng pasukan
B. Laging magpapakilala sa unang araw ng pasukan.
C. Maraming bagong kakilala sa unang araw ng pasukan.
D. Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng
klase.

_____31. Lahat ng mga larawan o simbolo ay madalas makikita sa daan


MALIBAN sa isa. Alin dito?

A. C.

B. D.

_____32. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may pagkakatulad?


A. Masipag na bata si Ben at tamad naman si Mar.
B. Matulin tumakbo ang kabayo. Mabagal lumakad ang pagong.
C. Magaling sa sipa si Mario samantalang sa badminton naman si Marvin.
D. Malamig ang simoy ng hangin sa bukid. Malamig ang hangin tuwing
Disyembre.

_____33. Si Aling Rosa ay hindi sumusunod sa batas. Palagi niyang sinusunog


ang mga plastic, damo, papel at iba pang basura sa kanilang
bahay. Sa inyong palagay, ano kaya ang maaaring mangyari kay
Aling Rosa?
A. Palaging malinis ang kanilang bahay.
B. Gagayahin siya ng kaniyang mga kapitbahay.
C. Ipagmamalaki siya ng kaniyang mga kapitbahay.
D. Maaari siyang madakip at makulong sa paglabag sa batas.

_____34. Mula sa ibang bansa si Joana. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng
kanyang kaklase, huwag siyang kausapin ng Ingles upang mapilitang
magsalita ng Filipino. Hindi niya alam na parehong mahusay sa Filipino
at Ingles ang kanilang kamag-aral? Sa inyong palagay, ano ang
pinakaangkop na bagong kaalaman ang matutunan batay sa
sitwasyon?
A. Matutong makipagkaibigan.
B. Iwasang mapalapit sa baguhan.
C. Hayaang maunang makipagkaibigan ang bago.
D. Kilalanin muna ang tao bago magsalita tungkol dito

Basahin ang dalawang kuwento pagkatapos sagutin ang tanong sa ibaba.

Si Mang Pedring ay isang Ang pangalan ng aking


ulirang ama. Lahat ay ginagawa ina ay Jean. Siya ay masipag
niya para lamang maigapang sa at mapagmahal na ina. Maaga
pag-aaral ang kaniyang tatlong pa lang nagluluto na siya para
anak. Sa araw ay nagtatrabaho may makain kaming almusal
siya sa bukid, nag-aararo, bago pumasok sa paaralan. Sa
nagbubungkal ng lupa at aming pag-uwi masayang
nagtatanim ng mga mais at palay. ngiti ang babati sa amin at
Mahal na mahal niya ang kanyang mahigpit na yakap.
mga anak.

_____35. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagkakatulad ng


dalawang kuwento?
A. Nagpapakita ng pagtutulungan ang bawat tauhan.
B. Ang pinag-uusapan sa kuwento ay tungkol sa pagkain.
C. Ipinapakita ang mga tauhan ang pagmamahal nila sa kanilang mga anak.
D. Ang mga tauhan sa kuwento ay walang malasakit sa kanilang mga anak.

_____36. Si Francis ay madalas kulang ang oras sa pagtulog dahil sa paglalaro ng online
games. Anong katanungan ang angkop sa teksto?
A. Bakit tuwang tuwa si Francis sa paglalaro ng online games?
B. Sino ang nagagalit kay Francis sa paglalaro ng online games?
C. Saan pumupunta si Francis upang maglaro ng online games?
D. Sino ang madalas na kulang ang oras sa pagtulog dahil sa paglalaro ng online
games?

37-40. Panuto: Isulat sa anyong talata ang sumusunod na pangungusap nang may
wastong baybay, bantas at malaki o maliit na letra.
1. siya si Ayla. Siya ay magaling umawit.
2. umaawit siya araw-araw sa kanilang paaralan.
3. maganda ang buses ni ayla. Gusto ito ng lahat.
4. Masaya ang mag-anak ni ayla tuwing omaawit.

RUBRIKS SA PAGSULAT NG TALATA


Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
4 pts 3 pts 2 pts 1 point
Naisusulat sa Malinaw, Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos ang
anyong talata maayos ang pagkasulat at maayos ang pagkasulat at hindi
ang mga pagkasasulat at tama ang pagkasulat at may tama ang
pangungusap tama ang baybay, kaunting kamalian pagbabaybay,
nang may baybay, pagbabantas at sa pagbabaybay, pagbabantas at
wastong baybay, pagbabantas at gamit ng malaki pagbabantas at gamit ng malaki o
bantas at malaki gamit ng malaki o maliit na letra. gamit ng malaki o maliit na letra.
o maliit na letra. o maliit na letra. maliit na letra.

SUSI SA PAGWAWASTO
1.D 11. C 21.C 31.C
2.B 12.B 22.D 32.D
3.B 13.D 23.C 33.D
4.A 14.C 24.D 34.D
5.C 15.D 25.C 35.C
6.A 16.B 26.C 36.C
7.B 17.A 27.C 37.D
8.D 18.C 28.C 38.B
9.A 19.D 29.A 39.A
10.D 20.A 30.D 40.B

You might also like