You are on page 1of 3

SURALLAH CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL & SPED CENTER

1ST SUMMATIVE TEST


ESP IV QUARTER III

Pangalan: ____________________________________________Iskor: __________

I. Isulat kung TAMA ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at MALI kung hindi.

_______1.Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa.
_______2. Bilang isang Pilipino tungkulin nating alamin at pagyamanin ang ating kultura.
_______3. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman sa isang pangkat, kinakailangan malaman mo
ang kultura nito.
_______4.Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang natatanging pagpapahalaga sa kultura.
_______5. Ang epiko ay pasalitang anyo ng panitikan na matatagpuan sa mga grupong etniko.
_______6. Dapat nating ikahiya ang ating kultura.
_______7.Gawing kawili-wili ang pagbabasa ng kuwentong bayan, alamat at epiko.
_______8. Tangkilikin ang mga kuwento at palabas na gawa ng mga Koreano.
_______9. Isapuso at bigyang halaga ang mga kuwentong pamana ng ating mga ninuno.
_______ 10. Mayaman ang Pilipinas sa kultura.
_______11. Ang kulturang Pilipino ay mayaman sa sining at panitikan.
_______12. Ang Dandansoy ay isang popular na himig ng mga Ilonggo
_______13. Ang bugtong ay patalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda
noong upang mangaral at magpayo
_______14. Mula sa pagkabata natutunan natin ang paggalang sa kapwa.
_______15. Igalang natin ang mga nakatatanda sa atin.
_______16. Ang paggamit po at opo ay tanda ng paggalang.
_______17. Ang bugtong ay lubhang mapanghamon sa ating isip dahil sa matalinghaga nitong anyo.
_______18. Tangkilin ang mga sayaw at awiting banyaga kaysa sa atin.
_______19. Ang awiting Pilipino ay naglalarawan ng mga saloobin ng mga Pilipino sa buhay.
_______20. Ipagmalaki natin ang kulturang nakamulatan dahil yan ang pagpapatunay na
pagmamahal sa ating bansa.
II. Iguhit ang masayang mukha ( 😊 ) kung ang gawain ay nagpapakita ng pagmamalaki o
pagpapahalaga sa kultura ng pangkat etniko at malungkot namukha ( ☹ ) kung hindi.

________21. Kumain si Jessa ng Durian kahit di kaaya-aya ang amoy nito.


________22. Piniling lutuin ni Anna ang KBL na ipinagmamalaki ng mga Ilonggo kaysa Beefsteak.
________23. Pinagtawanan ni Jim ang mga batang nakabahag habang naglalaro ng basketbol.
________24. Inaawit ni Girlie ang Turaksoy kahit siya ay isang Ilokano.
________25. Bumili si May ng Piyaya na gawang Ilonggo upang ipasalubong sa kaniyang kamag-
anak.
________26. Itinapon ni Chelsey ang Tinadtad na ibinigay ng kaniyang kaibigang Muslim.
________27. Hiningi ni Julia ang resipi ng Kare-kare upang gayahing iluto sa kaniyang tahanan.
________28. Iginuhit ni Karl ang dekorasyong Sarimanok kahit siya’y Bikolano
________29. Tumulong si Marie sa paghahanda ng Tibuk-tibuk, isang ipinagmamalaking kakanin ng
mga Kapampangan.
________30. Kahit hindi isang Tboli, nagsanay si Mia upang matutunan ang paghahabi ng mga
Tnalak cloth.
III. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____31. Ano sa sumusunod ang batas na nagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran
ang dapat ipasunod sa ilog na malinis?
a. Huwag magtapon ng basura
b. Tumawid sa tamang tawiran
c. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
_____32. Ano sa sumusunod ang batas na pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran
ang pinaiiral sa mga parke?
a. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
b. Tumawid sa tamang tawiran
c. Iwasan ang pagpitas ng mga halaman at bulaklak
_____33. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong sundin?
a. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
b. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
c. Basura Mo, Pakibulsa Mo
_____34. Ano ang hindi mo dapat gawin bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili
ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?
a. Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
b. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura.
c. Paghihiwa-hiwalay ng nabubulok na basura at pagresiklo ng mga patapong bagay.
_____35. Madalas ninyong nararanasan ang pagbaha sa inyong lugar. Ano kaya ang dahilan kung
bakit nangyayari ito?
a. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.
b. Maling paraan ng pagtatapon ng basura na bumabara sa mga kanal.
c. Tinatakpan ng mga tao ang mga estero o kanal.
_____36. Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan nakita mo ang iyong kamag-aral na namimitas ng
bulaklak sa parke kahit may karatula na nakalagay na “Bawal Pumitas ng Bulaklak”. Ano ang iyong
gagawin?
a. Pababayaan ko siya sa kaniyang pamimitas.
b. Babawalan ko siya at sasabihin na mali ang kaniyang ginagawa.
c. Sasamahan ko siya sa pamimitas ng bulaklak.
_____37. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran maliban sa isa.
a. Paglahok sa Clean and Green Project sa inyong barangay.
b. Pagsama sa pag-aalis ng basura sa ilog na programa ng inyong barangay.
c. Pagsuporta sa pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
_____38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran?
a. Pagtatanim ng mga puno, gulay at halaman sa bakuran.
b. Pagtatapon ng basura sa ilog tuwing madaling araw.
c. Paglilinis ng kapaligiran tuwing may nakakakita lamang.
_____39. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may disiplina sa pangangalaga sa kalikasan
kahit walang nakakakita?
a. Si Janelle na nagwawalis sa loob ng silid-aralan tuwing nakatingin lamang ang kaniyang
guro.
b. Si Jan na araw-araw nagdidilig at nagtatanim ng halaman sa hardin ng paaralan kahit hindi
siya ang dapat gumagawa niyon.
c. Si Lerish na namumulot ng basura dahil nakikita ng punong-guro.
_____40. Alin sa mga barangay ang hindi nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran?
a. Barangay Masinop na sama-sama sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
b. Barangay Malinis na tulong-tulong sa paglilinis ng kanal at kapaligiran para sa paghahanda
tuwing tag-ulan
c. Barangay Pag-asa na nagtatambak ng kanilang basura sa bakanteng lote.

You might also like