You are on page 1of 13

Panunuring Pampanitikan

Pangkat 6- KRITIKONG DAYUHAN SA PANITIKANG BANYAGA

ARISTOTLE

• Itinuring na Isa sa pinakamatalinong tao.

• Itinatag Niya Ang Lyceum Academy sa Athens.

• Naging guro ni Alexander the Great.

Tatlong Mahalagang Kontribusyon ni Aristotle sa larangan ng Poetics;


• Imitasyon o Mimesis
• Porma at Kahulugan
• Tragedya at Katharsis

Pinapanigan ni Aristotle ang panulaan;

• Bilang katotohanan at katibayan ng tula bilang institusyon ng kalikasan.


• Bilang pang-moral ng katwiran sa isipan.

PLATO

• Isinilang noong 428 B.C sa Athens, Greece.

• Itinuring na Pangalawang Tungkong Bato ng sinaunang Gresya, kabilang sina Aristotle at


Socrates.

Tatlong Kontribusyon ni Plato sa pampanitikan;

• Ang Anyo at Suliranin ng Sining.

• Ang Inspirasyon ng Makata.

• Ang Panulaan bilang Tagapagturo. ng Kabutihan at Katotohanan.

• Ang Itinatag na sistema ni Plato ay malawakang sistema ng Pilosopiya na matibay ang Etikal na
pundasyon ng ideyang Eternal o Pormang kumakatawan sa daigdig.

Ang Kanyang sistema na inilahad ni Plato ay ang mga sumusunod;

• Teorya ng mundo ng mga Ideya

• Teorya ng pagiging Isa

• Katarungan at Kabutihan
• Edukasyon

Taliwas kay Aristotle, pinaniniwalas ni Plato na ang tula ay Isa lamang kontretong kalikasan.

Paniniwala ni Plato "Ang dahilan ay dapat sundan kahit saan manguna".

SOCRATES

• Isinilang siya noong 470 B. C

• Siya ay tinaguriang "Ama ng kanlurang Pilosopiya".

• Mababa ang kanyang Personalidad at Doktrina sa Dialogue at Memorabillia of Xenophon.

T.S ELIOT

• Taglay ang Pangalang Thomas Steams Eliot.


• Siya ay kilala dahil sa kanyang sanaysay, tradisyon at pansariling kakayahan sa isang kritisismo
at ang orihinal ay nakasulat sa ingles.

Pangkat 7

Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

1. Panitikang Pasalindila

2. Panitikang Pasalinsulat

3. Pasalintroniko

Katangian ng isang mahusay na kritiko

1. Ang Kritiko ay matapat sa sarili, itinuturing ang panunuri ng mga akdang Pampanitkan bilang isang
sining.
2. Ang Kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi
manunuri ng Lipunan, manunulat at mambabasa maging ng ideolohiya.

3. Ang Kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa Panitikan.
4. Ang Kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina
gaya ng lingwistika, Kasaysayan, sikolohiya at iba pa.

5. Ang Kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang sumasalamin sa paraan ng Konstruksyon batay sa
pagbuo sumusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kinakailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kaniyang pagmamalasakit, ay ipapakilala ng
mga Pangyayari ang mga unang taon ng kaniyang pamimili.

7. Dagdag pa, ay kinakailangang ang isang Kritik ay may kaalaman sa “tatlong bisa” ng isang akda.

A. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
C.Bisa sa Kaasalan

8. Hindi nagpapadala sa iba’t ibang Impluwensiya at sabi-sabi.

9. Tapat, objektibo at walang kinikilingan.

10. Sapat ang kakayahang kumilala ng mga kahinaan at kalakasan ng Panitikang Sinusuri.

11. Sapat ang kaalaman ukol sa Panitikan na kaniyang sinusuri at sa paksa nito.

Panitikang Pasalindila

• Mayroon na bago pa man dumating ang mga Kastila

• Nagpasalin-salin sa pamamagitan ng dila o pagkukuwento

A.EPIKO

-Mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan- naglalaman ng


mgapangyayaring ‘di kapani-paniwala

• Kadalasang paksa o tema:

• 1. katapangan at pakikipagsapalaranngbayani

• 2. Mga supernatural nagawing bayani

• 3. Pag-ibig at romansa

• 4. Mga yugtong buhay

• 5. Kamatayan at pagkabuhay

Mga halimbawa:

• *Biag ni Lam-ang - Ilocano

• * Maragtas - Bisaya
• * Hudhud at Alim-Ifugao

• * Tuwaang - Bagobo

B. ALAMAT

- Tumutukoy sa pinagmulan ng isang pook, isang halaman, ibon,bulaklak at iba pang mga bagay

- Maaaring kathang-isip lamang o maaari ring hango sa tunay napangyayari

C. AWITING-BAYAN

- Isang tulang inaawit na ang paksa ay hanapbuhay, kaugalian, damdamin, karanasan ng mga
taong naninirahan sa isang pook

Halimbawa:

*Oyayi – awit sa pagpapatulog sa mga sanggol

*Kundiman – awit sa pag-ibig

*Diona – awit na pangkasal

*Dalit – awit na pangrelihiyon

D. BUGTONG

• - Pahulaan ang paglalarawan

Halimbawa:

• Nagbibigay na'y sinasakal pa.

• Sagot: BOTE

E. SALAWIKAIN

- Patalinhagang pangaral na ginagamit ng matanda upang mangaral at akayin ang kabataan sa


mabuting asal

Halimbawa:

• *Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.

• *Ang hindi lumingon sa pinanggalingan Di makararating sa paroroonan.


F. SAWIKAIN/IDYOMA

- Pahayag na nagtataglay ng talinghaga

Halimbawa:

• *Bagong tao – binata

• *Butas ang bulsa – walang pera

G. KASABIHAN

- Bigkasin ng matanda sa pagpuna ng maling gawi o kilos ng kabataan

Halimbawa:

• *Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

• *Tiririt ng ibon, Tiririt ng mayaKaya lingon nang lingon, hanap ay asawa.

Panitikang Pasalinsulat

• Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang


panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan.

• Pagsusulat sa balabak ng kahoy, dahon, mga pasong luwad, o piraso ng metal; naging laganap ito
nang dumating ang mga Kastila.

Printing press - Ito ang dala-dala ng mga Kastila na dumating sa Pilipinas

Mga halimbawa:
Magasin
Arktikulo

Pasalintroniko
Ang pasalintroniko ay pagsalin panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng
teknolohiyang elektronika.

Halimbawa:
•Paggamit ng mga diskong kompakto plaka
• Rekorder
• Mga aklat na elektroniko
•Kompyuter

Mga halimbawa
Anyong Tuluyan Balita
- naisasalin ito sa kagamitang elektroniko tulad sa mga radio, telebisyon, internet, at iba pa upang
mapadali ang pagkalat ng impormasyon.

Talumpati
- sa panahon ngayon naisasalin na ito kagamitang elektroniko tulad sa mga kompyuter, telebisyon,
recorder, at iba pa para marami ang makaka panood or makakarinig nito.

Anyong Patula Melodrama

- naisasalin na ito sa kagamitang elektroniko tulad ng kompyuter, selpon, at iba pa. upang hindi na
mahirapan manonood nito.

Balagtasan

- ginagamitan na din ito ng


upang kagamitang mapakalat ang mga impormasyon kaalaman ukol sa topiko.

Pangkat 8

TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Bayograpikal

-Ito ay nakatuon sa lantad nang pagbubunyag ng ilang bahagi ng buhay ng manunulat


nakadaragdag sa kagandahan at kaisipan nito.

2. Historikal

-Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang
pampanitikan.

3. Klasismo

-Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,ukol sa pagkakaibang estado


sa buhay ng dalawang nag-iibigan.

4. Humanismo

-Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.

-Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatanto ng ng pag-aatal
na kumikilala sa Kultura.
5. Romantisismo

-Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at buong kinalakihan.

DALAWANG URI NG ROMANTISISMO

1. ROMANTISISMONG TRADISYUNAL

-Nagpapahalaga sa halagang pantao.

2. ROMANTISISMONG REBOLUSYONARYO

-Pagkamakasariling karakter ng Isang tauhan.

6. Pormalistiko

-Ang layunin ng panitikan ay magbigay sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan.

-Ranging pisikal na katangian ng akda ay pinakabuod ng padulog na ito.

7. Siko-Analitiko

-Layuning ilantad ang natatagong kahulugan sa akda o kaya maipakita ang tunay na intensyon ng
may-akda sa pagsusulat sa pamamagitan ng pagsusuri ng kilos o gawi at pananalitang ginagamit
ng tauhan sa akda.

8. Eksistensyalismo

-Eksistensyalismo o Existentialism sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito


dahil utak ang nagpapagana sa tao.

-nagmula sa kanlurang bahagi ng mundo at lubos na lumaganap noong ika-19 hanggang ika-20
siglo kung saan maraming manunulat ang ng impluwensyahan.

Tao sa likod ng Teoryang Eksistensyalismo.

Soren Kierkegard (1813-1855).

• Ay isang pilisopo at teologo mula sa Dinamarka noong ikalabing siyam na daang


taon.
• Ang ama ng Teoryang Eksistensyalismo

Jean Paul Sarte (1095-1980)

• isang pilosopong pranses.


Albert Camus (1913-1960)

• Isang Pranses na manunulat at pilosopo na ginantipalaan ng Gatimpalang Nobel noong


1957.

9. Istrukturalismo

-nakapaloob sa sistema ng wika na nakadepende naman sa aktwal na sinasabi o binibigkas.

-Ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika (langue) na nakadepende naman sa aktwal na sinasabi
o binigkas (parole).

-Kayat kung paghambingin ang Formalismo at Istrukturalismo:

Istrukturalismo

-nakapaloob sa sistema ng wika na nakadepende naman sa aktwal na sinasabi o binibigkas.

-habang ang Formalismo ay “lumalapit” sa teksto ang Istrukturalismo naman ay “lumalayo” para higit na
makalapit sa konteksto.

10. Dekonstruksyon

-Ito ay isang uri ng teoryang pampanitikan kung saan ang karaniwang istraktura ng kwento ay hindi
sinusunod.

-Ito rin ay may layuning ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.

Pangkat 9

TEORYANG PAMPANITIKAN

Feminismo
-Teorya na tumutukoy sa prinsipyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babe at
lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko at politikal.

Naturalismo
-Teoryang pampanitikan na naniniwalang walang Malayan kagustuhan ang isang tao
dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang herediti at kapaligiran.

Queer
-teoryang may layuning iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga
homosexual.

Sikolohikal
-Sa Teoryang ito makikita ang takbo o galas ng isipan ng manunulat.
Sosyolohikal
-Teoryang may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento.
-Nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.

Simiotika
-- Ang teorya at pag-aaral ng mga palatandaan at simbolo , lalo na bilang mga elemento
ng wika o iba pang mga sistema ng komunikasyon.

Marxismo
-Teoryang may isang pananaw at isang anyo ng pagsusuri sa ating lipunan.
-Binibigyang-pansin ang iba’t-ibang antas ng tao sa lipunan.
Klasiko
-Naniniwala na ang panitikan ay representasyon ng buhay.

Realismo
-Hango sa tooting buhay ngunit hindi tuwirang totoo.
-Layuning ipakita ang mga karanassn at nasaksihan ng may-akda sa kaniyang lipunan.

Modernismo
-Makabagong pananaw na may radical na pagkakaiba sa mga naisulat at naniwala na ang
sining ay isang interpretasyon ng bisyon ng mundo.

Imahinismo
-May layuning gumagamit ng imahen na higit na maghahayag sa mga kaisipan ng may
akda na higit na maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Pangkat 10

MGA HALIMBAWA NG PAGTATANGKA SA PAGSUSURI SA IILANG PILING


PAKSA:
 Maikling Kwento
 Nobela
 Sanaysay
 Alamat
 Anekdota

 MAIKLING KWENTO

o isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda.

Ang maikling ay may mga sumusunod na uri: kwento


Kuwentong Nagsasalaysay

• masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang
paglalahad.

Kuwentong Tauhan

• binibigayng diin nito ang tauhan ng mga tauhang gumagalaw sa kuwento

Kuwentong Katutubong Kulay

• binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook.

Kuwentong Sikolohiko

• ang mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa upang maipadama ang damdamin at
nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

Kuwentong Talino

• mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito.

Kuwento ng Katatawanan

• ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga


pangyayari.

Kuwento ng Katatakutan

• pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento.

Kuwento ng kababalaghan

• binibigyang diin nito ang mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at


salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao.

Kuwento ng Madulang Pangyayari

• ay kapansin-pansin, lubahang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang


pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan.

Kuwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa

• nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng
mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan.
NOBELA

• isang mahabang akda ng panitikan na karaniwang may masalimuot na plot, mga tauhan,
at tema.

Ang nobela ay may mga sumusunod na uri:

Romantikong Nobela

• ito ay nagpapakita ng pag-ibig at emosyon ng mga tauhan.

Pantasya

• may mga elemento ng kathang-isip, kagila-gilalas na mga kalakaran, at makabuluhang


mundong ibang-iba sa totoong buhay.

Aksyon

• ay puno ng aksyon, kaguluhan, at panganib.

Krimen

• Tumatalakay ito sa mga krimen, misteriyo, at pagsusuri ng mga kasong kriminal.

Historikal

• ay nagpapakita ng mga pangyayari, tauhan, at kalakaran mula sa nakaraang panahon.

Drama

• ay nagtatampok ng mga pangyayari at mga tauhan na may malalim na emosyon at


interpersonal na mga ugnayan..

Komedyang Nobela

• layuning magpatawa at magbigay-kasiyahan sa mga mambabasa.

Filipino Novels

• isinulat sa wikang Filipino at naglalakip ng mga tema at kwento na nauukit sa kultura

SANAYSAY

• Ito ay isang malayang pagsusulat na nagbibigay-daan sa manunulat na maipahayag ang


kanyang sariling pag-unawa at pananaw sa pamamagitan ng paglalahad ng katotohanan,
mga karanasan, at mga pangyayari.
Uri ng sanaysay:

Pormal

• tumatakbo sa mga malalim at mahalagang paksa ay kadalasang nangangailangan ng


malawak na pag-aaral at pag-unawa sa paksa.

Di-Pormal

• ay kadalasang nakatuon sa mga personal, araw-araw na paksa na mas madaling pag-


usapan.

Naratibong Sanaysay

• naglalaman ng mga kuwento o salaysay tungkol sa mga personal na karanasan ng


manunulat.

Deskriptibong Sanaysay

• naglalayong maglarawan o magbigay ng paglalarawan tungkol sa isang tao, lugar, bagay,


karanasan, o sitwasyon.

Argumentatibong Sanaysay

• naglalayong magpahayag ng opinyon o pananaw ng manunulat tungkol sa isang tiyak na


paksa, kasama ang mga dahilan at mga datos na nagpapalakas ng kanyang posisyon.

Malikhaing Sanaysay

• naglalaman ng mga personal na karanasan, imahinasyon, o kaisipan ng manunulat.

ALAMAT

• Kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig

Halimbawa: Ang alamat ng Pinagmulan ng tao.

Layunin ng alamat:

• Magpaliwanag -pinaka-pangunahing layon ng alamat

• Magbigay Libangan -kwentong kadalasang napag-uusapan ng may pagkamangha.

• Magbigay Aral o Leksyon -magturo ng mabuting aral lalong-lalo na sa mga bata

Elemento ng alamat:

1. Simula
• Tauhan - Sino-sino ang magsisiganap sa kuwento
• Tagpuan - Lugar at panahon ng pinangyaharihan ng insident.
2. Gitna
• Saglit na kasiglahan -Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan.
• Tunggalian -Pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan.
• Kasukdulan -Bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.

3. Wakas - pagwawakas ng kwento.

ANEKDOTA

• naglalaman ng isang nakakatawang kaganapan o kawili-wiling pngyayari na tumatalakay


da mga kilalang personalidad o sitwasyon sa buhay ng tao.

Mga uri ng anekdota:

• Pambihira -nakakatuwang pangyayari.


• Sosyal -tungkol sa mga taong may katayuan sa buhay.
• Mapanlait -nakakatawa dahil sa mga pagkakamali.
• Pampubliko -May kaugnayan sa mga tao sa publiko.
• Sosyal-Politik -Paksang panglipunan
• Pambata -Naglalaman ng mga nakakatawang pangyayari na nakatuon sa mundo
ng mga bata.

You might also like