You are on page 1of 14

AP/ HUMSS PEACE CURRICULUM

LESSON EXEMPLAR
Paaralan: Baitang: IKAPITO
Guro: Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Petsa/ Oras: Theme: COMPASSION

Layunin sa Mga Pamamaraan Pagtataya


Pagkatuto Kagamitan
Nasusuri ang mga Mga Aklat: A. Panimulang Gawain: GAWAIN 10: Modified
pamamaraang • Asya: True or False
ginawa ng mga Pagkaka ❖ PAGSASANAY Panuto: Suriin ang mga
Kanluranin sa isa sa Gawain 1: Halu-Letra pahayag at isulat ang
pananakop ng Gitna ng Panuto: Ayusin ang mga titik ng anagram upang matukoy ang mga Tama kapag wasto.
mga bansa sa Pagkaka salita o konsepto na may kinalaman sa paksang aralin. Kapag Mali, palitan ng
Timog Asya. iba, tamang sagot ang
Araling OLYKONIMOALS K L Y S O nakasalungguhit na
Panlipu salita.
RATMOEKILINMS M E A N L S M 1. Sa mga bansang
nan
Modyul PERYAMOIMLIS I P E Y A I O kanluranin,
para sa nagtagumpay ang
NYLOCO C L O Y
Mag- France na sakupin at
aaral, RATEPROCTOTE P O T C R T maisakatuparan ang
Rosemar interes nito sa likas na
ie Inaasahang Sagot: yaman at hilaw na
Blando, 1. Kolonyalismo materyales ng India.
Adelina 2. Merkantilismo 2. Layunin ng paggamit
3. Imperyalismo ng pwersang militar na
Sebastia 4. Colony hatiin at pagharian ang
n et. Al 5. Protectorate ang mga tribo kung saan
• Araling pinag-aaway ng
Asyano, Pamprosesong Tanong: mananakop ang mga
Padayon, 1. Alin sa mga nabuong salita o konsepto ang pamilyar ka? lokal na pinuno upang
Araling 2. Kung ilalapat ang mga ito sa panahon ng pananakop, ano ang mapasunod at masakop
Panlipun kahulugan ng bawat salita o konsepto? Ipaliwanag. ang ibang tribo.
an sa 3. Naging epektibo ang
Siglo 21, ❖ BALIK-ARAL pakikipagkaibigan at
Ronaldo Gawain 2: Balik-Tanaw pakikipagkalakalan ng
B. Mactal Panuto: Punan ang talahanayan ng hinihinging impormasyon na may mga British para
• Asya: kinalaman sa sinaunang kabihasnan sa Asya. makuha ang loob ng mga
Pag- Indian bago
usbong Lugar na Umunlad na Mahalagang Paano sila isakatuparan ang
ng Pinagmulan Kabihasnan Kontribusyon naglaho? hangaring pakinabangan
Kabihasn ng nang husto ang likas na
an, Kabihasnan yaman nito.
Batayang Mespotamia 4. Bilang protectorate,
Aklat sa Indus Valley ang India ay matagal na
Araling China direktang kinontrol at
Panlipun pinamahalaan ng
an,Grace B. Panlinang na Gawain: England.
Mateo, ❖ Paghahabi ng Layunin 5. Sa patakarang
Ricardo Gawain 3: Tuklasin kolonyalismo, hangad ng
Jose, Panuto: Suriin ang political cartoon at pagkatapos ay sagutin ang isang malalakas at
Ma.Luisa mga pamprosesong tanong sa ibaba. makapangyarihang
Camagay, bansa na mangibabaw
et Al na mapalawak ang
kontrol o awtoridad sa
Mga link mga dayuhang lupa para
galing sa sa pagbuo,
internet:
https://rb. pagpapanatili, at higit na
gy/2fm2xk pagpapalakas ng
imperyo.
https://rb.
gy/ckhwjo Sagot:
1. England
https://rb. 2. Divide and Rule
gy/2t009f 3. Tama
4. Colony
https://rb. 5. Imperyalismo
gy/6xjd4i Pinagkunan: https://rb.gy/2fm2xk

https://rb. Pamprosesong tanong:


gy/676o1v 1. Ano- ano ang nakikita sa political cartoon?
2. Alin kaya sa mga nakikita ang maituturing na simbolo o sagisag?
https://rb. Tukuyin ang kahulugan ng bawat simbolo.
gy/l7f3l3 3. Sa pangkabuuan, anong mensahe ang nais nitong iparating?
4. Batay sa iyong pagsusuri, ano ang maaaring titulo ng cartoon?
https://rb.
gy/5s159q v Pag-uugnay ng mga Gawain sa Bagong Aralin
Gawain 4: 3Gs
https://rb. Panuto: Suriin ang diagram at iugnay ito sa panahon ng paggagalugad
gy/gq9uav at pananakop.
https://rb.gy/yfw6x9 https://rb.gy/xt3npn https://rb.gy
/jf4jqi
Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong palagay, ano ang tinutukoy na God, Gold and Glory na may
kinalaman sa panahon ng paggagalugad ng mga taga-Kanluranin sa
iba’t-ibang panig ng mundo kabilang ang Asya?
2. Paano ito naging mahalagang salik upang tuluyang sakupin ang mga
natuklasang bansa lalo na sa Asya?
3. Sa iyong pananaw, bakit mahalaga ang mga ito sa kanila?
4. Kung ikaw ang tatanungin, alin sa tatlong dahilan ang maaaring mag-
udyok sa iyo para maggalugad? Bakit?
v Pagtalakay sa Bagong Konsepto At paglalahad ng Bagong
Kasanayan
Gawain 5: Picture Puzzle
Panuto: Bubuo ng apat na grupo ng mga mag-aaral upang buuin ang
puzzle sa loob ng dalawang minuto (2). Pagkatapos ay tutukuyin ang
nabuong larawan at bibigyan ng maikling paliwanag sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Picture Puzzle 1 Picture Puzzle 2

https://rb.gy/676o1v https://rb.gy/l7f3l3
Picture Puzzle 3 Picture Puzzle 4

https://rb.gy/5s159q https://rb.gy/gq9uav

Inaasahang Sagot:
1. Picture Puzzle 1- Pakikipagkaibigan
2. Picture Puzzle 2- Pakikipagkalakalan
3. Picture Puzzle 3: Divide and Rule
4. Picture Puzzle 4: Pwersa ng Militar

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nabuong larawan?
2. Ano ang mga simbolong batayan ng iyong sagot?
3. Ikaw ba ay sumasang-ayon na ito ay isang pamamaraan na maaaring
isagawa upang masakop ang isang bansa? Ipaliwanag.

Gawain 6: Malayang Talakayan


Sa pamamagitan ng Segmented Cycle, tatalakayin ang iba’t ibang
pamamaraan na isinagawa ng mga Kanluranin upang masakop ang
Timog Asya.
Portugal
England
Pagsakop
sa Timog Pakikipag Pakikipag
Asya kaibigan kalakalan

Puwersa Divide
ng Militar and Rule
France

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa dayagram, pag-ugnay-ugnayin ang iba’t -ibang pamamaraan
na isinagawa ng mga Kanluranin upang tuluyang masakop ang Timog
Asya.
2. Alin sa mga nabanggit na pamamaraan ang higit na epektibo kung
bakit tuluyang nasakop ng mga Kanluranin ang mga bansa sa Timog
Asya lalo na ang India? Ipaliwanag.
3. Paano tinanggap ng mga taga India ang mga patakarang pinairal ng
mga Kanluranin?
4. Nakatulong ba o hindi sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga Indian
ang ginawang pananakop ng mga Kanluranin? Patunayan.

v Paglinang sa Kabihasan (tungo sa formative test)


Gawain 7: Patintero ng Kaalaman
Panuto: Bubuo ng dalawang pangkat ng mga mag-aaral na maglalaro
ng patintero. Pagtutulungan ng bawat miyembro na basahin at sagutan
ang mga nakahandang tanong.
Pagkatapos ay magtatalaga ng tatlong miyembro para makuha ang
flashcard ng tamang sagot sa pinakadulong linya sa pamamagitan ng
pagtawid at pagbalik sa mga nakaharang na kalaban ng hindi natataya.
Ang grupo na makakakuha ng maraming tamang sagot ang siyang
panalo.

Mga Tanong:
Panuto: Suriin at unawain ang mga pahayag upang matukoy ang
tamang sagot.
1. Bansang Kanluranin na nagtagumpay na sakupin ang mga bansa sa
Timog Asya sa mahabang panahon.
2. Patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang
magamit ang mga likas na yaman nito para sa sariling interes.
3. Ito ay isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away
ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno upang mapasunod at
masakop ang buong isla.
4. Ito ay tumutukoy sa dominasyon ng isang makapangyarihang bansa
sa mahina at maliit na bansa.
5. Prinsipyong pang-ekonomiya kung saan ang batayan ng kayamanan
ng bansa ay ang dami ng ginto at pilak na mayroon ito.

Inaasahang Sagot:
1. England
2. Kolonyalismo
3. Divide and Rule
4. Imperyalismo
5. Merkantilismo

C. Pangwakas na Gawain
❖ Paglalahat
Gawain 8: Kumpletuhin Mo!
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng
pagbubuo ng bawat pangungusap o pahayag.
Natutunan ko na tuluyang nasakop ng mga
Kanluranin ang mga bansa sa Timog Asya sa
pamamagitan ng
___________________________________________________.
Tinanggap ito ng mga Indiano kung kaya
___________________________________________________.
Sa kabuuan, napagtanto ko na ____________________.

❖ Paglalapat
Gawain 9: Panindigan Ko!
Panuto: Ipapahayag ng mag-aaral ang kanyang paninindigan sa
ginawang pamamaraan ng mga Kanluranin sa pagsakop sa mga
bansa sa Timog Asya.

Makatarungan ba
ang ginawang
Oo pamamaraan ng Hindi
pananakop ng
mga Kanluranin
sa Timog Asya?
❖ Karagdagang Gawain
Gawain 8: TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik tungkol sa sumusunod:
1. Ano ang mga bansang Kanluranin ang sumakop sa Kanlurang
Asya?
2. Bakit hindi maagang nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang
Asya sa unang yugto ng pananakop?
3. Ano ang mahalagang salik na nagbigay-daan sa mga Kanluranin
upang ipatupad ang sistemang mandato sa mga bansa sa Kanlurang
Asya?

Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral pp. 203-204, 206-211
Inihanda ni:

Josefina M. Areza

Iwinasto ni:

____________________

Binigyan Pansin ni::

Genovie G. Tagum
Master Teacher II/Officer In-Charge

Sinuri ni:

Mildred T. Tuble
Cluster IV/Public Schools District Supervisor

Pinagtibay ni:

Veronico O. Gonzales Jr
A.P. Education Program Supervisor
Susi ng Waswasto:

Gawain 1: Halu-Letra
1. Kolonyalismo
2. Merkantilismo
3. Imperyalismo
4. Colony
5. Protectorate

Gawain 2: Balik-Tanaw

Lugar na Umunlad na Mahalagang Kontribusyon Paano sila naglaho?


Pinagmulan Kabihasnan
ng
Kabihasnan
Mespotamia Sumer Ziggurat, sistema ng pagsusulat- Pagsakop ng kanilang lupain
cuneiform, epiko, araro, kariton na ng mga grupong nainggit sa
may gulong, lunar calendar at natamong pag-unlad
decimal system
Indus Valley Mhergah Grid patterned na lansangan at pare Ngakaroon ng kalamidad o
pareho na sukat ng bloke ng pagsakop ng kanilang lugar
kabahayan, palikuran at imburnal,
Pictogram- sistema ng pagsusulat
China Shang Potter’s Wheel, Calligraphy -sistema Kalamidad o pagsakop sa
ng pagsusulat kanilang lugar

Gawain 3: Tuklasin
Pamprosesong tanong:
1. Ano- ano ang nakikita sa political cartoon?
Tao na nasa gitna at maraming kamay na nakahawak sa malilit na isla
2. Alin kaya sa mga nakikita ang maituturing na simbolo o sagisag? Tukuyin ang kahulugan ng bawat simbolo.
Sombrero – bansang Kanluranin
Kamay -namamahala/ komokontrol
Maliliit na isla – mga kolonyang bansa
3. Sa pangkabuuan, anong mensahe ang nais nitong iparating?
Bansang Kanluranin na nanguna sa pagkokolonya ng maliliit na mga bansa upang pakinabangan ang likas na yaman at
mapalawak ang kapangyarihan
4. Batay sa iyong pagsusuri, ano ang maaaring titulo ng cartoon?
Kolonyalismo
Gawain 5: Picture Puzzle
1. Picture Puzzle 1- Pakikipagkaibigan
2. Picture Puzzle 2- Pakikipagkalakalan
3. Picture Puzzle 3: Divide and Rule
4. Picture Puzzle 4: Pwersa ng Militar
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nabuong larawan?
Picture Puzzle 1- Pakikipagkaibigan
Picture Puzzle 2- Pakikipagkalakalan
Picture Puzzle 3: Divide and Rule
Picture Puzzle 4: Pwersa ng Militar
2. Ano ang mga simbolong batayan ng iyong sagot?
Pakikipagkaibigan -Sanduguan bilang tanda ng malalim na pagkakaibigan
Pakikipagkalakalan –palitan ng iba’t-ibang produkto
Divide and Rule- division sign at crown
Pwersang Militar – kawal/sundalong may hawak ng espada
3. Ikaw ba ay sumasang-ayon na ito ay isang pamamaraan na maaaring isagawa upang masakop ang isang bansa? Ipaliwanag.

Gawain 6: Malayang Talakayan


Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa dayagram, pag-ugnay-ugnayin ang iba’t -ibang pamamaraan na isinagawa ng mga Kanluranin upang tuluyang
masakop ang Timog Asya.
2. Alin sa mga nabanggit na pamamaraan ang higit na epektibo kung bakit tuluyang nasakop ng mga Kanluranin ang mga bansa
sa Timog Asya lalo na ang India? Ipaliwanag.
Pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan
3. Paano tinanggap ng mga taga India ang mga patakarang pinairal ng mga Kanluranin? Maraming nasyonalistikong pinuno ang
naghangad ng reporma ngunit dahil sa malaking kapakinabangan sa ekonomiya kaya tinanggap nila ang mga British bilang
tagapamahala nila.
4. Nakatulong ba o hindi sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga Indian ang ginawang pananakop ng mga Kanluranin? Patunayan.
Malaki ang naiambag sa pang ekonomikong kabuhayan ng mga Indian.
Patunay:
1. pagpapaayos ng mga kalsada, tulay, riles ng tren, mga pagawaan, sistema ng komunikasyon, at irigasyon
2. Sa larangan ng edukasyon, ginamit ang Ingles bilang panturo at maraming mga Indian ang ipinadala at pinag-aral sa England
3. Pinaunlad ang agrikultura

Gawain 7: Patintero ng Kaalaman


1. England
2. Kolonyalismo
3. Divide and Rule
4. Imperyalismo
5. Merkantilismo

Gawain 8: Kumpletuhin Mo!


Natutunan ko na tuluyang nasakop ng mga Kanluranin ang mga bansa sa Timog Asya sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan,
pakikipagkalakalan, divide and conquer at pwersang militar.
Tinanggap ito ng mga Indian kung kaya sila ay pinamahalaan ng England sa mahabang panahon.
Sa kabuuan, napagtanto ko na madaling nasakop ng mga kanluranin ang mga bansa sa Timog Asya dahil na rin sa kawalan ng
pagkakaisa ng mga mamamayan. Ikalawa, dahil sa maraming naging pagbabagong dala ng mga British na nakatulong sa pagpa-
unlad sa kanilang pamumuhay.

GAWAIN 10: Modified True or False

1. England
2. Divide and Rule
3. Tama
4. Colony
5. Imperyalismo

You might also like