You are on page 1of 2

Mga Angkop na Ekspresyon

May mga pagkakataong kailangang magpaliwanag, maghambing, at magbigay opinyon. Mahalaga ang mga
kasangkapang ito upang makapaglahad ng saloobin, lalo na sa anyong pagsulat.

• Sa pagpapaliwanag ito ay may kaugnayan din sa pagbibigay ng opinyon, maaaring iminumungkahi ang paglatag ng
isang tesis o ideya bago ang paglalahad ng mga dahilan.

Ang mga halimbawang gamiting kataga sa isang proposisyon ay ang “dahil” at “sapagkat.” Kung inilalatag naman ang
dahilan, maaaring gamitin ang mga ekspresyon sa pag-iisa-isa.

Halimbawa: Pinagbintangang magnanakaw ang dalawang sakristan dahil maraming bisyo ang kanilang ama.

• Sa paghahambing ito ay paraan ng paglalahad na kung saan nakakatulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing. Maaaring gamitin
ang mga pares ng katagang “sa isang banda…sa isa namang banda…”, kung dito ay… dito naman ay…”, samantala at iba
pa.

Halimbawa: Ang mga kabataan noon ay abala sa mga larong lansangan, sa isang banda, ang mga kabataan ngayon ay
abala sa 8 larong Mobile Legends.

• Sa pagbibigay ng opinyon ito ay maaaring totoo at maaari ring hindi. Ito ay saloobin lamang ng isang tao batay sa
kanyang sariling kahulugan sa mga nakikita. Kadalasan, gumagamit ng mga pananda ang mga opinyon upang malaman
na ito ay pansariling pagtingin o paghusga lamang gaya ng sa tingin ko, Kung ako ang tatanungin, sa palagay ko, para sa
akin at sa aking opinyon

Halimbawa: Sa aking palagay, namatay si Crispin dahil sa lupit na ginawa ng sakristan mayor sa kaniya.

You might also like