Professional Documents
Culture Documents
Pangala 1
Pangala 1
A.Panuto: basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag na may kinalaman sa kulturang
popular at sa pagsasaalang-alang sa mga mahahalagang bahagi sa paghahambing ng teksto. Lagyan
ng t kung tama ang inilalarawan sa pahayag at m naman kung mali ang inilalarawan nito. Isulat ang
sagot sa inilaang patlang.
1. Ang tono ng teksto ay tumutukoy sa nangingibabaw na damdamin ng manunbulat tungkol sa kung
ano ang kanyang isinulat sa teksto.
2. Sa pananaw sa pagsulat ng teksto, kinakailangan din isaalang-alang ang paggamit ng mga salita
kung ito ba ay naaangkop sa tema.
3. Ang pangungusap sa pagbuo ng teksto ay kinakailangang naghahatid din ng paksang-diwa.
4. Ang layon ay tumtukoy sa layunin ng isang manunulat sa pagsulat ng teksto.
5. Sa pagbuo ng talata, kinakailang ang mabisa ang mga salitang ginamit na naaangkop sa tema o
paksang-diwa ng teksto.
B,Panuto .Tukuyin ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga datos o impormasyon sa
pananaliksik
1. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang mga materyales.
2. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat,
pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa
3. Isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos ang pagsasagawa ng interbyu. Sa
biglang tingin, ang paraang ito ay hindi nangangailangan ng maraming kagamitan—tanging
recorder at sulatan lamang at ng komplikadong kasanayan sa pakikipag-usap. Magagawa ito
sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa
paksang hinahanapan ng impormasyon.
4. Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga katanungang nais masagot hinggil sa
paksa.
5. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mahalagang pangyayari upang hindi
makalimutan.
6. Magagawa ito sa pamamagitan ng pangangalap ng opinyon at katuwiran ng ibang tao.
7. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng isang questionnaire sa isang grupo ng
mga respondente.
8. Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o
pakikisalamuha sa isang grupo ng tao.
9. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda.
10. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambahay, kaibigan,
kapitbahay, o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalastasan sa kanila hinggil
sa isang paksa. Kalimitang ang usapan ay maikli lamang at pormal.
1.
2.
3.