You are on page 1of 5

DISTRICT: MALITA WEST

Teacher Broadcaster: ANACEL T. BACLAY


Subject: ARALING PANLIPUNAN 5
Title: Paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong pre-kolonyal
Quarter/ Episode No.: Unang Markahan Episode 1- Module 4

VIDEO AUDIO
DEPED TV OBB
AP 5 Bumper
FULL SCREEN TB: TB ON CAM:
Intro spiel Isang mapagpala at magandang araw sa
lahat! Kumusta na po mga bata? ako po
si Bb. Anacel T. Baclay. Halina at
samahan ninyo akong maglakbay, ating
tuklasin ang Paraan ng pamumuhay ng
mga sinaunang Pilipino sa panahong pre-
kolonyal.
Insert Picture of a museo
Mga bata, narito ako ngayon sa isang
museo. Ang museo ay isang lugar na
bukas sa publiko kung saan inilagay ang
mga mahahalagang bagay ukol sa sining
at kasaysayan ng isang bansa.

Ngunit bago ang lahat, sasagutin muna


natin ang sumusunod na katanungan:
1.) Sino ang arkeologong Australian na
naniniwala na ang mga Austrenesean
ang unang ninuno ng mga Pilipino?
Mo pop up – (Peter Bellwood)
2.) Ano ang batayan ni Bellwood sa
kanyang paniniwala?
Mo pop up – (Wikang ginagamit,
Kultura at Pisikal na katangian)
3.) Sino ang antropologong Amerikano
na naniniwalang ang mga Austrenesean
din ang unang tao sa Pilipinas. Ayon sa
kanyang Nusantao Theory?
Mo pop up - (Wilhelm Solheim II)
Magaling! Iyon ang teoryang batayan na
pinaniniwalaang pinagmulan ng unang
pangkat ng tao sa Pilipinas.
Insert Picture na makikita sa
kanang bahagi at kaliwang bahagi
ng museo.
Ano ang inyong nakikita sa kanan at
kaliwang bahagi?

Tama!

Sa kanang bahagi makikita nyo ang


larawan ng ling-ling. At Sa kaliwang
bahagi naman makikita ang larawan ng
pinakinis na bato.

Ngunit, ano nga ba ng kaugnayan ng


mga larawang ito sa ating aralin?

Halina at samahan nyo akong alamin ang


mga ito. Dahil sa Araling Panlipunan,
masayang pag-aralan ang nakaraan.
Music: Samtang nag play ang
music mo pop up ang word nga
paraan ng pamumuhay ng
sinaunang Pilipino sa panahon ng
pre-kolonyal.
View Half face TEACHER ON CAM

Isang malaking kayamanan ng ating


bansa ang balikan ang kasaysayan.

Sa panahon ng pre-kolonyal,
pinatutunayan ng ating mga ninuno ang
kanilang kakayahan sa pag-ankop ng
kanilang kapaligiran. Bago pa dumating
ang mga dayuhan ay umiiral na ang
sistema at kaayusan ng mga sinaunang
Pilipino. Naging napabuti at napahusay
ang paraan ng kanilang pamumuhay sa
paglipas ng panahon.

Ngunit ano nga ba ang ibat-ibang yugto


sa panahon ng pre-kolonyal?

Tara na! at ating tuklasin.

Sabayan ninyo akong alamin ang


nakaraan.

Nakatuklas at nakagawa ng mga


kasangkapan ang sinaunang Pilipino,
upang mapadali ang kanilang gawain sa
pang araw-araw. Umunlad ito at
nagbago ang kanilang pamumuhay. Ang
yugtong ito ay tinatawag bilang panahon
ng bato. Ito ay nahahati sa tatlo.
Mo pop up ang word nga ibat-
ibang yugto sa panahon ng pre-
kolonyal, with matching music.
1. Panahon ng paleolitiko o
lumang bato
2. Panahon ng neolitiko o
bagong bato
3. Panahon ng metal
TEACHER ON CAM

Natatandaan niyo pa ba ang nakasulat sa


screen? Magaling! Ating tatandaan na sa
panahon ng paleolitiko ang mga tao ay
naninirahan sa yungib. Gumamit sila ng
mga tinapyas na batong magaspang
bilang kasangkapan sa pangangalap ng
pagkain.

Tinatayang sa panahong ito nabubuhay


ang taong tabon.
E view ang picture sa pagsasaka, Sa panahon ng neolitiko naman,
pangingisda at paggawa ng nagsimulang paunlarin ang kanilang
bangka. pamumuhay.
Lumisan sa yungib at nagsimulang
nanirahan sa tabi ng dagat at ilog.
Nagsimula ring magsaka at mag-alaga
ng hayop.
Dahil dito, naging permanente ang
kanilang paninirahan.
Nagkaroon sila ng espesyalisasyon.
Tulad ng pagsasaka, panginigisda, at
paggawa ng bangka.
Sa paglipas ng panahon, natuklasan
naman ang paggamit ng metal. Ano ba
ang antas ng kanilang pamumuhay sa
panahong ito? Sabayan ninyo ako at
ating tuklasin.
Pop up ang sentence nga panahon
ng metal
1. Maagang panahon ng metal
2. Maunlad na panahon ng
metal
Sa maagang panahon ng metal
natutuklasan ng mga antropologo ang
brose buhat ng mangangalakal sa Timog
Silangang Asya. Nahukay rin ang
palamuti tulad ng ling-ling at ilang yari
sa jade.
E view ang picture sa sibat at Sa maunlad na panahon ng metal. Dito
kutsilyo. napahusay ng mga Pilipino ang
kasangkapang metal. Isa sa mga
patunay nito ay ang nahukay na talim ng
sibat, kutsilyo at iba pang sandata sa
Masbate at Novaliches Quezon City.
Mga bata, natatandaan niyo pa ba ang
ating napag-aralan ngayon? Tara na at
ating subukan ang talas ang iyong
kaisipan. 10 segundo ang pagsagot.

GAMES: Hulaan mo ako (Pinoy Henyo


style)

Panuto: Sabihin kung ano ang


naaangkop na panahon: Sagutin ito sa
loob ng mahigit kumulang 1 minuto. Bawat
sagot at tanong ay may time na 10 seconds
lamang.

___________1.) Natutuhan ng nga


sinaunang tao ang paggamit ng bato.
___________2.) Naninirahan sa mga
yungib at gumamit ng mga tinapyas na
bato bilang kasangkapan.
___________3.) Nilisan ng mga
sinaunang tao ang yungib at
namumuhay ayon sa kanilng
pangangailangan.
___________4.) Dito natutuklasan ng
mga Pilipino ang paggamit ng metal.
___________5.) Higit na napaghusay ng
mga Pilipino ang kasangkapang metal.

Narito ang mga sagot:


1. Panahon ng bato
2. Panahong paleolitiko
3. Panahong neolitiko
4. Panahon ng metal
5. Maunlad na panahon ng metal
Mahusay! Sanay galingan ninyo ang
iyong pag-aaral.
EXTRO:

Laging isaisip na ang lahat ng bagay na


isinusulat noong una ay isinulat para sa
ating pagkatuto. Kaya’t napakahagang
pag-aralan ang nakaraan. Lalong –lalo
na sa Araling panlipunan, napakasayang
balikan ang nakaraan.

Dito nagtatapos ang ating aralin. At


abangan ang susunod na kabanata.

Muli, ako si teacher Ann ang iyong


tagapagdaloy. Hanggang sa muli. Paalam

You might also like