You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Region I
La Union Schools Division
San Gabriel District
LACONG INTEGRATED SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
SY 2023-2024

PANGALAN:____________________________________________ ISKOR:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at bilugan.

1. Ano ang kakambal ng pangako?


A. bayad B. paghanga C pananagutan D.. pagpapasikat

2. Ang pagtupad sa pangako ay larawan ng iyong _______ sa kapwa.


A. kasiyahan B. katapatan
C. pagsisinungaling D. pagyayabang
3. Ang taong responsable ay tumutupad sa kanyang pangako at siya ay __________.
A. . malalapitan B. mapagkakatiwalaan
C. mauutusan D mauutangan
4. Maipapakita at mapapanatili ang tunay na pagkakaibigan sa pagsibol ng ______.
A. paggalang B. . pakikisama
C pagmamahal D. pansariling interes
5. Alin ang hindi recipe ng mabuting pagkakaibigan?
A. paggawa ng bagay na magkasama a B. pagiging tapat
C. pagsiwalat ng sekreto ng kaibigan D. presensiya
6. Ang nagpapanatili ng mabuting pagkakaibiganan ay pumapanig sa________.
A. iisang tao lamang B. isat-isa
C. sarili mo lang D. sa ibang tao lang
7. Ito ay nangangahulugan ng pag-amin ng katotohanan.
A. katapatan B. paggalang C. respeto D. responsible
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katapatan?
A. Pagkakalat ng mga salita na ikasasama ng iyong kapwa lalo na kung hindi
naman ito totoo.
B. Pagkukuwento ng mga bagay na hindi naman sigurado na nangyari talaga.
C. Pagpapaliwanag ng kung ano ang totoong nangyari
D. Pagsasalita ng anumang bagay tungkol sa ibang tao na hindi naman totoo.
9. Ang pagsisinungaling ay _______.
A. kahanga-hangang gawain
B. magandang kaugalian
C. nagdudulot ng bigat ng kalooban
D. pagsasabi ng katotohanan
10. Sang-ayon man tayo sa sinasabi sa atin ng ating kapwa, tumigil sandali, suriin at
pagnilayan ang mga ito. Mahalaga sa atin ang suhestiyon ng ating kapwa kaya
dapat pa rin natin itong _________
A. igalang C. pagtawanan
B. huwag pansinin D.ipagwalang bahala
11. Ang pakikinig sa opinion ng ibang tao ay nagpapakita ng ________________.
A. pagkainis C. pagkamatiyaga
B. pagkamagalang D. pagkamapagpakumbaba
12. Dahil sa mga suhestiyon, problema ay may ___________________
A. ginagawa C. solusyon
B. pagkadakila D. suliranin
13. Marumi ang ilog sa inyong pamayanan, ano ang maaring gawin ng responsableng
kabataan na katulad mo?
A. Maglagay ng isda sa ilog.
B. Magkaroon ng parada ng mga bangka sa ilog.
C. Magpaskil ng mga karatulang nagbabawal na magtapon ng basura sa
ilog.
D. Simulan na ang paglilinis at maglagay ng karatulang bawal magtapon
ng basura
sa ilog.
14. Nakita mong ninanakaw ng kapitbahay ang streetlight o ilawan sa inyong kalsada.
Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin kaagad ang kapitbahay na magnanakaw.
B. Ipagbigay alam ang iyong nakita sa mga opisyal sa barangay.
C. Ipadampot na ang kapitbahay na magnanakaw sa mga pulis.
D. Pagsabihan o kakausapin ang kapitbahay na mali ang kanyang ginagawa.
15. Ang mga ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa iyong kaibigan maliban sa isa.
A. Iniiwasan mo siya kapag hindi nya nagawa ang gusto mo
B. Inuunawa mo ang pagkakamali ng iyong kaibigan lalo kung sa maliit na
bagay lang.
C. Lagi kayong gumagawa ng magandang ala-ala
D. Pagdamay sa oras ng pangangailangan o kalungkutan
16. Ano ang naidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng mabuting kaibigan?
A. Nagagawa ko ang gusto ko
B. Nakakakuha ako lagi ng pabor mula sa kanila
C. Natatamasa ko ang lahat ng hilingin ko sa kanila
D. Napaghuhusay ko ang aking pakikipagkapwa tao at natututo ako sa
pagkakaroon ng mabuting kaibigan.
17. Inutusan ka ng guro mo na bumili ng yeso dahil naubusan na ito. Sa araw na iyon
wala kang baon at pwede kang kumuha sa sukli ng iyong guro. Ano ang gagawin
mo?
A. Maghingi ng tawad sa tindera para ang barya ay kunin
B. . Sasabihin ko sa guro na mahal ang yeso.
C. Sabihin sa guro ang tiyak na halaga ng yeso at isauli ang sukli.
D. Utangin ang yeso sa tindera para ang pera ay sa iyo na.
18. Nakita mo ang nakakatanda mong kapatid na kumukuha ng pera sa wallet ng
iyong ama. Nalaman niyang nakita mo siya. Kinausap ka niya na huwag sasabihin
sa inyong ama ang iyong nakita. Ano ang iyong nararapat na gawin?
A. Bahala na siya,siya naman ang mapaparusahan kung sakali.
B. Huwag sabihin sa magulang ang ginawa ng kapatid.
C. Kakausapin ko siya na masama ang kanyang ginawa.
D.Magkukunwari na walng nakita para hindi ka masaktan ng kapatid mo.
19. Alin dito ang nagpapakita ng paggalang sa opinion ng ibang tao?
A. Iniwanan ni Elaijah ang mga kaibigang nagbigay puna sa kanyang ginagawa.
B. Pinagtawanan ni Gerald ang mga ideyang binanggit ng kanyang kapangkat
Bulok daw ito.
C. Sumama ang loob ni Jana nang hindi tinanggap ang suhestiyon niya

D. Tinanggap ng maluwag ni Keziah na hindi maisama ang kanyang ideya sa


plano ng kanilang klase.
20. Sa inyong usapan, minsan ay nagkakaroon ng pagkalito o hindi pagkakaunawaan
sa pagpapahayag ng opinion. Ano kaya ang dahilan?
A. Kawalan ng paggalang sa ideya ng iba.
B. Pagkakaiba-iba ng mga pananaw.
C. Sobrang laki ng tiwala sa sariling palagay na siya ang tama.
D. Lahat ng nabanggit
21.Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng cultural show sa plasa.
Nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong
paaralan ng ika-5 ng hapon. Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong
nauna na sila sa plasa. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. . Aawayin sila at huwag nang kakausapin kailanman.
B. Iiwas ako at hindi na makikipag-usap sa kanila.
C Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano
angnararamdaman
tungkol doon.
D. Magpapasalamat na habang maaga.

22.Hiniram ng kaibigan mo ang aklat mo sa Filipino. Ipinangako niyang isasauli niya


pagkaraan ng dalawang oras. Tatlong oras ka nang naghintay, pero hindi bumalik
ang kaibigan mo. Ano ang gagawin mo?
A. Dapat isauli kaagad ang mga hinihiram na gamit.
B. Hindi na ako magpapahiram ng gamit.
C. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi mo lang siya gagamit.
D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang
oras na pinag-usapan.
23.Sina Lebron at Craig ay laging inaabangan ang panunuod sa araw ng paligsahan ng
basketball sa kanilang lugar o di kaya’y tumutulong sila sa “Oplan Linis” ng
kanilang barangay. Anong halimbawa ng Recipe ng Pagkakaibigan ito?
A. Presensiya B. Pagaalaga
C. Pagpapatawad D. Paggawa ng bagay na magkasama
24. Narinig ni Rocky sa isang kaklase na magbibigay ng sorpresang pagsusulit ang
kanilang guro bukas, ngunit inilihim ito ni Rocky sa kanyang kaibigan upang hindi
ito makakuha ng mataas na marka. Anong sangkap or recipe ng pagkakaibigan ang
nilabag dito ni Rocky?
A. Presensiya B. Pag-aalaga
C. Katapatan D. Paggawa ng mga bagay na magkasama
25. Si Angel ang pinagkakatiwalaan ni Gng. Bautista sa pagwawasto ng mga papel nila
sa pagsusulit. Ano ang gagawin ni Angel?
A. Bawasan ang iskor ng mga kagalit.
B. Gawing tama lahat ang sagot niya
C. Dagdagan ang iskor ng kaibigan niya.
D. Iulat sa guro ang tamang iskor ng bawat isa
26. Iniabot ng drayber ang sukli para sa dalawampung piso na ibinigay ng isang
pasahero. May sukli rin si Michael kaya’t inabot niya ang pera. Ilalagay na sana
niya ang pera sa pitaka nang mapansin niyang sobra ito. Sinabi niya sa drayber na
sampu lamang ang pera niya. Ipinabigay ng drayber ang sukli sa pasaherong dapat
tumanggap nito. Kung ikaw si Michael, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?
Bakit?
A. Hindi, dahil kasalanan ng drayber
B. Oo, pero ilalagay ko sa aking pitaka
C. Hindi, dahil hindi naman alam ng pasahero
D. Oo, dahil hindi naman talaga para sa akin ang sukli na iyon.
27. Matalik mong kaibigan si Jameboy. May ideya siyang idinulog sa iyo. Taliwas din sa
mga iba. Pero parang maganda naman sa iyo. Ano ang desisyon mo sakaling ikaw
ang magdesisyon dito?
A. Magalit sa mga kasamahan.
B. Pumanig sa suhestiyon ng kaibigan kahit mali.
C. Ipaliwanag ang magandang ideya at pag-usapan ito.
D. Hikayatin ang mga kasamahan na panigan ang kaibigan.
28. May darating daw na bisita sa bahay ninyo. Iminungkahi ng panganay mong
kapatid na maglinis kang mabuti sa bahay dahil wala si nanay. Pero wala kang
panahon para dito dahil may tinatapos kang proyekto. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag na lang akong magsasalita.
B. Maiinis sa kapatid dahil naistorbo ka.
C. Iiwan ang kapatid at lilipat sa ibang bahagi ng bahay upang matapos ang
proyekto.
D. Kakausapin ang kapatid na magbigay ng suhestiyon na maglilinis pagkatapos
ng proyektong ginagawa.
29. May usapan kayo ng ate mo na magkita sa Mall ng ika-dalawa ng hapon sa Sabado.
Nang puntahan siya, nadapa ka sa kalsada dahil sa pagmamadali mo. Nasugatan
ka at dinala ka ng kaibigan mo sa kanila. Naantala ka ng dalawang oras kaya nang
siputin mo ang ate mo ay nakaalis na siya. Ano ang iyong gagawin?
A. Bahala na
B. Humingi ng paumanhin sa ate.
C. Magagalit dahil nagmadali siya.
D. Ipaliwanag ang nagyari at sisisihin siya.
30. Bakit kailangan ang pagsisikap para sa pagpapabuti ng pagkakaibigan?
A. Para dumami ang kaibigan
B. Para tumagal ang pagkakaibigan
C. Para gusto ka ng iyong kaibigan
D. Para makuha mo ng gusto mo sa isang kaibigan
31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katapatan?
A. Pangungupit ng sukli kapag inutusang bumili.
B. Pagsisinungaling sa magulang kapag may nagawang kasalanan.
C. Pangogopya sa pagsusulit dahil gusto mo ring mataas ang iyong marka.
D. Pagsasauli ng anumang bagay na napulot na hindi mo naman pagmamay-ari
32. Paano mo ipakikita ang paggalang sa suhestiyon at pananaw ng ibang miyembro ng
pangkat?
A. Makipagtsismisan sa katabi.
B. Huwag pansinin ang sinasabi.
C. Magkunwaring tulog upang hindi isali sa usapan
D. Masusing makikinig at pag-aralan ang suhestiyong binanggit.
33. Kung ikaw ay nangako kaninuman, ano ang dapat mong gawin?
A. kalimutan B. sanayin C. ipagwalang-bahala D. sundin o tuparin
34. Alin ang isang halimbawa na ramdam mo ang presensiya ng isang mabuting
kaibigan?
A. Sinasamahan ka nya dahil magpapalibre siya saiyo.
B. Laging nandiyan kapag kailangan lang nya ang tulong mo.
C. Laging may kasamang iba kapag inaaya mong maglaro o mamasyal.
D. Sinasamahan ka sa kasiyahan o anu mang suliranin upang dumamay.
35. Pinagsususpetsahan ng iyong mga kamag-aral si Justine na kumuha ng
nawawalang pera ni Crismark na kanyang katabi. Kung ikaw ang pangulo ng
klase, ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ito at tutuksuhin.
B. Isusumbong sa guro si Justine.
C. Kakausapin ko si Justine na magtapat siya kung saan inilagay.
D. Sasabihin ko sa aking mga kamag-aral na huwag munang maghusga, at
tiyakin muna kung paano nawala ang pera ni Crismark.
36. Sa iyong panayam, iminungkahi ni Janzleimar ang paghukay at paggawa ng
basurahan na pagtatapunan ng mga basura sa iyong pamayanan. Hindi ka sang-
ayon dito. Ano ang gagawin mo?
A. Malakas na isinigaw “Booo! Wala yan!”
B. Huwag umimik. Wala ring mangyayari.
C. Igalang ang ideya ni Janzleimar at sabihing mahalaga ito.
D. Tumayo at sabihin nang malakas na di ka sang-ayon.
37. Nasa Amerika ang tatay mo at nangako siyang bibilhan ka ng bagong sapatos
pagbalik niya dito sa Pilipinas. Nang dumating siya, hindi mo nagustuhan ang
tatak ng sapatos na binili niya para sa iyo. Sabi niya sa iyo, Anak, ito lang ang
tatak ng sapatos na kaya kong bilhin. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Maaawa sa iyong tatay.
B. Tatay, huwag na sana kayong bumili.
C. Magpasalamat at tanggapin ng buong puso ang pasalubong ng tatay mo.
D. Ibebenta ko ang sapatos total bago naman, bibili na lang ako ng iba na ang
tatak ay yung gusto ko.
38. Paano mo ipakikita ang pagiging mabuting kaibigan?
A. Sundin o tuparin ang pangako.
B. Pagtiwalaan ang ideya ng kaibigan.
C. Igalang ang ideya o suhestiyon niya.
D. Lahat ito.
39. May usapan ang pangkat ninyo na gumawa ng proyekto sa bahay ninyo. Sa hindi
inaasahang dahilan, isinugod ang bunso mong kapatid sa ospital sa araw na
pinagkasunduan. Ano ang gagawin mo?
A. Tumiwalag sa mga kapangkat
B. Magkunwaring may sakit ka din
C. Sabihin sa mga kapangkat ang totoong nangyari
D. Pagsabihan sila na hindi na matutuloy ang pinag-usapan
40. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang karaniwang nagiging dahilan ng
hindi pagkakaunawaan?
A. Pumapanig sa maling ideya.
B. Laging maunawain at magalang sa palagay ng iba
C. Pagkamahinahon sa pagbibigay ng sariling palagay o suhestiyon.
D. May isipang umunawa at pusong nagsasaalang-alang sa damdamin ng iba.

Prepared by: Checked by:

MERITES L. OLANIO MARY JANE L. ALMOITE, Ph.D


Teacher III Principal III
KEY ANSWER

1. C 21. C
2. B 22. D
3. B 23. D
4. A/B 24. C
5. C 25. D
6. B 26. D
7. A 27. C
8. C 28. D
9. C 29. B
10. A 30. B
11. B 31. D
12. C 32. D
13. D 33. D
14. D 34. D
15. A 35. D
16. D 36. C
17. C 37. C
18. C 38. D
19. D 39. C
20. D 40. A

You might also like