You are on page 1of 28

(Math Learning Competency: Visualizes and represent

division as equal sharing and repeated subtraction)


Copyright ©2019
Naglalaro ng taguan ang tatlong
magkakapatid na sina Ana, Mona at Bart sa
labas ng kanilang bahay. Isa, dalawa, tatlo
magtago na kayo. Apat, lima, anim, pito, walo,
siyam, sampu…Game! Tingin sa
kanan….tingin sa kaliwa si Bart.

Napansin niya ang nakalitaw na paa sa


likod ng drum. Palapit na siya ng biglang
natumba sa bandang kanan niya ang
nakasandal na malaking planggana. Nagulat
siya.
Nang biglang tumakbo si Mona papunta
sa kanyang base. Hinabol niya ito upang
unahan pero hindi na niya inabot dahil
nakahawak na si Mona sa base. Muli niyang
binalikan ang nakita niyang maliit na paa sa
likod ng drum pero hindi na niya ito makita.
Pinagmasdan muli ni Bart ang paligid.

“Saan kaya lumipat iyon” tanong sa sarili.


May naririnig siyang maliit na tawa.
Galing sa bandang halamanan lumapit
siya upang tiyakin dahil kilala niya ang
tawang iyon.
“Aw aw” napahinto si Bart. Si Pulgas iyon.
Lumabas ito sa makapal na halamanan at
masayang lumapit sa kanya pero muling
bumalik sa loob ng halaman.
“Aw aw aw” muling tumahol.
“Aha, mukhang may kalaro si Pulgas
doon” sabi niya sa sarili. Dahan-dahan
siyang lumapit. Nakita niya si Ate Ana.
“Pung….. Ate Ana!” malakas na sabi ni
Bart at mabilis siyang tumakbo sa kanyang
base. Hinabol siya ni Ate Ana pero hindi na
niya inabutan si Bart dahil nakahawak na ito
sa base. Habang palapit na si Ate Ana sa
dalawa niyang kapatid halos sabay itong
napasigaw.
“Si Tatay!”
Sinalubong nina Mona at Bert ang
kanilang Tatay. May dala itong pasalubong
para sa kanila.
“Si Tatay nga” pagtitiyak ni Ana. Tumuloy
siya sa kanilang bahay at sinabi kay Nanay
na may ginagawa sa kusina.
“Nay maraming dala si Tatay” sabi ni Ana.
“Ganun ba, ano kaya dala niya?” tanong
ng Nanay. Napangiti na lamang si Ana.
Nagmamadaling pinatong nila Mona at Bart
ang mga pasalubong na dala ng kanilang
Tatay sa kanilang lamesa at magkakatabing
umupo ang magkakapatid.
Sabik na sabik silang makita kung ano
ang mga iyon pero hindi nila binubuksan
dahil hinihintay nilang ang kanilang Nanay
ang magbukas habang si Tatay naman ay
nagbibihis sa kwarto. Nakangiti ang kanilang
Nanay at unang binuksan ang nilapag ni Bart
sa kanilang lamesa.

Isang maliit na bilaong mainit na pansit.


Umuusok pa ito.
“Oh, Bart…Mona…pigaan na ninyo ng
kalamansi” sabi ng kanilang Nanay.
Nag-unahan ang Pinigaan ni Bart
dalawa sa pagkuha ang kalahati.
ng kalamansi. Pinigaan din ni
Mona ang
kabilang bahagi
habang
nakangiting
nakatingin si
Ana.

“Nay, kasya ba ito sa atin?” tanong ni Mona.


“Pagkakasyahin natin. Si Ate Ana ang bahala”
sagot ni Nanay. Kumuha si Ana ng mga platito sa
lalagyan nila ng plato matapos ilatag ang mga
iyon sa lamesa kutsara at tinidor.
Lumapit na ang kanilang Tatay at
tumabi sa kanila.
“Ipapakita ni Ate Ana kung paano hatiin
sa lima ang pansit” sabi ni Nanay.
Gamit ang may kalakihang kutsara
iginuhit ni Ana ito sa pansit na parang
naghahati ng cake.
Gumawa siya ng limang hati dahil lima
sila sa kanilang pamilya. Isang maliit na
hati sa bawat isa. Tumayo ang Nanay para
ipamigay sa bawat isa.
Masaya silang nagsalo-salo sa masarap
na pansit na pasalubong ni Tatay. Mabilis na
natapos ni Bart ang kanyang pagkain.
Nagkatinginan ang Nanay at Tatay parehong
napangiti dahil nakatitig si Bart sa isa pang
nakabalot sa tabi ng pansit.
Nakahalata rin si Ate Ana. Napangiti na
rin siya nung makita niya ang kanilang Tatay
at Nanay.
“Oh, Bart parang malungkot ka?” tanong
ng kanilang Tatay.
“Kasi parang hindi po ako busog” sagot ni
Bart.
“Inom ka ng tubig para mabusog ka na”
biro ni Tatay. Pigil sa pagtawa ang Tatay at
Nanay.
“Eh hindi naman pagkain ang tubig ‘Tay”
nagtawanan sila.
“Oo nga naman Tatay…Hindi pagkain
ang tubig” sabi ni Nanay.
“Bart…Ano ba ang gusto mong kainin?”
tanong ni Mona.
“Ayun oh…” tinuro ang isa pang
nakabalot sa lamesa.
“Tay,…ano ba yung nasa isa pang
nakabalot?” tanong ni Mona.
“Bart, gusto mo bang buksan?” sabi ni
Tatay kay Bart.
“Opo…Opo” mabilis niyang sagot. Agad
niyang itong binuksan.
“Wow…mga puto…iba-ibang kulay at may
keso sa ibabaw!” sabik na sabi ni Bart.
“Ilan lahat ang puto?” tanong ni Tatay
“Isa...dalawa...tatlo…apat…lima…anim…
pito….walo…siyam…sampu…labing-isa…
labing-dalawa” mabagal na bilang ni Bart.
“Kaya mong pagkasyahin sa ating lima?”
tanong ng Tatay.
Nag-isip mabuti si Bart kung paano
mabibigyan lahat. Isa-isa niyang binigyan
ang lahat marami pa ring sobra. Muli niyang
binigyan ng tig-isa ang lahat pero may
sumobra pa rin.
“Bart, may problema ba?” tanong ng ng
Nanay.
“Eh….may naiwan pa kasing tatlong
piraso ‘Nay” sagot ni Bart.
“Siguro… bukas na iyong iba” sabi ni Ana
“Mona, pakilagay sa refrigerator yung
sobra” utos ng Tatay.
“Bart, ilan lahat naihanda mong puto?”
tanong ng Nanay. Tahimik siyang
nagbilang. Isa..dalawa sa akin. Tatlo…apat
kay Mona. Lima…anim kay Ate Ana.
Pito…walo kay Tatay. Siyam…sampu kay
Nanay.
“Sampu ‘Nay” sagot ni Bart.
“Ilang puto sa bawat isang tao?” tanong
ng Tatay. Muli siyang nagbilang ng tahimik.
“Isa…dalawa…Isa…dalawa…Dalawa
po ‘Tay sa bawat isa.” sagot niya saTatay.
“Aba, mahusay ka na magbilang” sabi
ng Tatay.
Kanya-kanya silang kainan. Makikitang
masaya na ang mukha ni Bart ganoon din
ang makikita sa mukha nila Ate Ana at
Mona. Gaya ng dati, nauna muling natapos
sa pagkain si Bart.
“Bart…kung merong sampung puto at
kailangang itong paghatian ng limang tao,
ilang puto dapat ang bawat isa?” biglang
tanong ng Tatay.
Kinabahan si Bart dahil wala na siyang
nakikitang puto sa kanilang plato.
“Hala, paano yun?” tanong niya sa sarili.
Binulungan siya ng kanyang Nanay
“Madali lang iyon…Alalahanin mo lang
kung ilang puto binigay mo sa bawat isa” sabi
ng Nanay. Gamit ang kanyang daliri muli
siyang nagbilang.
“Isa…dalawa sa akin…
tatlo…apat kay Mona….
lima…anim kay Ate Ana….
Isa…dalawa…isa..dalawa…Dalawa po
‘Tay…Dalawa bawat isa” sagot niya kay Tatay.
“Mahusay ka na talagang magbilang Bart”
masayang bati ng Tatay.
“Yeheeeey” masayang sabi ng dalawang
kapatid.
“Sa palagay ko handa nang mag-aral si
bunso” sabi ng Nanay. Nakangiting tumango
ang Tatay. Lumipat na ang tatlong magkapatid
sa kanilang sala upang manood ng TV. Igsakto
sa programang pambata ang palabas.
Gustong-gusto nila iyon dahil tungkol iyon
sa pagbibilang habang nagliligpit ang mag-
asawa sa kusina.
Ramdam nila ang kahandaan ng kanilang
bunso sa pagpasok sa eskwelahan.
Awtor

Mr. Ricky C. Angcos, Teacher 1, Grade 7 adviser sa Signal Village National


High School, nakapag-ambag ng aksyon riserts na pinamagatang "Ang E3I ng
Palihang Bulong Tulungan: Kagamitang Rimidyal sa Pagtuturo ng Ibong Adarna" at
napiling isa sa mga finalist noong 8th Action Research Festival 2019 ng SDO-TAPAT.

Siya ay nakapaglimbag na rin ng aklat antolohiya ng mga tula noong 2014 na


pinamagatang "Pssst...Tinig at Himig ng mga Makatang Pangahas"
Tagaguhit

Mrs. Abigail R. Sadang, Teacher III, Grade 8 adviser sa Signal Village National
High School,ay nakapagtapos ng kursong BSE English sa Rizal Technological
University. Siya ay napagkalooban din ng katibayan ng pagtatapos sa kursong
MAED Major in Educational Management sa Univeristy of Makati taong 2018.

Nakapaguwi na din siya ng ilang tagumpay bilang tagapagsanay at mismong


kalahok mula sa mga division, regional at national poster/painting making contest sa
EsP.
Ang Paghahati ni Bart ay kwento
tungkol sa kahalagahan ng gamit ng
dibisyon sa pang-araw-araw na
gawain ng isang pamilya.

You might also like