You are on page 1of 5

Mariano Marcos State University

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Laboratory High School

Ikalawang Markahan sa ESP 9

Pangalan:____________________________________ Iskor:______________
Taon at Seksyon:______________________________ Petsa:______________

Test I. Isulat sa patlang ang S kung sinasang-ayunan at HS kung hindi mo sinasang- ayunan ang pahayag na nakatala sa bawat
bilang.

_______1. Hindi kailangang daanin sa init ng ulo ang pag-uusap at talakayang namamagitan sa dalawang taong magkaaway.

_______2. Kung nagagalit sa iyo ang kapwa mo, kailangan mong magalit din.

_______3. Kahit saan at kahit kalian, dapat nating pakawalan ang anumang galit na nararamdaman sa kahit anong paraan makasakit
man ito ng kapwa o hindi.

_______4. Hindi maaaring ituwid ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.

_______5. Dahas ang kailangan pairalin upang masugpo ang karahasang nangyayari sa kapaligiran.

_______6. Malawak na pang-unawa ang siyang kailanagn habang hinaharap ang suliranin tungkol sa di- pagkakaunawaan.

_______7. Walang natatanging solusyon sa problema ng ating bansa kundi ang madugong rebolusyon o pag- aaklas.

_______8. Hindi natin dapat mahalin an gating kaaway.

_______9. Kung hindi makuha sa dasal ang problema ng sandaigdigan, daanin sa digmaang nukleyar.

_______10. Dasal, pag-ibig, at lakas ng pagkakaisa ang tutugon sa problema ng karahasan at kaguluhan.

B. Basahin at pag-aralan ang sitwasyon sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ito ay nagpapakita ng pangangalaga,
paggalang, o pagmamahal sa buhay ng tao at ekis (x) naman kung hindi.

_____1. Nagpakonsulta sa doctor ang buntis na nanay upang masiguro ang kalusugan ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

_____2. Madaling- araw na kung umuwi si Nestor mula sa tambayan. Palagi siyang lasing at gumagamit ng droga kasama ng barkada.

_____3. Pito ang anak ng mag-asawang Boy at Mila kayat nagpasya silang ipalaglag na lang ang sanggol na dinadala ng huli. Ayaw
nila itong idagdag sa bilang ng kanilang mga anak dahil nahihirapan na silang itaguyod ang mga ito.

_____4. Isinasagawa ang buwanang seminar at pag-aaral sa Barangay Health Center ng Poblacion 1 upang makaiwas sa ibat- ibang
sakit ang mga residente.

_____5. Isang madugong sagupaan ang naganap sa pagitan ng mga hinihinalang terorista at puwersa ng pamahalaan.

_____6. Pinasabog ng isang hindi pa nakikilalang pangkat ang isang malaking gusali na kumitil sa buhay ng sampung katao.

_____7. Nilagdaan ang isang batas na kumikilala at umaayon sa parusang death penalty sa sinumang gumagawa ng mabigat na
krimen sa isang bansa.

_____8. Nagpadala ng gamut, tubig, at pagkain sa Pilipinas ang pmahalaan ng Japan, China, at Amerika para sa biktima ng mga
malalakas na bagyong dumaan sa bansa.

_____9. Nakilahok ang mga kabataan sa mga proyektong pang-isports para makaiwas sa droga.

_____10. Nagprotesta ang mga NGOs laban sa aborsyon.


II. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Hirap na hirap si Michael sa kinukuha niyang pagsusulit. Hindi niya matukoy ang eksaktong pormula para sa problemang
itinatanong sa huling bahagi ng pagsusulit sa matematika at natatakot siyang bumagsak. Sa oras na iyon ay may biglang
tumawag sa gurong nagbabantay sa kanila. Lumabas ang guro at kinausap nito ang tumawag sa kanya. Naiwan sina Michael
at ang ilan pa niyang kaklase sa loob ng silid- aralan. Sa sandaling ito ay bigla siyang kinalabit ng kaibigang si Glenn at
ibinulong sa kanya na maaari niyang kopyahin ang sagot nito. Kung ikaw si Michael ano ang gagawin mo?
a. Kokopyahin ko na lang ang sagot ni Glenn total hindi naman ako makikita ng guro.
b. Sasabihin kay Glenn na tapos mo nang sagutan ang iyong papel dahil baka mali ang sagot ni Glenn.
c. Magpasalamat at sabihin kay Glenn na huwag na lang at susubukan mon a lamang sagutin.
d. Hindi papansinin si Glenn at ilalabas ang notebook pra tignan ang pormula.
2. Pinilit ni John na makapasok sa isang pagawaan ng karton sa kanilang lugar kahit siya ay may kapansanang polio sa
kaliwang paa. Dahil ditto, himmdi siya tinanggap dahil sa limitasyon ng kaniyang kakayahan na makapagbuhat ng mga karton
at makakota sa bawat araw. Nalungkot si John sa desisyong ito ng may-ari ng pagawaan. Makatwiran baa ng ginawa nila kay
John?
a. Oo, dahil may kapansanan siya at pabigat lamang sa trabaho.
b. Oo, dahil hindi niya kayang mkipagsabayan sa iba.
c. Hindi, dahil may karapatan din siyang magtrabaho.
d. Hindi, dahil nais rin niyang mkatulong.
3. Si Leah ay addict sa social media lalong-lalo na sa facebook. Hindi lilipas ang isang araw na hindi nakaopen sa facebook
hanggang sa may nakilala siyang dayuhan sa facebook at nais makipagkita sa kanya. Gusto niyang makipagkita pero
nagdadalawang isip siya dahil baka may mangyari sa kanya. Kung ikaw si Leah ano ang gagawin mo?
a. Makikipagkita na lang saying naman ang pagkakataon.
b. Wala naming mawawala kung susubukan kong makipagkita.
c. Huwag na lang baka may magyaring masama sa akin.
d. Hindi ako makikipagkita dahil baka kapag nalaman ng nanay ay pagalitan ako.
4. Si Alvin at Kathy ay dalawang taon nang magkasintahan pero ito’y kanilang itinatago dahil baka pagalitan sila ng kanilang
mga magulang. Tinext at Inanyayahan ni Alvin si Kathy na sumama sila sa kanilang mga barkada sa beach at sinabing mag-
oovernight sila pero hindi si Kathy ang nakabasa kundi ang kanyang ama dahil dito nalaman nilang may kasintahan na ang
kanilang anak at nais nilang magpaliwanag ito sa kanila. Kung ikaw si Kathy ano ang iyong gagawin o sasabihin?
a. Sabihing nawrong send lang ang iyong klasmayt.
b. Sasabihin ko na lang ang totoo kahit akoy pagalitan.
c. Hindi na lang ako magsasalita para hindi nila malaman ang totoo.
d. Iiyak na lang para maawa sila at hindi ako pagalitan.
5. Madalas mong nakikitang binubugbog ng iyong kapitbahay ang kanyang anak. At dahil sa takot, ayaw niyang magsumbong
sa kinauukulan. Kung ikaw ang nsa kalagayan ng bata, ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan na lang dahil natatakot ako.
b. Magsusumbong ako para hindi na ako saktan ng magulang ko.
c. Tatakas sa bahay para hindi na masaktan.
d. Bubugbugin ko rin ang aking mga magulang.
6. Bata pa ay pinaghahanapbuhay na ang kaibigan mo ng kanyang ina. Wala itong magawa dahil hindi naman siya nakapag-aral
kaya tinanggap na lang niya anuman ang sabihin ng kanyang ina. Kung ikaw ang nasa katayuan ng kaibigan mo susundin mo
ba ang iyong ina?
a. Oo, dahil wala naman akong magagawa.
b. Oo, dahil ina ko siya.
c. Hindi, dahil bata pa lamang ako.
d. Hindi, dahil maaari pa naman akong mag-aral/
7. Laganap ang ipinagbabawal na gamut sa paaralan at alam mong gumagamit ang iyong kaibigan. Inaalok kanya na tikman ito
at pinagbantaan na bubugbugin kanya kapag hindi mo ito ginawa pero ayaw mo itong tikman ano ang gagawin mo?
a. Titikman ko na lang para hindi ako mabugbug.
b. Isusuumbong ko sa aming guro para mapagsabihan.
c. Tanggihan ang kanyang inaalok at sabihing mali ang kanyang ginagawa.
d. Takbuhan siya para di kanya mapatikim.
8. Anong katangian ng isang tao ang nais mong makasama sa mga lakaran?
a. Marunong makisama at masiyahin
b. May magandang kilos, ugali at asal
c. Game sa lahat ng bagay
d. Kwela at hindi nagpapatalo sa usapan.
9. Kung may taning na dalawang araw ang itatagal ng iyong buhay, ano ang pag-uukulan mo ng pansin?
a. Pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa akin.
b. Pagbabalik loob sa Diyos
c. Pagbibigay ng panahon sa mga taong malapit sa akin
d. Paghahati ng mga naiwang yaman sa mga mahal sa buhay
10. Kung pipili ka ng makakasama mo habang buhay, ano ang pagbabatayan mo?
a. Marangal at may malinis na puso.
b. Nakatapos ng pagpag-aaral at may hanapbuhay
c. May maayos na pangangatawan at may itsura
d. May pananampalataya sa Diyos
11. Alin sa palagay moa ng nagbibigay ng kaligayahan sa tao?
a. Pagkakaroon ng mariwasang buhay
b. Mabuting pagsasamahan ng pamilya
c. Paniniwalang may mga taong nagmamahal sa iyo
d. Ang pagkakaroon ng katuparan ng mga pangarap sa buhay
12. Kung kasangkot ang kapatid mo sa kaguluhan at isa ka sa nagpapatupad ng bats sa inyong lugar, ano ang gagawin mo?
a. Ipagtatanggol siya sa abot ng makakaya.
b. Dadalhin ko siya sa tamang lugar upang maimbestigahan.
c. Kakausapin ko ang mga kasamahan ko at sasabihing huwag siyang idamay.
d. Pagsasabihan ko ang kapatid ko at sasabihing huwag nang uulitin ang ginawa.
13. Talamak ang insidente ng karahasan sa inyong lugar. Minsang nagising ka nang maaga para magjogging, isang dalaga ang
nakita mong hinoholdap at sinasaksak ng isang lalaking matipuno ang katawan. Alam mong wala kang kakayahang lumaban.
Ano ang gagawin mo?
a. Tatakbo na lang at pababayaan na lang.
b. Ipagpatuloy ang pagjojoging at parang walang nakitang krimen.
c. Kokontakin ang mga pulis at ipaalam ang nakita.
d. Sisigaw para may makapansing iba sa nangyari.
14. Nagtatag ang samahan ng mag-aaral ng prograa para sa mga biktima ng kalamidad. Ikaw ang inatasan na magtabi ng
malilikom na halaga. Marami- rami na rin ang nakolekta ninyo. Kinagabihan biglang umatake ang asthma ng kapatid mo at
kailanagan isugod siya sa ospital. Wala naming naitabing pera ang nanay mo dahil kaoopera lang ng tatay mo na sa
kasalukuyan ay nagpapagaling. Kung kukuha ka sa pondo ninyo hindi ito mahahalata dahil hindi naman ito bilang ng mga
kasamahan mo. Ano ang gagawin mo?
a. Kukuha na lang sa pondo total hindi naman halata.
b. Makikiusap na kukuha ka mula sa pondo.
c. Huwag na lang sasabihin na kumuha sa pondo para hindi mahalata.
d. Palitan na lamang ang ngamit nap era mula sa pondo.
15. Isang malayong kaanak ang humiling na pansamantalang tumira sa inyong bahay upang makapag-aral. Narinig mo na sinabi
ng iyong ina na matuto siyang tumulong sa mga gawaing bahy. Dumating ang mga kaibigan ng iyong nakababatang kapatid
at bilang tugon sa sinabi ng iyong ina siya ang nagasikaso sa mga ito. Ang sabi ng isa sa kaibigan ng kapatid mo “ang sipag
naman ng katulong ninyo, saan bang ahensya nanggaling iyan?” tumugon ang kapatid mon a “ diyan lang sa tabi – tabi” at
bigla silang nagtawanan. Nakita mong mabilis na pumasok ang kaanak mo sa kusina na nangingilid ang luha. Ano ang
gagawin mo?
a. Hahayaan na lang ang nangyari.
b. Pagsasabihan ang kapatid na mali ang kanyang ginawa.
c. Hihingi ng tawad sa kaanak at sabihing pagpasensyahan na lang ang kaptid.
d. Isusumbong sa mga magulang ang ginawa ng kapatid.

Test III. Sumulat ng tatlong slogan na nagpapahayag ng mga sumusunod:

PAGKAKAISA

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______

KALAYAAN

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______

PAGTULONG

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______

Prepared by: FLV

You might also like