You are on page 1of 1

Scenario Building; Sisa

Sa kuwento ng noli me tangere, mayroong katauhan na ang pangalan niya ay si Narcisa, o


kilala bilang Sisa. Siya ay ang mapagmahal na ina sa kaniyang dalawang anak na si Basilio
at Crispin, ngunit siya ay nawalan ng katinuan dahil sa kaniyang mga na nadaranasan lalo
na ang pagkawala ng kanyang anak na si Basilio at ang pagbintang kay Crispin na
nagnakaw ng dalawang onsang ginto.

Sa katauhan ni Sisa wala naman akong gustong ibago tungkol sakaniya dahil siya ay
inilarawan ni Dr. Jose Rizal bilang simbolo ng “mga inang nagdusa”. Noon hanggang ngayon
ay marami nang mga ina ang nagdudurusa, naghihirap, at ginawa nila ang lahat upang
ipagtanggol ang kanilang mga anak sa mga masasamang pangyayari, sila rin ay
nakakaranas ng domestikong karahasan, marami rin sakanila ay nawawalan ng katinuan
dahil sa mga pinag-dadaanan nila. Kaya sa aking opinyon ay sana intindihin nalang natin
sila at huwag silang husgaan sa kahit ano mang sangkap.

You might also like