You are on page 1of 12

BUKSAN ANG AMING PUSO

Buksan ang aming puso,


turuan mong mag-alab;
Sa bawat pagkukuro,
lahat ay makayakap.

Buksan ang aming isip,


sikatan ng liwanag.
Nang kusang ma-tangkilik,
tungkuling mabanaag.

Buksan ang aming palad,


sarili’y maialay;
Tulungan mong ihanap,
kami ng bagong malay.
KYRIE
Panginoon, kaawaan Mo kami 2x
Kristo, kaawaan Mo kami 2x
Panginoon, kaawaan Mo kami 2x

Aklamasyon sa Ebanghelyo:

Luwalhati at Papuri
sa Iyo O kristo.
Tagapagligtas
ng sanlibutan.
Tinapay at Alak naming hatid
Misa Delgado Book 2

Aming hatid alay na ito


Ang tinapay na nagmula sa
pagpapala mo.
At tanggapin ang alak na ito
Inuming inihain sa'yo

Mahal naming D'yos inyong


tanggapin
Ang munting alay mula sa amin
Buong puso naming hihintayin
Pagpapala na aming hiling

SANTO
Scorebook & Album: Tinapay ng Buhay

Santo, Santo, Santo!


Panginoong Diyos
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan Mo.

Osana, osana sa kaitaasan


Osana, osana sa kaitaasan

Pinagpala ang naparirito


sa ngalan ngalan ng Panginoon.

Osana, osana sa kaitaasan


Osana, osana sa kaitaasan 2x
SA KRUS
Scorebook & Album: Tinapay ng Buhay

Sa Krus Mo at pagkabuhay
Kami’y natubos Mo’ng tunay.
Poong Hesus naming mahal,
Iligtas Mo kaming tanan.
Poong Hesus naming mahal,
Ngayong at mapagkailanman.
AMEN!
AMA NAMIN
MANOLING FRANCISCO SJ

Ama namin sumasalangit Ka


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo,
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami
Sa aming mga sala.
Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa
tukso,
At iadya Mo kami sa lahat
ng masama.

Sapagkat sa’Yo ang kaharian,


Kapangyarihan at kapurihan.
Ngayon at magpakailanman (2x)
AGNUS DEI –
KORDERO NG DIYOS
FR. ARNEL DC. AQUINO

Kordero ng Diyos na nagaalis


ng mga kasalan ng sanlibutan,
Maawa ka sa amin 2x
Kordero ng Diyos na nagaalis
ng mga kasalan ng sanlibutan,
Maawa ka sa amin 2x

Kordero ng Diyos na nagaalis


ng mga kasalan ng sanlibutan,
Ipagkaloob Mo sa amin ang
kapa-yapa—an.
Komunyon:

PAG-IBIG KO
HANGAD

Hindi ka kailangang magbago


Kahit ito'y mas ibig ko
Hindi ka kailangang magsikap
nang husto
Upang ika'y ibigin ko

REFRAIN:

Iniibig kita manalig ka sana


Ako'y kapiling mo
Kahit ikaw pa ma'y mapalayo

Kailan magwawakas ang 'yong


pagtatago
Ako'y naghihintay sa 'yo
Lumapit ka lamang ang puso ko'y
hagkan
Pag-ibig ko'y walang hanggan
PAGPAPAHID NG ABO

LUPA

Nagmula sa lupa
Magbabalik na kusa,
Ang buhay mong sa lupa nagmula

Bago mo linisin
Ang dungis ng 'yong kapwa,
Hugasan ang 'yong putik sa mukha
PRE-CHORUS:

Kung ano ang 'di mo gusto


Huwag gawin sa iba
Kung ano ang 'yong inutang
Ay s'ya ring kabayaran
VERSE 3:

Sa mundo ang buhay


Ay mayroong hangganan
Dahil ay lupa lamang

CHORUS:
Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y
magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin
mo
PRE-CHORUS:

Kung ano ang 'di mo gusto


Huwag gawin sa iba
Kung ano ang 'yong inutang
Ay s'ya ring kabayaran
CHORUS:
Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y
magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin
mo 2x.
PAGPAPAHID NG ABO

SINO AKO
Verse 1:
Hiram sa Diyos ang aking buhay
Ikaw at ako'y tanging handog lamang
'Di ko ninais na ako'y isilang
Ngunit salamat dahil may buhay.
Verse 2:
Ligaya ko na ako'y isilang
Pagkat tao ay mayroong dangal
Pre-Chorus:
Sino'ng may pag-ibig, sino'ng
nagmamahal
Kung 'di ang tao
Diyos ang pinagmulan?
Chorus:
Kung 'di ako umibig
Kung 'di ko man bigyang halaga
Ang buhay kong handog
Ang buhay ko'ng hiram sa Diyos.
Kung 'di ako nagmamahal
Sino ako?
PANANAGUTAN

Walang sinuman ang nabubuhay


para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
para sa sarili lamang
Refrain:
Tayong lahat ay may pananagutan
sa isa't-isa.
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
na kapiling nya.
Verse 2:
Sa ating pagmamahalan at
panglilingkod sa kanino man
Tayo ay magdadala ng balita na
kaligtasan
Refrain:
Tayong lahat ay may pananagutan
sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling nya.

You might also like