You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BAYAMBANG NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGSAYSAY ST., BAYAMBANG, PANGASINAN

Unang Pangkagawarang Pagsusulit


School Year: 2022-2023
FILIPINO 9

Pangalan:_______________________________________________________Petsa:_______________
Baitang at Seksyon:______________________________________________ Iskor:_______________

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Elemento ng maikling kuwento na inaasahang maging kawili-wili at kapana-panabik upang makuha


ang interes ng mambabasa.
A.panimula B.saglit na kasiglahan C.tunggalian D.wakas

2. Elemento ng maikling kuwento kung saan payapa na ang mga tauhan matapos malutas at
humupa ang mga suliranin.
A.panimula B.saglit na kasiglahan C.tunggalian D.wakas

3. “Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang
maubos niya ng mag-isa.” Anong katangian ng ama ang ipinakita sa pahayag?
A.malupit B.makasarili C.mabait D.madaya
.
4. Sa kuwentong “Ang Ama”, siya ang batang sakitin at palahalinghing na parang kuting.
A.Mui-Mui B.Adrian C.Mauro R. Avena D. Ama
.
5. Uri ng maikling kuwento kung saan nabibilang ang kuwentong Ang Ama.
A.Kuwento ng Tauhan C. Kuwento ng kaisipan
B.Kuwento ng Sikolohiko D. Kuwentong Makabanghay

Para sa bilang 6-10


6. Malinaw ang paalala ng ina sa kanya, kung gayon kailangan iyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.
Ang katagang naka-italisado ay ginamit sa pangungusap na ____________.
A.Pamukod B.Panubali C.Panlinaw D.Pananhi

7. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak. Ang katagang naka-italisado ay isang
________.
A.Pangatnig B.Transitional device C.Pang-ugnay D.Pang-abay

8. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan. Ang salitang naka-italisado ay ginamit na
__________ sa pangungusap.
A. Pamukod B.Panubali C.Panlinaw D.Pananhi

9. __________ matalino siya, wala naman siyang kaibigan. Punan ng tamang pang-ugnay ang
pangungusap.
A. Bagamat B.Datapwat C.Samantala D.Ngunit
10. Walang diperensiya sa akin maging si Alucard man ang magwagi. Ano ang pang-ugnay na ginamit sa
pangungusap?
A. Walang B.akin C. maging D. magwagi

11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamitan ng pangatnig?


A. Masaya ang mga mag-aaral sa pagbabalik ng face to face na klase.
B. Ni bumati ni tumingin ay hindi niya magawa man lang sa akin.
C. Maraming mag-aaral ang piniling pumasok sa Pambansang Mataas na Paaralan ng
Bayambang.
D. Masayahin talaga ang mga mag-aaral na kabilang sa baitang Boron.

12. Ako man _______ ikaw ang mapili sana ay hindi masira ang pagkakaibigan natin. Punan ng tamang
pang-ugnay ang patlang.
A. O B. upang C.habang D.at
13. Tawag sa mga kataga na nagdurugtong para sa maayos na pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
A.Pangatnig B.Transitional device C.Pang-ugnay D.Pang-abay

14. “Gusto mo bang maging masama ako? gaya ng iba. Sigaw ni Sugeng “Pabalik-balik sa kaniyang
pandinig ang sigaw niyang iyon. Anong uri ng tunggalian ang pahayag?
A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa kalikasan
B. Tao laban sa sarili D. Tao laban sa lipunan

15. Ito ang tunggaliang naganap sa isipan ng tao


A. Tao vs kalikasan B. Tao vs. kalikasan C. Tao vs kapwa D. Tao vs. sarili
16. Ang biglaang pagputok ng bulkan na maaaring maglagay sa pangunahing tauhan sa panganib ay
halimbawa ng tunggaliang ______________.
A. Tao vs kalikasan B. Tao vs. lipunan C. Tao vs kapwa D. Tao vs. sarili
17. Ang pangunahing tauhan sa tunggaliang ito ay nakikipagbanggaan sa lipunan.
A. Tao vs kalikasan B. Tao vs. lipunan C. Tao vs kapwa D. Tao vs. sarili
19. timawa.
18. Ang babae lang ang dapat na gumawa ng gawaing-bahay. Ano ang pahayag na ito?
A. opinyon C. ekspresyon
B. katotohanan D. mensahe

19. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang katotohanan?


A. Mabait ang bata.
B. Mas gusto kong magkaroon ng kapatid na babae kaysa lalaki.
C. Ang mga pulitiko ay nasisilaw sa kapangyarihan.
D. Ang babae lang ang dapat gumagawa ng gawaing-bahay

20. Batay sa resulta umabot na sa 6 milyong katao ang nahawaan ng corona virus pandemic sa buong
mundo. Ang pahayag ay isang________.
A. Opinyon C. Walang katotohanan
B. Katotohanan D. Kasinungalingan

21. Paano nakatutulong ang mga pahayag sa katotohanan sa isang pangyayari?


A. nakapagdaragdag ng impormasyon
B. mga pahayag na maaaring maging tulong bilang mga ebidensiya
C. mga pahayag batay sa sariling paniniwala lamang
D. nakapagpapaisip sa mga taong nakakakita sa mga pangyayari

22. Mula sa nobelang “Takip silim sa Dyakarta “ alin sa mga pangungusap rito ang nauuri bilang tao laban
sa sarili?
A. “Gusto mo bang maging masama ako gaya sa iba?’ Sigaw ni ni Sugeng, pabalik-balik sa
kaniyang pandinig ang sigaw niyang iyon.
B. “Baka walang pera”, naisaloob ni Dahlia
C. Nadama ni Hasnah ang katapatan sa kaniyang pagsasalita.
D. Nagtama ang kanilang mga tingin at kapwa sila napangiti.
23. Walang katarungan sa mundong ito. Hindi binibigyan ng pagkakataong manatiling tapat ang mga
taong gustong maging tapat. Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?
A. galit B. nalulungkot C. nagsisi D. nasisiyahan

24.“Kahit huwad ang mga korporasyong itatayo natin, meron pa ring pagkakagastusan tulad ng buwis,
mga sertipiko, at marami pang iba.
A. kabutihan B. katotohanan C. kagandahan D. opinyon

25.Subalit isinumpa ko sa aking sarili, sa harap ng bangkay ng aking ama, na ako ay pilit na mag-aaral, at
ako ay magiging manggagamot. Hahanapin kong pilit ang tagumpay na siyang adhika niyang maging
akin.” Ang pahayag ay tumutukoy sa uri ng tunggaliang _________.
A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa kalikasan
B. Tao laban sa sarili D. Tao laban sa lipunan

Para sa bilang 26-30


26. Ano ang persona sa tulang ang Punongkahoy?
A. Batis B. Krus C. Punongkahoy D. Dahon
B.
27. Mula sa tulang Ang Punongkahoy saknong bilang VI, ano ang pahiwatig ng taludtod
na ito?
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;

A. malapit na siyang ihatid sa huling hantungan


B. nagsisisi dahil sa bata pa’y sa bisyo naaliw
C. ang kanilang ginawa ay inspirasyon sa iba
D. nawala lahat ang kanyang kaligayahan; nararamdaman ang kalungkutan at
nag-iisa sa dilim

28. Ano ang sinisimbolo ng punongkahoy sa tula?


A. krus B. libingan C. buhay D. kandila

29.Ang tulang punongkahoy ay may sukat na?


A. Aaniming pantig C. Lalabing-animing pantig
B. Lalabindalawahing pantig D. Wawaluhing pantig

30. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan?

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

A. Pagdadalamhati C. Kalungkutan
B. Pagtangis D. Kasakiman

31. Elemento ng tula na tumutukoy sa pagiging magkatunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod.
A. Kariktan B. Sukat C. Tugma D. Talinghaga

32.Ano ang nais ipakahulugan ng saknong?

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam

A. Ang buhay ay puno ng misteryo.


B. kahit gaano kaganda o kasaya ang buhay, darating din na tayo ay dadanas ng problema
C. Ang buhay ay puno ng karanasan
D. Lahat ng tao ay nakikipagsapalaran

33. Sino ang may-akda ng tulang “Ang Punogkahoy”?


A. Lope K. Santos C. Ildefonso Santos
B. Jose Dela Cruz D. Jose Corazon De Jesus

34. Isang akdang pampanitikan na itinuturing na bulaklak ng panitikan, sapagkat namumukod tangi ang
taglay nitong kakanyahan. Naihahatid ng mga makata ang mensahe ng kanilang tula sa piling-pili at
limitadong salita.
A. Awit C. Tula
B. Soneto D. Tanka

35. Ano ang paksa ng tula sa bilang 33?


A. tungkol sa buhay ng tao C. tungkol sa kamatayan
B. tungkol sa paglalakbay D. tungkol sa kalamidad

Para sa bilang 36-40


Basahin ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba na may higit sa isang kahulugan
mula sa binasang sanaysay (Kay Estella Zeehandelaar).

36. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon.


A. modernong panahon C. nakaraang panahon
B. kasalukuyang panahon D. malayang panahon

37. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkakaalipin.
A. pinagbabawalan C. binigyang pahintulot
B. binigyang biyaya D. pinaaalis

38. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga
puting kapatid.
A. kauri B. kasama C. kabilang D. kaugnay

39.. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay.


A. parusahan B. ikulong C. itago D. pahirapan

40. Ang mga sumusunod ay mga tradisyon na sinusunod ng pamilya ni Estella


Zeelandelaar
A. bawal magtrabaho ang kababaihan
B. hindi nakapag-aaral ang mga babae
C. ipinagkasundo ang mga babae sa kanilang mapangasawa
D. Lahat ng nabanggit

41. “Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang buhay mo.” Anong uri ng
pang-ugnay ang nakaitalisadong salita?
A. Pangatnig C. Pang-angkop
B. Pang-ukol D. Pangawing

42. Kung kayo ay isa sa mga kabataang naging biktima ng pandemia na COVID 19 sa
inyong lugar, ano ang maipapayo mo sa mga kabataang may matitigas na ulo?
A. hahayaan nalang sila dahil may sarili silang pag-iisip
B. payuhan na susunod sa mga mga protokol na ipinatupad
C. bigyan ng kalayaan ang mga kabataan na maging masaya
D. Iwasan ang makihalubilo sa mga kabataan upang walang gulo

43. Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong silang na Europa
ay nagtutulak sa akin na maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Alin ang
pinakaangkop na kahulugan sa salitang may salungguhit?
A. maganda B. masipag C. maalalahanin D. matapang

44. Mga pang-ugnay na itinuturing sa wikang Filipino maliban sa ______


A. Pang-abay B. Pang-angkop C. Pang-ukol D. Pangatnig

45. Alinsunod sa batas, bawal ang illegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan. Anong uri ng pang-
ugnay ang salitang may salungguhit?
A. Pang-angkop B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-abay

Para sa bilang 46-50


46. Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita, iisipin mo rin bang iniisahan ka ng iyong Diyos? Bakit?
Bigyan ng patotoo ang iyong sagot.
A. Hindi. Dahil mahal Niya ako.
B. Opo. Dahil gusto Niya.
C. Hindi. Dahil pawang kabutihan ang bigay ng Diyos sa akin.
D. Opo. Dahil ginugulo Niya ang buhay ko.

47. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao?
A. upang maging masaya palagi
B. upang mabigyan ng magandang buhay
C. upang mapalayo sa sakit
D. upang mapalayo sa kapahamakan, magkaroon ng magandang buhay, mapalayo sa
sakit, at maging masaya

48. Paano haharapin ng tao ang lahat ng mga kabiguang dumarating sa buhay?
A. Sisihin ang sarili sa nangyari.
B. Kusang harapin ang katotohanan.
C. Magtiwala, manalangin at kumapit sa Maykapal.
D. Magsikap nang mabuti at mapagtagumpayan lahat na kabiguan.

49. Ano ang naunawaan sa bandang huli ng nagsasalita sa teksto tungkol sa kinasapitan ng kaniyang
mga plano sa buhay? Sa tekstong “Kapag Naiisahan Ako ng Aking Diyos”

A. ibig Niya akong magtagumpay


B. Siya ang pinakamahusay na arkitekto ng buhay
C. Hindi naman ibig ng Diyos na maging palpakin ako
D. Kailangan kong ibigay ang lahat ng aking pananalig at pag-asa sa Kaniya

50. Bakit mahalagang matutuhan ang mga expresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon?
A. Tahasan itong nagsasaad ng katotohanan sa isang pangyayari, nababanghay ang mga
salita kaya malinaw na naibibigay ang impormasyon
B. upang maging mabisa ang paglalahad ng mga impormasyon
C. dahil malaking tulong ito sa pagsasagawa mo ng inaasahang pagganap
D. nasusuri ang mga salita.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


JENNIFER R. JUNIO HERACLEA M. FERRER
Guro I Guro III

Pinagtibay ni: Binigyang-pansin nina:


VILMA C. COLLADO VIRGIL R. GOMEZ ANGELITA V. MUNOZ, EdD
Ulongguro III Punongguro IV Tagamasid Pampurok
SUSI SA PAGWAWASTO FILIPINO 9

1. A 26. C
2. D 27. D
3. B 28. C
4. A 29. B
5. D 30. A
6. C 31. C
7. B 32. B
8. C 33. D
9. B 34. C
10. C 35. A
11. B 36. A
12. A 37. C
13. B 38. B
14. B 39. B
15. D 40. D
16. A 41. C
17. B 42. B
18. A 43. A
19. D 44. A
20. B 45. C
21. B 46. C
22. A 47. D
23. C 48. C
24. B 49. D
25. A 50. A

You might also like