You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 10

NAME: ______________________________________________ GRADE&SEC.: _______________________


DATE: __________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.


A. dagli B. alamat C. epiko D. mitolohiya
2. Kinain ni Psyche upang maging Diyosa?
A. ambor B. amborsia C. ambrosia D. amberia
3. Alin sa mga sumusunod ang unang pagsubok na ibinigay ni Venus kay Psyche bilang isang alipin?
A. Pagbubuklod ng maliit na buto.
B. Pagkuha ng itim na tubig sa ilog.
C. Pagkuha ng gintong balahibo galing sa mga aso.
D. Pagkuha ng kagandahan galing sa Diyosa na nakatira sa ilalim ng lupa.
4. Sanhi ng paghihirap ni Psyche?
A. makulit C. kawalan ng pagtitiwala
B. masyadong mabait D. wala sa nabanggit
5. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
6. Alin sasumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang tiwala”
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
7. Ano ang pinakagintong aral na maaaring makuha sa mitolohiyang “Cupid at Psyche”?
A. Mahalin natin ang ating mga magulang sapagkat lagi silang nandiyan para sa atin.
B. Pahalagahan ang pag-ibig ng bawat isa sapagkat dahil dito ay maaari momg
malampasan ang lahat ng iyong problema.
C. Makinig sa sinasabi at pinapayo ng iba sapagkat hindi natin alam na makakatulong
pala ito para sa atin.
D. Aanuhin pa ang pag-ibig kung wala naman itong tiwala.
8. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.
9. Bakit nilito ng dalawang kapatid ang pag-iisip ni Psyche noong nalaman nila ang estado niya
ngayon?
A. Dahil inuutos ng kanilang ama na muli silang magsama-sama sa iisang tahanan o bahay.
B. Dahil mahal na mahal niya ang mga ito bagkus pinapaalis na nila ito sa palasyo at sumama na
lamang sa kanila.
C. Dahil inggit na inggit sila sa kayamanan na mayroon siya ngayon.
D. Dahil nalaman nila na ang lalaki ay isang halimaw at nararapat lamang na tumakas agad-agad.
10. Alin sa mga sumusunod ang tunay na nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili base sa akdang
Cupit at Psyche?
A. Pagkainggit ni Venus sa kagandahan ni Psyche.
B. Hindi pagsunod ng ama ni Psyche sa utos ni Apollo.
C. Pagkalito ng isip ni Psyche kung susundin ba niya ang utos ng kaniyang mga kapatid.
D. Ang pag-alis ni Cupid dahil hindi sinunod ni Psyche ang kaniyang mga payo.
11. Ang ________________ ay mga kuwentong madalas na hango sa Banal na Kasulatan at umaakay sa
matuwid na landas ng buhay.
A. dagli B. nobela C. pabula D. parabula
12. Aling bahagi ng banal na aklat matatagpuan ang parabola tunkol sa isang tusong katiwala?
A. Lukas 16: 1-15 B. Mateo 16:1-15 C. Roma 16: 1-15 D. Santiago 16: 1-15
13. Tuwing may kalamidad, ipinapakita ng mga Pilipino ang pagmamalasakit sa kapwa sa
pamamagitan ng kusang loob na pagtutulungan. Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng;
A. Kabutihan B. Kadakilaan C. Kagandahang-asal D. Katotohanan
14. Ang Bibliya ang tawag sa banal na aklat ng mga Kristiyano, samantalang Quar’an naman ang
tawag sa mga Muslim. Ang pahayag na ito ay naglalahad ng;
A. Kabutihan B. Kagandahang-asal C. Kadakilaan D. Katotohanan
15. Piliin kung alin sa sumusunod ang masasalamin sa parabula
A. Kultura C. Kalagayan ng tao sa Panlipunan
B. Kabuhayan D. Panahong pinagdaanan
16. Bakit mahalagang pag-aralan ang isang parabula?
A. nagiging gabay tungo sa mabuting landas ng buhay
B. nagsisilbing ispirasyon sa buhay ng isang tao
C. nagbibigay aral sa buhay
D. lahat ng nabanggit

Para sa bilang 17:


“Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako
mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong
namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.”

17. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag na ito?


A. nagsisisi B. nahihiya C.nalulungkot D. natatakot
18. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang__________________.
A. amo B. bathala C. Diyos D. siga
19. Ang pagmamano ng kamay sa mga nakakatanda ay nagpapakita ng______?
A. Kabutihan B. Kadakilaan C. Kagandahang-asal D. Katotohanan
20. Ano ang pangunahing mensahe ng parabulang “Ang Tusong Katiwala”?
A. Ang pagiging matapat sa lahat ng oras, maliit man na bagay o malaki ay patunay lamang na ikaw
ay mapagkakatiwalaan sa lahat ng oras at panahon.
B. Mahalaga ang kayamanan sa buhay ng isang tao upang maging maayos ang buhay.
C. Ang isang alipin ay maaaring maglingkod sa dalawang panginoon nang sabay.
D. Malaya ang mga taong gawin ang kaniyang nanaisin upangumangat sa buhay.
21. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga
pangyayari.
A. mito B. epiko C. alamat D. mitolohiya
22. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat
taludtod?
A. Sukat B. Tugma C. Tayutay D. Larawang-diwa
23. Ito ay tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao,
may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao.
A. Oda B. Elihiya C. Soneto D. Dalit
24. Ang ________________ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga
diyos at diyosa.
A. mitolohiya B. epiko C. alamat D. korido
25. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
A. pastoral B. elehiya C. soneto D. dalit
26. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan
ay ang ______________________.
A. Ibalon B. Iliad at Odyssey C. Gilgamesh D. Beowulf
27. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa mga salitang binabanggit na nag-iiwan ng malinaw at tiyak
na larawan sa isipan ng mambabasa?
A. Sukat B. Tugma C. Tayutay D. Larawang-diwa
28. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa mga salitang may kahulugan sa mapanuring isipan ng
mambabasa?
A. Tugma B. Tayutay C. Simbolismo D. Larawang-diwa
29. Alin sa sumusunod na konsepto ang hindi gaanong binibigyang diin sa isang epiko?
A. bayani B. pag-ibig C. pagsubok D. pakikipagsapalaran
30. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang
salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag?
A. Sukat B. Tugma C. Tayutay D. Larawang-diwa
31. Akdang pampanitikan na naglalaman ng mahahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang
A. nobela B. dula C. tula D. maikling kwento
32. Ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kuwento kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
A. kakalasan B. kasukdulan C. tunggalian D. wakas
33. Ito ay isang uri ng kuwento na higit na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, at pagsasalita ng
isang tauhan.
A. kuwentong makabanghay C. kuwento ng tauhan
B. kuwento ng katutubong kulay D. kuwento ng kababalaghan
34. Isa sa mga uri ng teksto na ang layunin ay makapagpaliwanag.
A. Tekstong Naglalarawan C. Tekstong Naglalahad
B. Tekstong Nagsasalaysay D. Tekstong Nangangatwiran

Para sa mga bilang 35-37


Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya sa
daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang
alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng
kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay
napakapangit.
35. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang iyong mga pangarap sa buhay?
A. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbigay
sa akin ng masaganang buhay.
B. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makukuntento na sa kung ano ang
kayang ibigay sa akin ng aking asawa.
C. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang
aming buhay.
D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako Masaya sa uri ng buhay na kaya niyang
ibigay upang lalo siyang magsumikap.
36. Ano kaya ang magagawa ni Mathilde ngayong bumalik sa kanya ang hirap na buhay?
A. Pabayaan ang kinakaharap na buhay.
B. Iwasan ang mga luhong bagay at magsikap.
C. Magtrabaho nang maayos at tulungan ang kanyang asawa.
D. Mangutang upang may maiayos ang buhay at magsimulang muli.
37. Ano ang natuklasan ng pangunahing tauhan sa nawawalang bagay na ilang taon niyang pinaghirapan
upang mapalitan?
A. Hindi totoong ginto ang kuwintas C. Nawala ang alahas na di sa kanya
B. Totoo ang kuwintas kaya siya kinabahan D. Galit nag alit ang kanyang asawa.
38. Uri ng panitikan na naglalahad ng isang kawil ng mga pangyayari na hindi sa isang mahusay na
pagbabalangkas karaniwa’y binubuo ng mga kabanata.
A. dula B. tula C. nobela D. sanaysay
39. Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng
relasyong_____________________.
A. layunin at resulta C. paraan at resulta
B. paraan at layunin D. sanhi at bunga
40. Sinubok isuot ni Mathilde ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan
kung ang mga iyon ay isasauli o hindi. Ano ang ibig sabihin ng nakasalungguhit na salita?
A. nalilito B. nagsusumamo C. nagmamakaawa D. nagmamaganda

You might also like