You are on page 1of 3

4th – W Maranatha Christian Academy

3rd Periodical Exam Filipino 10

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga sumusunod na mga tanong.


1. Ito ay nagbibigay -kahulugan sa isang na ang batayan aya ang pinagmulan nito.
a. kosmolohiya b. etimolohiya c. terminolohiya
2. Ito ay nagmula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay buwan ng araw.
a. Lunes b. Martes c. Myerkules
3. Ang pangalan ng isang buwan mula sa diyos ng digmaan ng mga Romano
a. Enero b. Pebrero c. Marso
4. Ito ay isang proseso kung saan ang isang salita o pahayag na pananalita o sulat man, ay nagaganap sa
ibang wika na may katulad ding kahulugan o kaisipan mula sa orihinal.
a. terminolohiya b. etimolohiya c. pagsasaling wika
5. __________ isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kwento.
a. etimolohiya b. Metolohiya c. Kosmolohiya
B. Panuto: Ibigay ang pagkasunod-sunod ng salita ayon sa antas nito. Isulat sa puwang bago ang bilang
ang bilang ang mga titik ng tamang pagkasunod-sunod
_________ 6. a. dabog b. inis c. galit _________ 7. a. lumbay b. lungkot c. hinagpis
_________ 8. a. minahal b. sininta c. nagustuhan _________ 9. a. kayumanggi b. maitim c. negra
_________ 10. a. malamig b. mahalumigmig c. nagyeyelo _________ 11. a. ngumawa b. umiyak c.
tumangis
_________ 12. a. iniibig b. sinisinta c. sinasamba _________ 13. a. namumuhi b. nagtatampo c.
nagngingitngit _________ 14. a. tumawa b. humalakhak c. ngumisi _________ 15. a. nagagalak b.
natutuwa c. nalulugod
II.PAGPIPILI A. TULA Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang tanong pagkatapos. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot.
16.Ito ay elemento ng tula na may malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito
ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.
A. Sukat B. Tugma C. Simbolismo D. Talinghaga
17. Ito ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga
at metapisikal.
A. Sukat B. Tugma C. Simbolismo D. Talinghaga
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan. (Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)
18. Anong elemento ng Tula ang may salungguhit sa itaas?
A. Sukat B. Kariktan C. Simbolismo D. Talinghaga Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko, Nguni’y muling tumayo: Nagkabunga ng ginto! (Palay, Tanaga ni Ildefonso
Santos)
19. Anong simbolismo ang ginamit sa tula sa itaas?
A. Palay B. Ginto C. Tumayo D. Yumuko
20. Anong uri ng tula ang binasa?
A. Tradisyonal B. Malaya C. Tugmaan D. Marikit B. ANEKDOTA
Panuto: Basahin ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot ayon sa anekdota ni Nelson Mandela.
21. Ano sa tingin mo ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati?
A. Kalayaang Politikal B. Kalayaang pilosopiya C. Kalayaang teolohiya D. Kalayaan sa sarili
22. Gaano kahalaga sa isang tao at bansa ang kalayaan?
A. Binibigyan tayo ng karapatang mabuhay nang hindi umaasa sa kahit na sino
B. mabuhay nang kung paano mo gustong mabuhay
C. Mabuhay ng may karapatan at legal ayon sa batas ng lipunan.
. Ang pagiging ligtas sa anumang usaping panlipunan at mabuhay ng Malaya.
23. Batay sa anekdota, Ano ang iyong reaksiyon sa kalagayan ng mga taga-Timog Africa?
. Nakakaka-tuwa dahil malaya na ang mga tao sa kapahamakan.
B. Nakalungkot dahil mailalarawan natin ang timog Africa na isang bansang nakakulong sa ilalim ng
nakamamatay na ideyolohiya at ng rasismo.
C. Nakakatuwa dahil may bago nn nahalal na pangulo ang Africa
D. Ako ay kinakabahan sa kahaharapin pa ng mga African dahil hindi talaga Ganun kalakas ang kanilang
bagong pangulo.
24. Ano ang masasabi mo sa katangian ni Mandela ayon sa talumpati?
A. Hindi siya nagsasabi ng totoo niyang nararamdaman dahil nakakatakot ang maging pangulo sa Africa.
B. Siya ay mabuting pinuno na naghahangad ng mabuti para sa kanyang sarili lamang at ginagamit ang
kanyang mga nasasakupan o mamamayan.
C. Nagtatapang-tapangan lamang kahit na alam niyang hindi niya kaya ang tungkuling naka-atas sa
kanyang mga balikat.
D. may bukal na kalooban dahil iniisip nya ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan bilang pangulo
tungo sa pagbabagong kanyang sinabi.
25. Anong damdamin ang iyong naramdaman sa talumpati ni Mandela?
A. ako ay nagkaroon ng panibagong pag-asa, pag-asa na makamit ang inaasam na kalayaan.
B. Namangha dahil makakamit na nila ang kanilang minimithing kalayaan.
C. Malungkot dahil wala namang forever, matatapos din ang kanilang kasiyahan.
D. Nakaramdam ako ng mahika at kapangyarihan sa mga salitang kanyang sinambit.
26. Ito ay uri ng tula na may balangkas na naglalahad ng isang kasaysayan, mga tagpo o mga pangyayari.
a. tulang damdamin b. tulang pasalaysay c. Tulang pandulaan d. tulang patnigan
27.Ito ya isang laro sat ula o isang paligsahan sa husay ng pagbigkas na isinasagawa sa isang lamay ng
namatayan.
a. duplo b. dalit c. awit d. balagtasan
28. Ito ay pagbibigay-aliw sa pamamagitan ng katawa-tawang pang-uuroy ngunit malatotoong mga
kayabangan, panunudyo, at palaisipan.
a. pastoral b. batutian c. karagatan d. balagtasan
29. Isang tulang liriko na nagtataglay ng mga aral sa buhay na binubuo ng labing apat na taludtod.
a. awit b. soneto c. oda d. dalit
30. Ito ay tula na naglalarawan sa pamumuhay sa bukirin.
a. pastoral b. dalit c. elehiya d. oda
31. Tulang pamana ng mga Kastila sa mga Pilipino, patungkol sa pagiging.
a. awit at korido b. elehiya c. tulang pasalaysay d. epiko
32. isang tula na makabagbag-damdamin tungkol sa isang yumao.
a. oda b. korido c. elehiya d. dalit
33. Ito ay tula na hindi nagpapahayag ng isang kwento na naglalarawan ng karakter at aksyon kundi
nagpapahayag ang makata ng kanyang damdamin, iniisip, at prensipyo.
a. tulang liriko b. tulang pasalaysay c. tulang pandulaan d. tulang patnigan
34. Anong uri ng tula ang naglalarawan sa madulang pangyayari na halos katulad ng nagaganap sa tunay
na buhay.
a. tulang liriko b. tulang pasalaysay c. tulang pandulaan d. tulang patnigan
35. Ang tulan ito ay nagpaparangal sa Diyos at may halong pilosopiya sa buhay.
a. awit b. soneto c. dalit d. pastoral

You might also like