You are on page 1of 7

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Pagkatapos, sundin ang panuto
sa bawat bilang. Piliin ang letra nang tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Ang kaalamang-bayang ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno at nagbibigay
pakahulugan na ang mga sinaunang Pilipino ay hilig mag-isip. Ito ay naglalarawan sa anong uri
ng kaalamang-bayan?
A. bugtong C. tula
B. palaisipan D. tulang panudyo

2. Ang palaisipan ay isang uri ng kaalamang-bayan. Aling pahayag sa ibaba ang hindi tumutukoy
sa katangian nito?
A. Anyong patula
B. Paboritong pampalipas-oras
C. Manlibak, manukso o mang-uyam
D. Pukawin at pasiglahin ang kaisipan
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tanging naglalarawan sa tulang panudyo?
A. Pukawin at pasiglahin ang isipan ng tao.
B. Kalimitang maiksi na binibigkas at nagbibigay-aliw.
C. Akdang patula na manlibak, manukso o mang-uyam.
D. Babala o paalalang makikita sa pampublikong sasakyan.
4. Ang sumusunod ay layunin ng kaalamang-bayan, maliban sa isa?
A. Ito ay nasa anyong prosa.
B. Paboritong pampalipas oras ng ating ninuno.
C. Tulang nagbibiro, nambubuska, at nanunukso.
D. Layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng tao.
5. Aling pahayag sa ibaba ang hindi katangian o layunin ng tugmang de gulong?
A. Paalala o babala sa mga tao.
B. Kalimitang makikita sa pampublikong sasakyan.
C. Paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno.
D. Malayang maiparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbiyahe.
6. Mula sa taludtod na, “Isang bagay na nakadikit”, anong mga salita ang kapangkat ng
salitang nakaitalisado?
A. nakasara, nakakulong at nakatago
B. nakalagay, nakapakat at nakasama
C. nakabungkos, nakatali at nakasama
D. nakahiwalay, nakaalis at nakatanggal
7. Ano ang salitang kasama ng paliwanag ang kapangkat ng mga salitang: sagabal, harang,
balakid, ?
A. galak, dahil may natanggap na biyaya
B. hadlang, dahil sa pagpigil sa mga gustong gawin
C. layunin, dahil sa kaniyang pangarap na makaahon sa kahirapan
D. patnubay, dahil binibigyan ng tamang gabay at payo upang hindi maligaw ng
landas

8. Anong salita ang kapangkat ng mga salitang: layunin, hangarin, naisin,


at ang magsisilbing paliwanag sa kahulugan ng mga ito?
A. problema, dahil mahilig mangutang
B. suliranin, dahil sa pandemyang dumating
C. pagsubok, dahil sinukat ang katatagan at paniniwala
D. mithiin, dahil tumutukoy sa mga bagay na pinapangarap na gustong maabot
9. Anong salita angkapangkat ng mga salitang: mahinuha, matuklasan,
malaman, at ang magsisilbing paliwanag sa kahulugan ng mga ito?
A. maitago, nangangahulugang naikubli
B. matanto, nangangahulugang pagkaunawa sa isang ideya
C. mapagtakpan, nangangahulugang mga kasagutan sa katanungan
D. masabi, nangangahulugang hiwagang mayroon ang bahagi ng
bahaghari

10. Ang sumusunod ay kahalagahan ng antala o hinto maliban sa isa.


A. Nagbago ang diwa ng pangungusap.
B. Naging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap.
C. Naging malinaw ang mensahe kapag angkop ang paggamit.
D. Naipahayag ang damdaming nakapaloob sa pamamagitan ng maling pagbigkas.
11. Isa sa ponemang suprasegmental ay ang intonasyon kung saan nagbibigay halaga sa pang-
araw araw na pakikipagtalastasan dahil...
A. malaman ang mga tunay na tunog
B. magkaroon ang salita ng ibang kahulugan
C. maging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap
D. maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdaming
makapagpahina ng usapan

12. Ang sumusunod ay mga kahalagahan ng suprasegmental, maliban sa isa.


A. Nakatutulong ito upang mas maintindihan ang kahulugan ng salitang binibigkas.
B. Nagdudulot ng pagkalito sa mga mambabasa ang paggamit ng suprasegmental dahil
nagbabago ang kahulugan nito depende kung paano ito binibigkas.
C. Sa pakikipagtalastasan matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensiyon ng pahayag
o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental.
D. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa
pakikipagtalastasan upang maging wasto ang baybay ng mga salitang isinulat.

13. Sa iyong palagay, ano kaya ang posibleng mangyari kung walang ponemang suprasegmental?
A. Mas mahihirapang magsalita ang mga tao.
B. Mas magkakaintindihan ang mga nag-uusap.
C. Mas magkakaroon ng saysay ang sa pakikipag-usap natin.
D. Mas malabo ang magiging mensaheng maipararating sa isa’t isa ng nag-uusap.
14. Alin sa sumusunod ang elemento na nagpapakita ng naganap sa panahon ng tag-ulan, tag-init,
umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan; sa bundok o sa ilog?
A. banghay C. tagpuan
B. katapusan D. tauhan

15. Matutunghayan sa bahagi ng kwento ang pagkikita ng tauhan at isang sulyap suliraning
kakaharapin. Alin sa sumusunod ang elementong tumutugon sa pahayag?
A. kakalasan C. tunggalian
B. kasukdulan D. saglit na kasiglahan

16. Aling elemento ng panitikan ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing.tauhan?


A. kakalasan C. suliranin
B. kasukdulan D. tunggalian
17. Nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas na ang maaaring kinahinatnan ay
masaya o malungkot batay sa daloy ng kuwento. Alin sa sumusunod na elemento ang
naglalarawan sa pahayag?
A. kakalasan C. resolusyon
B. katapusan D. tunggalian

18. Alin sa mga elemento ng sinaunang panitikan ang gumagawa ng aksyon sa kuwento?
A. kasukdulan C. tagpuan
B. suliranin D. tauhan

19. Daan sa wakas ng kuwento kung saan nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing
tauhan ang layunin. Alin sa sumusunod na elemento ang ipinipahayag?
A. kakalasan C. suliranin
B. kasukdulan D. tunggalian

20. “ , sa pampang ng Laguna de Bay ay may nanirahang isang mahirap na mangingisda


at ang kaniyang pamilya.” Anong pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap?
A. Isang araw C. Walang ano-anu’y
B. Mula noon D. Noong unang panahon

21. Anong pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap na, “ , doon na
sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita at nabuhay silang masaya at
mapayapa.”?
A. Kasunod C. At mula noon
B. Sa huli D. Sa malayong lugar

22. “ , biglang nagbagong anyo ang matanda at naging diwata at pinatawan ng parusa
ang malupit na si Larina.” Anong pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap?
A. Kasunod C. Noong isang araw
B. Sa wakas D. Walang ano-anu’y

23. Anong pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap na, “ , napag-
alaman ni Bathalang hindi pala pumunta sa araw ng kaniyang basbas si Uod.”?
A. Kasunod C.Bilang pagtatapos
B. At mula noon D.Makalipas ang ilang buwan
24. “ , napansin ni Bathalang tila may nawawala sa kaniyang mga nilikha.”
Anong pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap?
A. Isang araw C. Walang ano-anu’y
B. Mula noon D. Noong unang panahon

25. “ na iyon, tuluyan na ngang hindi nagpapakita ang uod sa mundong ibabaw.”
Anong.pahayag ang kinakailangan upang mabuo ang pangungusap?
A. Kasunod C. Walang ano-anu’y
B. Sa wakas D. Mula noong araw
Talata A
“Paano natin pananatilihing masaya ang ating sarili? Una, tiyakin nating
malusog ang ating katawan upang maiwasan ang sakit hangga’t maaari. Turuan
natin ang ating isip at damdamin nang mahinahong pagtanggap sa mga
kabiguan habang isinasadiwa ang katotohanang walang sinomang hindi
nagkakamali. Iwasan natin ang mga panganib sa labis na pagmamataas, nang sa
gayon, mapaghandaan natin ang pagharap sa mga darating na pagbabago.”

26. Ano ang pangunahing kaisipan?


A. Masaya ang sarili.
B. Tiyaking malusog ang pangangatawan.
C. Paano pananatilihing masaya ang sarili?
D. Turuan ang isip at damdamin nang mahinahong pagtanggap.
27. Ano-ano naman ang pantulong na kaisipan?
A. Makipagkaibigan sa mga mabubuting tao. Iwasan natin ang mga panganib ng labis
na pagmamataas, nang sa gayon,
mapaghandaan natin ang pagharap sa mga darating na pagbabago.
B. Una, tiyakin nating malusog ang ating katawan upang maiwasan ang sakit hangga’t
maaari. Turuan natin ang ating isip at damdamin ng mahinahong pagtanggap sa
mga kabiguan habang isinasadiwa ang katotohanan na walang sinumang hindi
nagkakamali.
C. Tiyakin nating malusog ang ating katawan upang maiwasan ang sakit hangga’t
maaari. Turuan natin ang ating isip at damdamin ng mahinahong pagtanggap sa mga
kabiguan habang isinasadiwa ang katotohanan na walang sinomang hindi
nagkakamali. Iwasan natin ang mga panganib sa labis na pagmamataas.
D. Tiyakin nating malusog ang ating katawan upang maiwasan ang sakit hangga’t
maaari. Turuan natin ang ating isip at damdamin ng mahinahong pagtanggap sa mga
kabiguan habang isinasadiwa ang katotohanan na walang sinumang hindi
nagkakamali. Iwasan natin ang mga panganib ng labis na pagmamataas, nang sa
gayon, mapaghandaan natin ang pagharap sa mga darating na pagbabago.
Talata B
Paano ka makasusulat ng magandang ulat hinggil sa aklat? Una, banggitin
ang pamagat at may-akda ng aklat. Ikalawa, ilahad ang tagpuan. Matapos
mailahad ang tagpuan, ilarawan ang mga pangunahing tauhan. Ikaapat,
isiwalat ang mga tunggalian o suliranin na kinasangkutan ng
pinakapangunahing tauhan. Pagkatapos, isunod ang pagbubunyag kung paano
nilutas ng pinakapangunahing tauhan ang nasabing mga tunggalian o
suliranin. Sa pagwawakas ng ulat, ipahayag kung ano ang pangkalahatang
masasabi mo tungkol sa aklat.

28. Ayon sa binasang teksto, ano ang pangunahing kaisipan?


A. Pagsulat ng magandang ulat
B. Isiwalat ang mga tunggalian o suliranin
C. Pagsulat ng magandang ulat hinggil sa aklat
D. Banggitin ang pamagat at may-akda ng aklat
29. Sa nabasang teksto, ano ang paksang pangungusap?
A. Banggitin ang pamagat at may-akda ng aklat.
B. Paano ka makasusulat ng magandang ulat hinggil sa aklat?
C. Ipahayag kung ano ang pangkalahatang masasabi mo tungkol sa aklat.
D. Isiwalat ang mga tunggalian o suliranin na kinasangkutan ng pinakapangunahing
tauhan.

30. Pinagkatuwaan sa Social Media ang ilang eksena mula sa mga seryeng hindi mahusay ang
animation at special effects na ginamit. Alin sa sumusunod na elemento ang tuon ng
pagsusuri?
A. aral C. kalakasan
B. kahinaan D. sosyo-historikal

31. Naipakita sa “Ang Probinsyano” ang iba-ibang usapin tulad ng droga at korapsyon na
masasabing tunay na nangyayari sa lipunan. Alin sa sumusunod ang tuon ng pagsusuri?
A. kahinaan C. sosyo-politikal
B. kalakasan D. sosyo-historikal

32. Alin sa sumusunod ang tuon ng pagsusuri sa bahaging ito: Ang tele- fantasyang
“Encantadia” ay nagpakita ng magandang biswal sa tulong ng makabagong teknolohiya at
animasyon.
A. aktor C. pagbabago
B. iskrip D. Tanghalan
33. Makikita sa eksenang sinasabayan ng mga kaanak ni Cardo sa pagsigaw ng hustisya ang
maraming balo at naulila ng tinatawag na extra-judicial killings.” Alin sa sumusunod ang tuon
ng pagsusuri?
A. pampamilya C. romantiko
B. politikal D. sosyo-historikal

34. Lumaki sa pangangalaga ng lola ang may karamdamang dalagitang si Tinay na naging “Little
Nanay” dahil sa pananamantala ng isang kaibigan. Aling elemento ang pinagtutuunan sa
pagsusuri?
A. aktor C. pagbabago
B. iskrip D. tanghalan
35. “Lumaking mabait, maganda at matalino si Amaya sapagkat maraming tao sa kanilang
nasasakupan ang humahanga sa kaniya. Alin sa sumusunod na salitang paghihinuha ang
ginamit sa pahayag?
A. mabait C. sapagkat
B. matalino D. sa palagay ko

36. Alin sa sumusunod na salitang paghihinuha ang ginamit sa pahayag? “Nakapagtapos si Erol ng
pag-aaral sa isang unibersidad sa ibang bansa marahil ay magkakaroon siya ng magandang
trabaho.”
A. marahil C. unibersidad
B. nakapag-aral D. yata

37. Ulila na si Ali at marahil ay maagang yumao ang kaniyang magulang. Alin sa sumusunod na
salitang paghihinuha ang ginamit sa pahayag?
A. akala C. marahil
B. datapwat D. samantala

38. Tinakasan ng kaniyang nobyo si Manisan, marahil ay tutol ang mga magulang ng binata. Alin sa
sumusunod na salitang paghihinuha ang ginamit sa pahayag?
A. ito C. marahil
B. kaya D. saka
39. Isa sa huwarang lider, kaya maraming humahanga sa kaniya bilang Mayor ng
Lungsod na kinasasakupan.” Anong panandang kataporik ang gagamitin upang mabuo ang
pangungusap?
A. ito C. niya
B. kami D. siya

40. Anong panandang anaporik ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap na, “Sipag na
sipag si Sasha sa pagsasagot ng kaniyang modyul. Hindi niya
tinitigilan hangga’t hindi natatapos.”?
A. ito C. nila
B. kami D. siya

41. Anong panandang anaporik ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap na,
“Isang.huwarang mag-aaral si Kian, hindi hinahayaang bumaba ang
kaniyang mga.marka.”?
A. ako C. ito
B. ikaw D. niya

42. Pagsapit ng araw ng Sabado, ay tapos na sa mga gawain sa modyul kaya


nakapag-aaral naman magluto ng tinapay si Sebi sa maghapon. Anong panandang kataporik
ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. ito C. niya
B. kayo D. siya

43. Tuwing umaga, bago magsagot ng modyul si Joey, ginagawa muna


ang gawain sa bahay gaya ng paglilinis ng kaniyang silid. Anong panandang anaporik ang
gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. ikaw C. niya
B. kayo D. sila
44. Anong panandang kataporik ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap na, “ ay
maganda at marunong na mag-aaral ngunit hindi naging mapagmataas si Sebi.”?
A. Ito C. Natin
B. Kami D. Siya
45. Sa pagsulat ng balita mahalaga ang kaayusan ng mga salita baligtad na piramide. Alin
sa sumusunod ang dahilan kung bakit ito mahalaga?
A. Maganda itong tignan
B. Abala ang mga mambabasa
C. Ito ang pinakamadaling kaayusan
D. Wala sa mga nabanggit
46. Alin sa sumusunod na pamatnubay ang ginagamit sa tuwirang balita?
A. Pamatnubay na ano
B. Naglalarawang pamatnubay
C. Pamatnubay na masidhi ang paglalarawan
D. Lahat ng nabanggit
47. Anong pamamaraan sa pagkalap ng datos sa balita ang karaniwang
isinasagawa?
A. kawilihan C. pakikipanayam
B. pagbabago D talata
48. Ito ay bahagi ng balita na kailangang maging mabisa at kawili-wili upang mapukaw ang
atensyon ng mga mambabasa.
A. datos C. talata
B. pamatnubay D. tunggalian
49. Anong datos ang karaniwang isinusulat sa unang talata sa balita?
A. ulat ng pananaliksik
B. pinagkunan ng balita
C. pinangyarihan ng balita
D. pamatnubay na pangungusap
50. Ito ay bahagi ng balita na karaniwang sinusulatan ng mahalagang datos na nakalap.
A. pamagat C. katawan ng balita
B. unang talata D. panghuling bahagi

You might also like